BUMALIK na ang mood ni Zoey dahil nang mag-uwian sila ay nanood pa sila ng practice ng basketball. Kaya naman pala wala ang adviser nila na si headmistress Patricia dahil magsisimula na ang intrams. Kahit pala tagong school ang pinapasukan nila ay same routine pa ‘rin sila doon. Ang basketball team ay tumatanggap ng bagong sasali sa grupo kaya nanonood sila. Mayroon ‘ding ibang sports and clubs pero wala naman silang balak sumali dahil pagod lang iyon para sa kanila. Pero si Selena ay gustong sumali sa Quiz bee kaya sinoportahan nila ito at nakapagpalista na. “Lili!” mahinang bulong ni Bianca kay Zoey at hinawakan ito sa braso. “May gwapo sa likod mo!” bulong nito na ikinalaki ng mata ni Zoey at napalingon ng palihim doon. Tama si Bianca gwapo nga! “Itulak mo ako bilis!” pabalik na bulong niya dito na agad ginawa ni Bianca. “Ay ano pa ‘yan parang tanga si Nikka! Sorry kuya pogi!” Ngiting sabi niya sa lalaki pero masamang tingin ang pinukol sa kaniya nito at hinawakan ng mah
“KILL her! Kill her! Kill her!” Paulit-ulit iyang sinasabi ng mga estudyante sa paligid nang magpunta sila sa field kung saan gaganapin ang level 1 na parusa ni Zoey. Wala kang makikitang expression sa muka ni Zoey. Ang asul na mata nito ay nagmistulang isang tahimik na dagat dahil sa blangkong tingin niya. Nang huminto sa paglalakad si President Xander ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Muli ay nakita nanaman niya ang kinaiinisang ngisi nito pero hindi niya iyon pinatulan. “Bibigyan ko kayo ng chance na gawin ang gusto niyo sa kaniya but! Bawal gumamit ng patalim!” Dahil sa sinabi ni Xander ay nagsigawan ang paligid sa sobrang tuwa. Iyon ang unang beses na hinayaan ni Xander na sila ang gagawa ng parusa. Walang mintis na ito ang gumagawa mg parusa para mapahirapan ang mga ito at magdala na. “Pero dalawang estudyante lang ang gagawa.” Muli nitong sabi habang si Zoey ay walang emosyon pa ‘ring nakatingin sa lalaki. “Kami!” Mayroong sumigaw sa gitna ng mga estudyante at b
ALAM ni Zayne na mayroong kakaiba doon sa babaeng itinuro ng kaniyang kambal dahil kung hindi ay hindi niya iiwan ito. Nasa gitna sila ng mission, hindi pwedeng palusutin nalang ang mag ebidensya at isa pa alam niyang kaya ni Zoey ang parusa na iyon. Napahinto siya sa pagtakbo ng mayroong humila sa kaniyang braso. “K-kai! Saan ka pupunta?!” Natigilan si Zayne ng makita niya ang nag-aalalang muka ni Tiana. Napalingon pa siya sandali sa nilikuan ng babae at tuluyan na itong nawala sa paningin niya. “B-bakit mo iniwan ang kapatid mo?! Paparusahan siya hindi mo manlang siya ililigtas?!” Hinawakan ni Zayne ang kamay ni Tiana na nakahawak sa kaniyang braso at inalis iyon. “I know Lili can handle it. Pero ikaw, alam mong hinahanahabol ko ang babaeng iyon hindi ba? Pinipigilan mo ako para hindi ko siya makausap.” Kita niya ang gulat na expression ni Tiana at hindi na makatingin ngayon sa kaniya. Napangisi si Zayne dahil doon, minamatyagan lang nila si Tiana at alam niya’t nararamdaman
“Good day everyone! Welcome to Winterford University!” Si headmistress Patricia ang nagsasalita sa harapan. Sobrang naging busy ito katulong si President Xander sa pag-oorganisa ng event. Marami pa itong sinabi na hindi naman nila inintindi hanggang sa tuluyan nang magbukas ang event. Ayon kay headmistress Patricia ay magkakaroon ng ball mamayang gabi. Yes, one day lang ang intrams pero ang paghahanda nila ay matagal hindi ba? Dahil ang pinakang pinaghahandaan talaga nila ay ang ball. Ang mga clubs at sports ay madali nalang ‘yan pero sa ball, doon aattend ang pinakanv mahahalagang tao sa gangster world. ‘Yan ‘din ang dahilan kung bakit sinanay na nila ang dalawa dahil hindi nila alam kung anong mangyayari sa ball. Hindi sila pwedeng makampante lalo na’t iyon ang unang pagkikita nila ni Madel Winterford. Una nilang pinuntahan ay ang quiz bee ni Selena. Sabay-sabay ang mga quiz bee at ibang ganap nila kaya nasasayo na kung manonood ka. Sa sports naman sa pagkaka-alam nila uunahin
“NANDITO na sila!” “Ang ganda talaga ni Lili!” “Ang pogi ni Kai kyahh!” “Ang ganda ‘din nila Nikka, Selena at Tiana. In fairness kahit mahina ‘yung dlawa may tinatago ‘din ganda hahaha!” Samu’t saring reaction ang naririnig nila sa paligid. Si Selena at Tiana ay bago sa ganoong uri ng papuri na may kasamang lait kaya nahihiya sila pero si Nikka ay sanay na lalo na’t palagi niyang kasama ang kambal. Samantalang si Zoey at Zayne ay wala namang pakialam. Si Zayne ay blangko lang ang muka habang si Zoey ay nakangiti sa kanila kahit na natatakpan pa sila ng mga mascara. Sila lang naman ang magkakasama palagi kaya madali silang makilala ng kanilang mga ka-eskwela. Sakto ang dating nila dahil mag sisimula na ang event kaya tumayo muna sila sa isang tabi. “Good evening everyone! Thank you for coming to our ball 2023. Syempre hindi tayo makakapagsimula hangga’t wala ang ating mga panauhin. First, let’s welcome our Principal Madel Winterford!” Nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid haba
Maya-maya pa ay muling bumalik ang ilaw sa paligid at ang tugtog kaya nagpatuloy na sila sa pagsasaya. Samantalang sa kinalalagyan naman ni Zoey ay napabalik siya sa kaniyang sarili ng hawakan siya sa magkabilang balikat ng humila sa kaniya. “Sino ang kasayaw mo Zoey?! Papatayin ko!” Kilala niya ang boses na iyon. “My life! Kumalma ka nga, malaki na si Zoey!” “No! Hindi ako papayag na umaaligid sa prinsesa ko!” Dahil sa biglang paglitaw ng isang babae sa kaniyang paningin at sa usapan ng mga ito ay nakilala niya agad ang mga ito. “D-daddy! Mommy!” Niyakap ng mahigpit ni Zoey ang dalawa at natigil ang tension na namumuo kay Zekiel ng makitang may kasayaw ang kaniyang anak. Tama ang hinala ng kambal, si Claire, Zekiel at Dylan ang tatlong bisita na nagpapanggap bilang bisita. Sa katunayan ay pinatulog nila ang tatlong bisita na iyon at sila ang pumalit. Sa tulong ng gadget na ginawa ni Zayne ay nagawa nila ang boses ng mga ito kaya hindi sila nahuli ni Madel. “Mommy! Da
HINDI alam ni Selena kung ano ang gagawin niya. Niyuyugyog na niya ngayon si Tiana para gisingin ito pero walang nangyayari. Habang ang paligid ay patuloy na sinisigaw na siya ang may kasalanan. “Nilason niya si Tiana!” “Sinubukan niyang patayin si Tiana!” “Anak ni Principal Madel at ang susunod na tagapagmana ng University at Gangster world! Sinadya niya ito!” Mas lalo lang siyang nanginginig sa mga sigaw sa paligid ngunit wala siyang pakialam doon. “T-tulong... Tulungan niyo si Tiana please!” Iyak na hingi ng tulong niya sa paligid. Wala siyang pakialam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kaniya dahil mas mahalaga ang buhay ng kaibigan niya. Si Tiana ang kauna-unahang naging kaibigan niya at malapit na malapit sila sa isat-isa kaya hindi niya gugustuhin na may mangyaring masama dito. “Selena! Kami na ang magdadala sa kaniya sa clinic!” Napatingin si Selena sa nagsalita at nakilala niya agad ang mga babaeng iyon. Tatlo sila, kabilang sa grupo ng volleyba
Si Xavier ay tatlong taon na doon. Nagsimula ang mission niya na iyon mula sa kaniyang ama na Emperor sino pa ba? Hinayaan siya nito na sumali sa Gangster world at iligtas ang mga ito ngunit hindi naging madali ang lahat lalo na’t siya ang susunod na Emperor. Nagpabalik-balik siya sa Spain at Philippines na mas lalong ikinatagal ng mission niya. Sumunod sa kaniya si Patricia na ang ama niya mismo ang humanap dito para tulungan siya pero tama siya, hindi madaling kalaban at utuin si Madel. Maging si Patricia ay nahirapan i-build ang trust na mayroon na si Madel sa kaniya ngayon. Aabutin talaga ng ilang taon at kailangan muna nilang pumatay ng mga tao para sa trust na iyon. Tuluyan na nilang nakuha ang loob ni Madel, siyang dating naman ng kambal at ni Bianca. Nauna sa kanila ang dalawang babae na isa sa naging problema nila lalo na si Selena dahil nalaman nilang ito ang anak ng namayapang Mr. And Mrs. Winterford, isang malaking threat sa plano ni Madel. Sa welcoming palang ng mga b