"Cancel all my appointments for the next three days," usal ni Aziel habang nakikipag-usap sa sekretarya niya sa kabilang linya. Ang buong atensyon ay naroon pa rin sa pagmamaneho. "And to those papers who needed my signatures, just put them in my office. Ako na ang bahala roon pagbalik ko."Nanatili lamang akong nakatingin sa bintana habang pinakikinggan ang usapan nila. Sa totoo lamang ay kanina pa talaga ako hindi mapakali sa kinauupuan. Noong sinabi pa lang ni Aziel na uuwi kami sa probinsya nila ay grabe na ang pananabik na nararamdaman ko. Sa picture ko pa lang nakikita iyong mansion at hacienda nila roon. Sa tuwing umuuwi kasi siya ay siya lamang mag-isa o kung minsan naman ay ang mga magulang at kapatid na niya mismo ang lumuluwas dito sa Maynila.Muli kong sinulyapan si Aziel na ang kausap na ngayo'y ang kaibigan at kanang-kamay niyang si Louie. Nagkasalubong ang mga tingin namin kaya pinagtaasan niya ako ng kilay habang abala pa rin sa pakikinig sa kabilang linya."Are you hu
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili at naghintay roon sa waiting shed. Panay ang tahimik na pagtulo ng aking mga luha habang nakatitig sa kawalan. Sinubukan kong luminga-linga sa kabuuan ng lugar. Madalang ang pagdaan ng mga jeep at iba pang sasakyan. Balak ko nalang sanang sumakay ng bus pabalik sa Maynila pero ngayon ko lang din napansin na wala pala akong dalang kahit na ano.Lahat ng gamit, cellphone at wallet ay naiwan ko sa kotse ni Aziel. Napabuntonghininga ako at nawawalan ng pag-asang inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. What if hindi dumating si Louie? Or kung abutan pa siya ng dilim? Kung bukas na siya dumating? Paano na ako? Saan na ako pupulutin nito?Muli akong naiyak sa sobrang takot at inis. Sana lang talaga ay hindi na ako abutin pa ng dilim dito! Kapag may nangyari talagang masama sa akin, walang ibang dapat sisihin kundi si Aziel!Sa bawat minutong pumapatak ay patuloy akong nagdadasal na sana ay dumating na
Mukhang naunahan pa ako ni Aziel na magdahilan sa mga magulang niya. Nalaman ko kay Louie na kanina pa pala tumawag ang lalaking iyon sa Mommy niya na hindi kami matutuloy umuwi rito sa probinsya dahil bigla siyang nagkaroon ng mahalagang gagawin. Medyo tumaas pa nga raw ang presyon ni Daddy Carl dahil sayang naman daw ang hinandang mga pagkain para sa maliit na salusalo."Napansin ko lang na medyo pumapayat ka pala, Ija." Mommy Mel glanced at me from head to foot and shrugged her shoulders. "Nevermind. Maybe naninibago lang ako kasi halos isang taon din noong huling beses kita nakita!""By the way, tinatrato ka ba naman nang maayos ng anak ko?" dagdag na tanong niya.Marahas akong napalunok bago tumawa nang peke. Shit, hindi ko na alam ang sasabihin ko pa. Madali namang sumagot ng oo o hindi. Madaling tumango at umiling pero tila mayroong pumipigil sa akin. Ang hirap sumang-ayon at ang hirap ding dugtungan pa ang sinabi niya."H-Ha? Opo naman." Tumikhim ako upang alisin ang kaba sa d
Sa unang araw kong pananatili rito sa probinsya nina Aziel ay wala akong ibang ginawa kundi ang maglakwatsa kasama si Aia. Sa dinami-rami ba naman ng hekta-hektaryang lupain, plantasyon at property ng mga Navarro rito pa lang sa Quezon at Laguna, talagang kukulangin ang isang araw."You should try visiting our rest house in Sariaya, too, Chantria. Katatapos lang niyong gawin pero fully furnished na. Katulong din si Aziel sa pagdidisenyo roon, you'll like that for sure," ani Mommy Mel habang kumakain kami ng tanghalian.Ngumisi at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige po, My. Pero hindi siguro muna ngayon dahil sa isang araw na po ang birthday ni Daddy Carl. Gusto ko po sanang makatulong–""Ay no need, Ija! We already have a team for that!" putol niya sa sinasabi ko na sinegundahan naman ni Daddy Carl."Mel is right, Chantria. Mas mabuti pang habang nandito ka sa probinsya ay masulit mo talaga ang bawat araw. Mas relaxing ang view dito at sariwa pa ang hangin, hindi kagaya sa Ma
"Why did you bring her here, Kuya? Tanga ka ba?" walang prenong tanong ni Aia sa kaniyang kapatid habang naglalakad kami papuntang dining area.Sumunod din kasi sa amin si Aziel samantalang nasa likod namin si Mommy Mel, Daddy Carl at Anne na mabagal lamang ang paglalakad dahil masiyado pang libang sa muli nilang pagkikita.Aziel glared at her sister. "Don't talk to me like that, Aia. Baka nakakalimutan mong kuya mo ako."Tumigil sa paglalakad ang babae. Inilagay ang isang kamay sa dibdib na kunwari'y natatakot. "Ah talaga ba? Oo, alam kong kuya kita pero hindi ko pa rin babawiin iyong sinabi ko na tanga ka." Umirap siya at kumapit sa braso ko.Tumingin sa akin si Aziel pero umiwas ako ng tingin. As much as possible, ayaw ko na lang munang maging malapit sa kaniya ngayon. Parang anumang oras kasi ay bibigay na ang puso ko at lahat-lahat sa akin. At natatakot akong makapagbitiw ng salitang kahit kailan ay hindi ko na puwedeng bawiin. Baka makagawa na naman ng desisyong padalos-dalos at
Madalas akong tahimik at hindi lumalaban. Iniinda ang mga ibinabatong kataga. Pikit matang hinaharap ang lahat ng panghuhusga. Noon pa man, simula pagkabata, bukod tanging ina ko lang ang nagmamahal sa akin. Siya na bukod tanging nagpapasalamat dahil dumating ako sa buhay niya. Ako na kahit nabuo lamang sa isang pagkakamali, araw-araw pa rin akong itinuturing na himala, na pag-asa at sa lahat ng nangyari't pinagdaan niya, ako lamang ang tama.Ayaw ko mang maging bastos sa harapan ng mga magulang ng asawa ko, hindi ko na napigilan ang sarili. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananahimik at magpapasensya ako. Lahat ng bagay ay mayroong limitasyon. Wala na akong pakialam kung iisipin nilang bastos ako, na walang modo. Wala akong magagawa sa iisipin ng iba. Sabagay, may mga tao namang kahit wala ka pang ginagawa, masama ka na.Pero ang lahat ng ginagawa sa akin ng asawa ko ang siyang nagtutulak sa akin para maging ganito ako. Simula nang iwan ako ni Aziel sa hindi pamilyar na lugar na iyo
Hindi na malinaw kung paano ko inubos ang mga natitirang oras para sa araw na iyon. Buong gabi akong nagkulong sa guest room at doon umiyak nang umiyak. Ilang beses din akong sinubukang katukin ng nag-aalalang si Louie pero hindi ko siya pinagbuksan.Aziel's words and actions were confusing. Matapos niyang sabihin na mahal niya ako, bigla na lang sa sasabihin na gusto niyang maging malaya. . . at siyempre, sino ba naman ako para ipagdamot iyon sa kaniya?Tama na ang isang beses na naging makasarili ako. Tama na ang isang beses na gumawa ako ng maling desisyon at naging resulta rin ng pagkasira ng buhay ng ibang tao. Maaaring ngayon ay masiyado pa ring masakit at magulo sa parte ko pero umaasa akong darating ang araw na kaya ko na muling ngumiti at maging buo. Mahabang proseso pero kakayanin ko.Siguro'y ipagpapasalamat ko na lamang na hindi kami binigyan ng isang supling na biyaya dahil doble ang sakit sa akin kung mayroon na namang isang bata na hindi mabibigyan ng kumpletong pamilya
I may be a protagonist of my own story, but I was the villain for some. I was the one who inflicted the pain. I was the one who was the reason why they were suffering. I wasn't perfect. I made the wrong decisions. I made mistakes. I hurt people unintentionally or even intentionally.May mga bagay na sa kagustuhan kong agad na makuha, wala nang pakialam kung sino ang mabangga. Hindi na iniisip kung may masasaktan kaya. Kung may maaapektuhan ba. Dahil minsan, sa kagustuhan nating maging masaya, hindi na rin natin naiisip ang maaaring maramdaman ng iba.Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo dahil sa isiniwalat ni Anne. Ilang beses kong sinubukang ibuka ang bibig ngunit kataga na mismo ang harap-harapang bumigo. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang hiniling na sana'y nananaginip lang ako. Na sana'y hindi ito totoo. Na sana'y isang matinding kasinungalan lamang ang lahat ng ito. Sa pangalawang pagkakataon, gusto ko muling maging makasarili. Sana'y hindi na lamang niya sinabi."Y-You're
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang narar
I smiled at her. "Salamat pa rin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako mamumulat. Hindi ako magkakaroon ng tapang.""Thank yourself, then. I only gave you advice and it is still up to you if you're gonna listen or not, and fortunately, you did."Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatitig kay Asher na tumakbo na sa kaniyang ama at tinutulungan na siyang pumasok sa loob ng helicopter. Nilingon ako ni Aziel at sinenyasan na aalis na kami kaya umayos na ako ng tindig."I guess everything is settled now? Mauuna na akong umalis sa inyo. I have an important meeting in a few minutes," Anne said.She stood up straight, turned her back, and was ready to leave when I called her name again. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon."Anne... s-si Elias," I whispered, loud enough for her to hear.Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Akala ko nga ay wala na siyang balak pero nagulat ako nang sumagot siya."Don't worry about him. He's safe with me,"
"Mimi Ganda, what time po uuwi si Papa Pogi? Hindi pa po naka-ready mga clothes niya, eh," tanong ni Asher pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.Natigilan ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta at nagkatinginan kami ni Aziel. Nang ibalik ko ay ang tingin sa anak namin ay nakatunganga pa rin ito at nag-aabang ng sagot namin. Sinubukan kong ibuka ang bibig para magsalita pero wala akong mahanap na tamang kataga.Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya? Kapag nalaman niya, tiyak na iiyak siya nang sobra. Ayaw pa naman ni Aziel na umiiyak si Asher dahil naiiyak din siya."Uhm...""Papa, call mo na siya!""Anak..." I called him in a low voice as I bit my lower lip. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na siyang ginawa naman niya.Inalalayan siya ni Aziel na umakyat sa kama at umupo sa aking kandungan. Pansamantala muna naming binitawan ang aming ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa anak namin. Sasabihin namin sa kaniya ang totoo na hindi namin kasama si Elias at Nanay