PAGKATAPOS niyon ay malaki ang ngisi sa labi ni Iara na nilisan ang restroom. Maya maya ay dumating na si Xandra habang nakasuot ng mahabang puting dress na mayroong mantya ng tila dugo. Ang kaniyang buhok ay straight lamang at ang kaniyang muka ay mayroon ‘ring pekeng dugo na si Iara ang may gawa. Naabutan niyang nasa loob ng isang cubicle si Liam sakto sa kaniyang plano kung kaya pumasok siya sa isa pang cubicle at nag intay na lumabas doon si Liam. Sa tagal niyang kakilala si Liam alam niyang takot ito sa multo kung kaya si Liam ang unang pinuntahan ni Xandra.Kapag si Liam ang unang tinakot niya siguradong gagawa ito ng gulo sa party ng ate Tara niya at iyon ang balak niyang mangyari. Ang masira ang birthday party ni Tara.Samanlatang sa kabilang banda naman kung saan dalawang Axel na ang lumilibot sa paligid. Nagsimula ng malito ang mga kakilala nila dahil doon.“Axel?”Napalingon si Axel, ang totoo Axel sa kaniyang tit Stanlee ng tawagin siya nito. Nag iikot lang siya dahil hin
Si Liam naman chill lang sa paghihilamos ngunit ng mag angat siya ng muka at sandaling napadilat mula sa paghihilamos natigilan siya ng makita ang reflection ni Xandra sa salamin. Kaagad na nanlamig ang kaniyang buong katawan at hindi nakakilos.Nagkatitigan pa silang dalawa ni Xandra habang hindi ito gumagalaw sa kaniyang pwedto.Agad ‘ding pumikit si Liam at kinausap ang sarili.“Imagination mo lang ‘yan Liam. Grow up, ang laki laki mo na!”Nang makita ni Xandra ang pag pikit ni Liam ay agad niyag sinara ang pintuan at mabilis siyang gumapang sa ilalim ng cubicle na kasyang kasya siya para mapunta sa kabilang cubicle. Nang maisagawa iyon ay hinanda niya ang sarili para sa susunod niyang plano.Saktong pagdilat ni Liam ay nakahinga siya ng maluwag dahil sarado ng muli ang cubicle at wala na doon ang white lady na si Xandra.“Sabi ko na nga ba imagination ko lang ‘yun! Dapat noon ko pa ginawa ‘yun para hindi na ako naging matatakutin.” Iling na sabi niya sa sarili.Dahil na ‘rin nagkar
Si Axel naman ay tahimik na nakasunod sa kanilang dalawa para malaman kung anong susunod nitong gagawin.MABILIS na lumipas ang oras at natapos na ang party. Maaari ng umuwi ang mga gustong umuwi ngunit pwede ‘ring mag stay pa para sumayaw sa dance floor. At dahil naka bihis pang multo pa ‘rin si Xandra ay may naisip siyang pakitaan, si Alexander.“Lumabas na siya Xandra!” sabi ni Ginrose sa telepono na siyang mata ni Xandra sa loob.Pinatay na nila ang tawag at nag hintay si Xandra sa may Garden. Kanina ay andoon si Liam at Stanlee pero umuwi ‘din ang mga ito dahil pinakitaan niya pang muli si Liam at ayun umiiyak na umuwi. Kapag nagkita sila ni Liam at malaman nitong totoong buhay siya ay tatawanan niya ito ng tatawanan.Tahimik ang paligid ng lumabas si Alexander kung kaya lumanghap siya ng sariwang hangin mula doon. Sigurado si Xandra na nakita siya ng lalaki kanina ng sabunutan siya ni Iara. Hindi niya nakita ang reaction nito pero ang pagkaka alam niya ay hinabol siya ng lalaki.
PAGKASAKAY na pagkasakay ni Xandra sa kanilang kotse ay agad iyong pinaandar ni Ginrose paalis doon. Kasama sa plano nila ang mabilis nap ag sibat matapos nilang magawa lahat ng mission na plinano nila.Habang nasa loob ng kotse ay tawa ng tawa si Ginrose at Iara habang nag kukwentuhan sa nangyari. Ang mga videos na nakuha nila ay pagsasamasamahin nila iyon at panonoorin. Kapag okay na, ipapadala nila ito kay Tara bilang regalo sa kaarawan nito.Habang busy ang mga ito sa pag kukwentuhan, si Xandra naman ay hindi na nakasali sa mga ito dahil hindi mawala sa isip niya ang narinig mula sa dating asawa.Agad siyang napailing at pilit na winaglit sa isip ang lahat ng naiisip niya. Ayaw niyang magkaroon ng maling interpritasyon sa mga bagay na narinig, matagal na silang wala ni Alexander at matagal na silang tapos.Nang makarating sila sa kanilang bahay naunang bumaba si Xandra na agad namang hinabol ni Iara at Ginrose.“Xandra ayos ka lang ba? Hindi ka na nagsalita pagkabalik mo sa kotse?”
“ANAK sadali!” tawag ni Angeline sa kaniyang anak na si Tara.“Bakit mom?! Wala ako sa mood ngayon!” inis na sabi ni Tara. Kanina pa siya wala sa mood dahil puro hindi magaganda ang nangyari sa birthday party niya.“Meron akong importanteng sasabihin anak,”“Siguraduhin mo lang mommy na importante ‘yan dahil kanina pa ako inis at hindi maganda ang nangyari sa birthday ko ngayon.”Napabuntong hininga si Angeline dahil sa sinabi ng anak niya.“Kilala ko ang may gawa ng lahat ng ‘yun. Kung bakit naging ganon kagulo ang birthday party mo,”Nakuha agad nito ang atensyon ni Tara lalo na’t napantig ang kaniyang tenga. Simula palang ng event ay bad trip na siya dahil ang tagal dumating ni Alexander pagkatapos sundan pa ng sunod sunod na kamalasan talagang hindi siya natuwa sa buong daloy ng event.“At sino mommy? Sino ang sumira ng birthday party ko?!”“Si Xandra.” Deretsyo na sabi ni Angeline dito. “Nakita ko siya kanina nung tapos na ang event. Nakasuot ng pang white lady na damit at duguan.
NAGTATAWANAN sina Iara, Ginrose at Xandra ng mapanood nila ang edited video na nakuhanan noong birthday ni Tara. Kahit sino matatawa sa kanilang ginawa kung alam lang nila ang kwento sa likod niyon. Para sa kanila sapat na iyon para kahit papaano makaganti manlang sila sa lahat ng kasamaan na ginawa ni Tara.“Okay, sent na!” announce na sabi ni Ginrose matapos ma sent sa email ni Tara ang video na kanilang ginawa.“Sigurado ako na mag-uusok ang ilong ni Tara HAHAHA!” sabi ni Iara na siyang pinakang tawang tawa sa kanila.“For sure ‘yun! Alam mo namang si Xandra ang greatest karma niya,”Habang nag uusap at nag tatawanan ang dalawa, si Xandra naman ay tahimik lang at malalim ang iniisip. Kagabi pa siya ganon, iniisip kung ano ang mga sinabi sa kaniya ni Alexander ng mapagkamalan siyang multo nito.Dahil doon napansin ng dalawa ang pagkatahimik ni Xandra. Nagtanguan silang dalawa pagkatapos ay pinagitnaan nila ito.“Ano bang nangyayari sa’yo Xandra? Kagabi ka pa tahimik,” malumanay na s
PAPUNTA si Xander sa library ng kaniyang daddy sa bahay nila para kausapin ito tungkol sa naging plano nila ng kambal niya. Sigurado siya na sa mga oras na ‘to nagsasabi na ‘rin si Axel sa kanilang mommy kung kaya siya ‘rin ay kikilos na. Ngunit napahinto siya sa isang guest room ng mayroon siyang marinig na usapan. Pag silip niya sa nakaawang na pinto nakita niya doon ang kaniyang tita at mayroon itong kausap sa kaniyang cellphone.“Yes I know, pero trust me feel kong mag popropose na siya saakin—Sus! Hindi no! Sigurado ako, maniwala ka malapit na!”Matapos marinig iyon ay tahimik na sinara ni Xander ang pintuan at malaki ang ngiti sa labi na nagpatuloy sa pagpunta sa library ng ama. Hindi na siya mahihirapan na pasamahin ito sa kanilang pupuntahan.Iniisip niya talaga kung paano mapapasama ito kung simpleng bakasyon lang ang sasabihin ng daddy niya. Syempre ang goal ng bakasyon na ‘yun ay alamin ang katotohanan at pagkitain ang daddy at mommy nila.Kambal ‘man nila si Tanya o hind
“PWEDE ba tayo mag-usap kuya?”Napatingin si Xander kay Tanya ng lapitan siya nito. Pupuntahan niya sana ang tita Tara nito at siya ang magsasabi dito tungkol sa bakasyon nila dahil sinabi na ‘rin niya iyon sa kaniyang ama at pumayag naman ito.“Sure, lil sis!” ngiting malaki na sabi ni Xander.Kapag naiisip niya na si Tanya ang bunso sa kanila ni Xander ay tumatalon na ang puso niya. Unang kita palang niya sa kapatid ay magaan na talaga ang loob niya dito at may something na hindi niya alam kung ano.Sa kwarto nito sila tumuloy dahil na ‘rin wala doon ang mommy niya. Doon na ‘rin umuwi si Tanya sa kanilang bahay matapos ang birthday ng kaniyang mommy kaya ito naroroon sa kanilang bahay.“Who are you?”“What?” gulat na tanong ni Xander na kaagad nawala ang ngiti sa labi dahil sa sinabi nito.“I said who are you! Hindi ikaw ang kuya Axel ko!”Napakurap si Xander dahil doon. Hindi niya akalain na iyon ang sasabihin ni Tanya lalo pa sag anong panahon. Talagang hindi mo masasabi kung ano
Maraming maraming salamat kung naka-bot ka sa chapter na ito! Salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa ng aking kwento! Sobrang na appreciate ko po kayong lahat kahit minsan matagal akong mag update. Btw magkakaroon na po tayo ng bagong kwento at yun ay ang "The Billionaires Quintuplets" waiting nalang sa kontrata at pwede na pong mabasa! Basahin po natin ang description; Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina
NAGISING si Julio na nakatali sa upuan na siyang kinauupuan ng triplets kanina. Sinubukan niyang makawala pero hindi niya magawa.“Wag mo ng subukan kasi hinigpitan ko talaga yan,”Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Victoria na ikinakaba nito kaagad.“B-boss, patawarin mo ako! Ang gusto ko lang naman ay ipalit ka sa triplets! Kinuha ka nila! Dinukot!”Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang palaging mga sinasabi nito sa kaniya kung baga magaling itong mag paikot ng tao. Siguro kung hindi siya natauhan ay malamang na naloko na ulit siya nito.Pero bakit nga ba siya nagpakatanga ng sobra sa lalaki? Sabagay, si Julio ang nagpalaki sa kaniya kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Hindi namn niya akalain na mayroon pa itong ibang balak sa kaniya.“Stop it will you? Alam ko na ang totoo,”Natahimik si Julio sa sinabi ni Victoria at naglakad papunta sa harapan niya.“Nakikinig ako sayo dahil ikaw ang nagpalaki saakin. Kahit buhay ng anak ko ang nakataya sinabak ko si
MALAKI nag naitulong ni Victoria sa kanila para matunton kung nasaan ang kinalalagyan ni Julio ngayon. Naabutan nila na maraming bantay sa paligid kung kaya hindi sila nag aksaya ng panahon para sugudin ang mga ito.“Boss! Sinusugod tayo!” Agad na napalingon si Julio sa nagsalita at napamura.“Pigilan niyo sila! Hindi dapat sila makapunta dito!”Tumango ang tauhan nila at umalis na.“I told you darating sila,” sabi ni Xander na lalong kinainis ni Julio.Okay na sana ang plano niya pero nasira pa!“Wag mo akong ginagalit na bata ka!” Inis na sabi nito at sinabunutan ang bata.“Hey!” biglang may nagsalita sa gilid niya kaya napatingin siya dito. “Don’t touch my twin,”Pagkasabi ni Axel niyon ay sinuntok niya ito agad na ikinadaing ng lalaki.“Tanya help Xander!”Tumango si Xandra at inalalayan ang kaniyang kuya. Nakatali kasi sila sa upuan pero ang hindi nito alam ay ang bracelet ng mga ito’y pwedeng maging maliit na kutsilyo kaya kaagad silang nakawala doon.Hinayaan lang nilang kumuda
“I know this will happen, mabuti nalang at handa ako.”Pagkasabi ni Nadine niyon ay nagsi bagsakan ang ibang tauhan ni Victoria at doon na nagsimula ang barilan.Si Nadine naman ay agad na tumakbo paakyat para iligtas si Victoria. Sakto na nakita niya na kukunin na sana siya ng ilang kalalakihan ng agad niyang binaril ang mga ito.“Pull yourself together Victoria! Ayokong biguin si Vanessa sa pangako kong bantayan kita!”Tumango ng dahan dahan si Victoria at nag paalalay kay Nadine. Dumating din si Conrad na agad tinulungan ang nobya na mag alalay kay Victoria.Habang pababa sila ay patuloy ang pag papaputok nila ng baril sa humaharang sa ksnila. Kita ni Nadine sila Xandra na nakikipag laban sa isang tabi.“Hawak na namin si Victoria! Tara na!” sigaw ni Conrad.Wala silang balak na patàyin ang lahat ng naroroon basta makuha lang nila si Victoria. Kaya ng marinig iyon ay kaagad na nagsi atrasan ang mga ito at sumakay sa kaniya kaniyang kotse.“Drive!” Agad na sabi ni Alexander na ikina
MADILIM at tahimik na naglalakad si Nadine papunta sa abandunadonh building kung saan siya pinapapunta ni Victoria. Katulad ng inaasahan ramdam niya ang dami ng tauhan nito sa paligid kaya mas naging alerto siya.Mayroon namannsiyang dalang armas pero in case na hindi niya kayanin kailangan niyang tumakbo.“Finally dumating ka rin!”Napatingin siya sa second floor kung saan kitang kita sa baba dahil nga abandunado na ang lugar na iyon. At isa pa nasa gitna ng kagubatan ang building kaya wala talagang ibang tao doon.“Sana hindi ka nagdala ng kasama tulad ng nasa sulat kasi ayaw kong may madamay na tao since ikaw lang naman ang pumaslang sa anak ko,”Napahigpit ang kapit ni Nadine sa baril na nasa kamay niya at itinutok iyon kay Victoria.Dahil doon ay kaagad na nagsilabasan ang tauhan ni Victoria at lahat ng laser ng mga ito ay tumutok sa kaniya. Kinabahan siya dahil doon pero mas tinatagan niya at itinutok ang baril dito.“Alam kong alam mo na maaaring mawala ang anak mo sa labanan p
“SINO ba si Victoria?” Tanong ni Xandra sa asawa ng mapag isa sila sa silid nito.“Si Victoria ay isa sa mga mafia Lord. Ang anak niya, si Vanessa, namatay ng matalo siya ni ate Nadine. Alam mo naman sa mafia world basta laban buhay ang kapalit. Hindi siguro matanggap ni Victoria na wala na ang anak kaya binabalikan niya si ate.”Mahabang paliwanag ni Alexander na nag aayos ng gamit nila.“Hindi ba unfair yun?”Napahinto si Alexander sa ginagawa at tumingin dito.“Sa mundo natin ngayon lahat unfair,”Natahimik si Xandra dahil tama ito. Naalala niya tuloy noong unang kasal sila, siya lang ang nagmamahal sa lalaki at di siya mahal nito, unfair kung baga. Isa pa ang pag trato sa kaniya ng step mother at step sister niya, unfair din.Sadyang nasasayo lang kung paano mo ma-hahandle ang pagsubok ng mundong binibigay sayo.“Ang mundo ng mafia world ay parang politika wife, maraming abusado. Pero ang kaibahan lantaran ang masamang gawain sa mafis world, mas delekado keysa sa mundo na nakagisn
HABANG nasa dinner si Xandra at Alexander ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Nadine. Malungkot na binaba ni Alexander ang telepono at hindi alam kung sasabihin ba sa asawa ang nabalitaan o hindi.“Sino ang tumawag? Bakit daw?” Tanong ni Xandra sa kaniya.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Alexander kaya lalong nagtaka si Xandra. Tila nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya agad siyang kinabahan.“Hubby?” Tawag pansin niya dito na ikinahinga ng malalim ni Alexander.“P-pinapauwi na tayo wife... Si dad nasa ospital,”***“NASAAN si daddy?!”Agad na tanong ni Xandra ng makapasok siya sa room ng ama na ikinalingon ng mga ito sa kanila.Kita niya na umiiyak na ang mga ito at ang daddy niya ay ganon din pero nanghihina na.“N-no, no daddy!”Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ng ama.“Daddy naman! Aalis ka ba ng di mo ako nakikita at nakakausap huh?!”Ngumiti ng pilit si Johnny at umiling kay Xandra.“Alam ko na darating ka anak,”Umiling si Xandra sa ama at niyakap ito ng mahigpi
MATAPOS ang kasal ni Xandra at Alexander, naka schedule kaagad ang kanilang honeymoon sa ibang bansa. Dahil na ‘rin ngayon lang magkakasama ng solo ang dalawa ay hindi na pinasama ng mga magulang nila ang triplets.Sa katunayan ay dapat kasama nila ito dahil iyon ‘din naman ang gusto ni Xandra at Alexander ngunit pinigilan lang nila. Wala namang problema sa kanila kung kasama ang tatlo, katunayan nga niyan ay mas matutuwa pa sila.Ang kaso mayroong dahilan kung bakit gusto nilang pag solohin ang mga ito.Ganito ang pagkakasabi nila; ‘Bigyan niyo kaagad kami ng bagong apo!’Hiyang hiya nga si Xandra ng sabihin iyon ng mga ito. Tila isang normal na conversation lamang, sabagay matatanda naman na sila ang kaso may kasama silang bata ng panahon na iyon kaya nga nahihiya siya sa mga anak hindi sa mga kasama nilang matatanda.Pero wala naman siyang magagawa, okay na ‘rin iyon sa kaniya dahil may usapan sila ng mommy niya.“Bakit ka tumatawa jan?”Napahinto si Xandra sa kaniyang pag tawa ng
Tumango siya sa sinabi ng wedding coordinator at hinanda ang sarili.Maya maya pa ay nagbukas na ng dahan dahan ang pinto kasabay ng paglabas ng usok sa sahig.Maliwanag sa likuran ni Xandra kung kaya hindi agad siya nakIlayan ng mga ito. Tila isa siyng anghel na bumaba sa langit.Rinig na rinig ni Xandra ang tugtog na siya mismo ang pumili. ‘A thousands year’s’ meaning she’s wising for her and Alexander for their love to last long even for a thousands years later.Nang makita siya ng mga tao ay ang siyang simula ng paglalakad siya. Hindi muna siya tumingin sa mga ito para makakuha ng lakas. Mahigpit na ang kapit niya sa bulaklak.Ayon na coordinator sasamahan lang siya ng magulang sa paglalakad sa may simula ng mga upuan sa simbahan.Inangat na niya ang kaniyang mata at namangha ang mga tao sa ganda nito. Ngunit si Xandra ay kaagad na nag lock ang mata kay Alexander. Nang sumandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nakikita niya.Nawala ang malumanay na tunog ng piano sa paglalak