Alice's Point of View
Matagal n'ya akong tinitigan dahil sa tanong ko. He will help me, I think? Pakiramdam ko kase na may tinatagong bait ito.
“ No, kinalag ko lang ang tali mo sa paa para makagalaw ka ng maayos. Pero sa oras na takasan mo ako. Hindi rin ako magda-dalawang isip na tutukan ka ng baril kagaya ng ginawa ko kay Lowie. Naintindihan mo ba? ” tanong nito. Ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang sagot n'ya. Inilihis ko na lang ang usapan at nagtanong-tanong sa kaniya.
“ P-Puwede bang magtanong? ”
“ Nagtatanong ka na, ” Pakiramdam ko ay nagbago ang pakikitungo ng taong ito sa akin simula no'ng may sinabi 'yung Lowie sa kaniya. Kanina ay mabait at maayos ang pagsagot nito sa akin at pakikitungo ngayon ay hindi na. Para bang naging masungit ito at inilalayo ang sarili sa akin.
“ Anong kailangan n'yo sa am
Sandra's Point of ViewIt's been three days at hindi pa rin nagigising si Alice. Medyo napalakas nga yata ang pagpalo ko ng baril sa ulo n'ya. Sa bagay kung hindi ko ginawa 'yon marahil ay hindi kami makaka-alis sa lugar na 'yon kahit ilang beses ko pang ipaliwanag sa kaniya na nanganganib ang buhay n'ya. Mabuti na lamang at hindi na ako inusisa ng police na nagtatanong sa akin kung bakit s'ya nahimatay. Mabuti na lang at hindi nito napansin na may dala akong baril.Papasok ako ng gate ng Castiello ngayon. Lagi naman akong pumupunta dito kapag walang magawa, and I'm sure na nandito rin 'yung ibang reaper. Bukod sa masarap tumambay sa mansion na ito, masarap rin ang nilulutong pagkain. Nang maiparada ko na ang kotse ko sa garahe ay agad akong bumaba at nagtungo papunta sa loob ng mansion.Napangiti na lang ako sa naisip ko.“ Komportable ang mga Castiello na iiwan laging buka
Alice's Point of ViewHindi ko sinagot ang tanong n'ya. Sa halip ay tumayo ako at nagtungo sa cr upang maghilamos. Ramdam ko rin ang pagkalam ng sikmura ko.So, three days akong tulog?Napatingin ako sa salamin habang hinahayaan ang tumutulong gripo. Wala akong ganang kausapin ang Alex na 'yon. Kahit Kuya ko pa s'ya.Lumabas naman ako habang pinupunasan ko ng towel ang muka ko. Napansin kong umalis na si Alex dahil hindi ko na nakita na nakatayo ito sa pinto. Sinigurado kong wala na si Alex sa kuwarto sa pamamagitan ng pagli-libot ng paningin ko sa buong kuwarto.“ Salamat at umalis rin, ” bulong ko sa sarili ko. Hinanap ko muna ang cellphone ko, matagal ko ng hindi nahahawakan 'yon halos mga ilang araw na. At sigurado akong nandito lang 'yon since dito ako unang dinala ni Aedis no'ng inaya n'ya ako sa party. O baka na kay Aedis naman 'yong cellphone ko? Tiningnan ko na rin sa may lampshade, sa ilalim ng unan, kama at ilalim
Alice's Point of View Napatingin lang ito sa akin at para bang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko. “ Bago ko sagutin ang tanong mo na 'yan Alice. Wala ka bang balak na pumunta sa libing ng Sandiego bukas? ” tanong n'ya. Napatungo naman ako. “ H-Hindi ko po alam....hindi ko po kase kayang makita na ibinabaon sa lupa ang pamilyang kinilala ko mahigit limang taon. Lalong-lalo na at brutal para sa akin ang pagkamatay nila... ” wika ko. “ C-Can we go back to our current topic now?” tanong ko pa ngunit tinignan n'ya ako at para bang sinu-subukan n'yang basahin ang ini-isip ko. “ Did you just call me Dad because you wanted me to help you?” Nabigla naman ako sa tinanong n'ya. “ O-Of course...not, alam ko pong kayo lang kase ang makakatulong sa akin. K-Kaya please...gusto ko lang po kasing malaman kung ano ang dahilan nila, kung bakit nila pinaslang sila Kuya Jake,”
Alice's Point of ViewIlang araw na rin ang nakalipas simula no'ng naihatid na sa hantungan sila Mama Grace at Kuya Jake. Nakaharap ako sa lapida nila ngayon at dumadalaw. Nag-dala rin ako ng bulaklak para sa kanila. Sa tuwing naaalala ko sila, naaalala ko rin ang pagkamatay nila.I really missed them. Miss na miss ko ang lahat ng mga taong nawala sa akin. Napangiti na lang ako ng mapait ng may sumagi na tanong sa isipan ko.Sino pa kaya ang taong mawawala sa akin?Sa totoo lang, I was planning to take a revenge. Pero wala namang magagawa 'yon. Salamat na lang sa pakikitungo sa akin ng Daddy ko at ni Aedis. At bago rin matapos ang usapan namin ni Sandra may sinabi s'yang bagay sa akin.“ By the way, bago ako umalis. Let me say you think one thing. Revenge will do nothing. Hayaan mo ang pagkakataon at batas ang maningil sa mga kasalanan nila,”
Alice's Point of ViewNapansin kong hindi inilapag ni Liam ang cake na bitbit n'ya kanina. Siguro ay sosolohin n'ya ito since strawberry cake ang paborito n'ya. Akmang may kamay na dadapo sa nakakahon pang cake na dala ko ngunit pinigilan ko ito.It was Sandra.“ This is mine. You should buy yours,” wika ko. Napatingin naman ang dalawa n'yang katabing reaper sa aming dalawa kung titignan ang posisyon namin sa malayo. Mukang naglalaro kami ng ' maiba’y taya, ’ kaya agad ko namang ini-alis ang kamay ko. Pumasok naman si Aedis sa sala. Bitbit n'ya ang plato at kutsara samantalang dala naman ng maid ang mga baso ng juice na nakalagay sa isang malapad na tray.“ Meryenda na,” wika ni Aedis at inilapag ang plato at tinidor sa coffee table, gano'n din ang ginawa ng maid bago ito nagpaalam at lumabas.
Alice's Point of View“ Ate Alice! I will go outside with Kuya Aedis. Gusto mo bang sumama ulit? ” tanong ni Liam habang kumakain kami ng umagahan sa dining room. Napansin kong hindi umuwi si Dad, siguro ay busy ito. At ang hinala ko ay busy ito sa pagpapatakbo ng kaniyang Organisasyon. Wala rin kase dito sila Sandra at sila Alex. Kaya kami lang dalawa ngayon ni Liam ang magkasabay kumain. Ilang araw pa lang nang bumalik ang alaala ko at napapalapit na agad ako sa bunso kong kapatid. And I hope magtuloy-tuloy lang ang mga pangyayaring ito na walang panganib na lumalapit sa amin.Nakarinig naman ako ng mga yabag sa sahig. At patungo 'yon dito kung nasaan kami ni Liam ngayon. Nilingon ko naman ang mga yabag na 'yon at nakita si Aedis na may dalang pandesal.“ Liam, may dala ulit akong pandesal. You want?” tanong nito sa kaniya bago umupo sa tapat ko katabi ni Liam. Napa-isip ako kung dala ba nito ang cellphon
Alice's Point of View“ Hey, Aedis. Do you like someone or do you have a crush? ” tanong ko at nilingon naman n'ya ako na magkasalubong ang kilay.“ Yes, why? Nagseselos ka na ba at gusto mo na bang masabunutan ang babaeng nagugustuhan ko? ” nakangisi nitong tanong. Ngumiti naman ako sa kaniya.“ No, interesado lang ako sa babaeng natitipuan mo. Is she beautiful? ” tanong ko at inilapag ang cellphone ko sa gilid ko. Napatingin naman sya sa katulong na nagliligpit ng mga pinagkainan. Inintay n'ya munang umalis ito bago ako nilingon.“ Yes, she is. Unfortunately, mas maganda pa s'ya sa 'yo,” wika nito. Pero hindi naman ako naapektuhan sa sinabi n'ya. Natural lang na ipagyabang n'ya ang babaeng gusto n'ya
Sandra's Point of View“Another transaction?” nakataas kilay kong tanong kay Vyle. Ngunit derederetso lang ang paglakad nito papasok sa driver seat, ako naman ay umupo sa passenger seat. Bakit ba kase ito ang nakasama ko? Ang dami-dami namang iba. Ni-hindi man lang n'ya sagutin ang tanong ko.Agad naman s'yang nag maneho ng tahimik. Napangiti naman ako at saka nagtanong. “ Still angry? Ilang araw na ang nakakalipas nang sinagutan ka ng isang Castiello. Hanggang ngayon, nagtitiim bagang ka pa rin. Malakas ba ang impact ng sinabi n'ya sa'yo? ” Napahinto s'ya sa pagmamaneho at tinignan ako ng masama. Nakipagtitigan naman ako.“ Did Maximilian Castiello trust her daughter? ” taas kilay nitong tanong saka sumeryoso ang muka bago ibinaling ang paningin sa manibela habang nilalaro ito ng daliri n'ya na animo'y naghihintay sa sagot ko.