“Lola, ‘wag po kayong umiyak.” Pagpapatahan ni Axel sa kaniyang lola.“H-hindi ko mapigilan apo, kung si Tanya nga ang huli niyong kambal sobrang natutuwa ako. Hindi ko maimagine ang sakit na naramdaman ng mommy niyo ng mawala siya. Siya pa nga lang na iniwan ko noon mahirap na saakin paano pa kaya kung habang buhay niya itong hindi makikita diba?”Naiintindihan ni Axel ang sinasabi ng kaniyang lola kung kaya inalo nalang niya ito hanggang sa tumahan ito. Sinabi na ‘rin niya ang plano dito at pumayag naman ito. Nagkasundo pa nga sila na mag tulungan as usual para hindi siya hanapin agad ng mommy niya.Gusto ‘rin nitong makita si Xander at makausap, lalo na si Tanya. Ang sinabi nalamang ni Axel ay sa tamang oras. Sa oras na mapatunayan niya na si Tanya ay kambal nila sisiguraduhin niya na mabubuo silang pamilya at mananagot ang may kasalanan.Samantalang sa kabilang party naman, nagkakasiyahan na sila Xandra, Iara at Ginrose ng makatanggap ng text si Xandra mula kay Ken. Naalala niya na
MALAMIG ang simoy ng hangin nang umalis si Axel sa kanilang hotel. Sa tulong ng kaniyang lola nagawa diyang ihatid ng kanilang driver papunta sa ospital kung nasaan ang dating doctor ng kaniyang mommy.Hindi naman naging matagal ang byahe niya dahil walang gaanong sasakyan sa lugar na iyon. Nang makarating sila ay marami ng taong gising sa ospital.Alam ni Axel na hindi siya basta basta papupuntahin ng mga nurses na naroroon kung magtatanong siya kung nasaan ang doctor na targer niya. Kaya ang naisip niya ay siya na mismo ang humanap sa doctor na ito.Habang naglalakad at nag-iikot napahinto siya ng mayroon siyang makitang map ng buong ospital napangisi siya ng tahimik at mabilis na inis-scan ang mapa.Maya maya nakita na ni Axel ang lugar kung nasaan ito at sa third floor iyon. Mabuti nalang at walang pumapansin sa kaniya kung kaya malaya siyang nakarating sa third floor.Hindi siya basta baasta nakapasok sa loob dahil mayroon pang nakapila sa labas ng office nito. Hindi muna siya nag
“PAANO ka napunta dito?”Biglang nawala ang hilo at sakit ng ulo ni Xandra ng makita si Tanya sa tapat ng kaniyang pintuan. Noong una akala niya namamalikmata lang siya at dala ng hang over ngunit ng marinig niya ang boses nito sigurado siyang ito si Tanya.Si Tanya naman ay ganoon ‘rin, hindi niya inaasahan na makikita niya doon ang tita Xandra. Agad na pumasok sa isip niya ang kaniyang dalawang kuya, malamang na ang dalawa ang may kagagawan niyon. Kaya naman pala nag aya biglaan ang daddy niya na mag out of town.Pero dahil na ‘rin lihim lang ang tungkol sa kaniyang tita Xandra, nang maalala niya iyon ay dali-dali niyang hinila papasok sa silid nito ang tita.“Tanya what are you doing?” gulat na tanong ni Xandra habang si Tanya naman ay mabilis na sinarado ang pintuan.Nang mailock iyon ay agad siyang lumingon sa kaniyang tita at nagsalita, “Tita, bakit po kayo nandito?”Nagtaka si Xandra sa tanong na iyon ng bata ngunit sinagot nalang niya ito.“Nandito kami para magbakasyon, bukod
NATIGILAN si Tanya, Xandra at ang kaniyang ama sa kanilang muling pag re-reunion ng bigla nalamang lumitaw si Tara at sumigaw.“M-mommy…” takot na sabi ni Tanya habang si Xandra ay mabilis na inilagay sa kaniyang likuran ang bata.“Walang kasalanan ang bata dito Tara,” pagtatanggol na sabi nito sa kapatid.“Anong wala?! Kaya naman pala close na close na sila ni papa dahil nagkikita kayo ng palihim! Halika nga dito Tanya!”Lumapit si Tara para kunin ang anak ngunit inilayo ito ni Xandra sa kapatid at hinahawi si Tara. Alam niyang galit ang step-sister niya kung kaya ayaw niyang palapitin ito dito.“Pwede ba?!” galit na sabi ni Tara at masamang tinignan siya. “Anak mo ba si Tanya?! Anak ko siya kaya ‘wag mo siyang ilayo saakin!”Tila natigilan si Xandra sa sinabing iyon ni Tara. Syempre concern siya kay Tanya dahil bukod sa inaakala niya na anak niya ito ay anak pa ‘rin ito ng kaniyang ate Tara. Isa pa bata lang si Tanya kaya hindi niya ito idadamay sa kahit na anong merong away sa kanil
“APO tumahan ka na,” kanina pa nag-aalala si Johnny sa kaniyang apo dahil kanina pa ‘rin ito iyak ng iyak.Pinagalitan siya ni Tara dahil sa pakikipag usap nito kay Xandra at pakikipagsabwatan. Sinubukang magpaliwanag ni Tanya sa kaniyang ina ngunit hindi ito nakikinig sa kaniya. Sabagay naiintindihan niya ito dahil totoo naman na naglihim siya.Pero nagawa lang naman niya iyon dahil sa konsensya niya lalo pa’t alam niya na sila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ng daddy at kuya niya.Iyon ang unang beses na nag ayaw sila ng kaniyang ina ng sobrang lala. Mabait sa kaniya at close sila ni Tara kaya hindi ‘rin kaya ni Tanya na hindi sila ayos nito. Pero sa nangyari ngayon pakiramdam niya ay hindi siya nito isang tunay na anak kung sigawan at sabihan siya ng kung ano anong salita.Rinig iyon lahat ni Johnny, gustuhin ‘man niya na sumingit sa usapan ng mga ito ngunit hindi pwede dahil hindi pa iyon ang tamang oras para malaman ng mga ito na gumagaling na siya.Sa ngayon pilit niya
HINDI makapaniwala si Aimee sa lumalabas sa bibig ngayon ni Tara. Hindi niya akalain na magagawa nitong sabihan ng mga ganong bagay si Tanya, ang buong akala nga niya kayang magapkamatvy ni Tara para lang sa anak anakan nitong si Tanya e.Pero kung hindi na makapaniwala si Aimee mas lalong hindi makapaniwala si Tanya na nabato sa kaniyang kinatatayuan.“Naiisip ko nga na malaking mali na kinuha ko si Tanya, dapat pala ibang sanggol nalang ang kinuha ko na magpanggap na anak namin ni Alexander.”“Sira! Edi malalaman ni Alexander na hindi ka talaga buntis kasi di niya kamuka ang anak niyo.” Palong sabi ni Aimee sa kaibigan. “Isa pa, akala ko ba mahal na mahal mo si Tanya at tinuturing mo na siyang tunay na anak?”“Sus! Madali lang peke-in ang mga bagay bagay. Alam mo kung gaano ako kagaling sa ganon. Sa huli mo namang sinabi akala ko ‘din, pero sa ginawa niya ngayon narealize ko na anak pa ‘rin siya ni Xandra at kailan ‘man hinding hindi ko siya magiging anak.”Hindi na napigilan ni Tan
“Sir sigurado ho ba kayo na okay lang kayo? Baka po kasi pagalitan ako kapag makita nila ma’am na umiiyak ka,”Alalang sabi ng driver nila sa kaniya habang nakatingin sa rearview mirror.Ngumiti siya dito ng malaki kahit na umiiyak siya at nagsalita. “I’m okay kuya, may nalaman lang akong magandang balita. Tears of joy po ito,”Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan nang na at ease ang kanilang driver. Hindi na makapaghintay si Axel na sabihin sa ina at lola niya ang katotohanan. Hawak na rin niya ang documents na magpapatunay na buhay silang triplets at kinuha lang ito ng kaniyang tita Tara.Ilang sandali pa ay andoon na sila sa resort at sumalubong agad sa kaniya ang lola.“Apo! Kanina pa kita inaantay! Mabuti nalang at di pa nagigising ang mommy mo at hinahanap ka!” bulalas na sabi nito sa kaniya ngunit ng makita siyang umiiyak ay natigilan ito.“Bakit ka umiiyak apo?” alalang sabi ni Xyra kay Axel.“Mamaya ko na po ipapaliwanag lola, tara po puntahan natin si mommy at doon ko sasa
HABANG nag-iiyakan sila Xandra sa kanilang room sa unit naman kung saan andoon sila Tara at Tanya. Nagpaalam lang si Johnny sa kaniyang apo at bumalik sa pagkakahiga nito pagakatapos ay binato niya ang pintuan. Iyon lang ang way na alam niya para malaman ng nasa labas na kailangan nila ng tulong.Sa isip isip lang ni Johnny ay alalang alala na siya kay Tanya at gusto itong isugod agad sa ospital. Mabuti nalang at narinig nila Tara ang pagbato nito sa pintuan at nang pumasok sila sa loob ay laking gulat nila ng makitang hindi na makahinga si Tanya.“Tanya?! Tanya anak anong nangyayari sa’yo?!” alalang sabi ni Tara at mabilis na lumapit sa anak.Inalalayan niya ito at sinubukan na pakalmahin ngunit wala iyong naitulong dahil mas lalo lang itong hindi nakahinga.“M-mommy… you’re a liar…”Iyan ang huling nasabi ni Tanya at tuluyan na itong nawalan ng malay. Hindi makapaniwala si Tara sa kaniyang narinig at nag loading pa iyon sa isip niya hanggang sa mapasigaw siya sa kaibigan na nakatay