Kusang loob na sumama si Hendell kay Harken, hindi dahil sa nakokonsensiya siya o napipilitan. Gusto niya subukan na maging normal katulad nito. Now that Harken is beside her, she suddenly felt brave. Not the brave like no fear like. Iyon bang nagkaroon siya ng kaunting kumpiyansa dahil alam niyang nasa tabi niya lang ito.
"Ready?" nakangiting tanong nito nang makarating sila sa orphanage. She gulped. Ngayong nasa harapan na siya ng gate ay parang hinigop yata ang lahat ng lakas niya. Nanginginig at pinagpapawisan na rin ang mga kamay niya. It is funny because nothing happened yet but here she is, acting like everyone already harmed her. "Yeah, I think so," alanganing sagot niya. "Kung hindi mo talaga kaya, puwede naman tayong bumalik. Hindi kita pinipilit o inoobliga kitang samahan ako. My intention was to help you come out of your shell and I thought, this was the perfect place you could adjust. Dito kasi walang manghuhusga sa iyo. But if you are not ready, I understand," Harken said. After a few minutes, she managed to get herself altogether. Siya na mismo ang nagsabi kay Harken na pumasok na sila. Noong una ay parang nag aalangan pa ang binata pero sa huli ay sabay nilang iwinaksi ang kanilang pag aalinlangan.Sinalubong sila ng dalawang madre na sa tantiya ay nasa 40's na ang mga edad. May dalang lobo ang mga ito at mukhang inaasahan na ang kanilang pagdating. "Magandang umaga po sister Mia at sister Romella!" masiglang bati ni Harken sa dalawa. Hinapit siya nito sa bawyang at inilapit sa dalawang madre. "Si Hendell nga po pala, kaibigan ko."Nanlaki ang mata ni sister Mia. "Ito ba ang sinasabi mong kaibigan mo na gusto mong dalhin rito?"Nahihiyang nagkamot ng batok si Harken bago tumango. "Opo.""Ikinagagalak kitang makilala iha!" magiliw na bati sa kaniya ng dalawang madre na dahilan ng kaniyang pag ngiti. Ang sincere kasi ng pakiramdam. Nakakagulat na nakagaanan niya kaagad ng loob ang mga ito. Pagpasok nila ng mismong hall kung saan nakaupo ang mga bata ay nakita niya sa mga mata ng mga ito ang excitement. Halatang kilala nila si Harken dahil umalingawngaw kaagad ang pangalan nito pagkapasok pa lang. At kitang kita rin niya ang kislap sa mga mata ni Harken ang kasiyahan nang mag unahan ang mga ito na lumapit rito. Humahanga siya sa paraan nito ng pag aappreciate sa mga bata. Bibihira lang ang lalaking malalapit sa mga ganitong klaseng institusyon. Pinakilala siya ni Harken sa mga bata. Noong una ay nahihiya pa siya at panay lang ang dikit kay Harken ngunit kalaunan ay napalagay na rin ang loob niya. They made her feel welcome. That she is part of them. And her heart is happy with the new experience."Ang batang iyon talaga. Hindi nakakalimot na bumisita dito sa ampunan," ani sister Mia, sabay upo sa tabi niya. Katatapos lang nilang kumain ng lunch at kasalukuyang nililibang ni Harken ang mga bata sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba't ibang alamat. "Matagal na 'ho siyang volunteer dito?" tanong niya. Nakangiti itong tumango. "Magsasampung taon na rin magmula noong hinahanap pa niya ang kapatid niya. Ngayong nahanap na niya ay akala namin ay titigil na siya sa pagpunta dito sa ampunan. Pero nandito pa rin siya at tumutulong," pagkukuwento nito."Mabuti pong tao si Harken," aniya. Kahit sandali pa lang silang magkasama ay nakikita niyang totoo ito. Na hindi ito katulad ng iba. Na maaari niya itong pagkatiwalaan."Oo naman," sagot nito at hinawakan ang kaniyang mga kamay. "At nararamdaman kong ikaw rin. Alam mo bang ikaw lang ang kaisa-isang taong isinama ni Harken dito? Madalas ka niyang naikukuwento sa amin at masaya kaming nandito ka. Sana ay hindi ito ang huling pagkakataon na pupunta kayo dito.""Sana nga po," wika niya. Sana nga ay may kasunod pa lahat ng ito. "Masaya rin po akong nandito ngayon. First-time ko po ditong pumunta sa ampunan.""Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may mga tao pa rin na nagagawi dito. Karaniwan kasi sa mga ganitong institusyon ay naiignora na lang dahil mas ito ang nangangailangan kaysa ito ang nakakatulong. Pero kahit mahirap, kinakaya naming bumangon araw-araw para salubungin ang isang panibangong bukas. Ang mga bata ang nagbibigay sa amin ng lakas dahil sila nga na pinabayaan, pinamigay, at inabandona nagagawa pang mangarap at maniwala. Bakit namin ipagdadamot sa kanila ang tiwalang ibinigay nila sa amin?" Huminga ito ng malalim at marahang pinisil ang kaniyang kamay. "Maraming pinagdaanan ang mga bata. May iba sa kanila na inabuso at pinagsamantalahan pero nakakaya pa rin nilang ngumiti. Nagagawa pa rin nilang harapin ang mundo."Tumingin si Hendell kay sister Mia, at bakas sa mukha nito ang pag asa para sa mga bata. Bigla siyang nagkaroon ng bagong perspective sa buhay. Kung kaya ng mga ito na bumangon pagkatapos ng bagyo, siguro makakaya niya rin na lampasan ang sarili niyang delubyo. Sumandal si Hendell sa puno ng Narra at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Masaya siyang nakasama ang mga bata pati na rin sila sister Mia. Iyon nga lang ay sobrang naoverwhelmed siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya nang dahil kay Harken. Aminin niya man o hindi, malaki ang naging impact nito sa buhay niya. Nag iba ang monotonous na buhay niya dahil kada araw na dumadaan, laging may bago dahil rito. Lagi siyang may inaabangan. Sana lang ay palaging ganoon. Paano pala kung wala na ito? Babalik ba siya sa dati?"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," puna ni Harken. Hindi ito nakatingin sa kaniya ngunit alam niyang nasa kanya ang atensyon nito. "Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang ito," Iminuwestra niya ang kamay niya sa harap nito. "Itong ganito. Itong palagi kang nandito para tulungan ako. Hindi ko alam kung kailan 'to matatapos."Umusog ito papalapit sa kaniya at hinawakan nito ang mga nanginginig niyang kamay. "Sisikapin kong huwag itong matapos. Ang lahat ng ito, ayaw ko ring tapusin."She frustratedly squeezed his hands. "But what if it'll end? I am not trying to sound ungrateful but what if? Please Harken, may oras ka pa. May pagkakataon ka pa para layuan ako. Please."Kaya pa niya. Kaya pa niyang kalimutan na minsan sa buhay niya ay may isang lalaking naging bahagi ng buhay niya. Hindi pa naman gaano kalalim ang pinagsamahan nila although she already opened up a bit of herself. But she's sure that she will redeem herself just like the old times. Kung sa sugat, daplis pa lang ang lahat ng ito. But Harken never let go of her hand. "I can't. Even if I want to, I can't. I am bewitched by you Hendell and I can't find my way out," he took a deep breath and look at her crying eyes. "Gustong gusto kita. Kung iniisip mong nagbibiro lang ako, sinasabi ko na sa iyo ngayon na hinding hindi. Kakakilala mo pa lang sa akin kaya alam kong wala kang tiwala pero magpapakilala ako. Wala akong itatago."She just keep on crying. Alam niyang nasa orphanage pa sila pero hindi niya talaga mapigilan. Parang nagpapaligsahan ang mga luha niya sa pagpatak. "You don't mean that," aniya at umiling iling na wari'y ang sarili niya ang kinukumbinsi imbes na si Harken. "I mean it. And I will forever mean it. Hendell look at me," wika nito at masuyong hinaplos ang pisngi niya paharap rito. "Let me like you. Let me pour my heart out liking or maybe in time, loving you. I am sure I'll get there.""Bakit ako? Bakit sa akin pa? Madaming iba diyan na babagay sa iyo. Hindi mo ba nakikita? Halos tawagin na akong baliw ng mga tao dahil ganito ako. Tell me, do you still want me? Kaya mo bang mabuhay kasama ang isang tulad ko?" tanong niya. Nakita niyang parang naiiyak na rin ito. She saw different emotions in his eyes and she's scared to name all of them. "You are wonderful. Ano bang ginawa ng mundo para hindi mo iyon makita? Do you know what I am thinking right now? That I wish I was there. Sana nandoon ako noong mga panahong nagsisimula ka pa lang matakot. O sana may isang tao man lang na nagligtas sayo habang wala ako. Hendell, hindi ka na nag iisa ngayon. Andito na ako."Lalong lumakas ang pag iyak niya. Sobrang nakakapanibago ang pakiramdam na iyon sa kaniyang sistema. She was alone all her life, then all of a sudden may isang taong dumating para samahan siya. It is too good to be true at hindi niya maiwasang isipin na babawiin rin sa kaniya lahat ng ito."I am not forcing you, but please consider taking risks with me," he said.Gulong gulo ang isip ni Hendell magmula noong isang linggo na sumama siya kay Harken sa bahay ampunan, pati na rin sa biglaang pag amin nito sa kaniya ng nararamdaman. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak niya ang lahat. Gusto niyang sumubok dahil gusto niya si Harken, oo aaminin na niya. Hindi ito mahirap na magustuhan dahil napakabuti nitong tao. Iyon nga lang ay marami siyang tanong at pag aalinlangan. Ngunit katulad ng sinabi nito, take a risk with him. Kung tataya ba siya, magiging worth it kaya sa dulo?Napasambunot siya at napadukmo na lang sa lamesa. She never thought that this day would come to her. Wala siyang experience sa mga ganitong bagay at never pa siyang na-involve kahit kanino romantically. Kaya ngayon ay para siyang kiti-kiti na hindi mapakali. And as usual, isang tao lang ang napaglalabasan niya ng mga ganitong sentimiyento."Syria," she called her internet best friend again. Wala na talaga siyang choice, kailangan niya ng makakausap dahil kung hindi ay baka sumabog na siya. A static sound welcomed her pero agad 'yong nawala. "Hey! Anong atin?" masiglang sagot nito. Hendell sighed. "I need your magical words again," she said. "I think I am in love with him."Inilayo niya ang telepono dahil sa narinig niyang pagtili nito ng sobrang lakas. Kunot-noong ibinalik niya ang telepono sa kaniyang tenga. "Tao ka na Hendell!" sigaw nito at muling tumili."I am serious here. I think I have feelings, you know?" she barely spits out the sentence. Her hands are trembling and she is panting heavily. Nangyayari iyon kapag nakaramdam siya ng napakatinding emosyon. Dahil hindi niya naman madalas makaramdam ng ganoon, ay hindi niya alam ang madaling paraan para humupa iyon. "Love is a wonderful feeling, friend. Bakit hindi mo subukan? In love ka naman kamo?" anito."I am not in love. May nararamdaman lang ako sa kaniya na hindi ko pa naramdaman dati. Palagi ko siyang iniisip tapos masaya ako kapag nakikita ko siya." salaysay niya. "Sa love na papunta 'yan. Ano pang hinihintay mo? Sunggaban mo na," panghihikayat ni Syria."Pero paano si Monica?" Bigla siyang nawalan ng pag-asa. Oo nga pala, hindi niya dapat kalimutan ang pinapagawa nito sa kaniya. "Iyon ba 'yong babaeng nagpagawa ng love letter sa'yo? Hay nako! Hayaan mo na 'yon. Hindi na nga nagawi diyan, 'diba? Baka inabduct na 'yon ng mga alien. Kaya kung ako sa iyo, kahit ngayon lang, magpaka selfish ka. The guy confessed, I think you should too. Mahirap mabuhay nang mayroon kang what-ifs at too lates. Kaya go na, friend. Support kita," wika nito na parang mahikang nagpalakas ng loob niya. Tama ito. Walang mangyayari kung palagi siyang maghohold back. At wala ring mangyayari kung magmumukmok lang siya sa isang tabi. Right. She should confess. Mabilis na nagpaalam siya kay Syria at ibinaba ang telepono. Huminga muna siya nang malalim at pumikit ng ilang segundo at nagbilang hanggang sampu. Pagpatak ng siyam ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Huminga siya ng malalim bago sambitin ang panghuling bilang. "Sampu."
Hindi na siya nag abalang mag ayos pa. Tinali niya lang ang kaniyang mahabang buhok at tinupi ang manggas ng kaniyang long sleeves shirt. This can't wait anymore. She needs to see Harken or else babalik na naman siya sa umpisa. Aaminin na niya sa binata ang kaniyang nadarama.
Napahinto siya nang makitang papunta ito sa direksyon niya. Nang magtama ang kanilang mata ay mas lalo niyang napatunayan sa sarili na ayaw niyang mawala si Harken sa buhay niya. Kung kinakailangan na labanan niya ang takot niya para hindi na ito mawala, hindi siya magdadalawang isip na isantabi ang takot. She's more afraid of waking up one day, without any trace of him. Without telling him that she likes him too. Magsasalita na sana ito nang sinenyasan niya itong tumahimik. Tumalima naman ang huli. "Huwag ka munang magsalita. Ako muna," she said with a trembling voice. It is now or never.'Kaya mo 'to Hendell!' she mentally cheered herself."I- I like you, Harken!" Her tears fell. "I like you so much."
First time na maramdaman ni Hendell ang kalayaang ipinagkait sa kaniya nang matagal na panahon. Kalayaang, sabihin ang nasa loob ng kaniyang puso. She finally confessed. At wala siyang makapang pagsisisi o pangamba. He made her brave and she will be forever grateful because he managed to awaken her inner strength. At sa pamamagitan nito iyon unang lumabas.She's trembling but she anticipating his response. Oo nga't nagtapat ito sa kaniya noong nakaraang linggo, pero maaaring mag iba ang magiging sagot nito ngayon. Kailangan niyang maging handa sa kung ano man ang kalalabasan."You like me?" Basag ni Harken sa ilang segundong katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa.Nakagat niya ang ibabang labi niya saka tumango. "Oo. Gu- gusto kita."She is proud of herself for not sounding stupid. She wants to congratulate herself for finally being true to her own emotions. Na sa wakas, napagbigyan niya na rin ang tinitibok ng puso
Ilang araw nang walang paramdam si Harken kay Hendell magmula noong biglaan itong umalis ng restaurant kung saan sila dapat magdidinner. Noong gabi rin na iyon ay nagdesisyon siyang umuwi na lang dahil hindi siya ganoon ka kumportable na kasama si Marcio at Tres. Ni tawag o text ay wala siyang natatanggap mula rito. Nag uumpisa na siyang mag alala at hindi siya mapakali sa isang tabi. Her mind can't stop thinking over things that don't make sense at all. Kapag tinatanong niya naman si Marcio ay puro pagsusungit lang ang natatanggap niya. Napansin niya rin ang pagbabago ni Marcio matapos ang gabing iyon. Mas naging iritable ito at mainitin ang ulo.Hindi naman siya manghuhula para malaman ang lahat ng nangyayari. She hates being clueless! She hates it when she is worried about a blank space. Kahit update man lang sana, okay na siya doon. Pero ni 'ha' ni 'ho', wala.Mariin niyang hinilot ang kaniyang sintido. Nananakit na ito dahil sa walang tigil
Four months later…It's summer again. The heat of the afternoon used to make her the loneliest, but there's a lot of things changed in span of months. Every single trace of her old self seems to vanish in the air.She combed her hair with her fingers as she went to the cemetery to finally visit the grave of her parents. Not because she already forgave them, she just wanted to make sure that the pain they caused still lingers in her heart. She sighed. It's getting harder to breathe every time she remembers the heart-clenching moments she experiences way back. But the only consolation she was happy taking is that those horrible things made her stronger."You're suffering down there," She stated after her eyes landed on her father's grave. She took a deep breath, trying her best not to show any emotion. "I bet you both paying for your sins."Biglang umihip ang malakas na hangin. Pinakiramdaman niya ito at bigla siyang natawa ng
"Kaya mo na bang magmaneho?" tanong ni Tres kay Hendell. Katatapos lang ng shift nila at mag aalas tres 'y media na nang madaling araw. Kasalukuyan silang nasa parking lot at nagpapahangin. Nauna nang umalis si Marcio kaninang alas dose matapos ang huling set nito.Bumuga siya ng hangin at tinatamad na sumandal sa sasakyan nito. "Ewan. Siguro.""Try it," He threw her the keys and walked to the passenger side of the car. "Kailan ka pa ba ulit susubok? Kapag nabayaran niyo na ni Marcio 'yong utang niyo? Nako! Baka malabo na ang mga mata mo 'pag nangyari 'yon."He got a point there. But the question is, kaya na ba niya?"Hindi ka ba natatakot mamatay? Letting me drive after that accident?" She emphasizes the word 'accident' to stretch her whole point.But Tres doesn't seem affected or worried about it. He simply shrugs her shoulders. "You ca
Life is really full of surprises and unexpected moments. There's a lot of things in life we never thought, even once, to happen in a couple of seconds. Sometimes, it made us think, what will be the better option? 'Yong biglaan o 'yong dahan dahan?But either of the two, it will produce one outcome. Pain.Pain because things happen based on someone's favor and not yours. Pain because you were never really ready for many possibilities of tragedy. It will leave you breathless, speechless, and nothingness."Nasaan na si Alejandro?" Unang tanong niya nang makarating siya sa bar. Nang matanggap ang tawag ni Marcio, ay kaagad siyang nagbihis at tinakbo ang daan papunta sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi na siya nag atubili pa o nagdalawang isip na sumugod. She doesn't mind the four in the morning coldness or the danger she might get for going out alone. In just a little amount of time, naging malapit rin naman siya sa mata
Mabilis na lumakad paalis si Hendell bago pa siya tuluyang sumabog sa inis. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang pagchismisan ng mga iyon ng harap-harapan na parang wala lang siya sa tabi ng mga ito. Imagine, they are old- too old enough to attain a high level of understanding towards the younger generation pero sila pa itong nangunguna sa panghuhusga sa kapwa. Tuloy ay pinamamarisan ito ng mas nakababata sa kanila.That cycle should stop. It has to end bago pa maging basura ang mundo."Oh, mukha kang nalugi. Anong nangyari?" tanong ni Tres na nakatambay sa bungad ng gate niya.Naiinis na binuksan niya ang gate at pumasok. "Ang daming putakte sa mundo na 'to, Tres. May insecticides ba na mag e-eliminate ng mga taong peste sa mundo?"Rinig niya ang pagtawa nito habang sinusundan siya papasok ng bahay. "Wala pa yatang naiimbentong ganiyan. Kung sakaling mayroon man, siguradong bibili din si Ma
Fear is an unpleasant emotion caused by someone or something as likely to cause fear, threat, or danger.That is what Hendell felt when she recieve George De Castro's message. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa nakaraan. Noong mga panahong hindi niya alam kung paano siya mabubuhay nang may taong gusto siyang kunin. Unti-unting bumabalik ang takot niya dahil rito. Alam niyang nasa paligid lang si George. Kung noon ay nakatakas at napagtaguan niya ito, sigurado siyang ngayon ay hindi na ito makakapayag na malamangan at matakasan.Nanginginig na sumiksik siya sa sofa at huminga ng malalim ng ilang beses. Kailangan niyang kumalma dahil hindi makakatulong ang pag iyak at panginginig niya. Kailangan niyang makapag isip ng paraan para tuluyan nang mawala sa landas niya si George. Kailangan niyang maging mas matapang kung sakali mang magpapakita ulit ito sa kaniya.Noong dumating si Tres ay nagkunwari siyang ayos lang ang lahat. She greeted
Parang saglit na nabingi si Hendell sa narinig. Hindi niya alam kung anong sasabihin, o kahit na gagawin sa balita ni Marcio. Babalik si Harken? Bakit? At para ano pa? Itinikom niya ng maiigi ang kaniyang labi. Wala siyang maapuhap na sagot sa kaniyang sariling katanungan. "Okay ka lang Henny?" tanong ni Tres, nag-aalala. Hindi siya makasagot. Ang tanging alam lang niya ay may mga maliliit na kirot sa puso niya. Parang bubog, parang tinutusok ng karayom, parang unti-unting hinihiwa ng patalim. Paunti-unti ang sakit. Rinig niya ang padabog na pagtayo ni Marcio mula sa pagkakakupo. Hindi niya mabasa ang reaksyon nito. "Are you still hurting, H? Akala ko ba kinamumuhian mo siya?" Huminga siya ng malalim, biglang bumigat ang pakiramdam niya. "I hate him. Totoo 'yon. I hate him for hurting me and ruining my dreams for us. I hate him for leaving me behind." "Iyon naman
Sa isang seaside restaurant ako dinala ni Marcio. He is craving seafood raw kaya kahit hindi ko feel na kumain ngayon ng mga lamang dagat ay pumayag na lang ako. Naawa ako dahil mukhang gutom na siya sa tagal ng paghihintay niya sa akin kanina.Agad na umorder si Marcio pagkaupo namin sa pinakadulong puwesto ng restaurant. Huminga ako nang malalim at napapikit, ninanamnam ang malakas na ihip ng hangin.“Are you okay?” Napadilat ako sa tanong ni Marcio. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito.Ibinaling ko ang atensiyon ko sa box ng tissue na nakapatong sa lamesa at nilaro iyon. “Okay lang ako. Pagod lang siguro sa maghapon na pagtatrabaho.”Tumango ito at tinanggap ang sagot ko. May katotohanan naman din ‘yon. Pagod na pagod ako hindi lang sa pagtatrabaho, pagod din ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Parang gusto ko munang
HENDELL’S POVMabagal na lumipas ang mga araw. That night was horrible and traumatic. Harken and I never talk about what happened that night. We never talk about anything. At all. Sa limang araw na lumipas ay puro iwasan at ilangan. Like there’s no one would dare to open up about it. And heck, I will never see Alejandro’s bar the same way again. Even the alcohol would surely taste like new but familiar for sure.I simply put my right palm on my forehead. Every time that one specific memory comes into my mind, I couldn’t help but feel uncomfortable. Bakit ko ba sinabi iyon? Nakakahiya!“Mukha kang sabog, H. Ano bang nangyari habang wala ako?”Hindi ako agad makasagot sa tanong ni Marcio. Anong sasabihin ko? Na nagkalat ako sa harapan mismo ng kapatid niya at nagmukhang tanga? Na parang isang baliw na
Hendell’s POVAfter I utter a single prayer I decided to sort things out by walking. Wala akong destinasyon. Lakad lang ako ng lakad. Kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay gulong gulo na ako sa lahat.I don’t want to be the villain but I did something bad to someone. To Harken. Pero iyon lang ang alam kong tama. Ang saktan siya dahil sinaktan niya ako. Akala ko iyon ang tama. Akala ko iyon ang makapagpapasaya sa akin. Lahat na lang ng inakala kong tama siguro ay mga maling akala lang. I can’t feel any satisfaction. Instead, all I felt was a burden, never-ending hatred, and loneliness. Pagod na pagod na ako.“It’s okay. Gagawin ko ang lahat para maaprubahan ang investment mo. Trust me Harken, kapag sinabi ko, tutuparin ko.”“Huwag na. I think it’s all over for me Jelena. Sa tingin ko
Hendell."Rinig ni Hendell ang pagtawag sa kaniya ni Harken. Palabas na sana siya nang mamataan niyang nasa labas si Harken at tila may hinihintay. At marahil siya ang hinihintay nito. Bumuga siya ng hangin saka ito nilingon. "Bakit?" tanong niya. Madilim ang mukha nitong naglakad palapit sa kaniya. Nakakuyom ang mga kamay nito na parang gusto nitong manakit. "Totoo ba?!" Nabigla siya sa bulyaw nito. Hindi pa siya nakakahuma sa gulat ay muli itong sumigaw. "Ikaw ba 'yong kumuha ng package ko kahapon?!"Nag iwas siya ng tingin at patay malisyang sumagot. "Hindi. Saan mo naman napulot 'yang balitang 'yan? Binalita ba sa TV?""Huwag mo akong pilosopohin. Hindi mo kasama si Marcio ngayon kaya wala kang rason para magsalita ng pabalang." Masama ang tingin nito sa kaniya. Sobrang sama na halos makaramdam siya
Lately, everyone’s quite busy doing their own businesses. Hendell wasn’t ready for the silence and aloneness after a long time of loud and chaotic days she had. At first, it was okay. Tolerable. Having no one around felt like an end of the world for her. The silence really does.Marcio was out of town. He has some music gigs in the city. She wanted to come but he won’t let her. Maybe because Marcio was very particular in doing his thing alone. While Tres, on the other hand, went to his hometown to visit some immediate family. Christmas is fast approaching and the need to be with one family member is a must. And that made her sad.Sinubukan niyang tawagan si Monica ngunit nasa isang business seminar ito sa Singapore at hindi nito sinabi kung kailan ito uuwi. There is one person she knew, so far, available. But in the past weeks, Harken was always seen with Jelena. That girl helped him with his business and they’re quite closer than the last time
Ilang minutong nakatunganga lang si Hendell sa loob ng restaurant. Ilang minuto na rin mula noong makaalis si Jelena at Harken ngunit heto pa rin siya at halos hindi makagalaw sa kinauupuan.Nagseselos nga ba talaga siya? O dinadaya lang siya ng kaniyang imahinasyon? Possible iyon. Galit siya kay Harken at ang maging masaya ito sa piling ng iba ay ang pinakahuling bagay na hihilingin niya. Hindi maaaring siya lang ang nahihirapan."Miss oorder ka ba?" Napakurap siya sa tanong ng waiter na mukhang kanina pa nakatayo sa gilid niya. Umiling siya at nagmadaling lumabas ng restaurant. Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi siya dapat pumasok doon. Hindi siya dapat nagpadala sa agos ng damdamin.Pumasok siya ng sasakyan na tila wala pa rin sa maayos na pag-iisip. Kagat kagat ang labing isinandal ang sarili sa upuan, iniisip kung anong nangyayari sa kaniya. Naiinis siya hindi kaninuman, kung hindi sa sarili niya. Na
"Monica, can I ask you a question?" tanong ni Hendell nang makitang hindi na gaanong busy si Monica. Kani-kanina ay napakarami nitong tambak na trabaho at ayaw paistorbo. Nang makakita siya ng pagkakataon na kausapin ito ay hindi na siya nagdalawang isip pa.Nag-angat ito ng tingin mula papeles na kanina pa nito pinagmamasdan. "Ano 'yon?""May kilala ka bang George?" maingat na wika niya.Mukhang naging interesado ito. Itinabi nito ang ginagawa at itinutok sa kaniya ang buong atensyon. "George what?""De Castro," aniya at kaagad niyang napansin ang biglaang pagbabago ng reaksyon nito. That confirms na totoo ang sinasabi ng ex boyfriend nitong si Brent. Si George De Castro ang may pakana ng lahat ng nangyari rito at ang muntik na sanang mangyari sa kaniyang sinapit ni Monica.Kumuyom ang kamao nito at dahan-dahang huminga. Punong puno ng galit ang mga mata nito a
Nagising si Hendell sa isang malakas na katok. Inis na iminulat niya ang kaniyang mga mata at kaagad na tinignan ang orasan. Alas sais pa lang ng umaga.Huminga muna siya nang malalim bago pilitin ang sarili na bumangon. Sinong matinong tao ang mambubulabog nang ganito kaaga? At higit sa lahat ay umuulan pa?Mabibigat ang kaniyang mga hakbang na tinungo ang pinto. If this is not important, she'll gonna swear to every saint that she will punish the heck out of the person who disturbed her precious sleep.Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang mukha ni Marcio na halatang kagigising lang rin. Magulo pa ang mahaba nitong buhok at halos hindi pa naisusuot ang itim nitong t-shirt na pinutol ang dalawang manggas. Ni hindi pa ito nakapagtsinelas.Napakamot siya ng noo. "Anong ginagawa mo rito't nambubulahaw ka ng tulog?" pagtataray niya sabay taas ng kilay. Isa sa mga bagay n
'This is not a good idea.''It is,' mabilis na kontra ni Hendell sa kaniyang isip.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at sinalubong naman ito ni Mr. Fuentebella, ang matandang humawi kay Harken noong nakaraang araw. Nalaman niyang isa itong officer ng kumpanya at kailangan ni Harken ang tulong nito. But sad to say, Mr. Fuentebella was uninterested with his business."Bakit gusto mo akong makausap?" He asked. She saw his wrinkled eyes squints out of suspicion.She sips on her tea before she answers his question. "May gusto lang akong malaman mula sa'yo," aniya at inilabas ang isang dokumento. "Kilala mo ba ito?"Itinutok niya ang larawan ni Harken. Oo, desperado na siyang malaman kung ano ang kailangan nito sa matanda. Kailangan niyang malaman ang nangyayari para maisagawa niya ng maayos ang kaniyang plano."Kilala