Pareho kaming nagising mula sa sandaling pagkakaidlip nang tumunog ang doorbell. "Ako na ang titingin. Have a rest," sambit niya at isinuot ang kanyang boxer bago lumabas.Dahil sa antok at pagod ay hinayaan ko na lang siya. Plus the fact that I am really sore down there, I don't think I can walk properly. "Naku! Kagigising mo lang ba, hijo? Pasensya na at napaaga 'ata kami. Gusto lang sana namin kayong bisitahin." Daddy?"Where's Cassandra?" pakinig kong tanong ni Mommy.Oh, no."She's still sleeping, Mom."She's going inside our room!Napaupo ako at mabilis na naghanap ng damit na pupwede kong suotin. Kung mamalasin pa nga naman ay damit pa ni Andrei ang nahagip ko. Mabuti na lang at sinuotan niya ako ng panty bago ako nakatulog kung hindi ay lalong nakakahiya. Tulad nang inaasahan ko ay basta na lang pumasok si Mommy sa k'warto. Laglag ang panga niya habang nakatingin sa akin at sa paligid. Damn it! Nakakalat pa ang mga damit namin. "Is she awake?" pakinig kong tanong ni Dadd
Isang linggo na ang nakakalipas buhat nang namatay si Daddy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat. Tiningnan ko si Mommy na nasa tabi ng puntod ni Daddy, tahimik lang siya habang hinahaplos ang lapida nito. "I miss you," mahinang sambit niya at nagsimulang humikbi.Masakit sa akin na makitang ganito kahina si Mommy pero wala akong magawa dahil kahit ako ay hindi rin handa sa lahat ng ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong umiyak pero kailangan kong magpakatatag para kay Mommy. Ako na lang ang pupwede niyang kuhanan ng lakas sa sitwasyon na ito."Sabi ko 'wag muna pero bakit, anak? Bakit iniwan niya pa rin ako agad?" humihikbing bulaslas niya.Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. "I'm still here, Mom. I love you." Ilang minuto pa kaming nanatili bago napagsyang umuwi. Ayaw man naming pareho na umalis pero alam namin na kailangan naming ipagpatuloy ang buhay namin nang wala si Dad
Tulala lang ako habang nakatingin sa laptop na nasa harapan ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksena namin sa kusina kaninang umaga. Tanghali na at nandito na ako sa opisina, ilang oras na akong nandito pero wala pa rin akong natatapos dahil sa pagiging lutang."You fvcking, b*tch! Sino ka para utusan ang dyosang katulad ko?! Pasalamat ka't hindi kita matiis," pantay na kilay na asik ng kaibigan ko habang mabilis na naglalakad patungo sa akin. Agad nagbago ang mood ko, pakiramdam ko ay para akong bata na nanalo sa palaro sa pagdating niya. "Dala mo?" excited kong tanong.Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya at saka ibinagsak ang sarili sa upuan na nasa harapan ko. "Sana man lang tinanong mo muna kung okay lang ba ako bago mo tanungin 'yong pakay mo," sarkastikong saad ni Ayesha at ibinagsak ang isang plastic na puno ng hilaw na mangga sa lamesa ko.Mabilis kong kinalkal iyon at gano'n na lang ang panlulumo ko dahil hindi niya sinunod ang sinabi ko. Mangiyak-ngiyak akong t
Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa isang mamahaling restaurant. Nagtataka man ako sa mga ginagawa niya ay hinayaan ko na lamang iyon. Ayaw kong mag-isip ng mga negatibong bagay para hindi malungkot ang baby ko. Nakakatawang isipin na kahit linggo pa lang s'ya sa tiyan ko ay gano'n na agad kalayo ang naiisip ko.Sulitin na lang natin anak ang mga panahon na ito. "How's work?" pormal niyang tanong."Ayos naman, nagkakaproblema minsan pero nareresolba naman agad. You?" Binitawan niya ang kanyang kutsara at nagpunas ng bibig. Uminom muna siya bago tumingin sa akin. "Hectic, nakakapagod," malumbay na wika niya."Did something happen?" lakas loob kong tanong."Mayroon kasing isang proyekto sa Cavite ang pumalya kaya iyon ang inaayos ko nitong mga nagdaang araw. Mabuti na lamang maayos na ang lahat. Now, magkakaoras na ako sa 'yo," aniya at ngumiti sa akin.Stilled. Tumawa ako ng peke para maiwala ang ilang ko. Nagpatuloy naman siya sa pagkain. Mayamaya pa ay tumunog ang telepono niya,
"Taray, magtutukaan na lang kayo sa kumpanya pa," sabi ng kaibigan ko habang naglalakad kami papasok sa kainan. Siniringan ko naman siya kahit sa loob-loob ko ay naroon ang namumuo kong hiya. Nagpaparke si Andrei ng sasakyan kaya pinauna na niya kami sa loob."Masarap ba? Masarap?" natatawang kutya sa 'kin ni Ayesha. "Reservation for Mr.Villa Cruz," pormal kong saad sa staff na sumalubong sa amin. Agad niya naman kaming inihatid sa pwesto namin."Tingin ko, may mali," seryosong sambit ni Ayesha pagkaupong-pagkaupo niya.I rolled my eyes. "Ano na naman 'yang iniisip mo?" Hinawakan niya ang kanyang labi at umaktong nag-iisip. "You said, magfa-file siya ng annulment right?" she asked, raising her eyebrows at me.Awtomatikong kumalat ang pait sa dibdib ko. "Yes.""Kung gano'n ang plano niya, bakit ganito siya sa 'yo? Hindi kaya tokis lang 'yong jowa niya?" "Stop imagining things. Alam naman natin na napilitan lang siya sa kasal namin.""How can you say so? Sinabi niya ba na napilitan
Nagising ako sa isang puting silid. Inilibot ko ang aking paningin at nakita sa tabi nang hinihigaan kong kama si Mommy—natutulog habang hawak ang kamay ko. Doon ay muling bumalik sa aking isip ang mga nangyari.Ang baby ko."M-Mommy," utal kong tawag. Agad naman siyang nagising at mabilis na sinuri ang katawan ko. "Yes, my princess. May masakit ba sa iyo? Tell mom," aniya. Nagsimula naman akong umiyak sa takot. "Mommy, please tell me, m-my baby. Please, tell me my baby is safe," pagmamakaawa ko habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay niya."Ssshh. Anak, calm down please. Makakasama iyan sa 'yo. Yes, anak, the baby is safe. Now calm down, hija," patahan sa 'kin ni Mommy habang hinahaplos ang mukha ko. Napapikit ako at nakahinga nang maluwag. Agad na dumapo ang kamay ko sa aking t'yan. Thank you, baby. Thank you for fighting. I'm sorry, I'm sorry, anak."Ssshhh, tahan na anak. Makakasama iyan sa bata. Mommy's here," malamyos na sambit ng aking ina at saka ako niyakap."I'm so
Napatakip ako sa aking bibig nang natapos kong basahin ang sulat niya. Paulit-ulit kong tinitigan ang mga katagang kailanman ay hindi ko inaasahan na sasabihin ng taong pinakasalan ko. Hindi ko man iyon tunay na naririnig pero malaki pa rin ang epekto niyon sa loob ko. Mabilis akong naghanap ng jacket sa drawer at isinuot iyon. Lumabas ako ng silid at mabilis na nagtungo sa kusina kung saan nag-aabang ang nanay ko. Ngumiti siya sa akin at inilahad ang susi ng sasakyan niya. She knew. She knew that I'm coming back.Maluha-luha ko naman iyong tinanggap at saka siya niyakap. "Thankyou so much, mom. I love you." "I love you too, my princess. Mag-iingat ka sa pagda-drive," bulong niya at hinalikan ako sa noo. Agad kong tinungo ang sasakyan ni mommy at pinaandar. Bumusina muna ako bilang pamamaalam at nagsimulang patakbuhin ang kotse. Tatawagan ko sana si Andrei pero mukhang naiwan ko ang cellphone ko sa k'warto. Wait for me. I'm coming home.Mahigit trenta minutos ang lumipas at naka
Kinabukasan ay niyaya ako ni Andrei na magpa-check-up sa OB. Pumayag ako agad dahil gusto ko ring malaman ang mga bagay tungkol sa pagbubuntis. Gusto ko pang matawa dahil halata sa pagmumukha ni Andrei ang kaba habang naglalakad kami papasok ng ospital, kaya naman hinawakan ko ang nanlalamig niyang mga kamay."Why do you look so nervous?" I asked while massaging his hand.He let out a deep breath. "I am damn excited to see our baby, fuck!" he silently cursed."Excited ka, pero para kang constipated d'yan," I uttered, hiding my smile. "Because it gives me too much excitement, baby," parang bata niyang paliwanag. Tumango-tango na lamang ako at hindi na naitago pa ang ngiti sa aking mga labi."Hi, I'm Mis—Mrs. Villa Cruz. May appointment ako kay Dra. De Silva," saad ko sa nurse na naka-duty."Okay, Ma'am. Please wait for a second," ani ng nurse. Ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang tingnan ang monitor. "This way, Ma'am. Nasa loob po si Dra. De Silva," aniya habang inaalalalayan kami
I was drafting a building project when my secretary called to inform me that Mr. Monasterio came and would like to talk to me. I was confused and a bit nervous because it's been months since we last saw each other.Well plus the fact that I like his only daughter. Damn it.Mayamaya pa ay tuluyan na ngang pumasok si Tito Deyniel sa opisina ko. Kita ko ang pagbagsak ng timbang niya mula nang huli ko siyang makita, ngunit hindi ko na pinansin iyon."Maupo po kayo," magalang kong sambit at inalok ang upuan sa harapan ko. Nakangiti naman siyang umupo saka tumikhim. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask you to marry my daughter," pormal niyang saad na ikinatigil ng hininga ko.What did he say again?"A-Ano po ulit?" nauutal kong tanong at napaayos ng upo.Ngumiti naman siya sa akin at tiningnan ako direkta sa mata. "I am asking you to marry my daughter, Andrei," marahan niyang wika na para bang itinatatak niya iyon sa isipan ko.So I fvcking heard it right."Why of all a su
Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko
It's been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss!Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya.Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty.Gano'n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito?Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin at saka bumulong sa hangin. "I love you," he mouthed. Awtomatikong nag-init ang pisngi ko. He chuckled when he saw my reaction. Umiling na lamang ako at dumiretyo ng kusina
I heard a familiar voice in my deep sleep. He kept talking and mumbling which I focuslly listened. Marahan kong binuksan ang aking mata at tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha.Awtomatiko akong napangiti, pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko bagamat nakakaramdam ako ng sakit sa may bandang tiyan ko."So, you already like me back then?" mahina at magaspang na wika ko.Kita ko ang saglit na paninigas ni Andrei saka siya marahang tumingin sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya kaya naman agad akong napangiti. Nagsimulang magtubig ang kanyang mata. Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa kanyang paningin kaya naman marahan kong inabot ang mukha niya para haplusin."Hey, baby," masuyong tawag ko.Nagsimulang magpatakan ang mga luha niya dahilan para mapaiyak din ako kasabay niya. He held my hand and kissed it."Akala ko mawawala ka ulit sa akin," natatakot niyang usal.Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sorry," I said sincerely. "Sorry for leaving twice. Sorr
ANDREI'S POV:"Relax, man," my friend, Daevon, said as he tapped my shoulder. Mukhang kadarating niya lang kasama ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. I weakly shook my head."It's been an hour since I brought her here. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doktor na kasama niya." Napasandal ako sa pader at marahan na napasalampak sa sahig. Naiiyak akong napatingala at pumikit nang mariin.Please... 'wag mo akong iiwan ulit. Please."A-Ano bang sabi ng doktor?" nauutal na usisa ni Ayesha, bakas sa tono niya ang kaba at pag-aalala.I slowly opened my eyes and glanced at her. "Sabi nila hindi naman daw kritikal ang tama niya. Pero kailangan pa rin siyang isailalim sa operasyon para matanggal ang bala sa kanyang tiyan," paliwanag ko.Kita ko ang kahit kaunting pagkalma niya pero sa akin ay hindi sapat iyon. Kailangan kong makitang gising ang asawa ko para mapanatag ang loob ko. Humahagos ding dumating ang isa pang kaibigan ni Cassandra.
Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha habang tumatakbo palayo sa kanya.Take care of our son, Andrei.Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot iyon paibaba. Parang binibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan ang pagsasara ng pinto. Napagahulhol ako sa kaisipang iniwanan ko ang dalawang taong importante sa akin. Sorry, Andrei. Sorry, Adrian.Alam kong magiging ligtas ang anak ko sa ama niya pero ang hindi ako sigurado ay kung magiging ligtas ba ang nanay ko sa taong sumira ng buhay namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, ako na lamang ang maasahan niya. Sana maintindihan mo ako, Andrei.Sa paglipas ng maraming taon, sa kabila ng paniniwala kong niloko niya ako ay nagawa pa ring manatili ng pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng galit at hinanakit ko ay hindi pa rin siya nawalan ng espasyo sa puso ko. Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag. Nangangatal akong naglakad papunta sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Rozz.Wala pang ilang segundo ay
Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng dugo sa katawan pagkatapos akong yakapin ng anak ko. Pasimple kong sinilip si Andrei, madilim ang mga mata niya at umiigting ang panga habang nakatitig sa labas.Doon ko lang din napansin si Rozz na may malamig na emosyon habang nakatayo sa labas ng pintuan. Nasa gilid niya naman ay si Mommy na may namumutlang mukha."W-What are you doing here?" nauutal at kinakabahan kong wika.Hindi ko maintindihan kung anong uunahin ko. Ang anak ko na masayang makita ako, si Andrei na mukhang sasabog anumang oras, si Rozz na nasa harapan ko ngayon, o ang nanay kong namumutla. Tuluyang pumasok si Rozz at nilapitan ako. Hinigit niya ako papunta sa tabi niya at binigyan ng masamang tingin si Andrei. Agad namang sumunod at yumakap sa tabi ko ang aking anak na nagsimula nang matakot. "I'm here to pick you up," Rozz uttered and gripped me tight on my elbow.Nasasaktan ako sa pagkakahawak niya subalit hindi ko maisatinig iyon dahil baka lalong matakot ang anak ko.
Nandito na ako ngayon sa pool side kung saan nakaupo ako sa isang sun lounger. Nakasimangot kong binalingan ng tingin ang nasa tabi kong kanina pang palihim na bumubungisngis. "Happy now?" sarkastikong ani ko at inirapan siya ng tiningin. Isinandal ko ang sarili sa upuan at malayang pinagmasdan ang mga bisitang naliligo sa pool. Like what he wanted. I fvcking wore a shirt and a short. Phottapette."More than happy, my wife," I heard him answer. I made my eyes roll again. Hindi ko maiwasang mapanguso habang nakikita ang ibang kababaihan na nagmimistulang apoy sa suot nilang two piece suit. Bakit ba kasi nagpadala ako sa mga halik at haplos niya? Buset!Kita ko ang pagtayo ni Andrei at paglapit sa akin mula sa gilid ng mata ko. Hinayaan ko lamang siya sapagkat alam kong wala akong laban sa mga gusto niyang gawin.Malaki ang upuan kaya naman nagawa niyang makasiksik sa inuukupa ko. He automatically wrapped his arms around my waist and leaned his jaw on my shoulder. Pareho naming tah
Tahimik ang byahe namin hanggang sa nakarating kami sa isang resort sa Batangas. Agad akong kinain ng pagkamangha nang nakababa ako ng sasakyan. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang malawak at napakakulay na dagat. Marahas man na humahampas ang alon sa dalampasigan ay hindi nawala ang kapayapaan sa paggalaw niyon. Beautiful.For some reason, I felt peace."Do you like it?" he asked from behind. "Yes," pag-amin ko.Magmumukha akong sinungaling kung itatanggi ko iyon. Kasabay nang malakas na pagsimoy ng hangin ay idinipa ko ang aking mga braso. Pumikit ako at dinama ang lamig na dulot niyon.Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong punta sa ganitong lugar. My whole life in America revolved with Adrian and work. Kung nagkakaroon ako ng pagkakataong pumasyal, hindi iyon sa beach kundi sa mga sikat na kainan o amusement park. Pagbalik ko, anak. Ipapasyal kita. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napangiti sa pag-iisip na sa sunod kong balik ay si Adrian na ang kasama