Share

CHAPTER 2

Author: Nicole Xing
last update Last Updated: 2021-09-03 02:03:21

Chanela Leiz Kamunting's POV

"Oy sorry na, Chanel..." 'Mula kahapon pang ganiyan si Kat at naiinis pa din ako sa sinabi niya no'n. Todo suyo siya ngayon sa akin.

Sabado ngayon at nandito na siya sa bahay namin magmula pa kaninang umaga at nanunuyo.

Ganito kaming tatlo 'pag hindi okay, may manunuyo pero depende naman sa nagawa at kung sino nga ba ang may mali.

Ang pinaka malambing sa aming tatlo ay si Kat. Si Alex kasi chill lang talaga 'yon at iba rin ang way ng pagbawi niya. Kahit din naman ako dahil hindi naman kasi ako showy na tao at ang ginagawa ko na lang 'pag nakagawa ako ng hindi maganda o ng kasalan ay hihingi na lang ako ng tawad at hindi ko na inuulit pa. Kasi ano namang sense ng sorry kung uulitin?

Like, "sorry, uulitin ko ulit."?

Itong si Kat, ang materialistic talaga when it comes to panunuyo, at  hindi lang doon, basta sa lahat ng bagay ganoon talaga ang way niya. Sanayan lang talaga sa kaniya kahit hindi ko naman kailangan ng mga gano'ng klase na materyal na binibigay nya. Kahit simpleng sorry lang talaga sa akin ng isang tao o ipakita manlang ang sinserong sorry ay okay na, basta 'wag nang ulitin pa.

Okay na sila ngayon ni Alex, nag-sorry din siya agad noong sila na lang naiwan ko sa resto. 

"Okay na. 'Wag mo na lang ulitin." Sabi ko hindi ko naman kasi siya matitiis. Hinding-hindi ko matitiis ang mga kaibigan ko.

Agad naman niya akong niyakap nang mahigpit at nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay ngumiti nang pagkalaki-laki. Ang babaw din talaga ng kaligayahan nitong babaeng 'to kahit papaano. Napailing na lang ako. 

"Yehey! Talaga? Babawi ako promise, 'wag ka na magalit ah?" Tumango naman ako.

Niyaya niya akong magpunta ng Robinson upang mamili. Sabado naman ngayon kaya walang pasok at isa pa wala naman na akong gagawin dahil natapos ko na rin naman nang maaga ang mga school works ko kaya puwede ko nang gawin lahat ng gusto kong gawin.

Mamimili daw si Kat ng mga pangregalo kasi magb-birthday na daw ang mga pinsan niya. Kaming dalawa lang at hindi kami kompleto wala kasi si Alex ngayon dahil may sarili din siyang lakad at ang sabi niya naman ay babawi na lang daw siya sa susunod.

"Tara bilhan kitang damit, pambawi ko sa 'yo!" Yaya niya sa akin at hindi pa man din ako nakakapayag sa sinabi niya ay agad niya na akong hinatak papunta sa isang shop kaya nagpatianod na lang ako dahil paniguradong wala naman akong palag sa gusto niyang gawin dahil mahirap tanggihan ang isang ito.

Sabi na, ganito siya bumawi. Napailing na lang ako. Siya 'yung tipong tao na kahit tumanggi ka, basta gusto niya wala kang palag, kahit na ba gastos niyang lahat basta maging okay lang kayo. Nakakaloka 'to. 

Sana 'yung maging boyfriend nito hindi siya i-take for granted. Kat is a Bitch and spoiled pero mayroon pa rin namang soft side ang mga taong sa tingin natin ay matapang at malakas. And kay Kat naman? I guess kami pa lang ni Alex ang nakakakita noon for almost year na kaming magkakasama at magkaibigan, hindi pa ba namin malalaman 'yon?

"Pili ka ng gusto mo, bibilhin ko..." Sabi niya pagpasok namin sa loob habang nagtitingin na ng mga damit. 

Nandito kami sa Unica Shop. Napatingin ako sa paligid halos ang gaganda ng mga damit na binibenta nila Tumingin muna ako kay Kat at nagpaalam dahil may nakapukaw ng atensiyon ko at balak ko iyon lapitan, tumango naman siya kaya agad na akong lumapit sa isang simpleng T-Shirt na kulay black at alam kong fitted V-neck dahil naagaw kasi nito ang atensyon ko kaya agad ko itong nilapitan at hinawakan.

Pinakiramdaman ko ang damit at mukhang maganda naman ang tela nito at tahi dahil cotton pero nang tignan ko ang presiyo ay napaurong ako dahil ang napakamahal nito.

Ibinalik ko ito at lumipat na lang ako ng ibang pwesto at nagtingin-tingin lang dahil wala namang akong balak bumili at wala rin naman akong pera pambili at kung mayroon man ako, hindi pa rin ako bibili. 

Mukhang hindi ko na kailangan ng mga ganito, ang mamahal naman kasi at kung titignan naman ay tila iisa lang naman ang tela nito na parang kagaya ng mga tinda sa palengke at ukay-ukay. Ang binayaran lang naman ay ang brand, kaya mahal.

"Oh ano? Nakapili ka na ba?" Tanong ni Kat mula sa likod ko na medyo ikinagulat ko, at kasabay noon ay pag-iling sa tanong niya.

"Ay bakit?" Tanong niya habang may mga hawak na damit na tingin ko pangregalo niya. 

"Maganda ba? Ito na lang ireregalo ko, bagay na bagay ito. Ang gaganda pa naman ng lahi ko." Sabi niya at tinitignan ang mga damit habang nakangiti. 

Tumango naman ako pagkatapos ko itong suriin, "Oo, maganda nga!" Halos lahat naman talaga ng mga damit dito ay maganda, nakakabutas nga lang ng bulsa ang presiyo.

"Ang mamahal pala dito." Dugtong ko. Nanghihinayang ako sa mga perang nagastos sa mga damit dito kahit hindi ko naman pera ang ginastos. Sobrang mahal kasi talaga halos puwede ko na nga ipangbayad ng Tuition 'yung mga perang nagastos at sobra pa. 

"Ano ka ba, okay lang 'yan, magaganda 'yan promise! Teka, ako pipili ng bagay sa 'yo, wait lang ah!" At iniwan niya ako. 

Napakibit balikat na lang ako at tumingin na lang ng mga iba pang damit. 

Sa isang araw kaya magkano ang nagagastos nitong si Kat? Sa aming tatlo si Kat talaga 'yung fashionista, eh. Si Alex kasi, banda doon, at inom lang ang alam. At ako? Heto taong bahay lang pero hindi ako killjoy, hindi naman kasi strict sila nanay saka may tiwala sila sa akin. 

Maya't maya pa ay dumating na si Kat na may dalang tatlong dress na mukhang fitted at above the knee sa tans'ya ko. Inangat niya ang mga ito upang ipakita sa akin, "charan! Itong tatlo pinili ko pa 'yan at saka nakipag-agawan dahil last na kasi 'yan, wala nang stock, ang gaganda 'di ba?" Tukoy niya sa tatlong hawak niya. 

Napangiwi naman ako. Yung isa, black na pasando pero dress na fitted. 'Yung isa naman pa backless na blue fitted din. At 'yung pangatlo, fitted din siya pero kulay brown at 'pag sinuot, kitang-kita ang cleavage. Maganda silang lahat, maganda din ang presyo. Sobrang ganda, tipong hindi ka siguro makakakain ng ilang linggo.

"'Wag na, nag-abala ka pa." Tanggi ko habang nakatingin sa mga dress na hawak niya pero inabot niya lang ito sa akin, "hay nako, sige na, isukat mo na 'tong mga 'to!" Tulak niya sa akin sa fitting room kaya no choice ako kung 'di suotin ang mga 'to. 

Unang kong sinukat itong black. Maganda naman siya kasi nakakalitaw ng puti at bakat na bakat din ang kurba ko. 

"Wow! Ganda mo! Bet ko 'yan, bagay sa 'yo!" Komento niya nang makalabas akong ng fitting room, "Suotin mo naman 'yung blue bilis!" Tinulak niya ulit ako sa loob. Ano ba 'to hilig manulak, muntik na 'ko masubsob.

Agad ko namang pinalit 'yung backless na sinasabi niya medyo nahirapan pa nga ako dahil nalilito ako kung paano ito isuot. Tila tuloy ako mangmang. 

Nang maisuot ko ay, okay naman. Maganda din siya. "Ang sexy, huhu! Bagay sa 'yo! Ang galing ko talaga pumili, kabog!" Hanga niya sa sarili niya nang makita niya ang resulta.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinasabi niya, medyo hindi rin ako sanay magsuot ng ganito dahil tila nagtataasan ang mga balahibo ko sa likod 'pag nakasuot ng backless. 

"'Yung isa naman bilis!" Pumasok ulit ako sa loob at nagpalit ulit, pagkatapos ay sinuot na 'yung brown dress, pinakahuli. 

Maganda siya, halos lahat sila magaganda, kaso lulang-lula ako sa presiyo. 

"Bet ko 'to! Saka 'yung black! Lahat sila maganda, ano ba gusto mo sa tatlo?" Tanong niya sa 'kin. Napaisip naman ako. Maganda silang lahat, wala namang kaso sa akin kung bibilhan niya ako, ang iniisip ko lang, 'yung presiyo. Nakakaloka naman kasi itong si Kat, nakakahiya pa rin kasi, sa magulang niya itong pera, eh. Tapos waldas lang siya nang waldas. 

Napailing ako at sumagot, "ang mahal naman kasi, 'wag na kaya?" Nahihiyang sabi ko habang nakangiwi, 'yung mga damit ko nga na sinusuot sa tiangge lang nabili eh, 100 pesos lang, maganda na. At saka nasa nagdadala naman 'yon, wala sa presyo at brand. Ang iba kasi, binabase nila lahat sa brand at sa presiyo para lang masabing mayaman ka at bagay sa iyo ang isang damit. 

Proud naman ako sa katayuan namin sa buhay, dahil wala naman kaming tinatapakang ibang tao kaya okay na maging ganito. Kaysa naman 'yung mayaman ka nga pero nangagago at nangtatapak ka ng mga taong wala namang ginagawa sa iyo at nagt-trabaho lang nang maayos. Isa pa sa halimbawa, dahil sa nasobrahan sa paggamit ng posisyon at pera, wala nang hustisya para sa mga taong mahihirap.

"Hays, kukunin ko na 'tong tatlo, pambawi ko nga sa iyo, kaya isuot mo siya, ah. Kung hindi magtatampo talaga ako sa 'yo." Aalma pa sana ako kaso nauna na siyang maglakad sa cashier para magbayad kaya naiwan ako dito sa puwesto ko. 

Kalaunan rin ay sinundan ko na lang siya. After namin mamili ay dumiretso kami sa fastfood chain. Paborito kasi namin dito, 'pag nasa Robinson. Sayang lang, wala si Alex hindi kami kompleto. Nakasanayan kasi namin na kapag kumakain kami sa paborito naming lugar ay magkakasama kami palagi.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya nagpaalam muna ako. Habang papalapit ako sa CR ng mga babae ay naaninagan ko mula rito sa malayo na may kumpol-kumpol na taong nakasilip sa loob ng CR ng lalaki. 

Hindi ko ugaling makiusyoso, ah. Sadyang magkatabi lang 'yung CR ng lalaki at saka ng babae, kaya madadaanan ko din ito at mas mauuna pa nga itong madaanan. 

Habang palapit ako ay nakita kong may mga pulis din. Nagtanong naman ako sa isang matanda, dahil sa kuryusidad. 

"Excuse po, ano pong nangyari?" Tanong ko sa matandang babae. 

"May pinatay daw sa loob na lalaki, grabe ang brutal ng pagpatay." Napatango at sumilip ako ng kaunti para makita. 

Ang lakas naman ng loob ng taong 'yon para pumatay dito pa mismo sa public at saka, may guards naman sa entrance, paano nakapasok 'yon? Mala ninja daw ang pumatay. 'Yon ang mga naririnig kong sabi-sabi sa paligid ko. 

Kasi naman, naitago niya doon 'yung bangkay na hindi nag-iiwan ng marka niya. Kung titignan mo rin ang bangkay ay, napakalinis ng pagpatay na naganap. Nakakapagtaka naman kung walang taong hindi makakakita doon unless kasabwat no'ng killer. Nakakaawa naman ang sinapit ng lalaking ito.

Napailing na lang ako dahil pati ako napapaisip, kahit hindi naman dapat isipin. Huling sinilip ko ito ay nakatakip na ito ng puting tela. 

Hindi na 'ko nakiosyoso pa roon dahil labas naman na ako doon. Isa pa, ihing-ihi na rin ako. Dumiretso na lang ako sa CR dahil ihing-ihi na talaga ako.

Pagkabalik ko ay naabutan kong may kausap sa phone si Kat. 

"Sino 'yan?" Tanong ko nang makaupo ako sa upuan ko, ngunit ngumiti lang siya sa akin at ibinaba na ang tawag, "Just a friend of mine." Tumango na lang ako at nagsimula na ulit kumain. 

"May patay doon, ang daming tao, kumpol-kumpol. Nakakaloka!" Kuwento ko habang sumusubo ng kanin. 

Seryoso naman siyang sumusubo ng pagkain niya at tumango lang sa sinabi ko at hindi nagkomento. 

"Paano kaya 'yon 'no? Ang lakas maka ninja moves dahil napakahigpit ng security dito." Napakibit balikat na lang siya sa sinabi ko at hindi ulit nagkomento. Hindi na ako nagsalita pa at pinagkaabalahan na lang ang pagkain ko.

Related chapters

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2 (1.2)

    Ang bilis ng oras dahil alas-singko na. Nagkayayaan na kaming umuwi na ang kaso nagtext sa amin si Alex na pumunta sa bar kung saan siya tumutugtog ng mga kabanda niya tuwing walang pasok saka sabado naman ngayon kaya, okay lang, nagtext na rin naman ako kay nanay na baka late ako makauwi at pumayag naman siya kaya, go na. At isa pa, may kotse naman si Kat kaya sabay na kaming nagpunta roon, malapit lang naman.Medyo inabot kami ng traffic kaya mga 6:30 PM na kami nakarating.Pagpasok namin ng bar ay namataan namin sina Alex at mga kabanda niya na mukhang kakatapos lang kumanta at pababa na ng stage. Sayang, hindi namin napanood kung gaano kagaling ang kaibigan namin kumanta at kung gaano kahalimaw tumugtog.Pagkababa niya ay nakita niya rin naman kami agad kaya dali-dali siyang nagtungo palapit sa amin."Bakit ngayon lang kayo?" Bungad niyang tanong sa amin habang lumalagok ng Tequila na inabot ng waiter sa kaniya."T

    Last Updated : 2021-09-03
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 3

    Chanela Leiz Kamunting's POVIts been three days since may nangyaring kakaiba kay Kat. Simula din no'ng time na 'yon, kinabukasan medyo ilang na siya sa amin. We can't contact her na rin at pakiramdam namin nagbago siya ng number o sadyang naka-off lang o hindi kaya ay, pinapatayan niya lang kami 'pag tinatawagan namin siya.Nagkakasama naman kami pero parang stranger lang kami sa kaniya, gano'n.Tapos, may mood siya na okay naman. We do not know what is really happening. Basta no'ng nasalubong namin siya sa ganoong kalagayan and when we asked her, iwas na iwas siya. Tahimik na din siya this past few days. Knowing Kat, madaldal siya at medyo maharot na tao. Hindi ko talaga alam anong nangyari dahil ayaw niya namang magsalita.

    Last Updated : 2021-09-06
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 4

    Chanela Leiz Kamunting's POV"Good morning, nanay!" Bati ko pagkalabas ko ng kuwarto.Naabutan ko naman sila ni tatay na naglloving-loving sa may kusina namin at bahagya pa silang naghiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa nang makita nila ako."Oh, anak, gising ka na pala. Tara na't mag-almusal." Yaya sa 'kin ni tatay, himala ah, hindi siya maag umalis ngayon.Umupo na kami sa mesa, ang mga niluto ni nanay ngayon ay ham, rice na may margarine na hindi ko alam kung ano ang tawag, at ang isa naman ay sandwich na may tuna at mayonaise sa loob.Agad akong naglaway sa nga putaheng nakikita ko sa harapan ko kaya wala nang paligoy-ligoy pa at naupo na agad."Tay, bakit hindi po ata kayo maaga ngayon?" Tanong ko habang sinusubo ang ham bago ang kanin."Double daw sweldo ko ngayon, saka kahit huwag daw muna akong pumasok sabi ng Boss ko. Tila maagang pamasko, Jackpot 'nak!" Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka pero napangiti

    Last Updated : 2021-09-18
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Good morning po, 'nay. Si tatay po?" Bati ko nang makita ko si nanay na naglalapag ng mga plato sa ibabaw ng mesa pagkalabas ko ng silid. Nagpalinga-linga ako nang hindi manlang sumagot si nanay sa tanong ko dahil busy ito sa paghahanda ng pagkain. Mukhang maaga na naman umalis si tatay at paniguradong alas-tres pa lang umaalis na 'yon. Napakasipag talaga. Nakakabilib. Sabagay, medyo malayo-layo rin kasi ang b'yahe niya mula rito hanggang doon, kaya kailangan maaga siyang umalis at uuwi naman siya dito na halos late ng gabi na din. Worth it naman pa-sweldo, kaya okay na din. Nakita ko si nanay na nagluluto ulit ng panibagong ulam. M

    Last Updated : 2021-09-21
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5 (1.2)

    Uwian na at nagcommute lang ako papunta sa condo ni Alex. Nagtext lang ako sa kaniyang papunta na ako.Again, wala na naman akong narecieve na reply mula sa kaniya. Mabuti na lang at may madadaanang 7/11 dito bago madaanan ang condo niya. Balak ko muna siyang bilhan ng makakain dahil baka gutom na 'yon at hindi pa kumakain.Hindi naman maarte sa pagkain 'yon, kaya keri na. Nang makabili ako ay agad na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.Ang tanging binili ko lamang sa kaniya ay isang Gatorade at Sisig na nakastyro, wala na kasi akong maisip na bilhin. At isa pa, ito lang din kinaya ng budget ko at alam kong nakakabusog na ito.Maya't maya pa ay hindi rin nagtagal ay nakarating din ako sa bahay niya.

    Last Updated : 2021-09-23
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6

    Chanela Leiz Kamunting's POV Sabado ngayon at alas-siyete ng umaga ako ginising ni Nanay dahil mamamalengke daw kami. Kasalukuyan akong nasa loob ng kuwarto nang marinig ang sigaw niya sa labas. "Bilisan mo, 'nak habang maaga pa!" Pag mamadali niya sa 'kin. Naghahanap kasi ako ng maisusuot, ngunit nahirapan pa ako makapili ng plain na damit at leggings kaya ako natagalan. Hindi kasi ako nagsusuot ng shorts 'pag nagpupunta ng palengke. Natatakot kasi ako na baka mahipuan ako nang wala sa oras, lalo na't siksikan minsan do'n. "Opo, 'nay!" Sagot ko nang matapos na akong magbihis, kaya binilisan ko na ang pagsuklay at pagtali sa buhok ko dahil nakakairita sa palengke kung nakalugay ako tapos aabutan lang ng araw edi parang naligo lang ako sa sarili kong pawis. At isa pa, medyo masungit si Nanay baka makaltukan ako niyan kapag nagtagal pa ako. Gusto ko na rin tuloy magpagupit dahil nanlalagkit na ako ang kaso baka hindi ako

    Last Updated : 2021-09-24
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6 (1.2)

    Natapos rin ako sa paglilinis dahil hindi naman iyon gaanong kadumihan dahil palagi naman akong naglilinis dito sa bahay tuwing hindi ako busy at walang gagawin. Maya't maya pa ay natapos na din namin ang paghahanda, ako ang taga handa at si Nanay naman ang tiga luto. "Ayos ba 'nak?" Nagpupunas ng pawis si Nanay habang tinitignan ang itsura ng inayos at hinanda naming mga pagkain sa sala. Madami ngayon ang iniluto ni nanay, at halo-halo ito. Sakto ring dumating na si Tatay, akala ko siya lang no'ng una, pero may mga kasama pala siya. Kaya pala medyo marami-rami ang iniluto ni Nanay. Nakipagtalo pa ako sa kaniya kanina noong nagluluto siya na kesyo, tatlo lang naman kaming kakain dahil masasayang ang pagkain 'pag hindi naubos. 'Yon pala, hindi lang kami ang kakain, may bisita pala. Agad akong bumati nang pumasok sila sa loob. "Magandang hapon po!" Nakangiting bati ko sa limang bisita ni Tatay. Lahat ito ay mga lalaki, at kung titignan m

    Last Updated : 2021-09-26
  • CLASH OF TARGETS   Middle

    "The guest have arrived, fix yourself."Karlasaid and I nodded. I have reached my bag and pulled out all my cosmetics and faced the mirror in front of me to put thick Red Lipstick on my lips combining with my black eyeshadows and worn color silver tube. I stare at myself for a minute and smiled slightly. As I close my eyes, I took a deep breath and fix the strand of my hair that goes to my face. I took my barrel on top of my table and put it on my knee with the sharp small Knife and covered myself with a bathrobe to hide it. Luckily, the bathrobe is long, so my weapons are not visible. When I am done hiding all my weapons, I stood up and went towards the door to get outside while wearing my sweet smirk. It has been a year since I stopped killing abusive people who committed crimes. Even if Madame wants us to kill innocent, I will never do that. I still have my conscience. While I am on my way, I cannot s

    Last Updated : 2021-08-31

Latest chapter

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6 (1.2)

    Natapos rin ako sa paglilinis dahil hindi naman iyon gaanong kadumihan dahil palagi naman akong naglilinis dito sa bahay tuwing hindi ako busy at walang gagawin. Maya't maya pa ay natapos na din namin ang paghahanda, ako ang taga handa at si Nanay naman ang tiga luto. "Ayos ba 'nak?" Nagpupunas ng pawis si Nanay habang tinitignan ang itsura ng inayos at hinanda naming mga pagkain sa sala. Madami ngayon ang iniluto ni nanay, at halo-halo ito. Sakto ring dumating na si Tatay, akala ko siya lang no'ng una, pero may mga kasama pala siya. Kaya pala medyo marami-rami ang iniluto ni Nanay. Nakipagtalo pa ako sa kaniya kanina noong nagluluto siya na kesyo, tatlo lang naman kaming kakain dahil masasayang ang pagkain 'pag hindi naubos. 'Yon pala, hindi lang kami ang kakain, may bisita pala. Agad akong bumati nang pumasok sila sa loob. "Magandang hapon po!" Nakangiting bati ko sa limang bisita ni Tatay. Lahat ito ay mga lalaki, at kung titignan m

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6

    Chanela Leiz Kamunting's POV Sabado ngayon at alas-siyete ng umaga ako ginising ni Nanay dahil mamamalengke daw kami. Kasalukuyan akong nasa loob ng kuwarto nang marinig ang sigaw niya sa labas. "Bilisan mo, 'nak habang maaga pa!" Pag mamadali niya sa 'kin. Naghahanap kasi ako ng maisusuot, ngunit nahirapan pa ako makapili ng plain na damit at leggings kaya ako natagalan. Hindi kasi ako nagsusuot ng shorts 'pag nagpupunta ng palengke. Natatakot kasi ako na baka mahipuan ako nang wala sa oras, lalo na't siksikan minsan do'n. "Opo, 'nay!" Sagot ko nang matapos na akong magbihis, kaya binilisan ko na ang pagsuklay at pagtali sa buhok ko dahil nakakairita sa palengke kung nakalugay ako tapos aabutan lang ng araw edi parang naligo lang ako sa sarili kong pawis. At isa pa, medyo masungit si Nanay baka makaltukan ako niyan kapag nagtagal pa ako. Gusto ko na rin tuloy magpagupit dahil nanlalagkit na ako ang kaso baka hindi ako

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5 (1.2)

    Uwian na at nagcommute lang ako papunta sa condo ni Alex. Nagtext lang ako sa kaniyang papunta na ako.Again, wala na naman akong narecieve na reply mula sa kaniya. Mabuti na lang at may madadaanang 7/11 dito bago madaanan ang condo niya. Balak ko muna siyang bilhan ng makakain dahil baka gutom na 'yon at hindi pa kumakain.Hindi naman maarte sa pagkain 'yon, kaya keri na. Nang makabili ako ay agad na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.Ang tanging binili ko lamang sa kaniya ay isang Gatorade at Sisig na nakastyro, wala na kasi akong maisip na bilhin. At isa pa, ito lang din kinaya ng budget ko at alam kong nakakabusog na ito.Maya't maya pa ay hindi rin nagtagal ay nakarating din ako sa bahay niya.

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Good morning po, 'nay. Si tatay po?" Bati ko nang makita ko si nanay na naglalapag ng mga plato sa ibabaw ng mesa pagkalabas ko ng silid. Nagpalinga-linga ako nang hindi manlang sumagot si nanay sa tanong ko dahil busy ito sa paghahanda ng pagkain. Mukhang maaga na naman umalis si tatay at paniguradong alas-tres pa lang umaalis na 'yon. Napakasipag talaga. Nakakabilib. Sabagay, medyo malayo-layo rin kasi ang b'yahe niya mula rito hanggang doon, kaya kailangan maaga siyang umalis at uuwi naman siya dito na halos late ng gabi na din. Worth it naman pa-sweldo, kaya okay na din. Nakita ko si nanay na nagluluto ulit ng panibagong ulam. M

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 4

    Chanela Leiz Kamunting's POV"Good morning, nanay!" Bati ko pagkalabas ko ng kuwarto.Naabutan ko naman sila ni tatay na naglloving-loving sa may kusina namin at bahagya pa silang naghiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa nang makita nila ako."Oh, anak, gising ka na pala. Tara na't mag-almusal." Yaya sa 'kin ni tatay, himala ah, hindi siya maag umalis ngayon.Umupo na kami sa mesa, ang mga niluto ni nanay ngayon ay ham, rice na may margarine na hindi ko alam kung ano ang tawag, at ang isa naman ay sandwich na may tuna at mayonaise sa loob.Agad akong naglaway sa nga putaheng nakikita ko sa harapan ko kaya wala nang paligoy-ligoy pa at naupo na agad."Tay, bakit hindi po ata kayo maaga ngayon?" Tanong ko habang sinusubo ang ham bago ang kanin."Double daw sweldo ko ngayon, saka kahit huwag daw muna akong pumasok sabi ng Boss ko. Tila maagang pamasko, Jackpot 'nak!" Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka pero napangiti

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 3

    Chanela Leiz Kamunting's POVIts been three days since may nangyaring kakaiba kay Kat. Simula din no'ng time na 'yon, kinabukasan medyo ilang na siya sa amin. We can't contact her na rin at pakiramdam namin nagbago siya ng number o sadyang naka-off lang o hindi kaya ay, pinapatayan niya lang kami 'pag tinatawagan namin siya.Nagkakasama naman kami pero parang stranger lang kami sa kaniya, gano'n.Tapos, may mood siya na okay naman. We do not know what is really happening. Basta no'ng nasalubong namin siya sa ganoong kalagayan and when we asked her, iwas na iwas siya. Tahimik na din siya this past few days. Knowing Kat, madaldal siya at medyo maharot na tao. Hindi ko talaga alam anong nangyari dahil ayaw niya namang magsalita.

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2 (1.2)

    Ang bilis ng oras dahil alas-singko na. Nagkayayaan na kaming umuwi na ang kaso nagtext sa amin si Alex na pumunta sa bar kung saan siya tumutugtog ng mga kabanda niya tuwing walang pasok saka sabado naman ngayon kaya, okay lang, nagtext na rin naman ako kay nanay na baka late ako makauwi at pumayag naman siya kaya, go na. At isa pa, may kotse naman si Kat kaya sabay na kaming nagpunta roon, malapit lang naman.Medyo inabot kami ng traffic kaya mga 6:30 PM na kami nakarating.Pagpasok namin ng bar ay namataan namin sina Alex at mga kabanda niya na mukhang kakatapos lang kumanta at pababa na ng stage. Sayang, hindi namin napanood kung gaano kagaling ang kaibigan namin kumanta at kung gaano kahalimaw tumugtog.Pagkababa niya ay nakita niya rin naman kami agad kaya dali-dali siyang nagtungo palapit sa amin."Bakit ngayon lang kayo?" Bungad niyang tanong sa amin habang lumalagok ng Tequila na inabot ng waiter sa kaniya."T

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Oy sorry na, Chanel..." 'Mula kahapon pang ganiyan si Kat at naiinis pa din ako sa sinabi niya no'n. Todo suyo siya ngayon sa akin. Sabado ngayon at nandito na siya sa bahay namin magmula pa kaninang umaga at nanunuyo. Ganito kaming tatlo 'pag hindi okay, may manunuyo pero depende naman sa nagawa at kung sino nga ba ang may mali. Ang pinaka malambing sa aming tatlo ay si Kat. Si Alex kasi chill lang talaga 'yon at iba rin ang way ng pagbawi niya. Kahit din naman ako dahil hindi naman kasi ako showy na tao at ang ginagawa ko na lang 'pag nakagawa ako ng hindi maganda o ng kasalan ay hihingi na lang ako ng tawad at hindi ko na inuulit pa. Kasi ano namang sense ng sorry kung uulitin? Like, "sorry, uulitin ko ulit."? Itong si Kat, ang materialistic talaga when it comes to panunuyo, at hindi lang doon, basta sa lahat ng bagay ganoon talaga ang way niya. Sanayan lang talaga sa kaniya kahit

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 1

    Chanela Leiz Kamunting's POVIka-ika akong nakarating sa classroom.Naalala ko, pinahiram pala ako ni Nurse Floria ng tsinelas. 'Wag daw muna akong magsapatos dahil baka hindi daw makahinga ang paa ko at lalo lang mamaga. Ang sabi ko naman ibabalik ko na lang bukas, nakakahiya naman kasi.Nang makarating ako sa upuan ko ay agad kong kinuha ang tubigan ko at nilagok ito.Grabe, pagkarating ko, uhaw na uhaw ako. Ngayon ko lang naramdaman dahil busy ako sa paa kong lampa kanina.Sumandal ako sa upuan ko upang magpahinga dahil medyo hinihingal din ako pero wala naman akong hika, pero dahil siguro iyon sa pabalik-balik na ginawa ko kanina. Maglakad daw ba papuntang first

DMCA.com Protection Status