CHAPTER 94Call Me, Kuya “Hello baby! Hello Pat! Akala ko hindi na kayo darating. Magtatampo na sana ako, malapit na akong umiyak, see my eyes?” si mommy Maribel na ngayon ay nagdadrama na naman. “Pwede ba iyon na hindi kami sisipot, may kainan daw. Ngayon, masaya ka na?" Tanong ni mama sa kanyang kapatid. Kahit papano ay masaya na sila pareho at tanggap na namin ang lahat. “Oo naman….baka naman Pat …baka lang naman, sa akin na muna sumama ang anak ko kapag may lakad at ikaw…baka gusto mo na ring magtrabaho sa company, tinatamad na ako, baka ikaw naman muna.” sambit ni mommy na may kasama pang puppy eyes para pumayag ang kanyang bunsong kapatid." Huh? Kaso May trabaho pa ako sa Hong Kong,” saad ni mama na ikinalulungkot ni mommy Maribel.“Babalik pa kayo sa Hong Kong, huh, baby? Dito na kayo please, matanda na kami ng daddy mo, pwede naman na dito kayo magtrabaho para naman, hindi na sad si mommy na lumayo kayo, hmm, double ko ang sweldo mo hija? What do you think?" Ngumiti ako k
CHAPTER 95CALL ME, KUYA!“OMG! Ikaw na ba yan Budang?” pinaikot niya pa ako. “Ikaw din yan, Unique? Wow! Ibang-iba na talaga ang mga face natin." Masayang wika ng aking matagal na kaibigan. “Kaya nga eh, ibig sabihin nito, ngayon lang tayo nag matured," ani ko sabay tawa naming dalawa. Kaya pala kapag nagvivideo call ako sa kanya nitong mga nakaraang buwan ay ayaw niyang pinapakita ang kanyang mukha dahil may matinding pasabog pala ang babaeng ito. Pumuti at lagi nang may make-up ang mukha.And I'm happy for her na sa wakas, natagpuan niya na ang lalaking papakasalan n'ya, ilang heartbreaks ba naman naranasan ng kaibigan ko at sa tingin ko ay panahon na para sumaya siya.Kung ako ang tatanungin about sa lovelife ko? Well, basta makita kong masaya ang kaibigan ko ay masaya na rin ako. “Tara let's go. Nandyan na ang sundo natin.” Aniya sabay pakita ang papalapit na kotse, nagbook lang kami ngayong gabi at pinauwi ko na ang driver ni mommy.May usapan kasi kami ngayon na magbar kay
CHAPTER 96CALL ME, KUYA!“A-alam niya po ba sir na nandito ako?" Tanong ko kay engineer.Dumungaw siya sa akin, mas lalo ko pang niyuko ang ulo ko dahil baka tawagin niya si kuya at isumbong ako. Baka…at sana lang, hindi niya alam na narito ako. “Hmmm, yes…tumawag daw siya sa bahay niyo at ang sabi ni tita Maribel na wala ka raw sa inyo at may balak ka raw magbar. Pauwi na sana siya sa bahay niyo pero ayan bigla na lang sumama sa amin.” Nakagat ko ang ibabang labi ko, bakit pa kasi pumunta pa? Kaya ba kinukulit ako ni mommy at mama kung nasaan na bar ako pupunta dahil isusumbong ako kay kuya? Or dahil pinilit ni kuya Izaak na inaalam kung saan ako pupunta para puntahan niya ako kaya siya narito? Laging bantay sarado talaga ako nito. Hindi ko na nga sinasagot ang tawag niya kanina at baka magtatanong na naman kung anong gagawin ko at kung may lakad ba ako, tapos ngayon…hindi pa rin ako makatakas sa kanya?.Napabuntong hininga na lamang ako.Akala ko ba, ligtas na ako at pwede kong g
CHAPTER 97CALL ME, KUYA!“Baby! Si Izaak? How is he?" “Unique?" Agad akong tumayo galing sa silya dahil dumating ang mga magulang ko. “Mommy! Mama….si kuya po, may tama po siya ng bala. Tinamaan siya ng bala mom!” iyak ko sa harapan nila. Nasa operating room si kuya at hanggang ngayon ay ginagamot pa raw s'ya ng mga doctor. Hindi ko alam kung nasa loob pa ng katawan ang bala o daplis lang dahil marami dugo ang nakita ko sa kanya kanina. “Shh, shh, tahan na baby. Gagaling si Izaak, hmmm, gagaling siya.”“Kasalanan ko po kung bakit nandito si kuya sa ospital mommy…mama…kasalanan ko po. Kung…kung hindi ako lumabas ng bar at kinausap lang siya ng maayos ay hindi… hindi sana ito nangyari, kasalanan ko talaga, napahamak siya ng dahil sa akin. Mapapatawad niya kaya ako?” “Baby ... .no.... don't say that. Kung mayroon mang sisihin ay walang iba kundi ang mga masasamang tao na walang ginawa kundi ang manggulo at may baril pa na kasama, dapat sila ang makulong at magdusa,” si mommy ha
CHAPTER 98CALL ME, KUYA!“Po?" “Saan ka pupunta? Aalis ka?" galit na boses ang bumungad sa akin. Dahan-dahan akong lumingon kay kuya Izaak at nakita ko ang galit na mukha nito.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil bigla akong kinakabahan. “Uhmm…ano kasi…uuwi na sana ako-”"Pagkatapos mong magsabi ng I love you ay aalis ka?”"Huh? Anong….?"I heard you, kanina pa ako gising at narinig ko ang sinasabi mo. Tapos ngayon, tatalikuran mo ako?” Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit ko pa kasi nilakasan, pwede naman na sa isip ko na lang pala o binulong ko na lang ang sasabihin ko sa kanya. Ayan tuloy Unique.Taas-noo akong tumingin sa kanya at lumapit pa para hindi niya masabi na iniiwasan ko siya, wala na akong kawala sa kanya dahil nagising na siya bago pa ako makaalis. Wala rin sina mommy.Nakakainis lang at hindi na ako makakaalis yata nito.“Uuwi kasi ako dahil…ano…uhmmm, dahil inaantok ako. Wala pa akong tulog kaya ako uuwi at ‘yong I love you ko na narinig mo ay
CHAPTER 99CALL ME, KUYA!“Ano ba, umayos ka nga? “ Saway ko sa kanya. Nagpapatulong na linisin ang kanyang sugat tapos ngayon, pinapakialaman ang buhok ko na nanahimik at pisngi, laging pinipisil. Kaya ilang ulit ko rin siyang hinahampas.Nakaupo kami pareho sa ibabaw ng kama niya dahil matutulog na raw siya kaya kailangan ko munang linisan.“Ang cute mo kasi kaya hindi ko mapigilan.” aba, may rason talaga. "Tumahimik ka nga at baka marinig ka ng mga magulang natin. Baka akala nila naghaharutan tayong dalawa,” saad ko at naglagay na ako ng betadine sa sugat niya. Medyo malalim pero malayo naman daw sa bituka, atapang naman na tao."Ano naman kung marinig tayo, ikaw lang naman ang maingay riyan." Pinalo ko ang kamay niya na gusto na namang hawakan ang ilong ko. "Kasi nakakainis ka, may ginagawa ako, hindi ako makapag-focus. Landi mo masyado,” saad ko pero nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya.Pisilin ko yang itlog mo na-“Malandi na agad kapag ganito ako? Hindi ba pwedeng nagpap
CHAPTER 100CALL ME, KUYA!Sobrang ganda ng tulog ko, pakiramdam ko ay kumpleto o buo ang araw ko ngayon dahil mahabang oras ang nilaan ko na makapag-pahinga ng maayos. Totoo talaga ang kasabihan na health is wealth, umaga palang pero ramdam ko na, na magiging masaya ang buong araw ko.Ngayong araw, hindi ko alam kung saan ako pupunta o may pupuntahan ba ako, nakausap ko si Budang kaso may importanteng lakad ang kaibigan ko. Si Shanna Cole ay busy naman sa lovelife niya kaya hindi ko na alam kung saan ba ako nito or dito na lang muna sa bahay. Ganoon din si Sunshine na at si Zirvianna. Hindi pa magaling si Kuya Izaak, so, nandito lang siya sa bahay at malamang gagawin pa rin niya akong assistant nurse niya. Sana kumain na iyon para makainom na rin ng gamot at lilinisin ko na lang mamaya ang sugat niya. Himala na hindi niya ako ginising, dito pala ako nakatulog sa kwarto niya. Tamad na kasi akong pumanhik sa kwarto ko kagabi.Dahil wala naman siya sa loob kaya gumulong-gulong mun
CHAPTER 101CALL ME, KUYA!Sa hagdan palang ay naririnig ko na ang tawanan ni kuya Izaak at ang babae na kung sino man iyan. Ka trabaho ba?Agad akong nagtungo sa dining table kasi naroon sila at naririnig ko ang ingay ng mga kubyertos. Pagpasok ko ay hindi nga nagsisinungaling si mama, may maganda at sexy nga na kausap si Kuya. Naka red dress ito na halos kita na ang dalawang dibdib. Hindi na pumupunta si Samantha dito sa bahay o nakipagkita kina mommy and kuya at sa pagkakaalam ko na pinutol na nila ang connection sa pamilya niya dahil sa ginawa niyang eskandalo no'ng birthday ni mommy.Una akong nakita ng babae kaya parehong tumaas ang kilay naming dalawa. Naalala ko siya. “Oh, who is she?" Nilingon ako ni kuya kasi nagtanong ang girlfriend niya. “Hmm, sa tingin ko, kilala ko na. You are Unique, right? Minsan kasi namemention ka sa akin ni Izaak sa akin kaya kilala ko ang pangalan mo. Hello there, sister." Aniya pero nakatitig lang ako sa kanya. Sister ka riyan pero kalaunan ay
EPILOGUE PART 02CALL ME, KUYA!“Anong nangyayari sa iyo? Parang wala kanang ganang mabuhay pa sa mundo ah," busangot ang mukha ko na nakatitig kay Montenegro. Isang salita pa at ihampas ko talaga itong bote sa bungo niya at ng manahimik.“Kalma mo lang iyan dude, wala na tayong magagawa, magkapatid nga kayo. Grabe, akalain mo iyon, sa daming nangyari ay akalain mo iyon, magkadugo nga pala talaga kayo." giit naman ni Ryker. Hindi ko alam kung bakit pa ba ako narito sa bar at sumama sa kanila, ako naman pala ang topic ng mga gago na ito. Tumayo na ako na hindi sila pinapansin at naglagay ng bill sa ibabaw ng lamesa. Marahil, tulog na siya ngayon at pagdating ko, hindi na magkasalubong ang mga landas namin. “Mauna na ako…”" Hala, killjoy oh, may chicks, ayaw mong patulan?" Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na talaga si Edziel Montenegro. “Kung gusto mo, ikaw na at uuwi na ako. Makita ko lang ang mukha mo, nasusuka na ako.” saad ko at hindi na nakinig pa sa kung ano man ang mga
EPILOGUE part 1CALL ME, KUYA! “Thank you!" I said in a cold voice. Thirty minutes left and I am almost done with my project. Pwede itong ipabukas para makauwi ng maaga but I remember that I have a business meeting tomorrow from morning to afternoon. It's almost ten in the evening and I feel like I'm dead while looking at the blueprint and my laptop. More projects, more pennies on your bank account. That's life, you work hard, you earn and vice versa. Narinig ko na tumunog ang cellphone, kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at sinilip kung sino ang tumawag. “Si daddy." I whispered and answered his call. “Dad…” "Where are you, son?” malungkot nitong tanong sa akin. "In my office dad.” "Go home now, your mommy is looking for you. After what happened to your sister, hindi na s'ya mapakali na wala pa tayo sa bahay.” aniya at napabuntong hininga na lamang ako.“Okay dad, thank you for calling me." Tama si dad, hindi ko dapat pinag-alala si mommy, she's still not okay until now dahil
CHAPTER 114CALL ME, KUYA!“Wala akong kasalanan, siya ang nagpakidnap sa sarili niya!” Galit na sigaw ni Samantha sa amin. Nasa kulungan siya ngayon dahil sa salang accessory to the crime. Siya ang nag-utos sa kilala niya na may sindikato na kidnapin si Cherry para hindi magsumbong kay Izaak na may ibang boyfriend siya bukod kay Izaak. Si Nova ang lesbian na kaibigan at may lihim na nagkagusto kay Cherry ang naging testigo sa ginawang plano ni Samantha, una, hindi magawang magsumbong ni Nova sa mga magulang ko dahil hindi n'ya rin alam kung talagang si Samantha ang may gawa at natatakot din siya na baka anong gawin ni Samantha sa kanya at sa kanyang pamilya nito kapag nagsumbong. Napatunayan na siya nga ang may sala dahil sa mga conversation sa kanyang phone na kahit na delete na ito ay nagawan ng paraan.“I thought you're real, I disgusted you! She trusted you, she loves you being a sister tapos ito lang ang gagawin mo sa kanya. Hinding-hindi kita mapapatawad, tandaan mo iyan, I'l
CHAPTER 113CALL ME, KUYA!"What? Omg, anong gagawin ko?” natatarantang tanong ni Vannielyn. Si Manong ay hindi rin alam kung ano ang gagawin dahil maya-maya dumadaing ako sa sakit ng tiyan ko. Gusto niyaang tumulong pero nagmamaneho ito ng kotse at panay sabi niya na relax lang ma'am kaya medyo nakakatulong sa akin unlike Vannielyn na pakiramdam ko, sa aming dalawa, siya ang manganganak."Pakihinto muna ng sasakyan kuya sa gilid ng kalsada,” sabay sabi ko kay Kuya, magtatanong pa sana pero sinunod naman niya. “What are we gonna do here? Hindi pa ito hospital, Unique?” Kinakabahan niya na tanong. Pinalabas ko muna si Manong para makasiguro sa safety namin. "Vannielyn, be my assistant nurse tonight, okay?”"What? You mean…I'm going to catch your baby from your-” namilog ang mata niya na makita akong humiga sa backseat para mas maka ere ako at maging komportable. Gusto kong matawa sa hitsura niya pero hindi ito ang tamang oras para magwalang-bahala lalo at first time baby ko ito. “Y
CHAPTER 112CALL ME, KUYA! Habang pinagbubuntis ko ang aming anak na babae ni Izaak ay nag-aaral ako kung paano maging interior designer, ganito siguro na almost everyday nakikita mo ang mga magulang at asawa mo na busy sa kanilang trabaho na pagiging engineer kaya kahit ako ay parang gusto ko na rin silang gayahin, mahilig ako sa mga design lately kaya nagfocus ako rito kaysa naman sa ibang bagay. Nagresign na rin ako sa trabaho ko bilang assistant nurse sa Hong Kong sa kadahilanan na ayaw na talaga ng asawa ko na lumayo pa ako, okay lang kung pumunta para magbakasyon basta kasama ko siya pero kung trabaho ay mas mabuti na dito na lang sa Pilipinas, samantala ang kaibigan ko na Zirvianna ay hindi na rin nakabalik dahil pag-uwi niya ay may umaaligid yata sa kanya kaya ayon hindi na makaalis. Ang sarap daw kaya ayaw niya ng hiwalayan, loka-loka talaga na babae na iyon. Ayaw pa ng mga magulang namin na magbukod kami kung malayo lang naman at baka matagal na naman kaming magkikita ka
CHAPTER 111CALL ME, KUYA!“Congratulations Mr. and Mrs Martinez!" sabay na pagbati ng mga nakakila sa amin. Hindi ko akalain na marami akong makilala sa araw ng kasal namin ng asawa ko na si Izaak. Madami pala siyang circle of friends. Ang iba sa kanila ay classmates or di kaya schoolmates, ang iba naman ay nagkakilala lang dahil sa business. Akala ko nga nasa ibang mundo ako dahil sa mga kaibigan niya na out of nowhere ang mga kagwapuhan, pero mas gwapo parin ang asawa ko kaysa sa kanila. Kahit ang iba sa kanila ang may lahi pa talaga kaya nakakatuwa na makita sila pero ang napapansin ko ay may seryoso, meron ding alaskador sa grupo nila, may iba ay may mga asawa na, ang iba naman ay wala pa raw sa isip nila ang mag-asawa. Mas lalo yata akong nahiya no’ng nalaman ko na halos sa kanila ay engineer, architect, may mga business owners, at dahil engineer si Izaak kaya mas marami ang kaibigan niya na nasa field na. “Thank you! Thank you." wika namin sa kanila habang magkahawak kamay
CHAPTER 110CALL ME, KUYA!“Ang hilig, hilig mo pala sa ganito…. kamuntikan na akong mawalan ng malay dahil sa ginawa mo.” naramdaman ko na tumawa siya dahil yumogyog ang kanyang balikat, nakahiga kami sa kama pero nakatagilid kami pareho at nasa likuran ko siya.“Para lang mapatunayan ko sa iyo na hindi pa ako matanda, na kaya ko pa kahit ilang rounds ang gusto mo babe….” Bulong nito malapit sa tenga ko at napadaing ako na kinagat niya ang gilid ng tenga ko kaya nakurot ko siya sa braso niya na kung saan ginawa kong unan.“Ewan ko sa iyo, sinabi ko lang naman na malaki ang age gap natin tapos napikon ka naman, mabuti na lang at masarap ang parusa dahil kung hindi….”"dahil kung hindi …." “Wala nang next time,” wika ko na hindi naman niya sinang-ayunan. "After mong manganak, mas gagalingan ko pa masyado para masarapan ka pa lalo-” "Ewan ko na talaga sa'yo, ang dami mo talagang alam, hindi porke’t nagpakasal tayo ng maaga sa civil wedding ay halos gami-gabi mo na akong niroromansa,
CHAPTER 109CALL ME, KUYA!“Excited na iyan, malapit mo na ngang matupad ang pangarap mo na maikasal ka sa kanya, ano? Sa mismong simbahan.” Napangiti ako sa sinabi ni Budang. “Tama ka, Budang. Parang kailan lang ay tinatawag ko pa siyang kuya, kaya pala parang naiilang ako na kuya ang tawag ko sa kanya, iyon pala….”"Mas bagay ang…ano ba ang tawagan niyo? Love? Honey, Sweet?" “Babe-, yan ang tinatawag niya sa akin." “And you?" Napatingin ako kay Budang at umiwas ng tingin. “Hindi ko alam, minsan pangalan niya lang, hindi kasi ako sanay na tinatawag ko siya ng ibang pampalambing na pangalan.” " Well, hindi rin naman masama, maganda rin kapag totoong pangalan niya. Ano na, excited na ba sa pangalawang honeymoon niyo,? Ayeeh-" “pangalawang honeymoon?" Nagtataka naman ako sa tanong niya. Tumawa siya ay ako naman ay napanguso dahil hindi ko maintindihan."Kasi di ba. Nauna na ang honeymoon niyo kaya ka nabuntis, so, huwag mong sabihin Unique…. noong nalaman mo na hindi nga kayo mag
CHAPTER 108CALL ME, KUYA Masama ang ipinukol kong tingin kay Vannielyn Martinez habang nasa sala kaming tatlo. Ang sabi ni mama ay ganito talaga kapag buntis na, may mga scenario na bigla na lang umiinit ang ulo o nagcacrave ng pagkain.“Why are you still here?" seryoso kong tanong sa kanya.Natatawa siyang nakatitig sa akin. “Why, natatakot ka bang agawin ko siya sa iyo? Eww, hindi ko siya type no, kahit malaman ko na hindi kami magkapatid.” maarte niyang sambit. Umirap ako at hindi naniniwala sa kanya.“Planado mo pala lahat. I hate you.” hindi niya na mapigilan na humahalakhak dahil sa inasta ko. Maagang umalis ang mga magulang namin dahil pumunta ng office at si mama at ako, ay hindi na namin itutuloy na umalis ng bansa gayong nalaman na ni Izaak na buntis ako, talagang hindi niya na ako pinayagan pa na magtrabaho lalo na sa ibang bansa pa at baka raw mapano ako lalo at first child namin ito at first time kong mabuntis sa unang anak namin. “Kasi….I wanted to test you kung