“Raziel!” Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at hinanap siya.“What’s wrong, Lorain?” Nag-aalala siyang lumapit sa akin bitbit ang maliit na basket kung saan nakalagay ang nakatapunan ko na damit.Pero hindi ko na nagawang pansinin iyon, “Tawagan mo si Jamie, bilisan mo.” Aminin ko man o hindi, nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa kaniya.“W-Wait, bakit anong nangyayari?” Binaba niya ang basket at kinuha ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng drawer sa gilid, “bakit kailangan ko na tawagan si Jamie, may problema ba sa supply?”Umiling ako, “No, it’s not about the business.”“Then, what?” Muli niyang tanong at nilapit ang cellphone sa tenga, sa pagkakataon na iyon ay sinimulan na niyang i-dial ang number ni Jamie. Sana lang ay sumagot siya agad, she better stops him.“Wala pa namang ilang minuto ay sumagot na rin ang nasa kabilang linya, “Raziel, bakit ka napatawag?” Mahinahon ang boses niya, ngunit garalgal na parang kagigising lang.“Well,” tumingin siya sa akin, halatang hindi al
“What do you mean?” Muling tanong ni Raziel.Isang malakas at disappointed na buntong hininga ang pinakawalan ni Jamie bago sumagot, “ayaw niyang lumapit ako o ang mga nurse sa kaniya, gusto niyang si Lorain ang mag-alaga sa kaniya habang andito siya sa hospital.”“No, hindi kami pupunta d’yan. Ikaw na ang nagsabi na lumayo si Lorain sa fiance mo, there is no reason para alagaan niya ‘yan.” Inis na sagot ni Raziel.“But I also said that kung may mangyari masama kay Jake ay mag take responsibility siya, isa pa… Isa pa kung hindi siya tutulong na alagaan si Jake ay sisirain ko ang pangalan niya.” Halata ang pagiging desperada sa boses ni Jamie habang sinasabi ‘yun.Muli ko na namang naramdaman ang pagkirot ng sintido ko, tumayo ako at sumenyas kay Raziel na ibigay sa akin ang cellphone.“It’s me, nasaan kayo na hospital.” Tanong ko ng walang paligoy-ligoy.Hinawakan naman ako ng mahigpit ni Raziel at tinignan ako na parang hindi makapaniwala, umiling siya. “You don’t need to do it, Lora
Raziel’s POVI could act like it was okay, but I can’t.Ang makita siyang naglalakad papasok sa kwarto kung nasaan ang lalaking minsan niyang minahal, walang dahilan para maging ayos ako.Buong buhay ko, ginawa ko ang lahat para maging confident sa mga bagay na ginagawa ko. Sa school, business, maging sa mga babae. Pero ngayon ay para akong isang batang natatakot na maagawan ng isang bagay, isang important na bagay.“So, you really like her?” Naupo si Jamie sa tabi ko, habang inaabot ang instant coffee na umuusok pa. “coming here with her, even though you know what she’s going to do… Hindi ba ay masyado ka namang nagpapakabayani?”Tinanggap ko ang kape at uminom doon, “if you can control him, she does not need to go inside of that room.” Walang gana ko na sagot, “so, don’t talk nonsense to me.”“Nonsense? Do you think I will let her go there if I have a choice?” Naiirita niyang tanong, “Jake is one important person in my life, as long he is fine then I can do anything.”“Then why are
Jake’s POVIt’s hurt, so hurt to the point I don’t want to move at all. But if this is the only way to make her stay beside me, I would rather cut my hand or foot.“Please, please stay.” I don’t care anymore, kung mag mukha man akong kawawa na asong takot maiwan. Wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin ngayon sa akin, judge me all they want but this is all I can now.“Jake, what do you think you are doing now!” Umalingawngaw ang boses ni lolo sa paligid, pero hindi ako tumingin sa kaniya. Nanatili ang mata ko na nakatitig kay Lorain, umaasa na pakikinggan niya ako.“Lorain, please.” Pag-uulit ko, “h’wag ka umalis, kung kailangan ko pa na lumuhod para pumayag ka…” Tumingin ako sa sarili ko, ah. Doon ko lang naalala na pati isang paa ko ay may benda.“Pumasok ka na sa kwarto mo, Jake. Babalik din ako bukas, sa ngayon ay kailangan ko rin matulog.” Mahinahon ang boses niyang sabi sa akin, ang mga mata niya ay nakasalubong sa aking tingin.Gusto ko na tumanggi ay ipagpilitan na pig
Lorain’s POVMabilis ko na binagsak ang katawan ko sa kama pagpasok palang namin sa hotel room na kinuha ni Raziel, mas lalo kong na appreciate ang lambot ng kama ngayon. Dahil sa nangyari ay naalala ko ang dati ko na trabaho.“Matulog ka na, bukas ay paniguradong hahanapin ka na naman niya.” Biglang sabi ni Raziel, kumpara kanina na ayaw niyang pag-usapan si Jake ay gumaan na ngayon ang atmosphere sa kaniya tuwing babanggitin ang tungkol doon.“Tama ka, pero ikaw rin ay kailangan ng matulog. Diba ay bukas papasok ka pa sa trabaho,” tumayo ako sa kama ay akmang lilipat sa sofa ng tumingin siya sa akin.“Sinong nagsabi na ikaw ang matutulog sa sofa?” Lumakas siya palapit sa akin ay muli akong pinaupo doon, “you need more rest than me, ako ay papasok sa trabaho kung saan lagi ko ng ginagawa. Unlike you, na kailangan mo ng lakas bukas.” Tinapik niya ako sa balikat at ginulo ang buhok ko.“Pero, masyadong maliit ang sofa kumpara sayo.” Nag-aalangan ko na sabi, kung doon siya matutulog ay
3 weeks laterTulad ng sabi ko ay iyon na nga ang huling punta ko sa hospital, kahit anong contact sa akin ni Jake o kahit si Lorain ay hindi ko pinapansin. Tanging nakakausap lang nga kami ni Jamie ay tuwing may pag-uusapan tungkol sa project.Akala ko ay sa pagkakataon na ‘yun ay nalinaw ko na ang lahat kay Jake, “anong ginagawa mo na naman dito?” Asar na tanong ko pagbukas ko ng pintuan.Wala na ang mga benda sa katawan niya, maging ang cast sa mga pilay ay wala na rin. “I just want to give you this.” Ngumiti siya sakin at inabot ang isang box.“Ano naman ‘to?” Nakakunot ang noon a kinuha ko ‘yun sa kaniya at tinignan ang laman, maiinit-init pa na barbeque, isaw, chicken skin, at isang bento na puro chicken curry ang laman. “Para saan ito?”Kahit ayaw ko ay hindi ko mapigilan na matakam, sino ba ang hindi kung puro favorite ang andoon. “Hmm, thank you and sorry gift?” Kibit-balikat niyang sabi, “Umakto na naman ako ng hindi iniisip ang mararamdaman mo, so yeah.”Napahimas pa siya
“What?!” Gulat na gulat na tanong ni Raziel sa akin, kasabay ng biglaan nap ag preno sa kotse. “Are you out of your mind, Lorain?”Hindi ko masabi kung galit ba siya o ano, hindi ko maintindihan ang halo-halong emosyon na kaniyang mukha sa mga oras na ito. Naiintindihan ko naman iyon, ang naging desisyon ko habang kausap si Jake kanina ay biglaan.“Hindi nya ako titigilan hanggang hindi ko siya pinagbibigyan, Raziel. Bakit hindi ko nalang siya hayaan, in the end pag nagawa na niya lahat pero walang nangyayari ay siya naman itong titigil kusa e.” Pangangatwiran ko.Napangisi siyang tumingin sa akin, “gaano ko kasigurado na walang mangyayari, Lorain? You once fall in love with that man, sa tagal ng taon simula ng maghiwalay kayo did you ever love a man like how you loved him?”Binigyan niya ako ng isang mapait na ngiti, “gaano ka ka-confident na hindi mo ulit siya mamahalin, ngayon na alam mo ng hindi siya ang may gusto ng divorce nyo’ng dalawa?”“That’s not—” Hindi ko matuloy ang sasa
Mas pinalalim niya ang halikan naming dalawa, kasabay ng paghakbang ng mga paa niya dahilan para mapaatras ako. Ramdam ko sa aking likuran ang pintuan na bumukas, “w-wait…”Sinubukan ko na magsalita ng magkaroon ng pagkakataong maghiwalay ang aming mga labi, pero muli niya ‘yun sinakop gamit ang mainit niyang labi. Para akong nalalasing lalo na sa tuwing gagalaw ang dila niya sa loob ng aking bibig.Nang marinig ko ang pagtunog ng pintuan tanda na nasa loob na kami at nag-locked na ‘yun ay kusa na rin na pumikit ang mga mata ko para damahin ang mapupusok at maiinit niyang halik sa akin.“Raziel,” habol ang hininga, pinatong ko ang aking mga palad sa kaniyang dibdib at tumingala, “I’m sorry.” Tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ko, ramdam ko ang pag-agos nito sa aking pisngi.“No, I should be the one who said sorry.” Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya, “I’m sorry, hindi ko gusto na paiyakin ka but I won’t lie, Lorain.” Pinagdikit niya ang aming noo, “nasaktan ko ng marinig
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a
John’s POVIsang malakas sa sampal ang natanggap ko mula kay dad, halata ang panggagalaiti nito dahil sa failed na planong ginawa ko. Idagdag pa na may idea na si Jake sa ginawa namin, but it still fortunate na mas iniisip niyang ang matandang ito ang puno’t-dulo ng plano.“Dad, kahit magalit kayo ay walang mangyayari. Isa pa, balita ko ay walang ala-ala ang babae na iyon sa lahat ng nangyari. May oras pa tayo para linisin ang pangalan natin, kung pipilitin natin si Jake ay wala siyang magagawa kundi pumayag sa gusto mo—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya, “naririnig mo ba ang sarili mo, John? Sa tingin mo ay susunod pa sa atin si Jake pagkatapos ang planong ginawa mo pero wala namang nangyari?”Mariin niya akong tinignan, para akong isang tangang hayop na hindi niya maaasahan. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang dalawa kong mga kamay at napatingin sa bantay niya, kung wala lang iyon ay matagal ko ng sinakal ang matandang ito para mawa
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka