Kinabukasan, mataas na ang sikat ng araw, pero hindi pa rin nagigising si Neri. Nandito ako ngayon sa kitchen at pinagpi-prepare ko siya ng maiinom para sa hang-over niya. Matapos ko 'tong gawin ay bumalik na agad ako sa kwarto ko para ipainom 'to sa kan'ya. Pero nilapag ko na muna 'to sa mesa dahil tulog na tulog pa siya. Seryoso ko lang siyang pinagmasdan while naka-cross arms ako. Mayamaya ay gumalaw na siya sabay buka ng mga mata niya. "A-aray," daing niya habang napahilot sa noo niya. "Buti naman gising ka na," masungit kong sabi at agad naman siyang napatingin sa 'kin. "E-Eon! B-ba't nandito ka? 'Di ba pupunta ka ng America?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "Hindi ako natuloy, cause I heard na naglalasing ka sa isang bar kagabi. Alam mo bang muntik ka ng pagtripan ng lokong costumer do'n, ah? Buti na lang sa bar ka ni Dwayne napadpad," galit kong tono at napayuko lang siya. "Ba't ka ba nagpapakalasing ng gano'n, huh? Tapos mag-isa ka pa? May problema ka
Neri Alam kong sinadya lang ‘yon ni Elleon kanina na halikan si Kayla para masaktan ako. Pero kahit fake lang ‘yon, nakaramdam pa rin ako nang konting kirot. Tsk, hindi niya naman kailangang gawin ‘yon, eh. Kasi hindi ko naman na ipipilit pa ang sarili ko sa kanya. After ng klase kanina ay nagmadali na agad akong umuwi. Hangga’t maaari ayoko munang nagtatagpo po kami ni Eon do’n sa campus. Lalo lang kasi akong nasasaktan. Abala ako ngayon sa pag-i-impake ng mga konting gamit ko. Uuwi kasi ako bukas ng umaga sa Isla Verde sa Batangas. “Ay hala siya. Ba’t nag-i-impake ka, gurl?” Agad akong napalingon sa may pinto nang pumasok si Cherry. “Uuwi muna ako ng Batangas, Che,” may ngiti kong sagot. “Ganun ba? Eh pa’no ‘yung Christmas ball bukas ng gabi sa campus?” “Hindi na ako a-attend, Che. Mas gusto ko kasing makasama pa ang pamilya ko hanggang salubong ng pasko. Saka para medyo malibang naman ako do’n at mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko ngayon,” may lungkot kong pagk
Elleon Dumating na nga ang gabi na pinakahihintay ng lahat. Our Campus Christmas Ball Party. Ang lahat ng estudyante ngayon ay napakasaya, maliban sa ‘kin na nandito lang sa sulok. Malungkot at parang hindi party ang pinuntahan. Ang tatlo ko namang mga kaibigan ay masayang nakikipag sayawan sa mga date nila. Kaya mag-isa lang ako dito sa sulok. Umiinom ng alak para matanggal sa utak ko si Neri. Pero hindi talaga siya mawala-wala eh. At para bang nagsisisi ako ngayon na pinagtabuyan ko siya. Akala ko makalimutan ko siya ng ganun kadali. Akala ko magiging okay kapag hindi ko na siya nakikita. Pero mas nangingibabaw talaga ang naramdaman ko para sa kan'ya. I miss her. Gusto ko siyang makita ngayon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong mag-sorry sa kan'ya. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya. Kanina pa nag-start itong party pero ni anino ni Neri ay ‘di ko pa nakikita. Nasa’n kaya siya. Kaninang umaga ko pa siya ‘di nakikita dito sa campus. Mayamaya’y namataan ko
Neri Nakaupo ako ngayon sa may dalampasigan at lumalanghap nang sariwang hangin. Nakakagaan rin ng pakiramdam dahil napakaganda rin ng b’wan. Idagdag mo pa ang paghampas ng mga alon na para sa ‘kin ay napakasarap sa teynga. “Kring! Kring!” Agad naman akong nagambala sa pagmumuni muni nang biglang tumunog ang telepono ko. Ang best friend ko pala ‘to, tumatawag siya. “Hello, Che! Napatawag ka?” masigla kong bungad. “Buti naman gurl, sumagot ka dito. Ba’t ‘di ka sumasagot sa isa mong number? Kanina pa kaya kita tinatawagan?” “Tinapon ko na kasi ‘yong sim na ‘yon, Che. Marami kasi akong memories ni Elleon do’n,” may lungkot kong sagot. “Hmm, speaking of Eon. Alam mo bang kinukulit niya ako kagabi do’n sa ball? Hinahanap ka niya sa ‘kin. Gusto niya raw mag-sorry sayo?” Tila bigla akong natigilan dahil sa sinabi ni Cherry. “Tatalaga?!” “Oo, pero hmm. ‘Wag mong sabihing magpapadala ka na naman sa kanya?” Hindi naman agad ako nakasagot at natigilan lang. “H-hindi naman Che
Elleon When I saw Neri again, gusto ko agad siyang yakapin at halikan. But kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil baka magalit sa ‘kin ang nanay niya at palayasin pa ako. I think hindi lang si Neri ang dapat kong suyuin, pati na rin ang family niya. Lalo na ‘yung nanay niya na mukang strict sa kanya. But still, wala pa rin akong mapaglagyan sa saya na naramdaman ko now. I’m so happy to see Neri again, at bigla akong nabuhayan. Dinala ako niya ako sa likod ng bahay nila kung sa'n napakalakas ng hangin at matatanaw mo lang ang dagat sa ‘di kalayuan. "Ano ba kasing ginagawa mo dito, Eon?" may kasungitan niyang tanong habang nakatalikod siya sa ‘kin. "Hindi ba obvious? Sinusundo na kita?" sagot ko at dahan-dahang lumapit sa kan'ya. "Ano ka si kamatayan?” pagsusungit niya ulit pero ngumiti lang ako, cause na-miss ko rin ‘tong pagsusungit niya sa ‘kin. Hindi ko na nga kayang pigilan pa ang sarili ko at niyakap ko na siya while nakatalikod pa rin siya. "H-hoy Eon, bitawan
Neri "Ano ka ba, Ringo. Para mo namang pinambayad ang kapatid mo niyan! Umayos ka diyan ha? Ayoko sa mga taong may ganyang pag-iisip," galit na tonong ani nanay kanina at saglit akong natigilan. Nakatayo ako ngayon sa may dalampasigan habang iniisip ang mga salitang ‘yan kanina ni nanay. Bigla na lang akong nalungkot at nakaramdam ulit ng konsensiya. Mayamaya ay bigla akong nagambala nang may tumakip sa mga mata ko. Alam ko naman agad na mga kamay 'to ni Elleon. Kabisado ko na kasi ang mabangong amoy niya. “E-Eon!" sabi ko at agad akong humarap sa kanya tapos dumistansya. "Parang anlalim ng iniisip mo, ah? Kasama ba ako d'yan?" may ngiti niyang tanong, tapos tumalikod ulit ako sa kan'ya. "Inisip ko lang si nanay. Na-g-guilty na kasi ako sa kan'ya eh. Hindi niya kasi alam na binenta ko ‘yung katawan ko para sa pagpapa-chemo ni bunso. Natatakot din ako kung sakali mang malaman niya,” may pag-aalala kong sagot saka bigla ulit akong niyakap ni Eon. “Eon bitaw.” Pagpumigla
“E-Eon? Ba't ka pumasok dito? Lumabas ka baka mahuli tayo ni nanay," nag-aalala kong sabi pero ngumiti lang siya nang pilyo sabay inamoy-amoy ang leeg ko. "Bakit? Wala naman tayong gagawing masama ah? Yayakapin lang naman kita,” sabi niya lang at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa bewan ko. "K-kahit na, noh? Labas na dali," pagpupumiglas ko at tinulak siya papunta sa may pinto ng kwarto ko. Pero agad kaming natahimik nang biglang may kumatok. "Tok! Tok! Nak?" "Lagot si nanay," balisa kong saad at sa takot ko ay natulak ko si Eon papunta sa may aparador at pinapasok siya dito. Tapos ay inayos ko ang sarili ko bago pinagbuksan si nanay ng pinto. “Nay bakit po?” may ngiti kong bungad. "Labas ka na r’yan, nak. Kakain na tayo," may ngiting tugon ni nanay. "O-opo nay. Magbibihis lang po ako," nauutal kong sabi. "Okay bilisan mo na d'yan at lalamig na 'yung mga pagkain. Teka, nakita mo ba si Eon nak? Hindi ko siya mahanap eh?” "Ah, ba-baka nagpapahangin lang po ‘yun sa labas nay,
Elleon “Na-nay!” Bahagyang napaatras si Neri nang bumungad sa ‘min ang nanay niya at kunot noong nakatitig sa ‘min. “Umamin nga kayong dalawa sa ‘kin. Nagliligawan pa ba talaga kayo oh matagal ng may kayo?” galit na tonong ani tita. “Na-nay ka-kasi p—“ “Iyung totoo lang sana Neri. Alam mong ayoko sa mga taong sinungalin?” Sasagot na sana si Neri nang bigla kong hawakan nang mahigpit ang kamay niya sabay sabi, “ma-matagal na pong may kami tita. So-sorry po kung nagsinungaling kami sa inyo,” imbento ko at bahagyang pinisil ni Neri ang kamay ko, tapos pinanlakihan ako ng mata. “May nangyari na ba sa inyo?” tanong muli ni tita at tinitigan niya si Neri mula ulo hanggang paa. Nakatapis pa rin kasi si Neri ng t’walya. “O-opo, nay. So-sorry po,” nakayukong sagot ni Neri, sabay napabuntong hininga si tita at napahilot sa noo niya. Tapos nagsimulang maging emotional ang expression nito. “Neri bakit bumigay ka agad? Hindi ka pa tapos mag-aral ‘di ba? Saka hindi pa kayo mag-asawa? Si
“Love, gusto ko ‘tong stroller. Ang cute saka pang unisex,” masayang ani Neri, habang hawak-hawak ang stroller na iyon. Nasa isang mall sila para mamili ng mga gamit ng magiging anak nila. “Pero ang liit niyan, love. Baka hindi maging comfortable ang anak natin diyan. Ito na lang kunin natin,” saad naman ni Eon sabay itinuro ang mas malaking stroller. “Okay, sige,” may ngiting saad naman ni Neri at kaagad na lumapit ro’n sa stroller. Ngunit nanlaki bigla ang mga mata niya matapos niyang makita ang presyo nun. “A-ano? 30,000?” gulat niyang reaksiyon. “Ang mahal naman nito, love! ‘Wag na lang ‘to,” dagdag pa ni Neri. “Love, It’s okay. Para naman sa anak natin, eh,” napangising saad lang ni Eon. “Ah, miss. Kukunin namin ‘to,” tawag agad ng nobyo sa nakatayong sales lady. Maya-maya habang namimili si Neri ng mga gamit ng baby ay napansin ni Eon na natanggal ang sintas ng nobya, kaya agad siyang lumuhod at inayos ito. Agad namang napatingin si Neri sa kanya at naging emotional aga
“Nak, cancer free na ang kapatid mo! Magaling na si bunso!” umiiyak sa tuwa na tugon ng kanyang ina.“Diyos ko naman, nay. Pinakaba niyo naman po ako. Pero totoo po ba, nay? Cancer free na si bunso? Salamat naman sa Diyos,” masayang ani Neri.“Oo nak, kaya dapat tayong mag-celebrate!” masayang sagot ng kanyang ina.“Opo nay. Mag-c-celebrate po talaga tayo, kasi may good news rin po ako sa inyo!”“Ano ‘yun, nak? Ikakasal na ba kayo ni Eon?” masayang tanong ng ina at saglit namang natahimik si Neri.“H-hindi po tungkol do’n, nay.”“Eh ano ba kasi ‘yun, nak? Sabihin mo na.”“Magkaka-restaurant na po tayo, nay!” tumitiling sagot ni Neri.“Ano? Pa’no nangyari ‘yon, nak? Sa’n ka kumuha ng pera?”“Dahil po kay Eon nay. Binigay niya po sa ‘kin itong resto bar, niya. Gawin raw po nating restaurant. Saka nay, may binili rin po siyang house and lot para sa inyo ng mga kapatid ko. Gusto niya po na rito na kayo tumira sa Maynila,” tugon ni Neri at ngunit tila hindi masaya ang ina.“Naku, nak.
Malalim na ang gabi ngunit nagpapakalunod pa rin sa alak si Kayla. Maghapon itong nagkukulong sa kwarto nito at tila nawawalan na ng pag-asang mabuhay.Sa mga oras na iyon ay kararating lang ng Tita Carlota niya. Si Carlota na ang tumayong ina ni Kayla matapos mamatay ang mga magulang ng dalaga dahil sa isang car accident. Maayos ang relasyon nilang mag-tiyahen at parang tunay na anak na ang turing ni Carlota kay Kayla.“Sonya, where’s Kayla?” tanong nito sa katulong pagkasapok nito ng bahay.“N-nasa kwarto niya po siya ma’am. Maghapon po siyang nagkulong at ‘di pa kumakain,” nakayukong tugon ng katulong.“Kayla! Kayla, open the door!” malakas na tawag ni Carlota habang tinatapik ang pinto ng kwarto ng pamangkin. Ngunit nabasag na bote lamang ang kanilang narinig.“Sonya, ‘yung susi bilis!” Agad naman nila itong binuksan at nang makapasok ay bumungad sa kanila si Kayla na nakaupo sa sahig at lumalaklak ng wine.“Kayla that’s enough!” pigil ni Carlota saka inagaw sa pamangkin ang bote
Hindi nagtagal ay na-discharge naman agad si Neri sa ospital. At paglipas nang tatlong araw, dumating na ang graduation ni Eon. Masayang nagtapos ang binata sa kurso nitong Civil Engineering.“Congratulations, love! Sobrang saya ko para sayo!” nakangising bati ni Neri sa nobyo saka hinalikan niya ito nang matagal sa labi. Ang dalawa ay magkaharap sa mga oras na iyon habang ang mga kamay ng binata ay nakahawak sa baywang ng nobya. Kahit mukang choir si Eon sa suot nitong itim na toga, ay lutang na lutang pa rin ang kag’wapuhan nito.“Don’t worry, love. After mong ipanganak ang baby natin, ikaw naman ang magtatapos. I’ll help you na maabot mo rin ang dream mong maging chef,” may ngiting ani Eon habang hawak-hawak ang dalawang pisngi ng nobya.“Hmm, ‘wag na muna seguro, love. Magfo-focus na lang muna ako sa inyo ng anak natin after kong manganak,” saad lang ni Neri at sa dulo’y ngumiti.“If ‘yan ang gusto mo, love. Saka mas okay rin naman kung nasa bahay ka, para ‘di ka mapagod nang
Sa kabila ng masamang nangyari kay Neri, ay hindi pa rin nawala ang mga ngiti sa labi ni Elleon. Sobrang saya pa rin ng binata dahil magkakaanak na sila ng nobya. Matagal na kasing pangarap ni Eon na magkaroon ng anak, noon pa lang.Tinabihan nito ang nobya sa kama habang ang ulo naman ng dalaga ay nakasandal sa balikat ng binata. Ang kanang kamay naman ni Eon ay nakahawak sa tiyan ng nobya habang may ngiti niya itong hinihimas.“Love, may naiisip ka na bang pangalan para sa baby natin?” biglang tanong ni Neri sa nobyo.“Uhm, wala pa love, eh. But if nalaman ko lang sana agad, seguro may nai-prepare na akong mga pangalan. Ikaw ba, love? May naiisip ka na ba?” tanong sa kanya ni Eon pabalik.“Hmm, meron naman na love. Since hindi pa natin alam kung girl ba o boy ang anak natin. May inihanda akong dalawang pangalan,” may ngting tugon ni Neri.“Really? May I know kung ano ang mga ‘yon, love?”“Hmm, kapag boy ang anak natin, Neon. Neon ang ipapangalan natin sa kanya. Pero kapag girl nam
May dumating naman kaagad na mga police at hinuli nila si Kayla. Nagtawag kasi agad ng police sina Elleon habang papunta pa lang sila kay Neri.“Iyan, mga sir! Damputin niyo na po ang bruhang ‘yan!” ani Cherry, habang dinuro-duro pa si Kayla.“Tara na po, ma’am. Sumama po kayo sa ‘min nang mahinahon,” sabi ng police saka hinawakan na nila si Kayla.“Dont touch, me! Kaya kong maglakad!” pagpupumiglas pa ni Kayla. ***Matapos matingnan ng doctor si Neri, ay hinihintay na lamang ni Elleon na magkamalay ang nobya. Nasa isang private room sila at tinabihan niya ang nobya, habang hawak niya ang kamay nito.“Elleon, son!” Agad siyang napalingon sa may pinto nang bigla itong bumukas at narinig ang boses ng Mommy Vivian, niya.“Mom, what are you doing, here?” gulat niyang tanong sabay tayo sa kinauupuan.“N-nakita ko sa social media ang sabunutan nina Neri at Kayla. My Goodness, Elleon. Buntis pala si Neri, ba’t mo siya hinayaang lumapit kay Kayla?” paninermon ng mommy nito at bakas sa mu
Napakasarap pa sana nang tulog ni Neri nang bigla siyang magising dahil sa napakaingay na tunog ng telepono. Ring ito nang ring at nang bumangon siya para tingnan ito ay, phone pala iyun ni Elleon. Nangunot naman agad ang noo niya nang si Kayla pala ang tumatawag. Ngunit hindi na siya nakaramdam pa nang kirot at nagalit kay Eon. Hindi na rin siya nagtaka pa kung ba’t may number ito ng nobyo niya. Dahil alam na niyang gagawin ni Kayla ang lahat, mabawi lang nito si Elleon sa kanya. Pinatay na lang ni Neri ang tawag at tineks niya na lang si Kayla. Gusto ni Neri na makausap si Kayla, kaya nilagay niya ro’n sa text na makikipagkita siya rito. May naiisip kasi siyang magandang ideya upang tigilan na sila nito ni Elleon. Binura niya naman agad ang mga call history ni Kayla sa phone ni Eon, pati na ang tneks niya rito. Ayaw niya na kasing makita pa ‘yon ng nobyo niya. Ayaw niya na kasi itong mag-alala pa. Bago siya umalis ng kama ay nilingon niya muna si Elleon na noo’y tulog na tulo
Tumungo naman agad si Zia sa boarding house na tinutuluyan ni Neri, para ipaalam sa dalaga ang tungkol do’n sa video. Umaasa si Zia, na makakatulong iyon para magkaayos na sina Neri at Eon. Bumaba naman agad si Neri matapos niyang malaman na nasa labas ng boarding nila si Zia.“Neri, can we talk?” Bungad agad ni Zia sa kanya.“Zia, kung tungkol na naman ‘yan kay Eon. Please lang, ayoko muna siyang pag-usap,” deretsahang saad agad ni Neri.“Neri, please. Bigyan mo muna ako nang konting time. May gusto lang akong ipakita sayo. Cause I think kailangan mo ‘tong makita,” pagpupumilit ni Zia sabay inabot kay Neri ang phone niya.“A-ano ba ‘to?” seryosong tanong ni Neri, saka pinindot na ni Zia ang play button.Naglakihan naman agad ang mga mata ni Neri, nang mapanuod niya na ang laman ng video. Nagbagsakan agad ang mga luha sa mga mata niya, habang napapatikip siya sa bibig niya.“Neri, hindi nagsisinungaling sayo si cous. Kagagawan lang talaga ‘yun lahat ni Kayla. Pinagsamantalahan
Umuwi na lamang si Neri ng boarding house, na luhaan pa rin at puno nang sama ng loob. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Alam niya naman sa sarili niya na mahal niya pa rin si Eon, pero mas nangingibabaw pa rin talaga ‘yong sakit. Nadudurog pa rin ang puso niya sa tuwing naa-ala niya ang kahalayang ginawa nina Kayla at Eon. Pinahiran niya na lamang ang mga luha niya saka kinuha ang cellphone at kinontak ang nanay niya.“Hello, nay,” bungad niya nang sumagot na sa tawag ang ina.“Oh, Neri nak. Napatawag ka?” “U-uwi po ako ulit bukas diyan, nay,” tugon niya na ikinagulat ng nanay niya.“Ano? Eh kaluluwas mo lang diyan sa Maynila, ah? Ba’t ka uuwi ulit?”“Eh, nami-miss ko po kayo agad ng mga kapatid ko nay, eh. Lalo na si bunso. Hindi ko pa naman siya nadalaw sa ospital no’ng umuwi ako ulit diyan,” pagsisinungaling ni Neri, ngunit hindi pa rin siya nakaligtas sa ina.“Hoy Neriah, ako pa talaga ang lolokohin mo, ha? Eh nanay mo’ko? ‘Yung totoo, Ner