Dahil sa sinabi ni Zekiel ay kusang napahinto si Claire at binitawan na ang buhok ni Timothy. “Grabe ka naman Claire! Ang sakit ng sabunot—arghh!” kusang napahinto si Timothy sa sasabihin niya ng mayroong sumuntok sa kaniya. “Para sa pagtatago kung nasaan si Clark.” Sabi ni Zekiel na siyang sumuntok sa kaniya Hinawakan siya nito sa damit niya at muli siyang sinuntok na ikinabagsak nito sa sahig. “At para sa kambal na umalis para hanapin ang tito nila.” “Bakit pati ‘yun kasalanan ko?!” agad na lingong sabi ni Timothy ng marinig ang dahilan ng pangalawang suntok ni Zekiel sa kaniya. Sinamaan naman siya ng tingin ng asawa nang kaniyang kaibigan kaya napalunok siya. “Kung hindi mo tinago si Clark edi sana hindi aalis ang kambal.” “Kayo kaya ang may kasalanan kung bakit sila umalis! Kinalimutan niyo ang anak niyo!” Sandali na natahimik si Zekiel dahil sa sinabi nito. Tumayo si Timothy at dumura dahil sa dugo mula sa pagkakasuntok ni Zekiel. “Pare-pareho lang tayong may ka
NAKITA agad ni Clark ang kinalalagyan ng anak niya dahil sa tracker na inilagay niya sa suot na hikaw ng anak. Hindi nga nagkamali si Francine at alam ng asawa niya ang gagawin kaua papunta na sila ngayon kung nasaan ito. Pero kusang napahinto si Clark ng makita niya kung sino ang kasama ng mga ito. Babae ito at lalaki, isang blondina na babae at isang may itim na buhok na lalaki. “Who are you?!” Sigaw niya at agad na nilapitan ang anak at hinila palayo kay Zoey. “C-clarence! Are you okay baby?! Sinaktan ka ba nila?!” alalang tanong ni Francine at niyakap ang anak na hindi na napigilan ang luha dahil akala niya mawawala na ito. Si Zoey at Zayne naman at nagtabi habang nakatitig sa kanila ng masama ang tito nila. “I said who are you two?! What did you do to my son?!” Alam ni Clark, ramdam niya na kabilang sa mafia world ang nasa harapan niya kaya hindi niya kailangan na magbaba ng boses sa mga ito dahil maaaring kunin nila ang mag-ina niya. “Mommy don’t cry I’m okay po. Tyaka in
“You two did what?! Alam niyo ba ang pinasok niyo?! Sh*t! Nasisiraan na kayo ng bait!” Pabalik-balik na ng lakad si Clark na napatayo sa kaniyang kinauupuan dahil sa kinuwenro ng kambal. “’Yun lang ang naisip naming paraan para mahanap ka tito!” sagot ni Zoey na lalong ikinataranta ni Clark. Nang dahil sa kaniya pinasok ng kambal ang mafia world, nang dahil sa kaniya umalis ang mga ito at tinaguan ang mga magulang, nang dahil sa kaniya nalagay sa panganib ang buhay ng kambal! Lahat nang iyon ay dahil sa plano niya! Bakit hindi niya naisip na kakaiba nga pala mag-isip ang kambal?! “Tito stop!” sigaw na sabi ni Zayne na kusang ikinahinto nito at maging ang kasama nito ay nagulat sa biglang pagsigaw ng lalaki. Tumayo si Zayne at naglakad palapit kay Clark. Hindi makapaniwala si Clark na nakatingin sa pamangkin, isang taon lang ang pagitan ng huli niyang kita dito pero bakit ganon? Pakiramdam niya ang laki na ng pinagbago ng pamangkin niiya, para na itong pinaghalong mommy at daddy
“ZOEY! ZAYNE!” Napahinto sa pagkukwentuhan ang mga ito sa salas na matyagang inaantay ang pagdating nila Claire kahit na gabi na. Pagtingin nila sa tumawag sa kambal ay nakita nila si Claire na papaiyak na at tumatakbo papunta sa gawi ng kambal habang nasa likuran nito angs seryosong si Zekiel at nag-aalala na si Timothy. Agad na niyakap ng sabay ni Claire ang kambal at hindi na nito napigilang umiyak. “I’m glad that your okay! Nag-alala ako sa inyong dalawa!” Dahils sa sinabi ni Claire ay hindi na ‘rin napigilan ni Zoey ang maiyak lalo na at muntik nang mapahamak ang ina dahil sa kaniya. “I-I’m sorry mommy! Sorry po! Nang dahil saakin muntik ka ng mapahamak!” Humiwalay si Claire sa pagkakayakap niya sa mga anak at hinawakan niya ang magkabilang pisnge ng anak at umiling dito. “No, hindi mo kailangang mag-sorry anak. Ako ang dapat mag-sorry, kami ng daddy niyo. It just happened na nararamdaman ko na mahalaga kayo saakin kaya hindi ako nagdalawang isip na iligtas ka.” Ma
“MOMMY! Daddy faster!” Tuwang-tuwa tawag ni Catherine sa magulang niya dahil ang mga ito nalang ang inaantay nila bago sila tuluyang mag swimming sa dagat. Kadarating lang nila kahapon pero gusto na agad mag swimming ng mga bata. Sina Catherine, Fritz at Clarence ay agad na nagkasundo-sundo lalo na at magka-edad lang si Fritz at Clarence kaya hindi nahirapan ang dalawa na maging close sa isat-isa. Masaya nga si Francine dahil sa wakas ay mayroon nang kalaro ang anak. Siya lang kasi at si Clark ang madalas na kalaro nito kaya minsan naaawa siya sa anak dahil wala itong kalaro. Naging resulta iyon ng maagang pagiging matured nito na akala mo’y pasan na ang mundo dahil palagi itong seryoso tulad ng ama. “Eto na po, atat naman ang bunso namin.” Natatawang sabi ni Claire habang alalay ni Zekiel nang makalabas sila sa eest house na tinutuluyan nila. Gusto sana ni Claire na sa unit niya sila tumuloy kaso naalala niya hindi sila kasya at kung maghihiwa-hiwalay pa sila ng kwarto ay mahihi
“Send niyo sakin ‘yan ah?” ngiting baling ni Clark sa dalawa na ikinakurot ni Francine sa lalaki. “C-clark naman eh!” reklamo nito na ikinatawa nila lalo. “Francine ‘di na tayo mga bata pero kung umasta ka parang teenager! Hahaha!” pang-aasar na sabi ni Bea na lalong ikinapula ni Francine at nagtago nalamang sa dibdib ni Clark. “Haha stop it girls, shy type ang asawa ko.” Mas lalo silang natawa dahil doon. Natapos ang pag-su-swimming ng mga ito at natulog lamang sila ng tanghali. Nang magising si Claire ay wala na sa tabi niya ang asawa. Sinubukan niyang hanapin si Zekiel sa buong kwarto nila ngunit wala ito. Doon niya lang ‘din napansin na gabi na pala at hindi manlang siya ginising ng mga ito. Sigurado siya na dinner na at nasa kusina na ang mga ito. Ngunit pagbaba niya doon ay wala siyang naabutan na mga tao. Nagsimula na siyang kabahan dahil doon at agad na bumalik sa taas para tignan ang ibang kwarto ngunit kahit isa sa kanila ay wala! “Zekiel! Zayne! Zoey?! Catherine!” ta
“TWINS bawal kayong uminom!” Pagkasabi ni Claire niyon ay agad niyang inagaw ang baso ng mga anak at siya ang uminom ng iniinom nila. “Mommy it was jus a juice,” face palm na sabi ni Zayne na mukang narealize ni Claire at natawa lalo na juice nga ang nalasahan niya. “Oo nga noh! Hahaha pero very good kayo!” Ginulo ni Claire ang buhok ni Zayne at guguluhin na ‘din sana buhok ni Zoey ng hawakan nito ang kamay ng ina. “Mommy let’s dance!” At hinila na niya ang ina paalis sa pwesto nila na ikinalaki ng mata ni Zayne. “Twin, mommy is.drunk already!” sigaw ni Zayne na ikinakaway lang ni Zoey sa kaniya. “Let them be anak,” napalingon si Zayne sa ama ng tumabi ito sa kaniya. “Do you want to drink?” alok nito sa isang kupita na dala niya. Napataas ang kilay ni Zayne dahil sa sinabi ng ama. “Mommy said that we shouldn’t drink.” “It’s a secret between us.” Kindat na sabi ni Zekiel na ikinailing ni Zayne at natawa ng bahagya pagkatapos ay tinanggap ang wine na dala nito. “How
“WE must control the press and any platform na mayroong picture na kumakalat tungkol satin. Hindi pwedeng makarating sa Spain ang katotohanan na ito, si daddy lang ang nasa palasyo.” ‘Yan ang sinabi ni Claire at nagsimula nang mag-asikaso na silang mag-asikaso, kumontak basta lahat ng paraan para pigilan nila ang impormasyon na nasa pilipinas sila. Ang wala pang araw nang magising sila ay mabilis na umakyat ang araw hanggang maging tirik na tirik na’t namalayan nalang nilang tanghali na pala. “Tama na muna ‘yan, kumain na muna tayo.” Sabi ni Francine nang makapasok sila sa living room kung nasaan ang mga ito. “Nagluto na kami ni Francine para makakain na tayo. Nasa hapagkainan na ang mga bata,” dugtong pa na sabi ni Clark na ikinatango ng mga ito at kaniya-kaniya nang unat ng katawan nang makatayo sila. “Grabe! Ang demanding naman ng ibang press! Baka gusto nilang ipasara ko ang negosyo nila!” inis na sabi ni Quinn ng makatayo sila. “Sinabi mo pa! Kulang nalang sigawan ko na sila
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni
“HMP!” Pagpupumiglas ni Zoey dahil bigla nalamang mayroong tumakip sa kaniyang bibig at inilabas siya ng veranda. “Shhh! It’s me Zoey!” mahinang bulong sa kaniya ni Phil na siyang may kagagawan ng pagkuha sa kaniya. “T-tito Phil?” “Yes, we must get out of here as soon as possible!” Napaseryoso si Zoey dahil sa sinabi nito sa kaniya at binitawan na siya ng lalaki at tumingin sila sa paligid kung mayroon bang bantay. Nang masigurong wala ay walang alinlangan silang bumaba mula sa veranda na iyon at maayos na nag landing sa damuhan. “Follow me tito Phil,” mahinang sabi ni Zoey na ikinatango lang sa kaniya ng lalaki. Ang plano ay siya ang kukuha kay Zoey ngunit ang naging ending ay ito lang ‘din ang naglabas sa kanila sa lugar na iyon. Ano pa nga bang aasahan ni Phil? Silang kambal ni Zayne ang unang matatalinong batang nakilala niya, bakit una? Simple lang dahil mayroong mas matalino sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang minutong pakikipagpatentero nilang dalawa sa mga banta
Hi Kimmie's! Alam ko marami ng galit sa inyo dahil wala akong update dito sobrang tagal na and yes kasalanan ko po. I'm really sorry, pero di ko na maibabalik ang mga nakalipas na buwan. Sadyang marami lang nangyari sa personal kong buhay to the point na di ako makasulat ng ayos. Yes, may bago akong story pero hindi ko mapagsabay ang dalawang story kaya mas pinili ko muna mag focus sa isa pero ngayon handa na akong pagsabayin sila at bumalik na ako sa dati yey! As of now binabasa ko ulit ito para as soon as matapos kong mabasa at makabalik ako sa kwento ni Zoey matutuloy ko na. Again, sorry sa matagal na paghihintay but be patient guys. Mag uupdate ako sooner or later. Gugulatin ko nalang po kayo para surprise. Sana ay nandito pa 'rin kayo nakasubaybay sa kwento ng Gray Family. Comment down sa matyagang nag hihintay ng update, mahal ko kayo! Thank you so much! Love lots!
KAHIT na hindi alam ni Zoey kung ano ang sasabihin niya kay Xavier ay nangingibabaw pa ‘rin ang kaniyang pagkamiss sa nobyo. Kahit na nakakasama niya ito ng madalas noong nagpapanggap siya bilang Fiona ay hindi naman niya ito maalala kaya ngayon na nakaka-alala na siya ay mas nangingibabaw ang kaniyang pagkamiss dito ngayon. Naupo si Xavier sa gilit ng kaniyang higaan habang siya naman ay sumandal sa headboard upang kahit papaano ay makapantay niya ito. Magkatitigan lamang silang dalawa at walang nagsasalita. Kapwa mayroong mga ngiti sa labi ngunit hindi mo mararamdaman ang ni-katiting na awkward sa kanilang pagitan. Hanggang sa hindi na nila napigilan at tila iisa ang kanilang nasa isip dahil pareho nilang niyakap ang isa’t-isa ng sobrang higpit. Hindi iyon inaasahan ni Zoey kung kaya naging emosyonal siya hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha niya at humagulhol na ito sa balikat ng lalaki. “My angel why? May masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Xavier dito ng maramdaman niya ang
“REPORT” Seryosong sabi ni King Clark ng pumasok sila ni Zekiel sa loob ng CCTV room kung saan naroroon ang mag kakaibigan kasama ang bunsong kambal. Agad na nagsitayuan ang mga ito at sa pangunguna ni Zayne ay siya ang sumagot sa kanilang titong Hari. “Nakita namin na ibinaba siya malapit dito sa palasyo. Ang ipinagtataka lang namin ay pagka-alis na pagka-alis ng van na iyon ay nawala na ‘din ang footage. Sinubukan na namin lahat ng alam namin para maibalik ang footage ngunit wala pa ‘rin.” Seryosong sabi ni Zayne na siyang ikinatango naman ng mga kasama niya. Samantalang sina Zekiel at King Clark naman ay nagkatinginan dahil doon. Pinasuyod ‘din kasi nila ang paligid para masiguro kung mayroon pa bang ibang kalaban sa paligid ngunit wala na naman silang nakita. “Kung ganon pinaghandaan nila ito. Ang tanong ay anong ginawa nila sa anak ko para nalang umiyak ito ng ganon?” naguguluhan na sabi ni Zekiel. “Ang mas nakakapagtaka pa po tito ay walang ibang sugat si Zoey bukod sa marka