"I called you pero pinagpatayan mo ako. Ano ka ngayon?" paninisi sa 'kin ng kaibigan ko.
Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa mall. Dito namin napag-usapang magkita noong tumawag ako sa kanya pagkaalis ng fiance ko kuno.
"May alam ka ba sa mga pinaggagawa ko no'ng lasing ako?" desperada kong tanong.
Huminga naman siya nang malalim at saka ako tiningnan ng may pagkabigo. "Wala ka talagang naaalala sa mga nangyari?" paninigurado niya.
"Ayesha, magtatanong ba ako kung mayroon?" inis kong tanong at ininom ang kape ko.
Uminom muna rin siya sa tasa niya at saka nagsimulang magkwento. "Lasing ako no'n pero medyo tanda ko kung anong mga nangyari..." pagsisimula niya. "Umalis ka sa p'westo natin, siguro para gawan ng paraan na makauwi tayo pero nagulat ko nang pagbalik mo may kasama ka na. Yes, it's your freakin' hot husband to be."
Napaayos naman ako ng upo at lalong nakinig sa kanya.
"Inaalalayan ka niya, ghorl, sabog na sabog itsura mo no'n." She laughed hard like she could still see what I looked like at that moment.
"So, 'ayon nga tinanong ko siya kung bakit nando'n siya at kung bakit hawak ka niya. He said, nagkataon daw na nasa same bar tayo tapos sakto rin na tumawag si Tito. Alam daw kasi ni Tito na nando'n din siya sa bar kaya pinakiusapan na niya jowabels mo."
"Then, fastforward, nasa sasakyan na niya tayo. Sukang-suka ka na niyon." Tumawa siya sa pag-alala sa mga nangyari. "Sabi mo pa, "Hey fiancé, pwede itigil mo saglit ang sasakyan? I'm going to puke." Ghorl, kapal ng feslak mo that time."
Nagpatuloy siya sa pagtawa habang nagkukwento, ako naman ay wala nang nagawa pa kundi takpan ang mukha ko sa kahihiyan.
"Natakot siguro si lolo mong sukahan mo ang sasakyan niya kaya 'ayon itinigil. Dali-dali ka namang lumabas, halos nagkandadapa-dapa ka dahil 'di ka makalakad nang maayos. Ito namang fiancé mo mala-super hero, agad sumunod sa 'yo para alalayan ka," kinikilig niyang sabi. "Pagkatapos n'yon, inihatid niyo na ako sa bahay. 'Yon lang ang tanda ko dahil hanggang do'n lang naman ako kasama pero bago ako bumaba narinig pa kita na kinausap siya." Tiningnan niya ako nang seryoso kaya naman napalunok ako.
"W-What? A-ano'ng sinabi ko at gan'yan ka makatingin?" kinakabahan kong usisa.
"B*tch, you just asked him to sleep with you. No, not just asked, you pleaded for heaven's sake."
Para akong naubusan ng lakas sa mga sinabi niya. Ayesha is not a liar, hindi rin uso sa kanya ang nagpa-prank.
"Damn, Ayesha," I said bago pinagtagpi ang lahat.
Kaya pala katabi ko siya nang nagising ako.
"Andrei Villa Cruz, your fiancé, Ms. Monasterio."
Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. He's my freakin' fiancé?
"C-Cassandra M-Monasterio," I barely manage to say bago nakipagkamay sa kanya.
Hindi ko alam kung guni-guni ko ba o talaga nakita kong ngumisi siya.
Pakiramdam ko ito na ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buong buhay ko.
I slept with my fiancé? I fvcking slept with him.
"Natutuwa ako, anak, dahil mukhang magkasundo na kayo nitong mapapangasawa mo," pagsingit ni Daddy sa amin.
Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang aking pagkain dahil sa gulat at kahihiyan.
"Oo nga. Kahit ako nagulat nang pilitin mo si Andrei na matulog kasama mo," natutuwang sabi ni Mommy.
So it's true. Tanging hilaw na ngiti na lang ang isinagot ko at uminom ng tubig. Knowing my parents, hindi talaga nila ako pipigilan kapag ginusto ko ang isang bagay kaya hindi nakapagtataka na hinayaan nila ang lalaking ito sa kwarto ko.
"I won't mind kung maaga kayong gumawa ng bata," natatawang sabi ni daddy.
Nasamid ako ng husto na halos lumabas 'ata sa ilong ko ang tubig na iniinom ko.
"Anak, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
I just raised my hand as a sign that I'm fine. The man in front of me laugh, then looked at my father.
"Hmmm, hindi naman po kami nagmamadali, Daddy. Pero magandang ideya 'yan," walang preno niyang sabi at saka ibinaling ang tingin sa akin.
He gave me a playful smile and then continued eating.
Dream on, Asshole, over my drop dead gorgeous body.
"Ahmm... Cass, hindi ba iyon ang fiancé mo?"
Nagbalik ako sa wisyo nang kunin ni Ayesha ang atensyon ko. She's looking behind my back kaya naman nilingon ko ang tinutukoy niya.
I tsked. "Tingnan mo nga naman, hindi pa kami ikinakasal may babae na, ngayon mo sabihin na s'werte ako sa kanya," ani ko habang pinapanuod ang fiancé ko kuno kasama ang isang babae.
Mukha silang magshotang nagda-date, tsk!
"Ayy? Affected ka, syst?" natatawang panunuya ng kaibigan ko.
Siniringan ko siya at muling itinuon ang atensyon sa dalawang magshota. Mukhang busy sila sa isa't isa at walang pakialam sa nakapaligid kaya naman hindi nila napapansin na pinunuod namin sila.
Hey, asshole, your soon to be wife is here.
"Wala kang gagawin? Like magtatago gano'n, mag-aala spy, kukuha ng pictures or whatever." Si Ayesha habang umiinom muli sa tasa niya.
Inirapan ko siya at itinuon na lang ang atensyon sa aking kape. "What for? As if I care," I stated then shrugged.
"Sabagay, malay mo sinusulit niya na lang pagkabinata niya bago ikasal sa 'yo. Maybe alam niya na wala kang karanasan kaya nagpapakasarap muna." Bumulanghit siya ng tawa.
Halos maibuga ko ang iniinom kong kape sa pagmumukha niya habang siya naman ay tawa nang tawa.
"What the fvck, Ayesha Samaniego!" I cursed.
"Ooops! I think I just caught your fiancé's attention," kibit-balikat niyang sabi bago isinenyas ang kanyang mata sa likuran ko.
Agad naman akong lumingon kaya nagtama ang paningin namin. Hindi ko nakitaan ng gulat ang mata niya na ikinainis ko ng kaunti.
And you are proud to be seen ?
Sa halip na umalis o magtago ay talagang balewala lang sa kanya na nakikita ko sila. Wow!
"Tingin mo lalapit 'yan sa 'tin?" Ayesha asked.
Binalik kong muli ang tingin ko sa aking kaibigan. Umayos ako ng upo at saka siya seryosong tiningnan.
"Ohhh!" halos takip bibig niyang sabi habang nakaturo sa pagmumukha ko. "You're pissed," manghang patuloy niya.
"Wala kasing kwenta mga lumalabas sa bibig mo," tiim bagang kong wika.
"Okay, okay. So seryosong usapan, Cass. Papakasal ka talaga sa kanya?" she asked.
I let out a deep sigh bago sumandal sa inuupuan ko. Inalog-alog ko ang tasa ko na para bang makakahanap ako ng sagot doon. "I just want my father to be happy. Kung ang pagpakasal ko sa lalaking 'yan ang makakapagpanatag sa kanya, gagawin ko."
"I understand your point. You know I care for you at ayaw ko lang na pagsisihan mo mga desisyon mo."
Ngumiti ako ng kaunti. "I know, thank you. Gagawa na lang siguro kami ng set up. Baka pagkatapos ng kasal ay maging busy na rin ako."
Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Pag-aaralan kong patakbuhin ang business namin para naman mapagtuunan ni Daddy ang sarili niya. I think it's time para maging responsable ako," saad ko saka tumingin at ngumiti sa kanya.
Nakita ko ang panggigilid ng kanyang mga luha. "Argh! This is why I hate serious conversations. I hate dramas."
Natawa na lang kami pareho. Tinanaw ko ang labas ng café kung saan maraming sasakyan ang dumadaan.
I hope my marriage with him will be fine. Kahit pilit lang ang pagpayag ko para doon hindi ko pa rin maiwasang umasa... na sana magkaroon ako nang maayos na asawa na pahahalagahan ako.
"Kailan nga ulit kasal niyo?"
"Tomorrow," I answered and forced a smile.
"SERYOSO!" malakas niyang wika kaya naman pinagtinginan kami ng ibang tao sa café.
Napayuko ako sa kahihiyan.
"And here you are, drinking coffee with me instead of checking your gown, food, ring, etc.," hindi makapaniwalang sambit niya.
"Sabi nila okay na raw lahat kaya 'wag na raw kami mag-abala," kibit-balikat kong saad.
Napahilot siya sa sintido niya at bigong tumingin sa 'kin. Mapait akong ngumiti sa kanya.
I guess my dream wedding and ideal man won't ever be happened.
Maaga akong ginising kinaumagahan ni Mommy. Halos mangiyak-ngiyak pa s'ya habang inaayusan ako ng stylist."Mommy, stop it. Hindi na ko nagiging kumportable," I hissed.She just laughed at me. "Malaki ka na talaga, anak. Parang kahapon lang ay karga ka pa namin ng Daddy mo ngayon magkakasariling pamilya ka na," emosyonal na sabi niya.Pilit na lang akong ngumiti sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw kong sirain ang araw na ito para kay Daddy.Pamilya? With him?Nagkaroon ng photoshoot sa k'warto ko. P-in-ictur-an ng photographer ang gown ko at iba pang gamit. Gano'n na rin ako sa iba't ibang pose na gusto nila. Kahit papaano ay natuwa ako sa gown ko, ganitong gown din ang gusto ko sakaling ikasal talaga ako balang araw—simple pero elegante."Ang prinsesa ko," maluha-luhang tawag ni Daddy sa 'kin habang pababa ako ng hagdanan.Unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata ko dahil nakikita kong masaya siya ngayon.Niyakap niya ako nang mahigpit at saka ako hinalikan sa noo. "Napakaganda mo,
Nagising ako kinaumagahan dahil sa pakiramdam na may nakadagan sa 'kin. Marahan kong idinilat ang aking mata at gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko sa pamilyar na eksenang tumambad sa akin.Napabuga ako ng hininga at maingat na ibinaling ang ulo sa direksyon niya. Napaka amo talaga ng mukha niya kapag tulog, may kakapalan din pala ang kilay niya. Muli kong sinilip ang posisyon naming dalawa, agad na nag-init ang mukha ko nang napansin kong iba na ang suot ko ngayon.Photahamnida >,
Para akong alipin sa mga haplos niya, idagdag pa ang mainit niyang hininga sa leeg ko na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na init sa sistema ko. Hindi ako gano'n kaboba para hindi maintindihan lahat ng ito, pero siguro gano'n ako katanga dahil hindi ko alam kung bakit ginugusto ito ng katawan ko. May girlfriend siya, Cassandra. Paulit-ulit kong untag sa isip ko para lang magkaroon ako ng lakas itigil lahat nang nangyayari sa katawan ko pero talagang taksil ito. "Ohhh..." impit na ungol ko nang halikan niya ang leeg ko. Kung kanina ay sa likod at bewang ko lang naglalaro ang kamay niya ngayon ay pababa na ang gana nito. "Stop me, baby..." bulong niya sakin.I took a deep breath to settle my thoughts, but my mind was really clouded at this moment. "Andrei," usal ko sa pumipigil na tono."Yeah, stop me. Nababaliw na ako," muli niyang anas at saka kumilos paitaas kaya naman nagkapalit kami ng p'westo. S'ya na ngayon ang nasa ibabaw ko, mabilis niyang hinalikan muli ang aking leeg p
Pasado alas dos na nang nagising ako dahil sa mabigat na pakiramdam. Nanlalabo ang aking paningin kasabay pa ang pananakit ng aking buong katawan, higit pa ang pagkababae ko. Inilibot ko ang aking paningin sa silid. Unti-unting kinain ng pagkabigo ang damdamin ko nang hindi ko nakita ang taong inaasahan ko. Ano nga bang aasahan ko? Nangyari lang ang lahat ng ito dahil sa libog. Nadala lang kami ng init ng katawan, nothing more nothing less. "Shit!" daing ko nang sinubukan kong umupo at napabagsak akong muli sa pagkakahiga. Gano'n pala iyon kasakit. My face heated. Hindi na ako nagpumilit pa, hinayaan ko na lang ang sarili ko nang nakahiga para makapahinga at makakilos mayamaya. Ngunit malas siguro ako ngayong araw dahil mukhang sasabay pa ang pagkakasakit ko. I felt like I'm having a flu any moment from now.Napangiti ako nang mapait. "Then, 'yong asawa ko wala pa sa tabi ko pagkatapos nang nangyari sa amin," mahinang bulong ko. Gusto kong maiyak pero kasalanan ko rin ito. Nagpad
"Siguro, nasasaktan lang ako kasi medyo nag-expect ako. Dahil kahit ganito nagsimula ang marriage namin kahit papa'no ay gusto ko na maging maayos ito. Alam kong napaka-imposible niyon kasi may ibang involve," I said and forced myself to smile."Yeah right, imposible talaga. Lalo na kung patuloy pa rin silang nagkikita," sabi ng kaibigan ko at iniirap ang kanyang mga mata.I raised an eyebrow. "How did you know?" I asked, confused.She just pointed at my back with her lips. Kaya naman tiningnan ko iyon. Oh yes, paki-remind sa 'kin na hindi na ako babalik sa coffee shop na ito dahil mukhang dito ang dating place nilang dalawa. Masayang nakakawit ang braso ni girl kay Andrei habang siya naman ay mukhang seryosong umo-order sa counter. As usual hindi na naman nila napansin na may nakatingin sa kanila."Bar tayo mamaya game? Magdadala ako ng driver," nakangiting pagyayaya ni Ayesha.I rolled my eyes. "Baka nakakalimutan mo nagtratrabaho na ako, Ayesha.""Then let's go now. Para maagang m
Umiikot ang paningin ko nang isakay ako ni Andrei sa kanyang sasakyan. Naririnig ko pa rin ang mahihina niyang pagmumura, tila ba wala 'yong katapusan hangga't hindi siya kumakalma."Did you kiss him?" "Who?" pikit mata kong tanong."That bastard," he hissed."You mean yourself?" natatawang sambit ko na ikinatigil niya.Binuhay niya ang kanyang kotse pagkatapos ng ilang saglit at mabilis itong pinatakbo. Tahimik at tanging ang harurot ng makina niya lamang ang naririnig ko. Hindi pa nga nagtagal ay naamoy ko na ang pamilyar na amoy ng condo. Inakay niya ako hanggang sa kwarto at inihiga. Sandali kong idinilat ang aking mga mata at nakita siyang naglalakad patungo sa closet, kumuha siya ng damit doon at bumalik ulit sa tabi ko. "Sit. I'll change your clothes." Ginawa ko ang gusto niya. Umupo ako kahit para akong matutumba dahil sa pag-ikot ng paningin ko. He unbuttoned my office top. Pinanuod ko lang siya na seryoso akong hinuhubaran. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang
Pareho kaming nagising mula sa sandaling pagkakaidlip nang tumunog ang doorbell. "Ako na ang titingin. Have a rest," sambit niya at isinuot ang kanyang boxer bago lumabas.Dahil sa antok at pagod ay hinayaan ko na lang siya. Plus the fact that I am really sore down there, I don't think I can walk properly. "Naku! Kagigising mo lang ba, hijo? Pasensya na at napaaga 'ata kami. Gusto lang sana namin kayong bisitahin." Daddy?"Where's Cassandra?" pakinig kong tanong ni Mommy.Oh, no."She's still sleeping, Mom."She's going inside our room!Napaupo ako at mabilis na naghanap ng damit na pupwede kong suotin. Kung mamalasin pa nga naman ay damit pa ni Andrei ang nahagip ko. Mabuti na lang at sinuotan niya ako ng panty bago ako nakatulog kung hindi ay lalong nakakahiya. Tulad nang inaasahan ko ay basta na lang pumasok si Mommy sa k'warto. Laglag ang panga niya habang nakatingin sa akin at sa paligid. Damn it! Nakakalat pa ang mga damit namin. "Is she awake?" pakinig kong tanong ni Dadd
Isang linggo na ang nakakalipas buhat nang namatay si Daddy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat. Tiningnan ko si Mommy na nasa tabi ng puntod ni Daddy, tahimik lang siya habang hinahaplos ang lapida nito. "I miss you," mahinang sambit niya at nagsimulang humikbi.Masakit sa akin na makitang ganito kahina si Mommy pero wala akong magawa dahil kahit ako ay hindi rin handa sa lahat ng ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong umiyak pero kailangan kong magpakatatag para kay Mommy. Ako na lang ang pupwede niyang kuhanan ng lakas sa sitwasyon na ito."Sabi ko 'wag muna pero bakit, anak? Bakit iniwan niya pa rin ako agad?" humihikbing bulaslas niya.Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. "I'm still here, Mom. I love you." Ilang minuto pa kaming nanatili bago napagsyang umuwi. Ayaw man naming pareho na umalis pero alam namin na kailangan naming ipagpatuloy ang buhay namin nang wala si Dad
I was drafting a building project when my secretary called to inform me that Mr. Monasterio came and would like to talk to me. I was confused and a bit nervous because it's been months since we last saw each other.Well plus the fact that I like his only daughter. Damn it.Mayamaya pa ay tuluyan na ngang pumasok si Tito Deyniel sa opisina ko. Kita ko ang pagbagsak ng timbang niya mula nang huli ko siyang makita, ngunit hindi ko na pinansin iyon."Maupo po kayo," magalang kong sambit at inalok ang upuan sa harapan ko. Nakangiti naman siyang umupo saka tumikhim. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask you to marry my daughter," pormal niyang saad na ikinatigil ng hininga ko.What did he say again?"A-Ano po ulit?" nauutal kong tanong at napaayos ng upo.Ngumiti naman siya sa akin at tiningnan ako direkta sa mata. "I am asking you to marry my daughter, Andrei," marahan niyang wika na para bang itinatatak niya iyon sa isipan ko.So I fvcking heard it right."Why of all a su
Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko
It's been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss!Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya.Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty.Gano'n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito?Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin at saka bumulong sa hangin. "I love you," he mouthed. Awtomatikong nag-init ang pisngi ko. He chuckled when he saw my reaction. Umiling na lamang ako at dumiretyo ng kusina
I heard a familiar voice in my deep sleep. He kept talking and mumbling which I focuslly listened. Marahan kong binuksan ang aking mata at tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha.Awtomatiko akong napangiti, pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko bagamat nakakaramdam ako ng sakit sa may bandang tiyan ko."So, you already like me back then?" mahina at magaspang na wika ko.Kita ko ang saglit na paninigas ni Andrei saka siya marahang tumingin sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya kaya naman agad akong napangiti. Nagsimulang magtubig ang kanyang mata. Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa kanyang paningin kaya naman marahan kong inabot ang mukha niya para haplusin."Hey, baby," masuyong tawag ko.Nagsimulang magpatakan ang mga luha niya dahilan para mapaiyak din ako kasabay niya. He held my hand and kissed it."Akala ko mawawala ka ulit sa akin," natatakot niyang usal.Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sorry," I said sincerely. "Sorry for leaving twice. Sorr
ANDREI'S POV:"Relax, man," my friend, Daevon, said as he tapped my shoulder. Mukhang kadarating niya lang kasama ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. I weakly shook my head."It's been an hour since I brought her here. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doktor na kasama niya." Napasandal ako sa pader at marahan na napasalampak sa sahig. Naiiyak akong napatingala at pumikit nang mariin.Please... 'wag mo akong iiwan ulit. Please."A-Ano bang sabi ng doktor?" nauutal na usisa ni Ayesha, bakas sa tono niya ang kaba at pag-aalala.I slowly opened my eyes and glanced at her. "Sabi nila hindi naman daw kritikal ang tama niya. Pero kailangan pa rin siyang isailalim sa operasyon para matanggal ang bala sa kanyang tiyan," paliwanag ko.Kita ko ang kahit kaunting pagkalma niya pero sa akin ay hindi sapat iyon. Kailangan kong makitang gising ang asawa ko para mapanatag ang loob ko. Humahagos ding dumating ang isa pang kaibigan ni Cassandra.
Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha habang tumatakbo palayo sa kanya.Take care of our son, Andrei.Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot iyon paibaba. Parang binibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan ang pagsasara ng pinto. Napagahulhol ako sa kaisipang iniwanan ko ang dalawang taong importante sa akin. Sorry, Andrei. Sorry, Adrian.Alam kong magiging ligtas ang anak ko sa ama niya pero ang hindi ako sigurado ay kung magiging ligtas ba ang nanay ko sa taong sumira ng buhay namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, ako na lamang ang maasahan niya. Sana maintindihan mo ako, Andrei.Sa paglipas ng maraming taon, sa kabila ng paniniwala kong niloko niya ako ay nagawa pa ring manatili ng pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng galit at hinanakit ko ay hindi pa rin siya nawalan ng espasyo sa puso ko. Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag. Nangangatal akong naglakad papunta sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Rozz.Wala pang ilang segundo ay
Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng dugo sa katawan pagkatapos akong yakapin ng anak ko. Pasimple kong sinilip si Andrei, madilim ang mga mata niya at umiigting ang panga habang nakatitig sa labas.Doon ko lang din napansin si Rozz na may malamig na emosyon habang nakatayo sa labas ng pintuan. Nasa gilid niya naman ay si Mommy na may namumutlang mukha."W-What are you doing here?" nauutal at kinakabahan kong wika.Hindi ko maintindihan kung anong uunahin ko. Ang anak ko na masayang makita ako, si Andrei na mukhang sasabog anumang oras, si Rozz na nasa harapan ko ngayon, o ang nanay kong namumutla. Tuluyang pumasok si Rozz at nilapitan ako. Hinigit niya ako papunta sa tabi niya at binigyan ng masamang tingin si Andrei. Agad namang sumunod at yumakap sa tabi ko ang aking anak na nagsimula nang matakot. "I'm here to pick you up," Rozz uttered and gripped me tight on my elbow.Nasasaktan ako sa pagkakahawak niya subalit hindi ko maisatinig iyon dahil baka lalong matakot ang anak ko.
Nandito na ako ngayon sa pool side kung saan nakaupo ako sa isang sun lounger. Nakasimangot kong binalingan ng tingin ang nasa tabi kong kanina pang palihim na bumubungisngis. "Happy now?" sarkastikong ani ko at inirapan siya ng tiningin. Isinandal ko ang sarili sa upuan at malayang pinagmasdan ang mga bisitang naliligo sa pool. Like what he wanted. I fvcking wore a shirt and a short. Phottapette."More than happy, my wife," I heard him answer. I made my eyes roll again. Hindi ko maiwasang mapanguso habang nakikita ang ibang kababaihan na nagmimistulang apoy sa suot nilang two piece suit. Bakit ba kasi nagpadala ako sa mga halik at haplos niya? Buset!Kita ko ang pagtayo ni Andrei at paglapit sa akin mula sa gilid ng mata ko. Hinayaan ko lamang siya sapagkat alam kong wala akong laban sa mga gusto niyang gawin.Malaki ang upuan kaya naman nagawa niyang makasiksik sa inuukupa ko. He automatically wrapped his arms around my waist and leaned his jaw on my shoulder. Pareho naming tah
Tahimik ang byahe namin hanggang sa nakarating kami sa isang resort sa Batangas. Agad akong kinain ng pagkamangha nang nakababa ako ng sasakyan. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang malawak at napakakulay na dagat. Marahas man na humahampas ang alon sa dalampasigan ay hindi nawala ang kapayapaan sa paggalaw niyon. Beautiful.For some reason, I felt peace."Do you like it?" he asked from behind. "Yes," pag-amin ko.Magmumukha akong sinungaling kung itatanggi ko iyon. Kasabay nang malakas na pagsimoy ng hangin ay idinipa ko ang aking mga braso. Pumikit ako at dinama ang lamig na dulot niyon.Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong punta sa ganitong lugar. My whole life in America revolved with Adrian and work. Kung nagkakaroon ako ng pagkakataong pumasyal, hindi iyon sa beach kundi sa mga sikat na kainan o amusement park. Pagbalik ko, anak. Ipapasyal kita. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napangiti sa pag-iisip na sa sunod kong balik ay si Adrian na ang kasama