Wag kalimutan mag comment sa last update ko para ganahan ako sa susunod na araw guys!
MAYROONG hawak na bulaklak ang ina niya at iba-ibang bansa ay ganon ‘din.Agad niyang narealize kung ano ang tinutukoy ng lola niya. Kada bansa ay binibilhan niya ng bulaklak ang ina at pero iisa lang ang bulaklak kahit iba iba ang bansa, puro tulips lang iyon.Naka labing lima na silang bansa ayon sa album at checklist na nakita niya.“It’s okay apo, siguradong kasama na ako sa susunod at makakabili tayo. Nagkataon kasi na kayo lang ng mommy mo ang pumunta ng Hawaii e. Kaya nga gustong gusto kong sumama kasi siguradong hindi mo ‘to magagawa at wala kang kasama, kaso nagkasakit ako e.”Napatingin si Axel sa kaniyang lola at ngumiti dito.“Okay lang po lola! May susunod pa naman po kaya walang problema!” pagtatakip niya sa pagkagulat niya sa katotohanan na iyon.Mayroon palang goal ang kambal niyang si Xander, kung alam niya lang edi sana nagawa niy noong nasa Hawaii pa sila lalo na may nakita siyang nagtitinda ng bulaklak sa may hotel na tinuluyan nila.“Yes apo, sabi sakin ni mommy mo
‘NASAAN na kayo twin?’ text ni Axel sa kaniyang kambal gamit ang phone ng ina.‘Nandito kami sa second floor. Sabihin mo lunch muna kayo para makapag palit tayo.’‘Hindi pwedeng iisang restaurant tayo kasi baka magulat si daddy makita si mommy’‘I know twin kaya sa katabing restaurant kayo’“Xander anak,” tawag pansin ni Xandra sa kaniyang anak dahil kanina pa nila ito kinakausap ng ina niya ngunit busy ito sa kaniyang cellphone.“Ah yes, mommy?” ngiting sabi ni Axel sa kaniyang ina.“Sabi ko bumili na muna tayo ng cellphone mo since mukang meron kang inaasikaso.”Sakto naman biglang nag text muli si Xander at sinabi kung saang restaurant sila sa second floor kaya agad niyang pinatay muna ang phone.“Mamaya na po mommy gutom na po ako,” ngiting sabi niya at hinawakan pa ang tiyan niya na ikinatawa ng mommy at lola niya.“Di dapat nagugutom ang apo ko!” sabi ni Xyra at ginulo ang buhok ni Axel.“Yah, tama ka jan mom. So, doon tayo sa dati nating kinakainan.” Ngiting sabi ni Xandra pero
“BAKA minumulto na tayo si Xandra!” takot na sabi ni Liam na siyang takot sa multo.Agad naman siyang nakatanggap ng batok mula kay Alexander.“Kamuka nga lang diba?” samang tingin na sabi ni Alexander sa kaibigan.“S-sorry naman, alam mong takot ako sa multo kahit si Xandra pa makita ko tatakbo talaga ako.”Napailing si Xander sa sinabi ng kaniyang tito. Napaisip tuloy siya kung anong magiging reaction nito sa oras na makita ang ina niya?“Naka order ka na ba anak?” ngiting tanong ni Alexander sa anak sakto naman na nag vibrate ang cellphone niya at nabasa ang sinabi ni Axel na andoon na sila sa loob ng restaurant.“Kayo na po pala daddy, punta lang po ako restroom.” Tayong sabi niya pagkatext kay Xander na kailangan na nilang magpalit.“Okay sige anak, iintayin ka namin.”Ngunit nagulat sila ng biglang yakapin ni Xander ang kaniyang ama.“Bye daddy, tito Liam! See you later!” huling sabi ni Xander at naglakad na paalis doon.“Huh? Ang weird talaga ni Axel these past few days,” kument
“YUP! Pasko ang birthday ni mommy. Ang galing diba?”Napatango si Axel sa sinabi ng kambal niya at doon na sila nagpaalam sa isa’t-isa dahil medyo matagal na ‘rin sila doon.“See you again, twin.” Ngiting sabi ni Axel.“See you twin. Alagaan mo si Tanya ah? Bilhan mo ako ng gift para sa kaniya, sabihin mo dalawa kasi special siya.” Tawang sabi ni Xander na ikinatawa nila pareho at doon na sila lumabas ng banyo at naghiwalay.“Nasaan na ba si Axel? Andito na ang pagkain natin,” sabi ni Liam na kanina pa nila ito inaantay.“Pupuntahan ko, baka kung ano ng nangyari.” Tayong sabi ni Alexander.“Kilala mo naman ang anak mo, kaya niyang ipagtanggol sarili niya.” Natatawang sabi ni Liam.“Kahit na. Wait here,” seryosong sabi ni Alexander na ikinatango nalang nito.Papunta na ito sa restroom ng makasalubong niya ang anak ngunit hindi naman sa may restroom ito nanggaling.“Daddy!” agad na sabi ni Axel at niyakap ng mahigpit ang ama dahil na-miss niya ito.“Saan ka nanggaling anak? Diba sa restr
MABILIS na lumipas ang araw at ngayon ang araw kung kelan babalik na sa Pilipinas sina Axel. SA nakalipas na araw hindi na nila nagawang makapag kita pa kahit na nasa New York lang sila dahil na ‘rin hindi makatakas si Axel at ganon ‘din naman si Xander.Ngunit kahit ganon ay patuloy pa ‘rin silang nag-uusap at parehong kinakamusta ang kanilang mga magulang. Walang ka-alam alam si Xandra at Alexander na nag-uusap na ang kanilang mga anak.Nakuntento na muna sila sa ganon pero syempre kailangan pa ‘ring ituloy ng plano nila na mapauwi ang mga ito sa Pilipinas. Katulad ngayon, pauwi na sila Axel ang goal nilang kambal ay mapapayag ang mommy nila ngayon.Ang sabi ni Xander ay siya na ang bahala sa kaniyang ina. Hindi alam ni Axel kung paano nito mapapapayag ang ina nila kaya nag-aalala siya. Paano kung hindi matuloy? Paano kung hindi na niya makita ang mommy at kambal niya?“Okay ka lang ba anak? Parang balisa ka,”Napatingin si Axel sa kaniyang ama ng punahin siya nito. Nasa business cla
MGA ilang ring lang ay sinagot na ito agad ni Axel.“Twin! Pumayag na ba si mommy?!” excited na sabi ni Axel sa kabilang linya.“Hindi pa twin pero malapit na. Sa ngayon may tanong ako sa’yo, may kakaiba bang sinabi sa’yo si grandma nung magkasama kayo? Like na parang hindi ako ikaw ganon?”Nagtaka si Axel sa kabilang linya dahil sa tanong na iyon ng kambal niya.“Si lola? Wala naman,”“Wait…” biglang sabi ni Xander “You call her lola?”“Ah yes, iisa lang ‘yun twin ano ka ba. Sanay ‘din kasi ako na lola tawag ko sa mom ni daddy.”“That’s it!” biglang sabi ni Xander. “Never kong tinatawag na lola si grandma, twin! Malamang na nakatunog siya ‘dun! Ibig sabihin alam niya na hindi ako ang kasama nila kundi ikaw!”Natahimik si Axel sa kabilang linya at inalala ang mga times na kasama niya ang lola niya. Bumalik sa ala-ala niya ang time na umiyak ito sa harap niya, akala niya emotional lang ito.“Naalala ko, pinakita niya sakin ‘yung album mo na may goal kang bigyan ng flower si mommy kada
“M-mommy, wala na si daddy! Wala na si daddy, mommy!”Biglang yakap na sabi ni Xandra sa kaniyang ina na ikinatigil nito. Oo matagal na silang wala ng asawa niya ngunit ang malamang wala na ito ay hindi niya inaasahan. Lalo na mayroon ‘din silang pinagsamahan nito kahit naghiwalay na sila.“G-gusto kong makita si daddy, mom! Umuwi tayo ng Pilipinas bukas na bukas ‘din dahil gusto kong makita si daddy bago pa siya mailibing!”Gulat ‘man sa kaniyang nalaman ay mas lalong nagulat si Xyra ng marinig iyon mula sa kaniyang anak. Habang yakap niya ang anak at hinihimas ang likod nito ay tumingin siya sa kaniyang apo na nakatayo na at nakatingin sa kanilang dalawa.Ngumiti ito sa kaniya ng malaki at nag thumbs up pa. Dahil doon ay napaisip tuloy siya, totoo bang wala na ang dating asawa niya o gawa gawa lang iyon ng kaniyang apo para mapauwi ang mommy niya sa Pilipinas.Ang totoo ay gawa gawa lang iyon ni Xander. Kahapon, nang dumating ang envelope na familiar sa kaniya at matagal na niyang i
PALAGI pa niyang nararamdaman na may nakatingin sa kaniya at minsan nahuli niya na si Axel iyon. Hindi isang simpleng tingin lang kundi masamang tingin! Hindi niya alam kung anong nagawa niya sa bata para tignan siya nito ng masa at tratuhin ng ganon kung kaya naguguluhan siya.Nagpasya siyang kausapin na ito mamaya lalo pa’t ayaw pa naman niya na may galit ang anak ni Alexander sa kaniya lalo pa’t konti nalang ramdam niya mag popropose na ang lalaki sa kaniya.Sa tuwing naiisip niya iyon ay pakiramdam niya siya ang pinakang magandang babae sa balat ng lupa. Bago kasi umalis ang mga ito papuntang New York ay panay tanong ni Alexander sa kaniya kung san niya gustong mag celebrate ng pasko.Like mga gagawin nila, pinag-aayos siya nito at kung ano ano pa. Kaya pumasok sa isip niya na sawakas ay dumating na ang pinakang iintay niyang araw! Kahit anim na taon na ang inaantay niya ay ayos lang basta worth it naman lalo pa’t pinaghirapan niya kung nasan man siya ngayon.‘Wag ka ng magpapakit
Maraming maraming salamat kung naka-bot ka sa chapter na ito! Salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa ng aking kwento! Sobrang na appreciate ko po kayong lahat kahit minsan matagal akong mag update. Btw magkakaroon na po tayo ng bagong kwento at yun ay ang "The Billionaires Quintuplets" waiting nalang sa kontrata at pwede na pong mabasa! Basahin po natin ang description; Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina
NAGISING si Julio na nakatali sa upuan na siyang kinauupuan ng triplets kanina. Sinubukan niyang makawala pero hindi niya magawa.“Wag mo ng subukan kasi hinigpitan ko talaga yan,”Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Victoria na ikinakaba nito kaagad.“B-boss, patawarin mo ako! Ang gusto ko lang naman ay ipalit ka sa triplets! Kinuha ka nila! Dinukot!”Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang palaging mga sinasabi nito sa kaniya kung baga magaling itong mag paikot ng tao. Siguro kung hindi siya natauhan ay malamang na naloko na ulit siya nito.Pero bakit nga ba siya nagpakatanga ng sobra sa lalaki? Sabagay, si Julio ang nagpalaki sa kaniya kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Hindi namn niya akalain na mayroon pa itong ibang balak sa kaniya.“Stop it will you? Alam ko na ang totoo,”Natahimik si Julio sa sinabi ni Victoria at naglakad papunta sa harapan niya.“Nakikinig ako sayo dahil ikaw ang nagpalaki saakin. Kahit buhay ng anak ko ang nakataya sinabak ko si
MALAKI nag naitulong ni Victoria sa kanila para matunton kung nasaan ang kinalalagyan ni Julio ngayon. Naabutan nila na maraming bantay sa paligid kung kaya hindi sila nag aksaya ng panahon para sugudin ang mga ito.“Boss! Sinusugod tayo!” Agad na napalingon si Julio sa nagsalita at napamura.“Pigilan niyo sila! Hindi dapat sila makapunta dito!”Tumango ang tauhan nila at umalis na.“I told you darating sila,” sabi ni Xander na lalong kinainis ni Julio.Okay na sana ang plano niya pero nasira pa!“Wag mo akong ginagalit na bata ka!” Inis na sabi nito at sinabunutan ang bata.“Hey!” biglang may nagsalita sa gilid niya kaya napatingin siya dito. “Don’t touch my twin,”Pagkasabi ni Axel niyon ay sinuntok niya ito agad na ikinadaing ng lalaki.“Tanya help Xander!”Tumango si Xandra at inalalayan ang kaniyang kuya. Nakatali kasi sila sa upuan pero ang hindi nito alam ay ang bracelet ng mga ito’y pwedeng maging maliit na kutsilyo kaya kaagad silang nakawala doon.Hinayaan lang nilang kumuda
“I know this will happen, mabuti nalang at handa ako.”Pagkasabi ni Nadine niyon ay nagsi bagsakan ang ibang tauhan ni Victoria at doon na nagsimula ang barilan.Si Nadine naman ay agad na tumakbo paakyat para iligtas si Victoria. Sakto na nakita niya na kukunin na sana siya ng ilang kalalakihan ng agad niyang binaril ang mga ito.“Pull yourself together Victoria! Ayokong biguin si Vanessa sa pangako kong bantayan kita!”Tumango ng dahan dahan si Victoria at nag paalalay kay Nadine. Dumating din si Conrad na agad tinulungan ang nobya na mag alalay kay Victoria.Habang pababa sila ay patuloy ang pag papaputok nila ng baril sa humaharang sa ksnila. Kita ni Nadine sila Xandra na nakikipag laban sa isang tabi.“Hawak na namin si Victoria! Tara na!” sigaw ni Conrad.Wala silang balak na patàyin ang lahat ng naroroon basta makuha lang nila si Victoria. Kaya ng marinig iyon ay kaagad na nagsi atrasan ang mga ito at sumakay sa kaniya kaniyang kotse.“Drive!” Agad na sabi ni Alexander na ikina
MADILIM at tahimik na naglalakad si Nadine papunta sa abandunadonh building kung saan siya pinapapunta ni Victoria. Katulad ng inaasahan ramdam niya ang dami ng tauhan nito sa paligid kaya mas naging alerto siya.Mayroon namannsiyang dalang armas pero in case na hindi niya kayanin kailangan niyang tumakbo.“Finally dumating ka rin!”Napatingin siya sa second floor kung saan kitang kita sa baba dahil nga abandunado na ang lugar na iyon. At isa pa nasa gitna ng kagubatan ang building kaya wala talagang ibang tao doon.“Sana hindi ka nagdala ng kasama tulad ng nasa sulat kasi ayaw kong may madamay na tao since ikaw lang naman ang pumaslang sa anak ko,”Napahigpit ang kapit ni Nadine sa baril na nasa kamay niya at itinutok iyon kay Victoria.Dahil doon ay kaagad na nagsilabasan ang tauhan ni Victoria at lahat ng laser ng mga ito ay tumutok sa kaniya. Kinabahan siya dahil doon pero mas tinatagan niya at itinutok ang baril dito.“Alam kong alam mo na maaaring mawala ang anak mo sa labanan p
“SINO ba si Victoria?” Tanong ni Xandra sa asawa ng mapag isa sila sa silid nito.“Si Victoria ay isa sa mga mafia Lord. Ang anak niya, si Vanessa, namatay ng matalo siya ni ate Nadine. Alam mo naman sa mafia world basta laban buhay ang kapalit. Hindi siguro matanggap ni Victoria na wala na ang anak kaya binabalikan niya si ate.”Mahabang paliwanag ni Alexander na nag aayos ng gamit nila.“Hindi ba unfair yun?”Napahinto si Alexander sa ginagawa at tumingin dito.“Sa mundo natin ngayon lahat unfair,”Natahimik si Xandra dahil tama ito. Naalala niya tuloy noong unang kasal sila, siya lang ang nagmamahal sa lalaki at di siya mahal nito, unfair kung baga. Isa pa ang pag trato sa kaniya ng step mother at step sister niya, unfair din.Sadyang nasasayo lang kung paano mo ma-hahandle ang pagsubok ng mundong binibigay sayo.“Ang mundo ng mafia world ay parang politika wife, maraming abusado. Pero ang kaibahan lantaran ang masamang gawain sa mafis world, mas delekado keysa sa mundo na nakagisn
HABANG nasa dinner si Xandra at Alexander ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Nadine. Malungkot na binaba ni Alexander ang telepono at hindi alam kung sasabihin ba sa asawa ang nabalitaan o hindi.“Sino ang tumawag? Bakit daw?” Tanong ni Xandra sa kaniya.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Alexander kaya lalong nagtaka si Xandra. Tila nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya agad siyang kinabahan.“Hubby?” Tawag pansin niya dito na ikinahinga ng malalim ni Alexander.“P-pinapauwi na tayo wife... Si dad nasa ospital,”***“NASAAN si daddy?!”Agad na tanong ni Xandra ng makapasok siya sa room ng ama na ikinalingon ng mga ito sa kanila.Kita niya na umiiyak na ang mga ito at ang daddy niya ay ganon din pero nanghihina na.“N-no, no daddy!”Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ng ama.“Daddy naman! Aalis ka ba ng di mo ako nakikita at nakakausap huh?!”Ngumiti ng pilit si Johnny at umiling kay Xandra.“Alam ko na darating ka anak,”Umiling si Xandra sa ama at niyakap ito ng mahigpi
MATAPOS ang kasal ni Xandra at Alexander, naka schedule kaagad ang kanilang honeymoon sa ibang bansa. Dahil na ‘rin ngayon lang magkakasama ng solo ang dalawa ay hindi na pinasama ng mga magulang nila ang triplets.Sa katunayan ay dapat kasama nila ito dahil iyon ‘din naman ang gusto ni Xandra at Alexander ngunit pinigilan lang nila. Wala namang problema sa kanila kung kasama ang tatlo, katunayan nga niyan ay mas matutuwa pa sila.Ang kaso mayroong dahilan kung bakit gusto nilang pag solohin ang mga ito.Ganito ang pagkakasabi nila; ‘Bigyan niyo kaagad kami ng bagong apo!’Hiyang hiya nga si Xandra ng sabihin iyon ng mga ito. Tila isang normal na conversation lamang, sabagay matatanda naman na sila ang kaso may kasama silang bata ng panahon na iyon kaya nga nahihiya siya sa mga anak hindi sa mga kasama nilang matatanda.Pero wala naman siyang magagawa, okay na ‘rin iyon sa kaniya dahil may usapan sila ng mommy niya.“Bakit ka tumatawa jan?”Napahinto si Xandra sa kaniyang pag tawa ng
Tumango siya sa sinabi ng wedding coordinator at hinanda ang sarili.Maya maya pa ay nagbukas na ng dahan dahan ang pinto kasabay ng paglabas ng usok sa sahig.Maliwanag sa likuran ni Xandra kung kaya hindi agad siya nakIlayan ng mga ito. Tila isa siyng anghel na bumaba sa langit.Rinig na rinig ni Xandra ang tugtog na siya mismo ang pumili. ‘A thousands year’s’ meaning she’s wising for her and Alexander for their love to last long even for a thousands years later.Nang makita siya ng mga tao ay ang siyang simula ng paglalakad siya. Hindi muna siya tumingin sa mga ito para makakuha ng lakas. Mahigpit na ang kapit niya sa bulaklak.Ayon na coordinator sasamahan lang siya ng magulang sa paglalakad sa may simula ng mga upuan sa simbahan.Inangat na niya ang kaniyang mata at namangha ang mga tao sa ganda nito. Ngunit si Xandra ay kaagad na nag lock ang mata kay Alexander. Nang sumandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nakikita niya.Nawala ang malumanay na tunog ng piano sa paglalak