KENT"I do." Sagot ko sa tanong ng pari. Nilingon ng pari si Lauren na ngayo'y hawak ko ang kanang kamay. Seryoso lamang itong tumingin sa harap. Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya, ni hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. She's supposed to be smiling dahil kasal namin ngayon. Bakit parang hindi yata siya masaya?"Bride, will you take this man as your husband whom you will spend the rest of your life? Do you promise to love him, comfort him, protect him, honor him, be with him in sickness or in health, in richer or for poorer? If so, say 'I do'." Baling ng pari kay Lauren. Nilingon ko si Lauren. Hinihintay kong gumalaw ang mga labi niya upang may sabihin. Ngunit ilang segundo na ay hindi pa rin ito sumasagot. Nakatulala lang siya kaya pinisil ko ang kanang kamay niya. Nabalik naman ito sa kaniyang katinuan at tumingin sa akin nang ilang segundo saka tumingin ulit sa pari. Hindi ko na talaga siya maintindihan ngayon. "Lauren," tawag ko sa pangalan niya upang su
NIKITANagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Doon ko lang naalala na nanganak na pala ako at biglang nakatulog kung kaya't hindi ko na nakita pa ang anak ko nang maigi. Akmang tatayo na sana ako nang may kamay na pumigil sa akin kung kaya't napalingon ako rito. "Wait lang, Witch, kapapanganak mo palang. Huwag ka munang masyadong magagagalaw at baka mabinat ka pa." Saway ni Hanz sa akin. "Nasaan ang anak ko?" Tanong ko agad sa kaniya dahil gusto ko ng makita ang anak ko. Dapat hindi ko iniiwan ang anak ko roon. Paano nalang kapag napagpalit ng doktor ang anak ko sa ibang bata katulad ng napapanood ko sa teleserye? Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-overthink. "Nasa nursery room, pinagpapahinga pa si baby para makapag-adapt na sa paligid niya. Saka doon daw muna siya habang pinapainitan pa nang maigi" Sabi ni Hanz. Ngunit hindi talaga mapalagay ang puso ko. Gusto ko na siyang makita at mahawakan. Pinilit kong buhatin ang sarili ko paupo ngunit bumagsak din nang maramda
KENT"Anong balita sa pinapahanap ko po sa inyo?" Tanong ko sa mga tauhan na kinuha ko para maghanap kay Nikita. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lauren ay agad akong kumuha ng tauhan upang hanapin si Nikita. Sinubukan kong magtanong sa pamilya ni Nikita pero ang ayaw nilang sabihin. Sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila upang magtanong sa nanay niya ay pinagsasarhan lang ako nito ng pinto. Maging si Mara ay galit sa akin. She have all the reason to be mad at me kung kaya't hindi ko nalang siya pinagtanungan pa. Gusto ko ngang puntahan si Hanz pero sa dami ng branch no'n sa iba't ibang lugar ay hindi ko alam kung saan niya dinala si Nikita. Kung kaya't para mapadali ang paghahanap ko ay kumuha na ako ng tauhan.Alam ko naman na walang balak sabihin sa akin ng mga taong malapit kay Nikita kung nasaan siya kaya sa ibang paraan ko nalang siya hahanapin, by all means. Itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko kahit kaunti na lamang ang pag-asang pinanghahawakan ko para magkabalikan kami. I
NIKITA"Saglit lang, 'nak. Aw, ayaw man tumigil sa pag-iyak ng bata." Pag-aaliw ko sa anak ko sanay kuha sa kaniya sa crib.Alas dose na ng gabi pero ito ako, gising pa rin, I mean nagising dahil sa iyak ni Levi. Sinilip ko ang loob ng diaper nang may maamoy akong mabaho. Tama nga ang hinala ko, he pooped on his diaper. "Aw, kawawa naman ang baby ko. Nag-popoo ikaw sa kalagitnaan pa talaga ng gabi." Mabilis ko siyang hiniga sa kamay ko at kumuha ng lampin para isapin muna bago siya palitan ng diaper. Kumuha na rin ako ng petroleum jelly para ipahid sa pwet niya in case na magka-rashes. It's been 3 weeks simula noong manganak ako at ganito lagi ang routine ko sa araw-araw. Magtatrabaho sa umaga, all day nanay sa anak ko. I worked from home dahil 'yun lang ang paraan para payagan ako ni Hanz na magtrabaho ulit habang pinag-aaralan ang pagiging nanay. Hindi ko pa pwedeng iwan sa Levi sa nanny kahit hindi pa man ako nakakakuha. Pinagpaplanuhan ko kasi talagang mag-hire para naman makapa
KENT"Sabi ni Nanet hindi ka raw umuwi kagabi. You went home 4:00 am to take a shower, then get in the office again. As I remember, maaga ka ring nag-time out kahapon. So where was you last night?" Bungad sa akin ng nanay ko pagpasok niya ng opisina. Napaangat ako ng ulo sa kaniya kasabay ng pagtanggal ko ng kamay kong minamasahe ang sintido ko. Parang may ugat na tumitibok sa utak ko sa sobrang sakit dala ng hangover tapos mukhang dadagdagan pa ng bunganga ng nanay ko ngayon. "Malaki na ako, Mom. Hindi ko na kailangan ipaalam sa inyo ang lahat ng lakad ko." Sagot ko rito. "Oh come on, Kent. What are you doing to yourself? You look like a 50-year old man sa tumutubo mong bigoteng hindi naman bagay sa 'yo. Ganiyan ba ang mukha ng magiging CEO ng company natin?" Itinuro pa niya ang pagmumukha ko. She's so concern with my looks. Tinamad lang naman talaga akong mag-shave dahil laging pagod sa trabaho. Sa trabaho ko nalang ibinuhos ang oras ko kaysa magmukmok kakaisip ng gawing katutur
NIKITAPinunasan ko muna ang kamay ko bago sagutin ang tawag ni Mara. Pagkapindot ko ay mukha niyang nakasimangot agad ang bumungad sa akin. Binigyan ko rin siya ng nagtatakang tingin. Badtrip na naman 'to marahil dahil kay Terrence na hanggang ngayon ay pinoproblema niya pa rin kung sasagutin ba niya o hindi. "Problema mo na naman kay Terrence?" Tanong ko rito habang sumusubo ng kanin at bacon. Hindi ko na kinaya ang no rice in one week, nagugutom pa rin talaga ako. [G*ga hindi siya. Mamaya ko na ikukuwento 'yan. 'Yung magaling mong ex kasi pumunta sa bahay kanina nagtatanong kung sino raw ang ama ng anak mo.]Bigla akong napaubo sa sinabi niya. Mabuti na lamang at nginunguya ko palang ang kinakain ko dahil kung hindi ay baka nabulunan na ako. Mabilis kong kinuha ang baso at sinalinan ng juice saka ininom para malunok ko agad ang kinakain ko. "Ha? A-anong sabi mo?" Kinakabahan kong tanong. Para akong tinakasan ng kaluluwa dahil sa sinabi niya. Paano nalaman ni Kent na may anak na
..Makalipas ang siyam na buwan..NIKITAIt's my baby's 1st birthday. Simple lang ang salo-salo na hinanda ko. Only my parents, Hanz, at 'yung ibang co-workers ko ang nandito ngayon. Gusto sana nila Mama gastusan ng malaki dahil unang apo raw nila si Levi at dapat lang daw ibigay namin ang pinakamainam, kaso umayaw ako. Umayaw ako, hindi dahil sa pinagdadamutan ko ang anak ko, naisip ko lang na ipunin ang perang panghanda ko para sa kinabukasan ni Levi. Nakakahiya rin kasi sa kanila ni mama. Baguhan palang ako sa trabaho kaya maliit palang ang sahod ko at ayoko ng umasa sa pera nila mama at papa kahit sabihin pang regalo nila 'yun sa anak ko. Isa pa, nag-iipon din ako para sa clothing business na ipapatayo ko. Pero kahit na ganoon, siniguro ko na ang pinakamainam pa rin ang maibibigay ko para sa anak ko. Kahit papaano ay gusto ko pa ring bigyan siya ng magandang selebrasyon para matuwa naman siya paglaki niya. I made a reservation on this small restaurant and the theme is anime charac
HANZ[Hoy Wizard na Pagong, bilisan mo na. Nandito na si Mr. Diwa, baka want mong paghintayin ang kawawang matanda?] Sabi sa akin ni Nikita. Siya kasi ang secretary ko kaya siya ang nagpapaalala sa akin kapag may meeting ako with some personnel. Ngayon ay ay may makikipag-usap sa 'kin na malaking tao kaya nakakapangit sa image ko kung male-late ako sa meeting kaya tawag nang tawag si Nikita. Natagalan kasi ako ng gising dahil alas tres na ng madaling araw ako nakauwi ng bahay. Nagpunta ulit ako sa Pilipinas at kagabi lang ako nakauwi. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako natulog. Nakakainis! Tapos nabadtrip pa 'ko dahil medyo traffic and nagmamadali ko. Minsan lang magkaroon ng traffic sa America but today is the worst. Nagkaroon daw kasi ng buhawi kanina kaya may mga napinsala. Talagang sumasabay pa sa araw na nagmamadali ako. "Ok, I'll be there soon. Wait lang, Witch. Entertain mo muna sila." Sabi ko nalang.[Sige sayawan ko ng Careless Whisper.] Natawa nalang ako kahit nababad
NIKITA"Ang dami mo talagang dalang prutas. Hindi naman ito mauubos ni mama." Sabi ko kay Kent habang nilalabas niya ang isang basket ng prutas at isang maliit na basket ng mga bulaklak, pink and purple flowers arranged in an elegant way. Hindi na ito sumagot pa at sinarado na ang compartment. I offered him help but he refused to. Kaya niya na raw. I look at him while he's carrying the baskets. Handa na 'ko. Handa na 'kong ipakilala siya kay mama bilang ama ng anak ko. He doesn't seems tense pero kagabi pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba na ipakilala ko na siya. Alam kong gusto na niyang makilala siya ni mama, ako lang 'yung ayaw. Kinakabahan ako na baka busisihin na naman ni mama mga desisyon ko noon. Naglakad na kami papasok ng ospital, papunta sa room ni papa. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang mama ko na kasalukuyang pinupunasan si papa ng basang bimpo. Dumako ang paningin niya sa lalaking kasama ko. "Good morning po,
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"You're the guy that I met in the bookstore." My son revealed. Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil alam ko namang si Kent talaga iyun base sa kinuwento nito sa 'kin. Pero bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki. "You knew him, mom?" Baling sa akin ng anak ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kent nang tawagin ako ni Levi ng 'mom'. Mukhang nabubuo na sa isipan nito kung magka-ano-ano kami nong bata. "Ahm, Kent, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Kent, hindi pinansin ang sinabi ng anak ko. "Ah.. Sige." Tumayo ito at umupo sa sofa. Nilingon ko muna si Levi saka tumalikod para ibigay muna siya kay ate Marites na kasalukuyan ngayong naghihintay sa lobby. Nagpaalam muna ako saglit sa lalaki. Sinadya kong bitbitin sa loob si Levi para maipakita siya kay Kent pero ibibigay ko muna ang bata kay ate Marites para makapag-usap kami ng maayos ni Kent. Alam kong magiging emosyunal ako sa sasabihin ko kaya minabuti ko ng huwag muna isama si Levi sa
KENTNapahawak ako sa sintido ko matapos kong pirmahan ang natitirang papel na nakapatong sa desk ko. Feeling ko magkakastiff neck ako sa walang tigil na trabaho. Pinindot ko ang linya na nakakonekta sa secretary ko para papasukin siya. "What's on my schedule now?"Agad naman itong tumingin sa memo niyang hawak. "Ngayong araw po, wala na pong naka-appoint sa inyo. Bukas palang po, may meeting po kayo with Coldron Enterprises about sa FTR Project." My secretary said. Nag-unat muna ako dahil sa wakas pwede akong magpahinga muna. Matapos kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para lang maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Nikita noong isang araw, parang nagbackfire kaagad sa akin ang pagod. Sa ngayon gusto ko nalang muna magpahinga. "Is that so? I think I need a day off." Sabi ko at tumayo sa aking inuupuan. "Just call me when I'm needed here." "Yes, Sir." Sabi lang ng secretary. Yumuko muna ito sa akin saka naunang lumabas ng pinto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko saka ko nila
NIKITA["H'yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga noong nasa America ka palang niretohan na kita ng mga foreigner."] Pagbibiro pa ni Mara sa kabilang linya. ["Oh eh anong say mo naman no'n? Um-oo ka ba?"]Kinuwento ko kasi sa kaniya naging pag-uusap namin ni Kent. Nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang asawang si Terrence na sa hinaba-haba ng prosesyon ay nagkatuluyan pa rin. "Hindi ko sinagot--"["Ay jusmeyo, mare. Ibig sabihin mahal mo pa rin 'yung tao?"] Sabi nito na may kasama pang pagtampal ng noo. "I mean hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil hindi naman ako sigurado kung talaga bang hindi ko na siya mahal. Isa pa, iniisip ko si Levi. Paano nalang si Levi?" Tanggi ko. ["Alam mo, dahil hindi mo siya dineretso, pinaasa mo lang din 'yung tao. I mean, ang tinatanong sa 'yo ay kung mahal mo pa ba siya. Hindi niya tinatanong kung may anak kayong dalawa kaya huwag mo ng gawing alibi pa si Levi ko para hindi agad masagot 'yung tanong niya sa 'yo. Akala ko ba nakapagmove
NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas