“Pero Dad—“ hindi na natuloy ni Trina ang sasabihin niya ng putulin ito ng kaniyang ama.
“No more buts Trina! You and the only one uniko iho of Dela Vegas group are getting married. Don’t disappoint me.” saad ng kaniyang ama sa kaniya saka siya nito tinalikuran. Wala naman ng nagawa si Trina, inis niyang itinapon ang hawak hawak niyang unan sa sofa. Paano niya pakakasalan ang lalaking hindi man lang niya kilala, ang lalaking hindi man lang niya mahal. Ganun talaga siguro ang kapalaran niya dahil anak lang naman siya ng kaniyang ama sa labas. Lumabas naman na siya sa loob ng opisina ng kaniyang ama at nakasalubong niya naman ang kapatid niya.“Mukhang galit na galit nanaman sayo si Daddy, wala ka ng ginawa kundi ang ipahiya siya.” mataray na saad ng kaniyang ate, hindi niya naman ito pinansin at nilampasan saka pumasok sa loob ng kwarto. Simula ng kunin siya ng ama niya at itira sa pamamahay nito ay hindi na maganda ang relasyon nilang magkapatid. Hindi niya na lang minsan maiwasan na hindi maiyak sa tuwing naaalala ang yumao niyang ina. Apat na taon na simula ng mawala ang kaniyang ina pero tila parang kahapon lang ito nangyari para sa kaniya.Bakit ba kasi siya pa ang nakita ng kaniyang ama para ipagkasundo na ipakasal sa isa sa mga anak ng kanegosyo nito. Hindi naman nalulugi ang kompanya nila, mas lalo pa nga itong umunlad eh pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang makipagmerge ng kompanya nila sa kompanya ng mga Dela Vegas na hindi niya naman mga kilala. Hindi niya maintindihan ang kaniyang ama, bakit kailangan niyang ibigay na lang ng ganun kadali ang anak niya. Hindi ba ito natatakot sa maaaring mangyari sa kaniyang anak? Kung sabagay, sino nga ba siya para alalahanin kung apat na taon pa lang niyang nakakasama ang kaniyang ama. Labing dalawang taon pa lang siya para ikasal.Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo at napabuntong hininga.“Am I really going to marry a stranger? I can’t believe it.” Anas niya sa kaniyang sarili saka lumabas ng kwarto at nagtungo ng kusina para kumuha ng makakain. Hindi niya na sana papansinin ang ama niya pero napahinto na lang siya sa paglalakad ng magsalita ito.“Mag-ayos ka Trina, ipapahatid ko na lang sa kwarto mo ang dress na gagamitin mo mamaya.”“For what?” tanong nito ng hindi hinaharap ang ama.“We’re having a dinner with the Dela Vegas.” Napairap na lang siya, hindi niya na sinagot ang ama at dumiretso na siya sa fridge para magtingin ng makakain niya saka nagtungo ng pool para naman ilibang pansamantala ang sarili. Ano pa bang ibang paraan ang pwede niyang gawin para hindi matuloy ang kasal kasal na ito. Hindi niya na mabilang kung nakailang irap at buntong hininga na siya sa maghapon.“Ano ba kasing pinag-usapan niyo ni Daddy at may ibinigay pa siya sayong regalo?” sambit nanaman ng kaniyang kapatid.“Why don’t you ask him instead? Wala akong gana makipag-usap ngayon ate. Kung gusto mong mapunta sayo ang regalo na yun kung regalo nga bang matatawag, kausapin mo si Daddy at sabihin mong ikaw na lang.” Saad niya, masama namang tiningnan ni Joyce ang kapatid niya.“Huwag na, sayo na lang dahil kung hindi mo nagustuhan ang sinabi ni Daddy, alam ko ring hindi ko yun magugustuhan. Ayaw ko sa mundo ng negosyo, hindi ako nababagay dun dahil mas nababagay kapag ipinaparada ko ang kagandahan ko.” mataray nitong saad, hindi lang naman umimik si Trina dahil alam niya ang sinasabi ng kaniyang kapatid. Ayaw nito sa negosyo dahil mas gusto niyang maging model. Humiga naman na muna siya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Ano bang nagawa niya para gawin ito sa kaniya ng kaniyang ama?Nang magdapit hapon ay saka niya naisipang pumasok sa kwarto niya. Nakita niya naman ang isang box sa kaniyang kama na laman ay isang dress at maliit na kahon na ang laman naman ay heels. Hindi niya naman ito tiningnan, nilampasan niya na ito saka dumiretso sa banyo para makaligo. Ayaw pa naman ng kaniyang ama na pabagal bagal sa kilos, ewan nga ba, tingin niya yata sa kaniyang mga anak ay isang katulong na uutos-utusan sa lahat ng bagay kapag ginusto lang. Ibinabad niya ang kaniyang katawan sa tubig at hindi pa rin makapaniwalang mangyayari ito sa kaniyang buhay, ang akala niya kasi sa panahon ngayon ay hindi na iyun nag-eexist at sa palabas na lang iyun nangyayari. Hindi niya akalain na magiging biktima rin siya ng arrange marriage.Matapos niyang maligo ay lumabas na rin siya at binuksan ang box kung saan nakalagay ang isang magandang dress. Mapait siyang napangiti, simula kasi noong tumira siya sa pamamahay ng Daddy niya hindi siya nito niregaluhan kahit na anong bagay, palaging cash ang ibinibigay niya para kung may gusto itong bilhin ay iyun ang gagamitin niya. Hindi naman nagkulang sa pagbibigay sa kaniya ng pera ang kaniyang ama pero mas maganda pa rin yung kahit minsan lang ay bigyan siya nito ng isang bagay na siya mismo ang bumili. Tiningnan niya ang dress, simple pero napakaganda. Nilingon niya ang orasan at quarter to seven na kaya isinuot niya na ito saka naglagay na lang ng kaunting kolorete sa mukha. Simple lang ang ayos niya dahil kahit hindi naman na siya ayusan ay maganda na talaga siya, bagay na namana niya sa kaniyang ina.Kinuha niya naman ang heels, sa pagkakaalam niya ay may 5 inch itong taas. Hindi naman siya maliit pero iyun ang ibinigay ng kaniyang ama para bumagay sa suot nito. Nang matapos siya ay sinipat pa niya ang sarili sa harap ng salamin at malalim na bumuntong hininga.Mabilis namang binuksan ng kaniyang ama ang pintuan ng may magdoor bell dito.“Good evening Mr. and Mrs. Dela Vegas.” Nakangiti nitong bati, nabaling naman ang tingin niya sa binatang seryoso lang ang mukha.“Good evening too Mr. Montenegros.”“Come in, come in.” Saad nito, pumasok naman na sila pero hindi pa rin nalabas ng kwarto si Trina. Taka namang tiningnan ni Joyce kung sino ang mga bisita ng kaniyang ama kahit na gabi na. Nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata ng lumingon sa kaniya ang binatang kasama ng mga ito na si Darren. Mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang ina para magtanong.“Mom, hindi ba at si Darren Dela Vegas yun?” kinikilig niyang tanong sa kaniyang ina na nag-aayos din.“Hmm, why?”“Oh my God! For real? Bakit sila nandito?” tuwang tuwa niyang tanong, tiningnan naman siya ng ina ng nakataas ang isang kilay.“Sila nga yun at may pag-uusapan sila ng Daddy mo, bakit ba? Para kang kinikilig na hindi mo maunawaan. Ngayon mo lang ba yan nakita?”“Yes Mommy, sa magazine ko lang kasi palaging nakikita saka sa tv. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa bahay natin.” impit pa ang sigaw niya dahil sa nararamdamang kilig.“Do you like him?” mapang-asar na tanong ng kaniyang ina.“Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kaniya? ang lakas ng dating at ang gwapo pa tapos nag-iisang tagapagmana!” patuloy ang kilig na nararamdaman habang si Trina naman hindi na alam ang gagawin kung lalabas na ba siya o hindi pa. Kinakabahan kasi siy
Napahiga na lamang siya sa kaniyang higaan ng makauwi na ang mga Dela Vegas. Hindi naman siya masyadong nagsalita pero iba pa rin yung pakiramdam na mailagay ka sa hot seat. Parang medyo mabait naman ang binata na yun pero parang itinatago niya talaga yung nararamdaman niya. Para saan ang paglagay niya ng hipon sa pinggan niya kanina? Gusto niya ng hipon dahil isa sa mga paborito niya iyun, masyado ba siyang naging halata na gusto niyang manguha ng hipon?“Nakakahiya,” usal niyang saad sa kaniyang sarili. Natakpan na lamang niya ang kaniyang mukha ng unan dahil nahihiya pa rin siya hanggang ngayon dahil parang masyado siyang halata kanina para mapansin iyun ni Darren.“Ano? Kinikilig ka naman diyan?” napalingon na lang siya sa bandang pintuan niya ng magsalita ang kapatid niya kaya naupo siya sa kama.“No, para saan sana para kiligin ako?”“Dahil ikakasal ka na kay Darren, palagi akong natutuwa sa tuwing may ipina
“Katulad nito? Ganun ba? Nasabi ko man sa inyo ng mas maaga ay si Trina pa rin ang kakausapin ko. Pareho ko silang kwenekwento sa mga Dela Vegas but they finds Trina different from her sister. Hindi ko sinabi na ikwenento ko ang nakakahiya kay Joyce, sinabi ko lang na mas active ito sa labas kesa kay Trina na palaging nasa loob ng bahay. They like Trina for their son kahit na hindi pa nila ito nakikita, I told them too that Trina is my daughter from another woman but they don’t care about it kaya bakit mas nag-aalala kayo kesa sa mga magulang ng magiging groom?”“Pero kasi diba, hindi naman payag si Trina sa kasal na yan?”“Gusto man niya o hindi wala na kayong magagawa sa desisyon ko. Walang hilig si Joyce sa negosyo kesa kay Trina, tinanong din ako ng matandang Dela Vegas kung ano ang kinahihiligan nilang dalawa, ng malaman niyang mahilig sa drawing si Trina sa mga damit ay siya rin ang sinabi niyang ipagkasundo ko. Hindi lang ako
“Totoo po bang may relasyon kayong dalawa? Nagkikita po ba kayo ng palihim?” sunod sunod na tanong ng mga ilang paparazzi. Tumayo naman na si Darren saka nilapitan si Trina at hinawakan sa magkabilang balikat habang nakalagay sa ulo niya ang coat ni Darren. “Excuse me,” tanging saad ni Darren subalit hindi man lang ito sila mga umalis. “Damn it!” mahinang mura ni Darren dahil hindi na sila makaalis sa kinalalagyan nila. “Excuse me ma’am, naaabala niyo na po ang mga customers namin. Sa labas na lang po tayo kung maaari.” Nakikiusap na saad ng manager ng coffee shop, kumilos naman na rin ang ibang staff para palabasin ang mga paparazzi. Napaupo na lamang uli si Darren at Trina ng makalabas na ang mga paparazzi. “Look what happened.” Pigil ang inis niyang saad dahil tila mas lalong lumala ang nangyari dahil sa lihim nilang pagkikita. “Are you blaming me? alam mo namang nasa public place tayo Darren so don’t blame me. Ikaw ang namili ng lugar na i
“Congrats,” mapait niyang bati saka umalis na at pumasok sa kaniyang kwarto. “What did you do?” tanong ni Trina ng hindi tinitingnan si Darren. “Isipin mo na lang na ginawa ko ito para sayo, maybe we can plan this soon.” “Soon? Narinig mo ba kung anong sinabi nila? Ngayong buwan na magaganap yung kasal.” “There’s a divorce paper woman, do you get it?” saad nito, natahimik naman si Trina. Meron mang divorce paper pero hindi nila mababago na ikinasal nga silang dalawa. Napabuntong hininga na lamang si Trina dahil hindi niya naman makakausap ang kaniyang ama tungkol sa bagay na yun. “Yaya, bigyan mo sila ng meryenda. Iho, iha dun muna kayo sa garden para makapag-usap pa kayong dalawa.” Saad ng Daddy ni Trina, tumango na lamang silang dalawa saka sila nagtungo dun. “Ano pa bang pag-uusapan nating dalawa? Tapos naman na lahat, wala na tayong magagawa para ihinto ang kasal na ito. Gusto mo bang maging runaway bride ako?” tiningnan nama
“Nafinalize niyo na ba lahat ng gagamitin sa kasal niyong dalawa?” tanong ng Mommy ni Darren, nandito sila ngayon sa bahay nila Trina at muling pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. “Okay na Mom, right Trina?” baling ni Darren kay Trina na kumakain pa. “Ah opo, okay na po lahat.” sagot niya naman saka sinamaan ng tingin si Darren. Walang araw na hindi siya nito bwinisit. Nang matapos na kumain ng tanghalian ay nag-usap usap na lang uli sila sa sala. Sinabi naman lahat ni Trina ang mga napag-usapan nilang dalawa ni Darren. Sa buong linggo na yun ay naging abala ang lahat sa kasal. Napapagod na rin si Trina dahil bawat araw ay may kinakausap siya sa mga nag-aasikaso sa kasal nila dahil sa susunod na araw na iyun magaganap. “Nakakapagod,” usal niya saka sumakay sa kotse ni Darren. Isinandal niya naman na ang kaniyang likod saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Gusto niya na talagang matulog dahil kung saan saan sila nakakarating ni Darren sa pag-aasikaso sa
Hinarap naman na nila ang isa’t isa ng isusuot na nila ang mga singsing nila. They even exchange their vows at binalot ng palakpakan ang buong lugar. “You may now kiss the bride.” Anunsyo nito, hinarap naman na ni Darren si Trina at dahan dahan na inalis ang belo nito. Tinitigan niya si Trina, may make up man o wala ang dalaga ay maganda talaga ito. Naibaba na lamang niya ang kaniyang paningin sa labi ni Trina at tila sadyang inaakit siya nito. Dahan dahan niyang nailapit ang kaniyang mukha, naipikit na lamang ni Trina ang kaniyang mga mata. Hinalikan naman na ni Darren si Trina subalit sa gilid lamang iyun ng labi nito kaya napamulat siya kaagad. Ang akala niya talaga ay hahalikan siya ng binata, mabuti na lamang at sa gilid lamang iyun ng labi niya. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tuluyan ng naging isa ang dalawa. Nagsimula na silang kumain, naupo naman na silang dalawa sa pwesto na nasa harap pa rin. Kaunti lang naman ang nakain ni Trina kaya napalingon sa kaniya
Nakatingin naman ang ibang mga empleyado ng pumasok si Trina, bahagya lang siyang ngumiti dahil naiilang siya sa mga tingin ng mga ito. “Hindi ba at siya yung nakita na kasama ni Sir Darren? Hindi kaya totoo yung sinasabi na siya ang dinedate ni Sir?” rinig pa nitong bulong ng mga kababaihan, hindi niya naman na iyun pinansin. Dumiretso na siya sa opisina ni Darren. Naabutan niya naman itong abala sa laptop niya. “What? Do you need something? Hindi porket asawa kita ay labas masok ka na lang sa opisina ko, empleyado pa rin kita rito Trina.” Malamig nitong aniya. “I know, I just want to know kung saan mo ako ilalagay.” “Diyan ka na lang sa labas ng office ko para kapag pinatawag kita ay mabilis ka lang pumunta. And I want you to do another design for the upcoming show. Nakita ko yung mga design mo pero gusto kong gumawa ka pa ng iba, I will give you one week, is that enough?” tanong nito, napaisip naman si Trina kung kakayanin ba niya ang isang linggo
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa