NAGULAT ang dalawa dahil sa biglaang pagkahimatay ni Calire mabuti nalamang at mabilis ang naging kilos ni Zekiel at sinalo ang dalaga. "Call some help Hero! Bring them to our room!" Agad na sabi ni Zekiel na mabilis ang naging kilos at dinala ang dalaga sa pinanggalingan nilang kwarto. Kadarating lamang ni Zekiel at Hero mula sa Pilipinas, ng malaman ni Zekiel ang kinalalagyan ni Claire sa Paris at ang katotohanan na naging secretary siya ni Louise ay galit na galit ang binata. Halos magwala na ito sa loob ng office niya kaya tila binagyo iyon. Hindi siya pinakealaman ni Hero dahil expected na niya na ganoon ang magiging rection nito. Di na rin siya nagulat ng sabihin ni Zekiel na mag book siya ng flight papunta sa Paris. Hindi na niya nagawa pang tawagan si Claire upang balaan dahil masyado siyang naging busy sa pag-asikaso ng mg papel nila at kailangan pa niyang siguraduhin ang kaligtasan nila kaya hindi na niya ito nasabihan. Nasa loob na ng kwarto ni Zekiel si Claire at na
Parang tumigil ang mundo ni Zekiel ng marinig ang sinabing iyon ng doctor na kahit si Hero ay nanlaki ang mata at hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Pregnant?!" gulat na tanong nito na ikinatango ng doctor. "Yes, and gaining her memory may cause stress to her that may lead to loss her baby so please do help her to stay in a mood everyday," Nanlamig ang kamay ni Zekiel dahil sa sinasabi ng doctor, sobrang bilis na 'rin nang tibok nang puso niya. "H-How many months or weeks is she pregnant?" Napatingin si Hero kay Zekiel ng magtanong ito lalo na at kitang-kita niya ang gulat sa muka nito. "Five weeks, it means one month and one week," Hindi na napigilan ni Zekiel ang pagtulo nang luha niya dahil doon. Tama siya, tama ang hinala niya na siya ang ama ng dinadala nito. Nag-alala naman si Hero dahil sa pag-iyak ni Zekiel lalo na at alam niya na mahal na mahal nito si Claire. Ano pa kaya ang nararamdaman nito gayong ngayon na buntis ito. "I'll take my leave now," tumango si Hero
"AKO na ang kakausap kay Zayne sir please?" Napatingin si Zekiel kay Claire ng magsalita ito, papaalis na sana ang binata upang sundan si Zayne. "But Venice ayokong mapahamak kayo—" "Sir, I can handle myself at isa pa hahayaan ko bang mapahamak ang anak ko?" natahimik si Zekeil dahil sa sinabi ng dalaga at maya-maya ay unti-unti na 'rin itong napatango kaya napangiti si Claire kahit papaano. Alam niya na nagagalit si Zayne dahil sa ginawa niyang panloloko dito isang buwan na ang nakakaraan kaya gusto niya ay siya rin mismo ang aayos ng gulong ginawa niya. Tumayo na siya at nakaalalay doon si Zekiel, naiilang na siya sa ginagawa ng binata. Hindi siya sanay sa mga ginagawa nito pero hinayaan nalang muna niya. Lumabas siya ng kwarto at itinuro ni Zekiel ang kwarto doon ni Zayne at agad niya iyong pinuntahan. Pagbukas niya ay nakita niyang sarado ang bintana niyon at medyo madilim ngunit kita pa 'rin niya si Zayne na nakatalukbong ng kumot. Napabuntong hininga siya doon at kumatok sa
"SORRY," Sabi ni Claire habang nasa kusina sila at naghihiwa siya ng mga patatas. Matapos ng pag-uusap nila ni Zayne ay inihatid siya ni Zekiel sa kwarto at doon ay kinalma siya. Nang maging okay na siya ay nakaramdam na siya ng gutom kaya nagsabi siya dito na mag-luluto siya. Ngunit wala pang manok doon kaya pinalabas ni Zekiel si Hero para bilhin ang gustong lutuin ni Claire ayaw niya kasing iwan ang dalaga na nag-iisa. "Sorry kasi dahil saakin nagkagulo kayo ni Zayne," dugtong na sabi ni Claire sa kaniya. Island type ang kitchen doon kaya malaya silang nagkakaharap ni Zekiel at nag-uusap. Mayroon iyong lamesa sa pinakang gitna na siyang kinalalagyan din ng lababo at nasa may pader naman ang lutuan. "Why did you leave? Alam mo bang iyak ng iyak ang anak ko ng hindi ka na niya makontak? Ang sabi niya impossible na umalis ka dahil nakita ka pa niya sa mall pero wala ka na pala," Napatingin si Claire kay Zekiel ng mag-salita ito. Seryoso na ito ngayon at para siyang matutunaw sa p
"Kung sana lang noon ko pa nalaman ang bagay na iyon hindi ko hahayaan na umalis si tita-mommy," Nag sisisi niyang sabi sa sarili. Masyado siyang nabulag sa sakit noon kaya hindi niya napansin ang ikinikilos ni Claire. Nag-sisisi na si Zayne lalo pa at napagsabihan niya ng masasakit na salita ang dalaga. Muli niyang binuksan ang pintuan at nakita niya na kinakausap ito ni Hero kaya nabuo na ang plano sa kaniyang isip at agad na lumabas ng kwartong iyon. Samantalang nakaramdam ng panghihina si Claire ng umalis si Zekiel doon mabuti nalamang at nakahawak siya sa lababo. "Claire are you okay?" mahinang bulong ni Hero na ikinatingin ni Claire sa kaniya. "Stop calling me by that name, baka mas lalong gumulo ang lahat Hero. Galit saakin ang mag-ama ko," naiiyak na sabi ni Claire. "Kasalanan mo Claire, akala ko ba matalino ka? Pero bat ang tang* mo sa pagmamahal? Totoo nga ang kasabihan na matatang* ka sa pag-ibig kahit na anong talino mo," nagulat si Claire dahil sa sinabi ni Hero
"READ the rules and please do understand it because I don't want my child to get hurt,"Dahil sa sinabing iyon ni Zekiel ay nagtaka si Claire at agad na binasa ang rules na nakasulat. "Rule number one, bawal umalis sa tabi ko maliban nalamang kung nagpaalam ka saakin, is this necessary?" tanong ni Claire sa kaniya pero tinignan lamang siya nang binata kaya napairap siya dahil doon. Unti-unti nanaman siyang naiinis sa lalaki lalo na sa ginagawa nitong pangongontrol sa kaniya. "Rule number two, wala kang ibang kakausaping lalaki maliban nalang kung alam ko.Rule number three, hindi ka pupunta sa kahit na anong okasyon ng wala ako.Rule number four, wala kang ibang gagawin kundi ang kumain ng masustansya para sa anak ko.Rule number five, bawal magpaka-stress.Rule number six, bawal kalimutan ang vitamins.Rule number seven, bawal magtrabaho sa tabi lang kita.Rule number eight, bawal magalit.Rule number nine, sa bahay ko na ikaw titira hanggang sa manganak ka.Rule number ten—teka ba
"Why?" malamig na tanong nito na ikinalunok ng dalaga. "P-para saan pa? Ginawa mo lang naman akong anakan hindi ba? Kapag naipanganak ko na ang batang ito puputulin ko na ang koneksyon ko sa inyo. Wala namang ibang mahalaga sa inyo kundi ang bata kaya inyo na!" Nagulat ang mga ito dahil sa sinabi ni Claire at maging si Hero ay napahilot nalamang sa sintido dahil sa nasabi ng dalaga dahil lalo niya lang pinalala ang lahat. Biglang tumayo si Zayne at iniwan sila doon pagkatapos ay tumakbo papunta sa kwarto nito. Agad ring tumayo si Zekiel kaya napatingin si Claire dito. "Hero samahan mo siya sa kanila at siguraduhin mong ligtas ang anak ko," Malamig na sabi ni Zekiel at ipinagdiinan ang salitang anak nito pagkatapos ay naglakad na papunta sa kwarto at nagkulong doon. Naiwan na nagsisisi si Claire dahil sa kaniyang sinabi. "Bakit mo sinabi yun? Lalo mong pinalala Claire," napabuntong hininga si Claire dahil sa sinabi ni Hero sa kaniya. "Nadala ako nang emosyon ko Hero hindi k
"ANO ba talaga ang totoo Claire at bakit sampung buwan ka sa pilipinas?" Bungad na sabi ni Quinn ng nasa loob na sila ng office nito. Kasama din nila si Hero na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "I'm pregnant Quinn," deretsyong sabi niya at naupo sa upuan nito. "You're what?!" gulat na sabi ni Quinn sa kaniya at sinamaan niya ito nang tingin dahil rinig naman niya ang sinabi nito. "Pregnant how?! Sino ang ama niyan?!" takang sabi ni Quinn sa kaniya na ikinayuko ni Claire at pinaglaruan ang kamay nito. "Don't tell me si Kiel?" hindi nakasagot si Claire dahil sa sinabi nito na ikinasabunot ni Quinn sa sarili dahil sa pagkadismaya. "Seriously Claire?! How is that even possible eh isang buwan na kayong hindi nagkikita?" frustrated na sabi nito sa kaibigan. "I'm one month pregnant Quinn at kaya hindi ako nakauwi agad dahil nakita namin ni Louise si Zekiel at doon nalaman na buntis ako dahil bigla akong hinimatay sa harap nila," Napaupo nalamang si Quinn sa sofa doon dahil
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni
“HMP!” Pagpupumiglas ni Zoey dahil bigla nalamang mayroong tumakip sa kaniyang bibig at inilabas siya ng veranda. “Shhh! It’s me Zoey!” mahinang bulong sa kaniya ni Phil na siyang may kagagawan ng pagkuha sa kaniya. “T-tito Phil?” “Yes, we must get out of here as soon as possible!” Napaseryoso si Zoey dahil sa sinabi nito sa kaniya at binitawan na siya ng lalaki at tumingin sila sa paligid kung mayroon bang bantay. Nang masigurong wala ay walang alinlangan silang bumaba mula sa veranda na iyon at maayos na nag landing sa damuhan. “Follow me tito Phil,” mahinang sabi ni Zoey na ikinatango lang sa kaniya ng lalaki. Ang plano ay siya ang kukuha kay Zoey ngunit ang naging ending ay ito lang ‘din ang naglabas sa kanila sa lugar na iyon. Ano pa nga bang aasahan ni Phil? Silang kambal ni Zayne ang unang matatalinong batang nakilala niya, bakit una? Simple lang dahil mayroong mas matalino sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang minutong pakikipagpatentero nilang dalawa sa mga banta
Hi Kimmie's! Alam ko marami ng galit sa inyo dahil wala akong update dito sobrang tagal na and yes kasalanan ko po. I'm really sorry, pero di ko na maibabalik ang mga nakalipas na buwan. Sadyang marami lang nangyari sa personal kong buhay to the point na di ako makasulat ng ayos. Yes, may bago akong story pero hindi ko mapagsabay ang dalawang story kaya mas pinili ko muna mag focus sa isa pero ngayon handa na akong pagsabayin sila at bumalik na ako sa dati yey! As of now binabasa ko ulit ito para as soon as matapos kong mabasa at makabalik ako sa kwento ni Zoey matutuloy ko na. Again, sorry sa matagal na paghihintay but be patient guys. Mag uupdate ako sooner or later. Gugulatin ko nalang po kayo para surprise. Sana ay nandito pa 'rin kayo nakasubaybay sa kwento ng Gray Family. Comment down sa matyagang nag hihintay ng update, mahal ko kayo! Thank you so much! Love lots!
KAHIT na hindi alam ni Zoey kung ano ang sasabihin niya kay Xavier ay nangingibabaw pa ‘rin ang kaniyang pagkamiss sa nobyo. Kahit na nakakasama niya ito ng madalas noong nagpapanggap siya bilang Fiona ay hindi naman niya ito maalala kaya ngayon na nakaka-alala na siya ay mas nangingibabaw ang kaniyang pagkamiss dito ngayon. Naupo si Xavier sa gilit ng kaniyang higaan habang siya naman ay sumandal sa headboard upang kahit papaano ay makapantay niya ito. Magkatitigan lamang silang dalawa at walang nagsasalita. Kapwa mayroong mga ngiti sa labi ngunit hindi mo mararamdaman ang ni-katiting na awkward sa kanilang pagitan. Hanggang sa hindi na nila napigilan at tila iisa ang kanilang nasa isip dahil pareho nilang niyakap ang isa’t-isa ng sobrang higpit. Hindi iyon inaasahan ni Zoey kung kaya naging emosyonal siya hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha niya at humagulhol na ito sa balikat ng lalaki. “My angel why? May masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Xavier dito ng maramdaman niya ang
“REPORT” Seryosong sabi ni King Clark ng pumasok sila ni Zekiel sa loob ng CCTV room kung saan naroroon ang mag kakaibigan kasama ang bunsong kambal. Agad na nagsitayuan ang mga ito at sa pangunguna ni Zayne ay siya ang sumagot sa kanilang titong Hari. “Nakita namin na ibinaba siya malapit dito sa palasyo. Ang ipinagtataka lang namin ay pagka-alis na pagka-alis ng van na iyon ay nawala na ‘din ang footage. Sinubukan na namin lahat ng alam namin para maibalik ang footage ngunit wala pa ‘rin.” Seryosong sabi ni Zayne na siyang ikinatango naman ng mga kasama niya. Samantalang sina Zekiel at King Clark naman ay nagkatinginan dahil doon. Pinasuyod ‘din kasi nila ang paligid para masiguro kung mayroon pa bang ibang kalaban sa paligid ngunit wala na naman silang nakita. “Kung ganon pinaghandaan nila ito. Ang tanong ay anong ginawa nila sa anak ko para nalang umiyak ito ng ganon?” naguguluhan na sabi ni Zekiel. “Ang mas nakakapagtaka pa po tito ay walang ibang sugat si Zoey bukod sa marka