Walang nagawa ang pagtutol ni Lucy sa nais ng ama nito kaya pagkatapos ng anim na buwan ay naitakda ang kasal ng mga ito. Hindi nagkaroon ng engagement party dahil nasa ibang bansa pa naman si Adam. At balitang hindi naging successful ang operasyon nito sa paa kaya mananatili itong nakatali sa wheelchair.
Dumating ang araw ng kasal nina Lucy at Adam. Ang venue ay sa malawak na bakuran ng sariling bahay ni Adam. Maliban kasi sa malaking bahay ng mga magulang nito ay may sarili din itong malaking bahay.Kung naka-wedding dress si Lucy ay ganoon din ang suot ni Cindy. Isa kasi siya sa mga bridesmaid ni Lucy at sabi ng pinsan niya ay lahat ng mga bridesmaid nito ay nakasuot din ng wedding dress. Nagtataka man kung bakit siya kinuhang isa sa mga bridesmaid gayobg hindi naman sila close sa isa't isa ay hindi na lamang siya nag-usisa pa. Tiyak na bubungangaan lamang siya ni Lucy kapag magtanong pa siya."Lucy, puwede bang simpleng white dress na lang ang isuot ko? Nakakailang masyado itong suot ko na wedding dress. Parang ako itong ikakasal at hindi ikaw," hindi napigilang reklamo ni Cindy sa pinsan niya. Sa tingin niya kasi ay mas maganda pa ang suot niya kaysa sa wedding dress na suot ni Lucy."Puwede bang huwag ka nang magreklamo diyan? Pasalamat ka nga na kinuha pa kitang isa sa mga bridesmaid, eh," matalim ang tingin na wika ni Lucy sa pinsan niya. "Sige na. Sumakay ka na sa kotse para makaalis na tayo. Baka kanina pa naghihintay ang groom."Napakunot ng noo si Cindy nang makitang ang kotse na sasakyan niya papuntang simbahan ay ang wedding car."Sa iisang sasakyan lang ba tayo sasakay?" Bigla siyang nag-alangan. Ayaw na ayaw kasi ni Lucy na sa iisang sasakyan sila sasakay. Baka pagkatapos ng kasal nito ay ulanin siya ng sermon. Ginawa pa kasi niya ang ipinag-uutos ni Lucy kaya hindi siya nakasabay sa kanyang Tito Lando sa pagpunta sa simbahan kanina."Ang arte mo talaga, Cindy. Pumasok ka na sa loob at baka ma-late pa tayo," masama ang tingin na utos ni Lucy kay Cindy.Napahugot na lamang si Cindy ng malalim na buntong-hinings bago walang kibong pumasok sa loob ng kotse. Umurong siya sa dulo dahil sa tabi niya sumakay ang pinsan niya.Habang nasa biyahe sila ay hindi napigilang titigan ni Cindy ang pinsan niya. Sa pagkakaalam niya ay matindi ang pagtutol nito na makasal kay Adam ngunit bakit tila hindi na ito makapaghintay na makarating sila sa simbahan? O baka sa wakas ay naisip na rin nito na para naman sa ikasasalba ng kumpanya ng ama nito ang gagawin nitong pagsasakripisyo at pagpapakasal sa isang lalaking wala ng pag-asa na muli pang makatayo.Hindi pa sila tuluyang nakakalayo ng bahay nang bigla na lamang inutusan ni Lucy ang driver nila na si Mang Dado."Bakit, Lucy? Bakit mo pinahinto si Mang Dado?"nagtatakang tanong niya sa pinsan niya."I forgot my boquet," mabilis na sagot ni Lucy. "Mauna na kayo ni Mang Dado sa simbahan at babalikan ko lamang ang aking boquet.""Ha? Puwede namang ang boquet na naka-design sa simbahan ang gamitin mo. Baka mas lalo ka lamang ma-late sa kasal mo," nag-aalalang wika ni Cindy. Wala itong kamalay-malay na may binabalak si Lucy na maglalagay sa kanya sa sitwasyong hindi niya matatakasan."Ayoko nga. Gusto ko iyong boquet kong iyon lamang ang gagamitin ko. At saka ano naman ngayon kung ma-late ako? Hindi naman mag-uumpisa ang kasal ang kung wala ako, 'no," mataray na sagot ni Lucy bago bumaba sa kotse at pumara ng taxi. "Bilisan mo ang pagmamaneho para makarating agad kayo sa simbahan, Mang Dado. Para masabi ni Cindy na mali-late ako ng dating," nakangiting kausap ni Lucy sa driver nila."Yes, Ma'am," napapakamot na sagot ni Mang Dado bago muling pinatakbo ang kotse."Bumalik kaya tayo, Mang Dado. Baka pagalitan tayo nina Tito Lando at Tita Aura kapag nalaman nilang hindi natin kasabay si Lucy," nag-aalalang wika ni Cindy sa driver nang malapit na sila sa simbahan."Naku, huwag na, Cindy. Mas nakakatakot si Ma'am Lucy kapag nagagalit kaysa sa kanyang mga magulang. Baka ipasisante pa niya ako sa trabaho. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho dahil nag-aaral na sa kolehiyo ang dalawa kong anak," mabilis na sagot ni Mang Dado. Walang nagawa si Cindy kundi ang mapahugot na lamang ng malalim na buntong-hininga. Kahit kailan talaga ay masyadong sakit sa ulo ang pinsan niya. Mag-aasawa na nga lang ay bibigyan pa siya ng sakit sa ulo. Ihahanda na lamang niya ang kanyang sarili dahil pagbaba niya sa kotse mamaya at matuklasan ng kanyang Tita Aura na hindi niya kasama ang anak nito ay tiyak na uulanin na naman siya ng katakot-takot na sermon.Samantala, pagbaba ni Lucy sa taxi ay agad itong sumakay sa naghihintay na kotse ng nobyo nitong si Reymond. Agad na naghalikan ang dalawa pagkatapos ay malakas na nagtawanan."Bilib na talaga ako sa'yo, Lucy. Ang galing mo. Nautakan mo ang pinsan mo. Ngayon ay siya tuloy ang ikakasal sa inutil na Adam na iyon," nakangising wika ni Reymond matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Dapat lang na siya ang magpakasal sa inutil na lalaking iyon at hindi ako para naman mapakinabangan namin ang ginastos sa kanya ng mga magulang ko," sagot ni Lucy pagkatapos ay muling napangisi. "Poor, Cindy. Wala siyang kamalay-malay na kaya wedding dress ang suot niya ngayon dahil siya ang ikakasal at hindi ako."Muling nagkatawanan ang dalawa pagkatapos ay muling naghalikan na para bang katapusan na ng mundo at hindi na nila matitikman ang mga labi ng isa't isa.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay parehong habol na nila ang kanilang hininga."Tawagan mo na ngayon ang parents mo para hindi na sila magtaka kapag nakita nila ang pinsan mo na nakasuot ng wedding dress. At para wala na rin silang magawa kundi ang ipalit si Cindy bilang bride," nakangising utos ni Reymon kay Lucy.Agad namang sinunod ni Lucy ang sinabi ng nobyo nito. Tinawagan nito ang ina nito at sinabing hindi siya makakarating sa kasal niya.Galit na galit si Aura nang malaman ng ginawa ng anak nto ngunit hindi nito maipakitang galit ito dahil nag-aalala ito na baka makahalata ang mga taong nasa loob ng simbahan. Ngunit sa loob nito ay namumuroblema na ito kung paano nito sasabihin sa mga bisitang naroon at lalong-lalo na sa pamilya ng groom na biglang umatras sa kasal ang anak nito."Don't worry, Mom. Matutuloy pa rin naman ang kasal ngunit hindi na ako ang bride. At hintayin niyo na lang siya dahil parating na siya," wika ni Lucy bago mabilis na ini-off ang cell phone nito.Si Cindy naman ay nakarating na sa tapat ng simbahan ang kotseng sinasakyan niya. Kahit nag-aalangan ay bumaba pa rin siya ng kotse."Nandito na ang bride! Umpisahan na ang kasal!" Nanlaki ang mga mata ni Cindy nang marinig ang sigaw na iyon ng isang lalaki habang tumatakbo papunta sa loob ng simbahan. Di yata't napagkamalan siya na siyang bride. Sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip na hindi siya ang bride kapag nakita nila ang suot niyang wedding dress?May dalawang babae na biglang lumapit kay Cindy at mabilis siyang hinila palapit sa pintuan ng simbahan. Bigla siyang nagpanic nang marinig niya ang malakas na tugtog ng wedding march. Akmang ibubuka na niya ang kanyang bibig para magsalita at sabihin na nagkakamali sila dahil hindi siya ang bride ngunit bigla na lamang may tumabi sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. Nang tingnan niya kung sino iyon ay nakita niya ang kanyang Tito Lando na nakangiti pagkatapos ay hinila na siya para maglakad palapit sa lalaking nakatalikod at nakaupong sa wheelchair."Ano ang ibig sabihin nito, Tito Lando? Hindi ako ang bride kundi si Lucy," mahina ang boses na anas ni Cindy sa kanyang tito habang patuloy na naglalakad sa pulang carpet."Hindi na makakarating si Lucy dahil sumama na siya sa boyfriend niya," mariing sagot ng kanyang tito sa kanya ngunit hindi inaalis sa mga labi ang matamis na ngiti.Biglang napahinto sa paglalakad si Cindy at napatitig sa kanyang Tito Lando. Tinatantiya niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o baka binibiro lamang siya. Nang masigurong seryoso nga ito ay biglang namutla ang kanyang mukha."Tito Lando," nangingilid ang mga luha na sambit ni Cindy sa pangalan ng kanyang tito."Hindi maaaring hindi matuloy ang kasal na ito, Cindy. Siguro ay ito na ang oras para makabayad ka sa utang-na-loob mo sa akin," anas ni Lando na pasimpleng inilapit ang bibig nito sa tainga ni Cindy, pagkatapos ay muling hinila ang pamangkin niya para ituloy ang paglalakad palapit sa groom.Pakiramdam ni Cindy ay para siyang robot na hindi gagalaw kung hindi siya gagabayan ng kamay ng kanyang tito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Ngayon lang niya na-realized na plinano ni Lucy ang lahat. Kaya pala siya pinagsuot ng wedding dress at sinabi lamang na iyon ang suot ng mga bridesmaid dahil siya pala talaga ang balak nitong ipakasal sa groom nito. Sana ay naisip niya kanina na balak nitong tumakas sa kasal nito nang pinahinto nito si Mang Dado at sinabing nakalimutan nito ang wedding boquet nito.Alam ni Lucy na hindi maaaring hindi matuloy ang kasal kaya mapipilitan ang mga magulang nito na ipalit siya bilang bride lalo pa at nakasuot na siya ng wedding dress. At lalong alam din ni Lucy na hindi siya makakatanggi sa kanyang Tito Lando kapag sinabi nitong siya ang papalit na bride ni Adam dahil malaki ang utang na loob niya rito. Napaka-perfect ng plano ni Lucy.Nang makarating sila sa tapat ng nakatalikod at nakaupo sa wheelchair na groom ay mariing ipinikit ni Cindy ang kanyang mga mata para mapigilan niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Huminga siya ng malalim bago iminulat ang kanyang mga mata. At ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makitang ang groom niya at ang lalaking nakaupo sa wheelchair at masungit na nabangga niya sa loob ng supermarket ay iisa.What a small world. Hanep talaga magbiro ang tadhana.Iyan ang nasa isip ni Cindy habang nakatitig sa mukha ng lalaking masungit na nakausap niya noon na walang iba kundi ang dapat ay groom ni Lucy na ngayon ay magiging groom na niya. Si Adam Aldana ng Aldana Group. Kilala ni Cindy sa pangalan ang CEO ng Aldana Group ngunit kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita. At maging si Lucy ay hindi pa rin nakita ang mukha ni Adam. Kung nakita kaya ng pinsan niya ang mukha ni Adam at nakita nitong napakaguwapo at umaapaw ang sex appeal ng groom niya kahit na nakaupo lamang ito sa wheelchair, papayag kaya siyang pakasalan ang binata?"So it's you," boses ni Adam ang biglang pumukaw sa pagkakatulala ni Cindy."Yes, it's me," mahinang sagot ni Cindy na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla."What's the meaning of this, Lando and Aurora? Akala ko ba ang ikakasal sa anak ko ay ang anak mong si Lucy?" galit na sita ng ama ni Adam, ang Chairman ng Aldana Group."Calm down, Joaquin. I think we ha
Sanay gumising ng maaga si Cindy kaya maaga siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa sala. My second floor ang malaking bahay ni Adam ngunit nasa ibaba ang kanyang silid. Tiyak na nasa ibaba rin ang kuwarto nito para hindi ito mahirapan sa pagpunta sa silid nito.Pasalamat siya na magkaiba sila ng silid ni Adam dahil kung nagkataong magkatabi sila sa kama ay tiyak na hindi siya makakatulog buong magdamag. Hindi naman kasi siya sanay na may katabing lalaki sa kanyang pagtulog. At baka bigla na lamang siyang magising na sinasakal nito. Mahirap na. Mahal niya ang buhay niya sa kahit anong bagay sa mundo.Pagdating niya sa sala ay nakangiting sinalubong siya ng maid na si Nana Dayay. Mukha itong mabait kaya tiyak na makakasundo niya ito."Good morning, Ma'am Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kanya."Opo, Nana Dayay. Nakatulog naman ako ng mahimbing kahit na nasa ibang bahay ako at wala sa aking silid sa bahay ng aking Tito. Hindi naman ako dinalaw ng
Nasa loob ng grocery store nang isang mall si Cindy at naglalakad habang nakatingin at nagbabasa ng chat ng kanyang pinsan na si Lucy. Kagagaling pa lamang niya sa National Bookstore at bumili ng mga gamit na kailangan niya para sa kanyang project. Nagbabayad na siya sa cashier nang makatanggap siya ng chat ni Lucy na nagpapabili ito ng dalawang pack na napkin with wings. Kaya pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili niya ay agad na siyang nagtungo sa grocery store para bilhin ang ipinapabili sa kanya ni Lucy. Kapag kinalimutan niyang bilhin ang pinapabili nito ay tiyak na katakot-takot na sermon ang maririnig niya hindi lamang mula kay Lucy kundi maging sa ina nito at nakababatang kapatid na si Luna.Ang buhay ni Cindy ay maihahalintulad niya sa buhay ng sikat na kuwentong pambata na Cinderella. Katulad kasi ni Cinderella na may stepsisters at stepmother na nang-aapi rito ay may dalawa naman siyang pinsan at tiyahin na madalas ding mang-api sa kanya.Sampung taong gulang si Cindy n
Sanay gumising ng maaga si Cindy kaya maaga siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa sala. My second floor ang malaking bahay ni Adam ngunit nasa ibaba ang kanyang silid. Tiyak na nasa ibaba rin ang kuwarto nito para hindi ito mahirapan sa pagpunta sa silid nito.Pasalamat siya na magkaiba sila ng silid ni Adam dahil kung nagkataong magkatabi sila sa kama ay tiyak na hindi siya makakatulog buong magdamag. Hindi naman kasi siya sanay na may katabing lalaki sa kanyang pagtulog. At baka bigla na lamang siyang magising na sinasakal nito. Mahirap na. Mahal niya ang buhay niya sa kahit anong bagay sa mundo.Pagdating niya sa sala ay nakangiting sinalubong siya ng maid na si Nana Dayay. Mukha itong mabait kaya tiyak na makakasundo niya ito."Good morning, Ma'am Cindy. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kanya."Opo, Nana Dayay. Nakatulog naman ako ng mahimbing kahit na nasa ibang bahay ako at wala sa aking silid sa bahay ng aking Tito. Hindi naman ako dinalaw ng
What a small world. Hanep talaga magbiro ang tadhana.Iyan ang nasa isip ni Cindy habang nakatitig sa mukha ng lalaking masungit na nakausap niya noon na walang iba kundi ang dapat ay groom ni Lucy na ngayon ay magiging groom na niya. Si Adam Aldana ng Aldana Group. Kilala ni Cindy sa pangalan ang CEO ng Aldana Group ngunit kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita. At maging si Lucy ay hindi pa rin nakita ang mukha ni Adam. Kung nakita kaya ng pinsan niya ang mukha ni Adam at nakita nitong napakaguwapo at umaapaw ang sex appeal ng groom niya kahit na nakaupo lamang ito sa wheelchair, papayag kaya siyang pakasalan ang binata?"So it's you," boses ni Adam ang biglang pumukaw sa pagkakatulala ni Cindy."Yes, it's me," mahinang sagot ni Cindy na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla."What's the meaning of this, Lando and Aurora? Akala ko ba ang ikakasal sa anak ko ay ang anak mong si Lucy?" galit na sita ng ama ni Adam, ang Chairman ng Aldana Group."Calm down, Joaquin. I think we ha
Walang nagawa ang pagtutol ni Lucy sa nais ng ama nito kaya pagkatapos ng anim na buwan ay naitakda ang kasal ng mga ito. Hindi nagkaroon ng engagement party dahil nasa ibang bansa pa naman si Adam. At balitang hindi naging successful ang operasyon nito sa paa kaya mananatili itong nakatali sa wheelchair. Dumating ang araw ng kasal nina Lucy at Adam. Ang venue ay sa malawak na bakuran ng sariling bahay ni Adam. Maliban kasi sa malaking bahay ng mga magulang nito ay may sarili din itong malaking bahay.Kung naka-wedding dress si Lucy ay ganoon din ang suot ni Cindy. Isa kasi siya sa mga bridesmaid ni Lucy at sabi ng pinsan niya ay lahat ng mga bridesmaid nito ay nakasuot din ng wedding dress. Nagtataka man kung bakit siya kinuhang isa sa mga bridesmaid gayobg hindi naman sila close sa isa't isa ay hindi na lamang siya nag-usisa pa. Tiyak na bubungangaan lamang siya ni Lucy kapag magtanong pa siya."Lucy, puwede bang simpleng white dress na lang ang isuot ko? Nakakailang masyado itong
Nasa loob ng grocery store nang isang mall si Cindy at naglalakad habang nakatingin at nagbabasa ng chat ng kanyang pinsan na si Lucy. Kagagaling pa lamang niya sa National Bookstore at bumili ng mga gamit na kailangan niya para sa kanyang project. Nagbabayad na siya sa cashier nang makatanggap siya ng chat ni Lucy na nagpapabili ito ng dalawang pack na napkin with wings. Kaya pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili niya ay agad na siyang nagtungo sa grocery store para bilhin ang ipinapabili sa kanya ni Lucy. Kapag kinalimutan niyang bilhin ang pinapabili nito ay tiyak na katakot-takot na sermon ang maririnig niya hindi lamang mula kay Lucy kundi maging sa ina nito at nakababatang kapatid na si Luna.Ang buhay ni Cindy ay maihahalintulad niya sa buhay ng sikat na kuwentong pambata na Cinderella. Katulad kasi ni Cinderella na may stepsisters at stepmother na nang-aapi rito ay may dalawa naman siyang pinsan at tiyahin na madalas ding mang-api sa kanya.Sampung taong gulang si Cindy n