BIANCA POV '"Ang mga apo ko! Diyos ko ang mga apo ko! Ang cute at ganda nila!" narinig kong bigkas ni Lola Antonia habang pinakatitigan niya ang dalawang bata sa harapan niya. Nandito kami sa kanyang silid habang naririnig ko naman ang mahinang paghikbi ng Ina ni Daniel na si Mrs. Sylvia Buenaventura. Ang dati kong biyanan na ayaw sa akin. Siya ang sumalubong sa amin kanina sa labas. Nakangiti siya sa akin na labis kong ipinagtaka. Noon, kapag nagkakasalubong ang landas naming dalawa palagi kasi siyang nakabusangot sa akin eh. Pero iba kanina! Iba ang ngiti niya at hindi ko na din nakikita ang bagsik sa mga mata nya katulad noon tuwing nakakaharap ko siya. Nauna na siyang nag welcome kina Scarlett at Stephen. Hindi ko alam kung totoo ba ang luha niya or ang tuwa na ipinapakita niya ngayun. Basta, ayaw ko pa rin magtiwala sa kanya. Masyadong traumatic ang pinagdaanan ko noon sa mga kamay niya! "Lola.. kumusta po kayo? I missed you din po!" narinig kong sambit ni Scarlett kay Lo
BIANCA POV At nangyari na naman ang hindi dapat mangyari. Namalayan ko na lang na hila-hila na ako ni Daniel paakyat ng second floor ng bahay. Pumasok kami sa isa mga room at muli naming pinagsaluhan ang init ng pagmamahalan. "Ito ang kabayaran sa palaging pag-iwas mo sa akin Bianca. Sa susunod na iiwasan mo pa ako itatago na talaga kita sa isang kwarto at hindi ka pwedeng lumababs hangat hindi ko sinasabi." nakangising bigkas sa akin ni Daniel pagkatapos nang mainit na sandali sa pagitan naming dalawa. Magkayakap at parehong hubo't hubad sa ilalim ng comforter. Ramdam ng puso ko ang tuwa habang ninanamnam ang init ng katawan na nagmumula sa kanya. "Daniel, mali ito! Paano kung malaman ito ni Arnold?" hindi ko naman maiwasang sagot sa kanya. "Kung sakaling malaman niya...wala akong pakialam! Kung gusto mo talaga siyang pakasalan..so be it...basta nandito lang ako Bianca. Tangap kong maging kabit mo ako hangang sa magising ka sa katotohanan na walang ibang magmamahal sa iyo
BIANCA POV ''A-ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Just wait ang see Sweetheart! Kapag ituloy mo pa ang kalokohan mong iyan at kapag patuloy ka pang magmatigas...ako na mismo ang kakausap kay Arnold para ipagtapat sa kanya kung ano man ang nangyayari sa pagitan nating dalawa!" nakangisi niyang sagot sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkagulat. "Ilalaglag mo ako?" wala sa sariling tanong ko kanya. Kaagad ko namang naramdaman ang marahang pagdampi ng palad niya sa pisngi ko. "Ilalaglag? NO! HInid kita ilalaglag Sweetheart! Aagawin lang kita kay Arnold dahil alam kong para sa akin ka lang! Nandito ka ngayun sa tabi ko dahil akin ka at hindi kung kani-kanino lang!" nakangiti niyang bigkas habang titig na titig sa aking mga mata. HIndi ko na maiwasan ang makaramdam ng malakas na pagkabog ng dibdib ko! Bakit parang ibang Daniel ang nakikita ko ngayun? Bakit parang bigla siyang nagbago? "Alam mo bang niluko din ako ni Jeneva
BIANCA POV "Ano po ang ibig nyong sabihin?" mahina kong tanong ko sa dati kong biyanan na si Mrs. Sylvia Buenaventura! Wala sa sariling napaupo ako sa bakanteng upuan kaharap niya at seryoso siyang tinitigan. "Nag -alaga ako ng ahas sa loob ng mahabang taon at labis kong pinagsisisihan iyun! Alam kong alam mo na kung ano na ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Jeneva at Daniel." malungkot niyang bigkas. Kitang kita ko ang panglaw sa mga mata niya kaya hindi ko lubos maisip kung talagang si Mrs. Sylvia Buenaventura ba talaga ang kaharap ko ngayun! Ang dati kong byanan na saksakan ng sama ng ugali noong tuwing nagkakaharap kami. "Oo, alam ko na kung ano ang nangyari at hindi ko mapigilan ang maawa kay Anyana! Hindi niya deserved na mangyari ito sa kanya at sana alagaan niyo pa rin siya at ituring na kadugo niyo.'' seryoso kong sagot sa kanya. Mapakla naman siyang tumawa. "Ituring na apo? Si Anyana ang ginamit ni Jeneva para tuluyan niyang ma-solo si Daniel! Hindi ka ba ga
BIANCA POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin habang sinisipat ko ng tingin ang aking sarili. Suot ko ang aking weeding gown. Isang lingo na lang at ikakasal na kami ni Arnold at labag sa pamahiin ng matatanda na bawal daw isukat ang wedding gown kung hindi...hindi daw matutuloy ang kasal. Pero hindi uso sa akin ang superstitious belief na iyan! Isusukat ko ang gown ko kung kasya ba sa akin. Kay bilis talaga lumipas ng araw. Parang kailan lang noong bumisita kami sa bahay ni Lola Antonia at may nangyari sa aming dalawa ni Daniel. After noon hindi na ulit nagkrus ang landas naming dalawa ni Daniel. Talagang todo ang pag iwas ko sa kanya! Mga anak lang namin ang palagi niyang nakakausap! Kung minsan nagkakausap din silang dalawa ni Kuya Cyrus. Yes, si Kuya Cyrus!Pagkatapos niyang maglayag sa iba't ibang parte ng karagatan nagbalik si Kuya Cyrus para asikasuhin ulit ang kumpanya namin. Samantalang si Daniel naman, mahigit isang lingo nang h
BIANCA POV "Amber, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh!" nakangiti kong bigkas kay Amber at mabilis siyang niyakap! Sobrang na missed ko talaga itong kaibigan kong ito eh! Bigla na lang umalis ng bansa na walang maayos na pagpapaalam. "I missed you too best friend! Teka, hindi mo kasama ang mga inaanak ko?" nakangiti niya namang sagot nang kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't -isa. Kaagad naman akong umiling. "Nope! Galing kaming dalawa ni Arnold sa maraming appointments ngayung araw kaya hindi talaga pwedeng isama ang mga bata!" nakangiti kong sagot sa kanya. Napansin ko naman ang pilit na ngiti sa labi ni Amber kasabay ng pag iwas ng tingin. "Next week na pala ang kasal niyong dalawa! Congratulations!" nakangiting bigkas naman ni Amber. Hindi ko alam pero parang bigla kong na-feel ang lungkot sa boses niya! Gayunpaman hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin! Baka pagod lang siya kaya wala siya sa mood ngayun. "Thank you Amber..and thank you dahil dumating ka!" nakang
BIANCA POV Pagkapos namin kumain mabilis na din kaming bumalik ng kotse! Habang nasa biyahe kami kapansin -pansin na bumber to bumber pa rin ang traffic. Naiinis man sa sitwasyon ng kalsada wala akong choice kundi habaan ang aking pasensya. Halos dalawang oras na din kaming stock sa traffic! Nag uumpisa na din na pumatak ang mahinang ulan. SA totoo lang gusto ko na din talagang makauwi ng bahay! Gusto ko munang maka-bonding ang mga anak ko bago sana sila matulog. Nitong mga nakaraang araw sobrang busy talaga naming dalawa ni Arnold! Nawawalan na ako ng time sa mga anak ko! Gabi na ako kung umuwi at nadadatnan ko ang mga anak ko na tulog na.Kinaumagahan naman kaunting oras lang din kung nakakasama ko sila dahil papasok din sila School at papasok din ako minsan ng opisina. KUng hindi man ako makapasok ng opisina asahan na si Arnold ang kasama ko para asikasuhin ang kasal naming dalawa. Wala sa sariling napalingon ako sa kaibigan ko! Naubusan na kami ng topic at bigla na lang siy
BIANCA POV KINAUMAGAHAN: "Manang dumating na ba si Arnold?" pagkababa ko ng dining area para sabayan ang mga anak ko sa pagkain ng breakfast iyun kaagad ang itinanong ko kay Manang. Kung dumating na ba si Arnold dahil nakatakda kaming bumisita sa hotel kung saan gaganapin ang reception party namin! Sobrang gahol na din talaga kami sa oras ni Arnold at kailangan na naming mai-finalized lahat ng mga kakailanganin para makapag relax man lang kahit kaunti bago ang araw ng wedding namin. Kagabi ko pa hindi ma-contact si Arnold at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa taong iyun. First time niya itong ginawa kaya nakakapagtaka talaga! "Hindi pa po Mam!" kaagad namang sagot sa akin ni Manang. Hindi ko mapigilan ang mapa-buntong hininga sabay upo sa isang bakanteng silya. Napansin ko pang natigilan si Kuya sa pagkain at seryoso akong hinarap. "Hindi mo siya ma-contact? Baka umatras na sa kasal niyo!" bigkas ni Kuya sa akin. Naiinis ko naman siyang pinandilatan. Alam kong nagb