PAPUNTA si Xander sa library ng kaniyang daddy sa bahay nila para kausapin ito tungkol sa naging plano nila ng kambal niya. Sigurado siya na sa mga oras na ‘to nagsasabi na ‘rin si Axel sa kanilang mommy kung kaya siya ‘rin ay kikilos na. Ngunit napahinto siya sa isang guest room ng mayroon siyang marinig na usapan. Pag silip niya sa nakaawang na pinto nakita niya doon ang kaniyang tita at mayroon itong kausap sa kaniyang cellphone.“Yes I know, pero trust me feel kong mag popropose na siya saakin—Sus! Hindi no! Sigurado ako, maniwala ka malapit na!”Matapos marinig iyon ay tahimik na sinara ni Xander ang pintuan at malaki ang ngiti sa labi na nagpatuloy sa pagpunta sa library ng ama. Hindi na siya mahihirapan na pasamahin ito sa kanilang pupuntahan.Iniisip niya talaga kung paano mapapasama ito kung simpleng bakasyon lang ang sasabihin ng daddy niya. Syempre ang goal ng bakasyon na ‘yun ay alamin ang katotohanan at pagkitain ang daddy at mommy nila.Kambal ‘man nila si Tanya o hind
“PWEDE ba tayo mag-usap kuya?”Napatingin si Xander kay Tanya ng lapitan siya nito. Pupuntahan niya sana ang tita Tara nito at siya ang magsasabi dito tungkol sa bakasyon nila dahil sinabi na ‘rin niya iyon sa kaniyang ama at pumayag naman ito.“Sure, lil sis!” ngiting malaki na sabi ni Xander.Kapag naiisip niya na si Tanya ang bunso sa kanila ni Xander ay tumatalon na ang puso niya. Unang kita palang niya sa kapatid ay magaan na talaga ang loob niya dito at may something na hindi niya alam kung ano.Sa kwarto nito sila tumuloy dahil na ‘rin wala doon ang mommy niya. Doon na ‘rin umuwi si Tanya sa kanilang bahay matapos ang birthday ng kaniyang mommy kaya ito naroroon sa kanilang bahay.“Who are you?”“What?” gulat na tanong ni Xander na kaagad nawala ang ngiti sa labi dahil sa sinabi nito.“I said who are you! Hindi ikaw ang kuya Axel ko!”Napakurap si Xander dahil doon. Hindi niya akalain na iyon ang sasabihin ni Tanya lalo pa sag anong panahon. Talagang hindi mo masasabi kung ano
Nagulat si Tara na nilapitan siya ng kusa ni Axel lalo pa’t alam niya na mainit ang dugo nito sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Pero pumayag naman siya agad sa pag aakalang makikipag ayos na ito sa kaniya.“May sasabihin ka ba Axel?” ngiting malaki na sabi ni Tara.“Opo, nagsabi po sakin si daddy na magbabakasyon tayo. Kasama po kayo ni Tanya,”Napakunot ang noo ni Tara dahil sa kaniyang nalaman. Wala namang nababanggit sa kaniya si Alexander tapos ngayon biglaan pa.“Saan naman magbabakasyon at bakit?”Tumingin sa paligid si Xander na tila ayaw na may makarinig na ibang tao sa sasabihin niya.“Tita Tara ‘wag niyo pong sasabihin sa iba okay? Since natuwa ako sa nalaman ko naisip ko na sabihin sa’yo agad para na ‘rin pa-birthday ko po sa inyo.”Napataas ang kilay ni Tara dahil doon at inantay ang susunod niyang sasabihin.“Mag po-propose na po si daddy sa’yo. Kaya po iniinis niya kayo nitong nakaraang araw para kapag nag propose siya hindi mo talaga aasahan.”Nanlaki ang mata ni Tara
MALAKAS na hampas ng malamig na hangin ang sumalubong kila Xandra ng sila’y dumating sa kanilang pag babakasyunan. Talagang ramdam na ramdam mo na ang simoy ng malamig na pasko lalo na’t nasa tabing dagat sila.Isang beach resort ang napiling puntahan ni Axel na ang alam nila ay si Xander. Syempre plano iyon ng kambal dahil malapit lang doon ang kinalalagyan ng taong kailangan nilang makausap.“Brr… ang lamig naman dito.” Nginig na sabi ni Ginrose at niyakap ang kaniyang sarili.“I told you mag jacket ka gabi na e,” irap na sabi ni Iara na naka jacket at walang nararamdaman na lamig.Tinawanan lang ni Xandra ang dalawa at tinulungan ang mommy at anak na bumaba ng sasakyan. Ang haba ‘rin ng kanilang byahe na inabot ng halos sampung oras dahil ang lugar na kanilang pinuntahan ay Aurora, pinaka dulo ng Aurora.“Let’s go na, sa kaniya kaniyang kwarto na muna tayo tumuloy then bumaba for dinner and after that magpahinga. Bukas nalang tayo libot okay? And please don’t forget to wear your ja
NAPANGITI si Xandra dahil sa sinabi ng anak at tumango.Makalipas ang isang oras ay nagpasya na silang bumaba para kumain. Nang makarating sila sa restaurant kaagad niyang tinext ang kambal para sabihin kung saang restaurant sila naroroon.Dahil doon ay magkahiwalay na restaurant ang kinainan ng mga ito. Habang naghihintay sila Xandra ng kanilang pagkain, napatingin siya sa glass wall ng may mapansin siyang kilalang kilala niya.“Alexander?” mahinang banggit niya na agad kinusot ang kaniyang mata.Narinig iyon ni Axel at agad napatingin sa tinitignan ng ina. Nanlaki ang mata niya ng makitang dumaan doon ang daddy niya kasama sila Xander. Mabuti nalang ng alisin ng ina ang pagkakakusot nito sa kaniyang mata ay wala na ito.Natigilan si Xandra dahil doon at nakotongan ang sarili ng palihim. Silang dalawa kasi ni Axel ang nakaharap sa glass wall kaya kitang kita nila ang dumadaan doon.“May problema ba mommy?”Gulat na napatingin si Xandra sa anak dahil sa tanong nito.“H-hindi! Wala anak
“Lola, ‘wag po kayong umiyak.” Pagpapatahan ni Axel sa kaniyang lola.“H-hindi ko mapigilan apo, kung si Tanya nga ang huli niyong kambal sobrang natutuwa ako. Hindi ko maimagine ang sakit na naramdaman ng mommy niyo ng mawala siya. Siya pa nga lang na iniwan ko noon mahirap na saakin paano pa kaya kung habang buhay niya itong hindi makikita diba?”Naiintindihan ni Axel ang sinasabi ng kaniyang lola kung kaya inalo nalang niya ito hanggang sa tumahan ito. Sinabi na ‘rin niya ang plano dito at pumayag naman ito. Nagkasundo pa nga sila na mag tulungan as usual para hindi siya hanapin agad ng mommy niya.Gusto ‘rin nitong makita si Xander at makausap, lalo na si Tanya. Ang sinabi nalamang ni Axel ay sa tamang oras. Sa oras na mapatunayan niya na si Tanya ay kambal nila sisiguraduhin niya na mabubuo silang pamilya at mananagot ang may kasalanan.Samantalang sa kabilang party naman, nagkakasiyahan na sila Xandra, Iara at Ginrose ng makatanggap ng text si Xandra mula kay Ken. Naalala niya na
MALAMIG ang simoy ng hangin nang umalis si Axel sa kanilang hotel. Sa tulong ng kaniyang lola nagawa diyang ihatid ng kanilang driver papunta sa ospital kung nasaan ang dating doctor ng kaniyang mommy.Hindi naman naging matagal ang byahe niya dahil walang gaanong sasakyan sa lugar na iyon. Nang makarating sila ay marami ng taong gising sa ospital.Alam ni Axel na hindi siya basta basta papupuntahin ng mga nurses na naroroon kung magtatanong siya kung nasaan ang doctor na targer niya. Kaya ang naisip niya ay siya na mismo ang humanap sa doctor na ito.Habang naglalakad at nag-iikot napahinto siya ng mayroon siyang makitang map ng buong ospital napangisi siya ng tahimik at mabilis na inis-scan ang mapa.Maya maya nakita na ni Axel ang lugar kung nasaan ito at sa third floor iyon. Mabuti nalang at walang pumapansin sa kaniya kung kaya malaya siyang nakarating sa third floor.Hindi siya basta baasta nakapasok sa loob dahil mayroon pang nakapila sa labas ng office nito. Hindi muna siya nag
“PAANO ka napunta dito?”Biglang nawala ang hilo at sakit ng ulo ni Xandra ng makita si Tanya sa tapat ng kaniyang pintuan. Noong una akala niya namamalikmata lang siya at dala ng hang over ngunit ng marinig niya ang boses nito sigurado siyang ito si Tanya.Si Tanya naman ay ganoon ‘rin, hindi niya inaasahan na makikita niya doon ang tita Xandra. Agad na pumasok sa isip niya ang kaniyang dalawang kuya, malamang na ang dalawa ang may kagagawan niyon. Kaya naman pala nag aya biglaan ang daddy niya na mag out of town.Pero dahil na ‘rin lihim lang ang tungkol sa kaniyang tita Xandra, nang maalala niya iyon ay dali-dali niyang hinila papasok sa silid nito ang tita.“Tanya what are you doing?” gulat na tanong ni Xandra habang si Tanya naman ay mabilis na sinarado ang pintuan.Nang mailock iyon ay agad siyang lumingon sa kaniyang tita at nagsalita, “Tita, bakit po kayo nandito?”Nagtaka si Xandra sa tanong na iyon ng bata ngunit sinagot nalang niya ito.“Nandito kami para magbakasyon, bukod