Matapos ng trabaho nila ay nagtungo na sila ng cafeteria para makakain ng makasalubong niya ang kapatid niya.
“Pwede ba tayong mag-usap?” nakatingin lang naman sa kanila si Angel na kasama ni Trina.
“Ano pa bang pag-uusapan natin?”
“Gusto lang kitang makausap.” Hinarap naman na ni Trina si Angel at sinabi na sa susunod na lang sila sabay kumain. Lumabas naman si Trina at Joyce, may restaurant kasi malapit sa kompanya at dun sila kakain. Hinintay naman na muna nila ang mga order nila saka nag-umpisang magsalita si Trina.
“Ano bang dahilan ng pag-uusap nating dalawa?”
“About what you saw lately.”
“Then? What about it?” tila ba isang normal lang na tanong iyun sa kaniya. Wala kang mababakas na may interes siya sa pag-uusap. Wala man lang nagbago sa blangko niyang mukha.
“You saw us kissing, right?” parang nagmamalaki pa nitong saad. Tinusok naman na muna ni Trina ang ulam niyang karne saka isinubo at tiningnan ang kapatid.
“Alam mo ang sarap mo palang kasama.”rinig pa ni Darren na saad ni Lyndon dahil sa inis niya ay muli niyang pabagsak na isinarado ang pintuan. Pakialam niya ba kung nag-uusap silang dalawa? Pero kahit na sabihin niya sa sarili niyang wala siyang pakialam ay muli niyang naaalala ang dalawa habang masayang nag-uusap. Nakuyumos niya ang hawak niyang papel dahil aminado siyang naiinis na siya kay Lyndon. Alam niyang bilang lalaki ay iba ang paraan ng pagtitig nito kay Trina. Naisandal na lamang niya ang kaniyang ulo saka mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit anong focus ang gawin niya ay naiisip niya pa rin si Trina. Ano bang nangyayari? Wala naman siyang pagtingin dito. Gusto pa nga niyang hindi matuloy ang kasal nilang dalawa noon tapos ito lang ang mangyayari? No! That will never be happen! Hindi siya magkakagusto kay Trina, nainis lang siguro siya dahil sa ginawa ni Trina sa kaniya. Tama, yun lang yun. Hindi pa siya nahumaling sa isang babae ng ganun, minsan man siya
“Kamag-anak mo ang may-ari ng Martinez group?” tanong ni Trina kay Lyndon habang naglalakad silang dalawa patungong cafeteria. “Ganun na nga,” “Pero bakit mo mas piniling magtrabaho rito?” “Masyado kasing magulo ang pamilya namin. Nag-aagawan sa mga ari-arian kaya mas pinili naming mamuhay na lang ng simple at malayo sa gulo, naging sapat naman sa amin yung ipinamana ni Lolo. Walang nakakaalam ng pagkatao ko rito kaya pinagkakatiwalaan kita Trina.” Nakangiting saad ni Lyndon, napatango-tango naman sa kaniya si Trina. “Huwag kang mag-alala, hindi ako ganung klaseng tao. Mabuti na lang pala mas pinili niyo ang simpleng buhay lang, bakit nga ba kasi may mga taong nakikipagkompetensya sa sarili nilang pamilya.” “Yun din ang hindi ko maintindihan, let’s just not talk about it. Mas gusto kong matahimik ang buhay ko.” pumila naman na silang dalawa para makakain na. Kanina pa vibrate ng vibrate ang cell phone ni Trina pero hindi niya iyun napapansin d
“What are you doing here?” tanong pa ni Trina saka siya pumasok sa loob, sumunod naman sa kaniya si Darren. “Sinong kasama mo? where’s your car?” “Iniwan ko na sa kompanya dahil plat, hindi ko yun magagamit.” “So, saan ka sumakay?” tanong pa rin niya, napahinto naman sa paglalakad si Trina dahil sa mga tanong ni Darren sa kaniya. Bakit ba nagtatanong pa rin siya? “Why do you want to know?” “Dahil asawa kita? Kahit asawa lang kita sa papel ay asawa pa rin kita kaya karapatan kong magtanong kung sino ang mga nakakasama mo.” malumanay niya lang namang saad, napairap na lamang si Trina dahil dun. Pagod na siya sa maghapon kaya ayaw niya ng makipagtalo pa. “Si Lyndon, hinatid niya lang ako dahil plat nga yung gulong ko.” “Yung unggoy nanaman na yun? Why you didn’t call me then? Para nasundo kita o napasundo kita.” “What for? Nandito naman na ako saka malay ko bang nakauwi ka na pala.” Wika ni Trina, umakyat naman na siya sa
TRINA POV Maaga akong nagising, napangiti na lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Napapaisip pa rin sa pinag-usapan naming dalawa ni Darren. Akalain mong may nasa maayos din siyang pag-iisip minsan. Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko, simula ng ikasal kami ay iyun pa lamang ang maayos naming pag-uusap, iyun din yata ang pinakamatagal naming nagsama kami ng hindi kami nag-aaway. Napapailing na lang ako. Dumiretso naman na ako sa banyo para makaligo. Peace offering huh? Pasalamat ka at naisipan mo ring gawin yun baka hanggang ngayon naiinis pa rin ako dahil sa pangtritrip niya sa akin noong nakaraan. Malapit ko ng ibuhos sa kaniya yung kapeng pinatimpla niya sa akin eh. Matapos kong maligo ay bumaba na rin ako. Naabutan ko naman si Darren na nakaupo na sa upuan niya habang may hawak na dyaryo. Akala mo matanda para gawin yun, well it’s his trip anyway. “Sabay na tayong pumasok.” Napalingon na lang ako sa kaniya ng magsalita siya.
“You know, you’re interesting Trina. Masungit at matapang si Darren pero hindi natin maitatago ang itsura niya but you are different from other girls. Hindi ikaw yung tipong aagaw ng atensyon ng kalalakihan.” Komento pa ni Lyndon, bakit ko naman kasi gagawin yun? Hindi naman ako pinalaki ng kulang sa aruga. “You don’t like him?” “Hindi naman sa ganun, Boss pa rin kasi natin siya saka ayaw ko ng ganung gawain. Ang pangit kasing tingnan.” Sagot ko sa kaniya. Nanatili pa kami dito hanggang sa magtanghalian, bumalik na lang ako sa department namin saka pumasok sa office ni Darren. Nakatutok naman siya sa laptop niya pero may mga pagkain na ring nakahanda sa lamesa. Umupo naman na ako dun, hihintayin ko na lang siguro siya. Maya-maya ay tumayo na siya sa upuan niya saka naupo sa tapat ko. “Let’s eat.” Aniya sa malamig na tono, hindi ko naman na iyun pinansin pa kaya kumain na ako. Naiilang pa rin talaga ako sa kaniya lalo na kung hindi ako nagiging komportable sa
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa kwarto, rinig ko na lamang ang pagsipa niya sa isang pintuan. Para akong nalalasing sa paraan ng halik niya, ang paglaban ko sa mga halik niya kanina ay napunta sa paghalik ko sa kaniya pabalik. I circled my arm in his nape at tila pareho kaming uhaw sa halik ng bawat isa. Nalalasahan ko ang alak sa dila niya pero tila ang tamis ng panlasa ko. I don’t know what happened para bang may sariling isip ang katawan ko. Sinasabi ng isip kong tama na pero tila ayaw pumayag ng katawan ko. Naramdaman ko na lamang sa likod ko ang malambot na kama, patuloy lamang ang halikan naming dalawa hanggang sa bumaba ito sa leeg ko. Dahil sa ginagawa niya ay I moan. “D-Darren,” tila nahihirapan pa akong banggitin ang pangalan niya. “That’s right baby, just moan and call my name.” Saad pa niya sa mahinang boses. Gusto kong mahiya pero masyado na akong lunod dahil sa mga halik niya. We don’t love each other but what happened in just a blink of an
Isang oras pa akong nanatili sa banyo bago naisipang lumabas. Nabawasan naman na yung sakit na nararamdaman ko sa gitna ko at makakapaglakad na ako ng maayos. Naalala ko namang hindi ko tiningnan kanina kung may blood stain ba sa bed sheet ni Darren. Hindi pa kaya niya yun nakikita? Nakakahiya talaga. Lumabas naman na ako saka ako tumingin sa ibaba kung nandun ba siya pero wala siya, baka nasa garden. Dahan dahan ko namang binuksan ang kwarto niya saka pumasok pero napasandal na lang ako sa pintuan niya ng makita ko siya ron habang hawak hawak ang isang bed sheet. “What are you doing here?” malumanay niya namang tanong. Tiningnan ko ang isang bed sheet na nasa isang tray na at ang hawak niyang isa pa. “Don’t worry about this, ako ng bahala dito.” saad niya naman kaya mas lalo akong nahiya! Sana kainin na lang ako ng lupa! Ilang beses ba akong dapat mapahiya sa harapan niya mismo?! Ang malas ko naman oo, akala ko nasa labas siya nandito pala at nagpapalit ng bed sheet
Lumabas din ako kaagad ng tawagin niya ako, wala naman siyang ipapagawa kung bakit naman tinawag pa ako. Kabaliwan na lamang niya, ang dami kong gagawin dahil absent ako kaninang umaga, hindi niya naman ako katulad na Boss siya kaya kahit hindi niya tapusin ay ayos lang dahil marami siyang pwedeng utusan para tapusin iyun. “Anong sabi sayo ni Sir?” tanong nanaman ni Angel ng makaupo ako sa upuan ko. “Wala naman, may pinaayos lang siya sa akin tapos yun na. Mabilis naman kasing gawin eh.” Palusot ko kahit na wala akong ginawa, kita ko naman sa gilid ng mata ko na patango-tango na lamang si Angel. “Trina,” rinig kong tawag sa akin ni Lyndon kaya nilingon ko siya. “Come here,” anas niya naman, nandun kasi siya sa lamesa sa gilid. Tumayo naman ako saka ko siya nilapitan, tiningnan ko naman ang mga nagkalat na papel sa lamesa. “Ito yung mga guhit ko, yung iba luma na at ang iba ay nito ko lang ginawa. What do you think?” naupo naman ako sa upuan katabi niya
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa