Hello lovelies, thank you sa matiyagang paghihintay. Sana po ay mag-iwan kayo ng ratings o comment upang malaman ko kung inyong nagugustuhan ang kwento. Maraming salamat po sa pagbabasa.
Being with Jake in a car, makes Yesha’s heart thump loudly on her chest. Hindi maipagkakaila ang kabang kanyang nadarama. Lalo na at ramdam niya ang mga titig nito sa kanya. Hindi niya matandaan kung paano siya napapayag nitong sumama sa opisina nito. One thing is for sure, hindi siya uuwi sa apartment na tinutuluyan nila ng pinsan niyang si Ben hanggat hindi niya nasasabi dito ang tungkol sa kanyang dinadala. She was surprised ng tumawag pa ito ng driver upang sunduin sila at ihatid sa opisina nito, gayong napakalapit lang naman ng opisina nito mula sa cafe kung saan sila nandoon. Maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan pero hindi niya magawa na itanong sa lalaki ang mga iyon. Nauunahan siya ng hiya at kaba. “It’s his decision, wala akong karapatan na mag-question sa kung anumang desisyon ang gagawin niya,” saad niya sa kanyang sarili. “What if kung nandoon pa si Claire?” tanong niya sa kanyang sarili, “bahala na.” dugtong saad niya. Wala silang imikang dalawa habang n
Malalim na ang gabi pero gising na gising pa din ang diwa ni Yesha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging resulta ng pag-punta niya sa opisina ni Jake. Maraming nangyari sa kanya ng araw na iyon pero hindi niya in-expect ang kinalabasan. Her mind wander to what happened between them sa pagpayag niya sa pagsama dito sa opisina nito. ***** The event that happened between them sa loob ng elevator ay nanatiling nakatatak sa isip ni Yesha. Nang nasa loob na sila ng opisina ni Jake ay hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita. Iniikot niya ang mga mata sa kabuuan ng opisina ni Jake. Sanay siyang makakita ng luxurious na opisina, pero just like the elevator, Jake’s office was one of a kind. Modern and elegant, yun ang theme ng opisina nito. It was simple on its own, dahil sa minimalistic color design nito na black and white, pero hindi naka-bawas iyon sa kaelegantehan ng opisina. Lalo na at nasa top floor ito ng pinakamataas na building sa buong Maynila. Kitang-kita
“Princess, gising ka na ba?” narinig ni Yesha na tawag sa kanya ng pinsan niyang si Ben. Kumatok pa ito sa pintuan niya ng ilang beses. “Pwede ba akong pumasok?” muling saad nito sa harap ng pintuan ng kwartong ginagamit niya. Kasalukuyan pa ring nasa Maynila sila at nakiki-panuluyan sa apartment ng kaibigan ni Ben. Laking pasasalamat ni Yesha na wala pa ang pinsan niyang si Ben ng ihatid siya doon ni Jake kahapon. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa pinsan ang katotohanan sa pagitan nila ng isang Jake Mendellin. Bagamat sinabi ni Jake sa kanya na a-ayusin nito ang lahat at itutuwid nito ang maling naging simula nila, ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa isipin na ipakikilala niya ito sa kanyang Tita Alice at Kay Ben. Nangako ito na pupuntahan siya nito ulit upang kausapin ang kanyang pinsan, kaya alam ni Yesha na kailangan na niyang ipaalam kay Ben ang katotohanan hanggat wala pa si Jake.. “Princess?” narinig niyang muling tawag ni Ben sa kanya using the endearment na
“Good morning boss,” hindi naikaila sa mukha ni Karen ang gulat ng makita si Jake na lumabas ng elevator. “Good morning, Karen,” nakangiting bati naman ni Jake sa sekretarya. Tinanguan niya ang sekretarya saka dire-diretso ng pumasok sa kanyang opisina. Agad namang kinuha ni Karen ang memo pad sa kanyang desk at ini-open ang mga schedule ni Jake sa ipad para sa araw na iyon. Pagkalabas niya ng kanyang cubicle ay nakasalubong pa niya ang driver/bodyguard nitong si David na patungo din sa opisina ni Jake habang may bitbit-bitbit na mga papeles at bag. Mga trabaho marahil iyon na ini-uwi ni Jake sa bahay nito. “Ang aga naman ni Boss, halos kararating ko lang din at hindi pa ko nakakapag-ready for the day,” saad ni Karen kay David habang sabay silang naglalakad patungo sa opisina ni Jake. “Kahit nga ako nagulat din ng tumawag siya ng maaga, buti nga at gising na ako ng tumawag siya,” sagot naman ni David kay Karen. “Nasa mood ba?” tanong ni Karen sa lalaki. “Mukhang maganda naman an
Napaatras si Jake at naliyo ng dahil sa suntok na tinamo. Nagdilim ang kanyang paningin, hindi niya maiwasang gumewang ng dahil sa pagka-liyo. Narinig niya ang boses ni Yesha na sumigaw at tinawag ang pangalan niya. Dinig niya ang pag-aalala sa boses nito. Nagkaroon din ng bahagyang komosyon sa paligid niya. “Stop it! David! Ben!” narinig niyang mariing sigaw ni Yesha at tinawag ang pangalan ng driver niya at ng isang lalaki na nagngangalang Ben. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang malambot na kamay na dumalo sa kanya. “Jake, are you alright?” isang malamyos pero nag-aalalang tinig ang narinig niya kasunod ng pag-dalo ng babae sa kanya. Marahan niyang ipinilig ang ulo upang bahagyang mawala ang kanyang pagka-liyo. “I am fine, don’t worry. I’ll live,” pinilit niyang ngumiti kay Yesha kahit na naliliyo pa siya upang ibsan ang pag-aalalang nadarama nito. “Nagawa mo pang mag-joke,” saad nito sa kanya sabay hampas sa mga braso niya. “You are bleeding,” muling sambit nito, “come inside
“Yesha, Iha. Anong ginagawa mo dyan sa balkonahe?” narinig ni Yesha na tanong sa kanya ng kanyang Tita Alice. Magda-dapit-hapon noon at kasalukuyan siyang nagpapalipas ng oras sa balkonahe. “Nagpapa-hangin lang po, Tita,” sagot niya sa matandang babae. Lumapit ito sa kanya at naupo sa katabing bangko niya, saka mariin siyang tiningnan. “Mukhang napakalalim ng iniisip mo anak,” kapag-daka ay saad ng matandang babae sa kanya. “Hindi naman po gaano, Tita. Naisip ko lang po na napakarami ng nangyari nitong mga nakaraang buwan. Parang ngayon ko lang po naramdaman ang ganitong katahimikan,” saad niya sa tiyahin. “It’s good to know that you were already having a peace of mind, Iha. Napakalaking bagay din ang pagsasabi mo ng katotohanan sa ama ng iyong mga anak,” saad naman ng kanyang Tita Alice sa kanya. “Speaking of the father of your children,” dagdag saad nito, saka may ininguso sa hindi kalayuan. Tiningnan ni Yesha ang direksyon ng itinuturo ng kanyang Tita Alice. She saw Jake Mend
“Yesha, Iha, nandiyan na si Sir Jake,” anunsyo sa kanya ni Manang Ester. Kasalukuyan siya noong nasa hardin at nagsi-siesta. Nakahiga siya sa yantok na duyan habang nagbabasa ng libro at nagpapa-antok. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang antukin at mas gusto pa niyang manatili sa bahay upang matulog. “Salamat po, Manang. Pakisabi po sa kanya na nandito ako sa likod-bahay,” saad niya sa matandang kasambahay. Agad na tumango ang matanda saka ito muli nang bumalik sa loob ng bahay. Sinundan pa ni Yesha ng tingin ang matandang babae hanggang sa tuluyan itong makapasok sa loob. Muling pinag-patuloy ni Yesha ang pagbabasa ng librong hawak. It was a horror-romance novel titled 'Ang Babaeng Mahiwaga' written by her favorite author Itchay. Gustong-gusto niyang basahin ang mga akda nito lalong-lalo na ang mga fantasy novel. Malamig ang simoy ng sariwang hangin at nalililiman siya ng mga dahon ng punong mangga kung saan nakakabit ang tali ng duyang yantok na kanyang kinahi-higaan. Malawak
Kasalukuyang naghahanda si Yesha ng kanyang sarili upang umattend sa celebration party ni Mike ng may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. “Pasok, bukas po yan,” tawag niya sa kung sinumang kumakatok. “Yesha, Iha, may delivery kang dumating,” bungad sa kanya ni Manang Ester ng pumasok ito ng kwarto, habang tangan-tangan nito ang isang may kalakihang kahon sa dalawang kamay. “Naku, ano po iyan, Manang? Kanino daw po galing?” tanong niya sa matandang babaeng kasama nila sa bahay. “Inihatid ito ngayon-ngayon lang ng driver ni Sir Jake. Habilin niya ay ito daw ang suutin mo ngayon pagpunta sa kasiyahan,” saad ni Manang Ester sa kanya. “May mga damit pa naman po akong susuutin. Ano na naman kaya itong pinadala ni Jake,” saad niya sa matanda. Saka tinulungan ito sa pag-lapag ng kahong bitbit sa kanyang kama. Agad niyang binuksan ang kahon. Bumungad sa kanya ang isang kulay royal blue na evening gown. “Wow, napakaganda naman nitong gown na ito, Iha,” humahangang sambit ni Manang Est
Kakaba-kaba si Jake habang naghihintay sa harapan ng altar. Maya't maya ang pagpupunas niya ng gitla-gitlang pawis sa kanyang noo at leeg. Para siyang nilalamig na mai-ihi na ewan. Halo-halo na ang emosyong kanyang nararamdaman. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa suot na relo. Fifteen minutes na lang naman at magsisimula na ang seremonya, pero parang feeling niya ay napakatagal tumakbo ng oras.He seemed like a supermodel sa suot niyang ternong tuxedo na kulay dark blue at mayroong panloob na kulay cream na long-sleeved shirt, may pares din itong patterned blue na necktie na lalong nakapagbigay ng pormal na aura sa kanya. His hair was styled in slickback side part, na lalong bumagay sa kanyang squared-shaped na mukha. Lalong naging matikas ang kanyang dating na taliwas naman sa kanyang kabang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung marami man ang humahanga sa kanya, iisang tao lang ang gusto niyang ma-impress sa kanya ngayon, and he is waiting for her like forever.Ito ang araw na pina
It has been three days since the accident happened, and still, Yesha is not waking up. The doctor said that she is already stable, at malayo na sa kapahamakan, but maybe because of the trauma on her head, kaya hindi pa rin siya nagigising. Ini-assure naman si Jake ng mga doctor na walang dapat ikabahala kahit na nasa state of coma pa si Yesha, malalaman lamang kung may komplikasyon ito kung sakaling magising na ang babae. Jake never left Yesha's side during those days, ayaw niyang umalis dahil gusto niyang pagkagising ng babae ay nandoon siya sa tabi nito. Even for a few seconds, ay hindi niya nilisan ang tabi ng dalaga. He put her in the suite room at the top floor of the Mendellin Hospital. Kung saan mas mabilis ang access nito sa lahat ng facilities ng hospital. She was attended by the best of the best in the medical industry. Pero magka-gayunman ay hindi pa rin magawang maniwala ni Jake sa mga ito na okay na si Yesha at ligtas na sa kapahamakan. Jake wanted to see her open her ey
“Magandang hapon po, Sir,” agad na bati ng mga nakaka-salubong ni Jake na empleyado ng University. Halos lahat ng mga tauhan at professor na nadadaanan niya ay nagkukusang gumilid at yumuyukod bilang pagbati sa kanya. Ilag ang mga ito sa kanya, pero hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang tingnan siya ng buong paghanga at kuryusidad. Hindi niya naman masisisi ang mga ito, dahil hindi naman siya araw-araw nakikita ng mga ito na naglalakad sa loob ng University. Bagama't nag-oopisina siya doon ay madalang siyang makita ng mga ito na nasa labas ng kanyang opisina o nakiki-salamuha sa mga empleyado. Kapag napunta siya ng University ay madalas sa private elevator niya siya dumadaan at sa private parking lot naman na nakalaan para lang talaga sa kanya, si David naghihintay sa lumabas kapag uuwi na siya. Kaya naman parang isang napakalaking oportunidad para sa mga empleyado na makita siya ngayong araw na naglalakad mula sa kanyang opisina patungo sa gate papuntang labasan. Wala ni isa man sa m
Kasalukuyang nagla-log out si Yesha ng lumapit sa kanya si Bret. Bahagya lang niyang sinulyapan ang lalaki. Nang matapos siyang mag log out ay ito naman ang sumunod. Kapansin-pansin ang hindi nito pag-imik at parang napaka-lalim ng iniisip. “Is there something wrong?” kapagdaka ay hindi napigilan ni Yesha na tanungin ang lalaki.“Huh?” saad nito sa kanya, mukhang nagulat pa ito ng magsalita siya.“You seemed out of yourself lately. May dinaramdam ka ba?” tanong muli ni Yesha dito. Hindi na niya napigilan ang sariling mag-usisa kay Bret, dahil halos ilang araw na niyang napapansin na parang may bumabagabag dito. She saw kung paanong lagi na lang nitong pinagse-self study ang mga estudyante nito, dahil hindi ito makapag-focus sa pagtuturo. His mind seemed elsewhere, parang lagi itong lutang. Hindi ito ang usual na Bret na nakilala niya. He was usually a jolly and fun guy, kaya kataka-taka para kay Yesha ang biglang pananahimik nito, at pagkawala ng pagka-kulit nito.“I-I am fine,” sag
Claire was lurking in the shadows. Bagamat may suot siyang wig ay pilit pa rin niyang itinatago ang mukha upang hindi siya makilala ng mga taong dumadaan. After all, mas sikat siya ngayon kesa noong siya pa ang mukha ng Valdez Clothing Line. Her face was on the most wanted person’s lists. Silang dalawang mag-ina, kung hindi lang dahil sa tulong ng kanyang lover na si Bret ay malamang wala silang maayos na mapag-tataguan.Being at the house the whole day makes her suffocated. Hindi din nakakatulong ang pagta-tantrum ng kanyang ina. Ang dating well composed na imahe nito at ang sharp na utak upang makapag-isip ng plano ay bigla na lang nag-laho. Her mom was like a kid these days, always whining.Their assets were all frozen, mula sa credit cards niya hanggang sa kanyang savings sa banko. Ang condo unit niya at apartment na nabili nung nasa poder pa sila ng kanyang Papa Romualdo ay naka-lock din. May mga mata ng pulis ding nakabantay sa lugar, kaya wala silang ibang matuluyan kundi sa ma
Unang araw ng paglabas ni Don Romualdo sa ospital. Jake made sure that everything was alright kahit na hindi ito kasama ni Yesha upang sunduin ang ama.Hindi katulad ng unang kita ni Yesha sa ama, ngayon ay mas malakas at mas masigla na ito. Don Romualdo can walk on his own now. Hindi na nito kailangang gumamit ng wheelchair at ng oxygen tank to help him breath. Malayong-malayo na ang itsura nito kesa noon. He looked the same as Yesha remembered him, before the accident happened. Although, medyo payat pa rin ito, pero mas maaliwalas na ang aura nito. “Are you going to stay with me at the house, sweetheart?” tanong ni Don Romualdo kay Yesha habang lulan sila ng sasakyan pauwi sa mansion nito sa Forbes. “The house is too big for me to live alone there,” saad pa nito.“I will, Pa. I need to prepare some arrangements first,” pahayag niya sa ama. “I need to talk with Tita Alice and Ben too, para mag-paalam sa kanila ng maayos,” paliwanag pa niya.“Thank you, anak. Even though I am a failu
Jake was sitting quietly at the balcony ng kwartong ginamit nila ni Yesha. Nag-timpla siya ng kape bago lumabas doon. The truth is ayaw pa sana niyang bumangon at iwan ang napaka-gandang nilalang na natutulog sa kama. He keeps staring at Yesha’s sleeping form, and wondering how lucky he is, seeing her in this vulnerable and beautiful state. She was sleeping soundly, bahagya pa ngang naka-nganga ang labi nito. Habang nakatitig sa labi nito ay muling sumagi sa isipan niya ang matamis at mapangahas na halik na pinagsaluhan nila kagabi. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay hindi niya alam kung hanggang saan sila napunta.He groaned lightly, and shook his head to let out the naughty thoughts that were starting to form in his mind. Bahagyang gumalaw ang dalaga at dahil doon ay tumambad sa kanya ang napaka-kinis na balikat nito. His eyes automatically travelled to the bare skin that was exposed in his eyes, nahinto iyon sa may puno ng dibdib ng dalaga na bahagyang naka-labas din dahil sa
“Love wake up, we are here,” banayad na tinig ang bahagyang naririnig ni Yesha na pumupukaw sa diwa niya. Umungol lang siya pero hindi niya minulat ang mga mata. Ayaw pa niyang gumising dahil napakaganda ng panaginip niya. Inayos pa niya ang sarili sa pagkakasandal hanggang sa maging komportable siya. “Love, kapag hindi ka pa gigising bubuhatin na kita,” saad ni Jake malapit sa tenga ni Yesha. He slightly chuckled dahil tanging ungol lang ang isinagot dito ni Yesha habang inayos pa ang sarili sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki.Sa naalimpungatan na diwa ni Yesha ay narinig niya ang binulong ni Jake sa kanya. Nang dahil doon ay bigla siyang napa-dilat. Her mind was haze with sleepiness, kaya hindi niya mawari kung ano ang unang nakita niya. When her foggy eyes cleared ay bigla siyang napa-upo ng maayos ng ma-realize niyang ang side view ng magandang mukha ni Jake ang nakikita niya. Saka lang niya napag-tantong nakasandal pala siya sa balikat ni Jake. Biglang namula ang mukha ni Yes
Lumipas ang mga araw at linggo na walang naging balita ang lahat lalong-lalo na ang mga kapulisan kung saan nag-tago ang mag-inang Clarisse at Claire. Walang mahagilap na trace ang mga pulis kung saan ang mga ito matatagpuan. Naglaho na lang ang mga ito bigla na parang bula. Ayon naman sa mga pulis ay siguradong hindi makakalabas ng bansa ang mag-ina, dahil sa mayroon ang mga itong hold departure order na isinampa din ni Jake upang masiguro na mahuhuli ang mga ito, at hindi makapunta sa ibang bansa.Sa kabilang banda naman ay naging mabilis ang pag-galing ni Don Romualdo. In a few days ay muling bumalik ang sigla nito at unti-unting nakakabawi ang kalusugan sa gabay na rin ng mga health experts ng hospital ni Jake. Meron na rin itong sariling bodyguard at private nurse na si Jake mismo ang nag-rekomenda. Napagpasyahan ni Yesha na kapag tuluyang gumaling na ang ama ay ipakikilala niya ito sa mga anak. She didn’t told her father yet about the kids, naghihintay siya ng tamang panahon u