Share

BEGINNING

Author: Nicole Xing
last update Last Updated: 2021-08-31 18:04:51

Chanela Leiz Kamunting's POV

"Anak gising na, 'di ba sabi mo maaga ka ngayon papasok kasi magrereview ka?" Gising sa akin ni nanay. Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga at binati siya habang kakamot-kamot pa sa dalawang mata.

"Good morning, nanay!" Masiglang bati ko. "Tara na't mag-almusal," yaya niya sa akin.

Tumayo naman ako para ayusin itong mga unan at kumot ko na ginamit sa pagtulog.

"Sige po, 'nay, una ka na po doon ayusin ko lang po ito..." ngumiti naman siya sa akin at nauna nang lumabas ng silid.

Inayos ko na ang mga pinaggamitan ko at binuksan ang bintana para naman may pumasok na sariwang hangin na nagmumula sa labas.

Alas-singko ngayon at ang oras ng pasok ko ay alas-siyete.

Madalas kasi akong gumising ng ala-sais kasi mabilis lang naman akong kumilos. Pero iba kasi ngayon. Nagpasadiya akong magpagising kay nanay nang maaga kasi kailangan ko talagang magreview dahil muntik na kasi akong makakuha ng failed grade sa isang subject ko.

Hindi ko din alam paano nangyari 'yon dahil hindi naman ako tamad na tao. Pero siguro, may naganap na hulaan sa bigayan ng grado kasi pasado naman ako sa exams at nakakapagtaka naman kung bumagsak ako 'di ba?

Balak ko bumawi ngayon, ayaw ko talagang ma-disappoint sa akin si nanay at tatay.

Nang natapos na 'ko sa pag-aayos ng gamit ko ay lumabas na ako para daluhan si nanay sa hinanda niyang almusal. Nakaupo na kami at kumakain na ng Sinangag, Itlog at Hotdog, pambansang ulam ng lahat ng tao sa bansang Pilipinas ang kinakain ko. Paborito ko kasi ito sa umaga, samahan mo pa ng kape o kaya ng gatas. Depende naman sa mood ko kung ano gusto kong inumin sa dalawa.

"Nanay asan po si Tatay?" Hanap ko sa tabi niya dahil madalas silang magkatabing kumain sa mesa.

"Umalis. May suki daw ng mga pananim natin at kikitain niya daw, bibilhin kasi," sagot niya na agad ko namang ikinangiti.

"Magkano naman daw po?" Tanong ko naman ulit. Nako, mahirap na baka manloloko 'yon.

"Depende daw at saka mukhang mayaman, 'di naman siguro 'yon tokis. Kaya na ni tatay mo 'yon, madiskarte tatay mo kaya mahal na mahal ko 'yon, e." Kinikilig na sabi niya. Natawa na lang ako sa huling sinabi niya, mukha talagang millenials 'tong magulang ko. Dinaig pa 'ko, e.

Nauna na akong natapos kay nanay kumain kaya agad ko nang hinugasan ang pinagkainan ko at nag sipilyo, pagkatapos ay dumiretso na sa maliit naming banyo upang maligo na.

Tapos na 'ko maligo at inaayos ang butones ng uniforme ko.

Hindi kami mayaman at nakatira lang kami sa isang maliit na kubo at ang trabaho lang ng tatay ko ay magsasaka. Nakakabilib nga si tatay, e.

Napag-aaral niya 'ko at balak niya pang ipasok ako sa malalaking paaralan katulad na lamang ng mga Universities. Pero minsan, tinatanggihan ko kasi 'yung Tuition Fee pa lang, nakakalula na. 'Yung gastos do'n pangkain na namin ng isang buwan, kulang pa ata.

Agad ko nang isinara ang bintana ko bago ako lumabas para walang pumasok na masasamang loob.

Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha dahil wala naman ako no'n. Ang tanging nilalagay ko lang ay lipstick or liptint na si nanay ang may-ari. Ang putlain ko daw kasi, kahit hindi naman ako kulang sa dugo.

Tumingin muna ako sa salamin at inayos ang kaunting gusot ng uniforme ko pagkatapos ay tinitigan ko ang kabuuan ko. Ngayon ko lang na-realize na may kurba pala ako at ang payat ko rin pero hindi naman ako kinukulang sa pagkain at siksik lang ako, hindi ako malnourished hindi lang talaga tabain.

Napatingin ako sa orasan at agad nang lumabas ng k'warto.

"Nanay, alis na po ako," paalam ko at humalik sa noo niya. Mas prefer ko sa noo, kaysa sa pisnge.

Palabas na ako ng bahay nang hinabol ako ni nanay at inabot sa akin ang isang baunan. Inabot ko naman ito at nilagay na sa bag ko.

"Ingat anak, maaga kang umuwi, ha!" Pahabol niya. Kumaway na lang ako at naglakad na.

Nagco-commute lang ako palagi dahil wala naman akong choice kun'di ang sumakay. Alangan namang lakarin ko ito? Kung tatans'yahin man ay, 'mula bahay hanggang school, baka ma-late pa 'ko.

Hindi naman mahirap makasakay dito sa amin kasi marami namang jeep tuwing ganitong umaga huwag lang matyempuhang traffic.

Alas-singko na, mabuti na lang at hindi traffic kasi kung naabutan ako noon, alas-sais na 'ko makakarating sa school.

Maya't maya pa ay nagpara na 'ko ng jeep na napadaan at sumakay na. Mabuti na lang at hindi punuan, ayaw ko kasi ng puno ang loob, himbis na makaupo ako nang maayos kalahati lang ng p'wet ko ang nakaupo.

Madalas tamang panggap lang ako na nakaupo, kahit naka-squat naman nang patago, nakakaloka.

Nakaupo ako ngayon dito sa may pinakadulo dahil ayaw ko nang maupo roon sa harapan. Panigurado kasi na magiging konduktor na naman ako.

Nakakairita 'yung mga pasaherong tamad lumapit. Minsan ang sarap na lang talaga magkunwaring busy ka para kunwari hindi mo narinig 'yung pag-abot nila ng bayad.

Nagbayad muna ako, bago ko pa makalimutan. Madaming beses na kasi akong nagano'n, dala ng kalutangan at busy sa pagbabasa.

'Pag nasa jeep kasi ako it's either nagbabasa ako ng libro or nags-soundtrip hanggang sa makatulog o makalimutan ko na.

Ewan ko ba, sobra akong makakalimutin pagdating sa ganito.

Agad ko nang inilabas ang notebook ko dahil kailangan ko pa lang mag review, nakakaloka naman kasi itong professor ko, kung kailan second semester, doon ako binigyan ng mababang grado.

Hindi ako bagsak. Hahabulin ko lang grades ko dahil 'di talaga ako satisfied sa nakuha ko, I deserve more, I did my best.

Mabuti na nga lang noong nalaman 'yon ni nanay at tatay, hindi siya nagalit sa akin, alam niya naman kasing masipag talaga ako. Hindi rin ako nag-aabsent depende na lang 'pag dinapuan ng sakit. 

"Ayusin mo naman ang pagmamaneho mo, makakabangga ka niyan! Masiyado mong sinasakop ang malawak na daan." Huminto ang jeep na sinasakyan ko at narinig kong sumigaw ang driver.

"Ikaw ang halimaw sa daan, nakakabwesit! 'Wag ka na magmaneho kung ganiyan ka!" Sigaw naman sa kabilang jeep. Nag-cause din ito ng kaunting traffic kaya puro busina ng mga ibang sasakyan ang aming narinig.

Hindi tuloy ako makapag-focus dito sa binabasa ko dahil sa ingay, kaya ibinalik ko na lang ulit ito sa bag ko at pumikit na lang. Minsan 'pag ganito, nakakabisado ko sila 'pag nakarelax lang ako.

Naalimpungatan ako nang naramdaman kong huminto ang jeep na sinasakyan ko kaya napaayos ako ng upo at sumilip sa bintana at sakto namang nandito na pala ako sa bababaan ko, mabuti na lang at nagising ako.

Nakatulog na pala ako kanina kakareview sa isip ko.

"Teka lang po manong!" Sabi ko, dahil muntik na itong umandar ulit huminto kasi ito sa tapat ng school.

Mabuti na lang ay agad din itong huminto. Kaya agad na akong tumayo at lumabas na. Inayos ko ang pagkabitbit sa bag ko at inilagay na sa likod. Pagpasok ko sa gate ay nakasalubong ko ang dalawa kong kaibigan na sina Kat at Alex.

"Oy Chanela! Ang tagal mo, kanina pa kami dito." Aba, ang early bird naman ng dalawang 'to. Himala. Madalas kasi silang late at ako 'yung madalas maaga pumapasok.

"Bakit ang aga niyo? May failed grade din kayo?" Takang tanong ko.

Ang pagkakaalam ko kasi maaga daw pumasok 'yung hahabol na mga may failed, eh. Ayon 'yung pagkakasabi sa announcement.

"Oo, e, hays. Ikaw ba?" Tanong ni Alex.

"Hahabulin ko ayaw ko kasi ng ganoon grade, ang baba lang, pero 'di naman ako bagsak," Sagot ko.

"Bakit ka naman bagsak? Matataas naman quizes at exams mo, ah?" Tanong ulit niya at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Kami nga bagsak na literal, e, sana all!" Sigaw ni Kat habang tumatawa.

Ewan ko ba, 'pag 'di talaga ako okay doon sa grade na nakukuha ko kahit hindi naman ako bagsak, nagc-comply at nagrreach-out ako sa mga professors. Madalas akong ganito.

"Tara na at pumasok, baka magstart na 'yon," Yaya ko, agad naman na kaming naglakad papasok sa campus.

Maya't maya pa ay nakarating din kami sa classroom. Wala pa mas'yadong tao dito bilang pa lang kami, pero madalas ganito sa room namin. Madalas madaming late, kabilang na sina Kat at Alex.

"Good morning to all students, please go to your professors, those student who recieved failed grades, thank you." The secretary announced.

Nang marinig iyon ay, nagkayayaan na kami na pumunta na sa kaniya-kaniyang professors. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil iba't ibang subject 'yung failed grades namin. Si Kat sa English, si Alex naman sa Math, at ako sa Physics.

Nasa third floor ako ngayon, habang hinihintay ang professor ko na si Miss Larcena. kumuha kasi siya ng kape. Ganito naman mga prof dito. Walang bago, dahil Coffee is life.

Maya't maya pa ay dumating na ito kaya napaayos ako ng upo at ngumiti sa kan'ya, tanda ng paggalang.

"Good morning miss, Larcena." Ngiting bati ko, ngumiti naman siya sa akin. Ewan ko ba, madaming natatakot sa kaniya pero mukha naman siyang mabait the way she smile and approach students and the way how she speaks. Siguro nammis-interpret lang nila ang mga actions at mga salitaan niya. Sa akin, okay naman siya, she is nice.

"How's your day, Miss Kamunting?" Tanong niya. Ngumiti naman ako ulit, "Okay lang po, miss. Kayo po?" Tanong ko pabalik, ngumiti naman siya at sumagot. "Ayos lang din naman." Habang busy sa paghahalo ng kape niya habang nakangiti.

Siguro masaya siya ngayong araw o baka masaya siya sa ginagawa niyang paghalo sa kape niya? 'Yung ngiti n'ya kasi, parang kakaiba. Ay ewan ko baka ako lang nag-iisip no'n, baka ganito lang talaga siya mag-approach at kumilos. Sabi ko nga, she is nice.

"Anyways, 'di ka naman talaga bagsak, pero nagcomply ka kung ibang studyante siguro 'yan, hindi na hahabulin pa dahil pasado naman sila. Ang sipag mong estudyante, I like that." Ngumiti ako sa sinabi nya, nacompliment pa nga hahaha!

Patuloy lang siya sa paghalo ng kape habang nakangiti pa din. Nakakawindang naman 'to. Siguro may naalala siyang best memories o nakakatawang katangahan niya kaya siya ganiyan?

Hehe joke lang po!

'Yung mga kasamahan ko na failed din, nasa labas at nagsisimula na. Samantalang ako, nandito kinakausap itong matandang 'to na pangiti-ngiti lang na akala mo kinakausap o nagpapatawa ang baso ng kapeng hinahalo niya.

Pinatawag niya 'ko at akala ko may sasabihin siyang kung ano. Pero ang tanging ginagawa niya lang ay ang ngumiti habang naghahalo ng kape.

Ano 'yan, Miss? Matigas ba 'yung asukal? Matagal matunaw?

"Miss mags-start na po ba 'ko magtake?" Tanong ko.

Gusto ko na mag take nang makababa na ako, sayang din kasi sa oras. Parang ang awkward lang na mag-stay dito dahil kami lang dalawa ang nandito sa office niya, bigla tuloy nanayo ang balahibo ko. Dagdag mo pa ang lamig na nanggagaling sa aircon.

Grabe, galit na galit at todong-todo ang aircon. Ewan pero noong nag-angat siya ng tingin sa akin ay kinilabutan at nanlamig ang kamay ko. Kakaiba kasi ang klase ng tingin niya, tila may sinasabi.

"Kahit hindi na, go to your classroom, now." Nagtaka ako sa sinabi niya.

Bigla na namang nagbago ang mood niya. Naging masungit na naman siya, wala na 'yung ngisi niya.

Tumayo na lang ako kahit gustong-gusto ko magtanong sa kaniya ng 'bakit?'. Pero hindi na lang ako nagtanong pa at baka magbago ang isip nito at ibagsak ako nang tuluyan.

Naglakad na ako patungo sa pinto pero napatigil ako at humarap sa kaniya. Nakita ko siyang umiinom sa kape niya habang tulala at malalim ang iniisip?

Anong iniisip niya? Napalunok ako nang dumapo ang tingin niya sa p'westo ko kaya napangiwi ako at yumuko upang magpasalamat.

"Thank you miss..." Sabi ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya at dali-daling lumabas ng room.

Hindi pala siya nice, Tila siya naka-drugs, mukha lang siyang normal pero may saltik pala. No wonder bakit ang iba ay natatakot sa kaniya. Grabe, tila siya artista na paiba-iba ang mood paiba-iba ang actions.

Habang naglalakad ay kinakausap ko ang sarili ko. Pero sa utak lang ah, hindi ako nagsasalita.

Mahirap na, baka may makakita o may makarinig sa akin at mapagkamalan pa akong baliw.

May ilan akong nadadaanang mga Junior high na naglalakad. Sabagay, mamaya pa naman pasok nila, pero ang iba mga ganitong oras nasa school na at mga naggagalaan. Ang aga magsipasok.

"Aray ko, punyeta naman!" Sigaw ko nang nagdere-deretso akong nahulog sa hagdang binababaan ko.

Takte!

"Aray!" Ungot ko pagkatayo.

Ang sakit ng paa ko ang tanga naman kasi.

Maglalakad na lang lampa pa!

Pababa na ako ngayon pero di-deretso muna siguro ako sa clinic para magamot 'tong maliit na gasgas sa paa kong lampa.

Halos Mangiyak-ngiyak akong umupo sa isang tabi para hilutin ito pero napapainda lang ako sa sakit tuwing hahawakan ko.

Gano'n na ba ako kabigat para sumakit nang ganito?

Tanga-tanga kasi!

Nang maramdaman kong hindi na siya kumikirot dahan-dahan akong tumayo habang nakahawak sa railings ng hagdan, upang gawing alalay.

Ganito pala pakiramdam 'pag pilay ang tao? Mabuti na lang at ipinanganak akong ganito may paa at walang pilay pero nasobrahan ata sa katangahan.

Napasapo ako sa noo ko dahil pinagpapawisan ako, dagdag mo pa 'tong paa ko.

Kakainis.

Nagpalinga-linga naman ako sa paligid ko at napangiti.

Wow, nagawa ko pang ngumiti kahit tila napilayan na ako dito.

Ngiti bago ang sakuna.

Napailing na lang ako. Mabuti na lang at walang taong dumaan, kun'di nakakahiya 'yon 'pag nagkataong may makakita sa katangahan ko.

Medyo nadumihan pa ang p'wetan ng uniforme ko dahil sa pagbagsak. Naku, sana hindi ito namantsahan dahil ako ang mahihirapan nitong maglaba. Ako kasi madalas ang naglalaba sa bahay lalo na ng mga gamit ko.

Ika-ika akong naglakad patungo sa clinic.

Grabe kinaya ko 'yon?

Third floor hanggang first? Naiiyak ako sa sakit ng paa ko, buti kinaya kong ilakad. Pakiramdam ko nabalian na ako, e.

"O, anong nangyari sa'yo, iha?" Bungad sa akin ng Nurse nang kumatok ako sa clinic.

Inalalayan naman niya akong makaupo sa kama, bago muling tanungin.

"Natalipok po..." nagtaka naman ako nang makita kong napakunot ang noo niya sa sinagot ko.

Ay bobo!

Nasapok ko tuloy ang noo ko nang mapagtanto kong baliktad ang pagkakasabi ko.

"Ah, e... este ano po, natapilok po ako sa hagdan pagkababa..." ngiwi ko sa kahihiyan at napapikit ako sa sakit ng paa ko. Medyo kumikirot na naman siya.

Tinignan niya muna ang paa ko bago siya tumayo at nagpaalam muna sa akin saglit.

"O, siya hintayin mo 'ko kukuha ako ng ice, para hindi 'yan mamaga." Tumango naman ako at hinintay siya.

Maya't maya rin ay may dumating na rin siya at may mga dala nang panggamot.

"Bakit ka ba kasi nahulog sa hagdan?" Tanong niya habang nilalapatan ng ice ang paa kong namumula.

"Hindi ko din po alam, bigla na lang po ako nadulas, e..."

Ang sabihin mo, Chanel lampa ka lang!

Napailing na lang siya sa naging sagot ko.

"Hala ako na po ang bahala dito," insist ko, nakakahiya naman. Hindi naman ako prinsesa at may dalawang kamay naman ako upang gamutin ang sarili ko.

Agad naman siyang pumayag kaya inabot ko na ito at ako na mismo ang naglagay sa paa ko.

"Nurse Floria, ang sakit po ng tiyan ko!" Pasok ng isang Junior high na babae habang nakahawak sa tiyan niyang nananakit.

Agad namang napatayo si Nurse, pero bago niya pa ito puntahan ay humarap muna siya sa akin at nag-abot ng ointment na hindi ko alam kung para saan, kaya medyo nagtaka akong tumingin sa kaniya.

Namamaga lang naman ang paa ko, hindi naman na ata kailangan noon?

"Pagtapos niyan, ito ilagay mo para diyan sa mga gasgas para hindi maimpeksiyon at para na rin gumaling. Ang ganda-ganda ng kutis mo, hindi mo iniingatan." Mahabang sabi niya, habang inaabot sa akin ang ointment.

Napahiya ako sa sarili ko nang malamang gamot pala ito sa maliit na gasgas ng paa ko.

Kagat labing nahihiyang tinanggap ko ito at nagpasalamat.

Nakita ko namang may inasikasong bagong pasok na pas'yente si Nurse Floria.

Nang makita ko namang okay na ang paa ko ay nagpaalam na ako, pero nilagyan niya muna ito ng benda para hindi daw gaano sumakit. Sa ginawa niyang 'yon ay naging komportable na ako sa paa ko.

"Isulat mo muna ang pangalan mo rito, iha." Tukoy niya sa papel na nasa ibabaw ng desk niya kaya tumango ako at naglakad palapit doon.

---

Date: Jan, 13. 2020

School Clinic Form

Name: Chanela Leiz Kamunting

Age: 20

ChanelaLK.

Signature

---

"Thank you po, Nurse Floria!" Ngiting paalam ko.

"Mag-ingat sa susunod, ah!" Tumango naman ako at naglakad na patungo sa classroom.

Related chapters

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 1

    Chanela Leiz Kamunting's POVIka-ika akong nakarating sa classroom.Naalala ko, pinahiram pala ako ni Nurse Floria ng tsinelas. 'Wag daw muna akong magsapatos dahil baka hindi daw makahinga ang paa ko at lalo lang mamaga. Ang sabi ko naman ibabalik ko na lang bukas, nakakahiya naman kasi.Nang makarating ako sa upuan ko ay agad kong kinuha ang tubigan ko at nilagok ito.Grabe, pagkarating ko, uhaw na uhaw ako. Ngayon ko lang naramdaman dahil busy ako sa paa kong lampa kanina.Sumandal ako sa upuan ko upang magpahinga dahil medyo hinihingal din ako pero wala naman akong hika, pero dahil siguro iyon sa pabalik-balik na ginawa ko kanina. Maglakad daw ba papuntang first

    Last Updated : 2021-08-31
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Oy sorry na, Chanel..." 'Mula kahapon pang ganiyan si Kat at naiinis pa din ako sa sinabi niya no'n. Todo suyo siya ngayon sa akin. Sabado ngayon at nandito na siya sa bahay namin magmula pa kaninang umaga at nanunuyo. Ganito kaming tatlo 'pag hindi okay, may manunuyo pero depende naman sa nagawa at kung sino nga ba ang may mali. Ang pinaka malambing sa aming tatlo ay si Kat. Si Alex kasi chill lang talaga 'yon at iba rin ang way ng pagbawi niya. Kahit din naman ako dahil hindi naman kasi ako showy na tao at ang ginagawa ko na lang 'pag nakagawa ako ng hindi maganda o ng kasalan ay hihingi na lang ako ng tawad at hindi ko na inuulit pa. Kasi ano namang sense ng sorry kung uulitin? Like, "sorry, uulitin ko ulit."? Itong si Kat, ang materialistic talaga when it comes to panunuyo, at hindi lang doon, basta sa lahat ng bagay ganoon talaga ang way niya. Sanayan lang talaga sa kaniya kahit

    Last Updated : 2021-09-03
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2 (1.2)

    Ang bilis ng oras dahil alas-singko na. Nagkayayaan na kaming umuwi na ang kaso nagtext sa amin si Alex na pumunta sa bar kung saan siya tumutugtog ng mga kabanda niya tuwing walang pasok saka sabado naman ngayon kaya, okay lang, nagtext na rin naman ako kay nanay na baka late ako makauwi at pumayag naman siya kaya, go na. At isa pa, may kotse naman si Kat kaya sabay na kaming nagpunta roon, malapit lang naman.Medyo inabot kami ng traffic kaya mga 6:30 PM na kami nakarating.Pagpasok namin ng bar ay namataan namin sina Alex at mga kabanda niya na mukhang kakatapos lang kumanta at pababa na ng stage. Sayang, hindi namin napanood kung gaano kagaling ang kaibigan namin kumanta at kung gaano kahalimaw tumugtog.Pagkababa niya ay nakita niya rin naman kami agad kaya dali-dali siyang nagtungo palapit sa amin."Bakit ngayon lang kayo?" Bungad niyang tanong sa amin habang lumalagok ng Tequila na inabot ng waiter sa kaniya."T

    Last Updated : 2021-09-03
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 3

    Chanela Leiz Kamunting's POVIts been three days since may nangyaring kakaiba kay Kat. Simula din no'ng time na 'yon, kinabukasan medyo ilang na siya sa amin. We can't contact her na rin at pakiramdam namin nagbago siya ng number o sadyang naka-off lang o hindi kaya ay, pinapatayan niya lang kami 'pag tinatawagan namin siya.Nagkakasama naman kami pero parang stranger lang kami sa kaniya, gano'n.Tapos, may mood siya na okay naman. We do not know what is really happening. Basta no'ng nasalubong namin siya sa ganoong kalagayan and when we asked her, iwas na iwas siya. Tahimik na din siya this past few days. Knowing Kat, madaldal siya at medyo maharot na tao. Hindi ko talaga alam anong nangyari dahil ayaw niya namang magsalita.

    Last Updated : 2021-09-06
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 4

    Chanela Leiz Kamunting's POV"Good morning, nanay!" Bati ko pagkalabas ko ng kuwarto.Naabutan ko naman sila ni tatay na naglloving-loving sa may kusina namin at bahagya pa silang naghiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa nang makita nila ako."Oh, anak, gising ka na pala. Tara na't mag-almusal." Yaya sa 'kin ni tatay, himala ah, hindi siya maag umalis ngayon.Umupo na kami sa mesa, ang mga niluto ni nanay ngayon ay ham, rice na may margarine na hindi ko alam kung ano ang tawag, at ang isa naman ay sandwich na may tuna at mayonaise sa loob.Agad akong naglaway sa nga putaheng nakikita ko sa harapan ko kaya wala nang paligoy-ligoy pa at naupo na agad."Tay, bakit hindi po ata kayo maaga ngayon?" Tanong ko habang sinusubo ang ham bago ang kanin."Double daw sweldo ko ngayon, saka kahit huwag daw muna akong pumasok sabi ng Boss ko. Tila maagang pamasko, Jackpot 'nak!" Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka pero napangiti

    Last Updated : 2021-09-18
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Good morning po, 'nay. Si tatay po?" Bati ko nang makita ko si nanay na naglalapag ng mga plato sa ibabaw ng mesa pagkalabas ko ng silid. Nagpalinga-linga ako nang hindi manlang sumagot si nanay sa tanong ko dahil busy ito sa paghahanda ng pagkain. Mukhang maaga na naman umalis si tatay at paniguradong alas-tres pa lang umaalis na 'yon. Napakasipag talaga. Nakakabilib. Sabagay, medyo malayo-layo rin kasi ang b'yahe niya mula rito hanggang doon, kaya kailangan maaga siyang umalis at uuwi naman siya dito na halos late ng gabi na din. Worth it naman pa-sweldo, kaya okay na din. Nakita ko si nanay na nagluluto ulit ng panibagong ulam. M

    Last Updated : 2021-09-21
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5 (1.2)

    Uwian na at nagcommute lang ako papunta sa condo ni Alex. Nagtext lang ako sa kaniyang papunta na ako.Again, wala na naman akong narecieve na reply mula sa kaniya. Mabuti na lang at may madadaanang 7/11 dito bago madaanan ang condo niya. Balak ko muna siyang bilhan ng makakain dahil baka gutom na 'yon at hindi pa kumakain.Hindi naman maarte sa pagkain 'yon, kaya keri na. Nang makabili ako ay agad na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.Ang tanging binili ko lamang sa kaniya ay isang Gatorade at Sisig na nakastyro, wala na kasi akong maisip na bilhin. At isa pa, ito lang din kinaya ng budget ko at alam kong nakakabusog na ito.Maya't maya pa ay hindi rin nagtagal ay nakarating din ako sa bahay niya.

    Last Updated : 2021-09-23
  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6

    Chanela Leiz Kamunting's POV Sabado ngayon at alas-siyete ng umaga ako ginising ni Nanay dahil mamamalengke daw kami. Kasalukuyan akong nasa loob ng kuwarto nang marinig ang sigaw niya sa labas. "Bilisan mo, 'nak habang maaga pa!" Pag mamadali niya sa 'kin. Naghahanap kasi ako ng maisusuot, ngunit nahirapan pa ako makapili ng plain na damit at leggings kaya ako natagalan. Hindi kasi ako nagsusuot ng shorts 'pag nagpupunta ng palengke. Natatakot kasi ako na baka mahipuan ako nang wala sa oras, lalo na't siksikan minsan do'n. "Opo, 'nay!" Sagot ko nang matapos na akong magbihis, kaya binilisan ko na ang pagsuklay at pagtali sa buhok ko dahil nakakairita sa palengke kung nakalugay ako tapos aabutan lang ng araw edi parang naligo lang ako sa sarili kong pawis. At isa pa, medyo masungit si Nanay baka makaltukan ako niyan kapag nagtagal pa ako. Gusto ko na rin tuloy magpagupit dahil nanlalagkit na ako ang kaso baka hindi ako

    Last Updated : 2021-09-24

Latest chapter

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6 (1.2)

    Natapos rin ako sa paglilinis dahil hindi naman iyon gaanong kadumihan dahil palagi naman akong naglilinis dito sa bahay tuwing hindi ako busy at walang gagawin. Maya't maya pa ay natapos na din namin ang paghahanda, ako ang taga handa at si Nanay naman ang tiga luto. "Ayos ba 'nak?" Nagpupunas ng pawis si Nanay habang tinitignan ang itsura ng inayos at hinanda naming mga pagkain sa sala. Madami ngayon ang iniluto ni nanay, at halo-halo ito. Sakto ring dumating na si Tatay, akala ko siya lang no'ng una, pero may mga kasama pala siya. Kaya pala medyo marami-rami ang iniluto ni Nanay. Nakipagtalo pa ako sa kaniya kanina noong nagluluto siya na kesyo, tatlo lang naman kaming kakain dahil masasayang ang pagkain 'pag hindi naubos. 'Yon pala, hindi lang kami ang kakain, may bisita pala. Agad akong bumati nang pumasok sila sa loob. "Magandang hapon po!" Nakangiting bati ko sa limang bisita ni Tatay. Lahat ito ay mga lalaki, at kung titignan m

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 6

    Chanela Leiz Kamunting's POV Sabado ngayon at alas-siyete ng umaga ako ginising ni Nanay dahil mamamalengke daw kami. Kasalukuyan akong nasa loob ng kuwarto nang marinig ang sigaw niya sa labas. "Bilisan mo, 'nak habang maaga pa!" Pag mamadali niya sa 'kin. Naghahanap kasi ako ng maisusuot, ngunit nahirapan pa ako makapili ng plain na damit at leggings kaya ako natagalan. Hindi kasi ako nagsusuot ng shorts 'pag nagpupunta ng palengke. Natatakot kasi ako na baka mahipuan ako nang wala sa oras, lalo na't siksikan minsan do'n. "Opo, 'nay!" Sagot ko nang matapos na akong magbihis, kaya binilisan ko na ang pagsuklay at pagtali sa buhok ko dahil nakakairita sa palengke kung nakalugay ako tapos aabutan lang ng araw edi parang naligo lang ako sa sarili kong pawis. At isa pa, medyo masungit si Nanay baka makaltukan ako niyan kapag nagtagal pa ako. Gusto ko na rin tuloy magpagupit dahil nanlalagkit na ako ang kaso baka hindi ako

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5 (1.2)

    Uwian na at nagcommute lang ako papunta sa condo ni Alex. Nagtext lang ako sa kaniyang papunta na ako.Again, wala na naman akong narecieve na reply mula sa kaniya. Mabuti na lang at may madadaanang 7/11 dito bago madaanan ang condo niya. Balak ko muna siyang bilhan ng makakain dahil baka gutom na 'yon at hindi pa kumakain.Hindi naman maarte sa pagkain 'yon, kaya keri na. Nang makabili ako ay agad na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.Ang tanging binili ko lamang sa kaniya ay isang Gatorade at Sisig na nakastyro, wala na kasi akong maisip na bilhin. At isa pa, ito lang din kinaya ng budget ko at alam kong nakakabusog na ito.Maya't maya pa ay hindi rin nagtagal ay nakarating din ako sa bahay niya.

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 5

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Good morning po, 'nay. Si tatay po?" Bati ko nang makita ko si nanay na naglalapag ng mga plato sa ibabaw ng mesa pagkalabas ko ng silid. Nagpalinga-linga ako nang hindi manlang sumagot si nanay sa tanong ko dahil busy ito sa paghahanda ng pagkain. Mukhang maaga na naman umalis si tatay at paniguradong alas-tres pa lang umaalis na 'yon. Napakasipag talaga. Nakakabilib. Sabagay, medyo malayo-layo rin kasi ang b'yahe niya mula rito hanggang doon, kaya kailangan maaga siyang umalis at uuwi naman siya dito na halos late ng gabi na din. Worth it naman pa-sweldo, kaya okay na din. Nakita ko si nanay na nagluluto ulit ng panibagong ulam. M

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 4

    Chanela Leiz Kamunting's POV"Good morning, nanay!" Bati ko pagkalabas ko ng kuwarto.Naabutan ko naman sila ni tatay na naglloving-loving sa may kusina namin at bahagya pa silang naghiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa nang makita nila ako."Oh, anak, gising ka na pala. Tara na't mag-almusal." Yaya sa 'kin ni tatay, himala ah, hindi siya maag umalis ngayon.Umupo na kami sa mesa, ang mga niluto ni nanay ngayon ay ham, rice na may margarine na hindi ko alam kung ano ang tawag, at ang isa naman ay sandwich na may tuna at mayonaise sa loob.Agad akong naglaway sa nga putaheng nakikita ko sa harapan ko kaya wala nang paligoy-ligoy pa at naupo na agad."Tay, bakit hindi po ata kayo maaga ngayon?" Tanong ko habang sinusubo ang ham bago ang kanin."Double daw sweldo ko ngayon, saka kahit huwag daw muna akong pumasok sabi ng Boss ko. Tila maagang pamasko, Jackpot 'nak!" Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka pero napangiti

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 3

    Chanela Leiz Kamunting's POVIts been three days since may nangyaring kakaiba kay Kat. Simula din no'ng time na 'yon, kinabukasan medyo ilang na siya sa amin. We can't contact her na rin at pakiramdam namin nagbago siya ng number o sadyang naka-off lang o hindi kaya ay, pinapatayan niya lang kami 'pag tinatawagan namin siya.Nagkakasama naman kami pero parang stranger lang kami sa kaniya, gano'n.Tapos, may mood siya na okay naman. We do not know what is really happening. Basta no'ng nasalubong namin siya sa ganoong kalagayan and when we asked her, iwas na iwas siya. Tahimik na din siya this past few days. Knowing Kat, madaldal siya at medyo maharot na tao. Hindi ko talaga alam anong nangyari dahil ayaw niya namang magsalita.

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2 (1.2)

    Ang bilis ng oras dahil alas-singko na. Nagkayayaan na kaming umuwi na ang kaso nagtext sa amin si Alex na pumunta sa bar kung saan siya tumutugtog ng mga kabanda niya tuwing walang pasok saka sabado naman ngayon kaya, okay lang, nagtext na rin naman ako kay nanay na baka late ako makauwi at pumayag naman siya kaya, go na. At isa pa, may kotse naman si Kat kaya sabay na kaming nagpunta roon, malapit lang naman.Medyo inabot kami ng traffic kaya mga 6:30 PM na kami nakarating.Pagpasok namin ng bar ay namataan namin sina Alex at mga kabanda niya na mukhang kakatapos lang kumanta at pababa na ng stage. Sayang, hindi namin napanood kung gaano kagaling ang kaibigan namin kumanta at kung gaano kahalimaw tumugtog.Pagkababa niya ay nakita niya rin naman kami agad kaya dali-dali siyang nagtungo palapit sa amin."Bakit ngayon lang kayo?" Bungad niyang tanong sa amin habang lumalagok ng Tequila na inabot ng waiter sa kaniya."T

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 2

    Chanela Leiz Kamunting's POV "Oy sorry na, Chanel..." 'Mula kahapon pang ganiyan si Kat at naiinis pa din ako sa sinabi niya no'n. Todo suyo siya ngayon sa akin. Sabado ngayon at nandito na siya sa bahay namin magmula pa kaninang umaga at nanunuyo. Ganito kaming tatlo 'pag hindi okay, may manunuyo pero depende naman sa nagawa at kung sino nga ba ang may mali. Ang pinaka malambing sa aming tatlo ay si Kat. Si Alex kasi chill lang talaga 'yon at iba rin ang way ng pagbawi niya. Kahit din naman ako dahil hindi naman kasi ako showy na tao at ang ginagawa ko na lang 'pag nakagawa ako ng hindi maganda o ng kasalan ay hihingi na lang ako ng tawad at hindi ko na inuulit pa. Kasi ano namang sense ng sorry kung uulitin? Like, "sorry, uulitin ko ulit."? Itong si Kat, ang materialistic talaga when it comes to panunuyo, at hindi lang doon, basta sa lahat ng bagay ganoon talaga ang way niya. Sanayan lang talaga sa kaniya kahit

  • CLASH OF TARGETS   CHAPTER 1

    Chanela Leiz Kamunting's POVIka-ika akong nakarating sa classroom.Naalala ko, pinahiram pala ako ni Nurse Floria ng tsinelas. 'Wag daw muna akong magsapatos dahil baka hindi daw makahinga ang paa ko at lalo lang mamaga. Ang sabi ko naman ibabalik ko na lang bukas, nakakahiya naman kasi.Nang makarating ako sa upuan ko ay agad kong kinuha ang tubigan ko at nilagok ito.Grabe, pagkarating ko, uhaw na uhaw ako. Ngayon ko lang naramdaman dahil busy ako sa paa kong lampa kanina.Sumandal ako sa upuan ko upang magpahinga dahil medyo hinihingal din ako pero wala naman akong hika, pero dahil siguro iyon sa pabalik-balik na ginawa ko kanina. Maglakad daw ba papuntang first

DMCA.com Protection Status