BEING SINGLE was way better than being with wrong person that would break your heart over and over again. Kapag wala nang patutunguhan ang lahat ay mas mabuti pang bumitaw na lang at palayain ang isa’t-isa kaysa magkasama nga pero naglolokohan na mayro’n pa kahit wala na talaga.
Simula pa noon ay hindi na ako naniniwala sa forever lalo na’t isang single mother ang aking ina. Hindi ako nakaramdam ng pagkukulang kahit na mag-isa lang niya akong binuhay sa mundo dahil ibinigay niya ang lahat sa akin kahit na halos gumapang na siya sa hirap. Mahal na mahal ko siya at handa kong gawin ang lahat para suklian at alagaan siya sa abot ng aking makakaya.
Sukbit ko ang aking bag at kauuwi ko lang galing sa Nostradamus University bilang isang Computer Engineering Student. Isa akong scholar at buwan-buwan ay mayro’n akong nakukuha na allowance. Gusto ko na kahit papaano ay nakatutulong ako at hindi nagiging pabigat kay Mama lalo na’t nakikita ko na siyang pagod ngunit itinatago niya iyon sa mga ngiti.
Dumiretso agad ako sa gilid ng poste ng kuryente kung nasaan nakapuwesto ang mesa na nilalatagan ni Mama ng kaniyang mga paninda na Balut. Maraming siyang suki at laging ubos ang aming mga paninda tuwing gabi.
“Mama,” masayang kong pagbati kay Mama na agad na lumingon sa akin habang nakangiti. Nagmano ako at niyakap siya. “Dean’s lister na naman po ako, Mama.”
Hinimas niya ang aking buhok na puno ng paglalambing. “Sabi ko sa iyo at makakaya mo iyan lalo na’t matalino ka at madiskarte, Anak. Proud na proud talaga ako sa iyo dahil unti-unti mo nang naabot ang mga pangarap mo.”
Mas lumawak ang ngiti ko. “Aba! Siyempre po, talagang aabutin ko po ang lahat ng mga pangarap ko. Bibigyan pa naman po kita ng malaking bahay, masaganang buhay at higit sa lahat ay hindi ka na po magtratrabaho pa dahil ako na po ang bahala sa iyo, Mama.”
Nagningning naman ang kaniyang mga mata habang nakangiti sa akin. “Alam kong maabot mo ang lahat ng mga pangarap mo. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ay gagawin ko ang lahat para makapagtapos ka. I love you, Anak.”
“I love you more to moon and back, Mama. Sisiguraduhin kong sabay tayong aakyat sa stage at sasabitan mo po ako ng mga medals. Isang taon na lang po at tutuparin ko po ang lahat ng mga pangarap mo po. At saka ikaw lang po ang the best mother para sa akin at nag-iisang inspirasyon ko po sa buhay,” paglalambing ko at pinatakan ng halik ang kaniyang mga pisngi.
Nang nakita kong dumagsa na ang aming mga suki ay agad naming inasikaso sila. Tinulungan ko si Mama sa pagtitinda kahit na suot ko pa ang aking uniporme. Nakikipagbiruan pa ako sa kanila kaya’t puno ng halakhakan ang aming puwesto sa gilid ng poste ng kuryente.
Bilog ang buwan at medyo malamig ang paligid. Masarap talagang kumain ng Balut kaya’t hindi maghulugang karayom ang mga mamimili sa aming puwesto. Nang naubos ang aming paninda ay nagpahinga muna kami lalo na’t nakikita kong medyo namumutla si Mama na nakaupo sa silyang gawa sa kahoy habang nakasandal sa poste ng kuryente.
Nilapitan ko siya at hinimas ang buhok. “Ayos ka lang po ba, Mama?”
Ngumiti siya sa akin. “Ayos lang ako, Anak. Medyo nahihilo lang ako sa pagod.”
“Baka naman po tumanggap ka po ng labada kanina?” nag-aalala kong tanong.
Nakita kong napakagat siya sa kaniyang labi at hindi ko napigilang huminga nang malalim. “Mama naman. . .”
“Alam kong magagalit ka sa akin pero gusto kong pag-ipunan ang graduation mo, Anak. Ibibili pa kita ng magandang bestida at sapatos. At saka ipaghahanda kita ng marami. Huwag ka nang magalit sa akin, pahinga lang ang katapat nito at magiging maayos na ang pakiramdam ko,” sagot niya habang nakangiti.
Sadyang makulit siya. Kapag gusto niya ay gagawin niya kahit na halos manghina siya sa pagod. Gan’yan talaga siya magmahal at kaya niyang ibigay ang lahat ngunit sa huli ay niloko pa rin siya.
“Bibili po muna ako ng tinapay, tubig at gamot, Mama. Sandali lang po at babalik din po agad,” paalam ko.
Ngumiti siya sa akin at tumango. “Sige, Anak. Mag-iingat ka at hihintayin kita. Huwag mong kalilimutan kung gaano kita kamahal. I love you, Anak.”
Hindi ko napigilang patakan ng halik ang kaniyang noo at ngumiti sa kaniya. “I love you more from the moon and back, Mama.”
***
NAPAKUNOT ANG NOO ko habang hawak ang mga supot ng pinamili kong tinapay, tubig at gamot nang nakita kong maraming tao malapit sa aming puwesto at panay ang bulungan nila.
‘Teka, ubos na ang mga paninda naming Balut pero bakit parang maraming tao ang nakaharap sa puwesto namin?’
“Excuse me po, ano po ang mayro’n?” pag-uusyoso kong tanong.
Napalingon sa akin ang babae at kita ko ang takot sa kaniyang mukha. “Naku! Mayro’ng adik na napagtripan ang isang ale na nagpapahinga sa poste ng kuryente at nilaslas ang leeg!”
Nanlaki naman ang aking mga mata dahil do’n. Mabilis na tumakbo ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib sa takot. At halos manghina ang mga tuhod ko nang nakita ko si Mama na inaasikaso ng dalawang nursing student.
“Mama!” sigaw ko at halos madapa sa paglapit sa kanila.
Napalingon sa akin ang isang nursing student. “Kailangang isugod sa hospital ng iyong ina, Ate. Medyo malalim ang kaniyang galos sa leeg.”
Nanginginig ako sa takot dahil do’n. Tinitigan ko si Mama at nakadilat pa rn siya at umuubo ng dugo. Iyak ako nang iyak nang hinawakan ko ang kamay niya.
“M-Mama, nandito na po ako. M-Mama, please. . . L-Lumaban ka po,” nauutal kong pagmamakaaawa.
Nang dumating ang ambulansya ay agad na niresponde ng mga rescue si Mama at isinakay sa stretcher habang kinabitan ng oxygen at nilapatan ng pressure ang galos sa kaniyang leeg gamit ang puting tela. Sumama na rin ako sa ambulansya at wala akong ibang ginawa kung hindi ang mamaluktot sa gilid habang umiiyak at ipinagkikiskis ko ang aking mga palad habang umuusal ng munting panalangin.
‘Please po, huwag mo naman pong kunin ang Mama ko mula sa akin. Siya na lang po ang mayro’n ako kaya naman po sana ay huwag mo po siyang ipagdamot sa akin. Hindi ko po kakayanin kung pati siya ay iiwanan ako.’
Hanggang sa nakarating kami ng hospital ay hindi ako mapakali. Isinugod si Mama sa loob ng Emergency Room. Ngunit lumabas din ang doktor at halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil kailangang magbayad muna ako ng malaking halaga para maoperahan si Mama.
“D-Dok, please po, puwede po bang utang muna? G-Gagawan ko po ng paraan at hahanap po ako ng pera pero sana po ay operahan at gamutin mo na po ang Mama ko. A-Ayaw ko po siyang mawala sa akin,” pagmamakaawa ko habang umiiyak.
Umiling ang doktor. “Naku, pasensiya na’t hindi birong halaga ang kailangan ng iyong ina para sa kaniyang operasyon ay aabot sa isang daang libong piso at higit pa. Kung hindi mo kayang magbayad ay mas mabuti pang ilipat mo na lang siya sa ibang hospital.”
“L-Lilipat?” nauutal kong turan.
Tumango ang doktor. “Oo, kung wala kang pambayad para sa operasyon ng iyong ina ay mas mabuti pang lumipat na lang kayo.”
Pilit kong pinakalma ang sarili ko na huwag murahin ang doktor na nasa harapan ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng gano’ng klaseng kalaking halaga. “Sige po, Dok. Operahan mo po ang Mama ko. Babalik po ako at bitbit ko na po ang halagang iyon.”
Napataas ang kilay ng doktor sa akin at halatang mukhang hindi kombinsido.
Dumating naman ang mga kaibigan ni Mama na sina Tiyang Bibet at Tiyang Poppie na agad akong niyakap at hindi ko na napigilang umiyak at magsumbong sa kanila na ayaw operahan at gamutin si Mama dahil wala akong pambayad na dala.
“Sige na, Dok. Operahan mo na ang kaniyang ina. Mayro’n kaming pambayad at babayaran namin ang kalahati ng bill. Huwag ka pong mag-alala at hindi ka po namin tatakbuhan” pagpapaliwanag ni Tiyang Poppie.
Naiiling na pumasok na lang sa Emergency Room ang doktor at mukhang nakulitan na sa amin. Inalalayan naman ako na umupo nina Tiyang Bibet at Tiyang Poppie sa waiting area.
“T-Tiyang, masyadong malaki ang halaga ng kailangang bayaran. H-Hindi ko po alam kung saan ako hihingi ng tulong. A-Ayaw ko pong mawala sa akin si Mama. H-Hindi ko po kakayanin iyon. . .”
“Pasensiya na’t ito lang ang nakayanan namin,” pagpapakalma ni Tiyang Bibet sabay abot sa akin ng sobre. Binuksan ko iyon at nakita kong nasa apat na pu’t libong piso iyon. Kulang pa rin at kailangan kong humanap ng paraan kung saan ako makakakuha ng pera agad-agad.
Hinimas ni Tiyang Poppie ang aking likod at pinunasan ang aking mga luha gamit ang bimpo. “Hayaan mo at tutulungan ka namin, Kate.”
“Maraming salamat po, Tiyang. Malaking tulong na rin po ito sa para kay Mama. Susubukan ko pong mangutang sa mga kaklase ko po, Tiyang. Kayo po muna ang magbantay kay Mama,” paalam ko.
Nag-aalala naman silang tumitig sa akin.
“Sige, mag-iingat ka, Kate.” bilin sa akin ni Tiyang Poppie.
Tumango ako bago ako nagmamadaling lumabas ng hospital. Una kong ginawa ay pinuntahan ko ang isa sa aking mga kaklase para mangutang ngunit hindi naman sapat iyon. Ang iba ko namang kaklase ay hindi ako pinautang dahil wala raw silang pera kahit mayro’n naman. Lumalabas talaga ang tunay na kaibigan sa ganitong panahon at sa kasamaang palad ay wala akong gano’n. Kung hahanap naman ako ng trabaho ay hindi naman ako sasahod agad. Hindi naman puwede na kapapasok ko pa lang ay babale na agad ako.
Palakad-lakad ako habang umiiyak. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Para akong nasisiraan ng bait dahil hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong hanggang sa napatingin ako sa mga sasakyan na dumiretso sa isang malaking gusali kung nasaan ang Goddess of Pleasure, ang Elite Cabarete.
Napalunok ako ng laway. Hindi ko sukat akalain na hahantong ako sa ganitong punto ng aking buhay. Wala akong malalapitan at sobrang kailangan ko na talaga ng pera para kay Mama. Kung wala akong gagawin ay baka mawala sa akin si Mama at ayaw kong mangyari iyon. Pikit matang naglakad ako papunta sa malaking gusali kung nasaan ang Goddess of Pleasure. Lumapit ako sa isang receptionist at itinanong ko kung sino ang puwede kong makausap dahil gusto kong pumasok sa pagiging comfort woman. Idiniretso niya ako sa opisina ni Head Mistress Cleopatra, ang may-ari ng Goddess of Pleasure. Pagkapasok ko pa lang ay agad naman akong sinuyod ng tingin ni Head Mistress Cleopatra at saka nginitian ako. Mukha siyang bata at napakaganda ng hubog ng kaniyang katawan sa plunging v-neck magenta dress. Agaw pansin mula sa kaniyang black hair na mayro’ng full bangs ang headdress sa ibabaw ng ulo niya na golden crown snake at napalilibutan din ng mga gintong kwintas ang kaniyang leeg.
“Magandang gabi po, Madam.” pagbati ko.
“Hmm. . . Good evening to you, Dear. Ano naman ang maipaglilingkod ko sa iyo?” malumanay na turan ni Head Mistress Cleopatra.
Walang pagdadalawang-isip na lumuhod ako sa kaniyang harapan habang magkasiklop ang aking mga kamay. Lulunukin ko na ang pride ko at lahat-lahat sa akin para lang magkaro’n agad ako ng pera para sa operasyon ni Mama.
“Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko pong maging isang comfort woman ngayong gabi lang po. Gipit na gipit po ako at wala na po akong ibang alam na paraan para magkaro’n agad ng pera para sa pambayad sa operasyon at hospital bills po ng Mama ko. Please po, pagbigyan mo po ako at huwag ka pong mag-alala at gagawin ko po ang lahat. . .” pagmamakaawa ko.
Kinuha niya ang kaniyang sigarilyo at humithit do’n bago ibinuga ang usok pagkatapos ay pinisat iyon sa ashtray. “Ang taong gipit ay talagang sa patalim kakapit. Who am I to resist your plea from a goddess like you? Well, pagbibigyan kita pero mayro’n akong itatanong sa iyo bago kita isalang para mas makasiguro ako sa halaga na ilalagay ko sa iyo lalo na’t mayro’n akong auction ngayong gabi.”
“Ano po iyon, Madam?” tanong ko.
“Virgin ka pa ba? Gusto ko kasi na malaman kung virgin ka pa o hindi na,” sagot niya.
Napakagat ako ng aking labi at dahan-dahang tumango.
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti. “Great! Isasalang na kita ngayong gabi. Ang kadalasang mga parokyano sa Goddess of Pleasure ay mga businessman, politiko, artista at iba pa. Hindi mo sila makilala lalo na’t nakatago ang kanilang identity mula sa suot nilang maskara at alias. Ang mga alaga kong comfort women ay tagapamatid ng kanilang uhaw sa sex at pagtupad ng kanilang mga pantasya. Ngunit idadaan muna ang lahat sa auction, ang pinakamataas na bid ay makukuha ang babaeng makakasama nila sa isang gabi na gagawin ang lahat para mapaligaya ang buyer nila sa sex.”
Halos magulantang ako sa ipinagasasabi niya. Ngunit wala nang atrasan ito. Kailangan kong panindigan ang gagawin ko. Gipit na gipit talaga ako at handa akong kumapit sa patalim para lamang madugtungan ang buhay ni Mama.
‘Love was indeed selfless. Mas pipiliin kong gawin ang lahat para lamang sa mahal ko sa buhay kahit na ibenta ko pa ang aking sarili.’
“Sa ngayon ay kailangan mo munang ayusan at palitan ng damit para naman mas makabingwit ka ng buyer na mataas ang offer,” aniya at pinitik ang mga daliri. Agad namang pumasok mula sa kaniyang opisina ang dalawang babae at iginiya ako palabas ng opisina. Ilang mga minuto ang itinagal para ayusan ako mula ulo hanggang paa para mas makaakit ako ng mga lalaki.
My hair was styled in mermaid curls, my makeup was done professionally, and my lips were in a deep shade of red. I wore a black lace dress which emphasized my big breasts and my curves, and it was being paired with a golden stiletto. I also had a golden bracelet on my right wrist.
Sobra akong kinakabahan sa mangyayari sa akin. Ang mga kasama kong babae ay parang wala lamang sa kanila ang ipinaggawa. Sanay na sanay na sila at mukha silang mga modelo kung titignan. Nakaramdam naman ako ng hiya at kaba na baka walang bumili sa akin.
Isa-isa kaming tinatawag mula sa backstage. Nanginginig na ang aking mga tuhod at mabuti na lang ay pinaupo kami ng staff. Ang bilis ng proseso at halos malalaking halaga ang naririnig kong na-deal ang bawat kasabayan kong mga babae.
Hanggang sa tinawag na ako. Halos madapa pa ako nang itinulak ako ng staff para pumasok at medyo nasilaw pa ako sa mga ilaw sa paligid dahil nakatutok sa puwesto ko. Nang unti-unting nakapag-adjust ako ay pinalapit ako ng auctioneer na si Head Mistress Cleopatra.
“As you could see my dearest gentlemen, mayro’ng golden bracelet ang ating last comfort woman. Let’s hide her real identity under the name of Luna. Well, the bid would definitely start in one hundred thousand pesos,” nakangiting turan ni Head Mistress Cleopatra habang hawak ang mikropono.
Hindi puwedeng makilala nila ako kaya iniba ni Head Mistress Cleopatra ang pangalan ko. Nagulat naman ako nang magtaas ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at green mask ng kaniyang numero na ten.
“Two hundred thousand pesos,” sambit ng lalaking nakasuot ng black tuxedo at green mask habang nakataas ang kaniyang numero na ten.
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Two hundred thousand pesos from Don Ares. Going once? Going twice?”
Nagtaas ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at red mask ng kaniyang numero na twenty. “Three hundred thousand pesos.”
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Three hundred thousand pesos from Don Hermes. Going once? Going twice?”
Nagtaas ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at blue mask ng kaniyang numero na sixty-six. “Four hundred thousand pesos.”
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Four hundred thousand pesos from Don Dionysus. Going once? Going twice?”
Nagtaas ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at black mask ng kaniyang numero na sixty-nine. “Six hundred thousand pesos.”
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Six hundred thousand pesos from Don Hades. Going once? Going twice?”
Nagtaas naman ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at golden mask ng knaiyang numero na fourteen. “One million pesos.”
Halos mapanganga naman ako ro’n. Hindi ko inakalang mayro’ng magbabalak na magbayad sa akin ng mataas na halaga. Akala ko kasi ay walang magbabayad sa akin ng malaki.
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “One million pesos from Don Apollo. Going once? Going twice?”
Nagtaas ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at black mask ng kaniyang numero na sixty-nine. “Two million pesos.”
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Two million pesos from Don Hades. Going once? Going twice?”
Muling nagtaas naman ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at golden mask ng kaniyang numero na fourteen. “Five million pesos.”
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Five million pesos from Don Apollo. Going once? Going twice?”
Nagtaas ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at black mask ng kaniyang numero na sixty-nine. “Ten million pesos.”
Tumango si Head Mistress Cleopatra habang nakahawak sa mikropono “Ten million pesos from Don Hades. Going once? Going twice?”
Muling nagtaas naman ang isang lalaking nakasuot ng black tuxedo at golden mask ng kaniyang numero na fourteen. “One hundred billion pesos, and no one should bet or else the moon would turn red tonight.”
Iwinagayway ni Head Mistress Cleopatra ang bell. “Deal closed. Luna was sold for one hundred billion pesos by Don Apollo. You could now claim your possession for tonight.”
Halos manginig ang tuhod ko sa kaba nang tumayo si Don Apollo mula sa kaniyang kinauupuan. Mas nakita ko ang bulto ang kaniyang at alam ko sa aking sarili na magbabago ang aking buhay sa gabing ito.
VIRGINITY was indeed a sacred gift to the man you loved. Ngunit dahil sa takbo ng aking kapalaran ay hindi ko maibibigay iyon sa magiging asawa ko. ‘Sukatan ba ng pagmamahal ang virginity ng isang babae? Kapag ba hindi na virgin ay hindi na puwedeng seryosohin?’ Ngayon, naiintidihan ko na ang buhay ng isang babaeng mababa ang lipad. Gipit sila at walang malalapitan. Hinuhusgahan agad ng mga tao ang kanilang pagkatao kahit ang gusto lamang nila ay buhayin ang kanilang pamilya. Wala silang magagawa kung hindi ang kumapit sa patalim dahil iyon na lang ang huling alas nila para magkaro’n ng pera at magpatuloy sa buhay. Tao rin naman sila, napapagod at nasasaktan pero nakapa-selfless pagdating sa pamilya at mahal sa buhay. Napabalik ako sa reyalidad nang huminto na ang sinasakyan namin. Napatingin ako sa bullet proof tinted window ng sasakyan ni Don Apollo. Kulang ang salitang pagkamangha sa lugar na ito lalo na’t ko pa ang pumasok sa isang fairytale book dahil ang lawak at ang ganda n
FIRST SEX EXPERIENCE would definitely blow your mind. Nang nagising ako ay hindi ko napigilang alalahanin ang ginawa niya sa ni Don Apollo. Sa umpisa lang ay sobrang masakit lalo na’t malaki rin ang halimaw na papasok sa masikip kong lagusan. Damang-dama ko ang sakit sa aking kaselanan ngunit habang tumatagal ay napapalitan iyon ng kiliti at sarap. Halos hindi niya ako nilulubayan at talaga namang pinagod niya ako. Nag-sex kami sa kama, carpeted floor, shower room, bathtub at dingding habang iba’t-ibang posisyon ang ginawa namin. ‘Isa siyang sex god. Hindi ko na alam kung ilang beses ako nagkaro’n ng orgasm. Sobrang galing niya talaga at ang sarap niyang magpaligaya.’ Ngunit sa bawat sarap ay mayro’ng kapalit na kirot. Ang sakit-sakit ng katawan ko at ang hapdi rin ng aking kaselanan. Wasak na wasak talaga ako ng kaniyang malaking halimaw na kada dumidikit sa katawan ko ay biglang nabubuhay at tumitigas. Ngunit kahit gano’n ay hindi ko napigilang ngumiti at kiligin. Napabaling ak
THE MOST PAINFUL GOODBYE was definitely the unexpected death. Ilang mga araw nilamayan si Mama sa aming bahay at hindi ako umaalis sa tabi ng kaniyang kabaong na mayro’ng dalawang sisiw sa ibabaw. Nakakulong na ang adik na pumatay kay Mama ngunit para sa akin hindi pa iyon sapat na parusa para sa kaniya. Buhay pa siya pero pinapatay na siya puso at isipan ko. Gusto kong masunog ang kaluluwa niya sa impiyerno at pagdusahan niya ang kasalanang ginawa niya. Nagkaro’n ng misa bago kami pumunta sa sementeryo para ilibing si Mama sa kaniyang huling hantungan. Isa-isang umalis na ang mga nakiramay habang nakatulala ako sa puntod ni Mama. Naramdaman ko na mayro’ng humawak sa aking balikat. Hiniling ko na lang sana na si Mama iyon pero nang lumingon ako ay si Tiyang Poppie. “Kate, kailangan na nating umuwi. Makulimlim na at paniguradong uulan nang malakas dahil mayro’ng bagyo. At saka kailangan mo na rin kumain.” Mas lalong piniga ang puso ko. Sina Tiyang Bibet at Tiyang Poppie ang tumulong
SOMETIMES the best things in life were unexpected. Sobrang na-guilty ako sa pagtatangka kong mag-suicide. Masyado akong nilamon ng lungkot at galit. Hindi talaga biro ang depression at anxiety. Sobrang suwerte ko na rin na nakilala ko si Dr. TJ Montealegre. Nang dahil sa kaniya ay unti-unti kong nilalabanan ang depression at anxiety ko mula nang namatay si Mama. Libre lahat ng mga medications at pagpapakonsulta ko sa kaniya. Nakakahiya man pero sobrang nagpapasalamat ako sa kabutihang mayro’n siya. Nakikitira din ako sa bahay niya lalo na’t hindi ko kayang tumira nang mag-isa sa bahay namin ni Mama at parang masisiraan lang ako ng bait at baka kung ano rin ang maisip kong gawin. Bilang kabayaran ay naglilinis at nagluluto ako sa bahay ni Dr. TJ. Napag-alaman ko na isang biyudo na pala siya. Namatay ang kaniyang asawa dahil inatake sa puso. Mag-isa na lang siya sa buhay at devotion na rin niyang tumulong sa kapwa. Isinasama rin niya ako sa klinika na pagmamay-ari niya para naman mak
SOMETIMES you have to accept the reality that there were certain things that would never return to how they used to be. Napasinghap ako habang hindi ako makapaniwalang nakatingin sa dalawang pulang mga linya sa tatlong pregnancy test kits na nakapatong sa toilet cover.Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa akin. Pilit kong kinalilimutan ang pangyayaring iyon pero parang hinahabol ako nito. ‘Positive. . . Buntis ako. . .’Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang nanginginig sa takot at kaba. Hindi ko rin napigilang lumuha. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. ‘Hindi pa ako handa maging isang ina. Wala rin sa aking plano ang magkaro’n ng anak. Ngunit bakit ganito ang nangyari sa akin?’Napasabunot ako sa aking buhok sa inis. Napakatanga ko, ni-hindi ko man lang napansin na walang suot na condom si Don Apollo at hinayaan ko siyang pasukan ako ng semilya.Bigla kong naalala ang galit at pandidiri ng asawa ni Don Apollo sa akin. Pinagbantaan niya akong papatayi
YOU WOULD NEVER understand life until it grew inside of you. Akala ko talaga ay mawawalan na ng direksyon ang buhay mula nang namatay si Mama ngunit unti-unti na akong iminumulat ng reyalidad na hindi na ako magiging mag-isa dahil magkakaro’n na ako ng anak sa loob ng sinapupunan ko. Katatapos ko lang magpa-check-up at nakumpirma ko nga na buntis talaga ako. ‘10 weeks na pala akong buntis. . .’ Hindi ko napigilang matulala habang nakasakay ako sa taxi. Sa totoo lang ay mas lalo akong natakot. Ni-hindi pa ako masyadong fully healed sa depression at anxiety mula sa pagkamatay ni Mama pero heto ako ngayon at buntis hindi lang sa sa isang baby kung hindi tatlo. Hindi ko alam kung mabibigyan ko ng magandang buhay ang aking mga anak na triplets. Ni-hindi ko rin alam kung magiging mabuti ba akong ina sa kanila. ‘Grabe talaga si Don Apollo, nag-iwan pa talaga ng mga souvenirs o freebie sa akin Myla sa aming one night sex. Hindi lang isa o dalawa kung hindi tatlo.’ Huminga ako nang mala
MIRACLES indeed came in three. Sa nakalipas na tatlong taon ay masasabi kong mahirap at masarap ang mga pinagdaanan ko mula sa aking pregnancy journey hanggang sa naipanganak ko ang aking mga anak na triplets na sina Hunter, Ravi at Stella Diana. Kinuha ko ang kanilang mga pangalan sa constellation of stars. Artemis kasi ang second name ko na ang ibig sabihin ay Moon Goddess na sumisimbolo sa buwan o moon at gusto ko na kahit papaano ay mayro’ng connection ang aming mga pangalan. ‘Kakatuwa na bigla kong naalala na ang ama ng aking mga anak na triplets ay mayro’ng alias na Apollo na kakambal ni Artemis. Hindi talaga kami para sa isa’t-isa ni Don Apollo. Mananatiling isang madilim na nakaraan na kailangan kong ibaon sa limot. Itatago ko ang tungkol sa triplets at hinding-hindi niya malalaman na mayro’ng siyang mga anak sa akin.’ Hindi talaga ako pinabayaan ni Dr. TJ sa mga panahong iyon at mas excited pa siya kaysa sa akin lalo na’t siya talaga ang halos bumili lahat at gumastos sa pan
NO ONE would ever love you as much as your mother. Ang pagiging ina ay hindi madali. Bukod sa ang isang paa ay nasa hukay ng isang ina na buntis at nanganganak. Sobrang saludo ako sa mga ina. Sa tuwing naiisip ko ang hirap at sakripisyo ni Mama noon para itaguyod ako ay hindi ko napigilang umiyak. Mararamdaman mo talaga ang paghihirap at pagmamahal ng iyong ina kapag ikaw mismo ay naging ina na rin. Nagpapasalamat talaga ako kay Mama dahil binusog niya ako ng pagmamahal at paggabay. Alam ko sa aking sarili na hindi ako perpekto pero para kay Mama ay sobrang mahusay ako at lagi niya akong sinusuportahan. ‘A mother was indeed the number one supporter and fan of her child or children. The only person that would hug and be with you through ups and downs.’ Manalo man o matalo ay nand’yan pa rin ang bawat ina na laging yayakap at babati kahit na ano ang mangyari sa kanilang mga anak kahit. Ang sarap magkaro’n ng isang mabuti at mapagmahal na ina na handa suportahan ang kanilang anak s
NAPANGUSO ako habang nakatingin sa mga tao sa loob ng bahay at halos wala sila. It was already the twenty-first day of August which was my birthday. At mukhang nalimutan ng lahat ang araw na ito lalo na’t busy silang lahat. Ang tanging kasama ko lamang sa bahay ay ang bunso naming anak ni Orion na si Reagan Alessandro na magiging one year old ngayong taon. No’ng mga nakaraang mga birthday ko ay talagang hindi pumapasok si Orion sa trabaho para mag-date kami pagkatapos naming ihatid ang aming mga anak sa school at susunduin din pagkatapos ng klase para mag-family date ulit. Ngunit mukhang hindi mangyayari iyon. Napakatahimik ng buong bahay at maaga silang umalis dahil busy sila sa kani-kanilang mga gagawin. Si Orion na ang naghatid sa aming mga anak dahil mayro’ng gagawin na tasks at activities sina Hunter, Ravi at Stella Diana. Ang bilis ng panahon at Junior High School na ang aking triplets at sobrang active sila sa school at laging nasa honors. Sobrang supportive naman kaming dala
Mafia Lord Orion’s POVI STARED at my precious children who were busy putting candles and flowers around the mausoleum. It was already years after that tragedy happened, and it was now all done. Many people were terrified in my presence, especially that I’m powerful and strong which made anyone try not to mess up with me, because they would definitely face their worst nightmare which was a brutal death. ‘But there was only one person who could make a Mafia Lord like me turn weak, and that was his beloved queen. The real Mafia Queen was his wife, and the mother of his babies who were the future descendants of Dio del Sole Clan.’ I couldn’t help but to sighed heavily as I remembered Kate who turned pale and lifeless around my arms while blood was all over upper body. It was indeed a nightmare to see her in that state, and after we rushed her into the hospital, she was in critical condition, and became comatose. There were times that her heartbeat would be flat, and I’m so insane and fr
DEATH was the wish of some, the relief of many, and the end of all. Nanginginig ako sa galit at takot lalo na’t kasama ko ang aking mga anak na triplets habang nakangising nakatingin sa amin si Venus na tila nasisiraan na ng bait. “Huwag na huwag mong sasaktan at idadamay ang mga anak kong triplets, Venus. Ako ang harapin mo at magtuos tayong dalawa hanggang sa kamatayan,” seryoso kong turan. Venus chuckled devilishly. “Why? Scared that your f*cking bastard children would die like what happened to their pathetic unborn sibling? Don’t worry, death would definitely take them out of the pain from having a b*tch mother like you.” “Bad ka! Bad ka! Huwag mong aawayin ang Mama namin! Isusumbong ka namin kay Papa!” nanggigigil na asik ni Ravi.Napanguso naman si Venus. “Oh, why, Darling? I’m with you when that b*tch mother of yours ran away, and I even took care of the three of you. I’m still your Mommy like what you always called me before.”Hunter scoffed. “You weren’t our mother! Kahit
THERE would be two options in a war, hunt or get hunted. Months had passed after Orion and I reconciled after he knew the truth behind everything that happened, and Venus was the greatest nemesis we had to deal with. But I couldn’t believe that Venus suddenly was missing in action in the past few months after Orion knew the truth, and both of us were hunting and finding her whereabouts all around the world, but still, there was no clue to where she was hiding. Maraming nag-pull-out sa mga negosyo at endorsements ni Venus at na-bankrupt ang lahat ng mga ito lalo na’t hindi nagpapakita at nagbibigay ng mga updates si Venus kaya naman ang mga investors at lumipat sa Artemis. Naging missing in action din ito dahil nag silabasan din ang mga baho nito. Mula sa affairs nito sa iba’t-ibang mga lalaki at mga illegal na transaksyon. Habang hinahanap namin si Venus ay nagkaro’n ng pagkakataon na makilala nina Papà at pati na rin ng aking mga kapatid na sina Ate Carla at Ate Yeye ang aking mg
THERE were three things that couldn’t hide which were the sun, moon and the truth. Tinawagan ko si Ate Carla na hindi muna ako makauuwi ng ilang mga araw dahil kailangan ako ng mga bata at sasama muna ako pansamantala sa bahay ni Orion. Naintindihan naman niya iyon at sasabihin na lang kay Papà ang mga nangyari para hindi mag-alala si Papà. Ngunit hndi nakaligtas sa akin ang tili ni Ate Yeye mula sa kabilang linya na halatang nakikinig sa usapan naming dalawa ni Ate Carla. Inaasar pa ako ni Ate Yeye habang humahagikhik na baka pagbumalik na ako ay buntis na naman daw ako. Sisiguraduhin naman ng aking mga kapatid pati ni Jossel na maayos ang pamamalakad ng Artemis. Humingi rin ako ng paumanhin kay Alexander at ipina-reschedule ang photoshoot ko dahil mayro’n akong important emergency matter na kailangang asikasuhin at mabuti na lang ay pumayag siya. Namula naman ang aking mukha dahil malabong mangyari ang sinasabi ni Ate Yeye lalo na’t hindi ako masyadong pinapansin ni Orion at sobran
THERE were no secrets that time didn’t reveal. Naging madalas na ang pasikretong pagbisita ko sa aking mga anak na triplets sa aming sikretong tagpuan sa school. Mayro’n ding pagkakataon na dinadalhan ko ng mga iniluto kong pagkain para sa kanila at sobrang masaya ako dahil na-a-appreciate nila ang mga efforts ko at ipinapadama ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal kahit tuwing weekdays lamang. Sobrang malaki ang pasasalamat ko kay Ate Carla lalo na’t ginagawan niya talaga ng paraan na magkaro’n kami ng oras ng aking mga anak na magkasama kahit sandali lamang. Hindi ko napigilang mag-alala nang isang araw ay nahimatay si Stella Diana dahil sobrang taas ng lagnat. Nanghihina rin sina Hunter at Ravi. Nagtataka ako kung bakit pinapasok sila ni Orion kung ganito ang nararamdaman ng mga bata. Nadurog ang aking puso na nagsinungaling sila para lamang makita at makasama ako. Ayaw nilang mag-stay sa bahay dahil hindi nila ako makikita. Nag-aalala ako at hindi ko napigilang samahan si Ste
A COLD-HEARTED person was once a person who cared and loved you so much. Mukhang sadyang tadhana na ang nagdidikta na muling magkrus ang landas naming dalawa ni Orion pagkatapos nang huling pagkikita namin sa big event. Marami din mga tauhan ni Papà na nagbabantay sa akin. Kahit saan ako magpunta ay mayro’ng nakaantabay na Snipers at kasama mula ro’n si Ate Yeye. Si Jossel naman ang naiwan sa Artemis habang si Ate Carla ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Nakita ko siya na mag-isang nakaupo sa isang silya sa gilid ng isang restaurant. Hindi niya ako napapansin lalo na’t busy siya sa kaniyang binabasa sa tablet. Napakunot ang aking noo dahil mukhang wala na talaga si Maurizio dahil iba na ang lalaking nasa kaniyang tabi. Ngayong araw ay mayro’n kasi akong outdoor meeting kay Alexander tungkol sa aming next projects para sa kaniyang kompanya. Balak niya kasi akong kunin na modelo ng kaniyang casinos at resto-bar. Kinuha ko naman lalo na’t malaking exposure iyon para sa akin. Bukod d
A HUG from a true friend and family was indeed a great comfort when you were feeling down and lonely. Alam kong siniraan na ako ni Venus kay Orion kaya gano’n na lang kalamig ang reaksyon sa akin ni Orion. Pero masakit pa rin kapag harap-harapan kong nakita iyon mula kay Orion. Wala na ang saya at ngiti sa kaniya dahil napalitan na ito ng lamig at pagkamuhi. With that, I couldn’t help but to drink another round of a bottle of Beer to help me forget the pain in my heart. It really definitely hurt me big time even though he wasn’t part of my plan, but I guess that he really had a big effect on me as always. Ngayon ay nasa Arum kami, isang elite bar na pagmamay-ari ni Maru Arklentine. Nasa isang private VIP room kami para walang istorbo sa amin. Pinilit ko lamang ang aking mga kapatid pati na rin si Jossel na uminom at mag-unwind muna bago umuwi at pumayag din naman si Papà. Nakapagpalit din kami ng aming mga damit lalo na’t medyo hindi ako magiging komportable sa suot ko habang umiin
MY NEMESIS would indeed fuel my wrath and vengeance to the core. Napangisi ako nang biglang naging maugong ang mga balita tungkol sa mabilis at sunud-sunod na pag-pu-pull-out ng mga investors ni Venus sa kaniyang mga company. Habang ang new skin care brand company na Artemis ay nagiging maugong hindi lang sa buong bansa kung hindi pati na rin sa iba’t-ibang mga bansa. Ngunit isa pa rin na malaking palaisipan sa lahat kung sino ba ang nasa likod ng Artemis. Maraming nag-aabang sa big revelation tungkol sa CEO ng Artemis lalo na’t sobrang daming nag-i-invest at tumatangkilik sa mga produkto na sobrang high-class. Mayro’n din na malaking discount ang skin care ng Artemis para sa mga ina at nagbibigay din ng mga tulong pinansiyal para maging resellers. Malapit talaga sa aking puso ang mga ina lalong-lalo na ang mga single mother kaya naman gusto ko rin silang tulungan kahit wala silang puhunan basta maging reseller sila ng aking mga produkto para makapagdagdag ng kanilang kikitain. “We