“E-Eon? Ba't ka pumasok dito? Lumabas ka baka mahuli tayo ni nanay," nag-aalala kong sabi pero ngumiti lang siya nang pilyo sabay inamoy-amoy ang leeg ko. "Bakit? Wala naman tayong gagawing masama ah? Yayakapin lang naman kita,” sabi niya lang at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa bewan ko. "K-kahit na, noh? Labas na dali," pagpupumiglas ko at tinulak siya papunta sa may pinto ng kwarto ko. Pero agad kaming natahimik nang biglang may kumatok. "Tok! Tok! Nak?" "Lagot si nanay," balisa kong saad at sa takot ko ay natulak ko si Eon papunta sa may aparador at pinapasok siya dito. Tapos ay inayos ko ang sarili ko bago pinagbuksan si nanay ng pinto. “Nay bakit po?” may ngiti kong bungad. "Labas ka na r’yan, nak. Kakain na tayo," may ngiting tugon ni nanay. "O-opo nay. Magbibihis lang po ako," nauutal kong sabi. "Okay bilisan mo na d'yan at lalamig na 'yung mga pagkain. Teka, nakita mo ba si Eon nak? Hindi ko siya mahanap eh?” "Ah, ba-baka nagpapahangin lang po ‘yun sa labas nay,
Elleon “Na-nay!” Bahagyang napaatras si Neri nang bumungad sa ‘min ang nanay niya at kunot noong nakatitig sa ‘min. “Umamin nga kayong dalawa sa ‘kin. Nagliligawan pa ba talaga kayo oh matagal ng may kayo?” galit na tonong ani tita. “Na-nay ka-kasi p—“ “Iyung totoo lang sana Neri. Alam mong ayoko sa mga taong sinungalin?” Sasagot na sana si Neri nang bigla kong hawakan nang mahigpit ang kamay niya sabay sabi, “ma-matagal na pong may kami tita. So-sorry po kung nagsinungaling kami sa inyo,” imbento ko at bahagyang pinisil ni Neri ang kamay ko, tapos pinanlakihan ako ng mata. “May nangyari na ba sa inyo?” tanong muli ni tita at tinitigan niya si Neri mula ulo hanggang paa. Nakatapis pa rin kasi si Neri ng t’walya. “O-opo, nay. So-sorry po,” nakayukong sagot ni Neri, sabay napabuntong hininga si tita at napahilot sa noo niya. Tapos nagsimulang maging emotional ang expression nito. “Neri bakit bumigay ka agad? Hindi ka pa tapos mag-aral ‘di ba? Saka hindi pa kayo mag-asawa? Si
Neri Nang makarating na kami ng Maynila ay akala ko ide-deretsyo na ako ni Elleon sa boarding house. Pero nagtataka ako dahil ibang lugar na itong dinadaanan namin. Mayamaya ay huminto na kami sa isang pinakamalaki at luxurios na hotel dito sa Manila. Tapos bumaba na si Eon at pinagbuksan ako."Let's go," may ngiting aniya sabay hinawakan ang kamay ko. Tapos bumaba na ako. "Anong gagawin natin dito, Elleon?" mausisa kong tanong sa kan'ya. "Basta," sagot niya lang sabay naglakad na kami papasok nitong hotel.Mayamaya ay nasa tapat na kami ng isang hotel room at nang bumukas 'to ay bumungad sa ‘min ang familiar na babae at siya'y nakangiti."Zia!" Gulat kong reak’syon sabay bineso niya ako tapos niyakap. "Welcome back, Neri," masayang aniya at napayakap na rin ako sa kan'ya."Pa'no cous? Ikaw na muna ang bahala sa kan'ya okay?” may ngiting ani Eon tapos mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at tumalikod na."Te-teka, sa'n ka papunta? H-hoy, Elleon?" malakas kong tawag p
Elleon Medyo tahimik na ngayon ang paligid dahil kami na lang dalawa ni Neri dito sa rooftop. Magkatabi kami ngayong nakaupo at nagsimula na kaming mag-dinner. “Here love, your favorite,” may ngiti kong sabi sabay sinubuan ko siya ng broccoli. Pero ‘di niya ‘to nakain dahil binawi ko ‘to agad sa bibig niya gamit ang bibig ko. Dahilan para mahampas niya ako nang bahagya sa braso. “Elleon, ang sama neto.” Ngumisi lang ako ng pilyo saka nilagyan ko na nang maraming broccoli ang plate niya. Tapos nilagyan ko ng red wine ang baso niya. “Nakakatuwa love. Pareho pala nating favaourite ang broccoli,” may ngiti kong saad. “Weh? Eh tinatabi mo nga lang ‘yan no’n sa plato mo, eh!” ‘di naniniwalang aniya. “Eh kasi ihuhuli ko sana dapat kakainin no’n. Kaso antakaw mo. Ninakaw mo agad sa plato ko,” natatawa kong saad, at natawa rin siya. “By the way, love? Pa’no mo nga pala ako naging crush? And anong nakain mo ba’t naging crush mo’ko?” curious kong tanong na may kasamang ngiti. “Uhm. Naa
Neri Agad akong nagising nang maramdaman ng mukha ko ang init ng sikat ng araw na nangagaling sa may bintana. Saka ko na pagtanto na nasa kwarto pala ako ni Eon. Lumingon agad ako sa tabi ko pero wala siya. Saka tumingin ako sa katawan ko na ngayon ay hubot hubad at tanging kumot lang ang nakatapis. “May nangyari ba sa ‘min kagabi? Hayst, wala akong maalala,” tanong ko sa isip at medyo masakit ang ulo ko. Bumangon na agad ako at sinuot ang white t-shirt ni Eon na nasa kama. Hanggang legs ko lang ‘to at hindi na ako nagsuot ng underwear. Tapos lumabas na ako ng kwarto at hinanap siya. Hindi ko siya nakita sa sala kaya tumungo ako ng kusina, pero maging do’n ay wala rin siya. Kaya lumabas ako ng bahay at doon ko siya natagpuan. Nasa garden siya ngayon at nakatayo sa harap ng mesa habang naglalatag ng mga pagkain. “Love!” may ngiti kong tawag. Agad naman siyang napalingon at nginitian ako. “Love, gising ka na pala! Hali ka na breakfast na tayo,” masayang aniya habang papalap
Neri “Uy, teh! Chika mo namin sa ‘min ‘yung nakita namin kanina. Ba’t kayo magka-holding hands ni Elleon? Nagdi-date ba kayo?” curious na tanong sa ‘kin ng kaklase kong gay. Tumango naman ako bilang sagot. “Aaackk! Ang swerte mo naman, te! Ang haba ng hair mo, huh?” kinikilig na reaksiyon nito. Pero ‘yung ibang mga babaeng classmate ko ay ang sama kung makatingin sa ‘kin. Pero hindi ko na lang ‘to pinansin. Ilang oras lang ay lunch break na namin. Bahagya naman akong nagulat nang makita ko si Eon sa labas ng classroom namin na nakatalikod habang nag-aabang. “Love!” may ngiting tawag ko at agad siyang napalingon sa ‘kin. “Love! Let’s go?” may ngiting aniya sabay lumapit sa ‘kin. Hindi ko naman maiwasang mapalingon sa paligid dahil pinagtitingan pa rin kami no’ng ibang estudyante. Kinuha na agad ni Eon ang bag ko saka lumakad na kami. Mayamaya ay agad kaming napahinto nang makasalubong namin si Cherry. “Naku, mukang ‘di na pala kita kailangang puntahan dito sa departmant mo. M
Neri Kinabukasan, kahit antok na antok pa ako at tinatamad pang bumangon ay pilit akong napamulat. Pa’no ba naman kasi, napakabaho ng perfume na naaamoy ko ngayon. Nang inikot-ikot ko ang mga mata sa paligid nitong kwarto ay si Cherry pala itong nagpapabango. Nagpapaganda siya ngayon habang nakaraharap sa salamin. “Oh gurl, gising ka na pala. Bumangon ka na d’yan at mayamaya nandiyan na ang ka-live in partner mo,” pabirong ani Cherry. Napangisi lang ako nang bahagya habang nababahuan pa rin ako ngayon sa amoy ng perfume niya. Hindi ko maintindihan ang nafi-feel ko ngayon para akong nasusuka, sa amoy nito. At hindi ko na nga napigilan at naduwal na nga ako. Kaya napabangon agad ako sa kama at kumaripas nang takbo patungong banyo. “Ay anyare?” malakas na saad ni Cherry, tapos sinundan niya ako sa banyo. “Ba’t nagsusuka ka, gurl?” curious niyang tono. “Ang baho kase ng pabango mo, Che. Nasusuka ako sa amoy,” tugon ko habang hawak ko ang sikmura ko. “Ay grabe ka gurl, ha? Naka
Elleon “Good morning, sir!” malakas at masiglang bati ni Neri sa lalaking costumer na ngayon ay kakapasok lang dito sa cafe. Matangkad ito at may itsyura rin. Agad naman siyang nilapitan ni Neri at tinanong ang order nito. “Ano po ang order niyo, sir?” may ngiting ani Neri dito. “Kevin na lang, miss. Parang nakakatanda kasi agad pag may po,” pabirong saad naman nito kay Neri, at pareho silang napangisi. Dahil do’n ay ‘di ko maiwasang mapakunot noo. Nakaupo ako ngayong nakaharap sa laptop ko at malapit lang ako sa kanila. Hinihintay ko ngayong mapalingon si Neri sa ‘kin, para sana masamaan ko siya nang tingin at lumayo na sa lalaking costumer. Pero hindi siya lumilingon at nakangiti lang habang nililista ang order nung lalaking costumer. Umalis naman agad si Neri at tumungo ng bar counter para kunin ang order nito. Mayamaya ay nakabalik na siya dala-dala ang tray na may lamang order nitong lalaking costumer. Nang ilalapag na sana niya ‘yung kape ay bigla na lang may dalawang
Nagising na lang si Elleon kinabukasan dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Pagkadilat niya ay bahagya siyang nagulat nang makita niya sina Zia, Calvin, Dwayne at Lexter sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagawa niyo dito sa room ko?” “Eh ikaw cous? Anong ginagawa mo do’n sa bar na ‘yon kagabi with Kayla?” taas kilay naman na tanong ni Zia. “What? Wala akong ma-remember na kasama namin si Kayla kagabi? Sila Calvin lang ang kasama ko kagabi?!” “Hmm, mukang nasalisihan kayo ni Kayla kagabi, cous. Hinintay niya lang na makaalis itong sina Calvin, para masolo ka niya,” pa-cross arms na ani Zia. “Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babeng ‘yun sayo kagabi?” dagdag pa ni Zia. “Why? What happened, Z?” kinakabahang tono ni Eon. “Ginamit niya lang naman ang phone mo at nag-post siya sa social media account mo ng pictures niyo na magkahalikan?!” “What? Damn, where’s my phone, idi-delete ko?” balisang ani Eon. “Tapos na, cous. I delete it na, but just wish na hindi ‘yun nakita ni Neri
Samantala, sa bar naman na kinaroroonan nina Eon ay isa-isa ng nagsitayuan ang mag kabigan niya para umalis.“Pa’no guys. Mauuna na ako sa inyo. Maaga pa kasi ako bukas, eh,” naunang paalam ni Calvin.“Ako rin mga dude, kailangan ko pang puntahan ngayon ang girlfriend ko,” segunda naman ni Dwayne.“Hoy, Lexter! Sabay na kayo umuwi nitong si Eon, huh? Marami- rami na rin ang nainom niyan,” bilin ni Calvin.“Oo, sige na. Umalis na kayo,” may ngiting saad ni Lexter at medyo lasing na rin to nang konti. Habang si Elleon naman ay walang kibo at nakasimangot lang ang mukha hababang pinagmamasdan ang pictures nila ni Neri sa kanyang cellphone.Mayamaya ay may tatlong babae na lumapit sa kanila. Magaganda ang mga ito ngunit sila ay mga prostitute. “Hi, mga pogi!” malanding boses ng isa sa mga ito sabay umupo ‘yung isa sa tabi ni Eon. Habang ‘yung dalawa naman ay nakapulupot agad kay Lexter.“Get you hands off me!” masungit na saad ni Eon nang simulan siyang himasan nung pokpok na tumabi sa
Third person povMagda-dalawang araw na mula no’ng huling magkasama sina Neri at Elleon. Ang binata ay nasa isang construction company ngayon para sa kanyang internship. Habang si Neri naman ay nasa Batanggas pa rin at patuloy na sinusuyo ang ina nito.Pero kapag may free time naman ang dalawa ay nagkakapagusap pa rin naman sila through video call. Nasa tabi ng dagat ngayon si Neri at ramdam niya ang napakalamig at napakalakas na hangin. Dahil kasi ito sa paparating na bagyo. Abala siya ngayon na pinipindot ang cellphone niya at kino-contact ang number ni Elleon.“Love, kumusta?!” masayang bungad nito nang sagutin na ni Eon ang video call.“Heto love, nami-miss ka,” may ngiti ngunit may lungkot sa boses ni Eon.“Ako rin naman love,” may lungkot din na ani Neri.“By the way, love. Nag-start na pala ako mag OJT. I’m here sa isang construction site,” may ngiting ani Eon sabay ipinakita kay Neri ang under construction na building sa likuran niya.“Masaya ako for you, love. Ingat
"Ako lang po, nay,” biglang saad ni Elleon at agad silang napalingon dito."Eon! Anong ibig mong sabihin?" may kyuryosidad na tanong ni Gloria.“No’ng gabi po kasi na pumunta si Neri sa night club na ‘yon. Ako po ang costumer niya no’n. Pero tita after po ng gabing ‘yun. Hindi ko na po ulit pinabalik si Neri sa club na ‘yon. Nakipag-deal po ako sa kanya na sa ‘kin niya lang po ipapagamit ang kata—“ Hindi natuloy ni Eon ang sasabihin nang bigla rin siyang sampalin sa pisngi ni Gloria."Kahit na, Elleon! Naisipan niya pa rin ibenta ang katawan niya!” galit pa rin na saad ni Gloria pagkatapos ay tumalikod na ito.“Nay, sandali po,” mangiyak ngiyak na tawag ni Neri, ngunit hindi na siya nilingon pa ng kanyang ina. Niyakap na lamang siya ni Elleon at pinigilan.“It’s okay, love. Pahupain muna natin ang galit niya,” may lungkot na ani Eon habang yakap pa rin ang kanyang nobya.Mayamaya’y dumistansya na si Neri sa kanya at tumungo ito sa kanilang kwarto. “Hey, love!” tawag ni Elleon ngunit
Third person pov“Buntis ka ba, love?” Mga salitang paulit-ulit ngayong inaalala ni Neri. Akmang sasagutin niya na sana si Elleon kanina ngunit bigla na lang tumunog ang phone nito. Marami pa namang oras kaya pinili muna ni Neri na unahin muna ni Eon ang mommy nito bago niya sabihin ang tungkol sa batang nasa sinapupunan niya.“H’wag kang mag-aalala, baby. Pagbalik ng daddy mo, sasabihin ko na sa kanya na pinagbubuntis kita!” may ngiting saad ni Neri. Hawak-hawak niya ngayon ang tiyan niya at masaya niya itong hinihimas. Hindi na siya makapaghintay pa na sabihin kay Elleon ang tungkol dito. Kahapon niya pa ito sana balak sabihin pero wrong timing dahil sa nangyari sa mommy nito.Samantala, sa kanilang lugar naman sa Batangas. Lingid sa kaalaman ni Neri na pinagchi-chismisan ngayon do’n ang pangalan niya ng mga marites. Mga kapitbahay nila ito do’n sa Isla Verde at pinaguusapan siya ngayon ng mga ito habang nasa palengke ang mga ito ng Batangas. Sa palengke ito kung sa’n nagtitinda n
Elleon “Mom!” malakas kong tawag pagkapasok pa lang namin ni Neri sa gate nitong bahay namin. Ngayon pa lang ang unang balik ko rito at medyo nanibago ako. “Na-naku, Sir Elleon. Kayo po pala!” masayang bungad sa ‘min ng mga kasambahay namin dito. “Where’s mom? Gusto ko siyang makausap!” galit kong tono. “Ah, na-nasa room niya po siya, sir. Wait po, tawagin ko lang siya.” “Hindi na, ako na ang pupunta sa kanya!” galit ko pa ring tono at tatalikod na sana pero pinigilan ako ni Neri. “Love, please! Umuwi na lang tayo!” pakiusap niya sa ‘kin. “Neri, dito ka lang. Maghintay ka dito!” saad ko lang at muling tumalikod. “Love!” tawag niya pero ‘di na ako lumingon. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng room ni mom ay kumatok na agad ako. Bahagya naman siyang nagulat nang makita ako pagbukas ng pinto. “Son! You’re he—“ Akmang bibeso na sana sa ‘kin si mom pero mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya. “Son, I’m so happy na tumungtong ka ulit dito! Babalik ka na ba, huh?” may ngiti n
Neri Nang makuha ko na ang pill sa bag ay agad na akong dumeretsyo ng banyo. Pero hindi ko ‘to ininom. Flinash ko lang ‘to sa anidoro. Kung sakali mang buntis nga ako hindi ko na ‘yon p’wedeng inomin. Baka mapa’no pa itong baby namin ni Eon. Kinabukasan nga ay maaga akong gumising. Mahimbing pa ang tulog ni Elleon kaya hindi ko na lang siya denesturbo. Tinext ko na lang siya na may lakad kami ngayon ni Cherry. Pupunta kami ngayon ni Cherry sa OB-GYN Clinic para magpa-check up. Gusto kong makompirma kung buntis ba talaga ako. Makalipas nga ang ilang oras ay tapos na akong suriin at hininintay na lang namin ang resulta. “Congratulations, Miss Salvacion! You’re 6 weeks pregnant!” Nanlaki na lamang ang dalawang mata namin ni Cherry dahil sa gulat. Tapos ay lumabas na ang OB-GYN Doctor. “Pa’no na ‘yan, gurl? Ano nang gagawin mo ‘ngayon?” may pag-alalang tono ni Cherry. “Hihinto na muna seguro ako sa pag-aaral, Che. Sasabihin ko na rin kay Eon na magkaka-baby na kami,” malungkot kong
Elleon “Good morning, sir!” malakas at masiglang bati ni Neri sa lalaking costumer na ngayon ay kakapasok lang dito sa cafe. Matangkad ito at may itsyura rin. Agad naman siyang nilapitan ni Neri at tinanong ang order nito. “Ano po ang order niyo, sir?” may ngiting ani Neri dito. “Kevin na lang, miss. Parang nakakatanda kasi agad pag may po,” pabirong saad naman nito kay Neri, at pareho silang napangisi. Dahil do’n ay ‘di ko maiwasang mapakunot noo. Nakaupo ako ngayong nakaharap sa laptop ko at malapit lang ako sa kanila. Hinihintay ko ngayong mapalingon si Neri sa ‘kin, para sana masamaan ko siya nang tingin at lumayo na sa lalaking costumer. Pero hindi siya lumilingon at nakangiti lang habang nililista ang order nung lalaking costumer. Umalis naman agad si Neri at tumungo ng bar counter para kunin ang order nito. Mayamaya ay nakabalik na siya dala-dala ang tray na may lamang order nitong lalaking costumer. Nang ilalapag na sana niya ‘yung kape ay bigla na lang may dalawang
Neri Kinabukasan, kahit antok na antok pa ako at tinatamad pang bumangon ay pilit akong napamulat. Pa’no ba naman kasi, napakabaho ng perfume na naaamoy ko ngayon. Nang inikot-ikot ko ang mga mata sa paligid nitong kwarto ay si Cherry pala itong nagpapabango. Nagpapaganda siya ngayon habang nakaraharap sa salamin. “Oh gurl, gising ka na pala. Bumangon ka na d’yan at mayamaya nandiyan na ang ka-live in partner mo,” pabirong ani Cherry. Napangisi lang ako nang bahagya habang nababahuan pa rin ako ngayon sa amoy ng perfume niya. Hindi ko maintindihan ang nafi-feel ko ngayon para akong nasusuka, sa amoy nito. At hindi ko na nga napigilan at naduwal na nga ako. Kaya napabangon agad ako sa kama at kumaripas nang takbo patungong banyo. “Ay anyare?” malakas na saad ni Cherry, tapos sinundan niya ako sa banyo. “Ba’t nagsusuka ka, gurl?” curious niyang tono. “Ang baho kase ng pabango mo, Che. Nasusuka ako sa amoy,” tugon ko habang hawak ko ang sikmura ko. “Ay grabe ka gurl, ha? Naka