BUNTIS ang ate Tara niya at maging siya. Syempre mas pipiliin ng asawa niya si Tara dahil mas mahal nito ang ate niya keysa sa kaniya. Iyak ng iyak si Xandra dahil sa katotohanan na iyon, nagpunta siya sa kaniyang ama at doon naglabas ng sama ng loob.
Hindi na ito nakakapagsalita at nakakalakad ngunit nakaka-intindi pa ito kagaya nalang ngayon dahil kita niya ang pagluha nito dahil naiintindihan siya ng ama. Pinahid ni Xandra ang luha ng kaniyang ama at umiling dito.
“Daddy, ‘wag niyong sisihin ang sarili niyo. Kasalanan ko ‘din ang lahat ng ito dahil nagtiwala ako kay ate Tara… at minahal ko si Alexander.”
Ikinuwento niya kasi ang lahat lahat ng nangyari. Palagi siyang nagkukwento sa ama sa tuwing makakapunta siya sa kanilang bahay at maiiwan silang mag-isa sa kwarto. Alam niya na nagsisisi na ang ama sa desisyon nito four years ago ngunit hindi naman niya ito Masisi dahil nagpapasalamat pa nga siya at minahal niya si Alexander.
Hindi naman ganon kasama ang lalaki sa kaniya sa apat na taong pagkakakasal nila. Ang problema lang ay hindi siya nito pinapansin, as in para lang siyang hangin at hinahayaan nito na pahirapan siya ng mama nito. Ngunit kapag naman wala ang in anito at nasa ibang bansa, pinipigilan siya nito na maglinis o kung ano dahil mayroon naman ‘daw silang katulong.
Doon nabihag ang puso ni Xandra at nakita niya na mayroong pa ‘ring kabutihan ang puso ng lalaki. Noong malasing ito at may mangyari sa kanila, alam niyang nagulat ito na virgin siya at simula nun nag-iba ang trato sa kaniya ng lalaki.
Matapos niyang kausapin ang ama ay nagpasya siyang umuwi na para matulog. Nang magising siya kinaumagahan ay walang tao sa kanila malamang ay nasa ospital ang mga ito at binabantayan ang ate niya.
“Sana ligtas ang anak mo ate.” Mahinang sabi niya sa sarili niya.
Kahit na nasaktan siya sa katotohanan na niloko siya ng asawa ay hindi magbabago ang katotohanan na bata pa ‘rin ang pinag-uusapan nila. Walang muwang iyon sa mundo at ayaw niya itong madamay sa gulo nila.
“Nasaan na ang Xandra na ‘yan?!”
Agad na natakot si Xandra ng marinig niya ang boses ng mother-in-law niya at nang makita siya sa kusina ay dali-dali siya nitong nilapitan at sinabunutan. Puro hingi ng tawad lang ang ginagawa niya at pagmamaka-awa na itigil na nito ang pagsabunot sa kaniya.
Walang nagtanggak na pumigil sa kanila dahil amo nila ang mama ni Alexander.
“Pasalamat ka at ligtas ang anak nila Alexander dahil kung hindi, hindi lang ‘yan ang inabot mo!” sigaw na sabi nito at binitawan na siya’t umalis papunta sa kwarto nito.
Iyak lang ng iyak si Xandra dahil sa ginawa ng kaniyang mother-in-law. Sa nakalipas na apat na taon ay puro pananakit at pagpapahirap lang namana ng ginagawa nito sa kaniya. Hindi nga niya alam kung paano niya iyon natagalan e.
Dahil doon ay mas nabuo ang desisyon niya na ‘wag ng sabihin sa asawa ang tungkol sa anak niya at mag hiwalay nalamang sila. Tutal ay magkaka-anak na sila ng ate niya at sabi sa kaniya ng ate Tara niya ay babawiin na nito ang para sa kaniya dapat.
Successful na ang ate Tara niya ngayon at isa na itong sikat na modelo sa ibang bansa. Nang umuwi ito sa Pilipinas ay hindi na ito umalis sa kanilang bahay at siya ang tila naging asawa ni Alexander lalo na at ito ang kasa-kasama nito sa labas at kita iyon ng mga press.
Dala ang divorced papers ay pumunta siya sa kumpanya ng kaniyang asawa. Dumaan siya sa ospital kung nasaan ang ate Tara niya dahil akala niya naroroon ito ngunit wala naman pala.
Ang ina niya lang ang naabutan niya at galit na galit pa ang dalawa sa kaniya ngunit ng ipakita niya ang divorced paper ay tila natuwa pa ang mga ito at sinabing nasa kumpanya ang asawa niya.
Masakit para sa kaniya ngunit wala siyang magagawa.“Nanjan ba si Mr.Alexander Bautista?” tanong niya sa front desk na naroroon.
“May appointment po ba?” tanong nito sa kaniya.
“Wala pero pakisabi na andito ang asawa niya.”
Muntik ng matawa ang babaeng kaharap niya dahil sa kaniyang narinig. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa na siyang ikinahiya ni Xandra dahil ang suot niya ay panjama tapis cardigan. Hindi kasi siya nag-ayos dahil akala niya nasa ospital lamang ito.
“Wait a sec ma’am,” iling na sabi nito.
Wala ng pakialam si Xandra sa pangmamata sa kanila ng mga ito tutal ay iyon ang una at huli na pupunta siya doon.
“Top floor madam, I’m sorry for my attitude earlier.” Biglang pagbabago ng tono nito na nasabon ng secretary ng boss nito dahil hindi niya kilala ang asawa ng kanilang boss.
“It’s okay,” ngiting sabi ni Xandra at umalis nalang doon.
Nang makaakyat siya sa top floor ay nakangiting si Liam ang sumalubong sa kaniya.
“Xandra kumusta ka na?!” masayang bati nito sa kaniya na ikinangiti niya pabalik dito.
Kung malas si Xandra sa mga pamilya niya swerte naman siya sa kaibigan ng asawa niya. Siya si Liam Santiago, ang sekretarya/kaibigan ni Alexander. Mayroon pang isa, si Stanlee Perez na may-ari ‘rin ng sikat na kumpanya sa Pilipinas at internationally. Matalik ‘din iyong kaibigan ni Alexander at ang dalawa ay mabait ang pakikitungo sa kaniya.
“Mayoos naman ako, Liam salamat sa pagtatanong. Si Alexander asan?”
Itinuro nito ang office nito at pinagbuksan pa siya nito ng office ng lalaki. Nakita niya na busy ito sa pagtatrabaho kaya napabuntong hininga siya at naglakad patungo dito.
“Sorry at dumating ako ng walang pasabe, Alexander. Mayroon lang sana akong gustong itanong at sabihin sa’yo kung ayos lang ba?”
Tumango sa kaniya ang asawa at hindi manlang siya nito tinatapunan ng tingin. Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya dahil doon pero nagpatuloy pa ‘rin siya.
“May nangyari ba sa inyo ng ate Tara ko? Totoo ba na magkaka-anak na kayo?”
Napahinto ito sa kaniyang ginagawa at maging si Liam na naroroon at nagulat sa tanong ni Xandra. Alam nito ang nangyayari kay Alexander at alam ni Liam na nasasaktan ito kaya ‘din niya tinanong ang babae kung Kamusta ito.
“Let’s not talk personal affairs here, Xandra. Wait for me to come home.”
“I cannot wait anymore Alexander. Kailan ka ba umuwi sa bahay gayong dito ka naman nag-stay. Sa tuwing kakausapin kita hindi ka umuuwi, ngayon pa kaya na nasa ospital si ate Tara sigurado ako na sa ospital ka dederetsyo mamaya. Just tell me the whole truth, please!”
Agad na pinunasan ni Xandra ang luha niya dahil traydor iyon. Ayaw pa naman niya umiyak sa harap nito.
Nagtagpo ang mata nila at walang buhay itong nakatingin sa kaniya.
“Gusto mong malaman ang totoo? Yes, may nangyari saamin at magkaka-anak na kami. Are you happy now?”
Kahit alam na ni Xandra ang katotohanan ay gusto pa ‘rin niya na manggaling mismo sa bibig nito ang totoo. Napangiti siya ng pilit at inilagay ang folder na hawak sa harap nito.
“What is this?” kuno’t noo na tanong nito sa kaniya.
“Divorced papers.”
“Divorced papers?!” gulat na sabi ni Liam at mabilis na lumapit sa kaibigan at tinignana ng binuklat nitong folder.
Tama si Xandra, divorced papers nga iyon at mayroon na itong pirma niya.
“Hindi ko na kaya Alexander… four years is enough for me to love you. Pirmahan mo ‘yan at habang buhay na kayong magkakasama ni ate Tara at mabubuo na ang pamilya niyo.”
Pagkasabi ni Xandra niyon ay umalis na siya doon at ng makalabas ay napahawak siya sa pader dahil kumukuha siya ng lakas sa pader. Hindi na ‘rin niya napigilan a ng mga luha niya at napahawak nalang sa kaniyang tiyan.
“I’m sorry anak ko. I have to raised you on my own.”
***
IBINALIK ni Alexander ang divorced papers na iniwan sa kaniya ni Xandra at iniabot ito kay Lima.
“Pipirmahan mo ba?” tanong ni Liam na ikinasama ng tingin ni Alexander sa kaniya.
“Of course, not! Xandra is my wife and she is mine! Mine alone!”
Napangiti si Liam dahil sa sinabing iyon ni Alexander at nakampante na ang loob niya. Syempre, matalik niya itong kaibigan, nang makita niya ang ibinigay ni Xandra dito ay gulat na gulat siya. Alam nila ni Stanlee na mahal na nito ang asawa kaya nasisigurado siyang hindi nito iiwan ang asawa.
“Pero mag kakaanak na kayo ni Tara. Siguradong nasasaktan si Xandra ngayon! Bakit mo naman kasi pinatulan ang ate niya!” sermon na sabi niya sa kaibigan na ikinahilot nito sa sentido niya.
“I was drunk! Nagising nalang ako na may nangyari na. You know that I stopped seeing other girls after knowing that my wife was still a virgin. For all those years, buong akala ko ay pinikot ako ng asawa ko ngunit hindi pala.”
“And seems like ikaw ang napikot ngayon.” Sabi ni Liam at ibinigay ang isa pang file na naglalaman ng pictures ng CCTV na kung saan pinatulog silang dalawa ni Xandra at pinagtabi four years ago.
Agad na nilamukos ni Alexander ang mga pictures at galit iyong naitapon sa sahig. Niloko siya ni Tara at ngayon ay magkaka anak na silang dalawa ay hindi niya ito hahayaang kunin sa asawa niya.
Ang totoo niyan ay hindi niya talaga mahal si Tara. Si Alexander ay isang natural na playboy, kahit na sinasabi nila noon na tumagal siya kay Tara ngunit ang totoo ay lagi silang nag-aaway dahil may ibang babae siyang kasama sa kama. Ngunit sa paglipas ng araw kahit papaano ay nasasanay na siyang kasama ang babae.
Paulit-ulit lang siyang tinatanggap ni Tara at nagmamaka-awa sa kaniya kaya hinahayaan niya ito. Noong umalis ang babae ay wala siyang pakialam basta patuloy lang ang buhay niya. Kaya niya ang ‘din pinakasalan si Xandra dahil sa ama nito lalo na at hindi niya nakilala ang ama niya at namatay ito ng maaga.
Ngayon na may nararamdaman na siya para sa asawa ay hindi niya ito hahayaang mahiwalay pa sa kaniya.
“What do you think I need to do to pursue my wife?” lingong tingin niya sa kaibigan.
Napahawak si Liam sa kaniyang baba at tila nag-iisip.
“Serenade her! Court her! ‘Yun ang mga gusto ng mga babae, then buy her gifts!”
“What kind of gifts?”
Tinignan siya ng kaibigan na hindi makapaniwala dahil sa lumabas sa bibig niya.
“Ilang taon ka na bang nabubuhay sa mundo at hindi mo alam yan?”
Naipukpok ni Alexander ang folder sa ulo ng kaibigan dahil sa sinabi nito.
“Okay! Okay! Naalala ko, number 1 playboy ka nga pala dati tsk. Hmm… flowers and chocolates!”
“Okay, then buy me some flowers and chocolates. Ibibigay ko kay Xandra,” sabi niya kay Liam na ikinataas nito ng kilay.“Ako ba ang manunuyo? Ikaw ang bumili tutal mas kilala mo ang asawa mo!”
Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan kaya napatango nalang ‘din siya. Actually, wala siyang alam sa mga ganong bagay ngunit para sa asawa ay gagawin niya. Lalo na nakikita niya palagi ang dalaga sa hardin nila at inaalagaan ang mga ito.
She love’s flowers he guesses.
NAGPASYA si Xandra na kinabukasan nalamang siya umalis dahil na ‘rin inabot siya ng gabi sa pag-uwi at dumaan pa siya sa kaniyang daddy. Nagkwento pa siya dito ng tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa asawa.Nang paalis na sana siya ay naabutan siya ng ina na kukuha sana ng gamit ng kaniyang ate. Tinanong nito ang tungkol sa kaniyang pakikipag divorced, nakakatawa dahil iyon ang unang beses na nagtanong ito tungkol sa kaniya tungkol pa sa pakikipaghiwalay niya sa asawa.Natuwa pa ito ng malamang tinanggap iyon ng asawa. Pagkauwi niya ay tila pagod na pagod siya, mayroon siyang gustong kainin ngunit nawawalan siya ng gana sa tuwing iisipin na paalis na siya.Mabuti nalang at kahit papaano ay may pera siya mula sa ipon ng kaniyang daddy sa kaniya. Bago siya maka-uwi ay nag withdraw siya ng malaking halaga. Alam niya na malaki ang posibilidad na putulin ng kaniyang ina ang access niya sa pagkuha ng kaniyang pera kaya uunti-untiin niya ang pagkuha doon.Nang magising siya ay nag-ayos lamang
OFFICIAL ng kabilang si Alexander sa top 1 na business man sa Pilipinas. Hindi lang iyon, pumasok na ‘rin ang negosyo niya sa ibang bansa at sa ilang araw lang ay nag boom ang negosyo nitong mga hotels at ang daming gustong makipagnegosyo sa kaniya.Hindi nagtagal ay tinanghal na siyang isang Billionaire. Si Xandra ang unang tuwang tuwa sa balitang iyon at kinongrats ang asawa. Dahil masaya na ‘rin ang nakalipas na linggo nila lalo na’t hindi na siya inaaway ng mother-in-law niya at ng mama at ate niya.Tila tumahimik na ang buhay nila kaya napakasaya niya.Magkakaroon ng celebration ang kumpanya ni Alexander at sinabi nito sa kaniya na ipapakilala na siya nito bilang asawa niya sa lahat ng naroroon. Naiyak siya sa balitang iyon lalo na maipapalabas ang party nila sa buong mundo kaya malalaman ng lahat na siya ang asawa ni Alexander.Pinaghandaan niya ang araw na iyon ngunit ang hindi niya alam ay iyon ‘din ang araw na kukunin ni Tara sa kaniya.Nakasuot si Xandra ng isang red fitted
*SIX MONTHS LATER*ANIM na buwan na ang nakalipas simula nang umalis si Xandra sa puder ng kaniyang asawa. Ang araw na dapat ay anniversary celebration nila ay nauwi sa isang gabi na hinding hindi niya makakalimutan. Wala na nga siyang kinuhang gamit na kahit na ano sa bahay ni Alexander basta basta nalang siyang umalis sa lugar na ‘yun at hindi na nagpakita pa.Sa anim na buwang lumipas ay marami na ‘ring nangyari sa kaniya. Nakahanap siya ng kahit papaano ay sapat na sa kaniyang apartment pagkatapos ay nagagawa niyang mamuhay ng tahimik at walang gulo.Kahit papaano ay kumikita siya sa tulong ng kaniyang maliit na income sa pag gawa gawa niya ng mga cup cakes at cakes na mayroong nag-oorder sa kaniya online. Gamit ang pera na naipon niya noon sa bangko at bigay ng kaniyang ama, iyon ang ginamit niyang panimula.Kahit na hinahanap hanap niya si Alexander ay ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para iwasan iyon. Ultimo kaunting news about him ay iwas na iwas siya dahil baka umuwi
IYAK ng iyak si Xandra nang malaman niyang wala na ang kaniyang bunsong anak na babae. Habang buhat niya ang kambal ay hindi matigil ang kaniyang luha at maging ang kambal na tila alam kung ano ang nangyayari.Nang kinuha sa kaniya ang kambal ay ibinigay naman sa kaniya ang bunso niyang babae na wala ng buhay. Pakiramdam niya ay malaking parte ng kaniyang pagkatao ang nawala dahil sa pagkawala ng kaniyang anak.Ngunit kahit anong pagluluksa niya ay hindi siya pwedeng maging mahina dahil mayroong dalawang sanggol pa ang naghihintay sa kaniya. Nang maiwan siya mag-isa sa silid niya at kasama niya ang kambal na natitira, napapatanong siya sa kaniyang isipan.Paano niya ito mapapalaki?Kakayanin niya ba gayong nanghihina pa siya sa pagkawala ng bunso niya?Anong ipapakain niya sa mga ito o ipanggagatas?Napapikit siya ng mariin dahil doon kasabay ng pagtulo ng luha niya. Kung hindi lang siya nalooban ng mga magnanakaw edi sana ay magagawa niyang palakihin ng ayos ang kaniyang mga anak. An
BATA pa si Xandra ng iwanan siya ng kaniyang ina sa puder ng kaniyang ama. Noon ay nagtatanong siya kung bakit siya iniwan nito sa daddy niya at kung ano ang mali sa kaniya. Hindi ba siya nito mahal o sadyang ayaw lang nito sa kaniya.Ngunit habang lumalaki siya at nagkakaisip ay doon niya narealize ang totoong dahilan kung bakit siya iniwan ng ina. Hinding hindi niya makakalimutan ang sinabi sa kaniya ng ina bago ito umalis.“Anak, paglaki mo maiintindihan mo ako at malalaman mo na mas kaya kang buhayin ng ama mo keysa saakin. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para makita kitang muli anak. Magpakabait ka, mahal na mahal ka ni mommy.”Iyan ang mga liny ana binitawan sa kaniya ng mommy niya na nakatatak sa puso at isip niya. Sa tuwing napapagalitan siya ng ama dahil sa pagbibintang ng ate Tara niya ay palagi niyang tinatawag ang mommy hoping na lalabas ito at ipagtatanggol siya.Ngunit tumuntong nalang siya sag anong edad hindi na niya ito nakita pa kung kaya nawalan na siya ng pag-asa.
*SIX YEARS LATER*ANIM na taon na ang nakalipas simula ng umalis ng Pilipinas si Xandra kasama ang anak na ni Xander at ang kaniyang ina na si Xyra. Anim na taon na ‘rin sila sa new york at doon na namumuhay lalo pa’t andoon ang kanilang mga negosyo.Negosyo na nagawang palaguin ni Xandra sa nakalipas na mga taon. Hindi nalang properties ang mayroon sila dahil ginawa iyong negosyo ni Xandra at pinarerenatah niya ito sa mga gustong mag book.A(i)rbnb kung tawagin. A(i)rbnb, Inc. is an American company operating an online marketplace for short- and long-term homestays and experiences. Jan na inspired si Xandra hanggang sa siya na mismo ang magtayo ng sarili niyang kumpanya na ganoon ang ginagawa.Sa ngayon ay nag-eexport na sila ng mga properties sa ibat ibang bansa at patuloy na lumalago ang kaniyang negosyo. Hindi lang ‘yun, malaki ang posibilidad na makapagpatayo na siya ng sariling hotel kapag nagpatuloy ang takbo ng negosyo niya sa loob ng isang taon.Hindi nalang for rentals na hi
Nasa New York kasi ngayon si Alexander at Axel para sa one-week business trip nito doon para sa kaniyang negosyo. Kadarating lang nila sa airport ng maisipan ni Axel na maglaro dahil bored siya at mahaba ang kanilang naging byahe. Hindi kasi sila nakapag private jet at iyon ang unang beses niyang bumaba sa public airport kung kaya enjoy na enjoy siya sa paligid. At doon na nga sila nagkapalit ng kambal niyang si Xander. Katulad niya ay nagtataka ‘rin si Xander kung sino ang Axel na tinutukoy ng lalaki sa kaniya at kung bakit kamuka niya ito. Natatandaan niya na sabi ng kaniyang ina na wala na ang kaniyang ama at hindi na babalik pa. Sa tuwing magtatanong siya dito ay iyon palagi ang sinasabi nito at iniiba ang usapan kaya alam niyang sensitive ang topic na iyon. Dahil ayaw niya ‘rin naman ma-at ease ang ina ay hinayaan nalang niya ito. Ngunit ngayon tingin niya ang daddy niya ang kasama niya ngayon lalo pa at kamukang kamuka niya ito. Nang makarating sila sa condo unit na tinuluya
KADARATING lang ni Xandra at Axel sa kanilang tinutuluyang hotel ngunit kahit ganon ay busy na agad si Xandra sa kaniyang telepono lalo na at katanghaliang tapat ngayon sa Hawaii. Napapakunot nalang ang noo ni Axel dahil doon, hindi nagkakalayo ang ugali ng mommy niya at kaniyang daddy.Palagi itong busy, kung hindi sa cellphone sa kumpanya. Kaya nga lagi siya nitong kasama lalo na ayaw naman niya maiwan sa bahay. Ang kapatid naman niya kasing si Tanya ay madalas sa bahay ng kaniyang lola, ang ina ng kaniyang daddy.Hanggang sa inabot na ng dalawang oras ang paghihintay niya sa ina. Kahit kumakain sila mula sa inorder nitong pagkain sa hotel ay busy pa ‘rin ito sa kaniyang laptop. Hindi niya alam kung paano iyon na-hahandle ng kambal niya pero kung siya tatanungin baka hinack na niya ang laptop nito para matuon lang sa kaniya ang atensyon nito.Yes, marunong siyang mang hack dahil na ‘rin wala siyang ibang ginagawa kundi ang mag ipad or cellphone iyon nalang pinagkaabalahan niya. Alam
Maraming maraming salamat kung naka-bot ka sa chapter na ito! Salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa ng aking kwento! Sobrang na appreciate ko po kayong lahat kahit minsan matagal akong mag update. Btw magkakaroon na po tayo ng bagong kwento at yun ay ang "The Billionaires Quintuplets" waiting nalang sa kontrata at pwede na pong mabasa! Basahin po natin ang description; Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina
NAGISING si Julio na nakatali sa upuan na siyang kinauupuan ng triplets kanina. Sinubukan niyang makawala pero hindi niya magawa.“Wag mo ng subukan kasi hinigpitan ko talaga yan,”Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Victoria na ikinakaba nito kaagad.“B-boss, patawarin mo ako! Ang gusto ko lang naman ay ipalit ka sa triplets! Kinuha ka nila! Dinukot!”Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang palaging mga sinasabi nito sa kaniya kung baga magaling itong mag paikot ng tao. Siguro kung hindi siya natauhan ay malamang na naloko na ulit siya nito.Pero bakit nga ba siya nagpakatanga ng sobra sa lalaki? Sabagay, si Julio ang nagpalaki sa kaniya kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Hindi namn niya akalain na mayroon pa itong ibang balak sa kaniya.“Stop it will you? Alam ko na ang totoo,”Natahimik si Julio sa sinabi ni Victoria at naglakad papunta sa harapan niya.“Nakikinig ako sayo dahil ikaw ang nagpalaki saakin. Kahit buhay ng anak ko ang nakataya sinabak ko si
MALAKI nag naitulong ni Victoria sa kanila para matunton kung nasaan ang kinalalagyan ni Julio ngayon. Naabutan nila na maraming bantay sa paligid kung kaya hindi sila nag aksaya ng panahon para sugudin ang mga ito.“Boss! Sinusugod tayo!” Agad na napalingon si Julio sa nagsalita at napamura.“Pigilan niyo sila! Hindi dapat sila makapunta dito!”Tumango ang tauhan nila at umalis na.“I told you darating sila,” sabi ni Xander na lalong kinainis ni Julio.Okay na sana ang plano niya pero nasira pa!“Wag mo akong ginagalit na bata ka!” Inis na sabi nito at sinabunutan ang bata.“Hey!” biglang may nagsalita sa gilid niya kaya napatingin siya dito. “Don’t touch my twin,”Pagkasabi ni Axel niyon ay sinuntok niya ito agad na ikinadaing ng lalaki.“Tanya help Xander!”Tumango si Xandra at inalalayan ang kaniyang kuya. Nakatali kasi sila sa upuan pero ang hindi nito alam ay ang bracelet ng mga ito’y pwedeng maging maliit na kutsilyo kaya kaagad silang nakawala doon.Hinayaan lang nilang kumuda
“I know this will happen, mabuti nalang at handa ako.”Pagkasabi ni Nadine niyon ay nagsi bagsakan ang ibang tauhan ni Victoria at doon na nagsimula ang barilan.Si Nadine naman ay agad na tumakbo paakyat para iligtas si Victoria. Sakto na nakita niya na kukunin na sana siya ng ilang kalalakihan ng agad niyang binaril ang mga ito.“Pull yourself together Victoria! Ayokong biguin si Vanessa sa pangako kong bantayan kita!”Tumango ng dahan dahan si Victoria at nag paalalay kay Nadine. Dumating din si Conrad na agad tinulungan ang nobya na mag alalay kay Victoria.Habang pababa sila ay patuloy ang pag papaputok nila ng baril sa humaharang sa ksnila. Kita ni Nadine sila Xandra na nakikipag laban sa isang tabi.“Hawak na namin si Victoria! Tara na!” sigaw ni Conrad.Wala silang balak na patàyin ang lahat ng naroroon basta makuha lang nila si Victoria. Kaya ng marinig iyon ay kaagad na nagsi atrasan ang mga ito at sumakay sa kaniya kaniyang kotse.“Drive!” Agad na sabi ni Alexander na ikina
MADILIM at tahimik na naglalakad si Nadine papunta sa abandunadonh building kung saan siya pinapapunta ni Victoria. Katulad ng inaasahan ramdam niya ang dami ng tauhan nito sa paligid kaya mas naging alerto siya.Mayroon namannsiyang dalang armas pero in case na hindi niya kayanin kailangan niyang tumakbo.“Finally dumating ka rin!”Napatingin siya sa second floor kung saan kitang kita sa baba dahil nga abandunado na ang lugar na iyon. At isa pa nasa gitna ng kagubatan ang building kaya wala talagang ibang tao doon.“Sana hindi ka nagdala ng kasama tulad ng nasa sulat kasi ayaw kong may madamay na tao since ikaw lang naman ang pumaslang sa anak ko,”Napahigpit ang kapit ni Nadine sa baril na nasa kamay niya at itinutok iyon kay Victoria.Dahil doon ay kaagad na nagsilabasan ang tauhan ni Victoria at lahat ng laser ng mga ito ay tumutok sa kaniya. Kinabahan siya dahil doon pero mas tinatagan niya at itinutok ang baril dito.“Alam kong alam mo na maaaring mawala ang anak mo sa labanan p
“SINO ba si Victoria?” Tanong ni Xandra sa asawa ng mapag isa sila sa silid nito.“Si Victoria ay isa sa mga mafia Lord. Ang anak niya, si Vanessa, namatay ng matalo siya ni ate Nadine. Alam mo naman sa mafia world basta laban buhay ang kapalit. Hindi siguro matanggap ni Victoria na wala na ang anak kaya binabalikan niya si ate.”Mahabang paliwanag ni Alexander na nag aayos ng gamit nila.“Hindi ba unfair yun?”Napahinto si Alexander sa ginagawa at tumingin dito.“Sa mundo natin ngayon lahat unfair,”Natahimik si Xandra dahil tama ito. Naalala niya tuloy noong unang kasal sila, siya lang ang nagmamahal sa lalaki at di siya mahal nito, unfair kung baga. Isa pa ang pag trato sa kaniya ng step mother at step sister niya, unfair din.Sadyang nasasayo lang kung paano mo ma-hahandle ang pagsubok ng mundong binibigay sayo.“Ang mundo ng mafia world ay parang politika wife, maraming abusado. Pero ang kaibahan lantaran ang masamang gawain sa mafis world, mas delekado keysa sa mundo na nakagisn
HABANG nasa dinner si Xandra at Alexander ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Nadine. Malungkot na binaba ni Alexander ang telepono at hindi alam kung sasabihin ba sa asawa ang nabalitaan o hindi.“Sino ang tumawag? Bakit daw?” Tanong ni Xandra sa kaniya.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Alexander kaya lalong nagtaka si Xandra. Tila nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya agad siyang kinabahan.“Hubby?” Tawag pansin niya dito na ikinahinga ng malalim ni Alexander.“P-pinapauwi na tayo wife... Si dad nasa ospital,”***“NASAAN si daddy?!”Agad na tanong ni Xandra ng makapasok siya sa room ng ama na ikinalingon ng mga ito sa kanila.Kita niya na umiiyak na ang mga ito at ang daddy niya ay ganon din pero nanghihina na.“N-no, no daddy!”Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ng ama.“Daddy naman! Aalis ka ba ng di mo ako nakikita at nakakausap huh?!”Ngumiti ng pilit si Johnny at umiling kay Xandra.“Alam ko na darating ka anak,”Umiling si Xandra sa ama at niyakap ito ng mahigpi
MATAPOS ang kasal ni Xandra at Alexander, naka schedule kaagad ang kanilang honeymoon sa ibang bansa. Dahil na ‘rin ngayon lang magkakasama ng solo ang dalawa ay hindi na pinasama ng mga magulang nila ang triplets.Sa katunayan ay dapat kasama nila ito dahil iyon ‘din naman ang gusto ni Xandra at Alexander ngunit pinigilan lang nila. Wala namang problema sa kanila kung kasama ang tatlo, katunayan nga niyan ay mas matutuwa pa sila.Ang kaso mayroong dahilan kung bakit gusto nilang pag solohin ang mga ito.Ganito ang pagkakasabi nila; ‘Bigyan niyo kaagad kami ng bagong apo!’Hiyang hiya nga si Xandra ng sabihin iyon ng mga ito. Tila isang normal na conversation lamang, sabagay matatanda naman na sila ang kaso may kasama silang bata ng panahon na iyon kaya nga nahihiya siya sa mga anak hindi sa mga kasama nilang matatanda.Pero wala naman siyang magagawa, okay na ‘rin iyon sa kaniya dahil may usapan sila ng mommy niya.“Bakit ka tumatawa jan?”Napahinto si Xandra sa kaniyang pag tawa ng
Tumango siya sa sinabi ng wedding coordinator at hinanda ang sarili.Maya maya pa ay nagbukas na ng dahan dahan ang pinto kasabay ng paglabas ng usok sa sahig.Maliwanag sa likuran ni Xandra kung kaya hindi agad siya nakIlayan ng mga ito. Tila isa siyng anghel na bumaba sa langit.Rinig na rinig ni Xandra ang tugtog na siya mismo ang pumili. ‘A thousands year’s’ meaning she’s wising for her and Alexander for their love to last long even for a thousands years later.Nang makita siya ng mga tao ay ang siyang simula ng paglalakad siya. Hindi muna siya tumingin sa mga ito para makakuha ng lakas. Mahigpit na ang kapit niya sa bulaklak.Ayon na coordinator sasamahan lang siya ng magulang sa paglalakad sa may simula ng mga upuan sa simbahan.Inangat na niya ang kaniyang mata at namangha ang mga tao sa ganda nito. Ngunit si Xandra ay kaagad na nag lock ang mata kay Alexander. Nang sumandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nakikita niya.Nawala ang malumanay na tunog ng piano sa paglalak