“Pasensya ka na, hindi ko mapigilan hahaha.” Natatawa pa niyang saad.
“Hoy! Ako ba pinagtatawanan mo?” sigaw na sa amin nung babae.
“Paano mo nalaman? Hindi ka pala manhid? Hahaha” sagot ni Ate Joyce na mas lalong ikinatawa ng mga nakakarinig.
“Ate Joyce, ano ba.” pagpipigil ko sa kaniya.
“What?” maarte pa niyang tanong sa amin.
“Alam mo, hindi ka namin pinapakialamanan kung tatawa ka diyan o hindi tapos ako na tumawa napapansin mo. Huwag kang makikisabat sa usapan ng iba para hindi ka napapahiya. Hindi ka naman sigurado kung ikaw nga o hindi eh.” Napapikit na lamang ako dahil sa kamalditahan ni Ate Joyce. Rinig ko pa ang pagtawa ng mga ilan sa tabi namin ni Ate.
“Bakit ang papangit ng ugali ng mga empleyado mo Darren? Nagseselos yata sila sa akin dahil ako pa lang ang nakakasabay mong kumain.” Maarte pa niyang saad.
“Hoy! Anong ikaw—“ dinakot ko na ang pagkain ni Ate Joyce saka sunod sunod na isinubo sa kaniya. Nagsasalita siy
Kanina pa nagsasalita si Chairman sa harap para sa paglilipat niya ng posisyon kay Darren. Napapatikhim na lamang ako kapag nakikita ko si Darren at ang kababata niya. Nakikinig pa ba ang babaeng ito? kanina pa niya kasi kinukulit at kinakausap si Darren, alam niya na ngang may nagsasalita sa harapan.“Naiinis ka sa kaniya no?”“Yes! I mean no!” mahina kong pasigaw na saad kay Daddy ng ibulong niya sa akin iyun. “Ugh! Whatever Dad.” Saad ko sa kaniya dahil nakakaloko nanaman yung tingin niya sa akin. Nasa harapan ko silang dalawa kaya hindi ko maiwasang hindi sila makita. Bakit ba kasi anak na babae pa ni Mr. Moon ang ipinadala niya rito as representative niya? tsss. Simula ng dumating siya dito walang oras na hindi siya nakalingkis kay Darren.Itinuon ko naman na kay Chairman ang atensyon ko at pinakinggan na lamang ang ilang mga sinasabi niya hanggang sa si Darren na ang magsalita.“Go, baby.” kinikilig pa
Tinawagan ko naman ang number ni Chris, napasok na kasi siya simula noong lunes. Binigyan ko na rin siya ng cell phone niya para in case na kailangan niya ako ay mabilis niya akong makontak.“Hello Mommy!” masigla niya namang sagot sa kabilang linya.“How’s school baby?”“Okay naman po Mommy, mababait naman po yung mga bago kong kaklase. How about you po?” ang daldal niya talaga.“Okay lang naman ang Mommy baby, nagmeryenda ka na ba?”“Nagmemeryenda pa lang po Mommy.”“Dumiretso ka kaagad sa driver mo after school okay? Huwag na pumunta kung saan saan dahil hindi mo pa alam itong lugar na ito.”“Opo Mommy, don’t worry po.” Sagot niya naman.“Sige na baby, aral mabuti ha? huwag pasaway diyan.”“Opo Mommy. I love you po.”“I love you too,” sagot ko saka na ibinaba ang tawag. Hinarap ko
DARREN POV“Where are you going Darren?” tanong sa akin ni Nicole ng talikuran ko siya. Napatingin na lamang ako sa kamay niyang humawak sa kamay ko. Inalis ko naman iyun na ikinatingin niya sa akin.“She needs me, my wife needs me.”“What? Your wife?” hindi niya makapaniwalang tanong.“I already have a wife Nicole, Trina is my wife. I’m sorry pero hindi na kita maihahatid pa.” hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at tinalikuran na siya. Bumalik na ako at nakasalubong ko naman sila na papalabas na rin. Naikuyom ko na lamang ang kamao ko dahil buhat buhat ngayon ni Louie si Trina na parang bagong kasal. Walang sali-salita ko siyang kinuha kay Louie na ikinagulat ni Trina.“What are you doing?” kunot noong tanong sa akin ni Trina. Hindi ko naman siya pinansin.“I’m her husband, ako na ang bahala sa kaniya.” malamig kong wika kay Loui
“Hindi yun, wala akong balak na gawin yun.” Napalingon naman ako sa kaniya pero nakatingala pa rin siya, bahagya pa siyang napangiti saka bumuntong hininga. “Minahal ko si Trina kahit alam kong may asawa na siya, ako yung nandun sa mga panahon na lubog na lubog siya. Ako yung nasa tabi niya habang ikaw wala kang maalala sa kaniya. Sinubukan ko naman lahat para lang mahalin niya ako pero hindi pa rin naging sapat para mabaling ang pagmamahal niya sa akin. Gusto kitang makausap para sana hilingin sayo na hayaan mo muna ako, hayaan mo muna akong makasama siya sa loob ng maikling panahon. Gusto ko lang makasama na muna siya at si Chris, para ko ng anak si Chris dahil ako ang tumayong ama niya. Nandito ako nakikiusap sayo bilang lalaki, gusto ko muna siyang makasama at gawin ang mga bagay na ginagawa ko sa kaniya dati, gusto ko lang magpakaboyfriend sa kaniya kahit na wala namang kami.” tawa pa niyang saad, napalunok na lang ako ng kagatin niya ang pang-ibaba niyang labi at ang paglandas
TRINA’S POVIsang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi niya ako makilala diba? But how can he in love with me again, that fast? Ang pakiramdam na hindi ko naramdaman noon kay Louie ay nararamdaman ko kay Darren. It is even possible na mahulog kami uli sa isa’t isa sa magkaibang panahon?Well yeah, it’s really possible.“Mom, are you okay? Kanina pa po malalim ang iniisip mo. Lalamig na rin po yung pagkain.” Napatingin na lang ako sa kinakain ko na hindi ko pa pala nababawasan. Kararating lang din namin kagabi ni Chris galing Palawan. I just want to relax my body ganun na rin sa pag-iisip ko. Nagpaalam sa akin si Louie noong gabing yun na babalik na siya ng Paris. Masakit din pala na mawala siya sa akin, Louie is important to me. He love me so much at nasa akin talaga ang mali. Kung minahal ko man siya hindi ganun kalalim.Nginitian ko na lang ang anak ko ng kunot noo siyang nakatingin sa akin.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na siya ng office ko. Napahawak na lang ako sa bandang dibdib ko dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. Is he really serious? Masyadong biglaan ang mga lumalabas sa bibig niya kaya pati ako nabibigla at hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Napasandal na lang ako sa upuan ko ng mapansin ko ang isang vase ng bulaklak sa gilid ng table ko na ngayon ko lang napansin. Kinuha ko naman ang card sa ibabaw nun. “You’re beautiful than this flowers my wife. I love you.” Kahit walang pangalan alam kong siya ang nagbigay nito. Yeah, he’s serious, he’s really serious. Paano kung bumalik na yung ala-ala niya at nalilito lang pala siya sa akin? Why am I thinking this anyway? Kung magbago man ang isip niya wala na akong pakialam. Si Chris ang mahalaga sa akin, he’s enough for me. I don’t need any man in my life. Paglabas ko ng office ko ay sakto rin ng makita ko si Ate Joyce. “Ate,” tawag ko sa kani
“Sabihin mo sa akin kung saan ba siya bawal para alam ko kung anong ipapakain ko sa kaniya. I’m really sorry, I really didn’t know.” Hinahaplos niya ang kamay ni Chris at bakas sa mukha niya ang pagkalungkot. Hindi pa naman sila nagkakakilala masyado ni Chris dahil kailan lang naman sila nagkita at nagkakilala bilang mag-ama.“I understand, hindi mo naman kasalanan. Sa seafood lang naman siya bawal.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Simula ng idala namin sa hospital si Chris ay hindi pa umuuwi si Darren kaya ako na lang ang umuwi para manguha ng maisusuot at makakain niya. Ayaw niyang iwan ang anak namin.Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na hindi niya naman kasalanan pero pakiramdam niya kasalanan pa rin niya. Mahabang panahon din talaga ang sinayang ko sa kanilang dalawa. Totoo namang naghintay ako kay Darren, naghintay ako ng tawag o hudyat niya para pabalikin na ako ng Pilipinas pero walang dumating.
“Just remember that I’m here. Hindi ko kayo iiwan ng anak natin.” malambing niyang saad kaya bahagya akong ngumiti sa kaniya. Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang yakapin niya ako. I want to stay beside him, I want to be with him again but I don’t know how to start. “Handa akong ipakita at iparamdam sayo ang nararamdaman ko para sayo. I want you to feel that I’m sincere Trina. Bumalik man ang ala-ala ko o hindi walang magbabago sa nararamdaman ko.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. I hope so Darren pero hindi pa kita masasagot sa ngayon. Gusto ko na munang ihanda ang sarili ko sa lahat ng bagay, if I’m really ready to love you whole heartedly again no matter what happened. “Matulog na tayo, good night. I love you.” tanging tango at ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya. Nagtungo na siya sa sofa saka kinuha ang unan at kumot na gagamitin niya. “Don’t think too much, ako na lang isipin mo.” nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka natawa. Hindi ko al
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa