Sana po ay sumportahan niyo po ang book ko. Maraming salamat.
Third PersonPaglabas nila ng elevator pagdating sa floor kung nasaan ang office ni Jefferson ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Celina tsaka hinila siya papunta sa opisina nito.Possessive ang naging dating ni Jefferson, kaya’t hindi maiwasan ng ilang empleyado nilang makakita sa kanila na mapangiti. Hindi nila alam kung paano nauwi sa kasalan ang dalawa, lalo na’t si Wendy ang alam nilang kasintahan ni Jefferson noon. Pero dahil matalino, mabait, at masipag si Celina, na kabaligtaran ni Wendy ay madali siyang nagustuhan at nirespeto ng lahat bilang isang tao, isang babae, at bilang lady boss nila.Pagkapasok sa opisina, inakala ni Celina na diretso nang uupo si Jefferson sa kanyang upuan, pero nagkamali siya."Akin ka lang, Celina. Tayong dalawa lang ang nandito, kaya puwede nating gawin kahit ano," mahinang bulong nito habang dahan-dahan siyang nilalapitan. Napaatras si Celina habang patuloy itong lumalapit sa kanya."Ano bang kinatatakot mo? Asawa mo ako," mapanuksong dagdag nit
Jefferson Bumababa si Celina sa hagdan, at putragis ang ganda niya. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Nang huminto siya sa harapan ko, inalok ko ang braso ko, at buti na lang tinanggap niya. Giniya ko siya papunta sa sasakyan namin. Pinapagmaneho ko na lang ang driver namin dahil malamang makakainom ako mamaya sa party. Pero damn, nung makita ko ang likod niya, hindi ko talaga mapigilan ang mapamura. Hindi ko in-expect na ganun ang disenyo ng gown niya. Halos hubad na ang likod niya, bumaba hanggang sa may puwet niya ang pagkakabukas ng likod. Buti na lang at swak na swak sa katawan niya ang gown, at kahit anong galaw niya, hindi ito dumudulas pababa. "Bakit ganyan ang ipinasuot sa’yo ng kaibigan mo?" tanong ko nang makaupo kami sa likod ng sasakyan. "Bakit? Ang ganda ko kaya rito," sagot niya, may halong pang-aasar. "Balak mo bang patigasin ang harapan ng lahat ng lalaking makakakita sa’yo? Kasi mukhang hindi lang ako ang magkakaganito." Saglit siyang napatingin sa pundya
JeffersonHindi ko alam kung napansin iyon ni Celina dahil nakita kong kumunot ang kanyang noo, pero ngumiti pa rin siya sa akin. "Happy anniversary sa Distellera Sunji. Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo para umabot sa ganito," sabi ni Celina, at bakas ang kasiyahan sa mukha ni Mr. Sunji. "Halos hindi na ako tumigil sa pagtatrabaho, inubos nito ang kabataan ko, at nagkaroon lang ako ng oras para sa sarili ko ngayong matanda na ako. Napakaswerte ko na lang talaga at natagpuan ko rin ang pag-ibig ng buhay ko," sagot ng matandang negosyante habang punong-puno ng pagmamahal na tinitigan si Michelle. "Napakaswerte ng asawa mo na ikaw ang kasama niya. Huwag na huwag mo iyang pagdudahan. Ang edad ay numero lang, pero ang klase ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya ay walang katumbas at walang hanggan," tugon ng aking asawa bago bumaling kay Michelle. "Tama ba, Mrs. Sunji?" nakangiti niyang tanong, hinihintay ang sagot ni Michelle. "Siyempre naman. Mahal na mahal k
Celina Hindi ako komportable sa gown na ito kaya agad kong tinawagan si Cindy nang makita ko ito matapos ipadeliver sa bahay namin. "Ano bang nasa isip mo? Bakit ganito ang design ng gown na 'to?" sunod-sunod kong tanong. "Bakit? Hindi ba kasya?" nag-aalalang tanong ng aking kaibigan. "Kasya naman, pero juice ko, gusto mo ba akong magkasakit? Halos umabot na sa puwet ko ‘yung pagka-backless nito!" sagot ko, at narinig kong humagalpak siya ng tawa. "Kung kasya naman, edi walang problema! Bagay 'yan sa'yo, kaya siguraduhin mong ipagyabang mo na ako ang gumawa niyan!" sagot niya bago binaba ang tawag. "Ahhhhh! Baliw ka rin pala!" sigaw ko habang nakatitig sa gown. Ano kayang iisipin ni Jefferson ‘pag nakita niya akong suot ‘to? Maiisip kaya niyang sinasadya kong akitin siya? Kahit na oo naman, medyo OA lang talaga ‘tong design! Nagsimula na akong mag-ayos nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang napakagwapo kong asawa kasama ang stylist. Aba, nag-abala pa siya? "‘Wag mong gaw
Sa kabuuan, masaya ako na kasama ko si Jefferson. Napakaguwapo at makapangyarihan ang dating niya. Pakiramdam ko, lahat ng tao ay nakatingin sa amin, naiinggit dahil ako ang kasama niya. May mga narinig pa akong nagsasabing bagay kami. At sa totoo lang, iyon naman talaga ang gusto kong ipakita sa kanila, na maganda kaming tingnan nang magkasama, dahil mag-asawa kami. Pagkauwi namin, dumiretso ako sa banyo para maligo. Napansin kong nakatitig sa akin si Jefferson, pero hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, kaya binalewala ko na lang. Habang nasa sasakyan kanina, sunod-sunod ang tanong niya tungkol sa disenyo ng golf course at kung talagang gusto ko ng isa. Napabuntong-hininga siya at pumasok din sa banyo. Naghintay ako hanggang matapos siya, pero syempre, hindi ko pinahalata. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll sa online shop ni Cindy. Mas na-engross ako sa mga bagong disenyo niya, kaya hindi ko namalayang tapos nang maligo si Jefferson. Lumapit siya at umupo sa tabi ko, saba
Third PersonNasa online news ang mga litrato ni Celina mula kagabi. Kitang-kita kung paano siya tinititigan ng mga lalaki na parang gusto siyang lamunin nang buo, habang ang mga babae naman ay halatang naiinggit. Katabi niya si Jefferson, at kahit nilagay nito ang suit sa balikat niya, hindi pa rin natakpan ang kagandahan niya sa mga larawan.Napakaganda ng mga kuha, lahat ay tumatak sa perpektong hubog ng kanyang katawan."Ako ba ‘yan?" tanong ni Celina habang tinitingnan ang mga litrato. Hindi siya makapaniwalang gano’n pala ang itsura niya."Hindi ka ba naaapektuhan?" tanong ni Jefferson."Na maganda ako? Siyempre hindi. Bakit ko ikakabahala ‘yon?" sagot niya pabalik."Hindi dahil sa mga litrato kung hindi dahil sa mga comments," sagot ng lalaki, pero umiling lang si Celina."Ayos lang. Kilala ko ang sarili ko at alam kong hindi ako ‘yung taong tinutukoy nila sa mga comments. Ni hindi nga nila naisip alamin ang background ko sa school. At isa pa, alam mo naman kung sino ang unang l
Third Person"Hindi fragile ang asawa ko. Well… hindi kapag kaming dalawa lang sa kwarto." May bahid ng pagmamalaki sa tono ni Jefferson. "Si Celina ay isang matapang na babae. Alam mo 'yan. Hindi siya ‘yung tipo na pinoproblema ang iniisip ng ibang tao. Wala siyang pakialam sa opinyon nila at nabubuhay lang siya para sa sarili niya."Napangiti si John habang nakikinig. Bilang ama, ipinagmamalaki niya ang anak niya sa pag-unawa nito kay Celina. Pero mas lalo siyang natuwa nang mapagtanto niyang alam ni Jefferson kung gaano ka-fragile si Celina kapag silang dalawa lang. Nagsimula siyang umasa na baka magkaapo na siya sa wakas."Fragile kapag kayong dalawa lang? So dapat ko na bang asahan ang apo ko anytime soon?" tanong niya, pabiro."Pwede mong sabihin ‘yan," sagot ni Jefferson na may makahulugang ngiti sa mga labi dahilan para maging masaya si John."Ipinagmamalaki kita, anak. Alam kong magugustuhan mo siya. Kung hindi mo naman siya mahal pa sa ngayon ay sigurado akong papunta na kayo
JeffersonTangina, ‘tong kaibigan ni Celina, sinusubukan talaga ang pasensya ko. Akala ba niya, basta-basta ko na lang pakakawalan ang asawa ko tapos tatalon ako sa kanya? Baliw siya kung ganun ang iniisip niya. At dahil hindi siya titigil, uunahin ko na muna siya."Hello, ituloy ang plano kay Xia," malamig kong sabi bago ibinaba ang tawag.Kawawa ang buhay ni Xia, pero punong-puno siya ng inggit at galit. Kaya ganito siya kay Celina. Dahil miserable siya, gusto niyang hilahin pababa ang asawa ko. Pero hindi ko ‘yon hahayaang mangyari. Kahit hindi ko alam ang buong kwento, sigurado akong hindi magiging kagaya niya si Celina. Napagtagumpayan niyang alagaan ang sarili niya kahit kasama pa niya noon ang mga Nicholson. Matapang siya, matalino, at hindi siya nagpatalo sa buhay.Si Xia naman, puro awa sa sarili at nagpakain sa inggit. Kung talagang gusto niyang makaalis sa mundong ginagalawan niya, nagawa na niya ‘yon noon pa. Pero hindi, mas pinili niyang magpaka-bitter sa mga achievements
JeffersonEnjoy na enjoy si Celina sa trabaho niya sa Arts and Crafts, at natutuwa ako na gusto niya doon. Akala ko kasi hindi niya magugustuhan, lalo na’t nag-away kami kamakailan lang.Pero mukhang dahil lang ‘yon sa nalaman niya na may kasama akong ibang babae sa araw mismo ng aming annniversary kung saan nag-effort pa siyang maghanda.Kung hindi lang dahil doon, tingin ko tatanggapin niya 'yung trabaho kasi related naman sa designing. Kinuwento niya sa’kin kung ano ang nangyari noong unang araw niya at inamin ko, nagselos ako. Dalawang araw akong nagdamdam kasi hindi niya sinabi sa lahat na asawa niya ako.Yung request niya na isama si Mr. Sunji sa project, medyo naguluhan ako noong una. Pero nung ipinaliwanag niya, doon ko lang talaga na-gets. Ayaw niyang may mag-isip na kaya siya napasama sa project ay dahil sa koneksyon niya sa’kin. Kaya pala niya muling inimbitahan si Mr. Sunji dahil gusto niyang patunayan na kaya niya ‘yon sa sariling sikap.Iniisip ko tuloy kung anong nangyar
Celina“Hi, Celina.” Bati sa’kin ni Noris nang makita namin siya sa sala at mukhang hinihintay niya talaga kami. Nakatayo pa siya ro’n sa dulo ng hagdanan habang pababa kami.“Hey,” sagot ko naman habang sinulyapan ang asawa kong halatang wala sa mood. “Good morning,” dagdag ko pa. “Kumain ka na ba? Sumabay ka na rin sa ‘min,” aya ko habang nakatitig siya sa’kin na para bang gusto akong tunawin sa titig. Gusto kong matawa, pero nagpigil ako.“Sure,” sagot ni Noris sabay lakad papunta sa dining area. Nandito na rin lang siya, at hindi ko naman siya pwedeng paalisin, ‘di ba? Kakain lang kami, ‘yun lang ‘yon.“Anong ginagawa mo rito?” tanong agad ni Jefferson habang naupo kami. Inilagay niya ang itlog at bacon sa plato ko, gaya ng palagi niyang ginagawa. Dapat nga ako ang gumagawa no’n para sa kanya, pero gusto niya kasi na siya ang nag-aasikaso sa’kin sa ganitong paraan.“Wala lang,” sagot ni Noris, at napaangat ang kilay ko. Tumingin ako sa kanya, tapos kay Jefferson. Umubo ako nang ma
CelinaNakakatawa talaga kung gaano karaming babae ang gustong agawin ang asawa ko. Aminin natin, pogi na, mayaman pa. Lahat ng hanap mo sa lalaking papakasalan, nasa kanya na.Pero nakakainis lang kasi parang sobra ang pagkagusto nila, tipong handa silang agawin siya sa akin. Excuse me? Never mangyayari ‘yon. Simula nang sabihin niyang mahal niya ako at sinabi ko ring mahal ko siya ay mas naging possessive pa ako sa kanya.Obvious na may gusto sa kanya ang sekretarya niya. Kaya dapat lang iparamdam ko sa kanya kung sino ang tunay na nagma-may-ari kay jefferson.Nag-away nga kami dahil sa kanya. Oo na, nagseselos ako. Kung hindi lang niya sinabi na kaya niya pinilit na magka-share sa architectural firm nna 'yon ay dahil sa akin, siguro hindi ko siya basta-basta mapapatawad. Sino ba naman ang hindi mata-touch, ‘di ba? Lahat ginagawa niya para sa akin. Gusto niya na maabot ko ang best version ng sarili ko.At isa pa, ang bawat haplos niya, grabe. Nakaka-addict. Wala pang lalaking nakapa
Pagkatapos ay dumiretso si Celina sa kanilang kwarto para mag-ayos at siguraduhing maganda siya. Wala siyang pakialam kung mainis man si Jefferson sa presensya niya mamaya basta makita lang niya ang sekretarya nito.Alas-onse na, at sigurado siyang aabot siya sa kompanya sa tamang oras, kaya hindi na niya inabala pang ipaalam kay Jefferson ang pagbisita niya. Para sa kanya, wala rin namang saysay iyon.Pagpasok niya sa kompanya, agad siyang binati ng lahat, at gumanti naman siya ng ngiti bago sumakay sa elevator. Sakto pa lang niyang pipindutin ang close button nang marinig niyang may humabol. Paglingon niya, si Daria pala."Ma'am Celina! I'm so glad to see you!" masiglang bati nito."Same here," sagot niya, saka napatingin sa hawak nitong takeout."Ah, para kay Sir Jefferson 'to," paliwanag ni Daria bago pa siya makapagtanong, sabay ipinakita ang lunch box. "Mukhang mamahaling lunch na naman ang kakainin ko ngayon!" dagdag nito, tuwang-tuwa, kaya napatawa na lang si Celina."Sure ka
Third PersonSobra ang naging pasasalamat ni Jefferson nang patawarin siya ni Celina. Talagang kinabahan siya na baka tumagal ang kanilang away dahil ito ang unang beses na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.Nang maisip niyang nagseselos na ang asawa niya, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya gagawa ng kahit ano na makakapagparamdam kay Celina ng insecurity. Kahit hindi niya makita ang dahilan para magselos ito dahil para sa kanya, si Celina na ang perpektong babae.Kinabukasan, pagdating niya sa opisina, agad niyang hinanap ang cellphone niya. Naguguluhan siya kung saan niya naiwan iyon, dahil alam niyang hindi siya umaalis nang wala ito."Sir," bati ng sekretarya niyang si Bree pagkapasok niya sa opisina. Tumango lang siya rito habang patuloy na kinakalkal ang mga drawer, umaasang aksidente niya lang itong nailagay doon."Yung cellphone n’yo, Sir," sabi ni Bree, kaya agad siyang napatingin dito. "Naiwan n’yo sa mesa ko nung isang araw at kahapon ng umaga ko lang nak
JeffersonNanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ganito lang siya kasimple. Sobra ba akong nag-isip? Hindi, nakita ko ‘yon sa mga mata niya, masaya siya tuwing gumagawa siya ng mga disenyo. Ang layout ng country club ay sobrang ganda. Nang mahimasmasan ako, sinundan ko siya. Una akong bumalik sa kwarto namin, pero nang hindi ko siya makita, bumaba ako sa dining hall. Buti na lang at naroon na siya, kumakain ng almusal. Pagkaupo ko, inilapag ni Susane ang isang plato sa harapan ko. Tahimik akong naghintay, sinubukang hanapan ng tiyempo ang sarili ko para makipag-usap sa kanya. “Huwag mo nang subukan. Ayoko makipag-usap. Gusto ko lang ng katahimikan,” diretsong sabi niya bago pa man ako makapagsalita. Napabuntong-hininga na lang ako at nagdesisyong hayaang lumipas muna ang inis niya. Sana pagbalik ko galing trabaho, sasalubungin na niya ako ng isang mainit at possessive na halik. Habang kumakain, narealize kong ito rin pala ‘yung mga pagkaing nakita kong tinatago nina Susane
Jefferson Kinaumagahan, nagising ako at agad na tumingin sa tabi ko sa kama pero wala si Celina. Napalinga ako sa paligid at tinawag siya, pero walang sagot. Kinabahan ako at dali-daling lumabas ng kwarto, nag-aalalang baka iniwan niya ako. Hinanap ko si Susane. "Nakita mo ba si Celina?" tanong ko. "Nasa study room," sagot niya. Agad akong nagmamadaling pumunta roon. Nakalock ang pinto, at hindi siya sumasagot kahit anong katok ko. Kinuha ko ang spare key at binuksan ito. Napatingin ako sa usual niyang pwesto sa office table at chair ko pero wala siya. Nandoon lang ang drawing tablet niya. Napansin ko na bukas ang pinto ng verandah kaya lumabas ako, at doon ko siya nakita. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Paglingon niya sa akin, sinamaan niya ako ng tingin bago muling bumalik sa pagpinta sa harap niya. Mukhang galit pa rin siya. "Maaga pa, kumain ka na ba?" tanong ko. Sinubukan kong gawing casual ang tono ko, pero pakiramdam ko hindi ako naging convincing. Kinakabahan ako na
Jefferson"Celina, please naman, ayusin na natin 'to. Ayokong matulog na galit ka sa’kin. Please, ‘wag mo namang palakihin ‘to," sabi ko, pilit na pinapalambot ang boses ko, pero hindi niya ako pinansin. Sa halip, bigla siyang tumayo mula sa kama, at matalim akong tinitigan, parang punyal na tumatarak sa dibdib ko ang tingin niya. "Akala mo pinalalaki ko lang ‘to?" Ang tinig niya’y puno ng hinanakit na ayaw ko sanang maramdaman niya para sa akin. "Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin," mabilis kong sagothabang pilit ko siyang inaabot upang mayakap ngunit mabilis din siyang umiwas. "Gusto ko lang pag-usapan natin ‘to. Masama ba ‘yon?" Tumawa siya, mapait at walang bahid ng saya. "Sige, ano? Ano’ng gusto mong sabihin?" Napalunok ako. "Gusto kong humingi ng tawad." Hindi niya ako sinagot agad. Tila sinusukat niya ang katapatan ko,halata naman din sa itsura niya na talagang nasasaktan siya. "At sa tingin mo, dahil lang sa isang sorry, magiging okay na lahat? Matutulog tayo nang parang wa
Jefferson Ang trip namin sa Miami ay naging sobrang laking tulong sa relasyon namin ni Celina. Para kaming nagkaroon ng bagong simula. Mas bukas, mas totoo. Pagbalik namin, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Mas mainit, mas matindi. Minsan, siya pa mismo ang nag-iinitiate, at gustong-gusto ko ‘yun. Wala nang awkwardness o pag-aalinlangan sa pagitan namin. Kapag magkasama kami, para kaming dalawang taong walang ibang mundo kundi ang isa’t isa. Kaya niyang makasabay sa akin at alam kong hindi lang ito tungkol sa pisikal na aspeto. Mas malaya na siyang magsalita, mas naipapahayag na niya ang nararamdaman niya, at gano’n din ako sa kanya. Hindi na namin kailangang magtago ng kahit ano. Habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas wild at creative ang mga lambingan namin, at mas lalo lang akong nae-excite sa kanya. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ito. Ang ganitong klase ng pagmamahal na may halong kasabikan, respeto, at matinding pagnanasa. Hinahayaan niya akong gawin ang gust