Aedis Point of View
Sinundan ko lang s'ya ng tingin matapos n'yang sagutin ang tanong ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya hanggang sa maglaho na ang rebulto n'ya sa paningin ko. Alice is really annoying. Kahit noong bata pa ito. Kaya lagi itong napapahamak eh.
Pumasok ako ng kotse ko at nag-maneho. Dahan-dahan at hindi mabilis ang pagpapatakbo ko. Sinundan ko si Alice gamit ang kotse ko. Alam kong susuko rin ito at mapapagod sa paglalakad. At baka may mangyayari pa sa kaniya na masama at sisihin pa ako ni Tito Max. Sa kalagitnaan ng pagsunod ko. May napansin akong kakaiba. Isang anino ng tao at nasa madilim lang na sulok ito. Napansin ko rin na sumusunod ito kay Alice at may itinatago sa bulsa nito.
Napahinto ako ng saglit, napunta naman ang atensyon ko sa kotseng itim na may kalayuan banda sa likod ng kotse ko. What is this? Pakiramdam ko may masamang mangyayari. Binaling ko ulit ang atensyon ko kay Juliet na ngayon
Sandra's Point of ViewBakit ba nakatuon ang atensyon ng mga ito kay Alice habang kumakain? Napatingin naman ako kay Alice na dere-deretso lang sa pagkain. Halata rin na pinipilit n'yang lunukin ang pagkain. Hindi n'ya binigyan ng atensyon ang mga mata na nakatutok sa kaniya. At isa pa, hindi ko alam kung ano ang ini-isip n'ya ngayon.Matapos kong kumain, ibinalik kong muli ang paningin ko kay Alice na ngayon ay tapos na. Napangisi naman ako. I just want to tease her for a little bit.“ Mukang gutom na gutom ka? ” tanong ko sa kaniya. Pinasadahan naman n'ya ako ng tingin. Mukang sa akin n'ya lang ibinigay ang atensyon n'ya. Ni-hindi man lang n'ya binigyang pansin ang pamilya na katapat lang n'ya sa pagkain pati na rin ang ibang kasama ko.Akmang tatayo na sana ito ngunit hinila ko ulit s'ya paupo. Nakita ko naman ang pagka-inis sa muka n'ya. “ Tapos na akong
Juliet Point of View“ S'ya nga pala, Alice,” wika nito habang nag-mamaneho. Tumingin naman ako sa kaniya at hinintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.“ Kailan mo balak tawaging ‘Dad’ si Tito Max. At bakit Mr. Castiello pa rin ang tawag mo sa kaniya? Sigurado akong hinihintay n'ya na tawagin mo s'yang Dad, Papa, or what! ” wika nito. At bakit ba napakatanong ng babaeng ito?“ The answer is simple. Because I'm not comfortable with it.” Sabi ko at sabay lumingon sa bintana ng kotse. Curious rin ako kung papaano n'ya nabili ang kotseng ito. Kulay black ito and I don't know kung anong pangalan ng kotseng ito since hindi ako familiar sa mga kotse.“ Ikaw Sandra? Ano bang ginagawa ng reaper na katulad mo? Kumikita ka ba sa pamamagitan ng pag patay ng mga tao?” tanong ko. Inihinto naman n'ya ang kotse at tumingin sa akin.“ Ahmm, saa
Alice's Point of View (Alice's Memory) “ Alice! Where are you going? 'Di ba sinabi ng Papa mo na wag kang lalayo! Don't forget na hindi tayo pamilyar sa lugar na ito. Inimbitahan lang tayo sa party na 'to!” Napangiti naman ako. She's really worried about me. Medyo maganda kase ang hitsura ng labas at kita ang fountain. Lalo pang naging maganda ang lugar dahil sa magandang liwanag na inilagay dito. Nagmistulang park ang loob dahil sa fountain na nag-iiba ang kulay. Sobrang lawak rin ng loob, sobrang yaman ng pamilyang ito sa totoo lang. “ Mama, pumasok ka na lang po sa loob. Di ba tungkol itong party sa bagong business na iha- handle ni Dad? ” lingon na tanong ko sa kaniya.
Alice's Point of View Matagal n'ya akong tinitigan dahil sa tanong ko. He will help me, I think? Pakiramdam ko kase na may tinatagong bait ito. “ No, kinalag ko lang ang tali mo sa paa para makagalaw ka ng maayos. Pero sa oras na takasan mo ako. Hindi rin ako magda-dalawang isip na tutukan ka ng baril kagaya ng ginawa ko kay Lowie. Naintindihan mo ba? ” tanong nito. Ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang sagot n'ya. Inilihis ko na lang ang usapan at nagtanong-tanong sa kaniya. “ P-Puwede bang magtanong? ” “ Nagtatanong ka na, ” Pakiramdam ko ay nagbago ang pakikitungo ng taong ito sa akin simula no'ng may sinabi 'yung Lowie sa kaniya. Kanina ay mabait at maayos ang pagsagot nito sa akin at pakikitungo ngayon ay hindi na. Para bang naging masungit ito at inilalayo ang sarili sa akin. “ Anong kailangan n'yo sa am
Sandra's Point of ViewIt's been three days at hindi pa rin nagigising si Alice. Medyo napalakas nga yata ang pagpalo ko ng baril sa ulo n'ya. Sa bagay kung hindi ko ginawa 'yon marahil ay hindi kami makaka-alis sa lugar na 'yon kahit ilang beses ko pang ipaliwanag sa kaniya na nanganganib ang buhay n'ya. Mabuti na lamang at hindi na ako inusisa ng police na nagtatanong sa akin kung bakit s'ya nahimatay. Mabuti na lang at hindi nito napansin na may dala akong baril.Papasok ako ng gate ng Castiello ngayon. Lagi naman akong pumupunta dito kapag walang magawa, and I'm sure na nandito rin 'yung ibang reaper. Bukod sa masarap tumambay sa mansion na ito, masarap rin ang nilulutong pagkain. Nang maiparada ko na ang kotse ko sa garahe ay agad akong bumaba at nagtungo papunta sa loob ng mansion.Napangiti na lang ako sa naisip ko.“ Komportable ang mga Castiello na iiwan laging buka
Alice's Point of ViewHindi ko sinagot ang tanong n'ya. Sa halip ay tumayo ako at nagtungo sa cr upang maghilamos. Ramdam ko rin ang pagkalam ng sikmura ko.So, three days akong tulog?Napatingin ako sa salamin habang hinahayaan ang tumutulong gripo. Wala akong ganang kausapin ang Alex na 'yon. Kahit Kuya ko pa s'ya.Lumabas naman ako habang pinupunasan ko ng towel ang muka ko. Napansin kong umalis na si Alex dahil hindi ko na nakita na nakatayo ito sa pinto. Sinigurado kong wala na si Alex sa kuwarto sa pamamagitan ng pagli-libot ng paningin ko sa buong kuwarto.“ Salamat at umalis rin, ” bulong ko sa sarili ko. Hinanap ko muna ang cellphone ko, matagal ko ng hindi nahahawakan 'yon halos mga ilang araw na. At sigurado akong nandito lang 'yon since dito ako unang dinala ni Aedis no'ng inaya n'ya ako sa party. O baka na kay Aedis naman 'yong cellphone ko? Tiningnan ko na rin sa may lampshade, sa ilalim ng unan, kama at ilalim
Alice's Point of View Napatingin lang ito sa akin at para bang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko. “ Bago ko sagutin ang tanong mo na 'yan Alice. Wala ka bang balak na pumunta sa libing ng Sandiego bukas? ” tanong n'ya. Napatungo naman ako. “ H-Hindi ko po alam....hindi ko po kase kayang makita na ibinabaon sa lupa ang pamilyang kinilala ko mahigit limang taon. Lalong-lalo na at brutal para sa akin ang pagkamatay nila... ” wika ko. “ C-Can we go back to our current topic now?” tanong ko pa ngunit tinignan n'ya ako at para bang sinu-subukan n'yang basahin ang ini-isip ko. “ Did you just call me Dad because you wanted me to help you?” Nabigla naman ako sa tinanong n'ya. “ O-Of course...not, alam ko pong kayo lang kase ang makakatulong sa akin. K-Kaya please...gusto ko lang po kasing malaman kung ano ang dahilan nila, kung bakit nila pinaslang sila Kuya Jake,”
Alice's Point of ViewIlang araw na rin ang nakalipas simula no'ng naihatid na sa hantungan sila Mama Grace at Kuya Jake. Nakaharap ako sa lapida nila ngayon at dumadalaw. Nag-dala rin ako ng bulaklak para sa kanila. Sa tuwing naaalala ko sila, naaalala ko rin ang pagkamatay nila.I really missed them. Miss na miss ko ang lahat ng mga taong nawala sa akin. Napangiti na lang ako ng mapait ng may sumagi na tanong sa isipan ko.Sino pa kaya ang taong mawawala sa akin?Sa totoo lang, I was planning to take a revenge. Pero wala namang magagawa 'yon. Salamat na lang sa pakikitungo sa akin ng Daddy ko at ni Aedis. At bago rin matapos ang usapan namin ni Sandra may sinabi s'yang bagay sa akin.“ By the way, bago ako umalis. Let me say you think one thing. Revenge will do nothing. Hayaan mo ang pagkakataon at batas ang maningil sa mga kasalanan nila,”
Alex Point of ViewNapabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng windshield at tinatanaw ang kapatid ko na papasok ng building na pagmamay-ari ni Xion Dylandy. Hindi na ako magtataka kung sila na nga ba o hindi pa. Mukang masaya naman si Alice na kasama ang lalaking 'yon. Mahigpit akong napahawak sa manibela. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hindi na. Napapikit ako at kinalma muna ang sarili ko. Sasaktan ko ang kapatid ko, mailigtas lang ang lahat. Para sa kapakanan ng kaibigan ko at kapakanan ni Alice. Kailangan ko pang mag-hintay nang ilang minuto para gawin ang plano. Dahil kapag dito ko sa building na ito ginawa 'yon ay magkakagulo ang lahat ng tao sa paligid. Mali man sa paningin ng iba, pero kailangan, para rin ito sa kaligtasan niya. Mas pipiliin ko na ako ang manakit sa kaniya, kaysa ang iba. Kung sa ibang tauhan ipinag-utos no'ng matandang 'yon, marahil ay ipapatay na niya si Alice sa taong 'yon. Kaya mas mabuti kung ako na lang an
Alex Point of View "Alex, bakit nahinto 'yung plano? Akala ko ba ay ayos na?" tanong niya. Bakas sa boses nito ang pagkainis dahil sa ginawa ko. "Just do what I said. He's blackmailing me! H'wala akong magagawa! Ayaw kong madamay pa sila Aedis dito, gano'n rin ang anak niya! Ang anak ng kaibigan ko, Vyle! Ayaw kong madamay sila! Ayaw kong mawalan pa ng kapatid! Ayaw ko nang mawalan ng pamilya! Si Alice na lang. Si Alice na lang ang natitira sa akin, siya na lang, ang kapatid ko..." Napasandal na lang ako sa pader habang sapo ang noo ko. Gulong-gulo na ako. Simula no'ng bumagsak ang organisasyon namin ay nawalan na ako ng pag-asa. "Alex, calm down, okay?" saad ni Leslie habang tinapik ako ng mahina sa balikat. "Ikalma mo muna ang sarili mo, okay?" Napabuntong hininga na lang ako. Mabigat ang mga kamay na sinuklay ko ang buhok ko. Bakit ganito? Gusto ko lang naman dati na makuha ang kapatid ko na nawawala at maging masaya ang pamilya. Ang plano ko dati ay tapusin ang kalaban at pa
Alice's Point of View Naglakad ako papasok sa loob na mayroong mabigat na pakiramdam sa dibdib. Gustuhin ko man na lingunin siya, ngunit hindi puwede. Pinapakita ko lang na mahina ako pagdating sa malalapit sa akin na tao. Halos kumunot ang noo ko nang makita ko na nakangiti siya sa isang babae. Lumapit ako do'n at napatayo ang babae nang makita ako na papalapit sa kinauupuan ko kanina. Binigyan niya naman ako na nahihiyang ngiti, bago siya umalis. " Who's that?" tanong ko. "'Yung anak ni Mr. Estante," "Type mo?" "Maganda naman. Pero hindi ko type," sagot niya. "Wala ka bang balak kumain man lang?" tanong pa nito. Umiling ako bilang pagsagot sa tanong niya. " Let's go." Nakita ko kung papaano kumunot ang noo niya sa tanong ko. " Are you sure?" tumango ako. Kaagad siyang tumayo sa upuan niya at inayos ang necktie niya bago kinuha ang coat niya na nakalagay sa upuan. "H-Hindi ba tayo magpapaalam?" tanong ko. Mauuna na sana siya sa akin na mag-la
Alice's Point of ViewNakatingin ako sa lalaki na nasa labas ng pintuan ko. He's wearing a black coat na pinailaliman ng white long sleeve. Ang pang ibaba naman niyang suot ay black slack. Mas lalong gumuwapo ito sa paningin ko kahit na liwanag lang ng ilaw sa labas ng bahay ko ang tumatama sa kaniya. Ngayon 'yong sinasabi niyang engagement. Ayaw ko pa sanang pumunta ngunit pinilit ako nito. Isa na rin sa naging dahilan ko para pumayag ay baka mapahamak at bigyan na naman ito ng death threat ng kalaban. I just want him to be safe, kahit alam kong kaya niyang ipag tanggol ang sarili niya." Let's go?"" Ang sabi ko ay mag-hintay ka na lang do'n sa kotse mo, 'di ba?" Bahagya pa itong natawa sa tanong ko." I can't wait any longer, Alice. Nakaka-inip sa labas."" Akala ko ba ay kasama mo si Sarmien? Edi sana nag-usap kayo para hindi ka mainip," saad ko habang sinas
Lauren's Point of View" Mr. Lorien, I mean Mr. Lauren—"" Call me boss Lorien. Bilang leader ng organisasyon na Loriengston. Nararapat lang na Lorien ang itawag mo sa akin, dahil kinilala ko ang sarili ko sa pangalan na 'yon." Tumango ito." Masusunod po." Ngumiti ako sa kaniya. Naka-upo ako sa sofa habang sumisimsim ng kape habang nakatingin sa labas ng terrace. Maganda ang araw ngayon, ngunit may mas mai-gaganda ito kung walang sagabal sa mga transaction na ginagawa namin." Nasaan si CM?" tanong ko habang hindi ito binibigyan ng tingin. Ilang araw ko nang hindi nakikita at napapansin ang babaeng 'yon." Ilang araw na po siyang hindi nakikita sa underground. Mukang wala na itong balak mag-pakita. May kutob rin akong isa siya sa traydor sa organisasyon na ito, bukod kay Sarmien." Tuwing naalala ko ang ginawang pang-ta-traydor ni Sarmien sa organisasyon ko ay nang ga
Alice's Point of View"At 'yon ang bagay na nagawa ko, na never kong pagsisisihan." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Tuluyan akong lumapit sa kaniya. Dahan-dahan kong itinapat ang kamay ko sa mata niya at hinila nang malakas ang piring sa mata niya na kulay itim. Narinig ko ang pagdaing niya sa ginawa ko. Hindi rin ako pinigilan ni Xion." May konsensya ka?" tanong ko. Ngunit nginisihan lang ako nito habang nakapalumbaba ang tingin at inangat sa akin." Matagal na akong nawalan. Simula no'ng gumawa ng ka-gaguhan ang Papa mo, Alice." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. How did she know? Paano niya ako nakilala kung tabon ang muka ko ng sumbrero at facemask na may voice changer? " You can't fool me. . .lalo na at kadugo mo ako. Alam mo ba kung sino ang pumatay sa magulang ko? Ah. . .Hindi nga pala. . ." Umiling ito at tumingin kay Xion at sa akin. Kita ko kung papaano niya ako titigan nang mariin.
Alice's Point of ViewNagising ako sa munting sakit ng ulo. Mabuti na lang kapag nalalasing ako ay hindi gumagawa ng kalokohan, o nagsisisigaw. Hindi katulad no'ng dati. No'ng panahon na nakita at kinawayan ko si Xion sa isang club. Kapag naalala ko 'yon ay tinatablan na naman ako ng hiya.Bumangon ako at nagderetso ng cr upang nagahilamos. Agad rin akong lumabas pagkatapos. Hindi ko alam kung sa kalasingan lang ba 'to o talagang mabango lang ang kuwarto ni Xion. Amoy na amoy ko ang pabango niya na ginagamit. Hindi ito masakit sa ilong. Ito 'yong pabango na hahanap-hanapin mo sa isang lalaki. Ang kurtina rin ay hindi masakit sa mata at madilim sa kuwarto. Maaliwalas tingnan. Inayos ko muna ang suot ko, medyo nagusot ang puti ko na long sleeve. Inayos ko ito bago lumabas. Pagkababa ko ay nagderetso ako sa dining room at saktong naabutan ko silang tatlo na nag-u-umagahan. Napadako ang tingin sa akin ni Sandy. Umaliwalas ang muka ni
Alice's Point of View" Kumusta?" Bungad ni Xion sa pinto ng opisina ko. Saktong kakaalis lang ni Jassica. Mula sa laptop ay ini-angat ko ang paningin ko sa kaniya. He's wearing a office attire. At alam kong nakuha niya ang atensyon ng empleyado ko habang papunta siya rito." Need something?"" Don't be so cold to me, honey. I'm just here to give you a good news. Want to hear it?" sambit niya habang kinuha ang isang papel sa mesa. I forgot to throw it. Iyon lang naman ang papel na naglalaman ng identity ni Sarmien. Nakita ko ang isang ngisi sa labi niya. Nanatili ang tingin ko sa kaniya at napunta sa labi niya." Ilapag mo lang 'yan diyan. Itatapon ko rin naman 'yan mamaya. Kumusta sila Sarmien?" tanong ko habang ibinalik ang tingin ko sa laptop. Gusto ko lang malaman kung maayos ba ang kalagayan nito sa bahay mismo ni Xion." My girl is really busy. Did I
Alice's Point of View " So. . .what's their next plan?" He asked while leaning on his table. Naka-crossed arm ito habang nakatingin sa akin. " Party. Sa party nila gagawin ang transaksyon. Since wala na si Luck, si Sarmien sana ang mamahala sa transaksyon na 'yon. Want to hear my plan?" tanong ko sa sabay alis nang paningin ko sa kaniya. He's staring too much. " Sure. What's your plan, honey?" " Stop." " Okay. Alice, what's your plan?" Tiningnan ko siya sa kaniyang mata. "Dalawang araw pa bago mag-simula 'yong party. Nasa panig na natin si Sarmien." " Wow. My lovely Alice is getting stronger and smarter. How did you do that? Maari ko bang malaman?" " Hindi ko pa nakakausap pero. . .I know, papanig siya sa atin. " Nakita ko ang marahan niyang pagt