Happy 100K followers Kimmie's! Maraming maraming salamat sa walang sawang pag suporta sa story ng Gray family! Marami mang gulo na nangyari nitong nakaraang mga araw palagi tayong bine-bless ni God kaya sobrang thankful ako. Para sa inyo po itomg update ko, thank you so much Kimmie's! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
PAGKALABAS ni Zoey sa office ni Xavier ay dali-dali siyang sumakay sa elevator at naisip na pumunta sa rooftop. Alam niya na walang tao doon kaya maaari siyang magpahangin at mapakalma ang sarili niya. Hindi pa ‘rin matigil ang pagtulo ng luha niya sa sobrang daming pumapasok sa isip niya. Nakita na niya ang mga magulang niya at ang isa pa nilang kapatid. Ang kaso iba naman ang tingin ng mga ito sa kanila, isang estranghero na kalaban. Okay lang sana sa kaniya ang katotohanan na ‘yun since nag babalat kayo nga siya ang kaso hindi niya akalain na iyon na mismo ang pagkakataon na makikita niya ang mga ito. Isa pang kinakasakit ng puso niya ay ang mga sinabi ng kapatid niyang si Catherine. Marahil silang dalawa lamang ni Catherine ang babae sa mga anak ng magulang nila ay iba ang bond na kagustuhan niya itong yakapin at sabihin na siya ang ate Zoey niya. Nahihimigan niya ang sakit at pighati sa bawat katagang sinasabi ni Catherine lalo na sa iniisip nitong papalitan niya si Zoey. Hi
NANG magising si Zoey ay doon niya lang narealize ang pag-iyak niya sa kambal. Kinokotongan niya ang kaniyang sarili dahil nagmistula siyang isang batang kailangan ng kalinga ng isang ina. Natigilan siya dahil doon. Bakit hindi nga ba’t kailangan nga niya ng kalinga ng isang ina lalo na sa ganoong sitwasyon na wala siyang maalala? Napailing siya sa iniisip niya dahil ayaw na niyang maging negative. Tama na mag isang araw na puro iyak dapat positive na siya. Pagtingin niya sa salamin ay maga ang kaniyang mga mata kaya napailing siya. Naligo siya’t dinaan nalang sa make-up ang mugto niyang mata at laking pasasalamat niya ng mawala ito. Nakaramdam na siya ng gutom sakto na pababa na siya at doon niya lang naalala na hindi nga pala siya kumain kagabi. Pagbaba niya ay amoy na amoy na niya agad ang mabangong pagkain. “Good morning ate Zoey! Nag order na kami ng umagahan tutal alam namin na pagod ka!” malaking ngiti na sabi ni Archer habang si Ace ay inakay siya papunta sa upuan niya’
“’WAG NA!” Nagulat sila ng bigla nalang sumigaw si Zoey. “A-ah kasi sir ako nalang ang bababa para kausapin ang mga kapatid ko.” kinakabahang dugtong na sabi ni Zoey ng mapansin ang gulat na expression ng mga ito. “Hija, ano ka ba. Walang problem ana umakyat dito ang mga kapatid mo hindi ba Xavier?” ngiting tanong ng mommy niya kay Xavier na agad naman ikinatango ng lalaki. “And besides sinabi ko na ‘din na papuntahin niya dito kaya any munite from now nandito na sila.” Mas lalong kinabahan si Zoey dahil sa mga nangayayari. Hindi niya alam kung bakit naroroon ang kambal, pero ng maisip niya na baka mayroong hindi magandang nangyari ay agad siyang nag-alala. “Hija maupo ka muna, bakit parang kinakabahan ka?” Napalingon siya sa ina niya ng hawakan siya nito sa braso at unti-unting inalalayan papunta sa sofa kaya wala siyang nagawa kundi ang maupo ulit. “N-napaisip lang po ako kung bakit nandito ang mga kapatid ko. Kami nalang po kasing tatlo ang magkakasama sa bahay, baka ma
“L-liana stop it, ano ka ba.” Bulong niya dito at iniupo na nag kambal sa upuan nila. Mabuti nalang at hindi sila napansin ng mga ito lalo na’t nagsimula ng magkwento ang kanilang ina. Habang naghihintay sila ng makakain ay mas tumataas ang takot ni Zoey dahil napansin niya na hindi maganda ang pinapakitang ugali ni Ace sa harap ng daddy nila. Hindi niya maintindihan kung bakit galit ang kapatid niya sa ama. “Do you want to say something to me kid?” biglang sabi ni Zekiel ng makitang titig na titig sa kaniya si Ace. “My life, mga bata ‘yan!” pagbabanta ni Claire sa asawa pero hindi ito nakinig sa kaniya. “Yes. You are rude.” “L-liam!” gulat na suway ni Zoey sa kapatid dahil sa sinabi nito. “Stop it!” bulong niya dito at agad na humingi ng tawad sa daddy nila. Napansin niya na napangisi ang daddy nila kaya nagtaka siya sandali doon. Sinabi pa ng mommy nila na wala lang iyon na sakto dumating na ang pagkain kaya kahit papaano ay naputol ang namumuong tension sa pagitan ni Ac
“ANDITO na tayo,” Hindi maiwasan ni Zoey ang mapatingin sa paligid nang pumasok sila sa isang office. Mayroon doong limang lamesa na kung saan ay maraming mga tambak na papeles sa ibabaw ng lamesa. Isang typical na itsura ng office ngunit iyon ay familiar kay Zoey. “Ipapakita ko sa inyo ang huling CCTV kung nasaan si Cath,” Natauhan si Zoey mula sa kaniyang pagtingin sa paligid ng bigla nalamang magsalita ang lalaking tinawag ni Xavier kanina na Fritz. Nagpunta sila sa isang table sa may left side then naka-open na ang laptop na naroon at mayroong plinay na video si Fritz. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Zoey ng makita niya ang paglalakad ng kaniyang kapatid na si Catherine. Walang ibang tao sa hallway pero ilang sandali lang ang lumipas ay biglang dumami na dahil tumunog ang bell. Dahil sa sobrang daming tao ay nahirapan silang hanapin kung nasaan si Catherine pero kalaunan ay nakita ‘din nila. “What?” hindi makapaniwalang tanong ni Xavier ng bigla nalamang mawala si
KATATAPOS lang ng pag-uusap nila Zayne sa office nito sa gangster world nang agad may tumawag sa kaniya sakto pagbukas niya ng kaniyang cellphone. Napatingin sa kaniya ang mga kaibigan at biglang nagtaka ng bigla nalamang tumayo si Zayne na mababakasan ang pag-aalala sa muka nito. “Pupunta na kami jan.” seryosong sabi nito at binaba agad ang tawag. “Anong meron Zayne?” takang tanong ni Bianca. “Catherine is missing.” Biglang nanlaki ang mata ng mga ito at agad na nag-alala dahil sa sinabi nito. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon dahil dali-dali na silang umalis doon pabalik sa university. Mabuti nalang at malapit lang iyon kaya hindi na sila mahihirapan pa at matatagalan. Samantalang sa kinalalagyan naman nila Xavier at Fritz, katatapos lang nilang tawagan si Zayne na mabuti at nasagot nito. Pagkababang pagkababa ni Xavier ng tawag ay ang siya namang pagtunog ng cellphone ni Fritz. “Hello, tita Claire!” bulalas na tawag ni Fritz kay Claire. “Oh, Fritz bakit? Papunta p
Hi Kimmie's! Ang daming galit sa comment section kaya sasabihin ko sa inyo ang reason kung bat ako nawala. Unang-una totoo yung sinabi kong sumasakit talaga ang ulo ko, pangalawa nalaman ko na may Diabetes ako. Pangatlo hindi ko po kayo pinilit na basahin ang STORY ko na ito. Nung mga panahong sinusulat ko ang TWINS ADVENTURE sumasakit na talaga ang tuhod ko kapag nagsusulat ako. Diko pa pinapansin yun kasi baka ngawit lang ako kakaupo ng limang oras makasulat lang ng isang chapter. Yes, hindi biro ang pagsusulat at inaabot ako ng ganiyan kahabang oras kaya sana na-appreciate niyo yun. Nito lang lumala sakit ng tuhod ko sabayan mo pa ng ulo ko. Alam ng mga solid reader's ko na araw-araw akong may update, kapag may sakit lang ako di nakakapag-update. Kahapon nga lang masakit nanaman siya at lalagnatin sana ako buti nadala ng gamot. Hindi sana ako mag sasabi ng ganito dahil baka sabihin niyo nag dadrama lang ako pero grabe naman po kayo. Totoo mga sinasabi ko. Imbes na ganahan ako ma
“MAMAYA mo nalang isipin ang tungkol saakin Zoey. Ang mahalaga ay makuha na natin si Catherine, hindi siya safe sa kamay ni Katheryn.” Ulit na sabi sa kaniya ng babaeng kaharap niya ngayon kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango ng dahan dahan. Sobrang daming katanungan sa isip niya, sino ang babaeng iyon? Bakit ang dami nitong alam tungkol sa kaniya at paanong kilala niya ‘din ang Katheryn na pangalang kusa niyang nabigkas kanina lang. Sumenyas sa kaniya ang babae na sumunod dito na muli nang sinuot ang mask nito. Tumango lang siya sa babae at sa pangunguna nito ay naglakad sila sa mahabang hallway na iyon. Wala naman siyang nararamdaman na ibang aura na papalapit sa kanila kaya ayos lang. Habang tahimik ang paligid ay hindi pa ‘rin mawawala ang bilis ng tibok ng puso ni Zoey. Hawak niya sa kaniyang kamay ang silencer na dala sa mahigpit na paraan at dinadalangin na sana ay wala ng dumating pa na tauhan. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil paglagpas nila sa hallway na iyo