Maaga pa lamang ay dumiretso na ako sa training room ng mga models. Gusto ko pa rin silang makita sa pagprapractice nila. Nang makita nila ako umayos naman sila at nagbigay galang sa akin.
“Good morning.” Bati ko sa kanila.
“Good morning ma’am.” sagot din naman ng mga ito. Tiningnan ko naman silang lahat kung kompleto ba sila. Nagsalubong naman ang mga mata namin ni Ate Joyce at masama ang tingin niya sa akin, hindi ko naman na iyun pinansin pa.
“Magpahinga rin kayo, huwag niyo masyadong pagurin ang mga paa niyo lalo na at wala pa naman tayong nakaschedule na event.” Sambit ko sa mga ito.
“Yes ma’am.” sagot naman ng mga ito. Sinabi naman ng trainer nila na maupo muna sila at magpahinga. Tiningnan ko pa naman sila hanggang sa makaupo sila. Napatingin na lamang ako kay Ate Joyce ng lumapit siya sa akin.
“Ano pang ginagawa mo rito? hindi ka pa ba masaya na inalis mo ako sa title ko? ako dapat yun, ako dapat ang may suot ng dress na iyun hindi ang
“Oh right, I just think that maybe I need to say this to you.” saad niya saka muling nagpatuloy sa pagkain niya. Naalala ko namang kailangan kong makuha ang endorsement mula sa CEO ng Gu’s group. Ang alam ko ay binata pa ang Chinese na yun, hindi ko alam kung mahihirapan ba ako o hindi. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung paano siya makipag-negotiate. Bahala na, ang mahalaga ay makuha ko ang endorsement. Nang matapos kaming kumain at muli nanaman naming itinuon ang atensyon namin sa gawain namin. Saka lang kami mag-uusap kapag kailangan o related sa ginagawa naming dalawa. Mukhang balak talaga kaming pagurin ng chairman, hays. “Kung gusto mong matapos natin ito ng wala sa loob ng limang araw, kailangan nating ipagpatuloy ang paggawa hanggang alas syete ng gabi sa isang araw. If you agree with it.” “May magagawa pa ba ako?” pagtataray ko sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang pagtataray ko at muling itinuon ang atensyon sa gawain niya. Ano ba talagang
THIRD PERSON POV “Nabalitaan ko na hindi ganun kadali na mapapayag si Mr. Gu, marunong siyang magtagalog at ang alam ko ay mahilig siya sa dalaga. Alam mo na sa mga lalaki.” Saad ni Janet habang nag-aayos si Trina para sa welcome party ng Gu’s group. “Alam ko naman na hindi ka ganung klaseng babae Trina pero paano kapag may hiningi siya sayo na hindi naman na makatao?” nag-aalalang tanong saad ni Janet dito. Naalala niya naman si Joyce, nasabi ni Darren sa kaniya na siya ang muse niya dahil gusto siyang makita ni Mr. Gu. Ano rin bang kailangan ni Darren sa Chinese na yun? “Don’t worry Janet, pupunta ako dun bilang negosyante at hindi ko kailangang itaya ang katawan ko para lang makuha ko ang gusto ko pero gagawin ko ang makakaya ko para ibigay niya sa akin ang endorsement. Makikipag-usap ako sa kaniya bilang tao.” Wika naman ni Trina sa kaniya, rinig niya naman ang pagbuntong hininga ni Janet. Pinagpatuloy na lamang niya ang pag-aayos niya sa mukha n
“Kumain ka na ba?” rinig pa nilang tanong ni Lyndon kay Trina. Umiling naman sa kaniya ang dalaga, nagpaalam naman si Lyndon na kukuha lang ito ng makakain nilang dalawa kaya naiwan si Trina na kasama ni Darren at Joyce. “Magkakilala talaga kayo ng lalaking yun?” lumapit pa si Darren kay Trina habang nakasunod ang paningin sa kaaalis lang na si Lyndon. “Hmmm, matagal ko na siyang kilala.” Pormal niyang sagot saka muling uminom ng wine niya. Napatango na lamang si Darren. “Bakit hindi mo yata inaya ang top model mo rito?” singit naman ni Joyce. “Hindi naman na kailangan, ayaw kong gamitin ang top model ko para lamang sa mga dirty business.” Napataas naman ang kilay ni Joyce dahil dito. “May kailangan ka ba sa CEO ng Gu’s group?” tanong ni Darren kay Trina. “Hmm but none of your business.” Saad niya, ibinaba niya naman na ang wine glass niya sakto naman ang pagdating ni Lyndon saka ibinaba ang mga dala niyang pagkain. “Kumain ka
“Nasabi sa akin ng secretary ni Trina na balak din niyang makuha ang endorsement mula sa Gu’s group at sa tingin ko ay hindi maganda ang pinag-uusapan nila ngayon.” saad ni Nick habang pareho silang nakatingin sa pwesto nila Trina ngayon. “Hayaan mo siya.” simpleng sagot lang ni Darren. “Hayaan? Pero hindi mo ba nabalitaan kung paano siya makipagtransaction minsan lalo na kung kababaihan ang mga ipinapadala ng ibang kompanya?” “Alam ko, tingnan na lang natin kung anong kaya niyang gawin at kung paano niya makukuha ang kontrata mula sa Gu’s group ng hindi niya ibinibigay ang gusto ng Chinese na yan.” Seryosong saad ni Darren, mariin siyang nakatitig kay Trina na prente lang namang nakaupo sa sofa. Napapailing na lamang sa kaniya si Nick, nanlaki na lamang ang mga mata ni Nick ng makita niya ang mga dala-dala ng secretary ni intsik. “Anong balak niyang gawin?” nagtatakang tanong ni Nick habang nakatingin pa rin sa pwesto nila Trina. “I want you
TRINA POV Napahawak na lamang ako sa ulo ko dahil sa pumipintig ito. Sobrang sakit ng ulo ko, nanatili naman akong nakahiga sa kama at nakapikit pa ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi kapag gumalaw pa ako ay hahalukayin na ang sikmura ko. Hinila ko pa ang unan ko saka ko itinago ron ang mukha ko pero napakunot na lamang ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang amoy ng unan ko. Dahan dahan ko namang naimulat ang mga mata ko, muli akong napapikit dahil sumilaw sa akin ang sinag ng araw. Kailan pa ako nagkaroon ng bintana kung saan sisikat ang araw? Itinabing ko naman ang unan ko saka ko iminulat ang mga mata ko. Lalo akong nangunot dahil hindi pamilyar sa akin ang paligid ko. Inalala ko naman kung ano pang nangyari kagabi pagkatapos na ibigay sa akin ang kontrata. Kasama ko naman si Janet kaya bakit hindi ako nakauwi sa bahay ko? bakit nandito ako sa isang kwarto na hindi ko alam. Mabilis akong napabangon pero napadaing na lamang ng maramdaman ko ul
“Bakit mo ako hinayaan kay Darren?” tanong ko kay Janet kinabukasan, nandito na ako sa office ko sa kompanya ng mga Dela Vegas at kaharap nanaman ang tambak na mga papel na ito.“Magdamag at maghapon kayong magkasama, tama ba?”“Bakit mo nga ako ipinaubaya sa kaniya?”“Hindi naman sa ganun, iuuwi ka na sana namin ni Lyndon ng bigla ka niyang kunin kay Lyndon at buhatin na parang bagong kasal, sinabi niya na siya na raw ang mag-uuwi sayo, malay ko bang hindi ka pala sa bahay mo iniuwi. Hindi ka nakauwi ng maaga dahil sa hang over mo? pati si Darren ay hindi pumasok. Anong oras ka na ba nakauwi kahapon?”“I’m not sure, hapon na rin.”“Kung bakit mo naman kasi ininom lahat eh, hindi ka nag-iinom pero kung maka-oo ka akala mo ang lakas mo mag-inom.” Panenermon pa niya sa akin, napabuntong hininga na lamang ako. Nang matapos ko ang mga nasa harapa
Nang hawakan niya ang kamay ko at maingat na hinila ay para akong nakalutang sa hangin na naglalakad.“Darren,” rinig ko pang tawag ni Ate Joyce kay Darren pero hindi niya iyun pinansin. Hawak-hawak niya ang kamay ko at hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Bakit siya naniniwala kaagad? Nung unang sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyun ay sinabihan pa niya akong nagpapanggap akong lover niya. Pero bakit naniwala siya kaagad ngayong narinig lang naman niya kaming nag-uusap ni Ate Joyce.Namalayan ko na lamang na nandito na kami ngayon sa loob ng office niya. Tiningnan ko naman siya at nakatalikod siya sa akin habang nakaharap siya sa bintana niya. Ilang minuto pang nanaig ang katahimikan sa loob ng apat na sulok ng office niya. Napapahawak na lamang siya sa noo niya, hindi ko naman alam kung ano bang laman ng isip niya.“Bakit hindi mo sinabi sa akin? asawa kita?” parang hilaw pa niyang tanong sa akin. This time hinarap
Nang makauwi ako sa bahay ay pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa sofa. Inihilig ko naman ang batok ko sa sofa habang nakaharap ako sa kisame. Tama naman lahat ng sinabi ko sa kaniya, wala naman dapat siyang alalahanin dahil hindi niya naman ako maalala kaya paano pa niya maalala ang tungkol sa bagay na minahal niya ako? kung minahal nga ba niya ako noong panahon na yun.Hindi man lang ako kayang paniwalaan at pinili niyang ipadala na lang ako sa Paris para lamang hindi ko madungisan ang pangalan ng Dela Vegas group.“Nabalitaan ko yung nangyari kanina sa kompanya. Kinausap ka ba ni Darren tungkol sa bagay na yun?” tanong ni Janet saka siya naupo sa tapat kong sofa.“Tinanong niya syempre.”“Iyun lang ba? mabuti naman at naniwala sayo.” napahugot pa muna ako ng malalim na hininga bago ko siya sinagot.“Binuklat niya ang bag ko at nakita niya dun ang wedding ring naming dalawa. Nakita niya ang nakaukit na p
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa