NANG MAKALABAS si Clyde mula sa banyo ay natigilan siya nang makita si Zahra na nakaupo sa may gilid ng kama, patalikod sa kanya. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo nito habang nakatingin sa gawi ng anak nila. Kaya naman nagpasya na lang siya magtungo sa walk-in closet para magbihis. Lahat naman ay nakaayos na at may mga gamit na rin siya rito. Pinili niyang magsuot ng itim na t-shirt at cargo short na itim rin ang kulay, nasa bahay lang naman sila. Matapos niya magbihis ay lumabas na siya. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang hindi na makita si Zahra. Kasabay nang paghakbang niya ay ang pagbukas ng pinto at iniluwal si Manang Aiza. "Nandito ka pala. Pinaakyat ako ni Zahra para bantayan si Wyatt," sambit nito. "Nasaan siya?" tanong niya."Nasa hapag-kainan kasama ng mga magulang mo." Tumango lang siya saka tuluyan nang lumabas ng silid. Naabutan niyang nakaupo na ang mga magulang at si Zahra. Humalik siya sa kanyang Ina saka binati ang ama. "Let's eat," sabi ng ama niya nang makaupo
'I HAVE NEVER cheated on you!'Paulit-ulit na nag-play sa utak ni Zahra habang nakatitig kay Clyde. Nakaluhod at sabunot ang buhok nito. He looks as wasted as she is. Pero bakit? Sa sinabi nito na hindi siya nito niloko? Sa sobrang sakit ng dibdib niya dahil sa pagtrato nito ay hindi na niya napigilan ang sarili na ilabas ang matagal na niyang hinanakit para sa dating kasintahan. Kahit dalawang taon na ang lumipas ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang sakit na idinulot nito nang iwanan siya nang walang paalam. At ngayon nasabi na niya rito…bakit tila siya nagsisisi? Sa nakikita niyang ayos ni Clyde ay mas gusto niya itong yakapin. Mahal niya pa ba ang lalaki? Siguro nga oo. Dahil kahit kailan naman ay hindi nawala sa puso niya si Clyde. Naroon lang, nagtatago at naghihintay sa muli nitong pagbabalik. O, sa tuluyan pag-alis. "You did," namutawi sa kanyang bibig. Marahas na tumayo si Clyde at lumapit sa kanya. Lumuhod ito para magpantay ang kanilang mukha. As she looked into his eye
HINAYAAN NI CLYDE ang sarili na magpakasawa na titigan ang payapang natutulog na si Zahra. Hindi niya alam kung paano o ano'ng nangyari. Nakita na lang niya ang sarili na yakap-yakap ito. Hanggang sa maramdaman niya ang paglalim ng paghinga nito tanda na tuluyan na itong nakatulog. Seryoso siya sa sinabi. He'll stay with her forever. Even his brother can't stop him. After hearing what happened two years ago, a voice from the back of his mind told him that they had planned everything. Ayaw niyang tanggapin 'yon. Dahil hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin kapag nalaman na pinagkaisahan siya. Tipid siyang napangiti nang kumunot ang noo nito saka kumibot ang mga labi. Nanaginip. At mukhang isang magandang panaginip 'yon lalo pa ng ngumiti ito. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi ni Zahra. She looks so fragile while sleeping. Kahit ano'ng tapang ang ipakita nito sa kanya ay lumilitaw pa rin ang Zahra niya noon. Iyong malambing at makulit. Malalim siyang napabu
MAGKATABI na nakaupo sa pahabang sofa ang mga magulang ni Clyde kasama si Lorenzo na bakas ang pagkadisgusto sa mukha nito. Habang sa katapat naman ng mga ito ay si Zahra katabi ang mga magulang. At siya ay nanatili sa kinauupuan at hindi nagpaawat sa pag-inom ng alak."What? Are we going to wait until—""Shut up, Clyde! You're being disrespectful," matigas ang pagkakasaway ni Lorenzo sa kanya. He raised his brow. 'Acting like a real brother, huh!' He tsked and just moved his glass like saying to him 'cheers' and drank it."Being the Draco Elites leader was not a joke to be played." Simula ng ama nila habang seryosong nakatingin sa kanya. "We had many rivals that wanted to eliminate us. Because our organization is one of the biggest and most successful organizations in Europe. As we said…they even tried to sabotage my wedding. "When you were born, we were attacked by unknown people. It's good that we are prepared and already have insight into it. It was not the first time that they tr
MABUTI NA LANG at 1st attack pa lang ang nangyari sa Papa ni Clyde. Ligtas na ito at kasalukuyan nagpapahinga sa ospital. Mas minabuti niya na manatili ang ama roon at bukas na lang pauwiin. Nagamot na rin ang sugat niya at ngayon nga ay wala sa sarili siyang nakatingin sa kawalan. Bago sila umuwi ay dinaanan nila si Wyatt para mapanatag si Zahra na ligtas ito. Mabuti na lang at nakaunawa naman si Trace na ayaw niyang pag-usapan ang nangyari. Halata naman kasi ang pagtatanong sa mga mata nito nang tingnan ang kamay niyang may benda. Pagkabalik nila sa bahay ay agad niyang kinuha ang sobre na pinatabi niya kay Jack. At ang mga nabasa ay nagbigay linaw sa kanya. Kung paano naitago ang tunay na pagkatao ni Lorenzo. Mapakla siyang natawa, nakakabaliw lang ang mga nangyayari. Ngayon nalaman niya na ang katotohanan kung bakit siya nalayo sa tunay na mundo ay napapamura na lang siya. Ano ba dapat niyang gawin? Naramdaman niya ang pag-upo ni Lorenzo sa katapat na sun lounger. Kasalukuyan siy
NANG buksan ni Clyde ang pinto sa silid ay nakita niya si Zahra na sinenyasan siya na huwag maingay saka itinuro ang kanilang anak na natutulog. Kaya naman dahan-dahan niyang isinara ang pinto. It's already 2 P.M. Naglakad siya palapit rito. Nagulat pa siya nang biglang hawakan ni Zahra ang kamay niya at buong pag-iingat na hinaplos 'yon. "Still hurt?" malamyos ang boses nitong tanong. Napalunok siya. Bakit ba iba ang dating ng boses nito sa kanya, tila may binubuhay na—shut up Clyde! "It's good. Malayo sa bituka 'to," sagot niya saka hinila ito patungo sa pahabang sofa at pinaupo, tumabi siya rito. They are facing Wyatt's crib. "How's he?" "He's good," tipid nitong sagot. Namayani ang katahimikan. Paano ba niya sisimulan sabihin dito ang lahat? Alam niyang may ideya na ito sa tunay na nangyayari. "I'm sorry." Mabilis siyang napalingon sa sinabi nito. "Sorry for what?" kunot ang noo na tanong niya. Nakayuko lamang ito habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay. "For what my par
"CONFUSED about what?" "Us. Magkayakap tayo ngayon na parang walang nangyari sa pagitan natin. I mean…wa-wala ka bang pamilya?" Tila may bumara sa lalamunan ni Zahra nang bitawan ang mga salita na 'yon. Natatakot ba siya sa isasagot nito? Siguro oo. Dahil kung mayroon na itong pamilya. Saan sila lulugar? "Did you see anyone with me?" Balik-tanong nito kaya naman napaangat siya ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nila. Those cobalt blue eyes that she adores so much. Lalo na sa tuwing tinitingnan siya nito ng puno ng pagmamahal. Katulad na lang…ngayon? Bigla siyang napabangon dahil sa pagbilis ng tibok ng puso niya. Iniwas ang tingin saka yumuko. 'Is he still in love with me?' tanong niya sa sarili. Naramdaman niya ang pag-ayos nito ng upo. Hindi pa rin bumabalik sa normal na pagtibok ang puso niya. Ayaw niyang umasa pero…pwede pa ba na mabuo ang pamilya niya? Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan nito 'yon."Kung ano man ang nakita mo noon sa party ay wala lang 'yon. Siguro nga
CLYDE immediately left after hearing that Zahra would stay with him. Nakaramdam siya ng saya na marinig mula sa bibig ng dating kasintahan na siya pa rin ang mahal nito. Pero ang kasiyahan na 'yon ay hindi niya tuluyan magawa dahil sa masamang balita. Naabutan niya sina Jack na naghihintay sa labas kapagkuwan ay sinulyapan si Lorenzo na tahimik lamang nakatayo habang nakapamulsa. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay tila may nakita siyang pangamba sa mga mata nito. Subalit hindi na niya 'yon pinansin at tuluyan pumasok sa kotse na maghahatid sa building kung nasaan ang chopper na gagamitin pabalik ng Manila."What is the status?" tanong niya agad pagkaandar ng kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Lorenzo sa kabilang kotse."Yuri trying to track them—""Damn it!" matigas niyang mura na ikinaputol ng iba pang sasabihin ni Jack na nasa driver seat. "How did it happen? No one knows about them. Kaya nga sobrang dalang ko lang sila makita para maiwasan ang bagay na ito!" Napaigik siya
SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa
NANG makarating sina Clyde sa Colombia ay mas naging alerto sila. Hindi nila teritoryo 'to at mas lalong wala pa siyang ka-alliance rito. Nahirapan siya maghanap sa Foedus mabuti na lang at may nakausap na ang ama niya kaya mas lumakas ang loob niya. Hindi siya naduduwag ngunit kasama niya ang mga magulang ni Zahra at ayaw niya na may mangyaring masama sa mga ito sa poder niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ang babaeng mahal niya. Nang makalabas sila ng airport ay may nakaabang ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa lugar kung nasaan ang ama ni Mrs.Baek. Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang kotse na nasa unahan at likuran ng kotseng sasakyan nila pati ang ilang nakaunipormadong mga kalalakihan. Nakasisiguro siya na hindi nila mga tauhan ‘yon."Don't worry son, we are safe." His father tapped his shoulder when he noticed that he was scrutinizing the area.Clyde nodded. It was his father so he was telling the truth. Sabi niya nga, siya man ang pinuno ngayon ng Draco Elites h
"CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila? Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman. "What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon. Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong. "Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano
SUNOD-SUNOD na katok ang narinig nina Clyde at Zahra. Nagkatinginan pa sila. Si Zahra ay bakas na nahiya ito habang si Clyde ay asar dahil hindi pa siya tapos. Humalik muna siya sa labi nito bago nagpasyang tumayo. Wala siyang hiya naglakad nang nakahubad. Pumasok siya sa banyo saka kinuha ang isang puting roba.Nang makalabas siya ay nakita niyang nakaupo na si Zahra at nakasandal sa may headboard ng kama. "Stay there, I will just check who's knocking." Pagkasabi niyon ay naglakad na siya palapit sa pinto. Bahagya niyang binuksan 'yon at mas lalo siyang nainis noong makita si Jack."What do you need?" asik niya rito saka humakbang palabas. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Jack habang sinusuri siya ng tingin. 'Ang sarap bigwasan ng pagmumukha.' Kaya naman isang hampas sa dibdib nito ang ginawa niya na ikinaubo pa kunwari. Ang hina lang no'n para lang magising. "Master!""What? Don't you see you're disturbing us! Now, tell me, what do you want?" madiin niyang tanong s
MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve.Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi siya ng silid at gusto muna niya umuwi at gusto niya makita ang kanyang mag-ina."Son," bati ng kanyang ama. "How's your brother?" kapagkuwan tanong nito. Pero nagtataka siya dahil alam niya ay naka-confin
MABILIS ANG kilos nina Clyde na nilisan ang warehouse. Alam na ng mga tauhan kung ano ang gagawin sa mga bangkay. They will bomb the whole warehouse leaving no evidence."To the south," sambit ni Yuri sa tamang diretsong na kailangan nila tahakin. He was nervous and worried. Natatakot siya sa kung ano ang nangyari sa mga kinalakihang mga magulang. "F*ck! Yuri, can't you figure out the situation?" asar niyang tanong at nilingon pa ito na abala sa back seat habang hawak ang laptop. Tulad kanina ay si Jack ang nagmamaneho habang si Lia at Yuri ay nasa back seat nakapwesto. "I'm trying to locate, they are moving…" Nakita niyang ang pagbilis lalo ng mga kamay nito sa paggalaw. "They are heading to the nearest hospital." Isang malakas na mura ang pinakawalan niya. Hospital? Isa lang ang ibig sabihin. May napahamak. He closed his eyes and clenched his jaw. Kapag talaga may nangyari masama kina Nanay at Tatay ay uubusin niya ang lahat ng miyembro ng Alta Underground na 'yon. Sisiguraduhin
HINDI MAIWASAN ni Zahra na mag-alala sa pag-alis ni Clyde. Lalo na kina Nanay at Tatay, alam niya kung gaano kamahal ni Clyde ang mga ito. At ngayong nasa panganib ang dalawa ay siguradong hindi matatahimik si Clyde hanggang hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga kinalakihang magulang. Napabuntung-hininga si Zahra saka sinilip ang anak. Mahimbing na naman ang tulog nito. Nagising ito kanina at heto napagod na naman sa kakalaro sa mga lola at lolo. Mag-alas sais na rin ng gabi at wala pa siya balita kina Clyde. Habang lumalaki ang anak ay mas nagiging kamukha ito ng ama. Bigla siyang natigilan. May posibilidad na pasukin din ng anak ang mundo ng ama nito. Dahil, ito ang tagapagmana ni Clyde. Ang huling tawag sa kanya ni Clyde ay noong ipaalam nito na nakarating na raw ang mga ito sa Manila. Ang simpleng pagtawag nito ay malaking bagay sa kanya. Alam niya na hindi na niya ito maaabala dahil priority nito ang mailigtas ang mag-asawa. But she's hoping that he will call to update her. Na
HINDI MAPALAGAY si Clyde habang nasa may 'di kalayuan sila, kasalukuyan sila nakahinto at naghihintay sa pagdating ni Paul sa hideout ng mga kalaban. Matapos niya ito makausap ay agad itong nagtungo sa Liege. Mabuti na lang at wala itong ibang lakad o kahit mayroon pa alam niyang hindi siya nito bibiguin. Habang naghihintay sila kay Paul ay nagkalap na ng mga impormasyon si Yuri tungkol sa boss ng mga Alta na naka-assign dito sa Pinas. Hindi gano'n kadali hanapin 'yon dahil tulad nila ay maingat din ang mga ito. Pero mukhang nabalewala rin ang ginawa ni Yuri dahil pagkarating ni Paul ay sinabi lang na napag-aralan na raw nito ang lahat ng tungkol kay Kino Larkato—pangalan ng boss ng Alta na kumalaban sa kanila.Napaayos ng upo si Clyde nang makita ang pagparada ng sasakyan kung saan sakay si Paul. Bilib na rin talaga siya rito dahil maging ang isa sa mga ginagamit ni Kino na kotse ay nagawa nitong kuhanin. Hindi talaga siya nagkamali ng nilapitan. A perks of being a Foedus member. Mar
CLYDE immediately left after hearing that Zahra would stay with him. Nakaramdam siya ng saya na marinig mula sa bibig ng dating kasintahan na siya pa rin ang mahal nito. Pero ang kasiyahan na 'yon ay hindi niya tuluyan magawa dahil sa masamang balita. Naabutan niya sina Jack na naghihintay sa labas kapagkuwan ay sinulyapan si Lorenzo na tahimik lamang nakatayo habang nakapamulsa. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay tila may nakita siyang pangamba sa mga mata nito. Subalit hindi na niya 'yon pinansin at tuluyan pumasok sa kotse na maghahatid sa building kung nasaan ang chopper na gagamitin pabalik ng Manila."What is the status?" tanong niya agad pagkaandar ng kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Lorenzo sa kabilang kotse."Yuri trying to track them—""Damn it!" matigas niyang mura na ikinaputol ng iba pang sasabihin ni Jack na nasa driver seat. "How did it happen? No one knows about them. Kaya nga sobrang dalang ko lang sila makita para maiwasan ang bagay na ito!" Napaigik siya