Unti-unti na kaming naghahanda para sa pangalawang kasal namin ni Aziel. Hindi naman ako nagmamadali pero siya itong atat na atat excited na pagpre-prepare dahil hindi pa man siya sigurado kung tatanggapin ko ang proposal niya ay mayroon na pala siyang nacontact na wedding coordinator.Gan'on siya ka-OA.Balak naming ganapin ang kasal sa mismong fifth wedding anniversary namin. Sinabi niya ring gusto niyang gawing enggrande iyon pero tinutulan ko agad. Nais kong maging exclusive lang iyon sa mga malalapit at mahal namin sa buhay. Hindi na naman kailangan ng media o sino-sino pang tao."Fine, baby. I'll let you decide for everything. Go whatever you want," he told me so my smile grew bigger.I clapped my hands happily as I giggled. Amusement danced in his eyes while staring at me lovingly."I love the childish and soft side of yours. Damn, it made me fall deeper to you," he whispered to my ears and tucked the strand of my hair behind my ears."Siguro sinasabi mo lang 'yan pero deep ins
"So far, ano pa lang ang nafa-finalize? Hmm?" he asked while gently combing my hair. Nakahiga siya sa kama habang ako nama'y nakadapa sa kaniyang dibdib. Malaya kong napakikinggan ang bilis ng pintig ng kaniyang puso. Natutuwa rin ako dahil sa tuwing nagsasalita siya ay parang nagvava-vibrate iyon. "Date pa lang. Sa next month pa iyong sched natin with wedding organizers pati na rin iyong cake testing," nakapikit kong sagot. "What about your gowns and my tuxedo? Saang bansa mo gustong magpagawa?" Umiling agad ako. "Hindi na. Si Ate Chantal na ang bahala riyan. Sabi niya na siya ang magde-design at gagawa ng lahat ng damit. Sabihan na lang daw natin siya kung kailan natin tayo may free time para magpasukat." Mas lalo pang lumakas ang hangin at ulan. Nawalan na rin ng kuryente kaya madilim na. Mayroon namang generator pero hindi na rin naman namin kailangan iyon dahil wala naman na kaming ibang ginagawa. Nagcu-cuddle lang kami habang pinag-uusapan ang mga ganap sa wedding hanggang
Naging maayos na ang panahon sa mga sumunod na araw at kinailangan niyang lumuwas ng Maynila para sa trabaho. Kinumbinsi niya akong sumama at hindi naman ako tumanggi.Naisip ko rin na gusto kong bisitahin ang mansion at si Manang Yeta. Gusto ko siyang personal na imbitahin para sa kasal namin ni Aziel at marami rin akong gustong ikwento sa kaniya. Bigla ko siyang namiss! Bigla kong namiss ang ingay ng Maynila!Sobrang excited ako kaso masama ang pakiramdam ko habang nasa biyahe kami. Hindi rin ako makausap nang maayos ni Aziel dahil palagi akong tulog. Sobrang selan din ng pang-amoy ko at naiirita ako sa tapang ng pabango niya.Grabe ang pagtitiis ko sa loob ng eroplano. Pigil na pigil ako sa pagbaliktad ng aking sikmura. Nang makababa kami sa airport ay nakaabang na roon ang isang itim na BMW ni Aziel. Naroon din sa likod ang isang SUV kung saan nag-aabang ang mga bodyguard niya na ABC.Yumuko sila sa amin para magbigay-galang at sila na rin ang nagpasok ng mga gamit sa sasakyan. Ma
"Masaya ako para sa inyo mga anak. Masaya akong sa kabila ng lahat, hindi ninyo sinukuan ang isa't isa," umiiyak na sabi sa amin ni Manang.Napalunok si Aziel at kumurap-kurap. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Mukhang naiiyak din pero pinipigilan lang.Hanggang sa huminahon na si Manang at nagpasya na siyang lumabas ng silid. Si Aziel naman ay dumiretso sa bathroom para ihanda ang pampaligo ko.Nakaupo lang ako sa kama nang makatanggap ako ng mahalagang text mula sa kapatid ko.From: Ate ChantalSend me a copy of your Certificate of Marriage. Need ko na ASAP.Sandali akong napatulala sa kawalan habang iniisip kung saan ko nga ba iyon inilagay pero wala akong maalala na may natanggap akong gan'on noong ikasal kami.Ipinagkibit balikat ko. Sabagay, hindi nga pala ako ang humahawak ng mahahalagang papeles. Miski nga identification card ko ay siya o sina Mommy Mel ang nag-aasikaso.To: Ate ChantalOkay. I'll send it to you tomorrow.Hindi na siya nagreply. Binitiwan ko n
I felt betrayed. I felt fucking betrayed for the second time around.Maraming tanong na gumugulo sa aking isipan pero hindi ako handa sa maaaring maging paliwanag niya. Pilit kong pinipigilan ang pagpupumiglas ng mga masasakit na salita. Gustuhin ko mang lumuha, pakiramdam ko'y hindi ko na magagawa pa.Ubos na ubos na. Sagad na sagad na. Pagod na pagod na. Gusto ko na lang maglaho na parang bula at kailanman ay hindi na magpakita.Kahit na nanginginig ang aking sistema, pinilit ko pa ring tumayo at maglakad pabalik sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.Sa totoo lang ay blangko ang aking isip sa mga oras na ito pero isang bagay lang ang malinaw sa akin, ayaw ko nang makita pa si Aziel o manatili pa rito.Mabilis kong dinampot ang aking maleta at sinikop lahat ng gamit sa loob niyon. Wala na akong panahon para ayusin pa dahil alam kong anumang oras ay dadating na si Aziel.Hindi ko na nadala pa ang ilang gamit. Mabuti na lang ay may pera rin akong inipon kaya hindi ko na kailangan pan
Muling umukit ang matamis na ngiti sa labi ng ginang bago ako ayain patungo sa sakayan ng tricycle. Habang nasa biyahe ay narinig niyang muli ang pagkalam ng aking sikmura."Hindi ka pa kumakain ng hapunan?" tanong niya sa akin."Hindi pa po." Umiling ako."Hayaan mo pagdating sa bahay, ipaghahanda kita. Sigurado akong gutom na gutom ka na."Sumilay ang sinserong ngiti sa aking labi. "Sobrang bait nyo po, Nay. Maraming salamat po."Matunog siyang ngumisi bago ikumpas ang isang kamay sa ere. "Tawagin mo na lang akong Victorina o puwede ring Vicky. At saka, wala iyon, ija. Puwede kang manatili sa bahay kahit gaano katagal o kung hanggang kailan mo gusto."Napakamot ako sa batok. "Ay nakakahiya naman po iyon!""Hindi, ano ka ba? Dalawa lang naman kami ng anak kong magkasama sa bahay. Madalas din siyang wala dahil sa trabaho kaya mag-isa lang ako," paliwanag niya."Hindi po ba nakakahiya naman iyon sa anak nyo?""Mabait iyon, ija. Huwag kang mag-alala," paninigurado niya at unti-unti nama
Masasabi kong sobrang bait ni Nanay Vicky dahil tinanggap at pinatuloy niya ako sa bahay nila na walang halong pag-aalinlangan. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ay sobra-sobra ang pag-aalagang ibinigay niya sa akin lalo pa't buntis ako.Sinamahan niya akong magpacheck-up kahapon sa isang center. Libre lamang iyon pero may bayad ang mga vitamins na ibinigay sa akin. Ako na ang bumili niyon dahil nakakahiya naman kung iaasa ko pa kay Nanay Vicky ang bagay na iyon."Ito, bumili ako ng prutas sa palengke kanina. Kainin mo dahil makakatulong sa iyo iyan." Inilapag niya sa lamesa ang isang plastic bag na punong-puno ng samo't saring masustansyang pagkain.Gabi na at kauuwi lamang niya galing sa pagtitinda sa bayan. Mabuti na lang ay nakapaghanda na ako ng pagkain para sa aming dalawa.Napakamot ako sa ulo dahil sa labis na hiya. "Nay, ang dami po nito. Baka po wala na kayong tinutubo sa mga paninda nyo," nahihiya kong saad at hindi makatingin sa kaniya.Nagpakawala siya ng isang malali
Mabilis na nangilid ang aking luha at bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Ayaw ko nang bumalik sa kaniya. Ayaw ko na siyang makita o makasama pero alam kong sa oras na matagpuan niya kung nasaan ako, wala na akong kawala."Hindi kita kilala pero malugod kitang tinanggap sa pamamahay ko. Maayos ang pagtrato namin sa iyo magmula nang dumating ka rito...""E-Elias..." Mariin kong ipinikit ang mga mata at marahas na umiling.Dinig ko ang malalim niyang buntonghininga. "Magsabi ka sa akin ng totoo. Iyon lang ang gusto ko. Sobrang maimpluwensya ng pamilya mo, Tria, at natatakot ako para kaligtasan ng Nanay ko.""I-I'm sorry." Iyon lang ang bukod tanging nasabi ko habang humahagulhol ng iyak.Mas mabuti ba kung umalis na lang ako rito para hindi na sila madamay? Paano kung may makakita sa akin dito at sapilitan akong kunin kapalit ng malaking halaga na inaalok ni Aziel?Masiyadong mabuti si Elias at Nanay Vicky para madamay sa gulo at problema kong ito."Wala akong sinasabi na
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang narar
I smiled at her. "Salamat pa rin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako mamumulat. Hindi ako magkakaroon ng tapang.""Thank yourself, then. I only gave you advice and it is still up to you if you're gonna listen or not, and fortunately, you did."Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatitig kay Asher na tumakbo na sa kaniyang ama at tinutulungan na siyang pumasok sa loob ng helicopter. Nilingon ako ni Aziel at sinenyasan na aalis na kami kaya umayos na ako ng tindig."I guess everything is settled now? Mauuna na akong umalis sa inyo. I have an important meeting in a few minutes," Anne said.She stood up straight, turned her back, and was ready to leave when I called her name again. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon."Anne... s-si Elias," I whispered, loud enough for her to hear.Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Akala ko nga ay wala na siyang balak pero nagulat ako nang sumagot siya."Don't worry about him. He's safe with me,"
"Mimi Ganda, what time po uuwi si Papa Pogi? Hindi pa po naka-ready mga clothes niya, eh," tanong ni Asher pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.Natigilan ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta at nagkatinginan kami ni Aziel. Nang ibalik ko ay ang tingin sa anak namin ay nakatunganga pa rin ito at nag-aabang ng sagot namin. Sinubukan kong ibuka ang bibig para magsalita pero wala akong mahanap na tamang kataga.Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya? Kapag nalaman niya, tiyak na iiyak siya nang sobra. Ayaw pa naman ni Aziel na umiiyak si Asher dahil naiiyak din siya."Uhm...""Papa, call mo na siya!""Anak..." I called him in a low voice as I bit my lower lip. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na siyang ginawa naman niya.Inalalayan siya ni Aziel na umakyat sa kama at umupo sa aking kandungan. Pansamantala muna naming binitawan ang aming ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa anak namin. Sasabihin namin sa kaniya ang totoo na hindi namin kasama si Elias at Nanay