"SAGOT!" ang malakas at galit na galit na boses ni Clyde ang pumuno sa kabuuan ng basement niya. Matapos ang nangyaring pag-atake sa kanila sa Baguio ay diretso dinala ang mga naiwan na buhay sa mansyon niya rito din sa Baguio. Nakahilera ang lima at nakaluhod sa kanyang harapan. Tanging suot ay pantalon lamang. Nakatali ang mga kamay sa likuran. At kahit subukan ng mga ito na tumakas ay imposible dahil nakatutok ang mga baril nina Tom at Tommy sa mga ito. Isang maling galaw ay siguradong patay.Nauubusan na siya ng pasensya. Kahit na halos limang minuto pa lang siya nakakapasok sa loob. Maikli ang pasensya niya lalo na at pakiramdam niya ay naisahan siya. Nagmukha siyang mahina sa mata ng putang'inang Lorenzo na 'yun. Ipinamukha lang naman nito na hindi siya ang nararapat sa pwestong iniwan ng ama. Isang malakas na putok ang umalingawngaw kasabay ng pagbagsak nang nasa gitnang lalaki. Nanlalaki ang mga mata ng natirang apat. "Easy, couz." Masamang tingin ang ipinukol niya kay Yuri
"WHAT?!" Hindi makapaniwala si Clyde sa narinig mula kay Yuri. "That's impossible, everything is settled. Paano umatras ang mga Castro sa usapan?" "We found out that someone offered them lower price than us. At negosyante rin naman sila. Of course, they will choose the lower price." Tumayo si Yuri at lumapit sa kanya habang dala-dala nito ang laptop saka inilapag sa lamesa. "Check this." Then, a video started to play. Inilapit niya pa ang mukha sa laptop para mas mapanood ito.Clyde's knuckles clenched while his eyes were dark. He can't believe it. May hinala na siya pero hindi niya akalain na talagang magagawa niyon ng pinsan niya. They are into one organization. He knows that Uncle Ergon wanted Lorenzo to be the next leader of Draco Elites. They were expecting that until he showed up and his father announced him as the new appointed leader. Marami ang kumontra, their reason; simple, he didn't grow up to be the next leader. Hindi raw sapat ang isang taon para hawakan niya ang organ
"READY THE PRIVATE PLANE," maawtoridad na utos ni Clyde kay Jack bago lumabas sa basement."Where are you going, Couz?" tanong ni Yuri na nakasunod sa kanyang likuran. Hindi niya sinagot ito bagkus ay pinagpatuloy niya ang paglalakad pabalik sa kanyang opisina. Hindi naman ito muling nagsalita, sinabayan lang siya sa paglalakad. Hinding-hindi niya palalagpasin ang mga nangyayari. Kailangan na niya kumilos bago pa siya maunahan. Kung sino man ang nasa likod nang lahat ng ito ay sisiguraduhin niya na pagbabayarin niya. Nang makapasok siya sa loob ng opisina ay pabagsak siyang umupo sa pahabang sofa. Isinandal niya ang likod. Minsan naiisip niya na sana hindi na lang siya nahanap. Mas maayos pa ang buhay niya noon. Mas masaya. Pero, gano'n talaga. Hindi matatakasan kung ano man ang nakatakda. Matagal na naman niya tinanggap ang kanyang kapalaran. Hindi naman niya maiwasan na maisipan ang mga 'what if's' niya. Tulad na lamang ngayon. "We are going to China," kapagkuwan ay sabi niya mak
"F*CK!" Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Clyde matapos paulanan ng bala ang kanilang sinasakyan. Nang makalayo na sila sa airport ay may mga itim na kotse na ang nakasunod sa kanila. Kanina pa nila napansin 'yon pagkalabas pa lang nila ng airport. Kaya naman pinili nilang dumaan sa lugar kung saan walang ibang madadamay. It's almost late pero halatang inaasahan ang pagdating nila. At ngayon nga ay mukhang hindi talaga sila bubuhayin ng mga putang'inang humahabol sa kanila."We need back up! Where the hell are you!" sigaw ni Jack habang pilit na iniiwasan ang isang itim na kotse na humanay na sa kanila. Clyde's got his Beretta 92 FS. "Pilitin mo na lagpasan sila," sabi niya kay Jack at inihanda ang sarili. Inilapit niya ang katawan sa may pinto. At nang maungusan nga nila ang itim na kotse ay kasabay sa pagbukas niya ng pintuan ng kotse sa may shotgun seat. Kumapit siya sa handle na nasa itaas saka inilabas ang kalahating katawan sabay unat ng kaliwang kamay para itutok sa isang
"NO!" Napabalikwas ng bangon si Zahra. Habol niya ang hininga. Taas-baba ang kanyang dibdib habang ang mga mata ay mababakasan ng takot. Ang tagal na no'n pero bakit bigla niya napanaginipan. It was twenty years ago. Pero ngayon ay parang sariwang-sariwa, parang kahapon lang ito nangyari.Nang maalala ang naganap ay bigla siyang natigilan. Kaya ba niya napanaginipan ang nakaraan ay dahil sa nangyari? Natakip niya sa bibig ang nanginginig na mga kamay. Ang mga putok ng baril, ang malakas na pagsabog at ang nagliliyab na apoy. Parehong-pareho sa kanyang nakaraan. Nakaraan na matagal na niyang binaon. Nakaraan na nagdulot sa kanya ng matinding trauma.Napalingon siya sa pintuan nang maring ang pagbukas niyon. Ang nag-aalalang mukha ni Lorenzo ang kanyang nakita. Malalaki ang mga hakbang nito na nilapitan siya. At sa hindi niya malaman na dahilan ay sinalubong niya ito ng yakap kasabay ng pagtulo ng mga luha. Naramdaman niya rin ang pagyakap nito pabalik sa kanya. Natatakot siya. Pero hind
"ARE YOU SURE about it?" tanong ni Yuri kay Clyde. Sakay sila ng isang kulang itim na Land Cruiser. At tinatahak nila ang daan papunta sa bahay ni Lorenzo. "Yes," tipid niyang sagot kakabalik lang nila galing China. Hindi naman nila kailangan umuwi dahil sa China pa lang ay nakapag-ayos na sila. Nagpalipas lang sila ng gabi do'n at umalis din agad. Wala na siyang sasayangin na oras. Habang kapwa sila ni Lorenzo na nandito sa Pilipinas. "Kuya Vito, sa tingin mo may traydor talaga sa atin? Come to think of it, we are not just an organization but also a family here," singit ni Lia katabi ang kuya nito na nasa back seat habang si Jack ang nagmamaneho. Nasa kasunod naman na kotse sina Tom, Tommy, Brian at Rocco. Oo, he needs back up dahil hindi basta-basta ang pupuntahan niya kahit pa sabihin pinsan nila ito. Maliban sa kanila ay may dalawa pang kotse isa sa unahan at sa dulo na may limang tao sakay bawat isa. They are all his men, lahat ay bihasa sa usaping pakikipaglaban. He leaned his
"PA-PAPA." Bigkas ng sanggol na buhat ni Zahra habang nakatingin kay Clyde. Bakit ang sarap sa pandinig niya? "Do we look the same?" Ang boses ni Lorenzo ang umagaw sa atensyon nila na kalalabas lang sa isang pintuan. Lumapit ito kay Zahra saka binuhat ang sanggol. "Yes, son. Did you miss Papa?" "Pa-Papa," muling bigkas ng bata na ikinatawa ni Lorenzo. Mas nagtagis ang bagang ni Clyde sa nakikita. "We will play later, Wyatt." Ibinalik na ni Lorenzo ang bata kay Zahra. "Go upstairs, I need to attend to my visitors."Kinuha ni Zahra ang bata. "Ang kape mo malamig na. Ipapainit ko muna saka ko rin sila pahatiran ng kape," rinig nilang sabi nito. "Sure. Thank you, Hon." Hinalikan ni Lorenzo si Zahra sa noo pati na rin ang bata bago ito umalis. "Sorry about it, I can't help to show how much I love my wife," saad nito nang humarap sa kanila na may ngisi sa mga labi. Nang-aasar ang gago! Akala yata ay maaapektuhan siya. Clyde's impassive face at Lorenzo who looked at him with his sardon
"WHAT DID YOU SAY?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Clyde sa apat na sulok ng silid na 'yon. Habang ang magkapatid na sina Lia at Yuri ay bakas din sa mga mukha ang gulat sa isiniwalat ni Lorenzo.Lorenzo shrugged nonchalantly like he did not say a bewildering news a moment ago. He looked so calm while the three were still in shock. Unang nakabawi si Clyde at padaskong tumayo hindi na alintana ang kamao na hindi pa tuluyan nagagamot. "Damn you, Lorenzo! Huwag mo kaming paglaruan!" matigas ang bawat bigkas niya sa mga salita habang ang mga mata ay nanlilisik nakatingin sa pinsan. Naikuyom niya ang mga kamao habang nagngingitngit sa nagsisimulang galit sa dibdib niya. Lorenzo is obviously playing with them and he's f*cking hates it. Napabuntung-hininga si Lorenzo bago umayos ng upo at diretsong tumingin sa kanya. "I wish I was just playing but I'm not. Mas maganda pa nga ang naging buhay mo kaysa sa akin. At least ikaw naranasan mo kung paano maging masaya bilang isang bata. Paan
SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa
NANG makarating sina Clyde sa Colombia ay mas naging alerto sila. Hindi nila teritoryo 'to at mas lalong wala pa siyang ka-alliance rito. Nahirapan siya maghanap sa Foedus mabuti na lang at may nakausap na ang ama niya kaya mas lumakas ang loob niya. Hindi siya naduduwag ngunit kasama niya ang mga magulang ni Zahra at ayaw niya na may mangyaring masama sa mga ito sa poder niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ang babaeng mahal niya. Nang makalabas sila ng airport ay may nakaabang ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa lugar kung nasaan ang ama ni Mrs.Baek. Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang kotse na nasa unahan at likuran ng kotseng sasakyan nila pati ang ilang nakaunipormadong mga kalalakihan. Nakasisiguro siya na hindi nila mga tauhan ‘yon."Don't worry son, we are safe." His father tapped his shoulder when he noticed that he was scrutinizing the area.Clyde nodded. It was his father so he was telling the truth. Sabi niya nga, siya man ang pinuno ngayon ng Draco Elites h
"CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila? Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman. "What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon. Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong. "Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano
SUNOD-SUNOD na katok ang narinig nina Clyde at Zahra. Nagkatinginan pa sila. Si Zahra ay bakas na nahiya ito habang si Clyde ay asar dahil hindi pa siya tapos. Humalik muna siya sa labi nito bago nagpasyang tumayo. Wala siyang hiya naglakad nang nakahubad. Pumasok siya sa banyo saka kinuha ang isang puting roba.Nang makalabas siya ay nakita niyang nakaupo na si Zahra at nakasandal sa may headboard ng kama. "Stay there, I will just check who's knocking." Pagkasabi niyon ay naglakad na siya palapit sa pinto. Bahagya niyang binuksan 'yon at mas lalo siyang nainis noong makita si Jack."What do you need?" asik niya rito saka humakbang palabas. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Jack habang sinusuri siya ng tingin. 'Ang sarap bigwasan ng pagmumukha.' Kaya naman isang hampas sa dibdib nito ang ginawa niya na ikinaubo pa kunwari. Ang hina lang no'n para lang magising. "Master!""What? Don't you see you're disturbing us! Now, tell me, what do you want?" madiin niyang tanong s
MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve.Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi siya ng silid at gusto muna niya umuwi at gusto niya makita ang kanyang mag-ina."Son," bati ng kanyang ama. "How's your brother?" kapagkuwan tanong nito. Pero nagtataka siya dahil alam niya ay naka-confin
MABILIS ANG kilos nina Clyde na nilisan ang warehouse. Alam na ng mga tauhan kung ano ang gagawin sa mga bangkay. They will bomb the whole warehouse leaving no evidence."To the south," sambit ni Yuri sa tamang diretsong na kailangan nila tahakin. He was nervous and worried. Natatakot siya sa kung ano ang nangyari sa mga kinalakihang mga magulang. "F*ck! Yuri, can't you figure out the situation?" asar niyang tanong at nilingon pa ito na abala sa back seat habang hawak ang laptop. Tulad kanina ay si Jack ang nagmamaneho habang si Lia at Yuri ay nasa back seat nakapwesto. "I'm trying to locate, they are moving…" Nakita niyang ang pagbilis lalo ng mga kamay nito sa paggalaw. "They are heading to the nearest hospital." Isang malakas na mura ang pinakawalan niya. Hospital? Isa lang ang ibig sabihin. May napahamak. He closed his eyes and clenched his jaw. Kapag talaga may nangyari masama kina Nanay at Tatay ay uubusin niya ang lahat ng miyembro ng Alta Underground na 'yon. Sisiguraduhin
HINDI MAIWASAN ni Zahra na mag-alala sa pag-alis ni Clyde. Lalo na kina Nanay at Tatay, alam niya kung gaano kamahal ni Clyde ang mga ito. At ngayong nasa panganib ang dalawa ay siguradong hindi matatahimik si Clyde hanggang hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga kinalakihang magulang. Napabuntung-hininga si Zahra saka sinilip ang anak. Mahimbing na naman ang tulog nito. Nagising ito kanina at heto napagod na naman sa kakalaro sa mga lola at lolo. Mag-alas sais na rin ng gabi at wala pa siya balita kina Clyde. Habang lumalaki ang anak ay mas nagiging kamukha ito ng ama. Bigla siyang natigilan. May posibilidad na pasukin din ng anak ang mundo ng ama nito. Dahil, ito ang tagapagmana ni Clyde. Ang huling tawag sa kanya ni Clyde ay noong ipaalam nito na nakarating na raw ang mga ito sa Manila. Ang simpleng pagtawag nito ay malaking bagay sa kanya. Alam niya na hindi na niya ito maaabala dahil priority nito ang mailigtas ang mag-asawa. But she's hoping that he will call to update her. Na
HINDI MAPALAGAY si Clyde habang nasa may 'di kalayuan sila, kasalukuyan sila nakahinto at naghihintay sa pagdating ni Paul sa hideout ng mga kalaban. Matapos niya ito makausap ay agad itong nagtungo sa Liege. Mabuti na lang at wala itong ibang lakad o kahit mayroon pa alam niyang hindi siya nito bibiguin. Habang naghihintay sila kay Paul ay nagkalap na ng mga impormasyon si Yuri tungkol sa boss ng mga Alta na naka-assign dito sa Pinas. Hindi gano'n kadali hanapin 'yon dahil tulad nila ay maingat din ang mga ito. Pero mukhang nabalewala rin ang ginawa ni Yuri dahil pagkarating ni Paul ay sinabi lang na napag-aralan na raw nito ang lahat ng tungkol kay Kino Larkato—pangalan ng boss ng Alta na kumalaban sa kanila.Napaayos ng upo si Clyde nang makita ang pagparada ng sasakyan kung saan sakay si Paul. Bilib na rin talaga siya rito dahil maging ang isa sa mga ginagamit ni Kino na kotse ay nagawa nitong kuhanin. Hindi talaga siya nagkamali ng nilapitan. A perks of being a Foedus member. Mar
CLYDE immediately left after hearing that Zahra would stay with him. Nakaramdam siya ng saya na marinig mula sa bibig ng dating kasintahan na siya pa rin ang mahal nito. Pero ang kasiyahan na 'yon ay hindi niya tuluyan magawa dahil sa masamang balita. Naabutan niya sina Jack na naghihintay sa labas kapagkuwan ay sinulyapan si Lorenzo na tahimik lamang nakatayo habang nakapamulsa. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay tila may nakita siyang pangamba sa mga mata nito. Subalit hindi na niya 'yon pinansin at tuluyan pumasok sa kotse na maghahatid sa building kung nasaan ang chopper na gagamitin pabalik ng Manila."What is the status?" tanong niya agad pagkaandar ng kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Lorenzo sa kabilang kotse."Yuri trying to track them—""Damn it!" matigas niyang mura na ikinaputol ng iba pang sasabihin ni Jack na nasa driver seat. "How did it happen? No one knows about them. Kaya nga sobrang dalang ko lang sila makita para maiwasan ang bagay na ito!" Napaigik siya