SCARLETT POV Sa pagdating sa roof deck, kaagad na sumalubong sa akin ang napakagandang tanawin sa buong paligid! Wala akong ibang nakikita kundi puro karagatan! Ang sarap din ng simoy ng hangin lalo na at palubog pa lang ang araw! Iyun nga lang, isa lang ang napapansin ko...kaming dalawa lang ni Draku ang naririto! Nasaan ang ibang mga bisita? Bakit kami lang? Inaasahan ko pa naman na may ibang tao akong makakahalubilo! Inaasahan ko din na makikita ko si Glaiza para kahit papaano, makahingi ng tulong pero mas mautak talaga yata ang Draku na ito higit kanina pa man! "Pwede kang maupo dito! May mga drinks na din kaya naman pwede kang mag-enjoy!" muling bigkas niya! Wala sa sariling napasulyap ako sa kanya! Tuso talaga! Mukhang wala talaga siguro siyang balak na bigyan ako ng pagkakataon ng makihalubilo sa ibang mga bisita! Tsaka, nasaan na ba si Gino? Siguro nga, wala na talagang pag-asa! Feeling ko, ibinenta niya na talaga ako walang hiya niyang kapatid! Wala akong choice kun
SCARLETT PO "Gusto ko lang po sanang tumambay habang papalubog ang araw! Hindi ko naman po kasi akalain na may nauna pala sa akin!" narinig kong muling samit ni Anyana! Gustuhin ko man siyang lapitan para kausapin, natatakot naman ako sa posibleng gawin sa akin ni Draku! Lalo na at napapansin ko sa mga titig niya na hindi siya masaya sa paghaharap naming dalawa ni Anyana. "Well, may nauna na pala sa iyo, ang mabuti pa doon ka na lang sa main deck! Okay din naman doon Princess at nandoon ang mga Tito's mo kaya malilibang ka!" narinig kong sambit ni Draku! "OH really...okay! Much better kung ganoon Dad! Ayaw ko na dito! Dinala pa talaga ni Gino ang babae niya dito sa gusto kong spot! Magpaparaya na muna ako ngayun pero next time ayaw ko na! Teka, na meet mo na ba Dad ang girlfriend ni Gino?" narinig kong muling sambit ni Anyana sabay titig sa akin! Pigil ko naman ang sarili ko na maiyak. Paano pa ako makahingi ng tulong sa kanya kung ganito ang nakikita ko sa kanyang mga mata?
SCARLETT POV Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagtangis ng puso ko! Ilang beses ko nang pinigilan ang paulit-ulit na pagpatak ng luha sa aking mga mata pero hindi ko talaga kaya! Sobrang sakit talaga! "Mom....Dad! Promise, magiging mabait na po akong anak! Tulungan niyo po ako!" mahina kong bulong! Umaasa ako na dadalhin ng hangin ang bulong kong iyun at maisip ng mga magulang ko na nasa hindi maayos akong sitwasyon! "Well, ano itong narinig ko mula sa mga bantay na tinangka mo daw lumabas?" hindi ko mapigilan ang mapaiktad sa gulat nang marinig ko ang seryosong boses na iyun! Ang boses na hangat maari, ayaw ko munang marinig dahil nagbibigay iyun ng takot sa puso ko! "Gusto ko lang naman bumalik na ng kwarto eh!" maiksi kong sagot sa kanya pero duda ako kung maniniwala ba siya sa akin! "Babalik ka ng kwarto? Are you kidding me? Kakarating lang natin kanina tapos gusto mong bumalik kaagad ng kwarto?" seryoso niyang bigkas! "Kung ayaw mong maniwala, eh di huwag! Wala na a
SCARLETT POV"ANO ba! Tigilan mo iyan! Tigilan mo sabi iyan eh!" mahina kong sambit habang patuloy sa paglulumikot ang palad ni Draku sa buo kong katawan! Aminado ako sa aking sarili na bigla akong nag-iinit sa ginagawa niyang ito sa akin! Nakakaramam ako ng kakaiba sa aking sarili kasabay ng para bang bigla akong nawalan ng lakas kaya napasandal ako sa kanya."Are you sure na gusto mong itigil ko ito? Bakit parang iba yata ang nararamdaman ko sa katawan mo ngayun Sweetie?" mahina niyang sambit kasabay ng pagdampi ng labi niya sa leeg ko! Marahan siyang sumipsip sa bahaging iyun kaya naman hindi ko mapigilan ang mapaungol sa kakaibang kiliti na nararamdamanko!"Draku, ano ang ginagawa mo sa akin! Mali ito...maling mali ito!" mahina kong sambit! Tuluyan na akong napasandal sa kanya! Ang pagtutol na nararamdaman ko sa aking sistema ay biglang naglaho at napalitan iyun ng kakaibang damdamin ng lumulukob sa buo kong pagkatao"Nope! Dalaga ka...binata ako? Anong mali dito? Walang mali Scar
SCARLETT POV Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na sandali basta nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga na ako sa mahabang sofa! Hindi ko mapigilang mapatitig sa madilim na kalangitan! Magiging saksi ang mga bituin sa kung ano man ang gagawin ni Draku sa akin ngayung gabi. Wala na akong balak pang tumutol! Wala namang mangyayari kung sakaling manlalaban ako sa kanya dahil tuluyan niya na din naman kasing nakuha ang lahat sa akin! "Ready?" nakangisi niyang bigkas! Wala sa sariling napatitig ako sa kanya! WAla na din siyang ni isang saplot sa kanyang katawan at wish ko lang na walang sino man ang mangahas na dumating dito sa sun deck kung hindi yari talaga! "Sure ka ba na dito talaga natin gagawin? Hindi ba nakakahiya? Paano kung may makakita sa atin?" mahina kong sambit. "Nope! Walang sino man ang mangahas na pumunta sa bahaging ito hangat hindi ko sinasabi!" nakangisi niyang sambit! Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway lalo nang dumako ang mga m
ANYANA POV Pagdating sa famous na beach resort ng bansa, binigyan ng tatlong oras na pagkakataon ang gustong bumaba ng yate at makapamasyal na din! Nakiusap naman ako kay Daddy na hindi na ako sasabay sa susunod na paglalayag! Parang gusto ko kasing mag-stay na lang sa naturang beach resort at makapaglibang na din! Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na din sumabay dahil na din sa kaalamang nandoon sila Scarlett at Glaiza! Hangat maari, ayaw ko silang makahalubilo! Naiinis kasi talaga ako kapag nakikita ko ang pagmumukha nila. Mabuti na lang talaga at pumayag si Daddy! Nag boluntaryo naman si Gino na sasamahan niya daw ako na labis kong ikinagulat. "Are you sure? Paano si Scarlett?" nagtataka kong tanong sa kanya! Kung may samaan sila ng loob ni Scarlett, awkward naman kung basta niya na lang iiwan sa yate. "Bahala na siya! Mag-eenjoy din naman siya kahit wala ako!" nakangiting sagot nito! Wala sa sariling pinakatitigan ko si Gino na puno ng pagdududa. Hindi naman ako tanga
ANYANA POV " I am sorry, Menchie! God, hindi ko alam! Patawarin mo si Ate Anyana ha? Hindi ko kasi talaga alam eh!" umiiyak ko nang bigkas! Naramdaman ko naman ang pagkalas ni Menchie sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. "Ilang beses kang sinubukan na tawagan ni Ate Olivia pero hindi daw po kayo ma-contact! Tapos- tapos noong nakaraang araw, nakita ko po ang mga larawan mo sa magazine Ate! Nag-artista na po ba kayo kaya busy na kayo? Akala ko tuluyan mo na kaming kinalimutan eh!'" lumuluha niyang bigkas! "Of course not! Hinding hindi ko kayo makakalimutan! Hinding hindi ko makakalimutan ang mga taong labis kong pinagkakautangan ng loob! Sorry kung medyo natagalan ang pagbabalik ko pero promise, ngayung nandito na ako, hindi ko na hahayaan pa na mag-isa ka lang! Ngayung wala na si Lola Saling, ako na ang bahala sa iyo Menchie!" hindi ko na din mapigilan ang maiyak habang sinasabi ko ang katagang iyun! "Tsaka, hindi ako mag-aartista! May ini-endorse lang ako na isang prod
ANYANA POV KINABUKASAN, kakadilat ko lang ng aking mga mata nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng silid kung saan ako naka-check in! Wala sa sariling mabilis akong napabangon at naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyun para lamang magulat sa aking nabungaran! 'Stephen?" gulat kong sambit! Wala sa sariling napatitig ako sa haggard nitong pagmumukha! Halata sa hitsura nito na wala pang tulog dahil nangangalumata siya ngayun "Totoo nga! Totoo nga ang binangit sa akin ni Mr. Andres na nandito ka!" nakangiti nitong bigkas! Wala sa sariling napahalukipkip ako at seryoso siyang tinitigan. "So, ano ngayun kung nandito ako? May issue ka?" seryoso kong tanong sa kanya! Napansin kong natigilan siya sabay iling "Masaya lang ako! Kaya nga noong nalaman ko na nandito ka bumyahe kaagad ako patungo dito para makita ka eh! Anyana, kumusta ka na?" nakangiti niyang bigkas! "Really? Hindi ko akalain na sobrang talas pala ng pang-amoy mo! Don't worry, hindi din naman kami magta
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya
SCARLETT POV"ITO ang magiging kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Draku! Balik kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina at nagulat na lang ako nang muli niya akong dinala sa kwarto kung saan ako natulog kanina! Kung hindi ako maaaring magkamali, ito din ang silid niya dahil sa loob ng walk in closet habang nag-iikot ako, may napapansin akong mga personal niyang mga gamit!"Ito lang ang pinakamalaki at pinaka-kumportableng kwarto sa bahay na ito! Don't worry, bihira lang naman akong umuuwi dito at kapag nandito naman ako pwede din naman akong magpahinga sa ibang silid kaya wala kang dapat na ikabahala!" nakangiti niyang sagot sa akin! Simula kanina, hindi ko na siya nakikitaan pa ng kagaspangan ng pag-uugali!Palagi na ding mahinahon ang tono ng kanyang pananalita na siyang labis kong ipinagpasalamat!"Pero, pwede naman ako sa ibang kwarto na lang! Bakit dito pa?" nagtataka kong bigkas!"Scarlett, hindi ka pa ba napapagod? I think, kailangan mo na munang magpahinga! Mamaya ng k
SCARLETT POV "ALAM kong sobrang naging unfair ako kay Anyana dahil idinamay ko siya sa galit ko sa Ina niya pero kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari! Naiinitinhan ko kung galit man siya sa akin ngayun! Naiintindihan ko kung halos isumpa niya man ako ngayun! Kung umiiyak at nasasaktan man ako ngayun, siguro ito na ang karma ko!" muli kong bigkas! Napatitig ako sa labas ng sasakyan habang nag-uumpisa na naman akong maluha! Siguro, kailangan ko nang masanay! Siguro, kailangan ko nang tangapin sa aking sarili na palagi na akong iiyak! "Now, I understand! Don't worry, kakausapin ko si Anyana regarding this matter! Magiging maayos din ang lahat!" mahina niyang sambit! Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pero mabilis ko ding hinila iyun! Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko sa kanya pagkatapos kong gawin iyun pero hindi ko na lang binigyang pansin pa! Wala naman kaming relasyon para hawak-hawakan niya ako sa aking kamay at i
SCARLETT POV HANGANG sa makasakay ako sa sasakan ni Draku, walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata! Sobrang nasasaktan talaga ako sa mga nangyari! Hindi ko akalain na kaya pala akong tiisin ni Daddy! Akala ko talaga hindi nila ako pababayaan at maiintindihan nila ako sa lahat ng mga desisyon na nais kong gawin sa buhay ko pero nagkakamali pala ako! Kaya niya pala akong itakwil dahil lang sa ayaw niya sa lalaking nakabuntis sa akin! "Are you okay?" sa patuloy na pagpatak ng luha sa aking mga mata, ang boses ni Draku ang umagaw sa aking attention! Katabi ko siya dito sa loob ng sasakyan at ngaun lang siya ulit nagsalita! "Sa palagay mo, mukha ba akong okay?" seryoso kong tanong pabalik sa kanya! Napansin kong saglit siyang natigilan habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha! "Nakita mo na ngang umiiyak ako, magtatanong ka pa!" naiinis kong muling bigkas kasabay ng pasimple kong pagpunas ng sarili kong luha gamit ang sarili kong kamay! "I know na hindi
SCARLETT POV '"DAD! NO! Huwag niyo po itong gawin sa akin! Please...huwag niyo naman akong pahirapan ngayun! Mahal ko kayo..mahal na mahal ko kayo pero paano ang mga anak ko? Ano ang mangyayari sa kanila kung lumaki silang wala ang ama nila sa tabi nila!" umiiyak kong bigkas! Nakikiusap ang mga matang tumitig ako kay Mommy dahil alam kong walang ibang makakatulong sa akin ngayun kundi siya lang! "Daniel! Ano ba? Hindi mo man lang ba kayang isaalang-alang ang galit mo? Buntis si Scarlett at sa kalagayan niya ngayun, bawal sa kanya ang sobrang ma-stress!' seryosong muling bigkas ni Mommy! Kaya lang, wala yatang balak na makinig si Daddy dahil muli nitong itinoon ang attention sa akin. "I am waiting Scarlett! Sino ang pipiliin mo...kami na mga magulang mo or ang lalaking iyan?" seryosong tanong niya! "Mr. Buenaventura! Please...not now! Masyadong masakit para kay Scarlett ang ginagawa niyong ito at posible---" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Draku nang malakas na tumawa si D
SCARLETT POV ''ANO ang ibig sabihin nito?" seryosong tanong ni Daddy sa akin! Napansin kong hindi niya tinangap ang pakikipagkamay ni Draku sa kanya! "Dad...si Draku po ang ama ng ipinagbubuntis ko!" direktahan kong sambit! Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay ni Daddy habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Draku! "Ano? SCARLETT!" mataas ang boses na bigkas ni Daddy kaya mabiis naman itong hinawakan ni Mommy sa braso! Napansin ko ang unti-unting pamumula ng mukha at tainga nito dahil sa tinitimping galit! Matalim ang mga matang tinititigan si Draku sabay iling "Lintik naman Atienza! Sa dinami-dami ng mga babaeng pwede mong buntisin anak ko pa talaga!" halos pasigaw na bigkas nito! Hindi ko naman mapigilan ang pagdagsa ang takot sa puso ko! Ngayun ko lang din kasi nakita si Daddy kung paano sobrang nagalit! Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nagulat na lang ako nang bigla niya na lang sapakin sa panga si Draku! Sa sobrang lakas noon, napaatras pa nga s
SCARLETT POV SA PAGTUTULOG-TULUGAN KO, hindi ko na nga namalayan pa na tuluyan na pala akong nakatulog! Medyo napasarap yata ang tulog ko dahil pagkatingin ko sa bintana na salamin ng kwarto...napansin kong medyo madilim na sa labas! Medyo madilim na din dito sa loob ng kwarto na tanging lampshade na lang ang nakasindi! "Good evening!" hindi ko pa nga mapigilan ang mapapitlag nang marinig ko ang seryosong boses na iyun! Si Draku, kakatayo niya lang mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa at naglakad palapit sa akin! "Anong oras na? Uwi na ako!" sagot ko sa kanya sabay hikab! Akmang bababa na sana ako mula sa kama pero maagap siyang inalalayan ako! "Sure...uuwi na tayo sa inyo! Kasama ako dahil kakausapin ko ang mga parents mo!" seryoso niyang bigkas! Sa gulat ko wala sa sariling napatitig ako sa kanya. "Sigurado ka na ba diyan? Anong rason mo? Bakit mo sila kakausapin?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Maraming reason! Malalaman mo mamaya!" seryoso niyang sagot sa akin. Tumang
SCARLETT POV "Dito ako matutulog?" seryoso kong tanong kay Draku habang inililibot ko ang tingin ko sa buong paligid! "Yes..dito na lang! Bakit, ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto ang kulay ng paligid?" seryosong tanong naman niya sa akin! Kaagad naman akong napailing. Sa totoo lang, wala namang problema para sa akin ang kulay ng buong paligid! Nag-aalala lang ako na baka ito iyung kwarto niya base na din sa mga nakikita ko! Very masculine kasi talaga ang datingan ng naturang silid eh! Mas hamak na malaki din ang kama kumpara sa pagkaraniwang kama at may sarili na ding mahabang sofa at center table! May nakita din akong malaking screen ng television sa kabilang bahagi! " Halika! Dito ka na sa kama! Don't worry, malinis itong kama at buong silid dahil regular itong nililinisan ng mga kasambahay!" muling bigkas niya! Alanganin lang akong napatango at nagpatianod na lang. "Ayos na ako dito! Pwede bang iwan mo na muna ako?" seryoso kong sagot sa kanya! Napansin kong natigilan siya h
SCARLETT POV ''UUWI NA AKO!" seryosong wika ko kay Draku habang pareho kaming nakaupo dito sa living room! Kanina niya pa sinasabi sa akin na pwede naman daw akong magpahinga sa isa sa mga kwarto sa bahay pero tudo tanggi ako! Wala naman talaga akong balak na mag stay dito sa bahay niya na kasama siya! Pinagbigyan ko lang naman siya kaya ako nandito! Wala na din naman kaming napag-uusapan masyado dahil pagkatapos namin kumain, basta niya na lang akong niyaya dito sa living room tapos wala na siyang ibang ginawa kundi ang titigan ang tiyan ko! "Pwede bang mamaya na? Gusto pa kitang makusap eh!" seryoso niyang sagot sa akin! Kaagad namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya! Gusto niya daw akong makausap eh wala naman siyang sinasabi kung ano ang nais niya! Ang gulo niya talaga! "Ano pa nga ba kasi ang gusto mong sabihin?Wala akong balak na makipagtitigan sa iyo habang buhay dito sa pamamahay mo ha..kaya tigilan mo ako Draku!" nakaingos kong sagot sa kanya! Isang malali