“IWAN mo na muna ako kuya!” Napabuntong hininga si Zayne dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid kung kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis doon. Alam niyang nag-aadjust pa ang kapatid kaya hahayaan nalang muna niya ito. Nang maramdaman ni Catherine na wala na ang kuya Zayne niya ay dali-dali siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga at dali-daling pinahid ang kaniyang mga luha. “Grabe pwede na akong maging artista nito hahahha!” Tawa niyang sabi sa sarili at dali-daling kinuha ang kaniyang phone at tinext ang number ng ate Zoey niya. Nakuha niya iyon mula dito kanina at kabilin bilinan nito ay i-text siya agad kapag wala na siyang kasama sa kwarto para makapagpaalam siya sandali at mapuntahan siya. Excited na siyang makasama muli ang ate niya. Ang tagal niyang inantay ang pagkakataon na iyon kaya hindi talaga siya aalis sa tabi nito at yayakapin lang ito ng yayakapin. Sa ngayon siya palang ang nakaka-alam tungkol sa tunay nitong pagkatao kaya sosolohin niya muna ang ate niya
MAY kaniya-kaniyang kausap ang mga taong nasa sala’s ngayon habang inaantay nila ang pagbalik ni Fiona. Nagpaalam kasi ito sandali na sasamahan lamang ang dalawang kapatid sa kanilang kwarto para bihisan ngunit wala silang kaalam-alam na sa mga oras na iyon ay naganap na ang muling pagkikita ng magkakapatid. Naroroon na ang magulang ni Bianca na sina Bea at Dylan kasama si Fritz na silang umasikaso sa gulong nangyari at sinubukang i-trace kung nasaan si Katheryn. Ngunit kaugnay ng kanilang pagpunta doon ay wala pa ‘rin silang dalang magandang balita sa kinalalagyan ng babae. Present na ‘din si Devon na siyang tinawagan ni Xavier tungkol sa importanteng bagay na pinag-uusapan nila ngayon. Ang mga kabataan ay kaniya-kaniya na ‘rin ng pag-uusap tungkol sa nangyayaring bagong gulo. Ngunit lahat sila ay natigilan ng mayroong bumaba mula sa itaas. Agad na napatayo sila Claire at Zekiel ng makita sina Liam, Liana kasunod si Catherine na sinusundan ng ate at kuya nilang si Zoey at Zayne.
Si Bea na umiiyak habang yakap-yakap ang asawa na si Dylan ay napahiwalay dito ng mapansin ang anak na yakap yakap si Fiona na sekretarya ni Xavier. Biglang pumasok sa isip niya na kapatid ng dalawang bata si Fiona at isa nalang ang kulang sa kanila ngayon… “Z-zoey… Ikaw si Zoey hindi ba?!” Napatingin kay Bea ang mga ito dahil sa sinabi niyang iyon at tinuro niya si Fiona. “K-kung sila sina Ace at Archer ibig sabihin ikaw si Zoey!” Napatingin si Zoey kina Catherine at sa kambal niya dahil sa mahabang katahimikan na namagitan sa kanila matapos iyon. Tumango naman si Zayne sa kaniya na ipinapahiwatig na magpakilala na siya sa mga ito. Hinayaan naman siya ni Bianca na maglakad papunta sa mga magulang nito na yakap ang bunsong kambal. “U-uhm hindi ko po alam kung anong sasabihin ko sa harap niyo ngayon na aaminin ko na ang totoo pero… ako po talaga si Zoey Gray.” Pagkasabi ni Zoey niyon ay inalis niya ang kaniyang disguise katulad ng ginawa ng kambal kanina. “Xavier…” tawag n
“BREAKING NEWS: After two years of missing, Lady Zoey, Master Ace and Master Archer has been found!” Kalat na kalat na nag balita tungkol sa pagbabalik ni Zoey kasama ang kambal sa pamilya Gray. Ang unang-unang sinabihan nila sa pagbabalik ng mga ito ay sina King Clarence at Queen Francine lalo na ang former King na si Stefan. Sa sobrang tuwa ng mga ito ay agad nilang ipinamalita ang tungkol sa pagbabalik ng mga ito sa Spain lalo na’t ginawa nilang holiday ang araw na iyon. At ang araw na iyon ay ngayon. Sakay ng private plane ni Zekiel ay mabalis silang nakarating si Spain. Noong una ay kinakabahan si Zoey, napapatanong siya kung kaya niya bang humarap sa napakaraming tao? Sa media? Sa mga tagasuporta nila? Wala siyang maalala kaya hindi familiar sa kaniya ang mga bagay na iyon Pero dahil sa tulong ng walang iba kundi si Xavier ay nagawa niya itong mapapayag. Nangako si Xavier na hinding-hindi niya iiwanan ang babae hangga’t hindi siya okay sa harap ng mga bago na iyon sa kaniya
Naunang bumaba ang mommy at daddy nila kasama ang bunsong kambal at sumunod sina Catherine at Zayne. Sila ni Xavier then ang mga kaibigan nila. Kung namangha na si Zoey sa labas ng palasyo lalo naman sa loob. Sobrang taas ng ceiling, mayroon pang malaking chandelier sa itaas samahan mo pa ng malalaking bintana. Talagang nasa palasyo na siya. Nang tumingin siya sa unahan ay nakita niya ang nakaupong tatlong tao at mayroong isang nakatayo na may katandaan na. Dalawa sa mga nakaupo na ‘yon ay mayroong suot na korona at ang lalaki naman ay mayroong suot na kapa. “Wow,” mahinang sabi ni Zoey pero ng makita niyang nagsibow na ang mga kasama niya ay gumawa na siya sa mga ito. “We greet your majesty the King and your majesty the Queen.” Seryosong sabi ni Claire at pagkatapos niyon ay katahimikan ang pumalibot sa paligid. Ngunit maya-maya lang ay nangibabaw na ang salita ng isang lalaking-lalaking boses. “Ate Zoey!” Dahil doon ay napaangat ng tingin si Zoey at nakita niya na tumat
“X-XAVIER mali ang iniisip mo,” Muling pag-uulit na sabi ni Zoey matapos nilang dumating sa tapat ng pintuan ng kaniyang kwarto. Nakatalikod pa ‘rin sa kaniya ang lalaki at nakaharap lamang sa may madilim na hallway at hindi nagsasalita. Hindi siya sanay na ganoon ito, alam niya na may mali siyang nagawa kaya dapat lang na magpaliwanag siya. “Xavier naman,” lalakad na sana siya papunta sa harap nito pero bigla nalang humarap sa kaniya ang lalaki. Napatitig siya sa asul na mga mata nito at at kita niya na tila nagpipigil ito sa harapan niya. Kapansin pansin ‘din ang kamao nito na nakakuyom tanda ng pagkainis. Ang hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit niya pinagseselosan si Devon gayong ka-aalam niya lang na palagi silang magkasama noon. Napabuntong hininga si Xavier sa harap niya at doon na tuluyang nawala nag pagkakakuyom ng kamao nito’t nagulat siya ng hawakan ng lalaki ang kaniyang ulo at hinalikan siya sa noo. Hindi siya nakakilos dahil sa ginawa nito, naninibago pa
“DEVON, nakita mo naman si Xavier diba? Naiinis pa ‘rin siya saakin dahil akala niya may something saating dalawa.” Hangga’t maaari ay gustong ipaliwanag ni Zoey ng maayos kay Devon ang sitwasyon nila dahil ayaw niyang sumama ang loob nito o ma-offend. Ngunit ng makita niya ang pag ngisi nito matapos niyang sabihin ‘yun napapaisip tuloy siya kung tama ba ang iniisip niyang magdahan dahan sa kaibigan. “’Yun ba? Hayaan mo siya mag overthink, sinabi ko na naman sa kaniya na magkaibigan lang tayo e. Tara na ililibot kita!” Mag rereact pa sana si Zoey ngunit bigla nalang siyang hinila nito paalis doon kaya wala siyang magawa. “Zoey, saan kayo pupunta?” Sabay silang napahinto ni Devon muna sa pagkakahila nito ng makasalubong nila ang Hari kasama ang lolo niya na si Stefan. Agad naman silang nag bow sa harapan ng mga ito at laking pasasalamat niya dahin binitawan na din ni Devon ang pulsuhan niya. “Greetings your majesty, ililibot ko lang po sana si Zoey sa buong palasyo.” Ngitin
NAKAHINGA ng maluwag si Zoey ng makalayo na sila kay Devon. Akala niya mag-aaway muli ang dalawa mabuti at nakaisip agad siya ng paraan. “Now I know why my little brother was so jealous,” mahinang bulong ni Hazel pero rinig pa ‘rin ni Zoey kaya agad siyang napalingon dito. “P-po?” “Nothing! Shut your mout ate Hazel!” agad na sabi ni Xavier at tinakpan ang bibig ng kapatid. Napabuntong hininga naman si Zoey dahil doon at huminto sa paglalakad. “I’m sorry Xavier. Pero mali naman talaga iniisip mo, magkaibigan lang kami ni Devon!” seryosong sabi niya na ikinahinto ng magkapatid. Nanlaki naman ang mata ni Hazel dahil hindi niya inaasahan na si Zoey mismo ang hihingi ng tawad sa kapatid. Agad niyang inalis nag kamay ni Xavier na nakatakip sa kaniyang bibig at siniko ito. “She’s saying sorry, forgive her!” Sinamaan ng tingin ni Xavier ang ate niya pero hindi siya nagsalita. Inantay ni Zoey ang sasabihin ng kaniyang nobyo at maya-maya pa ay lumingon ito sa kaniya at bumuntong