Nang kalahating oras nalang bago ang birthday niya saktong dumating si Liam at Stanlee ngunit wala si Alexander.“Oh bakit daw kayo lang nasaan ang prince charming ng kaibigan namin?” tanong ni Iara na gustong ikakotong ni Xandra sa kaibigan.Wala talagang preno ang bibig nito.“Busy kasi kami, pinaalis na kaming dalawa at susunod daw siya dito.” Sagot ni Liam.“Ayun naman pala, susunod daw! Intay ka lang,” sabi ni Gunrose at tinapik pa ang braso ni Xandra.Hinawakan ni Xandra ang kamay ni Ginrose at kiniliti ito.“Mag intay pala ah! Etong sayo!”“A-ah hahahaha Xandra don’t ! Hahahahah!”Hanggang sa nagharutan na sila doon dahil sumali si Iara at ganon ‘din ang triplets. Kahit papaano ay nakalimutan n ni Xandra ang pag iintay kay Alexander.Maya maya pa, limang minuto bago ang birthday niya, bumukas ang pintuan. Buonh akala nila si Alexander na ngunit si Conrad lang pala.“Akala naman namin si Alexander na,” sabi ni Ginrose na ikinatawa ni Comead.“Mukang lahat kayo naka intay kay Alex
“COME here my love,”Tawag sa kaniya ni Alexander. Noong una alangan pa si Xandra kung lalapit ba siya dito o hindi. Pero ng marinig niya ang sabi ng mga kasamahan nila na lumapit ay lumapit na siya dito.Malaki ang ngiti sa labi ni Alexander, ibang iba sa pagkakakilala nila dito noon lalo na ng malaman na wala na si Xandra. Ang pinakang kilala na masungit at walang puso na si Alexander ay malaki ang ngiti sa labi kaharap ang babaeng tanging nagpatibok at nagpabago sa kaniya.“I’ve been waiting for this. Can you dance with me?”At inilahad nito ang kamay sa harap ng babae kasabay ng sweet song na tugtog sa paligid.Natawa lang di Xandra doon dahil syempre hindi na siya makakahindi. Nang hawakan niya ang kamayni Alexander nagsimula silang sumayaw kasabay ng mahinahon at kalmadong tugtog sa paligid.“Sa anim na taon na nakalipas, pupuntahan kita sa simenteryo at kinakausap. Dinadalangin na sana gising ka pa at nasa tabi kita, kahit hindi ako ang mahal mo. All I want is to be with you X
KINABUKASANMaagang nagising si Xandra para maglakad lakad sa tabing dagat. Nasanay na siya ng ganon, noong nasa new york siya jogging naman ang ginagawa niya ng ganoong oras. Noon naman na kasal sila ni Alexander ay pagdidilig ng halaman ang inaasikaso nila.Kaya nakasanayan na niya ang ganon. Kaso nakalimutan niyang magdala ng jacket e malamig pa naman sa labas. Nagulat nalang siya ng mayroong maglagay sa kaniya ng jacket mula sa likuran.“A-alexander!” gulat na tawag niya sa pangalan nito ng makita ang lalaki.“Kabisado kita noon kaya alam ko na ganitong oras ka gigising para maglakad,”Namula naman si Xandra sa sinabi ng lalaki at napaiwas ng tingin. Napahigpit nalang ang kapit niya sa kaniyang jacket habang silay naglalakad.Katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa at tanging tunog ng ibon at alon ng dagat ang naririnig nila.“Ah salamat nga pala sa surprise mo saakin kagabi, akala ko talaga hindi ka na darating e”Napatingin sa kaniya si Alexander habang nakangiti.“Effective
PARANG naging totoo ang salita ni Conrad kay Xandra. Noong araw na bumalik sila sa Manila mayroon nangyari na hindi inaasahan ng lahat.“Xandra!”Napakunot ang noo ni Xandra ng sumisigaw si Ginrose habang tawag ang pangalan niya. Naroon siya ngayon sa kaniyang Library habang nag tatrabaho. Nang bumalik sila sa Manila trabaho agad ang inasikaso ni Xandra.Masyado nang mahabang panahon ang break niya kaya tambak na ang kanilang trabaho. Hindi lang ‘yun, inaasikasi din nila ang kaso dahil hinahanap nila ang sasampahan nila ng kaso.Hindi pa nakakatagal ng dalawang araw dumating naman ang balitang ito.“Bakit ba sumisigaw ka jan?” taas na kilay na sabi ni Xandra.“Si Alexander nawawala!”Nabitawan ni Xandra ang kaniyang ballpen na hawak dahil sa sinabing iyon ni Ginrose. Tila nag eco sa pandinig ni Xandra ang narinig at agad na napatayo.“P-paano nangyari? Sino nagsabi?”Tanong ni Xandra at agad silang lumabas doon.Nang lumabas sila sa salas naabutan nila doon ang triplets at umiiyak si
*FLASHBACK*Mag-aasikaso sana si Alexander sa surprise nito kay Xandra. Ang balak niya ay sa tabing dagat at doon sila mag cecelebrate ng birthday nito. Balak niya lalakad si Xandra sa isang mahabang hallway na ginawa nila gamit ang mga maliliit na kandila sa buhanginan.Tapos nakasaboy din ang mga petals ng red roses sa paligid at mayroong nag va-violin sa paligid. Ng kaso hinfi inaasahang balita ang nasagap nila.Tumawag kay Alexander ang lalaking pinutusan niya para alamin ang katauhan ng lalaking nakita niya sa silid ng ina.“He is Jerome Kern, ayon sa records niya galing siya ng ibang bansa pero 10 years ago nag migrate dito sa Pilipinas. Mayroon siyang asawa, pero ayon sa records namatày na ito. Pero ang totoo hindi pa ito patày…”Huminto ang lalaki sa telepono na ikinainis ni Alexander.“Itutuloy mo o buhay mo ang matatapos?”Natakot naman ang lalaki sa kabilang linya. Naalala niya na mainitin nga pala ang ulo ng kaniyang amo.“O-opo! Si ma’am Ysa po ang asawa niya, pinalabas m
MATAPOS marinig ng mga ito ang kwento ni Liam, katahimikan ang bumalit sa kanila dahil sa kaniya kaniyang iniisip. Pero kahit ganon, iisang tao lang naman ang aabangan nila na nag desisyon.Si Xandra.Pag angat ng tingin ni Xandra sa mga ito ay nakatingin sa kaniya silang lahat.“Kailangan nating hanapin ang mommy ni Alexander.”Tumango ang mga ito sa sinabi ni Xandra. Ang balak niya ay iwan ang triplets doon sa bahay ngunit hindi pumayag ang mga ito lalo na’t si Alexander ang nawawala. Hindi ‘rin sila mapapakali ngayon na nawawala ito.Iyon ang unang pagkakataon na pupunta si Xandra sa hideout ng mga ito. Noong una nag dadalawang isip pa siya kung sasama sa mga ito dahil delekadong lugar iyon. Pero ng sabihin ng mga anak niya na safe doon at mababait ang mga tao ay pumayag siya.Bakit nga ba nakalimutan niya na may alam ang mga ito sa ganoong katauhan ng ama nila.Namangha ang mga ito ng makita ang loob ng hide out nila Alexander. Sila Iara at Ginrose ay lumilibot ang mata sa paligid
WALANG sinayang na oras ang mga ito. Deretsyo sila agad sa bahay ni Ysa kung saan ito tumutuloy sa tuwang hindi siya nananatili kila Alexander.Dahil kilala na sila Liam sa bahay nito ay pinapason sila ng guard. Ngunit nasa paligid lang ang mga tauhan nila, hindi nila ito kasama sa pinakang loob mismo.Silang tatlo lang ni Xandra, Liam at Stanlee ang pumasok.Mayroong kausap na maid si Ysa ng makita niyang naglalakad ang tatlo papalapit sa kaniya.“Liam! Stanlee! Xandra? Anong ginagawa niyo dito?” Gulat at takang tanong ni Ysa sa mga ito.Lalo lang nainis si Xandra dahil doon. Mayroon pa itong ganang magpanggap habang buhay ng isang tao ang kinuha at tinago nito. Paano kaya ito nakakatulog sa gabi na alam niyang may pinapahirapan siyang tao o niloloko.“’Wag na tayong mag lokohan. Nasaan si Alexander?” seryosong tanong ni Xandra na lalong ikinakunot ng noo ni Ysa.“Ang anak ko? Hindi ba kasama niyo siya?”Mas lalong napakuyom ng kamao si Xandra sa narinig mula sa babae. Mayroon pa ito
MAY mga bagay na nangyari na at hindi na mababago pa. May mga bagay ‘din na mababago pa pero hindi na binago pa. May mga bagay na bago pa pero walang choice kundi kalimutan na.Ganiyan ang nangyari kay Alexander. Bata pa siya ng mga panahon na iyon, sino ba ang mag-aakala na ang isang okasyon ay mapupunta sa trahedyang magpapabago sa buonh buhay niya?“Bata! Bakit ka nanjan?! Hindi ka safe sa lugar na to!”Magulo ang paligid, lahat ng tao nagkakagulo at nagsisitakbuhan upang iligtas ang kanilang sarili. Si Alexander naman ay yakap ang kaniyang dalawang hita sa tabi dahil sa takot.Nang mga panahong iyon ay wala pa siyang lakas ng loob, lakas ng katawan para ipaglaban ang sarili niya. In short mahina pa siya.Umiling lang si Alexander ng panahon na iyon kay Ysa dahil kabilin bilinan ng kaniyanh ina na ‘wag siyang makikipag-usap sa hindi niya kilala.“Haiyst!” tila inis na sabi ng babae at sa gitna ng gulo ay lumuhod ito sa harap ni Alexander at hinawakan ang magkabilang braso niya.“Ku