Home / Romance / Can't Trust Summer / CHAPTER ELEVEN

Share

CHAPTER ELEVEN

Author: Nessui
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Umiiyak na napaupo si Hendell at napasandal sa pinto ng kaniyang kuwarto. Inaatake na naman siya ng kaniyang kalungkutan. Wala sa sariling napatingin siya sa orasan. It's two in the afternoon. 

Isa isang nagfaflashback sa kaniya ang lahat ng nangyari noon. Ganoon palagi ang nangyayari tuwing inaatake siya. Lahat ng masasakit na alaala ay nagiging dahilan ng kaniyang paghagulgol. Sa sobrang sakit ay parang mawawasak na ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang puso. She just wanted to live a normal life, mahirap bang ibigay iyon? Gusto niya lang magising ng walang bigat sa dibdib at walang tinatakasan at kinakalimutang bahagi ng kaniyang pagkatao. Gusto niya lang mabuhay. 

Pero bakit ayaw siyang tantanan ng kalungkutan?

She opened her laptop. Kailangan niya ng distraction at umaasa siyang online si Syria para kahit papaano ay mayroon siyang mapaglabasan ng kaniyang mga sentimiyento. Tuloy tuloy lang na pumapatak ang luha niya at nanlalabo ang paningin niya. She felt miserable and she can't stand it. 

"Please Syria, pick up the phone," Paulit ulit niyang sambit habang pinipigilan ang paghikbi. Unfortunately, Syria was online two hours ago and that means she is busy. She wiped her tears and stared at her reflection in the mirror. Bakit ang malas malas niya? Bakit kailangan niyang maramdaman ang mga iyon?

She felt extra emotional when the clock strikes at three. It seems like she is drowning and no one could ever save her from suffocation. Piniga niya ang kaniyang mga daliri habang umiiyak ngunit hindi 'non naialis ang nararamdaman niyang kahungkagan. For her, everything seems heavy yet empty at the same time and it is hard to feel something like that while you're still existing. Para kang buhay pero para ka na ring patay. 

Napakurap siya nang may narinig siyang pagkatok sa kaniyang pinto. Mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha at saglit na uminom ng tubig upang mawala ang bara sa kaniyang lalamunan. Inayos niya muna ang sarili hanggang sa maging kaaya aya ang kaniyang mukha bago niya buksan ang pinto.

Bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Harken na agad na napalitan ng pag aalala. Tinignan niya ang kabuuan nito. He is wearing a white polo and black pants, naka tsinelas lang ito, at may dalang isang garapon na may lamang cookies. 

"Are you okay? Anong nangyari?" nag aaalalang tanong nito. 

"Wa-wala ito. Bakit ka pala naparito?" she asks back.

"I'm going to give you this," aniya at iniangat ang dala. "But I think hindi lang itong cookies na 'to ang maiooffer ko sa'yo. Maybe you need someone to talk to? I am so much willing to listen."

"I am okay," matipid na sagot niya at nag iwas ng tingin. Ayaw niyang makita ang awa sa mga mata nito na parang nagpapahiwatig na habang buhay na siyang magiging mahina.

"We both know that you're not. Hendell hindi ba magkaibigan na tayo? Puwede mo akong pagkatiwalaan. You don't have to be alone anymore," saad nito na nakapagpaiyak sa kaniya ng tuluyan. Right. She is all alone and down at alam niya iyon. She is fully aware that no one would try or dare to ask her about what she feels or if something's bothering her. But seeing Harken standing on her doorstep makes her think that somehow, she is not alone after all. 

She stiffened when he hugged her. Napakahigpit na lalong nagpalakas ng kaniyang paghagulgol. Wala siyang ibang maisip na gawin ng mga oras na iyon kung hindi umiyak sa mga bisig nito. Kahit papaano ay lumuwag ng bahagya ang kaniyang naninikip na dibdib. 

"Okay ka na ba?" nananantyang tanong ni Harken pagkatapos siya nitong abutan ng isang baso ng tubig. Dahil ayaw niyang tuluyang magdrama sa labas ng bahay ay napagpasiyahan niyang pumasok at sumunod naman sa kaniya si Harken. Pareho silang nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa.

She sniffed. "I guess."

"Do you want to share it? If it's fine and maybe I can help," he said. 

"Kahit doktor ay hindi ako nagawang tulungan. But thanks for asking, anyway," sagot niya at ipinikit ang kaniyang mata. Oh, summer afternoons!

"I may not be a doctor and I may not help you heal totally, but you know? Maybe I can be your human handkerchief. Ang lungkot kasi lalo kapag umiiyak ka lang nang mag isa. Baka kamo kailangan mo ng audience," anito at ngumiti. She knows that he is trying to make her feel better at naaappreciate niya iyon. 

"Do I really need an audience? O makiki tsismis ka lang?" biro niya. 

Saglit itong nag isip at ngumisi kalaunan. "Both?"

Natawa siya sa banat nito. He is indeed a breath of fresh air. Sa mga ganitong pagkakataon, hinihiling niyang sana ay magtagal itong taong ito sa kaniyang buhay. Kahit naman na mahirap na sa kaniyang magtiwala ay hindi parin nawawala sa kaniya ang kagustuhan na sana, someday, may taong willing na mag-stick at mag stay. Siguro kapag ganoon, maiibsan na rin ang lungkot niya.

Harken cooked for her after that. He made a special carbonara and it tastes so good. Isang beses lang siyang nakatikim ng carbonara sa buong buhay niya at matagal na iyon kaya hindi naging mahirap sa kaniya na sabihin na ito ang pinaka masarap na carbonara na natikman niya. Mukhang natuwa naman si Harken na nagustuhan niya kaya hindi nito napigilan na yakapin siya ulit. Nakakailang ngunit hindi na lang siya nagkomento. 

"Alas sais na Harken. Baka may balak ka nang umuwi?" Parinig niya dahil mukhang wala itong balak na umalis. Nakahiga ito sa sofa at nagbabasa ng libro. "Puwede mo namang hiramin 'yang libro eh."

She saw his lips pouted. "Is that your way of saying; Lumayas ka na Harken at nakakaistorbo ka na?"

Napahalakhak siya sa narinig. Hawak hawak niya ang kaniyang tiyan dahil nag uumpisa na itong sumakit, but of course in a very fun and positive way. Which is surprising.

"Why are you laughing? Totoo, ano?" nakasimangot na tanong nito ngunit agad itong napalitan ng isang matamis na ngiti. Ibinaba nito ang librong hawak at umayos ng upo sa sofa. "You should laugh often. Gumaganda ka lalo." 

Namumula siyang nag iwas ng tingin at inabala ang sarili sa pag aayos ng kaniyang nagusot na damit. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon sa sinabi nito. He complimented her and it is nice to hear, but the thing is, she is not used to it. Nasanay siyang invisible sa paningin ng lahat kaya nakakailang.

"Totoo 'yong sinasabi ko at hindi ako nanghihingi ng barya para 'don. Wala lang, I think I should tell you what I see. In case lang na walang nangahas magsabi sa iyo 'non," anito at tumayo na. Nagpantay ang tingin nila noong lumapit ito sa kaniya. His eyes were smiling. "Maaga pa naman. Why don't we go for a walk or maybe roam around using Marcio's scooter?"

Agad na nalipat ang tingin niya sa nakalahad na kamay nito. Is it worth giving him my time? Is he worth it? Iyon ang mga tanong na nasa isipan niya. Kung wala lang siguro siyang issues sa buhay, kanina pa siguro siya nagtatalon at umoo. But there is something inside that commands her to think negatively about almost all things. Ngunit kung hindi niya lalabanan iyon ay baka tuluyan na siyang lamunin ng sarili niyang multo. 

Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Okay." sagot niya at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Sabay silang lumabas at tinungo ang bakuran ng mga Palmeras para kunin ang scooter ni Marcio. Namataan nila ang huli na nakaupo sa front porch at naninigarilyo. 

"Oh wow! Level up ah! May pa holding hands," tukso nito dahilan para bumitaw siya sa kamay ni Harken. 

"Kuya naman. Maiilang si Hendell sa pinagsasabi mo," anito at saglit siyang binalingan pagkatapos ay humarap ito ulit sa kapatid. "Puwede ko bang mahiram ang scooter mo? Ipapasyal ko sana si Hendell."

Saglit na nalukot ang mukha nito sa narinig ngunit agad din naman itong napalitan ng ngising nakakaasar. "Ayos ka Harken. Ikaw 'tong bagong salta ikaw pa 'tong magtotour kay H. Bilib na talaga ako sa'yo," anito at umiling iling. Pinatay nito ang sigarilyo at tamad na tumayo. Initsa nito ang susi kay Harken at tumalikod na. "Basta't iuwi mo nang ligtas si H, walang magiging problema. Mag iingat kayo."

Nang  mawala sa paningin nila si Marcio ay agad na tumingin sa kaniya si Harken at tinuro ang daan kung saan dumaan ang kapatid nito. "Anong nakain 'non?

Nagkibit balikat siya dahil miski siya ay nagtataka din. "Hindi ko din alam eh."

Pareho silang natigilan. Hindi sila makapaniwalang galing kay Marcio ang mga salitang iyon. Marcio is the type of hell-I-don't-care kind of guy so the 'ingat kayo' word coming from him seems hard to believe. Mag eend of the world na ba? O baka naman ay may bumabang anghel sa lupa at binugahan ito ng kabutihan dahil masiyado na itong nagiging kadiliman sa lupa? 

"Tara na, kinikilabutan na ako kay kuya," naibulalas ni Harken at mahina siyang hinila papunta sa itim na scooter ni Marcio. The good thing is may extra helmet ito kaya safe silang makakapaglibot. Besides, she needed the air to completely calm her system. Good timing ang pagyayaya ni Harken sa kaniya ngayon. 

Napangiti si Hendell habang binabagtas nila ang daan ng San Madrid. She was born and raised here but she never had the chance to familiarize the whole place. In fact, she was just passing one road over and over again. She never tried any turns, detours, or even get lost. And now, she is like a new person in a new town. Kung titingnan ay mas tiga rito pa si Harken kaysa sa kaniya. 

"Ang ganda ng view, ano?" aniya kay Harken. Nasa cliff sila kung saan siya dinala dati ni Harken at ngayon mas naappreciate niya ang kabuoan ng lugar. Ang dami na niyang napapansin na hindi niya nagawang tingnan noon. Ang daming nagbago. Ang dami niyang nakaligtaan.

Huminga ito ng malalim at dinama ang lakas ng hangin. "Sobra," sagot nito at ngumiti ng matamis. "Kitang kita natin ang San Madrid mula dito sa puwesto natin. Isn't amazing? We're like the king and queen of this world, kahit kunwari lang."

Sang ayon siya sa sinabi nito kaya itinaas niya ang dalawang kamay niya at dinama rin ang malakas na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. "I feel so powerful here Hark. It felt so good," she honestly said. 

"Yes, it is. And you were never powerless Hendell. You are always the queen and warrior of your own life." he said like he was so sure of it. Gusto niyang maniwala. Gustong gusto niyang panghawakan iyon para magpatuloy. 

She closed her eyes. "And I always lose. I was and always a loser. Ever since I was a kid, I was the weakest out of all the students. I tried to fight back when kids bullied me, but it was not enough. Kahit wala akong ginagawa bigla akong sinasambunutan, aasarin, pipikunin, papatirin, ipapahiya, pupukulan ng masamang tingin, sisisihin, iniiwan, pinapaiyak, at sinasaktan na parang wala akong damdamin."

"Gusto ko lang naman ng kaibigan," she bit her lips to avoid herself from crying. "Gusto ko lang naman na magustuhan nila ako. I know I am far from being perfect but is there someone out there who wanted me? 'Cause I always feel so unwanted. Hindi ako pinlano ng mga magulang ko and that makes me an unwanted child. They never love me. Kasi… kasi kung mahal nila ako, hindi nila ako magagawang ibenta ng basta basta kapalit ng pera."

Harken hold her hand. Hindi ito nagsalita, nanatili lang itong nakikinig sa kaniya. 

"I did try my best not to disappoint them, even if I am not happy with it. Hanggang ngayon Hark, nalilito parin ako. I was diagnosed with SAD. You know what that means?" humihikbing tanong niya. Iling lang ang sagot nito. "Social Anxiety Disorder. I am afraid of human interaction and afraid of their responses. I tend to overthink a lot, negatively. My mind is always a mess. I am too scared of doing something because my mind is always telling me that I will end up failing it."

Unti unti siyang humarap kay Harken. Tumingin siya sa mga mata nito. "Now tell me, do you still want to be friends with me?"

Related chapters

  • Can't Trust Summer   CHAPTER TWELVE

    "Now tell me, do you still want to be friends with me?"It was a tricky question coming from Hendell but Harken never thought of giving up just because of her self-doubt. Hindi ganoon ang gusto niyang ipakita rito. He always saw Hendell as a beautiful and strong woman hiding in a girl who can't move on from her past. Aaminin niya, noong una ay curiosity lang talaga ang nag udyok sa kaniya para lapitan ito. But later on, every single day that he spent with her? Hindi na curiosity ang kumikilos sa kaniya. It's the willingness and the wantness to be with her that talks.Because he likes her. Yes, in that short period of time. Hindi niya alam kung paano o kailan nag umpisa. He just found himself waking up in the morning and wanting to jump out of the window to see her right away. To start his day right. 'Cause seeing her felt right.Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Sa ganitong paraan man lang, maramd

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTEEN

    Kusang loob na sumama si Hendell kay Harken, hindi dahil sa nakokonsensiya siya o napipilitan. Gusto niya subukan na maging normal katulad nito. Now that Harken is beside her, she suddenly felt brave. Not the brave like no fear like. Iyon bang nagkaroon siya ng kaunting kumpiyansa dahil alam niyang nasa tabi niya lang ito."Ready?" nakangiting tanong nito nang makarating sila sa orphanage. She gulped. Ngayong nasa harapan na siya ng gate ay parang hinigop yata ang lahat ng lakas niya. Nanginginig at pinagpapawisan na rin ang mga kamay niya. It is funny because nothing happened yet but here she is, acting like everyone already harmed her."Yeah, I think so," alanganing sagot niya."Kung hindi mo talaga kaya, puwede naman tayong bumalik. Hindi kita pinipilit o inoobliga kitang samahan ako. My intention was to help you come out of your shell and I thought, this was the perfect place you could adjust. Dito kasi walang manghuhusga

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTEEN

    First time na maramdaman ni Hendell ang kalayaang ipinagkait sa kaniya nang matagal na panahon. Kalayaang, sabihin ang nasa loob ng kaniyang puso. She finally confessed. At wala siyang makapang pagsisisi o pangamba. He made her brave and she will be forever grateful because he managed to awaken her inner strength. At sa pamamagitan nito iyon unang lumabas.She's trembling but she anticipating his response. Oo nga't nagtapat ito sa kaniya noong nakaraang linggo, pero maaaring mag iba ang magiging sagot nito ngayon. Kailangan niyang maging handa sa kung ano man ang kalalabasan."You like me?" Basag ni Harken sa ilang segundong katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa.Nakagat niya ang ibabang labi niya saka tumango. "Oo. Gu- gusto kita."She is proud of herself for not sounding stupid. She wants to congratulate herself for finally being true to her own emotions. Na sa wakas, napagbigyan niya na rin ang tinitibok ng puso

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FIFTEEN

    Ilang araw nang walang paramdam si Harken kay Hendell magmula noong biglaan itong umalis ng restaurant kung saan sila dapat magdidinner. Noong gabi rin na iyon ay nagdesisyon siyang umuwi na lang dahil hindi siya ganoon ka kumportable na kasama si Marcio at Tres. Ni tawag o text ay wala siyang natatanggap mula rito. Nag uumpisa na siyang mag alala at hindi siya mapakali sa isang tabi. Her mind can't stop thinking over things that don't make sense at all. Kapag tinatanong niya naman si Marcio ay puro pagsusungit lang ang natatanggap niya. Napansin niya rin ang pagbabago ni Marcio matapos ang gabing iyon. Mas naging iritable ito at mainitin ang ulo.Hindi naman siya manghuhula para malaman ang lahat ng nangyayari. She hates being clueless! She hates it when she is worried about a blank space. Kahit update man lang sana, okay na siya doon. Pero ni 'ha' ni 'ho', wala.Mariin niyang hinilot ang kaniyang sintido. Nananakit na ito dahil sa walang tigil

  • Can't Trust Summer   CHAPTER SIXTEEN

    Four months later…It's summer again. The heat of the afternoon used to make her the loneliest, but there's a lot of things changed in span of months. Every single trace of her old self seems to vanish in the air.She combed her hair with her fingers as she went to the cemetery to finally visit the grave of her parents. Not because she already forgave them, she just wanted to make sure that the pain they caused still lingers in her heart. She sighed. It's getting harder to breathe every time she remembers the heart-clenching moments she experiences way back. But the only consolation she was happy taking is that those horrible things made her stronger."You're suffering down there," She stated after her eyes landed on her father's grave. She took a deep breath, trying her best not to show any emotion. "I bet you both paying for your sins."Biglang umihip ang malakas na hangin. Pinakiramdaman niya ito at bigla siyang natawa ng

  • Can't Trust Summer   CHAPTER SEVENTEEN

    "Kaya mo na bang magmaneho?" tanong ni Tres kay Hendell. Katatapos lang ng shift nila at mag aalas tres 'y media na nang madaling araw. Kasalukuyan silang nasa parking lot at nagpapahangin. Nauna nang umalis si Marcio kaninang alas dose matapos ang huling set nito.Bumuga siya ng hangin at tinatamad na sumandal sa sasakyan nito. "Ewan. Siguro.""Try it," He threw her the keys and walked to the passenger side of the car. "Kailan ka pa ba ulit susubok? Kapag nabayaran niyo na ni Marcio 'yong utang niyo? Nako! Baka malabo na ang mga mata mo 'pag nangyari 'yon."He got a point there. But the question is, kaya na ba niya?"Hindi ka ba natatakot mamatay? Letting me drive after that accident?" She emphasizes the word 'accident' to stretch her whole point.But Tres doesn't seem affected or worried about it. He simply shrugs her shoulders. "You ca

  • Can't Trust Summer   CHAPTER EIGHTEEN

    Life is really full of surprises and unexpected moments. There's a lot of things in life we never thought, even once, to happen in a couple of seconds. Sometimes, it made us think, what will be the better option? 'Yong biglaan o 'yong dahan dahan?But either of the two, it will produce one outcome. Pain.Pain because things happen based on someone's favor and not yours. Pain because you were never really ready for many possibilities of tragedy. It will leave you breathless, speechless, and nothingness."Nasaan na si Alejandro?" Unang tanong niya nang makarating siya sa bar. Nang matanggap ang tawag ni Marcio, ay kaagad siyang nagbihis at tinakbo ang daan papunta sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi na siya nag atubili pa o nagdalawang isip na sumugod. She doesn't mind the four in the morning coldness or the danger she might get for going out alone. In just a little amount of time, naging malapit rin naman siya sa mata

  • Can't Trust Summer   CHAPTER NINETEEN

    Mabilis na lumakad paalis si Hendell bago pa siya tuluyang sumabog sa inis. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang pagchismisan ng mga iyon ng harap-harapan na parang wala lang siya sa tabi ng mga ito. Imagine, they are old- too old enough to attain a high level of understanding towards the younger generation pero sila pa itong nangunguna sa panghuhusga sa kapwa. Tuloy ay pinamamarisan ito ng mas nakababata sa kanila.That cycle should stop. It has to end bago pa maging basura ang mundo."Oh, mukha kang nalugi. Anong nangyari?" tanong ni Tres na nakatambay sa bungad ng gate niya.Naiinis na binuksan niya ang gate at pumasok. "Ang daming putakte sa mundo na 'to, Tres. May insecticides ba na mag e-eliminate ng mga taong peste sa mundo?"Rinig niya ang pagtawa nito habang sinusundan siya papasok ng bahay. "Wala pa yatang naiimbentong ganiyan. Kung sakaling mayroon man, siguradong bibili din si Ma

Latest chapter

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTY TWO

    Sa isang seaside restaurant ako dinala ni Marcio. He is craving seafood raw kaya kahit hindi ko feel na kumain ngayon ng mga lamang dagat ay pumayag na lang ako. Naawa ako dahil mukhang gutom na siya sa tagal ng paghihintay niya sa akin kanina.Agad na umorder si Marcio pagkaupo namin sa pinakadulong puwesto ng restaurant. Huminga ako nang malalim at napapikit, ninanamnam ang malakas na ihip ng hangin.“Are you okay?” Napadilat ako sa tanong ni Marcio. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito.Ibinaling ko ang atensiyon ko sa box ng tissue na nakapatong sa lamesa at nilaro iyon. “Okay lang ako. Pagod lang siguro sa maghapon na pagtatrabaho.”Tumango ito at tinanggap ang sagot ko. May katotohanan naman din ‘yon. Pagod na pagod ako hindi lang sa pagtatrabaho, pagod din ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Parang gusto ko munang

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTY ONE

    HENDELL’S POVMabagal na lumipas ang mga araw. That night was horrible and traumatic. Harken and I never talk about what happened that night. We never talk about anything. At all. Sa limang araw na lumipas ay puro iwasan at ilangan. Like there’s no one would dare to open up about it. And heck, I will never see Alejandro’s bar the same way again. Even the alcohol would surely taste like new but familiar for sure.I simply put my right palm on my forehead. Every time that one specific memory comes into my mind, I couldn’t help but feel uncomfortable. Bakit ko ba sinabi iyon? Nakakahiya!“Mukha kang sabog, H. Ano bang nangyari habang wala ako?”Hindi ako agad makasagot sa tanong ni Marcio. Anong sasabihin ko? Na nagkalat ako sa harapan mismo ng kapatid niya at nagmukhang tanga? Na parang isang baliw na

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTY

    Hendell’s POVAfter I utter a single prayer I decided to sort things out by walking. Wala akong destinasyon. Lakad lang ako ng lakad. Kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay gulong gulo na ako sa lahat.I don’t want to be the villain but I did something bad to someone. To Harken. Pero iyon lang ang alam kong tama. Ang saktan siya dahil sinaktan niya ako. Akala ko iyon ang tama. Akala ko iyon ang makapagpapasaya sa akin. Lahat na lang ng inakala kong tama siguro ay mga maling akala lang. I can’t feel any satisfaction. Instead, all I felt was a burden, never-ending hatred, and loneliness. Pagod na pagod na ako.“It’s okay. Gagawin ko ang lahat para maaprubahan ang investment mo. Trust me Harken, kapag sinabi ko, tutuparin ko.”“Huwag na. I think it’s all over for me Jelena. Sa tingin ko

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY NINE

    Hendell."Rinig ni Hendell ang pagtawag sa kaniya ni Harken. Palabas na sana siya nang mamataan niyang nasa labas si Harken at tila may hinihintay. At marahil siya ang hinihintay nito. Bumuga siya ng hangin saka ito nilingon. "Bakit?" tanong niya. Madilim ang mukha nitong naglakad palapit sa kaniya. Nakakuyom ang mga kamay nito na parang gusto nitong manakit. "Totoo ba?!" Nabigla siya sa bulyaw nito. Hindi pa siya nakakahuma sa gulat ay muli itong sumigaw. "Ikaw ba 'yong kumuha ng package ko kahapon?!"Nag iwas siya ng tingin at patay malisyang sumagot. "Hindi. Saan mo naman napulot 'yang balitang 'yan? Binalita ba sa TV?""Huwag mo akong pilosopohin. Hindi mo kasama si Marcio ngayon kaya wala kang rason para magsalita ng pabalang." Masama ang tingin nito sa kaniya. Sobrang sama na halos makaramdam siya

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY EIGHT

    Lately, everyone’s quite busy doing their own businesses. Hendell wasn’t ready for the silence and aloneness after a long time of loud and chaotic days she had. At first, it was okay. Tolerable. Having no one around felt like an end of the world for her. The silence really does.Marcio was out of town. He has some music gigs in the city. She wanted to come but he won’t let her. Maybe because Marcio was very particular in doing his thing alone. While Tres, on the other hand, went to his hometown to visit some immediate family. Christmas is fast approaching and the need to be with one family member is a must. And that made her sad.Sinubukan niyang tawagan si Monica ngunit nasa isang business seminar ito sa Singapore at hindi nito sinabi kung kailan ito uuwi. There is one person she knew, so far, available. But in the past weeks, Harken was always seen with Jelena. That girl helped him with his business and they’re quite closer than the last time

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY SEVEN

    Ilang minutong nakatunganga lang si Hendell sa loob ng restaurant. Ilang minuto na rin mula noong makaalis si Jelena at Harken ngunit heto pa rin siya at halos hindi makagalaw sa kinauupuan.Nagseselos nga ba talaga siya? O dinadaya lang siya ng kaniyang imahinasyon? Possible iyon. Galit siya kay Harken at ang maging masaya ito sa piling ng iba ay ang pinakahuling bagay na hihilingin niya. Hindi maaaring siya lang ang nahihirapan."Miss oorder ka ba?" Napakurap siya sa tanong ng waiter na mukhang kanina pa nakatayo sa gilid niya. Umiling siya at nagmadaling lumabas ng restaurant. Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi siya dapat pumasok doon. Hindi siya dapat nagpadala sa agos ng damdamin.Pumasok siya ng sasakyan na tila wala pa rin sa maayos na pag-iisip. Kagat kagat ang labing isinandal ang sarili sa upuan, iniisip kung anong nangyayari sa kaniya. Naiinis siya hindi kaninuman, kung hindi sa sarili niya. Na

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY SIX

    "Monica, can I ask you a question?" tanong ni Hendell nang makitang hindi na gaanong busy si Monica. Kani-kanina ay napakarami nitong tambak na trabaho at ayaw paistorbo. Nang makakita siya ng pagkakataon na kausapin ito ay hindi na siya nagdalawang isip pa.Nag-angat ito ng tingin mula papeles na kanina pa nito pinagmamasdan. "Ano 'yon?""May kilala ka bang George?" maingat na wika niya.Mukhang naging interesado ito. Itinabi nito ang ginagawa at itinutok sa kaniya ang buong atensyon. "George what?""De Castro," aniya at kaagad niyang napansin ang biglaang pagbabago ng reaksyon nito. That confirms na totoo ang sinasabi ng ex boyfriend nitong si Brent. Si George De Castro ang may pakana ng lahat ng nangyari rito at ang muntik na sanang mangyari sa kaniyang sinapit ni Monica.Kumuyom ang kamao nito at dahan-dahang huminga. Punong puno ng galit ang mga mata nito a

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY FIVE

    Nagising si Hendell sa isang malakas na katok. Inis na iminulat niya ang kaniyang mga mata at kaagad na tinignan ang orasan. Alas sais pa lang ng umaga.Huminga muna siya nang malalim bago pilitin ang sarili na bumangon. Sinong matinong tao ang mambubulabog nang ganito kaaga? At higit sa lahat ay umuulan pa?Mabibigat ang kaniyang mga hakbang na tinungo ang pinto. If this is not important, she'll gonna swear to every saint that she will punish the heck out of the person who disturbed her precious sleep.Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang mukha ni Marcio na halatang kagigising lang rin. Magulo pa ang mahaba nitong buhok at halos hindi pa naisusuot ang itim nitong t-shirt na pinutol ang dalawang manggas. Ni hindi pa ito nakapagtsinelas.Napakamot siya ng noo. "Anong ginagawa mo rito't nambubulahaw ka ng tulog?" pagtataray niya sabay taas ng kilay. Isa sa mga bagay n

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY FOUR

    'This is not a good idea.''It is,' mabilis na kontra ni Hendell sa kaniyang isip.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at sinalubong naman ito ni Mr. Fuentebella, ang matandang humawi kay Harken noong nakaraang araw. Nalaman niyang isa itong officer ng kumpanya at kailangan ni Harken ang tulong nito. But sad to say, Mr. Fuentebella was uninterested with his business."Bakit gusto mo akong makausap?" He asked. She saw his wrinkled eyes squints out of suspicion.She sips on her tea before she answers his question. "May gusto lang akong malaman mula sa'yo," aniya at inilabas ang isang dokumento. "Kilala mo ba ito?"Itinutok niya ang larawan ni Harken. Oo, desperado na siyang malaman kung ano ang kailangan nito sa matanda. Kailangan niyang malaman ang nangyayari para maisagawa niya ng maayos ang kaniyang plano."Kilala

DMCA.com Protection Status