Huwag mong pakawalan, Celina. Magkapit tuko ka tutal asawa mo naman...
CelinaUnang beses ko yatang nagtagal sa pagligo. Ang dami niyang arte, at naiinip na ako dahil sobrang tagal niyang pumili ng isusuot ko. Samantalang siya, kumuha lang ng suit at tapos na agad."Ganito lang pala kadali para patahimikin ka?" may pilyong ngiti sa labi niyang tanong. Muli ba niya akong inaasar? Akala ba niya magpapatalo ako sa ginagawa niya? "Sige na, magngangawa ka na, gusto kitang patahimikin gamit ang bibig ko," dagdag niya, nakangisi pa rin.Napairap na lang ako at tinalikuran siya, sira na ang mood ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napapakilig sa isang saglit, tapos sisirain niya rin ang moment sa susunod na segundo."Gutom na ako, gusto kong kumain," malamig kong sabi bago naglakad papunta sa pinto.Agad siyang sumabay sa akin, natatawa pa, kaya lalo akong nainis. "Dito lang naman ako sa bahay, bakit kailangan ko pang mag-ayos nang ganito?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan.Bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako. Sinandal niya ang magkabilang kamay s
Third PersonPagkarating ni Jefferson sa opisina, sinalubong siya ni Daria at inabot ang isang envelope na naglalaman ng report mula sa imbestigador na inutusan niyang alamin ang tungkol sa nagpadala ng lahat ng credentials ni Celina lalo na ang mula sa ampunan, na dapat sana’y pribado.“Kailan dumating ’to?” tanong niya habang tinatanggap ang inaabot ng kanyang assistant.“Ngayong umaga lang po Sir,” sagot ni Daria, at tumango siya bilang tugon. Binuksan ni Jefferson ang envelope at sinimulang basahin ang report. Kasabay nito, kinuha niya ang cellphone at tinignan ang listahan ng kanyang mga tawag.“Pakicontact si Nicko ulit. Pakisabi, pakisiyasat ang numerong ito.” Utos niya kay Daria bago siya tuluyang lumabas ng opisina. Habang naglalakad, patuloy niyang binasa ang lahat ng detalye tungkol kay Xia.May kaunting awa siyang naramdaman para sa babae, pero hindi iyon sapat na dahilan para patawarin ang ginagawa nito kay Celina ngayon. Para sa kanya, anuman ang pinagdaanan ni Xia ay wal
Third Person"Hindi ko alam na pupunta ka rito," ani Celina na tila walang pakialam habang bumalik si Jefferson sa kanyang upuan at hindi man lang pinansin si Xia."Alam kong sinabi kong okay lang na bumisita ka sa opisina ko, pero hindi ko inaasahang aaksyon ka agad," sabi ni Jefferson habang diretso ang titig kay Celina. Umupo ito sa upuan sa harap niya at saglit na lumingon kay Xia."Dinala ko lang ’to para sa’yo," sabi niya at inabot ang isang folder. Kinuha iyon ni Jefferson at binuksan."Kontrata?" tanong niya. Tumango si Celina."Pakitingnan mo muna sa abogado mo. Balak kong tanggapin ang alok, at sample contract lang ’yan," paliwanag niya. Tumango si Jefferson."Kumain ka na ba?" tanong ni Celina pagkatapos."Hindi pa. Gusto mo bang kumain kasama ako?" balik tanong ni Jefferson."Oo naman, pero sagot mo syempre," sagot niya sabay ngiti."Walang problema," anitong nakangisi at tumayo."Gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ni Celina kay Xia, na kanina pa tahimik na nakatingin sa
Jefferson's POV"Marry her, and you will have all my shares in the company," sabi ni Dad na nakakapagpainit ng ulo ko. Alam naman niya na may girlfriend na ako pero heto siya at gusto niyang magpakasal ako sa ibang babae?Simulat simula ay hindi siya nangialam sa buhay ko lalo na sa lovelife ko. Lagi niyang sinasabi na tiwala siya sa mga desisyon ko at hinding hindi pakikialaman ang personal kong buhay. Pero heto sya ngayon singing different tune.“At kung hindi ako pumayag?” Syempre ay kailangan kong itanong iyon kahit na may palagay na ako kung ano ang magiging consequences. Confident akong tanungin siya dahil I know na alam niya ang capabilities ko at hindi dahil sa ako ay anak niya. “I-o-offer ko ito kay Noris.” Kulang ang salitang shock para ilarawan ang nararamdaman ko. Hindi ko ma-imagine ang bastardong iyon na namumuno sa kumpanya namin, kumpanyang pinaghirapan ko rin. Ganun ba siya kadesperadong maikasal sa kahit na sino sa amin ang kung sino mang babaeng iyon? “Alam mong i
Celina's POV“Wala kang karapatang tumanggi, sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Jefferson Scott,” sabi ni Daniel. “Bigyan nyo ako ng magandang dahilan para pumayag ako sa kahibangan nyo.” sagot ko na may kasamang pagpipigil dahil nanggigil talaga ako sa kanya, actually, sa kanilang mag asawa. Adoptive father ko siya. Noong nasa ampunan ako ay gusto ko ng kahit na sinong maaaring kumuha sa akin doon.Nang dumating siya, kasama ang asawang si Lalaine para ampunin ako, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Parang lahat ng kahilingan ko ay natupad, alam mo yon, parang iyon na ang katuparan ng lahat ng pangarap ko. Pero wala pa lang dapat ikasaya.Sila na yata ang pinaka worst na taong nakilala ko. Sa murang isipan ay inalila nila ako. Nagkaroon sila ng libreng katulong ng dahil sa akin. Ang mabuti na lang ay napwersa ko sila na patapusin ako ng pag-aaral sa kundisyon na gagawan ko sila ng pabor. At mukhang iyon ang gagamitin nila ngayon para mapasunod ako.“
Third PersonNagpunta si Celina sa Clandestine at pagpasok niya ng restaurant ay pinigilan siya ng waitress. “Excuse me, this part of the restaurant is off-limits,” sabi ng staff sa kanya na tinanguan lang ni Celina bago sinabing may reservation siya."Reservation under Mr. John Scott," Celina said, and the waitress glared at her na hindi niya nagustuhan kaya naman inikutan niya ito ng mga mata dahil pakiramdam niya ay parang minamaliit siya ng kaharap."If you are going to look down on me, you better look at yourself first. Remember what you are here for," she said. Ginabayan na siya ng waitress para papunta sa table kung nasaan ang kanyang kakatagpuin habang hindi naman makatingin na sa kanya ang staff dala ng hiya.Pagpasok niya sa private room ang nadatnan niya si Jefferson na simangot at mukhang madilim na ang mukha sa paghihintay sa kanya. Napangiti si Celina sa loob loob dahil nga nagawa niyang mapaghintay ang isang Jefferson Scott na ayaw sa mga late. Jefferson looked at her a
JeffersonNa-announce na ang kasal namin ni Celina at alam na rin ng buong kumpanya iyon dahil imbitado naman silang lahat. Gusto nilang malaman kung sino ang magiging Mrs. Scott at kung anong klase ng babae siya.Maganda ba? Matalino? Saang pamilya nanggaling? Inaasahan na nila na ang mapapangasawa ko ay ang pinakaeleganteng bride dahil ako ang groom. Ang kinikilalang most sought-after bachelor at isa sa pinakamayaman sa bansa.Dahil sa ang aking ama na isang strikto at kilalang metikuloso pagdating sa trabaho ang pumili sa kanya ay inaasahan na nila na mula ang aking mapapangasawa sa kilala at prominenteng pamilya. Pero kabaligtaran iyon ng katotohanan dahil mukhang wala sa bokabularyo ni Celina ang salitang prominente.Alam ng aking ama na hindi niya ako mapapayag sa kasalang ito kaya ginamit niya ang kumpanya kaya nawalan ako ng choice kung hindi ang makisama sa babaeng ito na napakataas ng tingin sa sarili.Nakakagalit isipin na parang isinantabi ng aking ama ang mga pinagpaguran
Third PersonNatapos ang kasal at naging satisfied naman ang lahat lalo na si John. Sa tingin niya, kunng umaarte lamang ang dalawang ikinasal ay hindi naging halata dahil sa tingin niya ay mukhang sincere ang dalawa. Busy ang matandang Scott sa reception dahil sa hindi mapukaw na mga pagbati mula sa mga guests pati na ang napakaraming bilang ng mga regalo. Kita ang kaligayahan sa lahat ng matapos ang pagdiriwang maliban kay Noris.Sa kanilang mansyon, nasa kanilang silid ang mga bagong kasal at naghahanda para sa kanilang pagpapahinga ng kumatok ang isa sa mga katulong. Sinundan ng tingin ni Celina si Jefferson na siyang nagbukas ng pintuan.“Sir, nasa labas po si Sir Noris. Lasing na lasing at binabasag ang lahat ng makita habang tinatawag po kayo,” sabi ng katulong. Tumingin si Jefferson sa asawa na naghihintay ng kanyang sasabihin.“I’ll be back, stay here,” sabi ni Jefferson na tinaguan lamang ng kanyang asawa. Naiwang nagtataka si Celina kung bakit tila gumagawa ng gulo si Noris
Third Person"Hindi ko alam na pupunta ka rito," ani Celina na tila walang pakialam habang bumalik si Jefferson sa kanyang upuan at hindi man lang pinansin si Xia."Alam kong sinabi kong okay lang na bumisita ka sa opisina ko, pero hindi ko inaasahang aaksyon ka agad," sabi ni Jefferson habang diretso ang titig kay Celina. Umupo ito sa upuan sa harap niya at saglit na lumingon kay Xia."Dinala ko lang ’to para sa’yo," sabi niya at inabot ang isang folder. Kinuha iyon ni Jefferson at binuksan."Kontrata?" tanong niya. Tumango si Celina."Pakitingnan mo muna sa abogado mo. Balak kong tanggapin ang alok, at sample contract lang ’yan," paliwanag niya. Tumango si Jefferson."Kumain ka na ba?" tanong ni Celina pagkatapos."Hindi pa. Gusto mo bang kumain kasama ako?" balik tanong ni Jefferson."Oo naman, pero sagot mo syempre," sagot niya sabay ngiti."Walang problema," anitong nakangisi at tumayo."Gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ni Celina kay Xia, na kanina pa tahimik na nakatingin sa
Third PersonPagkarating ni Jefferson sa opisina, sinalubong siya ni Daria at inabot ang isang envelope na naglalaman ng report mula sa imbestigador na inutusan niyang alamin ang tungkol sa nagpadala ng lahat ng credentials ni Celina lalo na ang mula sa ampunan, na dapat sana’y pribado.“Kailan dumating ’to?” tanong niya habang tinatanggap ang inaabot ng kanyang assistant.“Ngayong umaga lang po Sir,” sagot ni Daria, at tumango siya bilang tugon. Binuksan ni Jefferson ang envelope at sinimulang basahin ang report. Kasabay nito, kinuha niya ang cellphone at tinignan ang listahan ng kanyang mga tawag.“Pakicontact si Nicko ulit. Pakisabi, pakisiyasat ang numerong ito.” Utos niya kay Daria bago siya tuluyang lumabas ng opisina. Habang naglalakad, patuloy niyang binasa ang lahat ng detalye tungkol kay Xia.May kaunting awa siyang naramdaman para sa babae, pero hindi iyon sapat na dahilan para patawarin ang ginagawa nito kay Celina ngayon. Para sa kanya, anuman ang pinagdaanan ni Xia ay wal
CelinaUnang beses ko yatang nagtagal sa pagligo. Ang dami niyang arte, at naiinip na ako dahil sobrang tagal niyang pumili ng isusuot ko. Samantalang siya, kumuha lang ng suit at tapos na agad."Ganito lang pala kadali para patahimikin ka?" may pilyong ngiti sa labi niyang tanong. Muli ba niya akong inaasar? Akala ba niya magpapatalo ako sa ginagawa niya? "Sige na, magngangawa ka na, gusto kitang patahimikin gamit ang bibig ko," dagdag niya, nakangisi pa rin.Napairap na lang ako at tinalikuran siya, sira na ang mood ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napapakilig sa isang saglit, tapos sisirain niya rin ang moment sa susunod na segundo."Gutom na ako, gusto kong kumain," malamig kong sabi bago naglakad papunta sa pinto.Agad siyang sumabay sa akin, natatawa pa, kaya lalo akong nainis. "Dito lang naman ako sa bahay, bakit kailangan ko pang mag-ayos nang ganito?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan.Bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako. Sinandal niya ang magkabilang kamay s
CelinaAno bang mali sa akin? Bakit hindi ko siya matanggihan tuwing hinahalikan at hinahawakan niya ako? Hindi ko maalala ang sarili kong ganito kalandi sa isang lalaki. Hindi ko maintindihan ang kung anong epekto meron siya sa akin, at nagsisimula na akong mag-alala para sa sarili ko at sa hinaharap ko.Hindi pa ako nagkagusto sa kahit sinong lalaki noon, at siya ang una ko sa lahat ng bagay.Pero hindi ko rin makalimutan ang narinig ko nang bumalik siya. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyon. Dahil sa nangyayari sa amin, hindi ko alam kung tuluyan ba niya akong hihiwalayan o hindi.At kung sakali… paano kung mabuntis ako? Paano kung pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin simula nang bumalik siya, bigla niya akong sabihang gusto niya ng divorce?Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Kailangan kong siguraduhin na mananatili siya sa tabi ko at hinding-hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang babaeng ‘yon kung sino man siya na maagaw siya sa akin. Kung kailangan ko siyang akitin palagi, gaga
Mature ContentJefferson Hindi ko maintindihan kung bakit hindi makita ni Celina kung anong klaseng tao si Xia. Sobrang bulag na ba siya sa pagkakaibigan nila? Nang tawagan ko siya at malaman kong kasama niya ang babae ay hindi ko maiwasan ang mag-alala. Kaya sinabi kong i-text niya ako kung nasaan sila at anong oras sila matatapos. Nag-reply siya at sinabing ihahatid niya si Xia sa may bus stop, gaya ng nakasanayan niya. Kaya naman naghintay ako roon. Pagkaalis ng bus, pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa kanya. Hindi ko na kailangang sabihin na sumakay siya, alam na niya at umuwi kaming magkasama. Pagpasok sa kwarto, nauna siyang pumasok. Agad kong hinawakan ang kamay niya matapos kong isara ang pinto. Napatingin siya sa akin, halatang naguguluhan. "Ano ang sinabi kong dapat mong gawin kapag umuuwi ang asawa mo galing trabaho?" tanong ko nang diretso. "Eh… sabay naman tayong umuwi," sagot niya, parang clueless pa. "At hindi ‘yon excuse." Sinulyapan ko siya habang nakatayo lan
XiaSinigawan ko siya. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Sinumbatan dahil sa hindi niya tinupad ang kanyang pangako na dadalawin ako.Sinisi at sinabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong isigaw sa mundo. Pero pagkatapos, ikinuwento niya sa akin kung ano ang nangyari matapos siyang ma-ampon.Oo, maaaring hindi maganda ang naging trato sa kanya, pero nanatili pa rin siyang malinis. Hindi niya naranasan ang iba't ibang lalaking gumagamit sa kanya nang higit limang beses sa isang araw. Mas maganda pa rin ang buhay niya kumpara sa akin.Kahit na galit pa rin ako sa kanya, nagkunwari akong kaibigan pa rin niya at na naiintindihan ko siya. Tuwing may oras ako, nakikipagkita ako sa kanya, at ipinangako ko sa sarili kong dadalhin ko siya sa mga magulang ko para gawin siyang katulad ko.Siguradong maraming matatandang lalaki ang magbabayad para sa kanya. Pero hanggang ngayon na may asawa na siya, hindi ko siya nagawang dalhin. Lagi siyang abala sa kung ano mang bagay na hindi ko alam.Hi
XiaNapakaswerte ni Celina na napangasawa niya si Jefferson. Noong una ko itong nalaman mula sa kanya, agad akong nakaramdam ng inggit. Paano napapayag ni Mr. Scott na ipakasal ang anak niya sa kanya? Naalala ko tuloy ang mga araw namin sa ampunan.Madalas akong binu-bully ng ibang bata noon, at siya lang ang tumulong sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang dumating siya at ipinagtanggol ako. Kahit puro pasa siya pagkatapos, wala siyang pakialam. Sinabi niyang hindi niya ako iiwan, at totoo nga. Naniwala ako sa kanya dahil palagi siyang nasa tabi ko. Kailanman ay hindi niya ako iniwanan na mag-isa.Pero dahil sa ginawa niya, sumikat siya sa ampunan. Lalo pa siyang hinangaan ng mga lalaki dahil sa kagandahan niya, habang kinaiinggitan naman siya ng ibang babae, at kasama na ako.Palagi siyang may tiwala sa sarili kaya inakala kong matalino siya. Pero tuwing may klase kami, hindi niya alam ang sagot sa mga tanong, kaya naisip kong mas magaling ako sa kanya pagdating sa pag-aaral. Kahit
"Hello," sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Jefferson."Nasan ka?" tanong niya."Mall.""Sino'ng kasama mo?" tanong niya ulit na akala mo ay tatay ko. Parang sinasabi niya na huwag akong magsisinungaling."Kaibigan," sagot ko. Napansin kong lihim akong tinitingnan ni Xia matapos kong sabihin ang salitang "kaibigan.""Si Xia?" tanong niya. Gusto kong magsinungaling, pero alam kong madali niya akong mahuhuli, kaya umamin na lang ako. isa pa, bakit naman ako magsisinungaling sa simpleng bagay lang?"Hindi ka nakinig sa akin," sabi niya."Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon," sagot ko, sabay dinig sa buntong-hininga niya."Nasan ka ngayon?" muling tanong niya, kaya sinabi ko ang lokasyon ng mall."Ingat ka, okay?" sabi niya ulit."Oo nga, huwag kang masyadong mag-alala at kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mapapaano."Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili."Okay, ingat." Pagkatapos non at natapos na ang aming usapan.Bumalik ako ka
Celina"Xia," sabi niya, gaya ng inaasahan ko."Bakit mo siya pinaghihinalaan?" tanong ko, totoong curious ako kahit na hindi naman niya talaga gusto ang kaibigan ko."Basta may kutob lang ako. Kung may woman instinct ka, may man instinct din ako," sagot niya, kaya napairap ako."Ano'ng sabi ko sa 'yo tungkol sa pag-irap?" tanong niya, kaya ibinalik ko ang tingin sa ginagawa ko. Ayokong tingnan siya sa mata kapag ganiyan siya magsalita."Celina, seryoso ako. Kung hindi mo siya kayang iwasan, siguraduhin mong mag-ingat ka, or better yet, huwag kang sasama sa kanya ng mag-isa lang." Pagkasabi niya non ay tumayo na siya at naglakad na papasok sa aming silid.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang pekeng credentials na ipinakita ko sa mag-asawang Nicholson noon. Totoo namang bukod sa mga umampon sa akin, si Xia lang ang nakakaalam nito.Ano na ang dapat kong gawin?***Kinabukasan, nasa opisina si Jefferson. Habang naghah