공유

Chapter 1

last update 최신 업데이트: 2023-01-05 23:04:24

Antoinette POV

"Julio, hindi ko kaya." Maiyak iyak na ako habang nagmamakaawa kay Julio na sabihin sa lalaking tinatawag nilang Mr. Castillion na hindi ko gusto na isama ako nito.

"Ano ka ba naman Nette ito na ang pinakamadaling solusyon sa problema mo. Nakaya mo ngang sumayaw kanina ng halos hubo't hubad." Sermon niya.

Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng bestidang suot ko. Kanina pa ako nakapagbihis pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil natatakot ako sa naghihintay sa'kin palabas.

"Magkaiba naman iyon, kahit immoral ang aking ginawa ay hindi ko naman pinagamit ang aking katawan." Apila ko ulit. Sa isipin palang na makikipagsiping ako sa hindi ko naman asawa o nobyo ay nangingilabot na ako sa takot.

"Nakakaistress kang bata ka! Moderno na tayo ngayon kaya walang kaso ang ipagamit ang katawan mo." Iwinagayway niya pa ang namimilantik na mga daliri sa'kin habang maarting nakasapo sa kanyang sentido. "Kung ano lang ang may vijayjay naku matagal ng warak 'yon."

Bigla akong napatakip sa tenga ko dahil sa mga teminong kanyang ginagamit. Hindi ko kayang pakinggan ang gan'ong mga bagay.

"Moderno man ang panahon ngunit hindi ko nais na makisabay sa panahon."

"Kapag ikaw talaga ang kausap ko dinudugo ang ilong ko sa lalim mong managalog." Pagtataray niya at nameywang sa aking harapan.

"Hahanap na lamang ako ng ibang solusyon, hindi ko maaatim na ibigay ang puri ko sa isang estranghero."

Dahil sa sinabi ko ay napapalatak siya at tila hindi na alam ang gagawin sa'kin. Mariin akong napapikit habang paulit ulit sa isip ko ang halos wala ng saplot na pagsasayaw ko sa harap ng mga kalalakihan. Napaantada ako at nagsign of a cross dahil sa kasalanang ginawa ko.

Patawarin niyo po ako Panginoon.

"Hindi siya estranghero, my gosh, si Fifth Castillion ang gustong maikama ka at handa siyang magbigay ng dalawang milyon para sa'kin. Napakaswerte mo, in fact kayang kaya niyang kunin lahat ng babaeng gusto niya na hindi manlang siya pinagpapawisan." Patuloy siya sa pagsermon at ang tanging ginawa ko ay pakinggan ang mga iyon.

Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Ito ang unang pagkakataon na umapak ako sa ganitong uri ng lugar at pakiramdam ko ay isa ako sa pinakamakasalanang tao na nabubuhay sa mundo. At hindi ko nais ang gan'ong pakiramdam.

Kung hindi lang ako nangangailangan ng malaking halaga ay hinding hindi papasok sa isipan ko ang umapak dito. Pinahid ko ang mga luhang tuluyang kumawala sa aking mga mata. Bago magsimula kanina ay walang humpay rin ang aking pag-iyak at gan'on rin ngayon.

"Kahit sinong lalaki ay hindi ko kakayanin na makipagsiping." Humihikbing sagot ko.

"Tatagan mo loob mo dahil ito lang ang pinakamadaling paraan para malutas ang mga problema mo."

Hindi ako nakakibo. Tama siya, ito lang ang pinakamadaling paraan para kumita ako ng milyon sa isang gabi at para malutas ang mga problema ko. Matapang naman ako kanina pero ngayong nasa sitwasyon na talaga akong ibibigay ang aking puri at makikipagsiping sa lalaking ngayon ko lang nakilala ay umatras ang kalooban ko.

"Ngunit kung gagawin ko ito ay hindi na ako muling makababalik sa kumbento." Napahagulhol ako. Siya naman ang hindi nakaimik. Hindi pa man ako nagsisimula sa pagsasayaw kanina ay malaki na ang pagkakasala ko at ayaw ko ng dagdagan pa iyon.

Kapag ginawa ko ito ay masisira ang mga pangarap ko. Ang pangarap kong pagsilbihan ang Panginoon, ang pangarap kong maging madre. Kung itong pagsubok na ito ay hindi ko malalampasan na nananatili akong berhin ay wala akong karapatang magsilbi dahil may bahid ng kaimmoralan ang pagkatao ko.

Susuwayin ko ang utos ng diyos na hindi makipagsiping sa hindi ko asawa. Sa isiping 'yon ay mas lalo lamang akong naluha.

"Kung hindi mo gagawin ano pang silbi ng pansamantala mong paglabas sa kumbento para tulungang madugtungan ang buhay ng ate mo." Seryoso niyang tugon.

Siya si Julio o mas gusto niyang tawaging Julia dahil isa siyang binabae. Matalik siyang kaibigan ng aking nakakatandang kapatid at siya rin ang nagbigay ng suhestyon na gawin ko ito dahil malaking pera ang maaari kong makuha sa mamahaling bar na ito. Siya ang manager ng mga mananayaw dito kaya madali akong naipasok.

At hindi nga naman kami naghirap na tumawad ng dalawang milyon pero walang kabayaran ang isusugal ko kaya mukhang hindi ko kakayanin.

"Hala na't mag-ayos ka na dahil baka mainip si Mr. Castillion, napakayaman ng taong iyon kaya hindi dapat pinaghihintay dahil masama kapag nagalit." Hinila niya ako patayo para humaram sa salimin.

Tinanggal niya lahat ng  kuloriteng nasa mukha ko dahil nagkalat na iyon dulot ng aking pag-iyak. Mariin akong napakagat labi upang pigilan ang pag-iyak ko.

Siguro'y makikiusap nalang ako kay Mr. Castillion na kung maaari ay sa ibang paraan ko na lamang suklian ang dalawang milyong ibibigay niya. Napakalaking halaga n'on at dapat lamang na may karampatang kabayaran maliban na lamang sa aking puri.

"Umayos ka, wag mong ipahahalatang galing ka sa pag-iyak at napilitan lang dahil kapag nalaman niyang sapilitan ito ay maaari niyang ipasara ang bar. Naku, kapag nagkataon maraming mawawalan ng trabaho." Tango lamang ang isinagot ko.

Pinagmasdan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng salamin habang suot ang isang puting bisteda na may karaniwang tabas at desinyo pero magandang tingnan. Malinis at kaaya aya sa paningin ko. Malayong malayo sa suot ko kanina habang nagsasayaw.

Ipinilig ko ang ulo ko para pansamantalang waksiin sa aking isipan ang ginawa ko kanina. Hindi ko maatim na isipin na talagang ginawa ko ang bagay na iyon.

"Tara na." Napipilitan man ay nagpatianod ako ng hilahin niya ako palaban. Laking pasalamat ko na lamang na nahubad ko na ang may mataas na takong na sapatos na suot ko kanina.

Ilang ulit akong humugot ng malalim na hininga habang binabaybay namin ang daan palabas sa mga dressing home. Silid iyon ng mga mananayaw dito. Sa dulo ng pasilyo ay naghihintay doon si Mr. Castillion. Nakasandal ito sa pader at nakapamulsa habang humihihit at bumubuga ng usok ng sigarilyo.

Malayo pa man ay nanginginig na ang mga tuhod at kamay ko dahil sa katotohanang ang lalaking ito ang pagbibigyan ko ng isang bagay na labis labis kong pinakaiingatan.

Kung pisikal na anyo ang pagbabasihan ay masasabing maswerte ako sapagkat napakagwapo niya. Matipuno ang pangangatawan, maganda ang kasuot, humahalimuyak sa pagiging mayaman ang matigas na tindig. Siya iyong tipo ng lalaki na mapapalingon ka ng dalawang beses kapag dumaan sa harap mo.

Ngunit sa kabila ng gwapo nitong anyo ay hindi iyon naging dahilan para maging bukal sa loob ko ang makipagsiping sa kanya at ibigay sa kanya ang puri ko. Kahit siguro'y ang pinakagwapo ng nilalang sa buong mundo ang magtangkang kunin iyon ay hindi ako magiging masayang ibigay.

Naniniwala kasi akong ang pagbigay ng bagay na iyon ay sa araw ng kasal kasama ang lalaking mahal na mahal ko na siyang aking asawa.

"Pasensya na po Mr. Castillion kung napaghintay ka namin." Magalang na tugon ni Julio at bahagya pang yumukod.

Napayuko ako ng ngumisi ang lalaki at itinuon sa'kin ang tingin matapos patayin ang sigarilyong hawak kanina. Kung saan niya lamang iyon itinapon ngunit walang nagreklamo.

Umayos siya ng pagkakatayo ngunit nasa bulsa pa rin ang mga kamay. Mula sa pwesto namin sa harapan niya ay amoy na amoy ko ang pinaghalong pabango niyang panlalaki at amoy ng sigarilyo. Lihim akong napangiwi, napakabango niya pero hindi ko talaga gusto ang lalaking naninigarilyo.

"It's okay." Sagot niya, baritonong baritono ang boses niya at sa tindig ay tila pag-aari ang lahat. Hindi naman ito nagyayabang pero sa presensya palang ay nakakapanliit na. "Lets go."

Napako lang ang mga paa ko sa kinatatayuan dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Kapag sumama ay maaring mangyari ang kinatatakutan ko. Mariin akong pumikit at mahigpit na humawak sa braso ni Julio ngunit lumayo siya sa'kin at sumenyas na lumapit ako kay Mr. Castillion.

"Don't be shy honey." Nakangisi pa rin siya habang sinasabi iyon na may kaakibat na landi ng boses. "Sisiguraduhin kong mawawala 'yang hiya mo kapag nasa kama na tayo."

Halos lahat ng santo ay tawagin ko na dahil sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Masyadong madumi para sa'kin ang kanyang mga salita.

"Kayo na po ang bahala sa kanya Mr. Castillion." Singit ni Julio at bago ko pa man siya mahabol ay malalaki na ang naging hakbang niya papaalis.

Napaigtad ako ng lumapit sa'kin si Mr. Castillion. Nanginginig ang palad ko at tila bibigay na ang tuhod ko dahil sa pangangatog. Nilulukob ako ng takot dahil bukod sa may kasalanan kaming gagawin ay ito ang unang pagkakataon na may lalaking nakalapit sa'kin ng halos dumikit na sa katawan ko. Hidni ako sanay.

"Wag kang matakot hindi ako nangangagat." Bulong niya sa harap ng tenga ko.

Tulungan niyo po ako. Piping usal ko kahit alam kong wala na akong kawala.

"P-Pwede p-po bang mag-usap muna tayo?" Kahit nanginginig ang mga labi ko at nauutal ay sinikap kong sabihin ang mga katagang 'yon.

Naikuyom ko ang mga kamao ko n  hapitin niya ako papalapit sa kanya at ipinulupot ang mga braso sa maliit kong bewang.

"Kahit naman nasa gitna ng pag-ungol at pwede tayong mag-usap." Palandi ng palandi ang boses niya at ang mabango niyang hiningang tumatama sa tenga ko ay nagdudulot sa'kin ng kilabot.

"P-Pwede pong wag kayong maglandi?" Tugon ko habang pilit pinapatatag ang loob ko.

Narinig ko ang pagtawa niya at pagtikhim ngunit mababakas na pele iyon. "Hindi naman ako naglalandi, ganito talaga ako. Sa kama ko lang ipinapakita ang kalandian na meron ako."

Kung hindi pa paglalandi ang ginagawa niya ano pa kaya kapag ipinakita na niya ang sinasabi niyang landi.

"G-Gusto ko po muna kayong makausap." Tugon ko.

Kulang nalang ay tumili ako ng halikan niya ang noo ko at hinila ako papalabas ng lugar. Nagsisimula na namang mag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha pero sinikap kong hindi iyon pakawalan. Baka kung saan niya ako dalhin at sa laki niyang tao wala akong laban kahit na magpumiglas ako.

Nakarating kami sa parking lot at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng kotseng tinapatan namin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagarang kotse sa tanang buhay ko lalo at laki lamang kami sa hirap.

"Ladies first." Tugon niya ng pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Alanganin pa akong sumakay dahil sa kintab nito. Kulay yellow iyon at masasabi kong hindi ordinaryong klase ng sasakyan.

Pumasok ako at sinalubong ako ng panlalaki niyang pabangon. Agad akong umupo habang siya at sa driver's seat. Mas lalong nanuot aa ilong ko ang napakabango niyang amoy ng pumasok siya.

"Takot ka pa rin?" Bakas ang pagkamangha sa boses niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga pulang labi.

Hindi ako nakasagot at itinuon na lamang ang atensyon sa mga daliri ko na hindi pa rin nawawala ang panginginig. Nanlalamig ako dahil sa presensya ng lalaking hindi ako sanay.

Sa buong buhay ko puro pag-aaral lang ang inatupag ko at ng tumuntong ako ng kolehiyo ay sa kumbento na ako nag-aral para napaghandaan ang pagmamadre ko kaya hindi ako sanay na may lalaking nasa paligid ko.

Sa lugar na kinalakihan ko ay hindi normala ng makipaglapit sa mga lalaki. Bawal ang hindi pino at tamang pagkilos. At lahat ng mga bawal ay ginagawa ko na ngayon kahit hindi ko gusto.

May malaki akong dahilan ngunit hindi iyon sapat para baliin ko ang mga prinsipyo ko sa buhay.

"Anong pangalan mo, honey?" May paglalaro sa kislap ng mga mata niya dahilan para mas lalo akong panginigan ng laman.

Honey? Iyon ba ang normal na pagtawag niya sa mga kababaihan?

"W-Wag mo akong tawaging honey hindi iyon ang pangalan ko."

Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "So anong pangalan mo? Ayoko namang hanggang sa makarating tayo sa kama ay hindi ko alam ang pangalan mo." Panaka naka ang kanyang pagsulyap sa'kin habang patuloy sa pagmamaneho.

"A-Antoinette pero pwede mo akong tawaging Sister Nette."

Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya at bigla nalang inapakan ang preno dahilan para muntikan akong mapasubsob.

"Shit!" Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko dahil sa paulit ulit niyang pagmumura.

"M-May problema ba?"

Bakas ang iritasyong bumaling siya sa'kin. "Bakit Sister Nette ang itatawag ko sa'yo?" Para siyang nakakita ng multo basi sa pamumutla at panlalaki ng magagandnag mga mata.

Nagtataka akong sumagot. "Sister Nette, madre ako." Pagmamalaki ko dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay iyon ang nag-iisa kong ipinagmamalaki.

Hindi pa man ako ganap na madre pero sigurado akong matutupad ko ang pangarap kong iyon. Ilang taon pa ang titiisin ko pero masaya naman ako.

"Putanginang libog 'to." Sigaw niya kaya ako naman ang nabigla.

관련 챕터

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 2

    Fifth POV"HAHAHAHAHA!" Sabay sabay na nagtawanan ang mga kapatid ko matapos kong ikwento ang nangyari sa'kin kagabe."Yan napapala ng pagiging malibog mo pati madre pinapatos mo." Kantyaw sa'kin ni Six, sinamaan ko siya ng tingin."Malay ko bang ang gan'ong kasexy at hot na babae ay madre." Napapailing pa ako habang inaalala sa isip ko ang napakaganda niyang mukha at sexy'ng katawan. "Sayang, sayang kung magmamadre siya."Nagtawanan na naman sila. Kagabe na ata ang pinakanakakahiyang experience ng buhay ko. Halos molestyahin ko na siya dahil sa pagnanasa ko tapos madre pala. Pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao kaya bago pa masagad ang kasalanan ko ay hindi ko na itinuloy na ikama siya. Nakakapagpigil naman ako ng libog."Kaya pala kapag hinahawakan ko kulang nalang magsign of a cross." Uminom ako ng kapeng nasa harap ko.Nag-aamusal kaming magkakapatid dito sa mansyon ng pamilya namin at dahil umiral ang kalokohan ni Fourth ay naikwento niya sa mga kapatid namin ang nangy

    최신 업데이트 : 2023-01-05
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 3

    Fifth Castillion POVIWAS ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ko magawang tumingin ng deritso sa kanya dahil pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao sa buong mundo. I'm not guilty for what I've done dahil alam kong aksidente iyong nangyari sa train pero ang isiping isang babaeng nagbabalak na maging madre ang nabastos ko ay nakakapanghina.Nagkatinginan kami pero sabay din kaming nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kahit na magbuhos ako ng holy water sa katawan ay hindi mawawala ang kasalanan ko."Ahem." Tumikhim ako para pawiin ang awkward atmosphere na nangingibabaw sa pagitan naming dalawa.Nandito kami ngayon sa isang maliit na café na una kong nakita ng makalabas kami pareho sa train station. Napagpasyahan ko siyang imbitahin dito para makausap dahil alam kong hindi na dapat patagalin pa. Hindi ko alam kong paano makikitungo sa mga banal na tao kaya para akong teenager ngayon na natotorpe sa crush niya.My goodness, ni pati libog ko tiklop kapag napapasadahan

    최신 업데이트 : 2023-01-18
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 4

    Fifth Castillion POV"NASAAN SI SINGKO?" Ilang ulit akong napalunok nang marinig ang boses ni Mommy. Kagigising ko lamang kahit medyo tanghali na dahil napuyat ako sa pinuntahan naming party.Napapakamot sa batok na dahan dahan akong naglakad papuntang dinning. Tumikhim ako pagkarating ko doon dahilan para mapatingin sa'kin ang lahat, nasa hapag na sina Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid kong wala pang pamilya na handa ng kumain ng agahan. Agad na sumilay ang mga ngisi sa mga gunggong kong kapatid, napapasipol pa si Sais. "Nasa hapag tayo!" Halos sabay kaming nagpigil ng tawa ni Seven ng sapukin ni Mommy si Sais. Wala itong nagawa kundi sumimangot nalang."Karma!" Bulong ko pagkadaan ko sa pwesto niya, dahan dahan akong pumunta sa pwesto ko habang ramdam ko ang matatalim na tingin ni Mommy, samantalang si Daddy ay ngingisi ngising nagsimulang kumain."Singko!" Malumanay ngunit puno ng diin na bigkas ng aking i

    최신 업데이트 : 2023-01-19
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 5

    NAKAKUNOT ANG NOO at seryosong seryoso ako sa pagtatype sa laptop ko. 'Yong yamot ko sa paghahanap ng babaeng pwedeng dalhin sa anniversary nina mommy ay dito ko ibinubuhos. Nakakainis dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati pagiging pogi ko hindi ko na naasikaso dahil sa problema ko.My goodness, I don't even know where to find a material wife because I'm not even a material husband. Putiks! Napapaenglish na naman ako e, madami na namang maiinlove sa'kin kapag nalamang hindi lang ako saksakan ng kapogian matalino pa.Ano ba naman 'yan Sinco, bakit nasa'yo na ang lahat?"Abot hanggang sahig na ang paghaba ng nguso mo." Natatawang kantyaw sa'kin ni Sais. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ako nakikipag-usap basta basta sa taong hindi ko kasing pogi. Pero kapag 'to sinapak ko mas lalo 'tong papangit."Wag mo 'kong simulan kasi baka masapak kita, marami akong problema at wag mo ng dagdagan." Yamot kong sabi pero mas lalo lang

    최신 업데이트 : 2023-01-20
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 6

    Fifth Castillion POV"BAKIT kailangang ilagay na no criminal records? Sa pangit mong 'yan pati ba naman utak mo kinakalawang na rin, ano ba naman 'yan Sais." Nayayamot kong sita matapos kong basahin 'yong ginawa niya."Anong connect ng kinakalawang na utak sa pangit? Ikaw talaga maisingit mo lang talaga ang panglalait sa'kin e." Sabat niya at padabog na tumayo."Bakit nga kasi pati criminal record?" Ulit ko."Sige matanong kita, gusto mo ba ang ipakilala mo kay mommy ay magnanakaw? Mamamatay tao? Akyat bahay? Mandurukot? Ex-convict?" Tinaasan niya pa ako ng kilay na tila nanghahamon samantalang ako ay pinaningkitan siya."Ang OA mo wala naman sigurong babaeng gan'on." Grabe naman."Yan kasi mani lang nila ang gusto mo kaya hindi mo alam ang realidad na moderno na ang panahon at pati mga babae ngayon kayo nang gawin lahat ng ginagawa ng mga lalaki." Aniya."O sige tama ka na pero bakit nilagyan mo nitong dapat virgin

    최신 업데이트 : 2023-01-21
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 7

    Fifth Castillion POV"AYOS na ba talaga sa'yo 'yong napili na'tin?" Pangungulit ko kay Sais habang nag-aayos ng necktie. Nandito kaming dalawa sa kwarto ko habang ang mga bisita ay nagsisimula ng magdatingan sa baba. Syempre paVIP kami dahil mga gwapo kami este ako lang pala dahil tulad ng palagi kong sinasabi napakapangit ni Sais. Sa sobrang pangit niya pinagkakamalan siyang hardeniro namin. "Kailangang hindi ako pumalpak dahil baka imbes na malutas ko ang atraso ko kay mommy ay baka mas lalong lumala." Sabi ko pa."Bakit ako tinatanong mo ako ba makakasama mamaya?" Pagtataray niya kaya hindi ko mapigilang batuhin ng sapatos, nakapangisi ako ng masapol ang ulo niya."Siraulo ka pinaghirapan na'ting hanapin 'yon halos malusyang ako sa kakainterview tapos ganyan sagot mo." Naku, ayokong maalala ang pinagdaanan ko sa interview dahil kahit sinong lalaki ay hindi nanaisin na pagkaguluhan ng naggagandahang mga babae. Napagod ako ka

    최신 업데이트 : 2023-01-22
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 8

    Fifth Castillion POV"WAG KA na mapikon Singko dahil hindi naman 'yon seniseryoso ng mga tao, you are Castillion remember?" Nakangiting pag-aalo sa'kin ni Florence habang hinihimas himas ang hita ko. Sa gitna ng pagkainis ko ay naisip ng napakatalino kong utak na hindi dapat ako mahiya dahil sanay ako sa kahihiyan. Tama.Ngumiti ako kay Florence. "Can you kiss me?" Ngumisi siya at hindi na ako nagdalawang salita dahil agad na niyang inilapat ang kanyang mga labi sa labi ko. Agad na nilukob ng init ang aking buong katawan.  Kinabig ko ang kanyang leeg upang mas lalong diinan ang pinagsasaluhan naming halik.Ilang araw din akong walang sex life and this is a fucking heaven. The party is stressing me out kaya ng umalis ako kanina ay hindi na ako bumalik.I don't want to see her.Dahil sa pagkakaupo ay madali ko siyang nakabig kaupo sa hita ko. Napangisi ako dahil alam na alam niya ang gagawin. She grap my cock and play it

    최신 업데이트 : 2023-01-23
  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Chapter 9

    Nette POVMatapos ang gulong nangyari sa maid's quarter ay hindi pinaalis ni Mrs. Castillion ang lahat, pinagbihis niya si Mr. Fifth at Ms. Florence syaka inimbitahan para kausapin samantalang ang kaba ko ay hindi maampat.Ramdam kong panganib na naman ang mangyayari. Puro na lamang ako kapalpakan."Hindi sinasaktan o pinapatay ni Singko ang kanyang nobya iha, kung iyon ang iyong nasa isip 'wag kang matakot dahi hindi siya masamang tao." Panimula ni Mrs. Castillion, hinawakan niya ang aking kamay at banayad na ngimiti. Kumunot ang aking noo dahil gustong arukin ng isipan ko kung hindi niya sinasaktan at gustong patayin ang kanyang nobya, ano ang ginagawa nila at nasa gan'ong posisyon sila?"Pasensya na po kung mali ang aking pang-unawa, ano po ba iyong ginagawa nila?" Lakas loob kong tanong.Kita ko ang reaksyon ng magkakapatid na tila nagpipigil ng tawa. "Hindi mo alam ang ginagawa namin ha? Nagsesex, nagkakantutan ka

    최신 업데이트 : 2023-01-24

최신 챕터

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (F Castillion)

    Pain's POVI hate stupid people. Kulang nalang ay paikutin ko ang mga mata ko nang mapadaan sa dalawang teenagers na akala mo ay katapusan na ng mundo at huling araw na ng pagkakadiin ng mga labi nila sa isa't isa. Para silang mga suso na sinisipsip ang mga labi na akala mo ay nagtotoothbrush ng three times a day. Napailing nalang ako at itinuon ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko. A collections of Philippine Literature and I'm currently reading the work of Aida Rivera-Ford, the Chieftest Mourner. Tungkol sa tunay na asawa at kabit, namatay ang hero at pinagdedebatihan kung sino nga ba ang chieftest mourner sa dalawa, ang tunay na asawa na hindi nag-alaga sa lalaki habang naghihirap ito o ang kabit na siyang gumastos at sumubok na ipagamot ang hero. I don't know but personally, I can say that the chieftest mourner is the mistress. It's not that I'm normalizing adultery and mistress thing but in the story I can say that the mistress sacrificed more than the legal wife. Well,

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (E Castillion)

    Rain's POV"E, iiwan ko nalang dito ang almusal mo, ha? Baka malate kasi ako." Agad kong isinilid sa bag ko ang legder ko at notebook na gagamitin para sa mga klase ko ngayon araw. Tinignan ko ang oras. "Hala, 7:30 na. 8:00AM ang klase ko." Kinatok ko ang kwarto ni E. "E, baby. Papasok na ako." Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang bagong ligo at nakangiting si E. Siya si E Castillion, we have been together for almost five years now and we have been living together for almost one year today. "Hindi mo na ako sasabayan sa pagkain?" Napanguso siya kaya napangiti ako. Mabilis kong dinampian ng halik ang labi niya."Male-late na po ako e. Mamaya, sabay tayong mag-dinner. Lulutuin ko ang paborito mong adobo."Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang hapitin niya ang bewang ko at mas lalong lumapit sa akin. Inayos ko ang kwelyo ng uniform niya, mabuti nalang nagkaroon ako ng oras kagabi na plantsahin ang mga uniform niya kaya maayos na maayos 'to ngayon. "Hintayin kita, isang su

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (D Castillion)

    Moowe POV"Nice game, Moowe." Nakangiting lumapit sa'kin si Coach Shen ng mailapag ko ang bat sa bench kung saan kami nagpapahinga."Alam mo naman coach na may dahilan ako," seryoso kong sagot. Inalis ko rin ang softball cap na nasa ulo ko at ipinaypay sa sarili.Tirik na tirik ang araw at nasa field kami dahil sa provincial meet na mismong ginaganap dito sa school namin. Isang simpleng probinsya na may magagaling na manlalaro ng baseball at softball. At isa ako sa member ng softball team."Mag-uusap usap kami mamaya kung sino ang maaaring magtry out sa University of Elite and Dreamers, para mapabilang sa team nila," tugon niya pa, inabutan niya ako ng tubig nang makaupo ako sa bench at diretso ang tingin sa diamond shape field kung saan nagpapatuloy ang laro.I'm Mowee Elicia Ventura, I'm a fourth year high school student. At matagal ko nang inaalagaan ang pangalan ko sa larangan ng softball para makapasok sa mga prestigious na university sa Maynila. Tapos na akong pumalo at naka-sc

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (C Castillion)

    Calosa's POV"HAPPY birthday to you, happy birthday day to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~" Tuwang tuwa ako habang kumakanta sila ng 'Happy Birthday'. Today is my eighteenth birthday, November 27. I'm Calosa Serra Vuena El Cadesa, nag-iisang anak ng mommy at daddy ko. Finally, nasa legal age na ako, napakatagal ko nang hinintay na dumating sa edad na 'to para magawa ko na ang gusto kong gawin.My parents promised me na kapag dumating ako sa edad na 'to ay hindi na nila papakialaman ang mga desisyon ko. Mula pagkabata my parents spoil me with everything. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, I'm an only child kaya lahat ng atensyon nila nasa akin. "Blow the candle, honey," masuyong sabi ni mommy. Natawa ako dahil maluha luha siya habang hawak ang camera at kinakuhanan bawat anggulo ko. My very supportive mommy.Mariin akong pumikit at pinagsiklop ang mga kamay ko. Lord, tulad po ng dati kong wish kada birthday ko. Sana po magkagusto na sa'kin si D. Pwede niyo na

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (B Castillion)

    Rae's POVI'M ETNASES Rae Lorente, seventeen years old taking Bachelor of Fine Arts in Ceramics. I'm first year college student now, bata palang ako gustong gusto ko na ang ceramic making or pottery making using clay. Hindi ko alam pero sobrang lapit ng puso ko sa ceramic making. Napaka-fulfilling sa pakiramdam kapag nakakatapos ako ng isa. Umusok ang ilong ko nang makaupo ako sa upuan at hindi na nakaalis dahil may nakadikit sa palda ko. Pinilit kong umalis, sa pagpupumilit ko nakarinig ako ng pagkapunit. Naikuyom ko ang mga kamay ko. "B Castillion!" sigaw ko. Lahat ng mga classmates ko umiwas ng tingin sa'kin. Nanggagalaiti ako sa inis dahil alam ko kung sino na naman ang may kagagawan nito. Kahit hindi na ako magtanong alam kong siya na naman ang may pakana nito. Hindi kompleto ang araw niya na hindi niya ako iniinis. Hinubad ko ang palda ko at inis na sinipa ang upuan. Buti nalang suot ko ngayon ang jogging pants ko na tinupi ko l

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (A Castillion)

    Chette's POVI'M Franchette Mczee Aguenza, first year college student. I'm seventeen years old at kilala ako sa buong batch namin na stupid. Bobo lang ang hindi makakaintindi sa ibig sabihin ng salitang stupid. Sa buong klase namin ako palagi ang lowest at naghahabol ng grades, madalas bagsak din ang grades ko. Kung hindi dahil sa floorwax at walis tambo noon para sa make up project hindi ako makakatungtong sa college. Sino ba naman ang gustong maging bobo? Lahat ng tao sa mundo gustong maging matalino pero may mga estudyanteng tulad ko na kahit anong aral bobo pa rin talaga. Masipag naman akong mag-aral, feeling active pa ako palagi sa klase pero kapag nagdi-discuss na ang professors parang nagwo-walk out din ang brain cells ko. Walang cooperation kapag lessons na ang pinag-uusapan. Kung hindi ako magaling sumayaw siguradong wala akong silbi sa mundo. Medyo naawa ata sa'kin si Lord, kaya binigyan niya ako ng talent. Kaya palagi kong binibigay ang best p

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter (Gacilian Castillion)

    Gaci's POVI ROLLED my eyes dahil nakita ko na naman ang mga bakekang na palaging nakatingin sa'kin. I don't know why they are always staring at me. I know that I'm gorgeous, but they should mind their own business especially kapag we are in school. "Ang gwapo niya talaga," I heard someone scream. My eyebrow tilt in disgust. Me? Gwapo? Like duh, I'm wearing my favorite neon Gucci corset dress and my nails are polished with glittery black. I'm holding my Chanel lambskin black with gold chain. Nakakairita, hindi nila nakikitang naka-make up ako? Like, they're stupid or blind?"Don't mind them, take it as compliment because our clan is epitome of good genes," saway sa'kin ni Sonata dahil balak ko silang lapitan at kompontrahin. "They're always screaming that I'm gwapo, it's insulting."Soledad just shrugged. "Hindi mo naman kasi mapipigilan na humanga sila sa'yo kasi kahit ang ganda mo ngayon alam nilang sa lahi ka natin nagmula.

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Special Chapter

    SERYOSO AKONG pinagmamasdan si Gaci na nakaupo sa lounge chair sa gilid ng swimming pool. Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang ang aking napakagandang asawa abala sa pagpupunas ng buhok niya. Nakaupo rin sa katabing lounge chair ni Gaci.It's been a decade since we got married. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo kong minamahal ang aking asawa. Sino bang hindi, bukod sa napakabait niya palagi niya kaming inaasikaso at hindi pinapabayaan. May mga gabi pa ring napapatanong ako kay Lord kung anong mabuting nagawa ko sa buhay para bigyan niya ako ng asawang tulad niya. Wala na kong mahihiling pa. Napakawalang kwenta kung kong magloloko ako, ni isipin hindi ko magawa. Hindi ko kayang makita siyang masaktan. Naglakad ako papalit sa kanila. Wala akong pang-itaas na damit, sayang naman kung itatago ko ang nakapaglalaway kong abs. Ngumiti sa'kin ang aking asawa, natawa ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Gan'on pa rin ang epekto niya sa'kin, sa tuwing ngingiti siya

  • Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion    Epilogue

    MALAWAK ang aking ngiti habang binabasa ang huling pahina ng aklat. Puno ng saya ang aking puso sa kabila ng mga naging karanasan namin. Matapos kong mabasa ay itiniklop ko ang libro at ilang ulit na hinamas ang pabalat niyon.Mas lalong napalawak ang aking ngiti dahil sa pagbukas ng pinto at nakita ko doon ang pagpasok ng pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Nagkasalubong ang aming mga tingin at kumindat ito habang may mga ngisi sa labi."Kumusta ang book signing mo?" Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kami. Sumimangot siya habang tinatanggap ang butones ng kanyang polo. "Hindi okay dahil hindi ka pumunta. Unang beses ko iyon na magpakita sa mga readers ko at ireveal ang totoong author ng mga binabasa nila."Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at dinamba ako ng yakap. Tulad ng nakasanayan niya kapag nalalapit sa akin ay ang dibdib ko agad ang aabutin ng kanyang malikot na kamay. Sa limang taon naming pagiging mag-asawa ay

앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status