“Sa totoo lang maswerte tayo na napadpad siya sa lugar na ito. That time ako ang nagbabantay sa control center at wala si Madel kaya naipasok ko agad si Selena. Kamukang-kamuka niya ang mommy niya na si Mrs. Winterford kaya kayo ang inaasahan ko na magbantay sa kaniya. Don’t worry dahil hindi siya magagalaw ni Madel hangga’t isa siyang estudyante ng eskwelahan pero sa hindi sapat iyon dahil kailangan niyang matutunang iligtas ang sarili niya. Ang mission na ito ay sobrang halaga, sa inyo nakasalalay ang kinabukasan ng mga tao. Kapag pumalpak kayo katapusan na nating lahat. May tiwala kami sa inyo kaya kayo nandito ngayon. Asahan niyong tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya.” ‘Yan ang huling sinabi ni Headmistress Patricia sa kanila at binigyan muna sila ng isang libro na naglalaman ng rules ng Winterford University bago sila nag hiwa-hiwalay. KINABUKASAN sabay-sabay silang kumain ng umagahan. Si Selena ang unang nagising at nagluto kaya nagulat pa ang tatlo pwera kay Tiana.
“Hahaha! Deserve!” “Akala mo ba porket nakaligtas ka sa welcoming hindi na magiging hell ang buhay mo?!” “Simula palang ito!” Sabi ng tatlo sa kaniya na tinapunan siya ng tubig mula sa timba na nasa isang cubicle. Tumatawang umalis ng CR ang tatlo habang siya ay nagtitimpi. Pilit niyang inaalala ang sinabi sa kaniya ni Zayne na ‘wag daanin sa init ng ulo lahat at ‘wag silang patulan. “Ngayon lang ‘to Zoey. Kapag nakakuha na kayo ng clue pwede mo na silang labanan!—Ahhh!” inis na sinipa niya ang timba na nasa sahig na matapos niyang sabihin iyon sa sarili. “Basa na ako kainis!” No choice siya kundi ang tumakbo papunta sa kaniyang locker para magbihis. “Uy si transfer oh!” “Miss bat ka naman tumatakbo baka mawala ganda mo niyan!” “Basa siya girls! Mukang nagsisimula na ang pahirap sa kaniya!” “Payag ba kayong ‘di tayo sasali?!” Ang kaso habang tumatakbo siya ay napansin siya ng mga nakatambay na estudyante at tinawanan ng mapansing basa siya. Ang ending pinagbabato s
“PARA sa pagtapon ng armas na magagamit sana namin.” Seryosong sabi ni Zoey habang nakasalampak pa ‘rin sa sahig si President Xander. Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon matapos iyon at naglakad na siya paalis. Kusang humawi ang kaniyang daraanan at wala pa ‘ring imik ang paligid dahil sa kanilang pagkagulat. “Lili!” Sigaw na tawag ni Bianca at Zayne kay Zoey pero hindi sila nito pinakinggan kaya hinila na nila si Selena at Tiana para sundan ito. Pagka-alis na pagka-alis nila sa cafeteria ay doon na nagsimula ang bulungan ng mga estudyante. “Ang kapal ng muka!” “Kahit si President tinatalo! Tignan lang natin kung sisikatan pa siya ng araw bukas!” “Akala niya ata simpleng gangster lang si President X! Ang hindi niya alam siya ang pinaka malakas saatin!” Sunod-sunod na kanilang bulungan pero natigil iyon ng biglang tumawa si President Xander. Sa una ay mahina lang iyon hanggang sa lumakas na na naging dahilan para matahimik ang paligid. Simula ng dumating si Xander sa Winte
BUMALIK na ang mood ni Zoey dahil nang mag-uwian sila ay nanood pa sila ng practice ng basketball. Kaya naman pala wala ang adviser nila na si headmistress Patricia dahil magsisimula na ang intrams. Kahit pala tagong school ang pinapasukan nila ay same routine pa ‘rin sila doon. Ang basketball team ay tumatanggap ng bagong sasali sa grupo kaya nanonood sila. Mayroon ‘ding ibang sports and clubs pero wala naman silang balak sumali dahil pagod lang iyon para sa kanila. Pero si Selena ay gustong sumali sa Quiz bee kaya sinoportahan nila ito at nakapagpalista na. “Lili!” mahinang bulong ni Bianca kay Zoey at hinawakan ito sa braso. “May gwapo sa likod mo!” bulong nito na ikinalaki ng mata ni Zoey at napalingon ng palihim doon. Tama si Bianca gwapo nga! “Itulak mo ako bilis!” pabalik na bulong niya dito na agad ginawa ni Bianca. “Ay ano pa ‘yan parang tanga si Nikka! Sorry kuya pogi!” Ngiting sabi niya sa lalaki pero masamang tingin ang pinukol sa kaniya nito at hinawakan ng mah
“KILL her! Kill her! Kill her!” Paulit-ulit iyang sinasabi ng mga estudyante sa paligid nang magpunta sila sa field kung saan gaganapin ang level 1 na parusa ni Zoey. Wala kang makikitang expression sa muka ni Zoey. Ang asul na mata nito ay nagmistulang isang tahimik na dagat dahil sa blangkong tingin niya. Nang huminto sa paglalakad si President Xander ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Muli ay nakita nanaman niya ang kinaiinisang ngisi nito pero hindi niya iyon pinatulan. “Bibigyan ko kayo ng chance na gawin ang gusto niyo sa kaniya but! Bawal gumamit ng patalim!” Dahil sa sinabi ni Xander ay nagsigawan ang paligid sa sobrang tuwa. Iyon ang unang beses na hinayaan ni Xander na sila ang gagawa ng parusa. Walang mintis na ito ang gumagawa mg parusa para mapahirapan ang mga ito at magdala na. “Pero dalawang estudyante lang ang gagawa.” Muli nitong sabi habang si Zoey ay walang emosyon pa ‘ring nakatingin sa lalaki. “Kami!” Mayroong sumigaw sa gitna ng mga estudyante at b
ALAM ni Zayne na mayroong kakaiba doon sa babaeng itinuro ng kaniyang kambal dahil kung hindi ay hindi niya iiwan ito. Nasa gitna sila ng mission, hindi pwedeng palusutin nalang ang mag ebidensya at isa pa alam niyang kaya ni Zoey ang parusa na iyon. Napahinto siya sa pagtakbo ng mayroong humila sa kaniyang braso. “K-kai! Saan ka pupunta?!” Natigilan si Zayne ng makita niya ang nag-aalalang muka ni Tiana. Napalingon pa siya sandali sa nilikuan ng babae at tuluyan na itong nawala sa paningin niya. “B-bakit mo iniwan ang kapatid mo?! Paparusahan siya hindi mo manlang siya ililigtas?!” Hinawakan ni Zayne ang kamay ni Tiana na nakahawak sa kaniyang braso at inalis iyon. “I know Lili can handle it. Pero ikaw, alam mong hinahanahabol ko ang babaeng iyon hindi ba? Pinipigilan mo ako para hindi ko siya makausap.” Kita niya ang gulat na expression ni Tiana at hindi na makatingin ngayon sa kaniya. Napangisi si Zayne dahil doon, minamatyagan lang nila si Tiana at alam niya’t nararamdaman
“Good day everyone! Welcome to Winterford University!” Si headmistress Patricia ang nagsasalita sa harapan. Sobrang naging busy ito katulong si President Xander sa pag-oorganisa ng event. Marami pa itong sinabi na hindi naman nila inintindi hanggang sa tuluyan nang magbukas ang event. Ayon kay headmistress Patricia ay magkakaroon ng ball mamayang gabi. Yes, one day lang ang intrams pero ang paghahanda nila ay matagal hindi ba? Dahil ang pinakang pinaghahandaan talaga nila ay ang ball. Ang mga clubs at sports ay madali nalang ‘yan pero sa ball, doon aattend ang pinakanv mahahalagang tao sa gangster world. ‘Yan ‘din ang dahilan kung bakit sinanay na nila ang dalawa dahil hindi nila alam kung anong mangyayari sa ball. Hindi sila pwedeng makampante lalo na’t iyon ang unang pagkikita nila ni Madel Winterford. Una nilang pinuntahan ay ang quiz bee ni Selena. Sabay-sabay ang mga quiz bee at ibang ganap nila kaya nasasayo na kung manonood ka. Sa sports naman sa pagkaka-alam nila uunahin
“NANDITO na sila!” “Ang ganda talaga ni Lili!” “Ang pogi ni Kai kyahh!” “Ang ganda ‘din nila Nikka, Selena at Tiana. In fairness kahit mahina ‘yung dlawa may tinatago ‘din ganda hahaha!” Samu’t saring reaction ang naririnig nila sa paligid. Si Selena at Tiana ay bago sa ganoong uri ng papuri na may kasamang lait kaya nahihiya sila pero si Nikka ay sanay na lalo na’t palagi niyang kasama ang kambal. Samantalang si Zoey at Zayne ay wala namang pakialam. Si Zayne ay blangko lang ang muka habang si Zoey ay nakangiti sa kanila kahit na natatakpan pa sila ng mga mascara. Sila lang naman ang magkakasama palagi kaya madali silang makilala ng kanilang mga ka-eskwela. Sakto ang dating nila dahil mag sisimula na ang event kaya tumayo muna sila sa isang tabi. “Good evening everyone! Thank you for coming to our ball 2023. Syempre hindi tayo makakapagsimula hangga’t wala ang ating mga panauhin. First, let’s welcome our Principal Madel Winterford!” Nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid haba