Hi! 7 chapter update tayo today! Pwede kayong manood ng ads para ma-unlock ang story! enjoy po!
MGA ilang ring lang ay sinagot na ito agad ni Axel.“Twin! Pumayag na ba si mommy?!” excited na sabi ni Axel sa kabilang linya.“Hindi pa twin pero malapit na. Sa ngayon may tanong ako sa’yo, may kakaiba bang sinabi sa’yo si grandma nung magkasama kayo? Like na parang hindi ako ikaw ganon?”Nagtaka si Axel sa kabilang linya dahil sa tanong na iyon ng kambal niya.“Si lola? Wala naman,”“Wait…” biglang sabi ni Xander “You call her lola?”“Ah yes, iisa lang ‘yun twin ano ka ba. Sanay ‘din kasi ako na lola tawag ko sa mom ni daddy.”“That’s it!” biglang sabi ni Xander. “Never kong tinatawag na lola si grandma, twin! Malamang na nakatunog siya ‘dun! Ibig sabihin alam niya na hindi ako ang kasama nila kundi ikaw!”Natahimik si Axel sa kabilang linya at inalala ang mga times na kasama niya ang lola niya. Bumalik sa ala-ala niya ang time na umiyak ito sa harap niya, akala niya emotional lang ito.“Naalala ko, pinakita niya sakin ‘yung album mo na may goal kang bigyan ng flower si mommy kada
“M-mommy, wala na si daddy! Wala na si daddy, mommy!”Biglang yakap na sabi ni Xandra sa kaniyang ina na ikinatigil nito. Oo matagal na silang wala ng asawa niya ngunit ang malamang wala na ito ay hindi niya inaasahan. Lalo na mayroon ‘din silang pinagsamahan nito kahit naghiwalay na sila.“G-gusto kong makita si daddy, mom! Umuwi tayo ng Pilipinas bukas na bukas ‘din dahil gusto kong makita si daddy bago pa siya mailibing!”Gulat ‘man sa kaniyang nalaman ay mas lalong nagulat si Xyra ng marinig iyon mula sa kaniyang anak. Habang yakap niya ang anak at hinihimas ang likod nito ay tumingin siya sa kaniyang apo na nakatayo na at nakatingin sa kanilang dalawa.Ngumiti ito sa kaniya ng malaki at nag thumbs up pa. Dahil doon ay napaisip tuloy siya, totoo bang wala na ang dating asawa niya o gawa gawa lang iyon ng kaniyang apo para mapauwi ang mommy niya sa Pilipinas.Ang totoo ay gawa gawa lang iyon ni Xander. Kahapon, nang dumating ang envelope na familiar sa kaniya at matagal na niyang i
PALAGI pa niyang nararamdaman na may nakatingin sa kaniya at minsan nahuli niya na si Axel iyon. Hindi isang simpleng tingin lang kundi masamang tingin! Hindi niya alam kung anong nagawa niya sa bata para tignan siya nito ng masa at tratuhin ng ganon kung kaya naguguluhan siya.Nagpasya siyang kausapin na ito mamaya lalo pa’t ayaw pa naman niya na may galit ang anak ni Alexander sa kaniya lalo pa’t konti nalang ramdam niya mag popropose na ang lalaki sa kaniya.Sa tuwing naiisip niya iyon ay pakiramdam niya siya ang pinakang magandang babae sa balat ng lupa. Bago kasi umalis ang mga ito papuntang New York ay panay tanong ni Alexander sa kaniya kung san niya gustong mag celebrate ng pasko.Like mga gagawin nila, pinag-aayos siya nito at kung ano ano pa. Kaya pumasok sa isip niya na sawakas ay dumating na ang pinakang iintay niyang araw! Kahit anim na taon na ang inaantay niya ay ayos lang basta worth it naman lalo pa’t pinaghirapan niya kung nasan man siya ngayon.‘Wag ka ng magpapakit
BIGLANG natahimik ang paligid dahil sa mga sinabi ni Alexander. Ang tagal tagal na niyang kinikimkim ang bagay na iyon. Matagal na siyang nagtitiis na wag sagutin ang mga ito para sa mga anak niya. Tiniis niya lahat ng sakit na hindi lang naman siya ang may kasalanan.“Wag kang magmalinis na parang kami lang ang may ginawang mali kay Xandra! Dahil ikaw ‘rin Alexander! Ikaw ‘rin niloloko mo ang kapatid ko!” sigaw pabalik ni Tara na hindi alam kung san nakakuha ng lakas ng loob.Pareho na silang umiiyak ng ina ni Alexander habang si Tanya at Axel naman ay magkayakap. Tinatakpan ni Axel ang tenga ng kapatid niya para hindi marinig ang pinag-uusapan nito pero hindi ‘yun sapat kaya umiiyak na ‘rin ito ngayon.“Hah! Oo may kasalanan ako sa asawa ko pero bumabawi ako sa kaniya pero anong ginawa mo?! Lumabas ka dun sa stage claiming na ikaw ang asawa ko?! Napaka unbelievable mo!”“I told you ginawa ko ‘yun para sa ikabubuti ni Xandra!”“No! Ikabubuti mo dahil wala kang ibang inisip kundi ikaw
Doon ay kinuwento nila ang totoong nangyari kay Xandra. Kahit ang totoo ay alam ni Axel na wala iyong katotohanan sinasakyan niya lang ang sinasabi ng ama. Alam niyang naaawa ang kapatid niya kaya nag pasya siyang sabihin dito ang totoo para hindi ito ma-stress at sisihin ang sarili.“D-daddy pwede po bang hatid niyo ako sa bahay nila mamita at mamito? Gusto ko po doon pumunta, gusto ko pong magtanong kay Mamita tungkol kay tita Xandra.”Nagkatinginan si Axel at Alexander dahil doon. Hindi sana siya papayag pero desidido si Tanya kung kaya pumayag na si Alexander at siya mismo ang maghahatid dito papunta doon.Bago tuluyang umalis ang mga ito sakay ng kotse ng ama ay tinawag ni Axel ang kapatid sa isang tabi at may binulong dito.“Tanya, hindi totoong patvy si mommy mo.”“Ano kuya?” gulat na sabi ni Tanya sa kapatid.“Nagsasabi ako ng totoo!” bulong na sabi ni Axel. “Nakita ko siya sa New York at nakasama pa! Pabalik na siya dito sa Pilipinas sigurado ako!”Napakurap si Tanya dahil sa
“We have to do something grandma! Hindi pa kami nagkikita ni twin!” alalang sabi ni Xander na ikinatango ng grandma niya.“Akong bahala apo,” at naglakad ito palabas upang sundan si Xandra.“Anak, kapag nagpakita ka doon baka andoon sila Alexander at ang anak mo. Pati ang step-mother at step-sister mo. Magkakagulo lang!”Napahinto si Xandra sa kaniyang paglalakad at napahigpit ang kapit sa kaniyang bag pagkatapos ay lumingon sa kaniyang ina.“I don’t care mommy. Ang mahalaga saakin ay makita ko si daddy kahit sa huling sandali niya dito sa mundong ibabaw.”Dahil doon ay hindi na nakasagot pa si Xyra at tuluyan ng umalis ang anak niya.“Sorry apo pero desidido talag siya. Di ko naman pwedeng sabihin na ‘di totoo na wala na ang daddy niya.”“Hayaan mo na grandma. Ang mahalaga ngayon ay makausap natin ang kambal ko, tatawagan ko po siya para magkita kami.”“Sige apo, sasamahan kita.”***“ANONG problema mo at nag-iinom ka dito huh?” tanong na sabi ni Aimee na siyang matalik na kaibigan ni
NAGTAKA si Xandra kung bakit walang ibang tao sa paligid gayong alam niya na lamay palang nito ngayon gaya ng sa investigation na nabasa niya. Naka lock ang main door kung kaya kinuha niya ang sikretong susi na siya lang ang nakaka-alam ng lagayan nito sa halaman na naroroon.Napangiti siya ng malaki ng makitang andoon pa ang susi kahit hindi na niya ito nagagamit ng ilang taon. Ginamit niya iyon upang buksan ang pinto at pagbukas niya ay mas lalo siyang nagtaka dahil walang tao sa paligid.“Hello?” tawag niya sa paligid na nag eco lang at walang sumagot sa kaniya.Tila wala talagang tao sa paligid.“Hindi ba dito nakalamay si daddy?” taka niyang tanong sa sarili at naisip na possible iyon ang dahilan.So, kailangan pa niyang hanapin kung saan ito naka lamay. Aalis na sana siya ng maisipan niyang umakyat sa taas na kwarto ng ama para kahit papaano ay ma-feel niya ang presensya nito noong nabubuhay pa.“Sandali lang ako,” mabigat ang loob na sabi niya sa sarili at naglakad paakyat.Sa m
ANG ma-emosyon na tagpo ni Xandra at ng kaniyang ama ay natigil ng makarinig siya ng maliit na boses na nanggaling sa pintuan. Paglingon niya doon ay nakita niya ang isang batang babae na ikinalingon niya sa ama dahil sa gulat.Ngunit wala naman siyang makukuhang sagot sa ama dahil hirap pa ito magsalita kung kaya agad na pinahid nito ang kaniyang luha at tumayo.“A-ah, I’m sorry. Gusto ko lang sana tignan ang kwarto ni daddy dahil buong akala ko w-wala na siya. Pero buhay ang daddy ko! Kaya masaya ako na makita siya dito, kaya ‘din ak umiiyak.” Deretsyong sabi niya sa bata.Si Tanya naman ay napakunot ang noo ng mamukaan niya ang babaeng nasaharapan niya. Maya maya pa ay nanlaki ang mata niya at agad na napatingin sa hawak niya na picture frame at muling lumipat ang tingin niya sa babaeng kaharap niya.“Ahh little girl?” tawag pansin ni Xandra dito ngunit agad na napakunot ang noo niya ng mapansin niya na mayroon itong kamuka.“Teka… kamuka mo ang anak ko.” hindi makapaniwalang sabi