Hello lovelies, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa aking akda. Ikalulugod ko na sana ay marinig ko ang inyong mga opinyon tungkol dito. Maari niyo rin po akong suportahan upang ma boost sa app ang aking akda sa pamamagitan ng pagbibigay ng rating sa aking libro. Malaking bagay na po sa akin iyon, maraming salamat po.
“Boss we are here,” narinig ni Jake na saad ng kanyang driver na si David. Tumango lang si Jake dito pero hindi siya natinag sa kinauupuan. Sa halip ay nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. Nasa kanto sila kung saan nila huling hinatid si Yesha. He doesn’t have the plan to go there, pero hindi siya mapakali. The last time he was with Yesha didn't end well. Actually, simula pa ng makita niyang muli ang dalaga noong unang araw ng pagpasok nito sa University ay hindi na siya talaga mapakali. Sa loob ng anim na taong lumipas ay hindi nawalay sa isipan niya ang dalaga. He still couldn’t forget that day when she came back in front of him again…Jake Mendellin couldn't believe his eyes. Akala niya ay aparisyon lang ang nakita niya sa may guard house. Papasok na ang kanyang sasakyan ng biglang naagaw ng atensyon niya ng babaeng kausap ng isa sa mga guwardiya. Akala niya ay namalikmata lang siya, nang bahagya mapalingon sa direksyon niya ang babae ay biglang
“Sweetie, are you alright?” sa wakas ay saad ni Jake sa batang babae ng mahanap na niya ang tinig at mabawi sa pagka-bigla. Hindi pa rin niya maikakaila ang kakaibang pag-kabog ng dibdib niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang batang nasa harapan niya na naka-tingin din sa kanya ng buong pagtataka. “I-I am fine,” bahagyang nahihiyang saad pa ng batang babae. Although she was slightly trembling she seemed fine and unharmed. “Thank goodness,” nasambit ni Jake. “B-but my bike,” maya-maya ay saad ng batang babae na bahagyang gumaralgal pa ang tinig ng makita ang tuluyang nasirang bisikleta. “Aya Mae! Your bike is not important, the good thing is you're fine! We should say sorry to the mister because we damage his car,” sikmat ng batang lalaki sa batang babae. Nang dahil sa sinabi ng batang lalaki ay lalong nalukot ang mukha ng batang babae at nagbabantang tumulo ang luha. “Don’t cry. Sweetie, your brother was just worried about you,” biglang saad ni Jake sa batang babae. I
“Oh my God! Children! Saan kayo nanggaling?” salubong sa kanila ni Tita Alice. Pulang-pula ang mukha ng matanda at punong-puno ng pag-aalala. “Yesha, Iha, I am so sorry. Hindi ko alam na lumabas ang dalawang bata. Nalingat lang ako saglit at di ko namalayan na lumabas na pala sila ng gate,” hinging paumanhin sa kanya ng tiyahin. “I was so afraid that something might hap–” bigla itong natigil sa pagsasalita ng makita nito si Jake na nakasunod sa likuran niya at karga-karga si Aya. Ang takot at pag-alala sa mukha nito ay napalitan ng pagtataka, habang nag-palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ng lalaki.“Don’t ask me questions yet, Tita. It’s a long story,” marahang saad niya sa tiyahin. “Come in…Jake. Let’s all go inside,” bahagyang nag-aalangang paanyaya ni Tita Alice sa lalaking tahimik na nakasunod lang sa kanila. Since he said that he will bring them back home ay walang kahit na anumang salitang namutawi sa bibig nito. Tahimik lang itong naka-sunod sa kanila ni Jasper.
Biglang nagising si Romualdo ng muli siyang dalahitin ng ubo. Habol-habol niya ang hininga, habang sa patuloy pa rin sa walang humpay na pag-ubo. Sobrang sakit na ng lalamunan niya at halos dinig niya na ang halak sa baga niya sa kau-ubo. Iniikot niya ang mga mata upang tingnan kung nasaan ang nurse na siyang nagbabantay sa kanya, pero hindi niya makita ni ang anino nito sa loob ng kwarto.Pinilit niyang tumayo ng higaan kahit hirap na hirap na siya. Maya’t-maya ang paghabol niya ng hininga habang dinadalahit pa rin ng ubo. Ang simpleng pag-bangon sa higaan ay parang isang napakalaking hamon sa kanya. Simula ng mangyari sa kanya ang aksidente ilang buwan na ang nakalipas ay hindi niya akalaing hanggang ngayon ay nakaratay pa rin siya.Hapong-hapo siyang sumandal sa headrest ng kanyang kama ng mapag-tagumpayan niyang makaupo. Muli siyang dinalahit ng ubo at pakiramdam niya ay mapuputulan na siya ng hininga. Pilit pa ring hinahagilap ng kanyang mga mata kung nasaan ang nurse na dapat ay
Biling-baliktad si Yesha sa higaan. Hindi siya makatulog sa kaiisip ng mga naganap kanina. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na ganoon kabilis matutuklasan ni Jake ang tungkol sa kanilang mga anak. She thought that she can still have time to prepare herself bago malaman ni Jake ang katotohanan. Akala niya lang pala iyon. Hindi niya maiwasang balikan ang mga naganap ng araw na iyon…Ilang minuto ang lumipas na walang kahit sino man sa kanila ni Jake ang nagsasalita, simula ng iwanan sila ni Tita Alice sa sala. Pareho nilang pinakikiramdaman ang isa’t-isa. “So…” saad ni Jake na siyang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanila, “do you have something to tell me?” seryosong tanong ng lalaki habang nakatitig sa mga mata ni Yesha.“What do you mean?” balik-tanong niya sa lalaki, hindi niya maiwasang tumaas ang isa niyang kilay.“About the kids? I thought they were…” Jake said trailing off his last sentence.“I lied okay. Yes, I lied!” agad na sagot niya dito. Kinastigo niya sa isip
Nagising si Yesha sa sinag ng naka-sisilaw na araw. Tumagilid siya at iniiwas ang mukha sa sapul ng liwanag na nanggagaling sa bintana. Parang ayaw pang mag-mulat ng kanyang mga mata. Antok na antok pa siya dahil sa halos wala pa siyang tulog. Napatingin siya sa alarm clock na nasa side table ng kanyang kama. Alas-otso na ng umaga. Naka-apat na oras lang yata siya ng tulog, hindi na nga niya namalayan na naka-tulugan na niya kagabi ang sinabi ng ama. Nang maalala ang ama ay agad siyang napabalikwas ng bangon. Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin siya sa pag-tawag nito sa kanya ng alanganing oras. She groaned when her head spin dahil sa biglaan niyang pag-bangon. Pinikit niya ang mata at bahagyang pinilig ang ulo upang iwaglit ang pagka-liyo na naramdaman.Nang sa tingin niya ay okay na siya ay saka siya dahan-dahang umalis ng kama upang gumayak. Pumunta siya ng banyo na nasa loob lang ng kanyang kwarto upang simulan ang kanyang morning routine. Matapos niyang makapag-hilamos at mag-
“Uncle Jake, are you our father?’ diretsong tanong ni Jasper kay Jake na kina-gitla nilang lahat. Hindi akalain ni Yesha na itatanong bigla iyon ng anak sa harapan nila. “Jasper!” saway niya sa bata. “Why, Mom? I am just curious. He seems like a nice man, and he cares about you and us a lot. Besides, I wanted him to be our father for real,” sagot ni Jasper sa kanya sa pagitan ng pag-nguya nito. Hindi malaman ni Yesha ang isasagot sa sinabi ng anak. Napa-tingin lang siya kay Jake at sa tiyahin. “Yeah, I would like Uncle Jake to be my Dad!” sang-ayon naman ni Aya sa sinabi ng kapatid. “Children, we will ask mommy again later after eating okay?” salo naman ni Tita Alice sa kanya. “Thank you, Tita,” she mouthed at her Aunt. Bahagyang tango lang ang sinagot nito sa kanya saka na nito ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ulit nangulit ang mga bata ng dahil sa sinabi ni Tita Alice. Dahil doon ay naging matiwasay ang kanilang agahan hanggang sa matapos. “Ok children, prepare yourself
Hindi mapakali si Yesha. Simula ng umalis si Jake ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Nang magpaalam ito sa kanya matapos na maka-usap nito ang kanyang ama ay hindi ito nagbigay ng kahit na anumang detalye sa kung ano ang pinag-usapan ng mga ito. Ang tanging huling sinabi nito sa kanya ay kailangan nitong ilabas sa sarili nitong mansyon ang kanyang Papa Romualdo. Kung bakit, ay wala siyang idea.Pilit na sumasagi sa kanyang isipan na may kaugnayan doon ang sinabi ng kanyang ama sa kanya noong bumisita siya rito kahapon.“What does my father mean ng sabihin nito sa akin na hindi aksidente ang nangyari dito? Ano ang ibig niyang ipahiwatig? Sinadya ba ang pagkakabangga ng kanyang sasakyan kaya nasa ganoon siyang kalagayan ngayon?” hindi na alam ni Yesha ang iisipin. Hindi niya magawa na pumirme sa isang pwesto. Sa halip ay kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa loob ng kanyang kwarto.Bago umalis si Jake ay naghabilin ito sa dalawang bodyguard na ini-assign nito para sa dalaw
Kakaba-kaba si Jake habang naghihintay sa harapan ng altar. Maya't maya ang pagpupunas niya ng gitla-gitlang pawis sa kanyang noo at leeg. Para siyang nilalamig na mai-ihi na ewan. Halo-halo na ang emosyong kanyang nararamdaman. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa suot na relo. Fifteen minutes na lang naman at magsisimula na ang seremonya, pero parang feeling niya ay napakatagal tumakbo ng oras.He seemed like a supermodel sa suot niyang ternong tuxedo na kulay dark blue at mayroong panloob na kulay cream na long-sleeved shirt, may pares din itong patterned blue na necktie na lalong nakapagbigay ng pormal na aura sa kanya. His hair was styled in slickback side part, na lalong bumagay sa kanyang squared-shaped na mukha. Lalong naging matikas ang kanyang dating na taliwas naman sa kanyang kabang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung marami man ang humahanga sa kanya, iisang tao lang ang gusto niyang ma-impress sa kanya ngayon, and he is waiting for her like forever.Ito ang araw na pina
It has been three days since the accident happened, and still, Yesha is not waking up. The doctor said that she is already stable, at malayo na sa kapahamakan, but maybe because of the trauma on her head, kaya hindi pa rin siya nagigising. Ini-assure naman si Jake ng mga doctor na walang dapat ikabahala kahit na nasa state of coma pa si Yesha, malalaman lamang kung may komplikasyon ito kung sakaling magising na ang babae. Jake never left Yesha's side during those days, ayaw niyang umalis dahil gusto niyang pagkagising ng babae ay nandoon siya sa tabi nito. Even for a few seconds, ay hindi niya nilisan ang tabi ng dalaga. He put her in the suite room at the top floor of the Mendellin Hospital. Kung saan mas mabilis ang access nito sa lahat ng facilities ng hospital. She was attended by the best of the best in the medical industry. Pero magka-gayunman ay hindi pa rin magawang maniwala ni Jake sa mga ito na okay na si Yesha at ligtas na sa kapahamakan. Jake wanted to see her open her ey
“Magandang hapon po, Sir,” agad na bati ng mga nakaka-salubong ni Jake na empleyado ng University. Halos lahat ng mga tauhan at professor na nadadaanan niya ay nagkukusang gumilid at yumuyukod bilang pagbati sa kanya. Ilag ang mga ito sa kanya, pero hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang tingnan siya ng buong paghanga at kuryusidad. Hindi niya naman masisisi ang mga ito, dahil hindi naman siya araw-araw nakikita ng mga ito na naglalakad sa loob ng University. Bagama't nag-oopisina siya doon ay madalang siyang makita ng mga ito na nasa labas ng kanyang opisina o nakiki-salamuha sa mga empleyado. Kapag napunta siya ng University ay madalas sa private elevator niya siya dumadaan at sa private parking lot naman na nakalaan para lang talaga sa kanya, si David naghihintay sa lumabas kapag uuwi na siya. Kaya naman parang isang napakalaking oportunidad para sa mga empleyado na makita siya ngayong araw na naglalakad mula sa kanyang opisina patungo sa gate papuntang labasan. Wala ni isa man sa m
Kasalukuyang nagla-log out si Yesha ng lumapit sa kanya si Bret. Bahagya lang niyang sinulyapan ang lalaki. Nang matapos siyang mag log out ay ito naman ang sumunod. Kapansin-pansin ang hindi nito pag-imik at parang napaka-lalim ng iniisip. “Is there something wrong?” kapagdaka ay hindi napigilan ni Yesha na tanungin ang lalaki.“Huh?” saad nito sa kanya, mukhang nagulat pa ito ng magsalita siya.“You seemed out of yourself lately. May dinaramdam ka ba?” tanong muli ni Yesha dito. Hindi na niya napigilan ang sariling mag-usisa kay Bret, dahil halos ilang araw na niyang napapansin na parang may bumabagabag dito. She saw kung paanong lagi na lang nitong pinagse-self study ang mga estudyante nito, dahil hindi ito makapag-focus sa pagtuturo. His mind seemed elsewhere, parang lagi itong lutang. Hindi ito ang usual na Bret na nakilala niya. He was usually a jolly and fun guy, kaya kataka-taka para kay Yesha ang biglang pananahimik nito, at pagkawala ng pagka-kulit nito.“I-I am fine,” sag
Claire was lurking in the shadows. Bagamat may suot siyang wig ay pilit pa rin niyang itinatago ang mukha upang hindi siya makilala ng mga taong dumadaan. After all, mas sikat siya ngayon kesa noong siya pa ang mukha ng Valdez Clothing Line. Her face was on the most wanted person’s lists. Silang dalawang mag-ina, kung hindi lang dahil sa tulong ng kanyang lover na si Bret ay malamang wala silang maayos na mapag-tataguan.Being at the house the whole day makes her suffocated. Hindi din nakakatulong ang pagta-tantrum ng kanyang ina. Ang dating well composed na imahe nito at ang sharp na utak upang makapag-isip ng plano ay bigla na lang nag-laho. Her mom was like a kid these days, always whining.Their assets were all frozen, mula sa credit cards niya hanggang sa kanyang savings sa banko. Ang condo unit niya at apartment na nabili nung nasa poder pa sila ng kanyang Papa Romualdo ay naka-lock din. May mga mata ng pulis ding nakabantay sa lugar, kaya wala silang ibang matuluyan kundi sa ma
Unang araw ng paglabas ni Don Romualdo sa ospital. Jake made sure that everything was alright kahit na hindi ito kasama ni Yesha upang sunduin ang ama.Hindi katulad ng unang kita ni Yesha sa ama, ngayon ay mas malakas at mas masigla na ito. Don Romualdo can walk on his own now. Hindi na nito kailangang gumamit ng wheelchair at ng oxygen tank to help him breath. Malayong-malayo na ang itsura nito kesa noon. He looked the same as Yesha remembered him, before the accident happened. Although, medyo payat pa rin ito, pero mas maaliwalas na ang aura nito. “Are you going to stay with me at the house, sweetheart?” tanong ni Don Romualdo kay Yesha habang lulan sila ng sasakyan pauwi sa mansion nito sa Forbes. “The house is too big for me to live alone there,” saad pa nito.“I will, Pa. I need to prepare some arrangements first,” pahayag niya sa ama. “I need to talk with Tita Alice and Ben too, para mag-paalam sa kanila ng maayos,” paliwanag pa niya.“Thank you, anak. Even though I am a failu
Jake was sitting quietly at the balcony ng kwartong ginamit nila ni Yesha. Nag-timpla siya ng kape bago lumabas doon. The truth is ayaw pa sana niyang bumangon at iwan ang napaka-gandang nilalang na natutulog sa kama. He keeps staring at Yesha’s sleeping form, and wondering how lucky he is, seeing her in this vulnerable and beautiful state. She was sleeping soundly, bahagya pa ngang naka-nganga ang labi nito. Habang nakatitig sa labi nito ay muling sumagi sa isipan niya ang matamis at mapangahas na halik na pinagsaluhan nila kagabi. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay hindi niya alam kung hanggang saan sila napunta.He groaned lightly, and shook his head to let out the naughty thoughts that were starting to form in his mind. Bahagyang gumalaw ang dalaga at dahil doon ay tumambad sa kanya ang napaka-kinis na balikat nito. His eyes automatically travelled to the bare skin that was exposed in his eyes, nahinto iyon sa may puno ng dibdib ng dalaga na bahagyang naka-labas din dahil sa
“Love wake up, we are here,” banayad na tinig ang bahagyang naririnig ni Yesha na pumupukaw sa diwa niya. Umungol lang siya pero hindi niya minulat ang mga mata. Ayaw pa niyang gumising dahil napakaganda ng panaginip niya. Inayos pa niya ang sarili sa pagkakasandal hanggang sa maging komportable siya. “Love, kapag hindi ka pa gigising bubuhatin na kita,” saad ni Jake malapit sa tenga ni Yesha. He slightly chuckled dahil tanging ungol lang ang isinagot dito ni Yesha habang inayos pa ang sarili sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki.Sa naalimpungatan na diwa ni Yesha ay narinig niya ang binulong ni Jake sa kanya. Nang dahil doon ay bigla siyang napa-dilat. Her mind was haze with sleepiness, kaya hindi niya mawari kung ano ang unang nakita niya. When her foggy eyes cleared ay bigla siyang napa-upo ng maayos ng ma-realize niyang ang side view ng magandang mukha ni Jake ang nakikita niya. Saka lang niya napag-tantong nakasandal pala siya sa balikat ni Jake. Biglang namula ang mukha ni Yes
Lumipas ang mga araw at linggo na walang naging balita ang lahat lalong-lalo na ang mga kapulisan kung saan nag-tago ang mag-inang Clarisse at Claire. Walang mahagilap na trace ang mga pulis kung saan ang mga ito matatagpuan. Naglaho na lang ang mga ito bigla na parang bula. Ayon naman sa mga pulis ay siguradong hindi makakalabas ng bansa ang mag-ina, dahil sa mayroon ang mga itong hold departure order na isinampa din ni Jake upang masiguro na mahuhuli ang mga ito, at hindi makapunta sa ibang bansa.Sa kabilang banda naman ay naging mabilis ang pag-galing ni Don Romualdo. In a few days ay muling bumalik ang sigla nito at unti-unting nakakabawi ang kalusugan sa gabay na rin ng mga health experts ng hospital ni Jake. Meron na rin itong sariling bodyguard at private nurse na si Jake mismo ang nag-rekomenda. Napagpasyahan ni Yesha na kapag tuluyang gumaling na ang ama ay ipakikilala niya ito sa mga anak. She didn’t told her father yet about the kids, naghihintay siya ng tamang panahon u