BIANCA POV "Mommy! Daddy! Baby Amanda!" pagdating namin ng mansion ang masayang mukha nila Stephen at Scarlett ang kaagad na sumalubong sa amin. Hindi ko naman mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Sa nakikita ko sa kanila ngayun, talagang masaya sila sa piling ng kanilang ama! Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkamali sa desisyon ko na pagbigyan sila na makasama nila ang kanilang ama! Magiging masaya na din ako kapag makita silang masaya. "Mommy, dito ka na din titira? Dito na ba tayo titira kasama si Daddy?" excited na tanong sa akin ni Scarlett! Sa edad nitong nine years old, kaunting-kaunti na lang talaga at magiging kasing tangkad ko na siya! Ang laki niyang bulas na bata. "Yes...dito na tayo titira! Kasama ng DAddy niyo!" nakangiti kong sagot sabay sulyap kay Daniel na karga-karga si Baby Amanda. "yes! so ibig sabihin po ba complete family na tayo? May Mommy at Daddy na kami sa iisang bahay?" nakangiting sagot naman ni Stephen. Sa loob ng tatlong taon n
BIANCA POV Hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng sampung taon na wala ako sa mansion na ito, nandito pa rin ang mga gamit ko! Iyun nga lang, ang iba dito ay hindi na kasya sa akin. Medyo payat kasi ako noon at nagkalaman lang ako ng kaunti noong nanganak ako! Kailangan ko pa rin isa-isahing icheck lahat ng mga gamit at itapon ang mga damit na hindi na kasya sa akin. Pagkatapos kong isa-isahing icheck ang mga gamit ko sa loob ng walk in closet, nagpasya akong lumabas ng kwarto para maghanap ng pwede kong tuntungan. Nangangati na kasi talaga ang aking mga palad at gusto ko nang tangalin ang portrait noong kasal naming dalawa ni Daniel. Ayaw ko nang makita pa dahil feeling ko, bumibigat lang ang nararamdaman ko. "Mam Bianca...welcome back po!" pababa na ako ng hagdang nang makasalubong ko ang isang naka-uniform na kasambahay. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya! Familiar sa akin ang kanyang mukha and sad to say hindi ko na maalala ang kanyang pangalan. "Si Thelma po ako
BIANCA POV "MATAGUMPAY naming natangal ni Thelma ang naturang picture frame na naka-hang sa kwarto ko! Gayunpaman, hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan ang nasabing larawan. Muli kasing bumalik sa balintataw ko ang malungkot na nakaraan ko sa piling ni Daniel! Mga bagay na ayaw ko na sanang balikan pa at gusto ko nang makalimutan! Well, life must go on ika nga! Ayaw ko nang mabuhay sa nakaraan! Itong picture frame na lang ang natitirang alaala ko noong ikinasal kaming dalawa ni Daniel dahil ang mga naipon kung mga larawan namin noon ay mismong si Daniel din naman ang nagtapon noong mga panahon na palagi kaming nag-aaway dahil ayaw niya nga sa akin. Hindi daw kasi ako ang pangarap niyang babae at sinira ko ang buhay niya kaya wala daw akong karapatan na mag- ipon ng mga basura dito sa pamamahay niya "Ano na ngayun ang gagawin ko dito Mam? Itatambak ko po sa storage room?" seryosong tanong sa akin ni Thelma. Pigil ko naman ang sarili ko na maluha. LI
BIANCA POV Araw ng libing ni Lola Antonia at alam kong hindi lang ako ang nalulungkot! Pero, ganoon talaga! Ang buhay ay may katapusan at kailangan kong tangapin iyun! Sumama na din sila Scarlett at Stephen sa amin samantalang si Baby Amanda naman ay si Thelma na muna ang nag-aalalaga! Kung papayag nga si Thelma, gusto ko din talaga na siya na ang mag-aalaga kay Baby Amanda! Mas higit na may tiwala ako sa kanya higit kanino pa man. "Mommy Bianca? Mommy Bianca kumusta po kayo?" narinig kong bati nang kung sino man sa akin! Wala sa sariling napalingon ako at hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko si Anyana na naglalakad palapit sa akin. Katulad nila Scarlett at Stephen, malaki na din siya! Nagbago na din ang awra nito! Hindi na siya maputla at lalo pang kuminis ang kanyang kutis at halatang naalagaan din naman siya! "Anyana...ikaw na ba iyan? Ang ganda mo!' nakangiti kong sagot sa kanya! Nagulat na lang ako nang pagkalapit niya sa akin, mahigit niya akong niyakap. "I
BIANCA POV "SCARLETT, sabi ko mag-sorry ka kay Anyana!" muling bigkas ko habang titig na titig sa kanya. Nakakahiya ang inasal ng batang ito! Kaharap kaming lahat tapos pagsasalitaan niya ng ganiyan ang batang kasing edad niya lang? "No! Talaga naman eh! Ayaw namin kay Anyana dahil witch ang Mommy niya!" naiiyak nang sagot ni Scarlett! Lalo naman akong nawindang sa naging sagot niya God! Saan niya nakukuha ang mga ganitong pag uugali? Ano ang nangyari sa pag-uugali ng anak ko? Sa naalala ko, naging maayos naman akong ina sa kanila at sinikap kong mabigyan sila ng tamang disiplina. "Scarlett--" naiinis ko nang muling bigkas sa pangalan nito! May pagbabanta ang tingin na tinitigan ko siya. "Bianca..stop it! Mga bata pa sila at normal lang na nagkakasamaan din sila ng loob!" sabat na ni Daniel sa seryosong boses. Gulat tuloy akong napatitig sa kanya! Ayos lang ba ang taong ito? Ayos lang sa kanya ang ipinapkitang ugali ng anak niya? Ayaw niyang putulin ang sungay na unti-unt
BIANCA POV GALIT siya? Bakit siya magagalit gayung malinaw sa usapan naming dalawa na wala na kaming pakialaman sa isat isa. Kaya ako sumama ng mansion dahil sa mga bata at walang nang iba! "Let's go home!" seryoso niyang wika sa amin. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Go home? Agad-agad? Hindi pa nga nag-iinit ang puwitan ko sa pagkakaupo tapos uuwi kaagad kami? Akala ko ba tatambay pa kami ng ilang oras dito? Balak ko pa naman sanang kausapin si Anyana mamaya. Maibsan man lang sana ang sama ng loob na nararamdaman ng bata. Tsaka, akala ko ba manonood pa sila ng movies sa entertainment room? Tapos na ba? Nasaan sila Scarlett at Stephen? "Nagpaalam ka na ba kay Mommy?" nagtataka kong tanong kay Daniel. Halos magdikit na ang kilay niya kaya wala sa sariling napatayo na ako! Napansin ko din kasi na masama ang tingin niya kay Arnold at baka magkagulo na naman silang dalawa ng kapatid niya! "Bakit uuwi kaagad? Hindi ba kayo mag stay? Marami pa kaming dapat pag-uusapan
BIANCA POV "Akala mo ba hindi ko alam? Matagal nang patay na patay sa iyo ang half brother ko at kumukuha lang siya ng tiyempro para makuha ka niya uilt sa akin!" muling wika ni Daniel na labis kong ikinagulat. Si Daniel pa ba itong nagsasalita? Bakit biglang nag-iba ang ihip ang hangin? Babalik na naman ba kami sa umpisa dahil sa mga binitiwan niyang mga salita ngayun? "Ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Bakit ang dumi ng takbo ng isip mo?" naiinis kong tanong sa kanya! Kaagad naman siyang napangisi! "Mahal mo na ba siya? Gusto mo na ba ang lalaking iyun?" galit na tanong niya sa akin. Nalintikan na! Kung anu-anong paratang na lang ang ibinabato sa akin ng taong ito! Hindi pa ba siya sawa? Hindi pa ba siya pagod? Nakakainis na siya! Paulit-ulit na lang. "Hoy Daniel Buenaventura...ano ba ang problema mo! Hindi ka naman siguro lasing para bumaluktot ang takbo ng utak mo diba?" naiinis ko nang wika sa kanya at akmang tatalikuran ko na siya nang maramdaan ko ang mariin na pagha
BIANCA POV ''ANO ba! Sinabing hindi pwede eh! Ayaw ko!" halos pasigaw kong bigkas kay Daniel at mabilis na bumaba ng kama. Kaagad na bumalatay sa mukha nito ang inis habang titig na titig sa akin. Mabilis naman akong naglakad patungo sa pintuan ng kwarto at pilit na binubuksan iyun! Kaya lang hindi ko alam kung paano buksan ito! Hindi ko alam ang pass code kaya naiinis na naihampas ko ang kamay ko sa pintuan ng kwarto! "Nagsasayang ka lang ng lakas mo Bianca! Hindi ka makakalabas ng kwarto na ito hangat hindi ko sinasabi!" narinig kong bigkas niya habang naglalakad siya palapit sa akin! Mabilis naman akong umalis sa pintuan ng kwarto at umiwas sa kanya. "Daniel, ang sama mo! Wala kang isang salita! Hindi ka marunong tumupad sa usapan!" naiinis kong wika sa kanya! Lalong dumagundong sa kaba ang puso ko nang makita kong kaagad siyang napangisi. "At ikaw? Ano ang tawag sa iyo? Basta mo na lang inilayo sa akin ang mga anak ko at sa palagay mo ba natuwa ako sa ginawa mo? No Bian
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal