Kusang umangat ang aking kamay, rinig sa buong cr ang tunog ng aking palad sa kaniyang pisngi. “Anong karapatan mo para sabihin ang mga linya na iyan? Wala ka na dapat ipaglaban, ang bagay na ‘yan ay dapat noon mo ginawa!”“Alam ko na mali akong hindi ko ginawa ‘yun that time, pero sana bigyan mo ako ng isa pa na chance. This time I won’t make mistake like in the past, Lorain.” Hindi niya ininda ang pamumula ng kaniyang pisngi, sa halip ay mas lumapit pa siya sa akin.Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinagdikit ang aming mga noo, gusto kong lumayo at kumawala pero masyado siyang malakas para magawa ko iyon.“Let go of me, Jake. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin sayo para tigilan mo na ako, at mag sink in sa utak mo na wala akong balak bumalik sayo. Once is enough, Jake. Sa buhay hindi laging may second chance.” Naging malungkot ang boses ko, somehow masakit na marinig iyon.Ang mga kamay niyang nakahawak sakin ay unti-unting nanginig, “I can’t let go, Lorain.
Jake’s POV“Let’s give ourselves a time to think, Jake. Ang mahalaga naman ay ang ikakasaya natin, in the end that is the most important thing to consider.” Sabi niya bago tuluyan na iwan ako sa loob ng cr.Gusto ko siyang pigilan, pilitin na bigyan ako ng chance. Sabihin na gagawin ko ang lahat para sa kaniya, pero natigilan ako ng makita kung paano niya mahigpit na kumapit sa lalaking yumayakap sa kaniya ngayon.That’s should be me, the one who is wiping her tears. But no, it’s the opposite. Ako ang rason ng mga luha na kumakawala sa kaniyang mga magagandang mata, kasalanan ko kung bakit nasa ibang bisig siya ng lalaki habang umiiyak.Ang tanging nagawa ko lang ng mga oras na iyon ay pakinggan ang usapan nila at ang hikbi na pilit niyang pinipigilan, Maging ang mahinang pagtawag niya sa pangalan nito. Mariin ko na pinikit ang aking mata at naikuyom nalang ang aking mga kamay.Nakatayo lang ako at nanatili na ganoon hanggang marinig ko ang mga yabag nila palayo, gusto ko na sumigaw a
Lorain’s POVPaulit-ulit akong suminghot pagkaupo ko sa loob ng kotse ni Raziel, pakiramdam ko ay namamaga ang buo ko na mukha lalong-lalo na ang mata at ilong ko. Nahihiya ako kay Raziel, ilang beses ko na ba pinakita ang ganitong side ko…Hindi ba at sobra-sobra iyon para sa kaniya, lalo na at saglit palang akong nakikilala.“Do you want some tissue?” Tanong niya, “or should I give my sleeve to wipe your snot?” Dagdag niya habang tinatawanan ako.“Talaga ba na gusto mo akong i-comfort o pinagtatawanan mo ako?” Masama ko siyang tinignan, at kinuha ang tissue na inaabot niya.“Well, I’m not really good at comforting someone. So, instead of crying I rather choose to see you smile.” Pero pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminga siya ng malalim at muling nagsalita, “But, it’s doesn’t mean you can’t cry in front of me.”Nagsimula na siyang mag drive, “crying is normal when you are sad, hurt, or happy. I hope the next time I see your tears is because of joy, Lorain.”Hindi siya nakatingin
Bitbit ang pinamili namin ay tahimik ako na sumunod papasok sa pintuan ng bahay n’ya, nag expect ako na may kasambahay na sasalubong sa amin pero wala kahit isa. Sobrang tahimik pero buhay na buhay ang atmosphere ng loob.Talagang feel mo na nasa isang bahay ka, the warmth and feeling home.“Sorry, medyo magulo ang mga gamit ko sa weekend pa kasi ang pupunta ulit ang housekeeper ko.” Paliwanag niya at dumiretso sa kusina para ibaba ang mga paper bags, sumunod naman ako para ibaba rin ang dala ko.“No, sa tingin ko ay mas magulo pa ang kwarto ko sayo.” Sagot ko ng mailibot ko ang tingin sa paligid, kahit every weekends lang pumupunta ang housekeeper niya ay masasabi kong alaga pa rin sa linis ang bahay.“Pfft! Really?” Natatawa at hindi niya makapaniwalang tanong, “mabuti naman kung sa tingin mo ay medyo malinis ang bahay ko, well mostly ay d’yan talaga ako gumagawa ng trabaho kaya mas makalat dito kaysa sa office room ko.”Sumenyas siya paturo sa second floor, siguro ay kung nasaan an
Ilang segundo na nanatiling magkadikit ang aming mga labi, walang gumagalaw na parang pareho kaming nakikiramdam sa isa’t-isa. Nanatili ang tingin sa akin ni Raziel, na parang hinihintay kung ano ang susunod ko na gagawin.Unti-unti ko na pinikit ang aking mata, kung patuloy akong nakikipagtitigan ay baka kayanin ng puso ko. Sa pagkakataon na iyon ay gumalaw ang labi niya, dahan-dahan na parang ninanamnam ang bawat sandali.Ang labi ko ay unti-unting sinabayan ang paggalaw ng sa kaniya, walang halong pagmamadali.Muli ko na minulat ang aking mata ng dahan-dahan niyang pinakawalan ang labi ko, “Lorain.” Tawag niya sa akin habang habol ang hininga na nakatingin pa rin sa akin ng mariin. “Can I kiss you once more?”Tumango ako at inayos ang pwesto ng mukha ko palapit sa kaniya, I want to feel the warmth of his lips once more too.Muli siyang yumuko at pinaglapit ang aming mga mukha, magkadikit ang aming mga noo ng huminto siya. “This time, can I make it deeper than earlier?” Para sa isan
“Raziel!” Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at hinanap siya.“What’s wrong, Lorain?” Nag-aalala siyang lumapit sa akin bitbit ang maliit na basket kung saan nakalagay ang nakatapunan ko na damit.Pero hindi ko na nagawang pansinin iyon, “Tawagan mo si Jamie, bilisan mo.” Aminin ko man o hindi, nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa kaniya.“W-Wait, bakit anong nangyayari?” Binaba niya ang basket at kinuha ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng drawer sa gilid, “bakit kailangan ko na tawagan si Jamie, may problema ba sa supply?”Umiling ako, “No, it’s not about the business.”“Then, what?” Muli niyang tanong at nilapit ang cellphone sa tenga, sa pagkakataon na iyon ay sinimulan na niyang i-dial ang number ni Jamie. Sana lang ay sumagot siya agad, she better stops him.“Wala pa namang ilang minuto ay sumagot na rin ang nasa kabilang linya, “Raziel, bakit ka napatawag?” Mahinahon ang boses niya, ngunit garalgal na parang kagigising lang.“Well,” tumingin siya sa akin, halatang hindi al
“What do you mean?” Muling tanong ni Raziel.Isang malakas at disappointed na buntong hininga ang pinakawalan ni Jamie bago sumagot, “ayaw niyang lumapit ako o ang mga nurse sa kaniya, gusto niyang si Lorain ang mag-alaga sa kaniya habang andito siya sa hospital.”“No, hindi kami pupunta d’yan. Ikaw na ang nagsabi na lumayo si Lorain sa fiance mo, there is no reason para alagaan niya ‘yan.” Inis na sagot ni Raziel.“But I also said that kung may mangyari masama kay Jake ay mag take responsibility siya, isa pa… Isa pa kung hindi siya tutulong na alagaan si Jake ay sisirain ko ang pangalan niya.” Halata ang pagiging desperada sa boses ni Jamie habang sinasabi ‘yun.Muli ko na namang naramdaman ang pagkirot ng sintido ko, tumayo ako at sumenyas kay Raziel na ibigay sa akin ang cellphone.“It’s me, nasaan kayo na hospital.” Tanong ko ng walang paligoy-ligoy.Hinawakan naman ako ng mahigpit ni Raziel at tinignan ako na parang hindi makapaniwala, umiling siya. “You don’t need to do it, Lora
Raziel’s POVI could act like it was okay, but I can’t.Ang makita siyang naglalakad papasok sa kwarto kung nasaan ang lalaking minsan niyang minahal, walang dahilan para maging ayos ako.Buong buhay ko, ginawa ko ang lahat para maging confident sa mga bagay na ginagawa ko. Sa school, business, maging sa mga babae. Pero ngayon ay para akong isang batang natatakot na maagawan ng isang bagay, isang important na bagay.“So, you really like her?” Naupo si Jamie sa tabi ko, habang inaabot ang instant coffee na umuusok pa. “coming here with her, even though you know what she’s going to do… Hindi ba ay masyado ka namang nagpapakabayani?”Tinanggap ko ang kape at uminom doon, “if you can control him, she does not need to go inside of that room.” Walang gana ko na sagot, “so, don’t talk nonsense to me.”“Nonsense? Do you think I will let her go there if I have a choice?” Naiirita niyang tanong, “Jake is one important person in my life, as long he is fine then I can do anything.”“Then why are
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a
John’s POVIsang malakas sa sampal ang natanggap ko mula kay dad, halata ang panggagalaiti nito dahil sa failed na planong ginawa ko. Idagdag pa na may idea na si Jake sa ginawa namin, but it still fortunate na mas iniisip niyang ang matandang ito ang puno’t-dulo ng plano.“Dad, kahit magalit kayo ay walang mangyayari. Isa pa, balita ko ay walang ala-ala ang babae na iyon sa lahat ng nangyari. May oras pa tayo para linisin ang pangalan natin, kung pipilitin natin si Jake ay wala siyang magagawa kundi pumayag sa gusto mo—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya, “naririnig mo ba ang sarili mo, John? Sa tingin mo ay susunod pa sa atin si Jake pagkatapos ang planong ginawa mo pero wala namang nangyari?”Mariin niya akong tinignan, para akong isang tangang hayop na hindi niya maaasahan. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang dalawa kong mga kamay at napatingin sa bantay niya, kung wala lang iyon ay matagal ko ng sinakal ang matandang ito para mawa
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka