Share

Chapter 3

Author: Daylan
last update Last Updated: 2023-08-07 14:37:30

What a small world. Hanep talaga magbiro ang tadhana.

Iyan ang nasa isip ni Cindy habang nakatitig sa mukha ng lalaking masungit na nakausap niya noon na walang iba kundi ang dapat ay groom ni Lucy na ngayon ay magiging groom na niya. Si Adam Aldana ng Aldana Group. Kilala ni Cindy sa pangalan ang CEO ng Aldana Group ngunit kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita. At maging si Lucy ay hindi pa rin nakita ang mukha ni Adam. Kung nakita kaya ng pinsan niya ang mukha ni Adam at nakita nitong napakaguwapo at umaapaw ang sex appeal ng groom niya kahit na nakaupo lamang ito sa wheelchair, papayag kaya siyang pakasalan ang binata?

"So it's you," boses ni Adam ang biglang pumukaw sa pagkakatulala ni Cindy.

"Yes, it's me," mahinang sagot ni Cindy na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla.

"What's the meaning of this, Lando and Aurora? Akala ko ba ang ikakasal sa anak ko ay ang anak mong si Lucy?" galit na sita ng ama ni Adam, ang Chairman ng Aldana Group.

"Calm down, Joaquin. I think we had a misunderstanding here. Ang ikakasal sa anak mo ay ang aking bunsong anak na si Cindy. Check niyo ang invitation cards ninyo dahil pangalan ni Cindy ang nakalagay at hindi pangalan ni Lucy," nakangiting paliwanag ni Lando sa kanyang magiging balae. Ngunit sa kaloob-looban nito ay lihim itong humihiling na sana ay hindi mabuking ng mga kaharap ang nangyaring kapalpakan sa kasal.

Agad namang tiningnan ng mga bisita at pati na rin ng mga magulang ni Adam ang pangalan na nakasulat sa invitation card. Maging ang magkakasal na pari ay chineck din ang pangalan ng mga taong ikakasal sa kanyang listahan. At tama ang sinabi ni Lando na pangalan ni Cindy nga ang nakasulat sa kanilang invitation cards.

Walang kaalam-alam ang lahat na maagang plinano ni Lucy katulong ang kanyang nobyong si Reymond at kaibigang si Ana ang bagay na ito. Pati invitation card ay pangalan ni Cindy ang inilagay. Hindi naman kasi magtatatawag sa mga magulang nito para alamin kung si Cindy nga ang ikakasal dahil wala namang pakialam ang mga ito. Ang mahalaga lang naman sa mga bisitang naroon ay ang makipag-sosyalan. Makakilala at makahanap ng mga bigatin na makakatulong sa kani-kanilang mga negosyo.

"Oo nga. Cindy nga ang pangalang nakasulat sa bride," nakangiting wika naman ng ina ni Adam na si Adela. Hinarap nito ang pari at kinausap. "Father, tuloy ang kasal."

Parang wala pa rin sa sarili si Cindy habang idinadaos ang seremonyas. Ni hindi nga pumapasok sa kanyang isip ang mga sinasabi ng pari dahil tila wala siyang naririnig. Kapag kailangan niyang sumagot sa tanong ng pari ay kinakalabit siya ng kanyang Tito Lando. Pasalamat nga siya na ang kanilang marriage vow ay nakasulat sa papel at kailangan lamang niyang basahin.

Lutang ang isip ni Cindy sa buong durasyon ng seremonyas. Namalayan na nga lang niya na isinusuot na pala ni Adam ang singsing sa kanyang palasingsingan. At nang siya naman ang magsusuot ng singsing sa palasingsingan ni Adam ay muli na naman siyang kinalabit ng kanyang Tito Lando.

"Cindy. Isuot mo na ang singsing sa daliri ni Adam," narinig ni Cindy na utos sa kanya ng kanyang tiyuhin dahil nananatili lamang siyang nakatitig sa singsing at tila malayo ang iniisip. "Mukhang hindi pa rin makapaniwala ang bride na ikinakasal na siya kaya tila natutulala siya," biro ng kanyang tiyuhin na ikinatawa ng mga bisita.

Namula ang mukha ni Cindy pagkatapos ay mabilis niyang kinuha ang singsing at isinuot iyon sa daliri ni Adam. Bahagya siyang napangiwi nang makitang masama ang tingin sa kanya ni Adam. Alam niya na katulad niya ay napipilitan lamang itong magpakasal. Ngunit siguro ay naisip nito na sa kabila ng yaman nito ay walang babaeng papayag na magpakasal sa kanya dahil sa kanyang karamdaman kaya pumayag na lamang ito sa nais ng mga magulang nito.

"To complete the ceremony, the groom may kiss the bride now," nakangitong pag-aanunsiyo ng pari.

Biglang kinabahan si Cindy habang nakatitig sa mukha ni Adam. Napakaseryoso ng anyo nito. Tiyak na mapapansin ng mga bisita na halos side nito na napilitan lamang itong pakasalan siya. O baka naman seryoso lang talaga palagi ang mukha ni Adam kaya sanay na ang mga taong nakakakilala sa kanya at hindi na sila nagtataka kung bakit ganoon ang expression nito. Seryoso rin naman kasi ang mukha nito nang unang beses na makita niya ito sa loob ng supermarket.

Dahil hindi kayang tumayo ni Adam para halikan si Cindy kaya siya na lamang ang yumuko ng dahan-dahan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng kanyang puso habang papalapit ang mukha niya sa mukha ni Adam. Sa pisngi lamang nito ang balak niyang halikan at hindi sa mga labi.

Hindi inaasahan ni Cindy ang ginawa ni Adam. Bigla kasi nitong ipinalibot sa kanyang baywang ang isa nitong kamay at hinila siya paupo sa kandungan nito. Nanlalaki ang mga matang napatitig na lamang siya rito. Kinabig nito ang kanyang ulo at mariing hinalikan sa mga labi.

Biglang nanigas ang katawan ni Cindy nang maglapat ang kanilang mga labi. Ang lambot ng mga labi ni Adam. At kahit saglit lamang ang paglalapat ng kanilang mga labi dahil mabilis din siyang pinakawalan ni Adam ay nakapagdulot pa rin iyon ng panlalambot ng kanyang mga tuhod. Kaya kahit tapos na siyang halikan nito at nagpapalakpakan na ang mga tao't bumabati sa kanila ay nananatiling nakaupo pa rin siya sa kandungan ni Adam. Tila ba wala siyang balak na umalis sa kandungan nito ngunit ang totoo ay nanlalambot lamang ang mga tuhod niya at para bang hindi niya kayang tumayo. Hindi niya inaasahan na ganoon katindi ang epekto ng halik ni Adam sa kanya samantalang ito ay walang nagbago sa expression nito.

"Wala ka bang balak na umalis sa kandungan ko?" tila inis ang boses na tanong ni Adam sa kanya.

Biglang namula ang mga pisngi ni Cindy sa pagkapahiya. "I'm sorry," paumanhin niya sabay alis sa kandungan nito.

"Let's go, Crispin." Iniliko nito ang wheelchair at pinagulong palabas ng simbahan.

"Masaya ako na ikaw pala ang magiging asawa ng boss ko," nakangiting kausap sa kanya ni Crispin. "By the way, I'm Crsipin Espino. Secretary slash driver slash alalay ng boss ko."

"Crispin!" mariin ang boses na tawag ulit ni Adam kay Crispin.

"Yes, boss. Nandiyan na," mabilis na sagot ni Crispin. "Kita na lang tayo sa bahay ni Boss," nakangiting pahabol nito bago tumakbo palapit kay Adam at ito na ang nagtulak ng wheelchair palabas ng simbahan.

Lahat ng mga bisita ay dumiretso sa bahay ni Adam kung saan gaganapin ang engrandeng salu-salo. Siyempre, bilyonaryo ang mga magulang nito at maging ito ay bilyonaryo rin kaya hindi maaaring hindi engrade ang handa ng kanilang kasal.

Naging abala sa pag-iistima sa mga bisita si Cindy at kahit na hindi naman niya kilala ang karamihan sa mga bisita ay napipilitan siyang kausapin ang mga ito kapag kinakausap siya. Nang magkaroon ng pagkakataon ang ina ni Lucy na makausap siya ng sarilinan ay hinila siya patungo sa sulok ng bakuran na walang gaanong tao. Nang makita naman sila ni Luna ay agad itong lumapit din sa kanila.

"Hindi porke't ikaw ang pinakasalan ni Adam at pangalan mo ang nakasulat sa marriage certificate ay iisipin mo nang ikaw talaga ang asawa niya, Cindy. Tandaan mo na substitute bride ka lamang ng anak ko. At kapag napagod na siya sa kanyang walang kuwentang nobyo ay babalik siya para maging ganap na asawa ni Adam. Naiintindihan mo ang sinabi ko, Cindy?" mariin ang boses na wika ng kanyang Tita Aura.

"Opo, Tita Aura," tinatamad n sagot ni Cindy. Pagod na siya sa pag-iistima sa mga bisita kaya wala na siyang lakas para makipagtalo pa sa asawa ng kanyang tiyuhin. Pagkatapos siyang paalalahanan nito ay iniwan na rin siya ngunit nagpaiwan naman si Luna.

"Huwag mong isipin na naka-tsamba ka dahil mayaman ang napangasawa mo, Cindy. Pagbalik ni Ate ay babawiin niya lahat sa'yo," ani Luna matapos siyang bigyan ng matalim na tingin.

"Baka gusto mong ikaw na ang maging asawa ni Adam para sure na pagbalik ni Lucy ay ibibigay mo agad si Adam sa kanya?" inis na sagot ni Cindy kay Luna.

Akmang magsasalita pa sana ng hindi maganda si Luna ngunit naudlot iyon nang biglang magsalita si Adam mula sa di kalayuan.

"Is there a problem here?" seryoso ang mukha na tanong ni kay Luna.

"Ah, wala naman, Kuya Adam. Binabati ko lamang ang bunsong kapatid ko. Sige. Maiwan ko na muna kayo," nakangiting wika ni Luna. Niyakap siya nito at binulungan. "Tandaan mo, Cindy. Huwag kang ambisyosa," paalala nito sa kanya bago nakangiting naglakad palayo.

Pagkatapos ng selebrasyon at maaari nang makapagpahinga si Cindy sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ng katulong na si Neth ay pagod ang katawan na humilata siya sa kama. Ngunit hindi pa man nag-iinit ang kanyang likuran mula sa pagkakahiga sa kama ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Adam sa loob ng silid. Napabangon tuloy siya sa kama at biglang namula ang kanyang mga pisngi. Baka isipin nito na masyado siyang relax at nagpi-feeling Mrs. Aldana na talaga siya.

"Hindi ko alam kung bakit ka napapayag ng mga magulang mo na pakasalan ang isang katulad ko, Cindy. Ngunit inuunahan na kita na kahit isang kusing ay wala kang makukuha sa akin," matalim ang mga matang kausap ni Adam kay Cindy.

Sa sinabi ni Adam ay hindi napigilan ni Cindy ang isipin kung paano makakatulong sa kumpanya ng kanyang Tito Lando ang ginawa niyang pagpapakasal kay Adam kung ganitong inunahan na siya nito na wala siyang mahihita mula sa kanya? Tiyak na masesermunan siya ng kanyang Tita Aura kapag nalaman nito ang sinabi ni Adam.

Bahala na. Hindi ko rin naman kagustuhan ang magpakasal sa kanya at hindi ko kasalanan kung bakit ako ang ikinasal sa kanya sa halip na si Lucy, aniya sa kanyang isip.

"Hindi lahat ng tao ay mukhang pera, Adam. Bakit? Puro ba mukhang pera ang mga taong nasa paligid mo kaya ganyan ka kung mag-isip?"

Biglang naningkit ang mga mata ni Adam nang marinig ang sinabi ni Cindy.

"Kilala ko ang mga taong katulad ng pamilya mo. Gagawin ng pamilya mo ang lahat para lamang sa pera."

"Alam mo baka pagod ka lang, Adam. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na lamang tayo at matulog," nilapitan nkya si Adam para itulak sana palabas ng silid ang wheelchair nito ngunit bigla na lamang nitong hinila ang kamay niya hanggang sa napaupo siya sa kandungan nito. Bigla tuloy napadiin ang mga kamay niya sa dibdib nito para magkaroon ng space sa pagitan nilang dalawa.

"Magpahinga at matulog tayo? Don't tell me na iniisip mo na may mangyayaring sekswal sa pagitan nating dalawa?" nakataas ang kilay na tanong ni Adam, pagkatapos ay biglang pinaglakbay ang mga daliri nito sa kanyang braso. "Alam mo na hindi ko kayang gawin iyon ngunit kung gusto mo talaga ay ikaw ang magtatrabaho," puno ng malisya ang tono ng boses na sabi ni Adam.

Nakaramdam ng magkahalong inis at pagkapahiya si Cindy nang marinig ang sinabi ni Adam. Naintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin at hindi niya iyon nagustuhan. Mabilis siyang umalis sa kandunga nito at lumayo rito.

"Ang bastos mo! At huwag kang mag-alala dahil kahit sa panaginip ay hinding-hindi ko gugustuhin na makipag-"ano" sa isang taong hindi man lang makatayo," galit na sagot ko sa kanya. Hindi niya magawang sabihi ng salitang "sex" kaya ang word na "ano" na lamang ang ginamit niya.

Tila naman nainsulto si Adam sa kanyang narinig at nasaktan ang pagkalalaki nito kaya nilapitan siya at malakas na itinulak papunta sa kama. Mabuti na lamang malambot ang kama na kinabagsakan niya kaya hindi siya nasaktan. Hindi naman nagsalita si Adam ngunit tinapunan siya ng matalim na titig bago walang paalam na lumabas ng silid.

Napahugot naman ng malalim na buntong-hininga si Cindy habang bumabangon sa kama para isara ang pintuan ng silid. Sa unang gabi ng pagsasama nila ni Adam ay nagkaroon agad sila ng pagtatalo at hindi magandang usapan. Paano pa kaya ang mga susunod na araw ng kanilang pagsasama? Baka magbatuhan na sila ng kutsilyo sa susunod.

Related chapters

  • CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE   Chapter 4

    Sanay gumising ng maaga si Cindy kaya maaga siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa sala. My second floor ang malaking bahay ni Adam ngunit nasa ibaba ang kanyang silid. Tiyak na nasa ibaba rin ang kuwarto nito para hindi ito mahirapan sa pagpunta sa silid nito.Pasalamat siya na magkaiba sila ng silid ni Adam dahil kung nagkataong magkatabi sila sa kama ay tiyak na hindi siya makakatulog buong magdamag. Hindi naman kasi siya sanay na may katabing lalaki sa kanyang pagtulog. At baka bigla na lamang siyang magising na sinasakal nito. Mahirap na. Mahal niya ang buhay niya sa kahit anong bagay sa mundo.Pagdating niya sa sala ay nakangiting sinalubong siya ng maid na si Nana Dayay. Mukha itong mabait kaya tiyak na makakasundo niya ito."Good morning, Ma'am Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kanya."Opo, Nana Dayay. Nakatulog naman ako ng mahimbing kahit na nasa ibang bahay ako at wala sa aking silid sa bahay ng aking Tito. Hindi naman ako dinalaw ng

    Last Updated : 2023-08-17
  • CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE   Chapter 1

    Nasa loob ng grocery store nang isang mall si Cindy at naglalakad habang nakatingin at nagbabasa ng chat ng kanyang pinsan na si Lucy. Kagagaling pa lamang niya sa National Bookstore at bumili ng mga gamit na kailangan niya para sa kanyang project. Nagbabayad na siya sa cashier nang makatanggap siya ng chat ni Lucy na nagpapabili ito ng dalawang pack na napkin with wings. Kaya pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili niya ay agad na siyang nagtungo sa grocery store para bilhin ang ipinapabili sa kanya ni Lucy. Kapag kinalimutan niyang bilhin ang pinapabili nito ay tiyak na katakot-takot na sermon ang maririnig niya hindi lamang mula kay Lucy kundi maging sa ina nito at nakababatang kapatid na si Luna.Ang buhay ni Cindy ay maihahalintulad niya sa buhay ng sikat na kuwentong pambata na Cinderella. Katulad kasi ni Cinderella na may stepsisters at stepmother na nang-aapi rito ay may dalawa naman siyang pinsan at tiyahin na madalas ding mang-api sa kanya.Sampung taong gulang si Cindy n

    Last Updated : 2023-08-07
  • CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE   Chapter 2

    Walang nagawa ang pagtutol ni Lucy sa nais ng ama nito kaya pagkatapos ng anim na buwan ay naitakda ang kasal ng mga ito. Hindi nagkaroon ng engagement party dahil nasa ibang bansa pa naman si Adam. At balitang hindi naging successful ang operasyon nito sa paa kaya mananatili itong nakatali sa wheelchair. Dumating ang araw ng kasal nina Lucy at Adam. Ang venue ay sa malawak na bakuran ng sariling bahay ni Adam. Maliban kasi sa malaking bahay ng mga magulang nito ay may sarili din itong malaking bahay.Kung naka-wedding dress si Lucy ay ganoon din ang suot ni Cindy. Isa kasi siya sa mga bridesmaid ni Lucy at sabi ng pinsan niya ay lahat ng mga bridesmaid nito ay nakasuot din ng wedding dress. Nagtataka man kung bakit siya kinuhang isa sa mga bridesmaid gayobg hindi naman sila close sa isa't isa ay hindi na lamang siya nag-usisa pa. Tiyak na bubungangaan lamang siya ni Lucy kapag magtanong pa siya."Lucy, puwede bang simpleng white dress na lang ang isuot ko? Nakakailang masyado itong

    Last Updated : 2023-08-07

Latest chapter

  • CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE   Chapter 3

    What a small world. Hanep talaga magbiro ang tadhana.Iyan ang nasa isip ni Cindy habang nakatitig sa mukha ng lalaking masungit na nakausap niya noon na walang iba kundi ang dapat ay groom ni Lucy na ngayon ay magiging groom na niya. Si Adam Aldana ng Aldana Group. Kilala ni Cindy sa pangalan ang CEO ng Aldana Group ngunit kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita. At maging si Lucy ay hindi pa rin nakita ang mukha ni Adam. Kung nakita kaya ng pinsan niya ang mukha ni Adam at nakita nitong napakaguwapo at umaapaw ang sex appeal ng groom niya kahit na nakaupo lamang ito sa wheelchair, papayag kaya siyang pakasalan ang binata?"So it's you," boses ni Adam ang biglang pumukaw sa pagkakatulala ni Cindy."Yes, it's me," mahinang sagot ni Cindy na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla."What's the meaning of this, Lando and Aurora? Akala ko ba ang ikakasal sa anak ko ay ang anak mong si Lucy?" galit na sita ng ama ni Adam, ang Chairman ng Aldana Group."Calm down, Joaquin. I think we ha

  • CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE   Chapter 2

    Walang nagawa ang pagtutol ni Lucy sa nais ng ama nito kaya pagkatapos ng anim na buwan ay naitakda ang kasal ng mga ito. Hindi nagkaroon ng engagement party dahil nasa ibang bansa pa naman si Adam. At balitang hindi naging successful ang operasyon nito sa paa kaya mananatili itong nakatali sa wheelchair. Dumating ang araw ng kasal nina Lucy at Adam. Ang venue ay sa malawak na bakuran ng sariling bahay ni Adam. Maliban kasi sa malaking bahay ng mga magulang nito ay may sarili din itong malaking bahay.Kung naka-wedding dress si Lucy ay ganoon din ang suot ni Cindy. Isa kasi siya sa mga bridesmaid ni Lucy at sabi ng pinsan niya ay lahat ng mga bridesmaid nito ay nakasuot din ng wedding dress. Nagtataka man kung bakit siya kinuhang isa sa mga bridesmaid gayobg hindi naman sila close sa isa't isa ay hindi na lamang siya nag-usisa pa. Tiyak na bubungangaan lamang siya ni Lucy kapag magtanong pa siya."Lucy, puwede bang simpleng white dress na lang ang isuot ko? Nakakailang masyado itong

  • CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE   Chapter 1

    Nasa loob ng grocery store nang isang mall si Cindy at naglalakad habang nakatingin at nagbabasa ng chat ng kanyang pinsan na si Lucy. Kagagaling pa lamang niya sa National Bookstore at bumili ng mga gamit na kailangan niya para sa kanyang project. Nagbabayad na siya sa cashier nang makatanggap siya ng chat ni Lucy na nagpapabili ito ng dalawang pack na napkin with wings. Kaya pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili niya ay agad na siyang nagtungo sa grocery store para bilhin ang ipinapabili sa kanya ni Lucy. Kapag kinalimutan niyang bilhin ang pinapabili nito ay tiyak na katakot-takot na sermon ang maririnig niya hindi lamang mula kay Lucy kundi maging sa ina nito at nakababatang kapatid na si Luna.Ang buhay ni Cindy ay maihahalintulad niya sa buhay ng sikat na kuwentong pambata na Cinderella. Katulad kasi ni Cinderella na may stepsisters at stepmother na nang-aapi rito ay may dalawa naman siyang pinsan at tiyahin na madalas ding mang-api sa kanya.Sampung taong gulang si Cindy n

DMCA.com Protection Status