Muli siyang inalalayan ni Georgia at doon siya lalong humanga sa babae. Sino nga ba talaga ito at anong katauhan niya? Bakit ang galing niyang makipaglaban? Hindi kaya isa ‘rin itong mafia katulad ng pamilya niya o ‘di kaya mayroong organization? Ang daming tanong sa isip niya pero pinili nalang niya muna itong sarilinin. Muli ay napahinto sila dahil may bantay nanaman na paparating at naroroon na sila sa may hagdan pababa mula sa may main door. Ang kaso mas marami ng bantay ngayon keysa kanina. Napilitan si Zoey na itabi muna si Catherine dahil sa sobrang daming bantay. Hindi niya pwedeng hayaan si Georgia ng mag-isa gayong kaya naman niyang lumaban. Baka mamaya ay mapahamak pa ito at hindi kaya ng konsensya niya iyon. “Dito ka muna Catherine babalik ako agad,” huling sabi niya sa kapatid ng itabi niya ito sa lugar na alam niyang walang maaaring gumalaw dito. Kinuha niya muli ang kaniyang baril at hinugot ‘din ang isa pa na dala niya at tumulong na kay Georgia. Iyon ang unang
SERYOSO sila Zayne, Xavier, Bianca, Tiana, Selena, KM at Cedric nang magsimula silang sumugod kung nasaan ngayon si Catherine. Alam nilang naroroon ‘din si Fiona ang kaso ay hindi niya alam kung bakit parang kalmado lang ang paligid at walang nangyayaring gulo. Nagpasimula sila ng pasabog mula sa may west kung saan mas maraming tauhan silang namataan doon. Kasabay ng pagsabog na iyon ay ang pagbaba nila sa kotse at sunod-sunod na tumakbo para talunin ang bantay na naroroon. Nasa loob naman ng kotse si Claire at Zekiel para sila ang maging mata ng mga ito at mabilis na hina-hack ang CCTV. Ngunit kasabay ng pag hack nila ay ang kanilang pagkabigla dahil marami ng patay na tauhan ni Katheryn sa paligid at ang ibang mga tauhan pa ay tumatakbo na paalis at tila umaatras. “Wala na! Patay na ang ibang mga tauhan at tumatakbo na sila paalis!” sabi ni Claire sa earpiece na suot na ikinarinig naman ng magkakaibigan. Napahinto pa sila sandali dahil sa pagtataka pero agad na naisip ni Xavi
“Oh bakit galit na galit ka nanaman anak?” takang tanong ni Claire dito. “Naku tita, baka inaway nanaman niya si Fiona!” sabi ni Tiana na ikinakunot ng noo ni Claire at dali-daling pumasok sa loob kaya walang nagawa si Catherine. Nakita ni Claire na wala na nga doon si Fiona at gulo-gulo na ang higaan nito. Tumingin siya kay Catherine at nameway sa harap nito. Para namang naging maamong tupa si Catherine dahil doon lalo na’t alam niyang papagalitan siya ng ina. “What did you do this time Catherine?” seryosong tanong ni Claire na hindi ikinasagot ng anak. Sila Bianca, Tiana at Selena naman ay gustong matawa dahil sa nakikita nilang reaction ni Catherine. Hilig pa naman nilang asarin si Catherine kapag nasa school. Lalo na siguro ngayon dahil kitang-kita nila ang pagiging maamo nito na tila nagpapa-awa sa ina. “Tinuruan ka ba namin ng daddy mo na maging ganon ha? Nagkulang ba kami sa pag-aalaga sa’yo Catherine?” “M-mommy, hindi po sa ganon.” Agad na sagot ni Catherine sa ina.
“ZAYNE, can I talk to you?” Napalingon si Zayne kay Xavier ng dumating ito. Nasa bar corner siya ngayon kasama sina KM at Cedric pero dahil dumating si Xavier na mukang seryoso ay nagpaalam na muna ang dalawa. Nang mapag-isa silang dalawa ay lumapit si Xavier at tumabi dito. Gabi na ng mga oras na iyon at iniintay nalang nilang magising ang dalawang babae kaya sila naroroon at magkakasama pa. Nagsalin ‘din si Xavier ng kaniyang alak at suminsim muna bago tuluyang nagsalita. Paglingon niya sa kaibigan ay kita niyang natitig ito sa kaniya. “Zayne, remember our secret place at the university?” Napakunot ang noo ni Zayne dahil sa tanong niya na iyon ngunit maya-maya ay tumango. “’Yung sa may puno. Why?” “Tayong tatlo lang ni Zoey ang nakaka-alam ng lugar na ‘yon diba?” Hindi agad nakasagot si Zayne sa tanong ni Xavier dahil pinapakiramdam niya ang lalaki. Alam niya na mayroon itong gustong ipahiwatig ngunit hindi niya agad makuha kung ano. Katulad kanina ay unti-unti siyang t
Sabay na sigaw ng dalawa at dali-daling tinakbo ang pagitan nila. Si Zekiel ang inutusan ni Claire na sunduin ang dalawang bata dahil alam niyang baka bukas pang makauwi si Fiona. Ang tatlong babae naman ay hindi maiwasan na matuwa ng makita ang dalawang bata. Nakita na nila ang dalawa mula sa video na kumakalat at magkakasama ang mga ito na kumakain ng lunch, noong una ay nagalit din sila bakit ganon pero ng makita sa personal ang dalawa ay agad na gumaan ang loob nila sa mga ito. “L-liam, Liana, anong ginagawa niyo dito?” nagtatakang tanong nito sa kapatid na sinagot naman ni Claire. “Gusto namin na maging fully recover ka muna bago ka umuwi sa inyo hija. Pasasalamat na ‘din namin ito sa pagligtas mo sa anak namin kaya dumito na muna kayong magkakapatid.” Hindi makapaniwala si Zoey dahil sa sinabi ng kaniyang ina at napatingin pa sa kaniyang kambal na kapatid na parehong may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Napailing nalang siya dahil doon at walang nagawa kundi ang suman
“IWAN mo na muna ako kuya!” Napabuntong hininga si Zayne dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid kung kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis doon. Alam niyang nag-aadjust pa ang kapatid kaya hahayaan nalang muna niya ito. Nang maramdaman ni Catherine na wala na ang kuya Zayne niya ay dali-dali siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga at dali-daling pinahid ang kaniyang mga luha. “Grabe pwede na akong maging artista nito hahahha!” Tawa niyang sabi sa sarili at dali-daling kinuha ang kaniyang phone at tinext ang number ng ate Zoey niya. Nakuha niya iyon mula dito kanina at kabilin bilinan nito ay i-text siya agad kapag wala na siyang kasama sa kwarto para makapagpaalam siya sandali at mapuntahan siya. Excited na siyang makasama muli ang ate niya. Ang tagal niyang inantay ang pagkakataon na iyon kaya hindi talaga siya aalis sa tabi nito at yayakapin lang ito ng yayakapin. Sa ngayon siya palang ang nakaka-alam tungkol sa tunay nitong pagkatao kaya sosolohin niya muna ang ate niya
MAY kaniya-kaniyang kausap ang mga taong nasa sala’s ngayon habang inaantay nila ang pagbalik ni Fiona. Nagpaalam kasi ito sandali na sasamahan lamang ang dalawang kapatid sa kanilang kwarto para bihisan ngunit wala silang kaalam-alam na sa mga oras na iyon ay naganap na ang muling pagkikita ng magkakapatid. Naroroon na ang magulang ni Bianca na sina Bea at Dylan kasama si Fritz na silang umasikaso sa gulong nangyari at sinubukang i-trace kung nasaan si Katheryn. Ngunit kaugnay ng kanilang pagpunta doon ay wala pa ‘rin silang dalang magandang balita sa kinalalagyan ng babae. Present na ‘din si Devon na siyang tinawagan ni Xavier tungkol sa importanteng bagay na pinag-uusapan nila ngayon. Ang mga kabataan ay kaniya-kaniya na ‘rin ng pag-uusap tungkol sa nangyayaring bagong gulo. Ngunit lahat sila ay natigilan ng mayroong bumaba mula sa itaas. Agad na napatayo sila Claire at Zekiel ng makita sina Liam, Liana kasunod si Catherine na sinusundan ng ate at kuya nilang si Zoey at Zayne.
Si Bea na umiiyak habang yakap-yakap ang asawa na si Dylan ay napahiwalay dito ng mapansin ang anak na yakap yakap si Fiona na sekretarya ni Xavier. Biglang pumasok sa isip niya na kapatid ng dalawang bata si Fiona at isa nalang ang kulang sa kanila ngayon… “Z-zoey… Ikaw si Zoey hindi ba?!” Napatingin kay Bea ang mga ito dahil sa sinabi niyang iyon at tinuro niya si Fiona. “K-kung sila sina Ace at Archer ibig sabihin ikaw si Zoey!” Napatingin si Zoey kina Catherine at sa kambal niya dahil sa mahabang katahimikan na namagitan sa kanila matapos iyon. Tumango naman si Zayne sa kaniya na ipinapahiwatig na magpakilala na siya sa mga ito. Hinayaan naman siya ni Bianca na maglakad papunta sa mga magulang nito na yakap ang bunsong kambal. “U-uhm hindi ko po alam kung anong sasabihin ko sa harap niyo ngayon na aaminin ko na ang totoo pero… ako po talaga si Zoey Gray.” Pagkasabi ni Zoey niyon ay inalis niya ang kaniyang disguise katulad ng ginawa ng kambal kanina. “Xavier…” tawag n