HAWAK ni Earl ang kamay ko nang lumabas kami ng villa papunta sa restaurant ng resort na kung saan ay hinihintay kami ng mga magulang niya at ng kapatid niyang si Claire.Ang guwapo ng asawa ko sa suot niyang maong short at light blue color na cotton polo na nakabukas at may white sando sa loob. His masculine body is seen. Ako naman ay nagsuot ng pink yellow off-shoulder summer dress na hanggang tuhod.Naalala ko kanina sa loob ng kuwarto panay ang paulan ng mumunting halik ng aking asawa sa aking naka-exposed na balikat. Nakakakilig talaga ang mga ipinapakita sa akin ngayon ni Earl.Nang makalapit kami sa mesa kung saan andoon ang sina Mommy Carmen, Daddy Teddy at Claire ay agad nila kaming binati. Si mommy Carmen ay agad na humalik sa aking pisngi. Pinuri niya pa ako sa aking suot. And I also can’t help na i-admire si mommy, she’s so georgeous. Nakasuot itong long dress na flowery. Litaw na litaw ang ganda niya kahit na may edad na ito. Of si Clair
NATAHIMIK pa rin si Earl sa biyahe noong pauwi na kami. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla nagbago ang mood niya. Lagi na lang ganoon kapag tapos na ang bakasyon at pabalik na kami ng Maynila ay nagbabalik siya sa pagiging cold niya sa akin.Maayos naman kami kanina bago kami mag-breakfast, ano naman ba ang nangyari?“Earl, may problema ba?” mababa ang boses na tanong ko sa kanya. Natatakot ako na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko kasi may ginawa akong kasalanan dahil sa pagbabago ng kilos niya.“Nothing,” matipid niyang sagot na di man lang ako nilingon at nanatiling nasa unahan ang tingin nito. Ah baka naman siyempre nagda-drive kasi siya.Natahimik na lamang ako at nagpasyang panuorin ang aming mga daan na nadadaanan. Kung ayaw niya akong kausapin ay di wag bahala siya. Matapos lahat ng nangyari ay ganito na naman kami. Nakakainis kasi, ang hilig magpaasa!Hanggang sa nakatulog na pala ako sa biyahe.
Earl’s POV NANG makausap ko si Caroline ay medyo naliwanagan ako sa aking sarili. Aaminin ko na nasaktan naman talaga ako dahil nga niloko niya ako. Ngunit naguluhan din naman ako noong panahon simula noong makilala ko si Thalia. I’m amazed by her beauty. I have this feeling of attraction towards her mula noon ngunit hindi ko yun pinansin dahil mahal ko si Caroline. I stayed faithful that time. Nang mangyari gabi na may namagitan sa amin ni Thalia ay natukso din naman talaga ako. Idagdag pa na nakainom ako noon kaya mas nanaig sa akin ang pagnanasang nadarama. But damn, si Caroline pa din naman talaga ang pipiliin ko dahil sa kanya ako nangako ng kasal at dahil alam kong masasaktan siya. I was disappointed na sa kabila ng lahat na pagtatanggol ko sa kanya all this time kay Claire ay nagsasabi pala ng totoo ang kapatid ko. She’s cheating on me with one of my closest friend, Daniel. Ang gago naman hindi man lang inisip ang pagkakaibigan naming. We’ve be
MASAYA ang araw ni Thalia dahil sa kahit na hindi man ganoon affectionate ang pakikitungo ni Earl sa kanya ay malaki naman ang pinag-iba nito sa pakikitugo sa kanya dati. Though nakapoker-face pa din madalas ang asawa ay ramdam naman niya na hindi na ito cold sa kanya. Sobrang natuwa ang puso niya kanina dahil pinagluto siya nito ng almusal at higit sa lahat ay sumabay ito sa kanya ng almusal kahit silang dalawa lamang. Noon kasi ay sumabay lamang ito sa kanya noong binisita sila ni Claire pero madalas ay mag-isa lang siyang mag-breakfast kapag silang dalawa lang sa condo. “Wow mukhang ang saya natin friend ah,” nanunuksong bati sa kanya ni Gina. “Oo, ang laki kasi ng ipinagbago ni Earl mula noong bumalik kami galing sa Batangas,” nakangiting sagot niya sa kaibigan. Alam ni Gina ang hirap g kalooban niya noon dahil sa ito ang pinakamalapit sa kaniya ay sinasabi niya lahat ng pinagdadaanan niya. “I’m happy for you at sana magtuloy-tuloy na yan,” nasisiyahang sabi ni Gina at parang k
MASAYANG sinalubong si Thalia ng mommy ni Earl. Natutuwa kasi ito na sinadya siya ng manugang upang makipagkuwentuhan. Mahigpit niyang niyakap si Thalia dahil alam naman niya na hindi pa ganoon ka-okay ang mag-asawa. “Hi anak, thank you for visiting me,” nakangiting bati ni mommy Carmen kay Thalia. Hinalikan pa niya ito sa pisngi. Natuwa naman si Thalia sa mainit na pagtanggap sa kanya ng biyenan. Mahigpit ding niyakap ng ina si Claire. Thalia is so amazed with her mother in-law. Makikita talaga na napakamapagmahal nito sa mga anak. Ni minsan yata hindi niya pa ito narinig na nagalit. Kahit noong nasa komplikado silang sitwasyon ay hindi man lang ito nagpakita ng ganoong emosyon. Kalmado ito at tila ba iniisip muna kung ano ang sasabihin o gagawin. Masayong nagtungo ang tatlo sa malaking living room ng mansiyon. Nagsusumigaw sa karangyaan ang mga gamit dito mula sa sala set hanggang sa painting na makikita sa dingding. N minsan hindi niya inakala na makakapag-asawa siya ng milyunnar
MATAPOS magdinner ay nag-usap muna ang mag-ama ni Earl at daddy Teddy sa library. Ang sabi ng padre de pamilya ng mga Concha ay about daw ito sa business. Habang nag-uusap ang mag-ama ay sinamantala naman ito ng tatlong babae upang mapagkuwentuhan ulit si Earl para mas madagdagan pa ang alam ni Thalia sa asawa. Nagtatawanan silang tatlo nang madatnan sila ng dalawa. Agad na naupo si Earl sa tabi ng asawa at kinintalan ng halik sa noo ito. Hinapit pa niya si Thalia upang mas mapalapit sa kanya ang asawa. Hindi din maintindihan ni Earl ang sarili dahil nga ipinalagay na niya ang sarili na hindi masyadong i-aattached ang sarili sa asawa kahit na napagdesisyunan na niyang i-work ang marriage nila. Distansiya amigo pa din siya. Ngunit lagi siyang tina-traydor ng sarili niya mismo. Kapag andiyan si Thalia ther's something inside him na gusto laging malapit kay Thalia. “Mukhang nagkakasayahan kayong tatlo ah,” nanunuksong tanong ni daddy Teddy na umupo sa kalapit ng asawa at umakbay dito
NANG matapos magluto ng kanilang almusal ay bumalik na sa silid nila si Earl upang tawagin ang asawa. Maganda ang mood niya dahil nararamdaman niya na mukhang may damdamin na para sa kanya ang asawa. Ang totoo niyan ay kinikilig pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Ang buong akala ni Thalia ay tulog pa din siya nang magising ito. Hindi nito alam na mas nauna pang nagising sa kanya si Earl. Hindi na lamang muna siya ginising ito dahil alam niya na mas makabubuti sa buntis ang may maayos na tulog. Habang natutulog kanina ang asawa ay nagkasya na lamang siya sa pagtitig dito. Napagtanto niyang maganda talaga ang asawa niya, kahit na wala itong hilig magmake-up ay litaw pa din ang taglay na ganda nito. Totoo naman kasi kahit papasok sa school ay napansin niya na nagli-lip gloss lamang ito at saka powder. Minsan nagli-lipstick din pero yung full make up talaga ay hindi pa. Kanina nang maramdaman niyang nagising na ito ay agad siyang nagkunwari na tulog pa. Nagtaka din siya kung bakit h
HINDI inaasahan ni Earl ang taong pumasok sa kanyang opisina. Napakuyom ang kamao niya nang maalala niya ang panlilinlang na ginawa nito sa kanya. Kanina pa nakaalis si Miguel at tinatapos niya lang ilang papeles at susunduin na niya ang asawa. “What brought you here Mr. Anda?” sersyoso niyang tanong sa ama ng dating fiancée na si Caroline. Si Ronaldo Anda ang nagplano ng lahat kung paano kami magiging ng anak nito. Para sa business purposes nito. How selfish! “I’m here because we didn’t get the chance to talk about what happened to you and my daughter,” nakangiting sagot naman nito. Mababakas sa mukha nito ang pagiging strikto kahit pa nakangiti ito. Yung tipikal na negosyante na ayaw magkakamali ang kanyang empleyado ang sinisigaw ng awra nito. “We have nothing to talk about,” bakas ang pagkairita sa boses ni Earl. “You’re wrong, we need to talk,” laban naman ng ama ni Caroline. “You already knew what happened tito Ronaldo, tapos na kami ni Caroline,” naiinis na sabi niya dito.
NANLAKI ang mga mata ni Mathilde nang makita kung sino ang nasa kanyang likuran, hindi niya naramdaman ang pagpasok nito marahil ay dahil pre-occupied pa siya kanina ng kanyang emosyon.“Long time no see babe,” nakakalokong bati nito sa kanya. Nakakapangilabot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tila ba ito isang ulol na aso na kahit anong oras ay sasaklamin siya. Tila bumalik sa kanyang alaala ang ginawa nito sa kanya noon.Umattend silang mag-asawa noon ng isang selebrasyon ng kaarawan ng isang kasamahan ni Antonio sa negosyo. “Hi ikaw ang asawa ni Antonio Montefalco, hindi ba?” mabait na tanong sa kanya ng lalaki. Hindi niya ito kilala, ngayon niya lamang ito nakita. Hindi din ito kaibigan ng asawa niya dahil dapat ay pumunta na ito sa bahay nila at nakita niya dapat ito sa araw ng kanilang kasal. Sapagkat nang ikasal sila ay walang absent sa mga kaibigan ni Ronaldo. Nagdiwang kasi ang mga kaibigan ng asawa niya dahil akala nila ay hindi ito magkaka-girlfriend sa sobrang kut
“NAAAWA ako kay Thalia kasi ang bata pa ng anak niya, dapat nakarecover na siya agad,” buong sinseridad na sabi ni Rosa habang nasa loob sila ng sasakyan.“Oo yan din ang panalangin ko, sana ay magksama na silang mag-anak muli,” tugon naman ni Mathilde.“Yan din ba ipinapanalangin mo para sa inyo?” pilyang sabi naman ni Rosa. Hindi naman agad nakasagot si Mathilde at napatingin kay Antonio na nakatitig pala sa kanya.“Hanep parang love team, nagkakatitigan na may nais ipahiwatig ang mga mata,” with emotion pa na sabi ni Rosa.“Go na po!”bigla namang sabi ni Victor, kaya naman unang bumitiw ng tingin si Antonio at nagmaneho na. Si Rosa ay siniko-siko pa ang kaibigan at pangiti-ngiti nang buong kapliyahan. Nanatiling walang imik naman si Mathilde.Sa totoo lang ay walang araw na hindi niya ipinagdasal na sana ay mabuo na muli ang kanilang pamilya, kahit labinlimang taon na ang nakalilipas ay umaasa pa din siya sa kaibuturan ng kanyang puso na makasama niya ulit ang kanyang mag-ama.Hind
“KUNG HINDI KO LANG ALAM na pinagpalit mo ako kay Waldo, iisipin ko na naga gwapuhan ka sa akin,”nakangiting sabi ni Antonio ngunit dama ang pait sa himig nito.“Antonio, puwede ba nating -,” hindi na naituloy ni Mathilde ang sasabihin dahil tumunog ang kaniyang cellphone, siyempre ang kaibigan niyang si Rosa, anduon na daw kasi ang mga ito sa hintayan nila.“Hello Rosa, ah oo paalis na din kami dito..ah eh kasama naming si Antonio..oo paalis nan ga,” sagot ni Mathilde sa kaibigan. Actually ang dami pang sinasabi ni Rosa pero mabilis na niyang tinapos ang usap nila. Hayst baka kasi mas matagalan pa sila.Kinarga na niya si Jacob para mas mapabilis sila, ang liit pa kasi ng mga hakbang nito kaya naman matatagalan sila. Nang makarating sila sa sasakyan ay mabilis niyang binuksan nag pintuan sa likod upang makasakay na sila ni Jacob.“Anong ginagawa mo?” napatingin si Mathilde sa nagsalitang si Antonio at tila napatigil sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.“Ha? Ah eh, sasakay na siyempre,
“CAROLINA, please calm down. I now your having a hard time right now, but you have to be strong. Your daughter needs you now,”Antonio calmly said to his younger sister over the phone. Tinawagan niya ito upang kumustahin ang kalagayan ng pamangkin na si Thalia. Naawa siya sa pamangkin nang marinig ang kalagayan nito ngayon. Sa totoo lang ay pumapasok sa isipan niya ang sisihin sana si Ronaldo dahil sa totoo lang ay ito talaga ang may kagagawan naman ng lahat ng mga pasakit na sarili nitong anak, ngunti pinili na lamang niyang manahimik bilang repseto sa kapatid dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari noon.Pagkatapos nilang mag-usap na magkapatid ay bumaba na siya at tila ba kumabog ng kanyang puso nang makita ang nasa mesa sa kusina, si Mathilde at ang apo nila na si Jacob.“Hi honey, halika na mag breakfast ka na. Itong si baby D mukhang nagutom eh, pagkakita sa cerelac niya gusto na agad kumain,”nakangiting sambit sa kanya ng asawa. Pinilig niya nang marahan ang ulo upang buma
NAGISING si Earl nang maramdaman niyang tila gumalaw si Thalia sa pagkakahiga nito. Hindi naman siya kasi nakakatulog nang mahimbing sapagkat pinapakiramdaman niya ang kilos nito. Nakita niyang gumalaw ang kamay nito at bigla itong bumangon at umiiyak nang walang tunog.“Hey wife, kumusta ka?”malambing at medyo nanginginig ang boses niya dahil kinakabahan siya sa kung paano ito magre-react kapag nakita siya. Ngunit tila blangko itong tumingin sa kanya at tumingin sa kabilang banda.Mabilis niyang tinawag ang doctor upang matignan agad ang kanyang asawa.“To tell you honestly sir, she is not mentally healthy,” napapabuntong-hininga na sabi ng doctor sa kaniya.“What’s happening to her doctor? Bakit tulala lamang ang asawa ko? Anong puwede kong gawin?” natatarantang tanong ni Earl sa doctor na punong-puno nang pag-aalala para sa kanyang asawa.“According to the diagnosis, she si suffering from depression. Depressive disorder (also known as depression) is a common mental disorder. It invo
TAIMTIM na pinagmamasdan ni Earl ang asawang si Thalia habang ito ay himbing na natutulog. Magmula nang dalhin nila ito kahapon dito sa ospital ay hindi pa din ito nagigising. Nasasabik ang puso niya na marinig na muli ang tinig. Hanggat maaari ay ayaw niyang umalis sa tabi ng asawa ngunit kinailangan niyang puntahan ang anak nilang si Jacob sa bahay ni tit oni Thalia na si Antonio. Andoon kasi si Aling Tindeng kasama si Jacob. Siguro marahil sa ilang buwang pagkawalay sa kanila ng bata ay hindi na ito komportable na sumama sinuman sa kanila.Mainam na ngayon at sumasama na ito sa kanya ngunit hindi naman niya madala sa ospital, masyado pa itong bata at delikado para dito ang magstay sa ospital. Kanina habang naglalaro sila ni Jacob ay halos naiiyak na naman siya dahil ang laki na ng anak niya, ilang buwan ang na-missed niya sa buhay nito. Tumangkad ito at ang tatas na din magsalita.“ Mama?” tanong nito sa kanya. Tapos nang hindi siya agad makasagot ay sinampal-sampal siya nito. HIna
Magmula nang malaman ni Ronaldo na anak niya si Thalia ay hindi siya na tumigil sa paghahanap dito. Dinagdagan niya ang mga private agent na binayaran upang hanapin ang anak. Hindi siya tumitigil na mahanap ang matagal na niyang hinahangad na makitang anak niya. Andiyan lang pala sa tabi ang anak niya pero hindi man lamang niya ito natunugan. Sa totoo lang ay may kung ano naman talaga siyang nararamdaman mula nang una niya ito makita ngunit pinanaig niya ang galit dito dahil naging hadlang ito sa pangarap niya na maka-merge ang kompanya ng pamilya Concha.“I really regret everything that I did to hurt our daughter,” umiiyak na sabi ni Ronaldo kay Carolina habang sapo-sapo ang noo. Niyakap naman siya ni Carolina upang pakalmahin.Sisingsisi siya nang malaman na anak niya si Thalia at wala siyang ibang inisip kundi ang saktan ang kalooban nito. Ang anak niyang si Thalia ang naging sentro ng kanyang paghihiganti sa mga Montefalco. Napaka-ironic ng buhay kung sino pa yung taong gustong-gu
"OH GOD, anong nangyari sa anak ko Earl?” humahangos na tanong Carolina habang papalapit kay Earl na nasa harap ng Emergency Room. Hindi agad pal anito nabasa ang message niya dahil naiwan sa kuwarto ang cellphone. Kitang-kita ni Earl ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Carolina at ni Ronaldo.“Mom it’s a long story, basta ang mahalaga nakita na natin siya at makakapiling na natin,” hindi pa rin mapakali na sagot ni Earl. He is so anxious because of his wife condition. Sinisisi niya ang sarili dahil sa mga nangyayari, kung hindi sana siya nagkaamnesia ay hindi mangyayari lahat ng ito.Kanina nang makita niya si Thalia sa banyo na walang malay ay hindi niya maipaliwanag ang sarili, tila ba gusto niyang sampalin ang sarili ng ilang beses. Hindi niya kaya na makitang ganoon ang kalagayan nito.“Ronaldo, ang anak natin,” umiiyak na turan ni Carolina. Niyakap naman ito pabalik ni Ronaldo while gently rubbing her back.“Love don’t worry magiging okay din si Thalia. Hindi ako papayag na may ma
“Aling Tindeng, sakto po andito na po kayo, si Thalia po kasi eh,” humahangos na sabi ni Ana sa kanila.“Ha bakit anong nangyari kay Thalia?” nag-aalalang parehong sabi nina Tindeng at Rosa. Si Earl naman ay napatindig at napatingin doon sa babaeng pumasok sa apartment. Karga-karga pa din nito si Jacob at mabilis silang nagsunuran sa babae.Habang naglalakad sila nang mabilis ay hindi inaasahang natapilok si Tindeng mabuti na lamang at mabilis siyang naalalayan ni Antonio.“Ay ano ba yan, nagpapanic na ang lahat,kayo luma-love story,” at nakuha pa talagang mang-asar ni Rosa sa situwasyong ito. Mabilis namang bumitaw si Tindeng kay Antonio.“Eh bakit na pala napunta si Thalia dun sa apartment unit natin Ana?” naiinis na sabi pa ulit ni Rosa.“Kasi po tiya isinama ko po siya para po sana maliguan kaya lang po ay nang kukuha po ako ng tuwalya eh hindi na po ako makapasok sa cr pagkabalik ko,”paliwanag naman ni Ana.“Bakit mo kailangang paliguan ang asawa ko?” takang tanong ni Earl.“Kasi