“Are you okay, Lorain?” Nag-aalalang tanong ni Raziel sa akin habang tinitignan ang pasa sa aking kamay, hindi ko iyon maiiwasan dahil na rin sa higpit ng hawak ni Jake sa akin kanina.“Yes, pero hindi ko alam paano ko itatago ang mga ito para bukas.” Nahihiya kong sabi, hindi naman pwedeng i-display ko ang ganitong bagay sa family gathering nila Raziel bukas. “Also, salamat kanina pero paano mo kami nahanap?”“Nasa malapit lang si Craig that time kaya natawagan ko agad siya, luckily ay naabutan namin kayo.” Muli niyang dinikit ang cold compress sa akin, “and don’t worry, maliit lang naman ito baka bukas ay wala na rin.”Nakatingin lang samin si Craig at hindi nagsasalita, ayaw ko rin naman na maunang magpaliwanag lalo na at hindi naman siya nagtatanong. Medyo awkward lang at nakita pa niya ang ganoong klasing sitwasyon…Napatingin ako sa oras at late na, “ayos lang talaga ako, Raziel. Baka nagugutom ka na, hindi pa tayo nag-lunch.”“Oh right,” sabi niya at biglang tumayo, “Craig, mag
“Raziel!” Isang babae ang sumalubong ng yakap sa kaniya pagpasok palang namin ng gate, kung titignan ay college student palang ito. “Akala ko ay hindi ka makakarating ngayon, you have no idea how much I pleaded mom and dad to call you.”Napatingin naman si Raziel sa dalawang nasa mid forty or fifty na mag-asawa, hindi pa niya sinasabi kung sino ang mga ito ay alam ko na agad na sila ang parents niya. Kamukhang-kamukha niya si ang papa niya, na parang nakikita ko ang future.“Fortunately, ay nagpunta ka, sumasakit na ang ulo ko araw-araw dahil sa pangungulit ng kapatid mo.” Ang mama naman niya ngayon ang nagsalita, ang hinahon niyang magsalita at halatang alagang-alaga niya ang sarili.“Yes, kahit ako ay nakukulitan na rin sa paulit-ulit ninyo na pagtawag. By the way, this is for you guys.” Inabot niya ang binili na wine kahapon, alam ko na imposible pero somehow ay parang nakikita ko ang mga mata niyang mag-asawa na nag ningning.Napakagat ako ng labi para pigilan ang aking ngiti, ang
Jake’s POV“Grandpa, I heard you want to talk to me.” I stood straight in front of him, ito ang pinakahuling gusto kong mangyari. “It’s been a while since you asked me to come here.”“Are you really not aware about it, you bastard?!” He throws the ashtray in his table toward me, napabuntong hininga ako dahil doon. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa aking noo pababa sa gilid ng mata.“Grandpa, it’s unfortunate but I’m ashamed because I have no really idea about it.” Nanatili akong nakatayo ng diretso sa harap niya, habang nakatingin sa mga matatalim niyang mata.“Gusto mo ba talagang mawala ang company na pinaghirapan ko na itayo?! Narinig ko mula sa parents ni Jamie na hindi mo na siya madalas sunduin, I did my research and I found out na may hinahabol ka na ibang babae.”I’m fully aware, yes, alam ko na malalaman at makakarating sa kaniya ang mga ginagawa ko ngayon pero hindi ko akalain na ganito kabilis. Tumango ako, “yes, you are right. I’m chasing someone else right now.”“And
Lorain’s POV“Thank you for coming with me, everything become smoothly because of you.” Sabi ni Raziel pagkababa ko ng kotse, walang nagbago sa pakikitungo niya pwera sa isang bagay.Mas lalo siyang naging caring sa bawat galaw ko, minsan ay ako na rin ang naiilang. Hindi naman dahil sa ayaw ko sa kaniya, but I’m not use to that kind of treatment. Isa pa ay aware ako sa pinapahiwatig ng bawat galaw niya, na mas lalong nakakapagpahirap sa akin paano ko iyon i-handle.“You are welcome, kasama naman sa usapan natin na maging maayos ang family gathering n’yo.” Ngumiti ako sa kaniya, “and about what you said, sigurado ka ba na maghihintay ka hanggang kaya ko ng sagutin ‘yun?”“Yes, I’m willing to wait. Alam ko naman na masyado na mabilis ang pangyayari lalo na ang confession na ginawa ko, meron pa akong time hanggang hindi natatapos ang project mo dito sa pilipinas.” Walang halong pressure o sama ng loob ang tono ng boses niya.Pero wala rin halong pilit at pagpapanggap iyon, he’s genuinel
“Oh!” Unang nagsalita ang tito ni Jake na halata agad na nakilala niya ako, “siya pa ang tinutukoy mo na may branches sa iba’t-ibang bansa at business partner ni Mr. Ramirez? Ang pinakaalaking distributer ng textiles?”“Yes, isn’t it amazing?” Pinagsiklop pa ni Jamie ang dalawa niyang kamay na para talagang tuwang-tuwa siya at nagkaroon kami ng project together, sana ay nag artista rin siya dahil ang galing niyang magpanggap.Naramdam ko ang kamay ni Raziel na unti-unting hinawakan ako mula sa likod hanggang yumakap ang kaniyang kaliwang braso sa aking bewang, “don’t worry, you have me.” Bulong niya.Doon palang ay alam ko na may idea na siya sa nangyayari, at nagpapasalamat ako dahil nasa tabi ko siya. Tumingin ako kay Jamie, alam ko na sinasadya niya ang lahat pero wala akong makita na pagsisisi sa mata niya.Sa halip ay ngumiti pa siya sa akin ng napakatamis na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari sa akin, is this her revenge? Ilang beses ko pa ba kailangan sabihin sa kaniya na wal
Kusang umangat ang aking kamay, rinig sa buong cr ang tunog ng aking palad sa kaniyang pisngi. “Anong karapatan mo para sabihin ang mga linya na iyan? Wala ka na dapat ipaglaban, ang bagay na ‘yan ay dapat noon mo ginawa!”“Alam ko na mali akong hindi ko ginawa ‘yun that time, pero sana bigyan mo ako ng isa pa na chance. This time I won’t make mistake like in the past, Lorain.” Hindi niya ininda ang pamumula ng kaniyang pisngi, sa halip ay mas lumapit pa siya sa akin.Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinagdikit ang aming mga noo, gusto kong lumayo at kumawala pero masyado siyang malakas para magawa ko iyon.“Let go of me, Jake. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin sayo para tigilan mo na ako, at mag sink in sa utak mo na wala akong balak bumalik sayo. Once is enough, Jake. Sa buhay hindi laging may second chance.” Naging malungkot ang boses ko, somehow masakit na marinig iyon.Ang mga kamay niyang nakahawak sakin ay unti-unting nanginig, “I can’t let go, Lorain.
Jake’s POV“Let’s give ourselves a time to think, Jake. Ang mahalaga naman ay ang ikakasaya natin, in the end that is the most important thing to consider.” Sabi niya bago tuluyan na iwan ako sa loob ng cr.Gusto ko siyang pigilan, pilitin na bigyan ako ng chance. Sabihin na gagawin ko ang lahat para sa kaniya, pero natigilan ako ng makita kung paano niya mahigpit na kumapit sa lalaking yumayakap sa kaniya ngayon.That’s should be me, the one who is wiping her tears. But no, it’s the opposite. Ako ang rason ng mga luha na kumakawala sa kaniyang mga magagandang mata, kasalanan ko kung bakit nasa ibang bisig siya ng lalaki habang umiiyak.Ang tanging nagawa ko lang ng mga oras na iyon ay pakinggan ang usapan nila at ang hikbi na pilit niyang pinipigilan, Maging ang mahinang pagtawag niya sa pangalan nito. Mariin ko na pinikit ang aking mata at naikuyom nalang ang aking mga kamay.Nakatayo lang ako at nanatili na ganoon hanggang marinig ko ang mga yabag nila palayo, gusto ko na sumigaw a
Lorain’s POVPaulit-ulit akong suminghot pagkaupo ko sa loob ng kotse ni Raziel, pakiramdam ko ay namamaga ang buo ko na mukha lalong-lalo na ang mata at ilong ko. Nahihiya ako kay Raziel, ilang beses ko na ba pinakita ang ganitong side ko…Hindi ba at sobra-sobra iyon para sa kaniya, lalo na at saglit palang akong nakikilala.“Do you want some tissue?” Tanong niya, “or should I give my sleeve to wipe your snot?” Dagdag niya habang tinatawanan ako.“Talaga ba na gusto mo akong i-comfort o pinagtatawanan mo ako?” Masama ko siyang tinignan, at kinuha ang tissue na inaabot niya.“Well, I’m not really good at comforting someone. So, instead of crying I rather choose to see you smile.” Pero pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminga siya ng malalim at muling nagsalita, “But, it’s doesn’t mean you can’t cry in front of me.”Nagsimula na siyang mag drive, “crying is normal when you are sad, hurt, or happy. I hope the next time I see your tears is because of joy, Lorain.”Hindi siya nakatingin
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a
John’s POVIsang malakas sa sampal ang natanggap ko mula kay dad, halata ang panggagalaiti nito dahil sa failed na planong ginawa ko. Idagdag pa na may idea na si Jake sa ginawa namin, but it still fortunate na mas iniisip niyang ang matandang ito ang puno’t-dulo ng plano.“Dad, kahit magalit kayo ay walang mangyayari. Isa pa, balita ko ay walang ala-ala ang babae na iyon sa lahat ng nangyari. May oras pa tayo para linisin ang pangalan natin, kung pipilitin natin si Jake ay wala siyang magagawa kundi pumayag sa gusto mo—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya, “naririnig mo ba ang sarili mo, John? Sa tingin mo ay susunod pa sa atin si Jake pagkatapos ang planong ginawa mo pero wala namang nangyari?”Mariin niya akong tinignan, para akong isang tangang hayop na hindi niya maaasahan. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang dalawa kong mga kamay at napatingin sa bantay niya, kung wala lang iyon ay matagal ko ng sinakal ang matandang ito para mawa
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka