Share

Chapter 4

Author: mughriyah
last update Last Updated: 2021-09-15 14:17:17

"Babalikan ko si Sorrel," sambit ko nang maalalang naiwan ko ang bitch na 'yon sa loob. Lintik na. Imbes na masosolo ko na si Pris ay napurnada pa.

"Who's that?" he asked, trying to maintain his temper.

"Kaibigan ko, Pris..." I said and I did not wait for his reply. Pagbalik ko sa loob ay inaalalayan na ni Saint si Sorrel. Tulog pa rin 'yung tanga.

"Ako na, Saint. Sa condo siya," I insisted and held Sorrel's arm.

"Hez!" Lumapit sa akin si Timo.

"We'll talk tomorrow. I'm exhausted," pagod kong sinabi at tinalikuran na sila.

Pagdating namin sa labas ay nakasandal si Pris sa kotse niya habang nakahalukipkip at diretso ang tingin sa akin. Oh, well. Baka ganoon lang ako kaganda kaya ganyan siya makatingin.

Ngumiti ako nang nakalapit na kami. "Hindi mo naman kami kailangan isabay sa kotse mo," kinikilig na sabi ko. Nanatiling seryoso ang mga mata niya sa akin.

"I said, let's go home. Wala akong sinabing sa kotse kita." He opened his car. My brows furrowed as I looked at him.

"You go first. Sa likod lang ako," pagod na sabi niya. Halos makurot ko na si Sorrel dahil sa inis ko sa lalaking 'to. Sana hindi na lang niya ako nilabas kung hindi niya ako ihahatid!

"A-aray... aray..." mahina at lasing na pagdaing ni Sorrel dahil nakurot ko na talaga siya.

I inhaled a large amount of air while looking at him. Seryoso ba siya sa sinabi niyang hindi niya ako ihahatid?

"I'll go first, then." Hinawakan na niya ang manibela kaya inis kong ipinasok si Sorrel sa kotse ko. Tiningnan ko siya at nginitian bago pumasok.

"Ha!" inis na singhal ko. "Wala lang ba talaga ang ganda ko para sa kanya?" inis na sambit ko at kinabit ang seatbelts ni Sorrel.

I was driving so fast. Kahit naiinis ay nananaig pa rin sa akin na bibigay sa akin ang Pris na 'yon. Maybe not now but soon.

Huminto ako sa tapat ng mataas na building. Pumasok ako sa parking area and then parked my car. Tumingin ako sa side view mirror at ganoon din ang ginawa niya.

Nauna siyang bumaba dahil inaasikaso ko pa si Sorrel. Nang nakalabas kami ay tinawag ko siya.

"Pris, tulungan mo naman ako rito!" nginitian ko siya.

He seriously looked at me like he's not going to help me. Hindi ba siya marunong ngumiti? Lumapit ako sa kanya. "Sige na, please?" I pleaded him and smiled again.

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang braso ni Sorrel. Kahit ayaw ko. Dapat ako lang ang hahawakan niya pero wala akong magagawa. Kaya ko naman si Sorrel pero gusto kong makasabay si Pris.

"Paano kayo naging magkaibigan ni Xanthus?" taong ko habang sumasakay sa elevator.

"Mind your own business," malamig niyang sinabi kaya napanguso ako.

"Wala akong business, e," nakangusong sagot ko.

Tumingin siya sa akin at binitawan si Sorrel. "Kaya mo na 'yan," malamig na namang sabi niya at umiwas na ng tingin sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Pakiramdam ko tuloy 'di ako nakakaakit." Ngumuso ako at tumingin siya sa akin.

"I'm not attracted to you, kid. I ain't that bored." Natigilan ako. Lumabas siya at pumasok sa unit niya.

Sa sobrang gigil ko ay nasabunutan ko si Sorrel. "A-aray... aray..." Mahinang daing niya dahil sa kalasingan. Masama ko siyang tiningnan at mas sinabunutan pa. "Aray sabi!" lasing ang boses niya ngunit wala akong pakialam. Napabuntong-hininga ako at lumabas na.

Pumasok ako sa unit ko at binagsak siya sa kwarto ko. Ginugol ko ang oras sa pag-aalaga kay Sorrel. Napakadungis.

"Hez!"

I lazily took my Chanel wayfarer off. Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nasa school na ako and I wasn't wearing my uniform.

Tinaas ko ang isang kilay ko sa mga tumawag sa akin. The bunch of jerks smirks at me.

Inayos ko ang pagkakahawak sa Louis Vuitton handbag ko. "What? I'm busy, spill it," tamad kong sinabi. May hangover pa ako. Fuck.

"One week ka absent. Pwede makuha number mo?" the guy grinned and it wasn't cute because it was kadiri. I chuckled.

Tiningnan ko ang paligid. Ang mga babae ay nakatingin sa akin ng masama. Parang sinasabi ng mga mata nila na huwag kong ibibigay ang number ko. Ang alam ko ay girlfriends 'to ng mga lalaking 'to.

Muli akong tumingin sa mga lalaki. "Of course," a smile plastered on my face. Binigyan ko sila ng pekeng number. I'm not sure if it's a fake. Hula-hula ko lang 'yon at baka may matawagan sila sa number na 'yon.

Ngumiti sila at muli kong sinuot ang wayfarer. "Bye." My fingers moved as I waved at them. Kinindatan ko pa sila at tinalikuran na.

Taas-noo akong naglakad. I have no friends here. Lahat ng studyante ay galit sa akin. Maybe they're insecure. Well, wala namang aangat sa ganda ko.

Breaktime na. May tatlong lumapit sa akin na lalaki. Ang sabi nila ay pagsisilbihan nila ako kaya napakibit-balikat ako at inutusan silang bilhan ako ng pagkain. Sila naman ang nagkusa kaya wala akong kasalanan.

"Damn, she's getting into my nerves again." Bulong ng isang babae at alam kong malapit lang siya sa akin. I can feel her anger. Ramdam ko rin ang masasamang tingin niya sa akin.

Ngumiti ako at tinanggal ang wayfarer. Pinasok ko 'yon sa Louis Vuitton handbag at pinasadahan ng kamay ang nakalugay kong buhok. Mamatay kayo sa inggit.

"Bakit pa kasi pumasok pa siya? Bakit pa siya nandito!" Hate me to death, girl. Hindi ako papatol sa inyo.

"Hez." Inilapag ng lalaki ang pagkain. Tiningnan ko lang 'yon at tumayo. I seductively smiled at them. "I lost my appetite." I wore my wayfarer and started to walk.

Kailangan ko na lang magtiis. Malapit na ang graduation. Hindi ko nga alam kung makakapasa ako dahil minsan lang ako pumasok. Kagaya ng sabi nila kanina, one week akong absent.

"Hezikaia!"

Tumaas ang isang kilay ko at tinanggal ang wayfarer. Nasa corridor na ako nang harapin ako ng mga babae. I think they are seven.

"Oh?" I asked without any emotion.

Matapang silang lumapit sa akin. "You really are a relastionship wrecker, Hezikaia!" She pushed me. Saglit pa akong nagulat at hindi makapaniwalang tumawa ng mahina.

Narinig ko ulit 'to. Sa isang linggo kong pag-absent ay hindi ko narinig ang salitang 'relationship wrecker.' Ngumisi ako sa kanila. "Did you just... push me?"

"Yes! Because you're a bitch!" sabi ng hindi ko nakikilalang babae.

Mahina akong tumawa at isinabit ang wayfarer na hawak ko malapit sa dibdib ng white long sleeve polo ko. Nakabukas pa ang tatlong butones nito. "Don't do that again, miss. You might be hospitalized." I winked at them. Ngumiti pa ako para mas lalo silang mainis.  Tinalikuran ko na sila.

"Damn you, Hezi-"

Habang nakatalikod ako ay tinaas ko ang kamay ko para saluhin ang kamay niyang sasabunot sana sa buhok ko. Natigilan ang mga alipores niya. Hindi na ako nag-abalang humarap. Kumuha ako ng malakas na pwersa at binalibag siya. I heard her screams but bitch, I don't give a damn.

"S-shit, Hezikaia. W-what did you d-do?" the other girl asked, her body was shaking.

Huminga ako ng malalim at sinuot ang wayfarer ko. "Tell this to your Dean. I don't care." Dire-diretso akong naglakad. Bahala na kung hindi gagraduate.

Naphinto ako nang nakasalubong ko ang babaeng kinaiinisan ko. It was Frida who stole and seduced my ex- Harry.

Tumaas ang isang kilay niya sa akin. "Sana hindi ka na nagparamdam."

So, gano'n? Ang mga mang-aagaw pa talaga ang mas galit? Gano'n ba dapat?

Tinaas ko rin ang isang kilay ko. "Sana hindi ka nang-agaw ng boyfriend."

Nilagpasan ko siya at nakita ko ang pagpipigil niya ng galit. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay tinawag na ako ng mga kaklase ko... pumunta raw sa Dean's office.

Hindi ako nagsalita. Taas-noo lang akong naglalakad. Nakakainis dahil baka ito pa ang maging dahilan kung bakit matatagpuan ako ng magulang ko.

"WHAT DID YOU DO, BRAGANZA?" halos mabingi ako pagkabukas ko pa lang ng pinto sa Dean's office.

"May I take a seat?" nakangiti kong tanong. Napapikit ang Dean, trying to calm himself.

I did not wait for his reply. I sat down and crossed my legs. I took my wayfarer off at inisa-isa silang tingnan. The bunch of bitches are here. Wala rito ang babaeng binalibag ko and maybe she was already in the hospital. I pity her, I already warned her but she didn't listen. Nandito na rin agad ang magulang siguro ng babae.

Okay. Wala akong kakampi at ako lang mag-isa. It's okay.

"Bring your parents here! Nadisgrasya mo ang anak ko!" sigaw ng lalaking sa tingin ko ay tatay ng nabalibag ko.

"You're a troublemaker! Wala kang respeto sa kapwa mo mag-aaral!" sigaw ng babae.

Hindi ako sumagot.

"Bastos ka! Just by looking at your red lips? I could tell that you're a bitch!" patuloy niya sa pagsigaw.

Hindi ulit ako sumagot.

"Are you being taught the right way by your parents? Hindi ka yata naturuan! O baka ganyan din ang ugali ng magulang mo!"

Natahimik ang office nang tumunog ang tacones altos ko dahil sa pagtayo. Hinarap ko ang magulang niya. "Hate me to death. Sue me. Hurt me like what I've done to your child. Slap me hard but don't you fucking dare insult my parents. I did it, it was my fault. My parents have nothing to do with this, Sir, Ma'am," Mariing sambit ko, nagpipigil ng galit.

I faced the Dean. Seryoso at galit siyang nakatingin sa akin. "You should've asked first who started the fight, Dean. I was quiet and they insulted me. She pushed me. Relationship wrecker, huh?" Tumingin ako sa mga babae. "I was just protecting myself. I warned them but they didn't listen." Matalim ang tingin ko sa mga tao.

"Sino ba ang mga magulang mo?! Mga bastos din ba sila kagaya m—"

"One more word about my parents and you will be hospitalized just like your daughter." Naglakad ako palapit sa babae. "Just one more word."

Yeah. I'm alone. I made a mistake. It was wrong but I'll protect myself. Kahit mag-isa lang ako. Kahit hindi dumating ang mga magulang ko.

"I thought Miss Braganza started the fight? That's what you said awhile ago," nagtatakang tanong ng Dean sa mga babae.

"Crap it! Nasa ospital ang anak ko! Ipapademanda kita!" sigaw ng Mommy niya kaya tumango ako.

"Then I'll sue your child too. She insulted me first so I don't have a choice but to sue her. Article 358 of the Revised Penal Code... Slander." Tiningnan ko ang Dean at napapapikit na lang siya.

Lumabas ako ng school at pinaharurot ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasasaktan ako. I'm pretty sure Dean called my parents but they did not come.

Tears streaming down my face. I just need my parents. I just need them now. I want them to find me. Gusto kong sila ang unang makahanap sa akin.

Tumigil ang sasakyan at mabilis akong sumakay ng elevator. Mabuti na lang at walang tao. Patuloy na bumabagsak ang luha ko. Damn these tears! Bakit ako umiiyak? Ano naman kung hindi nagpakita ang mga magulang ko?

Tumigil ang elevator sa floor kung nasaan ang unit ko. Unti-unti iyong bumukas at tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Pris. Bahagya niyang kinunot ang noo nang makita ako.

Agad kong pinunasan ang luha ko at hindi na nagsalita. Dali-dali akong pumasok sa unit ko.

I looked at the mirror and faced my face. I chuckled. Seriously? Umiiyak ako? Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko. Wala na si Sorrel. Siguro nagising na at umalis.

My forehead creased when I heard my doorbell. Naglakad ako at inis na binuksan 'yon. Nagulat pa ako nang makita ang mukha ni Pris.

"I'm bored. Let's have a lunch."

Tumaas ang isang kilay ko at nanlaki ang mga mata. "Ha? Teka! Ilang minuto lang 'to aayusin ko lang ang sarili ko." Ngumisi ako at pipigilan niya pa sana ako pero sinarado ko na ang pinto.

Namili ako ng damit. I took the blue spaghetti strap dress that above the knee. Kinuha ko ang tacones altos na color blue at nilapag 'yon sa kama. Nag-umpisa akong maligo. Pagkatapos ng isang oras ay sinuot ko ang bathrobe na violet at naglagay ng towel na violet sa ulo. This will be our first date! Niyaya niya ako.

After putting a light make up, sinuot ko na ang spaghetti strap na dress. Pagtapos ayusin ang sarili ay binuksan ko ang pinto at naabutan ko ang naiiritang mukha ni Pris.

"Minuto? Minuto ba ang isa't kalahating oras?" kumunot ang noo niya.

Nag ngising aso ako at hinawakan ang braso niya. "Let's go!"

Tahimik lang siya habang nasa elevator. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya napanguso ako. "You should be sweet to me. This is our first date."

"You're just a kid. This isn't a date. This is just a lunch and I'm bored," masungit niyang sagot.

"Fine. This is just a lunch. I'll treat you, the-"

"This is my treat."

The side corner of my lips went up. "Where's your cruise ship? I want to go there," sabi ko at hinuhuli ang tingin niya pero hindi talaga siya tumitingin sa akin.

"You're not allowed to go there," he strictly said.

"Why? Because I'm just a ki-"

"You're too sexy. Baka pagnasaan ka ng mga foreigners," malamig na sambit niya at hindi na ako tiningnan pa.

Hindi nakatakas ang ngiti sa aking labi. "You sound like a jealous boyfriend." Agad siyang tumingin sa akin at kumunot ang noo.

"What? Am I right?" natatawang tanong ko dahil hindi siya nagsasalita.

The elevator stopped and started to open. "You really are a stubborn kid. Wear this damn coat." Hinubad niya ang coat at nilagay sa balikat ko.

I felt a weird feelings again. Assumera naman ako kaya mag-aassume na ako. Imposible namang wala akong epekto sa kanya. Napangisi ako.

Tahimik lang siya habang ako ay daldal ng daldal. Amoy na amoy ko ang mabangong pabango sa coat ni Pris kaya mas niyayakap ko ito sa aking sarili.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" nakangiting tanong ko.

"Wala. Stop asking," naiiritang sabi niya. Gamit ang isang kamay ay pumangalumbaba ako.

"Naiirita ka ba sa akin?"

"Hindi,"

"E, bakit ganyan ang boses mo?"

Bumuntong-hininga siya at hindi na sumagot. Mabilis na dumating ang order namin. Tahimik siyang kumakain kaya hindi na lang ako nagsalita dahil kumakain kami.

"Why... were you crying a while ago?"

Napatingin ako sa kanya at uminom ng tubig. I didn't expect that he would ask this to me. "Wala lang," sagot ko at ngumiti.

"Tss." Nagpatuloy siya sa pagkain.

Napanguso ako. Hindi na ba ulit siya magtatanong? Akala ko naman ay pipilitin niya akong sagutin ko ang tanong niya.

"Why did you treat me like you wanted to be with me?" tanong ko pagkatapos naming kumain.

Hindi siya sumagot.

Tumango-tango ako. Bakit pa ba ako nagtatanong, alam ko na ang sagot. "Ah... because you were bore-"

"Yeah, I wanted to be with you."

Related chapters

  • Captivated by His Warmth   Chapter 5

    "Ikaw ha!"Tinusok ko ang tagiliran niya at muli ko na namang nakita ang iritasyon sa mukha niya. Kanina pa kami magkasama at malalim na ang gabi. Nakaupo kami at nababasa ang mga paa namin dahil sa pool. Nandito kami ngayon sa swimming pool ng condo."It irritates me, Hezikaia. Stop," naiiritang sabi niya pero tumawa lang ako.Itinaas ko ang can beer at idinikit naman niya ang beer niya sa beer ko. Pagkatapos ay sabay kaming uminom."Ahh!" angal ko dahil alak na naman ang sumasayad sa lalamunan ko."You should stop drinking," sabi pa niya pagkatapos uminom. Tumaas ang gilid ng nguso ko.

    Last Updated : 2021-09-15
  • Captivated by His Warmth   Chapter 6

    Tinulak ko siya. Hindi ako umalis. Bakit ako aalis kung sinabi niyang 'pag hindi ako umalis ay hahalikan niya ako? 'Di ba?I crossed my arms and gave him a look. My right eyebrow arched and a smirk plastered on my face. "Kiss me hard, then," paghahamon ko.He seriously walked towards me. I didn't move. Hinintay ko lang siyang makalapit sa akin at nang nakalapit na siya ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya natanggal sa pagkakahalukipkip ang mga braso ko. Marahas niya akong sinandal sa pader kaya napapikit ako.Tanging mabibilis na paghinga niya lang ang naririnig ko kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko and then I saw his eyes looking at my lips. I bit down my lip as I felt a little nervous. Kinabahan ako sa titig niya sa mag labi ko. Oh God!"Don't bite your lips..." bulong niya na naka

    Last Updated : 2021-09-16
  • Captivated by His Warmth   Chapter 7

    Winala ko ang lahat sa isip ko. Yes, Hez. This is just infatuation. Hindi ito katulad ng naramdaman ko noon kay Harry. I loved Harry and this feeling is just yeah... infatuation. I'm just attracted because he's handsome. That's all."Bakit hindi ka pumasok?"Umupo si Aina sa tabi ko. Suot niya pa ang uniporme ng isang piloto at mukhang pagod. Pinatunog niya ang mga daliri niya."Bakit nandito ka? Galing ka pa yata sa eroplano, e," sabi ko at ipinatong ang paa sa mini table, hindi pinansin ang tanong niya.Hindi siya sumagot. Sumandal lang siya sa sofa at tinanggal ang tatlong butones sa suot niya. "Did your parents fight again?" nakakunot-noong tanong ko."Yeah..." pagod niyang sagot at pumikit. 

    Last Updated : 2021-09-16
  • Captivated by His Warmth   Chapter 8

    Isang linggo na ang lumipas. Palagi kong kinukulit si Pris pero palagi din niya akong itinataboy. Alam kong balang araw ay bibigay din siya sa akin."Just leave this school, Hezikaia," mataray na sabi ni Frida kaya pinagtaasan ko siya ng isang kilay. I crossed my arms and gave her my funniest look. "Are you kidding me?""Ginugulo mo ang mga studyante rito," nagpipigil inis na sabi niya."Tahol ka ng tahol, Frida. Bakuna ba ng aso tinurok sa 'yo?" tamad kong tanong at mahinang pinitik ang buhok ko."Walang hiya ka!" sigaw niya kaya natawa ako.Isang linggo na rin akong may nakakaaway. Wala na akong pakialam kung hindi ako makagraduate ng College. I'm so sick of these people. Sila ang palaging nag-uumpisa ng away at pinoprotektahan ko la

    Last Updated : 2021-09-16
  • Captivated by His Warmth   Chapter 9

    Bumagsak ang luha ko. Sariwang-sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari. Ang halikan. Ang pagsunggab ng halik ng babae. Ang hindi pagtulak ni Pris sa kanya palayo. What was that? Anong relasyon ang mayroon sila?Hinampas ko ang dibdib ko habang umiiyak. "Fuck! This pain is slowly killing me! Fuck!" sunod-sunod ang malulutong na mura ang lumabas sa bibig ko.Kumalabog ang pintuan kaya natigil ako sa pag-iyak. "Hez!" narinig ko ang boses ni Pris. His voice was frustrated.Umiling ako. Ayoko na. Ayokong masaktan. Ayoko nang umiyak ulit dahil lang sa lalaki. Sino ba si Pris? Bakit ako nagkakaganito sa kanya? This is my fault. Hindi ko dapat hinayaan ang sarili kong mapalapit sa kanya."Hez! Open your door!" Pris shouted again. Patuloy ang paghampas niya sa pinto

    Last Updated : 2021-09-17
  • Captivated by His Warmth   Chapter 10

    "After this, you can go home," malamig na sabi ni Pris sa kapatid niyang si Slade. Napanguso ito habang kumakamot sa batok.Naghahain na kasi si Pris ng niluto niya. Mukha ngang takam na takam si Slade dahil ngayon na lang yata siya ulit makakatikim ng luto ng Kuya niya."Balak ko nga rito matulog, e," sabi ni Slade.Ilang taon na ba ang isip bata na 'to? Mukhang mas matanda pa ako, e. Tumaas ang kilay ko sa kanya."Kung balak mong bulabugin ang buhay ko, bumalik ka na lang sa Cebu," malamig na sabi ni Pris at umupo sa tabi ko.Tumaas ang gilid ng nguso ni Slade. "Ang boring do'n, walang thrill."

    Last Updated : 2021-09-17
  • Captivated by His Warmth   Chapter 11

    Sinunggaban ako ng yakap nila Sorrel at Trina. Pati na rin ni Xanthus habang si Aina ay natatawa lang sa kanila. Napanguso ako sa ginawa nila."Sabi ko na nga ba darating ka!" masayang sabi ni Sorrel."You're late! Kainis ka!" Humalukipkip si Trina. Napabuntong-hininga na lang ako. Buti nga dumating pa, 'di ba?"Sama ka na lang sa amin, Hez. Huhuhu 'di ko kayang mawala kayo." Binatukan ko si Xanthus dahil sa sinabi niya kaya napanguso ito."Ang OA mo, Xanthus!" naiiling na sabi ko at umupo sa tabi ni Aina. Inabutan niya ako ng alak."Isama niyo na rin kasi si Saint at Timo! Ayokong ako lang ang magbabantay!" nakangusong sabi ni Xanthus pero walang pumansin sa kanya.

    Last Updated : 2021-09-17
  • Captivated by His Warmth   Chapter 12

    Isang linggong pagtetext. Isang linggong pag-uusap. Kahit minsan ay naiirita siya sa kakulitan ko ay pinipigilan niyang magalit. Palagi kaming magkasama at aaminin kong sobrang saya ko. Siguro nga... siguro nga nahulog na ako ng tuluyan. Mas malalim kung ikukumpara sa pagmamahal ko noon kay Harry.Ewan ko, pero nasanay na ako kay Pris.Nasanay na akong palagi kaming magkasama. Nasanay na ako sa kanya. Mali man pero... dinepende ko na 'yung sarili ko sa kanya.Narinig ko ang pag doorbell sa labas kaya napangiti ako. Sigurado akong siya na 'yon."Hi, Pr-"Napanganga ako dahil hindi pala si Pris ang bumungad sa akin. Isang lalaki at hindi ko kilala kung sino."Good afte

    Last Updated : 2021-09-18

Latest chapter

  • Captivated by His Warmth   Epilogue

    "What did you just say?"My forehead creased as I looked at my parents. I was sitting on my couch when they came here. Their faces were angry and problematic at the same time."Damn it! They have a daughter!" My mom shouted while putting her hand on her forehead."Calm down. Pris will take care of this," Dad calmly said.I stood up, still wondering what they're talking about. "Just tell me the problem," I coldly said."I thought they had only one child! I was wrong, son! They have a daughter! She's from New York. Her parents kept her for a long time. Goodness! That'd be their heir!" She shook her head, trying to calm herself but she failed."Go on, son. Move into her

  • Captivated by His Warmth   Chapter 40

    Huminga ako ng malalim at ngumiti. Kinuha ko ang luggage ko at lumabas ng kwarto."Are you ready?"Ngumiti ako kay Zim. "Yes. Please, take care of my nephew," I said as I looked at my nephew. Ngumiti ako sa kanya at umupo para magpantay kami."Hey, big boy. See you again. Don't worry, I'll be back soon. Be a good boy and don't be stubborn, okay?" Ginulo ko ang buhok niya kaya nakangiti siyang tumango."Take care, Tita. I will wait for you!" He hugged me kaya mas lumawak ang ngiti ko."You, too, Zack." I kissed his cheek and looked at my brother. Tumayo ako. "We'll see each other again, Kuya. Mag-ingat kayo ni Zack," sabi ko kaya ginulo niya ang buhok ko. Napan

  • Captivated by His Warmth   Chapter 39

    "Tahan na, Hez. He'll be fine,"Hinagod ni Trina ang likod ko. Hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang doktor at nailipat na si Pris sa operation room."Ginagalit ako ng gagong 'yon, ah!" Narinig kong sigaw ni Xanthus habang pinapatunog ang mga daliri niya. Binatukan naman siya ni Sorrel."Kumalma ka. Nakakahiya ka, ang ingay mo." Tumaas ang gilid ng nguso ni Xanthus at umupo."Hinuhuli na si Imran ng mga pulis. Nakatakas siya pagkatapos ng isang taon at bumalik siya para maghiganti," paliwanag ni Aina."I'll go to him. He'll pay for his shits. I'm going to kill him." Tinahan ko ang sarili."At ano?! Magiging killer ka rin? Gagaya ka sa kanya? Anong pinagkaiba niyo

  • Captivated by His Warmth   Chapter 38

    "Nand'yan na si Ms. Braganza!"Pagbaba ko pa lang ng kotse ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga nagpapanic na empleyado. Tumahimik ang buong building at tanging tunog lang ng heels ko ang naririnig.I was wearing a red glittering sleeveless dress that above my knee and Emmi Black Faux Suede Extreme thigh high heeled boots. I took my aviators off. Lahat ng taong nakatingin sa akin ay gumilid. Itinaas ko ang aviators ko para ibigay sa sekretarya ko na nasa gilid ko lang at mabilis niya 'yong kinuha.We stopped in front of the elevator and when the door started to open, lahat ay lumabas. Ayokong may ibang kasabay sa elevator maliban sa sekretarya at assistant ko.My assistant immediately pressed the 20th floor. "Do I have a lot of schedules today?" tano

  • Captivated by His Warmth   Chapter 37

    Nakaramdam ako ng hilo dahil sa pagtama ng ulo ko sa batong pader. Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko."O-oh my God! Y-you're bleeding, hija!" nagpapanic na sabi niya at narinig ko na lang ang pagtawag niya ng pangalan ni Pris sa cellphone.Nagising ako nang makarinig ng ingay. Maayos na ang pakiramdam ko at alam kong may bendang nakalagay sa ulo ko."Finally, you're awake!" Napasapo si Pris sa noo niya at agad na hinawakan ang kamay ko. Gusot ang white long sleeve polo niya at may bahid pa ng dugo."What were you thinking? Magpapakamatay ka ba?!" sigaw niya.Napatingin ako sa paligid at nandito ang buong pamilya niya. Bigla akong nakaramdam ng inis sa Mommy niy

  • Captivated by His Warmth   Chapter 36

    Natahimik ang dalawa hanggang sa unti-unti kong binasag ang katahimikan dahil sa malakas na pagtawa ko na sinabayan ng pagpalakpak ko. Lumakas ng lumakas ang tawa ko na para bang isang biro ang sinabi niya."Hey, why are you laughing? You're scaring me." Hinawakan ni Pris ang isang kamay ko para tumigil ako sa pagpalakpak."Teka lang, natatawa ako!" Mas lalong lumakas ang pagtawa ko at ramdam ko na ang pagsakit ng tiyan ko dahil sa dami ng tawa."Panagutan mo ako, Pris!" Naagaw ni Roxanne ang atensyon ko. Saglit akong napatingin ng seryoso sa kanya at muli na namang tumawa ng malakas at napa-palakpak ulit."I'm going to kiss you if you don't stop laughing," seryosong sabi ni Pris kaya unti-unting naging sery

  • Captivated by His Warmth   Chapter 35

    "I know exactly how you feel, hija. We're here for you."I smiled bitterly. Miss na miss ko na ang mga magulang ko. Hindi ko alam na sa isang iglap ay mawawala sila.Nasa harap ko ngayon ang mga magulang ni Pris. Isang linggo na ang nakakalipas at nailibing na ang magulang ko. Kahit sobrang stress ay tinanggap ko ang pagiging CEO dahil kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan nila Mommy at Daddy.Bumalik na rin ako sa bahay at walang araw na hindi ako dinalaw ni Frida mapa sa bahay man o opisina."Thank you, Madame-""Mommy, hija. Mommy." Ngumiti siya pero may kakaiba sa ngiti niya pero hindi ko na lang pinansin."When are you getting married?"

  • Captivated by His Warmth   Chapter 34

    "Huhuhuhu!" Naiirita akong humarap kay Frida. Malakas ang pag-iyak niya at parang batang inagawan ng candy. Akmang hahampasin ko siya pero mas lalong lumakas ang pag-iyak niya."Stop it, bitch! You're embarrassing me!" inis na sabi ko habang nilalagay sa likod ng kotse ang mga maleta ko."Hezikaiaaaaa!" Napabuntong-hininga ako at mariin na napapikit dahil talagang nakakahiya ang ginagawa niya. Pinagtitinginan na kami dahil sa parang bata niyang pag-iyak."Babalik ako! Kailangan ko lang umalis, Frida." Pinakalma ko ang sarili ko pero hindi tumigil ang malakas na pag-iyak niya."Bakit..." Suminghot siya. "Kailangan sa ibang..." Suminghot ulit siya kaya napapikit ako sa kahihiyan. "Bansa! Huhuhu!"

  • Captivated by His Warmth   Chapter 33

    "Tulungan mo ako!""Hezikaia, tulungan mo ako!""Hezikaia!"Bumalikwas ako ng bangon dahil muli na naman akong nanaginip. Papalayo ng papalayo sa akin si Taylor habang humihingi siya ng tulong. Nanginig ang buong katawan ko at ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa leeg ko.Habol-habol ko ang hininga ko. Isang linggo na akong nananaginip tungkol sa kanya at halos gabi-gabi niya akong dinadalaw. Pinag-iimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasalita dahil natatakot ako.Isang linggo na akong hindi lumalabas. Takot na takot ako dahil nakita ako ni Imran sa hotel. Pakiramdam ko kapag lumabas ako ay huling hininga ko na.Niyakap ko ang mga tuhod ko at nagsimulang humik

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status